Chapter 9: Poisedon Tidalsea Olympus.
June 23, CS242. Araw ng martes at sa ngayon ay maagang gumising si Luke, dahil ayaw na niyang mahuli pa sa kaniyang klase.
“Haaaaay! Nagulat talaga ako nung magising ako kagabi! Bakit katabi kong natutulog sila Rein at Lina?” Sambit ni Luke habang siya ay naglalakad.
*** Flashback! :D ***
June 22, CS242. Araw ng lunes at gabi ng mga oras na ito. Nagising si Luke, dahil nakaramdam siya ng gutom. Katulad ng kaniyang nakasanayan ay nag-inat ito habang nakapikit. At sa pagbaba ng kaniyang mga kamay ay may mga pamilyar na bagay siyang nahawakan.
“Whoa! Ang lambot! Pero teka! Pamilyar ang bagay na ‘to sa’kin ah!” Sambit ni Luke derekta sa kaniyang isipan.
Agad napalunok si Luke matapos maisip ang bagay na posible hawak-hawak niya ngayon. At sa mga oras na ito ay dahan-dahan na niyang idinilat ang kaniyang mga mata at ilang sandali pa ay nakumpirma na niya ang kaniyang hinala.
“Li..Li..Li..Lina!?” Gulat na pagkakasambit ni Luke.
“*Ahhhhh!” Matinis na pagkakasambit naman ni Lina. xD
Biglang nagulat si Luke sa naging reaksyon ni Lina, pero ang hindi niya alam ay napa-lakas yung pagpiga niya sa dibdib nito nung nagulat siya. At hanggang sa ngayon ay hindi pa rin niya ito napapansin. xD
“*Hehehe.. Hindi ka pa rin nagbabago Rain.” Nakangiting pagkakasambit ni Lina.
Biglang nag-blush si Luke, dahil na rin sa nakita nitong cute na ekspresyon ni Lina. Samantala, kanina pa rin gising si Rein, pero tanging mga dibdib lang ni Lina talaga ang nahawakan niya. xD
“Sorry kung hindi gaanong kalakihan ang boobs ko ah.” Medyo dismayado ang tono ng pagkakasambit ni Rein.
Nagulat naman si Luke matapos marinig ang boses ni Rein sa kaniyang likuran, kaya naman agad siyang napa-lingon dito.
“Re..Re..Rein? Hindi ka pa rin umuuwi!?” Gulat na pagkakasambit ni Luke.
“Malamang, kasi naman katabi kita ngayon.” Medyo dismayado muli ang tono ng pagkakasambit ni Rein.
Hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin napapansin ni Luke na patuloy niyang hawak-hawak ang dibdib ni Lina, kaya naman nainis na si Rein. Walang pag-aaksaya ay agad nitong kinuha ang mga kamay ni Luke at mabilis na idinikit sa kaniyang dibdib. Nagulat naman si Luke sa ginawa ni Rein. xD
“Re..Re..Rein!?” Gulat muling pagkakasambit ni Luke.
“Pasensya ka na kung medyo flat-chested ako. Pero wag kang mag-alala, dahil lalaki din ito sa hinaharap.” Medyo nahihiya ang tono ng pagkakasambit ni Rein.
Hindi naman nagawang magsalita ni Luke, dahil na rin sa dami ng kaniyang mga inisip sa ngayon. xD
“*Hah..hah..hah.. Sorry, pero mukhang hindi ako naniniwala sa mga sinabi mo, Rein. *Hah..hah..hah!” Nang-iinis ang tono ng pagkakasambit ni Lina.
“*Tsk! Ang Lina na ‘to! Porket nasa kaniya na ang lahat ay masyado na siyang kampante! Makikita mo, balang araw ay maaagaw ko din sayo si Rain!” Sambit ni Rein derekta sa kaniyang isipan.
Pero matapos magsalita ni Lina ay inalis na ni Luke ang pagkakahawak ng kaniyang mga kamay sa dibdib ni Rein at kalaunan ay hinamas-himas na lang niya ang ulo nito. Medyo nabigla naman si Rein sa ginawa ni Luke sa kaniya.
“Alam mo Rein, hindi bagay sa katawan mo ang malaking boobs. Maging ikaw ay sapat na, kaya sana ay wag mong piliting magbago para lang sa kapakanan ko.” Nakangiting pagkakasambit ni Luke.
