Extra chapter: Side Story - Combat practice part 3. xD

June 22, CS242. Araw ng Lunes at ngayon ay araw para sa combat practice ng class fire-1 sa subject nilang Special Myth. At sa mga oras na ito ay kakatapos lang maglaban nila Jhay-dee at Ayeli. Sa ngayon ay humupa na ang nakakatakot na aura na inilalabas ni Rachelle na labis na tumakot sa buo niyang klase. At sa ngayon ay bumunot na muli ito para sa mga susunod na maglalaban.

“Okay! Ang mga nakabunot naman ng number 14! Pumunta na kayo at pumili ng inyong mga sandata!” Sambit ni Rachelle.

“Whoa! Ikaw na pala, Elle. Galingan mo ah!” Sambit ni Nicole.

“Wag kang mag-alala, mabilis kong tatapusin ang magiging laban ko.” Walang emosyong pagkakatugon naman ni Elle.

 

*** Nicole Floria. 14 years old at siya ang nakababatang kapatid ni Khaye. Halos hindi nalalayo ang pagkatao ni Nicole sa kaniyang ate. Masayahin din ito, mabait, pala-kaibigan at matalino.

Slim ang pangangatawan ni Nicole, nasa 4’9 ang kaniyang taas, kulay apple green at katamtaman ang haba ng kaniyang buhok, maputi din ang kaniyang balat at kahit papaano ay may hinaharap naman. (if you know what I mean :3) ***

*** Elle Nightmiere. 14 years din old at siya naman ang nakakabatang kapatid ni Alex. Katulad ng kaniyang ate ay tahimik lang itong si Elle. Mabait at matalino din siya, mahilig din siyang magbasa ng mga aklat, mangolekta ng mga stuff toys at kahit hindi halata ay malakas siyang kumain. xD

Slim ang pangangatawan ni Elle, nasa 4’9 din ang kaniyang taas, maputi at makinis ang kaniyang balat, maganda din ang napaka-haba niyang puting buhok at parang kinagat ng lamok ang kaniyang hinaharap. (if you know what I mean! :3 Well, Flat is Justice! Sabi nga ni Mayuri ng Steins;Gate. xD) ***

Matapos magsalita ni Elle ay kasabay niyang nagtungo sa lugar kung nasaan yung mga sandata si Roi na siyang makakalaban niya. Ilang sandali pa ay halos sabay na nagtungo ang dalawa sa gitna ng field kung saan sila maglalaban. Isang Scimitar ang napili ni Roi, samantalang isang dagger naman ang napili ni Elle.

“Elle! Galingan mo ah!” Sigaw ni Nicole.

Nilingon naman ni Elle si Nicole, pero hindi niya ito tinutugon at matapos nito ay walang emosyon muli niyang hinarap ang kaniyang katunggali.

 

“Kung handa na kayo ay maaari na kayong magsimula.” Sambit ni Rachelle.

Matapos makuha ang hudyat ay mabagal ng naglakad si Roi patungo sa kaniyang katunggali. Samantalang hindi naman gumalaw si Elle sa kaniyang kinatatayuan.

 

“Hindi ko alam kung ano ang pina-plano niya, pero alam kong hindi basta-basta itong si Elle.” Sambit ni Roi derekta sa kaniyang isipan.

Patuloy na naglalakad si Roi at ilang sandali pa nga ay mabilis niyang sinugod si Elle. Hindi naman na bahala si Elle sa gagawin ni Roi sa ngayon, kaya hindi pa rin ito gumalaw sa kaniyang kinatatayuan. Hindi rin mabatid ni Roi ang nais gawin ni Elle, kaya minabuti nitong ituloy ang gagawin niyang pag-atake.

“** FRONT SHOVE! **” Sambit ni Roi.

Isang mabilis na pag-atake ang pinakawalan ni Roi at mabilis itong kumunekta sa katawan ni Elle.

“Elle!” Nag-aalala ang tono ng pagkakasigaw ni Nicole.

