A Blueberry Fruit Juice
Christian Niccoló Quintieri, labing-anim na taong gulang, kilala sa bansag na "The Rich Delinquent". Makulay na buhok, mga hikaw sa kanyang taenga, mga singsing sa mga daliri, at ang matabil na pananalita - walang guro pa ang nakakatagal sa kanya. Lahat sila ay sumuko na sa pagtuturo sa kanya. Sa hanggang inilagay siya sa pangangalaga ni Elias. Nagloko siya, pero mas maloko si Elias. Matabil siya, pero mas matabil si Elias. Lahat ng katarantaduhang kaya niyang gawin ay mas nalalampasan pa ni Elias. Ito ay marahil sa pareho sila ng pinagdadaanan - pareho sila ng kinatatakutan. Ang pinagkaiba lang ay may karanasan si Elias kaysa sa kanya.
Takot silang maniwala, takot silang magtiwala. PISTANTHROPHOBIA - the fear of trust.
"Then let's talk about a topic from the Republic of Plato..." Nakinig ang lahat kay Elias. Walang nag-iingay o nagbalak na matulog sa klase niya sa dahilang interesado ang lahat na makinig. Kahit anong asignatura ang tinuturo niya; matimatika o english, pisika o kasaysayan, sining at pilosopiya - lahat ay naituturo niya sa madaling paraan at naiintindihan.
Pero sa ngayon, hati ang atensyon ng mga etudyante na kung hindi nakatingin kay Elias ay sa baliktad na bahagi ng kwarto nakasilip. Nasa likuran nakaupo ang dalawang magkaibang tao - si Christian na suot suot ang pormal na uniporme pero nagmumukhang tambay at si Edison na kahit pambahay ang suot ay mas pormal at desente pang tignan. Ngumunguya ng bubble gum si Christian na ipinapahinga ang ulo sa kanyang palad habang nakasandig sa may pader. Diretso naman ang upo ni Edison - yun bang breast out, stomach in, feet flat on the floor- na ipinapakita na nakikinig siya sa klase.
"Plato believes that our world of reality is divided into two regions - the world of senses and and the world of ideas. From the world of ideas, we perceive reality using our fives senses: sight, smell, hearing, taste, and touch, which is according to Plato has only an approximate perception to reality. Meaning, ang realidad na nakikita ng ating mga pangdama ay hindi perpekto dahil sa ito ay ang pananaw ng ating pakiramdam na sinasabing hindi rin perpekto. And in the sensory state, we view the world as changing, seeing the things flow with time, nothing is permanent as things keep on moving in and passing out," paliwanag ni Elias na isinulat ang mga mahahalagang salita sa pisara.
"The second region is the world of ideas. Plato believes that in this state we can find the real and true knowledge with the help of our reasons. The world of ideas is something that cannot be explained by our senses - it is something that we can't just simply see, or hear, or something that we can teach. Ideas are formed independent from our senses, which is said to be eternal and immutable. Ang mundong kinabibilangan ng mga idea ay walang katapusan dahil ang nag-iisang katotohanan ay hindi namamatay at hindi nalilipasan ng oras," tinignan ni Elias ang klase na kinakain pa ang kanyang sinasabi. Hinanap ng kanyang mga mata ang mukha ng mga estudyante at ito ay huminto sa dalawang binata na nasa likod.
"Para mas maintindihan niyo ang gusto kong iparating, Christian," tinuro ni Elias si Christian gamit ang hawak na libro. "Magbigay ka ng simpleng ideya para ipaliwanag ang mga sinabi ko."
"Ako?" Inis na bulong ni Christian sa hangin na tumayo rin naman. Tinignan siya ng mga kaklase niya.
"Now, Plato said that a human being is a dual creature containing both regions on its body. From what I discussed earlier, can you connect the idea together?" Tanong ni Elias.