Napangiti na lang si Rein sa mga sinabi sa kaniya ni Luke. Pero may hindi magandang ginawa si Lina na labis na niyang kinainis.
“Tama si Rain! Wag mo ng pilitin ang sarili mo para sa kapakanan niya, dahil kaya ko ng punan ang mga bagay na yon.” Nakangiti ring pagkakasambit ni Lina.
Ilang sandali pa ay gulat na napatingin si Luke kay Lina at kasabay ng kaniyang paglingon ay niyakap at kalaunan ay hinalikan siya nito. Gusto sanang itigil ni Luke ang ginagawa ni Lina, pero hindi niya ito magawa, dahil isa siyang lalake. xD
Sa mga oras na ito ay labis ng naiinis/naiinggit si Rein, dahil kanina pa niya ito gustong gawin nung mga oras na natutulog si Luke. Pero wala siyang makuhang tyempo dahil kay Lina. xD
Nagtagal ng halos walong segundo ang ginawang paghalik ni Lina kay Luke. At kahit na nakasanayan ng gawin ito ni Lina sa kaniya ay hindi pa rin niya maiwasang magulat.
“Lina!? Hindi ba’t sinabi ko na sayong wag mo na akong nanakawan ng halik?” Medyo inis ang tono ng pagkakasambit ni Luke, pero hindi pa rin naalis ang pagka-pula ng kaniyang mukha. xD
“Sorry, pero nagustuhan mo naman, diba?” Nakangiting pagkakasambit naman ni Lina.
“O..o.. Pero! Mali yon eh! Kaya please lang wag mo na yong ulitin ah!” Medyo inis muling pagkakasambit ni Luke. xD
Sa mga oras na ito ay hindi na mapigilan ni Rein ang galit, pagka-inis at inggit. Hanggang sa ngayon kasi ay nakayuko ito.
“Rein, pasensya ka na dito kay Lina ah! Kahit ako ay nagugulat din sa mga pinag-gagawa niya eh.” Sambit ni Luke kay Rein.
Pero matapos magsalita ni Luke ay labis itong nagulat sa ginawa ni Rein sa kaniya. Agad kasi siyang hinalikan nito at sa labis na pagkagulat at sari-saring iniisip ay hindi na nagawang tumanggi ni Luke sa grasya. Pero may ginawa pa si Rein na hindi inaasahan ni Luke at ito ay ang pagkuha sa kaniyang kanang kamay na kalaunan ay ipinahawak ni Rein sa pagitan ng kaniyang mga hita. Sa mga oras na yon ay hindi na kinaya ni Luke ang mga nangyayari sa kaniya, kaya naman nawalan na siya ng malay. At ng gabing iyon ay hindi na niya nagawa pang kumain. xD
*** Flashback end’s here. xD ***
Mabalik tayo kay Luke, kasalukuyan pa rin siyang naglalakad pero namumula ang kaniyang mga pisngi, dahil naalala niya ang mga nangyari sa kaniya kagabi. xD
“Hindi talaga ako makapaniwala sa ginawa ni Rein kagabi. Ganon ba talaga siya, kahit dati pa? Naalala ko din tuloy nung hinalikan niya ako nung malaman niyang ako si Zenon. Haaay! Ang mabuti pa ay ituon ko na lang ang sarili ko sa mga plano na’min nila ama.” Sambit ni Luke.
Matapos magsalita ni Luke ay bigla siyang napahinto at napatitig sa isang babae na nagdidilig ng mga bulaklak sa isang flower shop.
“Ang babaeng yon, bakit parang ka-aura niya si Ms. Eclaire?” Sambit muli ni Luke.
Ilang sandali pa ay may tumawag na matandang lalake dun sa babaeng nakita ni Luke.
“Sophia! Pagkatapos mo dyan ay pumasok ka na sa school ah!” Sigaw ng isang matandang lalake.
“Okay po, master!” Tugon naman nung babae.
Matapos tumugon nung babae ay napatingin ito kay Luke. Nagkasalubong naman ang kanilang mga mata, kaya napangiti yung babae. Nabighani naman si Luke sa mga ngiti nung babae, kaya hindi na naalis ang tingin niya dito hanggang sa maka-pasok na ito sa loob nung flower shop.
Ilang sandali pa ay nagsimula na muling maglakad si Luke patungo sa kanilang paaralan, pero hanggang sa ngayon ay hindi maalis sa kaniyang isipan ang aurang naramdaman niya sa babaeng nakita niya kanina.
