A Bit of Trust and Speed

"Calling the attention of the participants for Speed Shooting, please proceed to the Arena right now. Repeat, calling the attention of the participants for the Speed Shooting, please proceed to the Arena right now..."

Napatingin ang lahat sa speaker na nasa dulo ng kwarto. Tinatawag na ang mga manlalaro sa entablado. Malaki ang ngisi ni Edison na patalon na tumayo samantalang itinigil ni Christian ang paglalaro sa PSP. Naglakad na sila palabas ng kwarto kasama sina Elias at Reed na sumusunod sa kanilang tabi. Nandoon rin ang iilang gwardya ni Edison na nagbabantay sa paligid niya.

"The first game is Speed Shooting," ani ni Elias.

Hawak hawak niya ang papel na nagsasaad sa nasabing laro na gagawin nila sa araw na ito. Tatlo hanggang limang araw silang magtatagal sa lugar na ito. At bawat araw ay may nasabing laro na paglalaruan. Nabasa na ng lahat ang nasabing papel pero inulit lamang ni Elias para makita na alam na ng dalawang kalahok ang kanilang gagawin.

"Speed Shooting is a game where the players need to hit a skeet ball that has a speed of fourty kilometers per hour. Each round, five hundred skeets will be released and the players should hit at least half of the said number. Five minutes will be given on each player."

Gaano ba kabilis ang Fourty Kilometers per hour? Sa loob ng isang segundo, kayang lumipad ng skeet sa bilis na labing-isang metro. Mabagal lamang ito kung titignan sa malayong perpektibo. Pero para sa larong ito na kung saan malapitan ang pagtira, mabilis na ang apatnapung kilometro kada oras para mahuli ng mga mata. Mag-iiba ang usapan kung sanay ang mga manlalaro sa target shooting habang gumagalaw ang target.

"Hmmm? Matatamaan niyo kaya ang bilis nito?" Tanong ni Elias sa dalawa.

Nakita lamang niyang nakipag-away ang dalawa sa bunong-braso. Pero hindi pa niya nakitang gumamit ng baril ang dalawa. Maliban sa baril na ginamit ni Christian na naging dahilan kung bakit nandirito sila ngayon.

"Don't worry, if it's my will to win, we will win," sambit ni Edison. "Bigyan mo lang ako ng numero kung ilan ang tatamaan ko at iyon ang gagawin ko."

"Mukhang ang laki ng tiwala mo sa sarili," singhal ni Elias na halos hindi mapantayan ang kahabugan na ipinakita ni Edison.

"I'm a dog who bites," ngisi ng binata. "I'll do the effort of playing and everyone will bow down to me."

"Said the person who only played FPS games (First Person Shooter)," sabat ni Christian.

"FPS?" Tanong ni Elias.

"You didn't know?" Sabi ni Christian. "Well, it's a shooting game in consoles. Bale iyan ang nakikita mong shooting games sa arcade at sa computer."

Then meaning Edison has no experience with a gun. Tinignan ni Elias ang mayabang na bata. Napakibit balikat si Edison na ipinapakita na hindi naapektuhan sa komentong ibinigay ni Christian.

"Humor me," ngisi ni Edison. "Alangan naman hahayaan nila akong humawak ng baril."

Sabay napatingin sina Elias at Christian kay Reed. Sumang-ayon sila kay Edison sabay isip na hindi pala pwedeng humawak ng baril si Edison. Lalong lalo na walang takot niya itong ipuputok sa ulo niya. At mukhang hindi nga gusto ni Reed na ipahawak kay Edison ang baril na gagamitin sa laro na ito dahil mapanganib. Pero wala naman siyang magagawa kundi ang sumunod na lang.

Ipinagpatuloy ni Elias ang pagbabasa.

"Each team is allowed to have six players all through out the game, however, only four participants will play a single game. Once defeated, the player will be eliminated to the whole events and one of the two reserve players will be playing in exchange..."

"Six players..." Binilang ni Edison ang sarili niya at si Christian. "Hindi naman siguro ako nagkakamali pero dalawa lang ang bilang namin."

"Dalawa lang nga tayo," sabat ni Christian.

"Dalawa lang talaga kayo," dagdag ni Elias.

"Tama, dalawa lang kami," tapos ni Edison.

Ibig sabihin, kung matatalo ang isa sa kanila sa mga laro na ibibigay malaki ang tyansa na isa na lamang sa kanila ang magpapatuloy. At nasabi rin sa patakaran na oras na nawala ang lahat ng miyembro ng bawat grupo at hindi na makakalaro pa, sila na ang kukuha sa huling pwesto at ang paglalabanan na lamang ng mga kalahok ay kung sino ang mauuna, pangalawa, at ang pangatlo.