Nanatiling nakatayo si Christian na tinignan lang si Elias. Nang matapos itong magtanong, tumingin sa kahit anong direksyon si Christian habang kinakamot ang batok. Pagkatapos ng ilang segundo, bahagya siyang tumalon sa kinatatayuan at ibinaba ang kamay na ipinasok sa mga bulsa.
"The world is divided to two regions, and so as the body of human. There's the body that belongs to the sensory world, and the body that belongs to the world of ideas. The physical body belongs to the world of the sensory carrying the same state and fate. Gaya nga ng sinabi mo kanina, ang mundo ng pakiramdam at persepsyon ay nagbabago, dumaraan, at nawawala. Kagay ito ng katawang lupa natin na nakakaranas ng pagbabago, dumaraan, at sa katagalan ay nawawala. This is the world of senses that perceives change, thus, is very unreliable," pinunto ni Christian.
"But we also have the so called thing 'soul' that is said to be immortal and unchangeable. But the soul I'm talking about is not the spirit of a human or whatever that is in religion. Hindi ito kaluluwa na gaya ng inaakala niyo, thought the concept is somehow the same. The soul is the state of reason that is not actually existing and can't be perceived by the senses. And because of that condition, the soul can travel through the 'idea' and be able to attain the real knowledge of things."
Napatango si Elias na nagustuhan ang sagot ng binata. Umupo na si Christian na bumalik sa dating pwesto. Ngayon, si Edison naman ang tinignan niya. Tinuro siya ni Elias gamit ang libro.
"Ikaw, ano ang masasabi mo sa kanyang sagot? May idadagdag ka pa ba?" Tanong ni Elias.
"I'm not actually a fan of Plato if you ask me," sambit ni Edison.
"Nobody is asking if you're a fan of his or not," komento ni Christian.
"He is a rationalist. Why are we talking about people who believes that senses are unreliable? He only believe on reason, what is there to explain?" Banat ni Edison sa sinabi ni Christian.
"This is a Philosophy class, what did you expect? You expect him teaching us calculus?" Lumingon lamang si Christian sa kanya na may malokong tingin.
"Then what is fear that resides people? Was it because of the sense that we perceived, or the idea that we think?" Nilakasan ni Edison ang boses niya nang marinig ng lahat. "You said that our physical body is unseparable to the world of senses, which is changing in every minute, every seconds the time runs - making the details very unrealiable. Then, does it mean that the fear that we feel by our senses were not real, false, and ultimately not true?"
"We are talking about reality here. Why do you always associate things together?" Christian.
Tumayo si Edison sa kanyang kina-uupuan at hinarap ang kanyang mga kaklase na tila ba magde-deklemasyon. "Why are we studying philosophy? Was it to learn something? To know something? To realize what is real? If that so, then, why am I not learning something? Why am I not realizing anything?"
"Tumahimik ka na nga lang diyan. Kung wala kang masagot sa tanong, pakiusap, manahimik ka. Ayaw kong makinig sa mga walang kwenta mong salita. Nililito mo lang kami rito, eh," reklamo ni Christian na binagsak ang kanyang kamay sa mesa. "Alam mong alam ko kung ano iyang pinagsasabi mo kaya maupo ka at maging tahimik. Kung wala kang sasabihing matino mas magandang isirado mo iyang bibig mo. Heh, mga tanong na walang kabuluhan."
"Ano ba ang halaga ng klase na ito kung walang magtatanong?" Tanong ni Edison kay Christian. Inilipat niya ang tingin kay Elias. "Kung ang klase na ito ay nag-aaral ng Pilosopiya dapat nagtatanong ang mga bata sa iyo. Ano ba ang kwenta ng pilosopiya kung walang magtatanong? Ang sagot ay wala rito, nasa ibang asignatura."