“Sino kaya siya? Sophia? Yun nga kaya ang pangalan niya?” Sambit ni Luke derekta sa kaniyang isipan.
Lumipas pa ang ilang mga minuto ay narating na ni Luke ang campus at hanggang sa ngayon ay iniisip pa rin niya yung babae. At dahil dito ay hindi niya napansin na sila Mark at Annie nap ala ang nasa kaniyang harapan.
“Ano kaya ang nangyari sa combat practice nila Zazan kahapon?” Tanong ni Annie kay Mark.
“Yun nga din ang gusto kong malaman eh. Ang text kasi sa’kin ni Aron kahapon ay ayaw daw sabihin ni Airen ang mga nangyari sa combat practice nila.” Tugon naman ni Mark.
Sandaling napahinto sila Mark at Annie sa paglalakad, dahil may nahulog na gamit itong si Annie. At ng pulutin na niya ito ay napansin na niya ang lalakeng na nasa kaniyang likuran, si Luke.
“*Eh!? Rain?” Gulat na pagkakasambit ni Annie.
Dali-dali namang napalingon si Mark sa lugar kung saan nakatingin si Annie at laking gulat din sa kaniyang nakita. Hindi niya nagawang magsalita, dahil na rin sa labis na pag-iisip. Samantala, sa mga oras na ito ay laking gulat din ni Luke sa kaniyang mga nakita, pero hindi niya ito ipinahalata.
“Sila Mark at Annie! Dapat hindi nila malamang ako si Rain!” Sambit ni Luke derekta sa kaniyang isipan.
“Rain!? Ikaw nga ba si Rain Esfalls!?” Gulat pero mahinang pagkakatanong ni Annie kay Luke.
Matapos marinig ni Luke ang mga sinabi ni Annie ay lumingon ito sa kaniyang paligid at matapos noon ay nagsalita na siya.
“Pasensya na, pero ako ba ang kinakausap mo?” Tanong ni Luke kay Annie.
Nagulat naman ang dalawa matapos marinig ang mga sinabi ni Luke.
“*Uhm! Hindi ka ba talaga si Rain?” Tanong muli ni Annie.
“Pasensya na ulit, pero wala akong ideya sa mga sinasabi nyo. Pero may mga kaklase akong napagkamalan din akong si Rain Esfalls.” Tugon ni Luke.
“Mga kaklase? Sila David Hegantes at Melisa Oceanus ba ang tinutukoy mo?” Tanong naman ni Mark.
“Oo, sila na nga. Maitanong ko lang, kamukha ko ba talaga yung Rain Esfalls na sinasabi nyo? Hindi ko kasi siya kilala eh.” Tugon naman ni Luke kay Mark.
“*Uhm! Sobrang laki ng pagkakamukha niyo. Ngayon tuloy nagdadalawang isip ko kung si Rain nga ba si Zazan o hindi.” Sambit muli ni Annie.
“Zazan? Sino naman yon? Haaay! Alam nyo, wala ako talaga akong ideya sa mga sinasabi nyo. *Um.. Pwede na ba akong umalis? Baka kasi ma-late ako sa klase ko eh.” Sambit muli ni Luke.
“*Ahh! Sorry, sorry! Sige pwede ka ng umalis.” Sambit muli ni Annie.
“Salamat.” Sambit muli ni Luke.
Matapos magpasalamat ay nagsimula ng maglakad si Luke papasok sa loob ng kanilang campus. Pero mga ilang hakbang pa ay napahinto siya, matapos marinig ang mga sinabi ni Mark.
“Sandali lang, maaari mo bang sabihin ang pangalan mo?” Tanong ni Mark.
Agad napalingon si Luke at nakangiti na itong tumugon.
“Luke. Luke Ainsgate.” Nakangiting pagkakasambit ni Luke.
Matapos magsalita ay muli ng nagsimulang maglakad si Luke. Hindi naman naalis sa mga isipan nila Mark at Annie si Luke, dahil mas kamukha nga nito si Rain kung maikukupara nila ito kay Zazan. Lumipas pa ang ilang mga minuto at halos malapit ng magsimula ang unang klase. Sa loob ng classroom ng class lightning-3, pumasok na ang guro nila sa Math na si Mr. Darius Civerb.