Labis na nagulat ang iba matapos makita na nakatagos sa katawan ni Elle ang sandata ni Roi. Kahit si Roi ay labis ding nagulat sa pangyayari, pero batid niyang may mali dito.

 

“Teka!? Bakit parang wala akong tinamaan?” Sambit ni Roi derekta sa kaniyang isipan.

“Ma’am! Ihinto nyo na po ang laban!” Sambit ni Nicole kay Rachelle.

“Manood ka, hindi pa tapos ang kanilang laban.” Tugon naman ni Rachelle.

Agad namang napalingon si Nicole sa kaniyang kaibigan at dito ay nakumpirma niya ang ibig sabihin ng kanilang guro. Sa mga oras kasing ito ay tumalon si Roi papalayo sa kaniyang katunggali, kaya nakita na nila ang kalagayan ni Elle ngayon. Pero maliban kay Ericka, Ayeli, Zazan at Rachelle ay laking gulat ng lahat matapos nilang makita si Elle.

“Wala siyang sugat?” Nagtatakang pagkakasambit ni Nicole.

Samantala, mapunta naman tayo sa dalawang magkatunggali. Sa ngayon ay kasalukuyan pa rin hindi gumagalaw si Elle. Si Roi naman ay hindi malaman ang tunay na nangyari, kaya hanggang sa ngayon ay nagtataka pa rin ito.

“Bakit parang wala akong tinamaan kanina? Pero kitang-kita ko na tumagos sa katawan niya yung ispada ko. At bakit wala siyang sugat? Ano ba ang nangyayari?” Tanong ni Roi derekta sa kaniyang isipan.

Makalipas ang ilan pang mga sandali ay muling sumugod si Roi, pero katulad kanina ay mukhang walang balak umalis si Elle sa kaniyang kinatatayuan. Mabilis namang nakalapit si Roi at mabilis at sunod-sunod niya itong inatake, pero pawang tumatagos lang sa katawan ni Elle ang mga binibitiwan niyang pag-atake. Ilang sandali pa ay muling napatalon paatras si Roi at muling nag-iisip sa kung ano ba talaga ang nangyayari sa kaniyang katunggali ngayon.

“*Tsk! Bakit tumatagos lang sa katawan niya ang ginagawa kong pag-atake!? Ano ba talaga ang nangyayari sa katawan niya?” Tanong ni Roi derekta sa kaniyang isipan.

Walang maisip na dahilan si Roi sa kung bakit tumatagos lang ang kaniyang mga pag-atake sa katawan ni Elle. Ganito din ang halos lahat ng kaniyang mga kaklase, pero batid nila Ericka, Zazan, Ayeli at Rachelle ang tunay na mga nangyayari.

 

“Whoa! Papaano mananalo nito si Roi kung hindi niya matamaan si Elle!?” Sambit ni Earl.

“Oo nga eh! Hindi ko rin alam kung bakit tumatagos lang sa katawan ni Elle yung mga ginagawang pag-atake ni Roi.” Sambit naman ni Kyle.

 

“Anong klaseng kapangyarihan kaya ang ginagamit ni Elle ngayon?” Tanong naman ni Airen.

Hindi naman magawang magsalita ni Zazan, dahil iba sa kaniyang mga nakikita ang nakikita ng kaniyang mga kaklase/kaibigan sa nangyayaring paglalaban sa pagitan nila Elle at Roi.

“*Tsk! Walang pag-asang manalo si Roi, mabuti pa sigurong sirain ko na ang kapangyarihang pinakawalan ni Elle sa kanilang lahat.” Sambit ni Ericka derekta sa kaniyang isipan.

Makalipas ang ilan pang sandali ay biglang nagulat si Elle na napansin naman ng lahat. Kahit sila Ayeli, Zazan at Rachelle ay nagulat din at kalaunan ay napalingon sila kay Ericka.

 

“Whoa! Patay! Mukhang hindi kasama sila Ayeli at Zazan sa spell na pinakawalan ni Elle. At alam din nilang ako ang nag-cancel ng spell!” Sambit ni Ericka derekta sa kaniyang isipan.