Minasahe ni Elias ang kanyang noo na nakikinig lamang sa pinagsasabi ng dalawa. Inasahan na niya ang magiging sagot ni Christian. Oo nga at delenkwente siya, pero matino itong sumagot. Mas matino pa sa mga salitang pinagsasabi ni Edison. Nagsisisi siya tuloy na tinanong pa ito. Sinenyasan niya itong umupo. Ipinagpatuloy niya ang klase na hindi na muling nagtanong sa dalawa.
*****
Dumating na ang alas dose. Maraming estudyante ang nagsilabasan na sa kanilang mga silid-aralan para kumain ng tanghalian. Ang iba na may dalang mga baon ay nanatili sa loob ng kanilang silid, o pumunta sa malawak na parang at doon kumain kasama ang mga kaibigan. Ang iba na hindi nagugutom o sadyang walang gana kumain ay natutulog sa isang tabi. Sa mga estudyanteng pera lang ang dala ay agad nagsitakbuhan papunta sa school cafeteria na kung saan laging napupuno sa oras ng kainan. Eto ang sinasabing giyera araw-araw na kung saan nagsisiksikan ang lahat makakuha lamang ng mura pero masarap na pagkain.
Napasipol si Edison nang makita ang mga estudyanteng halos nagma-martial arts nang tumakbo papasok sa cafeteria. Napaisip siya kung gaano siya ka-swerte na nasa tabi niya si Reed na syang laging nagluluto ng kanyang agahan, tanghalian, meryenda, hapunan, at kahit midnight snack. Pupunta siya sa Cafeteria ngayon para lang kumain dahil sa hindi siya komportable sa silid lalong lalo na na kasama niya si Reed.
"Hindi ko alam na totoo talaga ito. Magulo pero nakakatawa," ngisi niya.
"Wala na akong nakikitang bakante," sabi ni Reed na medyo nanibago sa ngiting ibinibigay ni Edison. "Mukhang kailangan na nating maghanap ng ibang lugar."
"Ahmmm..." Inikot ng tingin ni Edison ang paligid, pilit na tinitignan ang mga lamesang nakadikit sa mga upuan, isa-isa, sa pagitan ng mga taong umuukupa nito. Sa unang pagkakataon na sadyang kanyang pinagmasdan, napansin niya ang halo-halong mga tao na may mga bituin sa kanilang mga kwelyo. May dalawa, mayroon ding tatlo, naghahalo sa iisang lugar.
"Nakapagtatakang naghahalo ang mga estudyante sa lugar na ito," sabi ni Reed na tila ba nabasa ang iniisip ni Edison. "Hindi ba kakaiba?"
"Tama ka," pagsang-ayon ni Edison. Pinagpatuloy niya ang paghahanap nang may nakita siyang isang mesa na bakante. Hinila niya ang siko ni Reed at tinuro ang lamesa. "Mukhang may bakante pa doon."
Agad napansin ng mga estudyante ang bagong lipat dahil sa kakaiba nitong damit. Hindi nila maiwasang tignan ang mukha nito na ginuhitan ng magagandang mga mata, matangos na ilong, at matamis na ngiti. Napapahinto ang nakakakita sa kanya na tila ba nahuhulog sa kanyang mapang-akit na patibong gamit lamang ang kanyang kagwapuhan. Isang babae pa nga ang kanyang kinindatan na halos mahimatay sa katabi. Napuno ng bulung-bulongan sa paligid na walang ibang pinag-uusapan kundi si Edison. Sa isang iglap lang, siya na ang atensyon ng lahat.
Narating na ni Edison ang bakanteng upuan. O baka hindi. Isang lalaki ang kanyang nakitang kumakain ng mag-isa sa isang pang-anim na tauhang lamesa. Nakayuko itong kumakain na marahil hindi napansin ang pagdating ni Edison. May ibang mga taong dumaraan sa mesa pero sadyang iniiwasang umupo rito sa isang dahilan. Isang ngisi ang binitawan ni Edison na itinago sa bulsa ang mga kamay.