“Class, gusto ko lang malaman na may bago kayong kaklase at nanggaling pa siya sa mundo ng mga tao.” Sambit ni Mr. Darius.
“Whoa! May bago tayong classmate?” Masayang pagkakasambit ni Katherine.
“Sana boy siya!” Sambit naman ni Thara.
“Tumahimik nga kayo!” Sambit naman ni Eucy.
“Sos! Palibhasa kaklase na’tin si Aron, kaya ganyan ka magsalita.” Sambit muli ni Thara.
“Tumahimik muna kayo at nandito na siya. Sige, pumasok ka na Sophia.” Sambit muli ni Mr. Darius.
“Ay babae!” Dismayadong pagkakasambit ni Thara.
Ilang sandali pa nga ay pumasok na sa loob ang bagong transfer student at kalaunan ay nagpakilala.
“Good morning. Ako nga pala si Sophia Eldritch. Sana po ay maging mabuti kayo sa’kin.” Medyo nahihiya ang tono ng pagkakasambit ni Sophia.
Bigla namang natuwa ang mga kalalakihan ng class lightning-3, dahil magandang ang bago nilang kaklase.
*** Sophia Eldritch. 18 years old at sa ngayon ay hindi tukoy ang kaniyang katauhan, ganon din ang kaniyang personalidad.
Slim at maganda ang pangangatawan nitong si Sophia, nasa 5’4 ang kaniyang taas, maputi at makinis ang kaniyang balat, mahaba ang silver niyang buhok At bengga! Ang nice ng kaniyang hinaharap. (if you know what I mean! :3) ***
“Ang mabuti pa ay pumili ka na sa mga bakanteng upuan, Sophia.” Sambit muli ni Mr. Darius.
“Okay po.” Tugon naman ni Sophia.
Ilang sandali pa nga ay naupo na si Sophia sa isang bakanteng upuan na hindi kalayuan sa kinauupuan ni Aron. At matapos naman maka-upo ay nagsimula na sa kaniyang pagtuturo si Mr. Darius.
Samantala, mapunta naman tayo sa flower shop kung saan ngayon nanunuluyan sila Sophia at ang kaniyang master. Kasalukuyang nagwawalis sa may harapan ng shop itong si Poseidon.
“Kamusta na kaya ang batang yon? Sana naman okay lang siya sa paaralan ng kapatid ko. Pero sandaling panahon na lang at ang batang yon ang tatapos sayo, Zeus.” Sambit ni Poseidon habang nakatingin sa kalangitian.
Mapunta naman tayo ngayon sa lugar kung saan nagkukuta ang Yami clan. Kasalukuyang nakikipag-usap ngayon silaTyki at Irish dito kay Zilan.
“Master Zilan, walang duda pong si Zazan ang ika-limang reincarnation ni Zenon.” Magalang na pagkakasambit ni Tyki kay Zilan.
“Sang-ayon ako kay Tyki. Taglay ng batang yon ang mga skill ng isang phoenix.” Sambit naman ni Irish.
“Magaling, mabuti naman at nahanap na din na’tin ang aming kapatid. Tyki..” Sambit naman ni Zilan.
“Bakit po master?” Magalang na pagtugon ni Tyki.
“Ipagpatuloy nyo ang pagsubabay sa kapatid ko at alamin nyo kung sino ang mga kasama niya at kung saan ito tumutuloy ngayon.” Sambit muli ni Zilan.
“Tungkol po sa bagay na yan. Alam na po na’min kung saan siya tumutuloy at ito po ay sa isang dorm na hindi kalayuan sa Olympus university. Sa ngayon po ay mag-isa siyang nakatira doon, kaya po hindi na’min alam kung sino ang kaniyang mga kasama.” Tugon muli ni Tyki.
“*Hmmm.. Mukhang batid ng mga kumuha kay Zenon na aalamin na’tin kung sino sila. Pero ano naman kaya ang pakay nila at inilabas agad nila ang kapatid ko?” Sambit muli ni Zilan.
“Kami na po ang bahalang umalam sa bagay na yan, master.” Sambit muli ni Tyki.
“Magaling at maraming salamat, sige makakaalis na kayo.” Sambit muli ni Zilan.
Matapos magbigay ng kautusan ni Zilan ay nagsimula na ngang maglakad papalabas ng base sila Tyki at Irish, pero sandali silang napahinto matapos nilang marinig si Zelin.