Mabalik naman tayo kay Roi. Laking pagtataka nito matapos makita ang naging ekspresyon ni Elle ngayon.

 

“Ano naman ang nangyari ngayon sa kaniya? Bakit parang naging seryoso siya?” Sambit ni Roi derekta sa kaniyang isipan.

Ilang sandali pa ay binitiwan na ni Elle ang kaniyang sandata at dito ay seryoso na siyang nagsalita.

“** WEAPON PHANTASM! CLAYMORE! **” Seryosong pagkakasambit ni Elle.

Laking gulat ni Roi matapos makitang may isang malaking ispada ang biglang lumabas at kasalukuyan ngayon itong hawak ni Elle.

“Whoa! Saan galing ang sword na yon! At sobrang laki nito!” Sambit ni Kyle.

“Sobrang laki nga! Siguro kasing laki ni Elle ang ispada niya!” Sambit naman ni Earl.

 

“Teka! Teka! Teka! Hindi naman yata patas na gumamit ng tunay na sandata dito diba!?” Sambit ni Roi derekta sa kaniyang isipan.

Ilang sandali pa ay napalingon na si Roi sa kaniyang guro at dito ay nakita niyang mukhang walang balak itong ihinto ang laban. Napalunok na lang siya at sa ngayon ay hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin.

“Ano ang gagawin ko ngayon? Mukhang seryoso na si Elle! Mukhang wala ring balak ang teacher na’ming ihinto ang laban! Hindi ito patas! *Huhuhu..” Sambit muli ni Roi derekta sa kaniyang isipan.

Sa mga sandaling ito ay sumugod na si Elle. Napaatras naman si Roi, dahil hindi na niya alam kung papaano lalaban si Elle. Pero mabuti na lang at agad nagsalita si Rachelle, dahilan upang mapahinto si Elle sa pagsugod nito.

 

“Tama na yan, Ms. Nightmiere. Tapos na ang laban sa pagitan nyong dalawa ni Mr. Maru.” Sambit ni Rachelle.

Agad namang inihinto ni Elle ang gagawin niya sanang pag-atake at kalaunan ay inihagis ang kaniyang sandata sa ere. Labis namang nagtaka si Roi dahil hindi na nito nagawang bumagsak at bigla na lang itong nawala.

 

“Saan na napunta ang ispada niya? Bakit bigla na lang ‘tong nawala sa ere?” Tanong ni Roi derekta sa kaniyang isipan.

Matapos nito ay tahimik ng naglakad patungo sa kaniyang kaibigan si Elle, samantalang si Roi ay tulala pa rin, ngunit ilang sandali pa ay bumalik na rin ito sa pwesto kung nasaan ang kaniyang mga kaibigan. Sa mga oras na ito ay binabalak ng bumunot ni Rachelle, pero bago siya bumunot para sa mga susunod na maglalaban ay may sinabi siya at para ito kay Ericka.

 

“Kung hindi ako nagkakamali ay isa kang mythical shaman ng Chimera, Ms. Enigma?” Sambit ni Rachelle.

Agad naman napalingon ang buong class Fire-1 sa kanilang guro at kalaunan ay napalingon din kay Ericka.

 

“Ako po ba ang tinutukoy nyo, ma’am?” Tanong naman ni Ericka.

 

*Uhm! Ikaw nga at kung hindi ako nagkakamali ay Ericka ang iyong pangalan, tama ba?” Sambit muli ni Rachelle.

 

“Opo! Ako nga po si Ericka Enigma. Pero bakit po?” Tugon naman ni Ericka.

*Hmmm.. Gusto ko lang ipaalam sayo na babawasan ko ang makukuhang mong grado sa combat practice na ‘to. Alam mo naman siguro kung bakit. Tama ba ako, Ericka?” Sambit muli ni Rachelle.

 

“*Gulp! Alam din ni ma’am? Pero sino ba talaga siya akala ko ba isa lang siyang tao?” Tanong ni Ericka derekta sa kaniyang isipan.