"Can I sit here?" Tanong ni Edison. Apat na salitang nagpatahimik sa maingay na cafeteria. Hindi pa nila kilala si Edison, pero kilala nila ang lalaking mag-isang kumakain. Hindi nakinig si Christian. Wala siyang paki-alam.
"O baka nakaupo rin rito ang lima mong anino kaya wala ng pwesto?" Dagdag ni Edison.
"Ano na naman ba?" Padabog na ibinaba ni Christian ang kustara niya sa plato.
"Kung pwede lang sana ay makikiupo lang ako," sagot ni Edison. "Kung pwede."
"Umupo ka! Bakit, ako ba may hawak sa upuan?" sarkastikong banat ni Christian.
"Thank you," at umupo si Edison.
Tumabi si Reed kay Edison na inilapag ang pagkain. Nakatingin sa kanya si Christian na pinapanood siya sa kanyang ginagawa.
"Ah, may problema ba?" Tanong ni Reed na sadyang di komportable sa panonood na ginagawa ni Christian.
"It's been so long, like eight years?" tango ni Christian na sumubo ng pagkain. "I never thought that you will still be together."
Nagtaka si Reed sa sinabi ni Christian. "Pardon, do I know you?"
"Hmmm?" Bahagyang napahinto si Christian habang mabagal na nginunguya ang pagkain. Tinignan niya si Reed at napansin ang pagkunot ng noo nito. Inilipat niya ang tingin kay Edison na napakibit-balikat. Hinila niya palapit ang bowl sa sarili at sumandal papalapit sa gitna ng mesa. "What is this?"
"Might be because of your piercing," tinuro ni Edison ang sariling taenga. "You look retarded."
"It's you who looks horrible," ikot mata ni Christian na umatras at binaling sa pagkain ang atensyon. Humikab naman si Edison.
"Bakit? Magkakilala ba kayo?" Patuloy na pagtanong ni Reed. Tinitigan muna siya ni Edison na nililiit ang mga mata. Isinandal niya ang kanyang siko sa mesa at ipinamahinga ang mukha sa kamay.
"You know him," sagot ni Edison.
"Shut up," pabulong na utos ni Christian.
"I know him? How?" Reed.
"Yeah, way back to the old days," Edison.
"Shut up," Christian.
"What old days?" Reed.
"The old days... you know, that event eight years ago..." Edison.
"Will you please shut up? He doesn't remember me so it's okay," Christian.
"Will you please shut up he doesn't remember me so it's okay," gagad ni Edison sa sinabi ni Christian.
Natapos na sa pag-aayos ng hapag si Reed. Ngayon, tumaas ang kuryusidad niya sa pinag-uusapan ni Edison at sa lalaking ngayon lang niya nakita. Hindi niya ito kilala, at di rin pamilyar ang mukha. Sinubukan niyang alalahanin ang mga taong nakilala ni Edison pero wala siyang natatandaan na may parehong mukha. Tinignan niya si Edison na nagsimula nang kumain. May kinuha siya mula sa bulsa sa loob ng kanyang suit at iniabot kay Christian.
"My name is Jared McIntosh," pakilala ni Reed. "I am this guy's manservant."
"I know..." Isang tingin lang ang ibinigay ni Christian na hindi tinanggap ang business card. Ibinalik ito ni Reed sa kung saan niya kinuha.
"How did you know me? Have we met before? What is with this eight years ago?" Dagdag na tanong ni Reed.
"It doesn't matter if we met or not if you can't remember me, right?" Napatahimik ni Christian si Reed sa isang sabihan lang. Hinarap niya si Edison para hingan ng tulong pero wala itong ginawa.
"Bilhan mo na lang ako ng fruity juice doon sa vending machine," sabi ni Edison na tinuro ang pinto. "Blue berries not strawberry."
Hindi na sumagot si Reed na dali-daling tumayo at umalis. Ang naiwan na lang sa mesa ay dalawa. Tumigil sa pagsubo si Edison na tinuro ang kutsara kay Reed.