“Sandali lang, sasama ako. Gusto kong makita ang bagong Zenon.” Sambit ni Zelin.
“Kayo po ang masusunod.” Tugon naman ni Tyki.
Mabalik tayo sa Olympus university. Makalipas ang ilang mga oras at sa ngayon ay kasalukuyan ng sabay-sabay kumakain ang magkakaibigan sa Special Zone area sa may cafeteria. At habang kumakain ay nag-uusap sila. xD
“David, nakita na na’min ni Annie yung tinutukoy nyong kamukha ni Rain, si Luke Ainsgate.” Sambit ni Mark kay David.
“Talaga? Kamukha din siya ni Rain diba?” Sambit naman ni Melisa.
“*Uhm! At parang kahawig nga din ng boses ni Rain eh. Nagdududa tuloy ako sa pagkatao non.” Sambit naman ni Annie.
“Kahit nga kami ni Melisa eh. Pero isa talaga siyang tao.” Sambit naman ni David.
“At paano mo naman natiyak na tao nga siya?” Tanong naman ni Aron kay David.
“*Eh kasi napagkamalan din siya ni Sese na si Rain, kaya naman sinuntok agad niya si Luke. Ayun! Tumilapon siya at nagtamo ng mga pinsala at nawalan pa siya ng malay.” Sambit muli ni David.
“Talaga? *Hmmm.. Gusto ko din tuloy makita itong Luke Ainsgate na sinasabi nyo.” Sambit naman ni Selina.
“Ako din.” Walang emosyong pagkakasambit naman ni Alex.
Ilang sandali pa ay dumaan sa kanilang harapan si Krystine, kasama ng kaniyang mga kaibigan na sila Aicy, Rein, at Khaye. At narinig din nila ang mga pinag-uusapan nila Mark.
“Si Luke ba ang tinutukoy nyo? Nakita ko siya don sa may right side ng cafeteria.” Sambit ni Krystine.
Biglang napalingon ang magkakaibigan kay Krystine. Bigla namang nabahala si Lina, dahil sa ngayon ay ayaw pang makita ni Luke ang kanilang mga kaibigan.
“Sinong Luke? Yung kamukha ni Rain?” Tanong naman ni Khaye kay Krystine.
“*Uhm!” Tugon naman ni Krystine.
“*Ahh! Yung kasama ni Carl na kumakain! Nagulat nga din ako don eh, kamukha nga kasi siya ni Rain. Pero may kasama pa silang isang babae at masasabi kong maganda siya.” Sambit naman ni Aicy.
Biglang napatingin si Lina kay Aicy, dahil nagulat ito sa kaniyang narinig. Ilang sandali pa ay napatingin din ito kay Rein at dito niya nakumpirmang nagsasabi ng totoo si Aicy, dahil na rin sa inis na ekspresyon ng mukha nito.
“Nakilala ko na din si Carl at kaibigan daw siya ni Luke eh. Pero yung girl na kasama nila, parang ngayon ko lang yon nakita.” Sambit muli ni Krystine.
Sa mga oras na ito ay hindi magawang magsalita ng makakaibigan, dahil na rin sa seryoso nilang pakikinig sa sinasabi ng grupo nila Krystine. Pero makalipas lang ang ilan pang mga sandali ay nagtanong na si Mark.
“Sandali lang, kasama ni Carl si Luke?” Tanong ni Mark.
“At magkaibigan silang dalawa?” Tanong naman ni Annie.
“Nasaan? Nasaan sila?” Tanong naman ni Selina.
“Teka, isa-isa lang. Ang dami nyong tanong ah!” Sambit naman ni Khaye.
“Wait lang, ang sabi kasi sa’kin ni Carl ay magkatabi lang ang dorm nila ni Luke. Baka dahil don kaya sila naging magkaibigan.” Sambit muli ni Krystine.
“I see. Okay! Pupuntahan ko sila at aalamin ko kung totoo nga ba ang sinasabi nila Mark na kamukhang-kamukha nga ni Luke si Rain.” Sambit naman ni Selina.
“Ituloy mo na lang ang pagkain mo, Selina. Patapos na kasi sila nung makita na’min.” Walang emosyong pagkakasambit naman ni Rein.
“*Hmmm.. Oo nga. Posibleng wala na sila don.” Sambit naman ni Aicy.
“Ganon ba?” Sambit muli ni Selina.