""In this game, only twelve players will proceed to the next round. The players having the lowest scores will be eliminated. In case of a tie, the winner will be decided through toss coin. And if in the case where there a lot of players who will get the perfect score will follow the first win first score basis..."

"Mayroong apat na schools. Anim bawat isa sa kanila. Apat ang maglalaro. Ibig sabihin mayroong labindalawang kalaban. Idagdag mo pa kami.. labing apat. Dalawa ang matatanggal," bilang ni Edison.

"Mas malaki ang tyansa na makapasok kayo kahit nasa hulihan," sabi ni Elias.

"Huh? Sino may sabi na mahuhuli kami? Ako ang mauuna na makakatapos sa larong ito," ani ni Edison.

"Gaano ba talaga kalaki ang bilib mo sa sarili?"

"I told you, I'm a dog that bites. Watch me win this easy game."

Unang makakalaban nila Edison at Christian ay ang mga kalahok na pumangalawa sa nakaraang patimpalak. Sila ang mga kababaihan na galing sa Red Falcons Preparatory School. Dahil sa apat ang maglalaro sa kanila, tigda-dalawa ang kalaban nila Edison at Christian sa kanila. Kung sino man ang makakuha ng pinakamaliit na puntos sa round na ito ay manganganib na matatanggal sa laro.

Sila ang unang kalahok at susulong sa laro. Kaya kung masyadong mababa ang nakuhang numero, at sabihin na lang na mas magaling ang susunod na isasalang, mawawala agad ang mga manlalaro sa unang salang pa lang. Magdadala ito ng kahihiyan sa mga manlalaro at sa pangalan ng eskwelahan. Pero hindi man lang natakot si Edison habang iniisip ito.

Greater risk, greater return.

Nakarating na sila sa Arena. Nakita lamang nila ang lugar na ito mula sa viewing deck. Pero ngayon na nandito na sila mismo nakatapak, masasabi na mas malaki ito sa inaasahan. Napatingala na lamang sila Elias at Reed na inikot ng tingin ang paligid. Samantalang ang dalawa at walang emosyon na pinanood ang mga tao na magkagulo nang makita ang mga kalahok.

"Now, I'm feeling like we are just being played," reklamo ni Christian.

"Yeah," sang-ayon ni Edison na humikab.

Dumating na rin ang grupo na makakalaban nila. Nangunguna sa kanila si Madam Q at ang apat na kababaihan na sumusunod sa kanya. Kasama pa rin niya ang singkit na Koreano na sumusunod lamang sa kung saan siya pupunta. Nilapitan ni Madam Q si Elias nang makita niya ito.

"Oh, kayo pala talaga ang unang makakalaban namin," ani ni Madam Q na kumuha sa atensyon ni Elias.

"Madam Q," ang tanging nasambit ni Elias.

Nakita ni Elias ang mga kababaihan na kina-usap niya kanina. Makikita ang distansya ng mga tingin na ibinigay nila sa kanila. Hindi naman kasalanan ni Elias kung bakit ganoon ang nangyari. Kung mayroon man dapat sisihin sa mga pangyayaring iyon...

"Narinig ko ang nangyari kanina. I am really sorry to what my kids did to your players. Minsan talaga umaakyat sa ulo nila ang kasikatan," sabi ni Madam Q.

"Hindi niyo po kailangang humingi ng tulong. May mali rin namang ginawa ang dalawang ito," sabi ni Elias.

"Pero hindi maganda ang ginawa ng mga girls ko. Minaliit nila ang eskwelahan niyo. Phobia is not a joke. Alam ko kasi iyon ang nakita ko sa inyo ni Jeremy nang naging mga estudyante ko kayo..."

Napangisi na lamang si Elias. Anong alam mo? Ni wala ka ngang Phobia para maintindihan mo kami...

"Kung gayon, hihingi na rin ako ng patawad. Sadyang pilyo lamang ang mga batang ito. At kung kayabangan ang pag-uusapan, masasabi kong napuno na ng hangin ang mga ulo ng mga manlalaro ko," ani ni Elias.

OO nga at malapit sina Elias at Jeremy kay Madam Q, Pero hindi kayang tiisin ni Elias na makasama ang dating guro nila. Masasabing gusto niya ang idelohiya nito. Pero ang tiwala na ibinigay niya kay Jeremy ay mas higit pa sa guro na ito. Hanggang guro at estudyante lang talaga ang magiging relasyon nila.