"Uy, mas matanda iyon sa iyo. Huwag mo siyang kausapin ng ganon," sabi ni Edison.
"Heh, kung makapagsalita ka akala mo kung sinong mabait eh hindi ka nga gumagamit ng po at opo sa kanya," balik ni Christian.
"Siyempre, ako ang amo niya. Kailangan niya akong sundin eh ikaw? Isa ka lang namang hamak na taong hindi na niya nakikilala," pabarang sambit ni Edison na sumubo ng buong kutsarang pagkain.
"Ikaw kaya may kasalanan. Hindi niya ako naaalala diba? Ano pa ang relasyon ko sa kanya?" Hinarap ni Christian si Edison. Tinuro turo niya si Edison gamit ang nguso niya. "Eh ikaw? Bakit kasama mo pa siya? Hindi ba dapat wala na siya sa puder mo? Diba dapat galit siya sa iyo?"
"Enough," isang matulis na tingin ang ibinigay ni Edison kay Christian. "I don't want to hear anything from you." Yumuko siya uli para sumubo ng ilang pagkain.
"Ah, alam ko na. Kaya pala hindi niya ako natatandaan..." Tango ni Christian sa naisip na sagot sa tanong na ibinigay. Umiiling siya na may kasamang tingin ng pagkamuhi kay Edison. Sumandal siya muli palapit sa gitna ng mesa at pilit dinederetso ang tingin kay Edison na nakayuko. "May ginawa ka sa kanya para makalimutan niya ang mga bagay na tungkol sa iyo sa mga pangyayaring nangyari sa nakaraan. Ayaw mong maalala niya kung ano ang mayroon sa ala-alang iyon. Ano ba ang ginamit mo? Hipnotismo?"
"Tumigil ka. Hindi mo kilala kung sino ang kinakalaban mo," banta ni Edison. Hindi na siya nakangiti, hindi na rin siya sumusubo. Isang naiinis na tingin lamang ang mayroon sa kanya. Umtras si Christian na kinruss ang mga braso na may mayabang na mga ngiti.
"Hindi ako natatakot sa iyo. Wala na akong paki-alam pa sa takot. Pero ikaw?" Sinusungkit ni Christian ang kanyang mga ngipin habang tinatapatan ang makamatay titig ni Edison. Nasa kanya ang panalo ngayon, ramdam niya ang pagkakapanalo sa usapan nila.
"Anong ako?" Ngitngit na tanong ni Edison.
"Ikaw? Wala lang. Sadyang alam ko kung ano ang tumatakbo sa utak mo, sa puso mo. Alam ko kung ano ang nagpapagalaw at nagpapatakbo sa iyo. Alam ko kung bakit ka humihinga, at higit sa lahat," tinuro ni Christian ang sarili niyang puso gamit ang kanyang hintuturo. "Alam ko kung ano ang takot na nakapaloob rito-"
Hindi pa natatapos sa pagsasalita si Christian nang biglang isang kutsara ng basang kanin ang lumipad sa kanyang mukha. Hindi niya ito inasahan pero saktong napapikit siya para di mapasukan ang kanyang mga mata. Nanatili muna siya ng ilang segundo bago gumalaw, pilit na pinoproseso ang mga nangyari. Hinawakan niya ang kanin na napunta sa kanyang mukha at iwinasik ito sa hangin para matanggal.
"At ano naman ang ginagawa mo?" Pagpipigil ni Christian sa sarili na sasakmalin na si Edison.
"Sorry, my hands slipped," ipinakita ni Edison ang kanyang mga palad na may mga ngiti sa labi na agad namang bumaliktad at bumalik sa pagkain. Hindi nagustuhan ni Christian ang ginawa ni Edison at nagbalak na maghigante. Pinitik niya ang nakabukas na mineral water sa tabi niya paharap na nagpatapon sa tubig nito sa mesa. Mabili ang takbo ng tubig na binasa si Edison.