Matapos magsalita ni Selina ay tumingin si Rein kay Lina at ng magtama ang kanilang mga mata ay kinindatan niya ito. Napangiti naman si Lina, dahil napigilan ni Rein ang balak na pagpunta ni Selina sa pwesto nila Luke.
Nang matapos na ang lunch break ay naghiwa-hiwalay na ang magkakaibigan, samantalang sabay-sabay namang pumasok ang magkaka-kaklase sa kanilang mga classroom. Sa loob ay naabutan nila si Carl na mag-isa, agad nila itong nilapitan upang kausapin.
“Hoy Carl!” Inis ang tono ng pagkakasambit ni Annie.
“*Huh!? Bakit ba laging galit ka sa tuwing kinakausap ako, Ms. Lernards?” Tugon naman ni Carl.
“Sandali lang Annie, mabuti pang ako na lang ang kumausap sa kaniya.” Sambit naman ni Mark.
“Ano ba ang meron at nandito ang mga kaibigan mo, Lina?” Tanong ni Carl kay Lina.
“May gusto yata silang itanong tungkol sa kaibigan mong si Luke.” Tugon naman ni Lina.
Pero matapos magsalita ni Lina ay napahawak siya sa kaniyang salamin sa mata. Nakuha naman ni Carl ang gustong palabasin ni Lina sa mga sinabi nito.
“Tama si Lina! Sino ba yung Luke na yon!? At bakit kamukha niya ang kaibigan na’ming si Rain!?” Inis muli ang tono ng pagkakasambit ni Annie kay Carl.
“Sino si Luke? Isa lang siyang tao at nakilala ko siya dahil magkatabi lang ang dorm na’min at halos sabay lang din kaming lumipat don! At sinong Rain? Wala akong ideya sa mga sinasabi nyo!” Sambit muli ni Carl.
Natahimik naman si Annie matapos marinig ang mga sinabi ni Carl.
“Totoo ba ang sinasabi mo?” Nagdududang tanong naman ni Mark.
“Kung ayaw nyong maniwala, wala na akong magagawa don. At kung wala na kayong sasabihin ay pwede bang umalis na kayo?” Sambit muli ni Carl.
“*Hmmmp!” Inis namang pagkakasambit ni Annie.
Ilang sandali pa nga ay dumating na ang kanilang guro, kaya naman nagbalikan na sila sa kanilang mga upuan. Pero may napansing kakaiba si Mark sa gilid ng upuan ni Carl habang kinakausap nila ito kanina.
“May itinatago itong si Carl sa’min. At kung talagang kilala niya si Zenon ay natitiyak kong malalaman niyang kamukha talaga ni Luke si Rain. Pero sa mga sagot niya sa’min ay parang wala siyang alam tungkol kay Rain. Pero yung bagay na nasa tabi ng table niya, sa itsura ng lalagyang yon ay natitiyak kong isang ispada ang laman non. Pero bakit kailangan niyang magdala ng isang sandata, gayong sobrang lakas naman niya?” Sambit ni Mark derekta sa kaniyang isipan ng makaupo na ito.
Mapunta naman tayo sa class wind-3. Kasalukuyan na ding nagsisimula ang kanilang klase, pero may malalim na iniisip ngayon si Krystine.
“*Hmmm.. Parang nakita ko na talaga si Carl, dati pa. Hindi ko lang talaga maalala kung saan at kung kailan.” Sambit ni Krystine derekta sa kaniyang isipan.
Pumunta naman tayo sa class lightning-3. Kasalukuyan na ring nagsisimula ang kanilang klase at sa ngayon ay masayang nakikinig ng mga leksyon itong si Sophia. Halos lahat naman ng kaniyang mga kaklase ay hindi makapag-focus sa pakikinig, dahil halos ang lahat ng mga ito ay nakatitig lang sa kaniya. xD
*** Flashback again! XD ***
Kaninang lunch break, hindi alam ni Sophia ang kaniyang gagawin, dahil halos dumugin siya ng mga tanong ng kaniyang mga kaklaseng lalake.
“Saan ka nakatira, Sophia!?” Tanong ng isa sa mga lalake.
“Kailan ang birthday mo!?” Tanong pa ng isa sa mga lalake.
“Ano ang favorite mong foods!?” Tanong pa ng isa sa mga lalake.
“May boyfriend ka na ba!?” Tanong pa ng isa sa mga lalake.