Sa mga oras na ito ay labis namang nagtataka ang iba, lalong-lalo na ang mga kaibigan ni Ericka sa mga sinabi ng kanilang guro tungkol dito. At sa nga sandaling ito ay hindi na nga napigilang magtanong ni Airen sa kanilang guro.

 

“Bakit nyo po babawasan ang grade ni Ericka, ma’am?” Tanong ni Airen.

 

“Dahil naki-alam siya sa naging paglalaban nila Elle at Roi.” Mabilis na pagtugon ni Rachelle.

“*Huh!?” Gulat na reaksyon ni Airen.

Agad na patingin ang lahat, maliban kila: Zazan, Ayeli at Elle kay Ericka na kasalukuyan namang nakayuko.

“Totoo ba ang mga sinabi ni ma’am? Pero papaano? Hindi ka naman umalis dito sa tabi na’min ah!” Sambit ni Airen kay Ericka.

Hindi naman nagawang tumugon ni Ericka, dahil agad nagsalita si Rachelle.

“Tama na yan, Airen. Alam ko at alam niya na naki-alam siya sa naging paglalaban ni Elle kanina. Alam ko ring alam ito ni Elle, pero hindi lang niya ito sinasabi, kaya kung maaari lang ay wag mo na siyang tanungin pa tungkol dito.” Sambit ni Rachelle.

Agad namang napalingon ang magkakaibigan sa kanilang guro, dahil wala talaga silang maunawaan sa mga sinasabi nito. Pero sa kanilang nakikita sa nangyayari kay Ericka ay mukhang nagsasabi ito ng katotohanan.

“Wag nyo ng tanungin pa si Ericka, dahil lalo lang lalaki ang kasalanan niya kapag sinagot niya ang mga tanong nyo.” Sambit ni Zazan.

 

“Pero bakit? Teka sandali lang, alam mo ang mga nangyayari, Zazan?” Sambit naman ni Airen.

 

*Uhm! Pero katulad ni Ericka ay hindi ko rin sasabihin sa inyo ang dahilan kung bakit, dahil malaki ang kinalaman nito sa kapangyarihang ginamit ni Elle sa naging paglalaban nila.” Tugon ni Zazan.

Sa mga sandaling ito ay hindi na nagawa pang magsalita ng magkakaibigan at napaisip na lang sila sa kung anong kapangyarihan ang tinutukoy ni Zazan sa kanila.

Ilang sandali pa ay bumunot na nga para sa mga susunod na maglalaban si Rachelle.

 

“Pumunta na sa mga sandata ang mga nakabunot ng number 6.” Sambit ni Rachelle.

Sa mga sandali ito ay nagulat si Ericka, dahil ang numerong kasasambit pa lang ng kanilang guro ay ang kaniyang nabunot.

 

“Ako na pala! *Tsk! Dapat maganda ang mapakita kong laban ngayon.” Sambit ni Ericka derekta sa kaniyang isipan.

Itutuloy xD

Afterwords.

Hindi base sa tunay na appearances ng mga owner ng chars na ito ang description nila. Okay?

(Note: Katulad ng ginawa ni Alex sa naging combat practice nila nung mga 1st year pa sila ang ginawa ni Elle sa naging laban niya kay Roi. Ikinulong niya ang lahat ng kaklase niya sa isang ilusyon na siya lang at ang mga nakatakas dito ang nakakaalam sa mga tunay na nangyayari. Hindi rin nalalayo sa tunay na nangyari sa naging laban ni Alex kay Roby ang nangyari sa naging laban ni Elle kay Roi. Ang akala ng lahat ay nakikipaglaban si Roi at pawang tumatagos lang ang mga binibitiwan nitong mga pag-atake, pero ang hindi nila alam ay nakatayo lang ito habang pinanood ni Elle. Pero nag-iba na ang sitwasyon ng sirain na ni Ericka ang spell na pinakawalan ni Elle, para makulong ang kanilang mga kaklase sa kapangyarihan nito, kaya naman inilabas na Elle ang kaniyang tunay na lakas, which is “Weapon Phantasm”. Sana naunawaan nyo yung story.. hehe.. xD)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top