Nabigla si Edison sa biglang basa pero hindi siya agad gumalaw. Tinignan niya muna ang tubig at ang pag-agos nito papunta sa damit at pantalon. Pinagmasdan niya ang basang bahagi ng suot niyang pang-itaas na nasa may dibdib, at ang pangbaba na nasa pagitan ng kanyang mga binti. Kung titignan, tila ba naihi siya sa sariling pantalon. Dahan dahan niyang iniangat ang mukha na hindi nasiyahan sa nakita.
"Ah, sorry, my hands slipped," sabi ni Christian na pinatayo ang botelya na may ngiti ng paghihigante. Napakagat labi si Edison, kinamot ang kaliwang pisngi, tinitignan ang mesa bago tumingin paitaas. Itinaas niya ang kanyang kilay sabay ngiti, ipinapakita ang mapuputing mga ngipin.
"Okay ka rin, ano?" Umalik-ik si Edison.
"Talaga? Okay saan?" Nakitawa rin si Christian.
Hindi sumagot si Edison na tumawa na lang. Tumawa rin si Christian. Nagtawanan ang dalawa kahit walang dahilan. Napahawak si Edison sa kanyang tiyan dahil sa katatawa nang biglang kinuha niya ang isang baunan na may lamang ketchup at mayo na itinapon sa damit ni Christian. Napatigil sa pagtawa si Christian pero patuloy na tumatawa si Edison na natuwa sa ginawa.
"At ano ba at," reklamo ni Christian na inalis ang lalagyan at tinignan ang mantsa na nalagay sa kanyang uniporme. Sinubukan niyang alisin ang pula at dilaw na kulay na dumikit sa damit niya pero nagkalat lamang ito. Tawa ng tawa pa rin si Edison na nagpainit ng ulo niya. Kinuha niya ang lalagyan ng patis na nasa gitna ng mesa at binuksan ito, itinapon sa mukha ni Edison.
Tumigil sa pagtawa si Edison nang maramdaman niya likido na nabuhos sa mukha niya. Maanghang ang kanyang mga mata na binubuksan-sarado niya para maalis. Inalis niya ang likido mula sa mukha gamit ang mga kamay. Nalalasahan niya ang maalat na patis at ang masangsang na amoy nito. Napabahing pa siya ng tatlong beses bago tuluyang naharap si Christian.
"Sa tingin mo nakakatawa ito?" Tanong ni Edison.
"Wala namang tumatawa," nakasimangot na sagot ni Christian.
Nagtinginan muna sila ng ilang minuto bago nagsimulang gumalaw si Edison para gumanti. Kinuha na niya ang buong tupperware at aakmang itinapon ito kay Christian. Nahulaan na ni Christian ang gagawin ng kaharap kaya nakaiwas agad siya. Patawang tinuro niya si Edison sabay saway.
"Heh, alam kong gagawin mo iyon," sabi ni Christian. "Hindi mo ako mahuhulog sa patibong mo sa pangalawang beses."
"Ganoon ba? Ang galing mo naman," sambit ni Edison. Napansin ni Christian na hindi nakatingin sa kanya si Edison, imbes, nakatingin ito sa kanyang likuran na tila ba may pinapanood. Nagtaka si Christian sa ngiti nitong nakakakilabot kaya lumingon rin siya. Malamang makikita niya kung ano ang nangyayari kung di lang sana sa dambuhalang nakaharang sa daanan niya.
Butones ng parehong uniporme ang kanyang nakita. Napalunok siya sabay tingin sa taas para makita ang mukha ng dambuhala. Sa kwelyo nito nakalagay ang apat na bituin, - isang antas na mas mataas sa kanila. Binalik ni Christian ang tingin niya kay Edison na ngayon ay tinuturo siya. Hindi na kailangan ng mga salita para malaman na sa kanya ibinibintang sa pagkaing nasa ulo ng lalaking gugulpi sa kanila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top