Habang kausap ni Elias si Madam Q, naglalaro naman ng jack en poy sina Edison at Christian. Ngayon, isa lamang sa kanila ang maglalaro sa unang entablado. Kaya napagdesisyunan nilang gamitin ang jack en poy para malaman kung sino sa kanila ang unang sasalang. Walang duda na mananalo si Edison. Pinili niya na maglaro sa pangalawang pagkakataon at pauunahin si Christian sa entablado.

"Set one players, be ready on the platform..."

Pumunta sa spectator's feild sina Elias at ang kasamang grupo. Nasa dock sila na kung saan maghihintay ang mga susunod na manlalaro na matapos ang nauna sa kanila. Katulad nito ang observation deck na nasa itaas. Maliban lamang na mas maliit ito at bilang lamang ang mga upuan na kayang pagkasyahin ang dalawangpung tao.

Sa harapan si Edison na sumandal sa railings ng dock. Ipinahinga niya ang kanyang uluhan sa kanyang mga braso habang kinakagat ang kuko niya sa hinlalaki. Katabi niya si Elias na maayos ang pagkaka-upo na kungtitignan ay parang isang hari sa kanyang trono. Samantalang pormal naman ang ayos ni Reed na nasa tabi lamang niya.

Pinapanood nila si Christian na suotin ang safety equipment kasama ang staff na inayaos ang pagkakalagay nito. Nasa tabi ni Christian ang dalawang kababaihan na tinutulungan rin ng ibang staff na na-assign sa kanila. Nakatayo sila sa isang elevated platform na may mga lamesang nakalagay sa harapan ng bawat manlalaro. Nasa lamesa nakalagay ang iilang baril na gagamitin nila.

Sa kalayuan naman makikita ang net na gagawing harang kung may maligaw na bala. Walang naka-upo sa parteng ito para maiwasan ang aksidenta. Nailagay na rin ang mga makina na maghahagis sa mga skeet balls. Nandoon ang mga nakatalagang tauhan na tinitignan ito sa pangalawang pagkakataon.

Napansin ni Reed ang kakaibang tingin sa mga mata ni Edison habang pinagmamasdan si Christian sa entablado. Nakikita niya ang malagim nitong ekspresyon na tila ba nagsasabi na may masamang mangyayari. Hindi ito napansin ni Elias na nakikipag-usap kay Jeremy sa telepono.

"Edison?" Tawag ni Reed.

"That guy... why is he scared?" Tanong ni Edison sa hangin.

"Hmmm? Anong ibig mong sabihin?"

Hindi siya sinagot ni Edison kahit pa narinig niya ang katanungan ni Reed. Pinagmasdan lamang ni Reed si Edison kahit tumunog na ang hudyat sa simula n laro. Naghihintay siya ng sagot. At gusto niya malaman ito agad. Marahil nagulat na lamang si Reed nang biglang tumayo si Elias sabay malakas na mura sa hangin.

"Oh shit," malakas na sambit ni Elias na halos matapon ang hawak niya na telepono.

Nagtaka si Reed sa mga nasabing reaksyon at tinignan ang platform na kung saan naglalaro si Christian. Laking gulat niya nang makita itong sumukot, isang kamay nakawahak sa kanyang tiyan at ang isa ay tinatabunan ang bibig. Hindi alam ni Reed ang dahilan kung bakit nangyari ito pero makikita ang kakaibang kinikilos ng binata.

"Anong nangyayari?" Tanong ni Reed.

"Sinusumpung siya," ani ni Elias. "Kailangan niya maging kalmado bago mahuli ang lahat."

"Maging kalmado?" Ulit ni Reed na hindi naintindihan ang sinasabi nito.

"What should we do? We can't go there and interrupt them," ani ni Edison na kalmado pa rin ang ekspresyon na kabaliktaran sa nakikita. "And he's wearing a sound proof headphones. We won't be able to call him."

"Kailangan lamang niyang humarap rito," sagot ni Elias. "I know the words to say. He only have to face here and see it."

Isang ngisi ang binigay ni Edison na patalong tumayo sa kinauupuan niya. Yumuko siya para kunin ang isan pares ng sapatos na suot niya. Nagtaka sina Elias at Reed sa ginawa ni Edison na ngayon at handa nang ihagis ang sapatos na kinuha mula sa mga paa.

"Well, we only have to grab his attention, right? Then this is a good chance."

Nagulat na lamang ang lahat nang makita ang isang sapatos na lumipad papunta sa mga manlalaro na nasa entablado. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top