(Note: Kayo na ang mag-isip ng mga gusto nyong itanong kay Sophia, pero wag na kayong umasang sasagutin niya kayo. #SigeTanongPa! xD)
Sa mga oras na ito ay natataranta na si Sophia, kaya napatakbo na ito palabas ng kanilang classroom. Agad naman siyang sinundan ng mga kaklase niya at sa ngayon ay hindi niya alam kung saan siya pupunta o magtatago.
“Ano ba ang gagawin ko? Master! Tulungan nyo po ako!” Sambit ni Sophia derekta sa kaniyang isipan.
Nagpatuloy lang sa pagtakbo si Sophia hanggang sa may mabunggo itong isang lalake.
“*Um.. Sorry, hinahabol kasi ako ng mga kaklase kong lalake eh!” Sambit ni Sophia sa lalakeng nabangga niya.
“*Ahh! Okay lang, teka hinahabol ka kamo?” Tugon naman ni Luke.
“Teka! Siya yung babae kanina dun sa may flower shop ah. Katulad talaga ng kay Ms. Eclaire ang aura niya.” Sambit ni Luke derekta sa kaniyang isipan.
“*Uhm! Hindi ko nga alam kung bakit nila ako hinahabol eh! Natatakot tuloy ako sa kanila.” Sambit muli ni Sophia.
“Kung ganon, sumama ka sa’kin at ilalayo kita sa mga humabol sayo.” Sambit muli ni Luke.
Matapos magsalita ay agad kinuha ni Luke ang kanang kamay ni Sophia at pagkatapos noon ay sabay na silang tumakbo.
“Ang lalakeng ito, sobrang lakas ng aurang nararamdaman ko sa katawan niya.” Sambit ni Sophia derekta sa kaniyang isipan.
Nagpatuloy lang sa pagtakbo sila Luke hanggang sa marating nila ang “Secret Garden”.
“Salamat! Siguro sa ngayon ay hindi na nila ako mahahanap pa.” Nakangiting pagkakasambit ni Sophia.
“Walang anuman. Oo nga pala, ako nga pala si Luke. Luke Ainsgate ng class wind-3.” Sambit naman ni Luke.
“Hello Luke, ako naman si Sophia, Sophia Eldritch. Medyo naiilang pa ako dito, kasi kaka-transfer ko lang ngayong araw.” Sambit muli ni Sophia.
“Talaga? Transfer student lang din kasi ako dito eh.” Sambit muli ni Luke.
“Ganon ba? Parehas lang pala tayo *Heh..heh..heh..” Nakangiting pagakasambit naman ni Sophia.
“Ano kaya kung sumabay ka ng kumain sa’kin? Tutal naman mag-isa lang ako eh.” Sambit muli ni Luke.
“*Uhm! Sige.” Nakangiti namang pagtugon ni Sophia.
Matapos mag-usap ay sabay na ngang nagtungo sa cafeteria sila Luke at Sophia. Dito sa loob ng cafeteria ay nakita na si Sophia ng mga lalakeng kaklase niya. Pero hindi na nagawang lumapit ng mga ito, dahil nakita nilang may kasama na ito. Nagkataon naman nakita ni Carl si Luke, kaya naman sumabay na din ito sa kanila sa pagkain.
*** Flashback end’s here! xD ***
Mabalik tayo sa kasalukuyan. Sa ngayon ay patuloy ang mga klase, kaya naman masipag na nag-aaral ang mga istudyante ng Olympus University. (Yun nga lang ay may mga batugan gaya ni Aron. xD)
Makalipas ang ilan pang mga oras ay natapos na nga ang mga klase. Halos sabay-sabay naglabasan ng kani-kanilang mga classroom ang bawat istudyante.
Samantala, mapunta naman tayo sa magkakaibigan sa class fire-3. Sa mga oras na ito ay sabay-sabay silang naglakad patungo sa special classroom, kasama ang mga dating class fire-2. Sa loob ay nagkita-kita ang magkakaibigan. Nasa loob din ng naturang special classroom ang grupo nila Krystine, ang magpipinsang Eyesdrap at ang mga random guys na sila; Riki, Aris, Roby at Blyde. Tanging sila Chris, Sai at Ryan lang ang wala sa dating magka-kaklase.
“Ano nga pala ang plano nyo.” Tanong ni Jigo.
“*Hmmm.. sa ngayon ay gusto kong makita talaga si Luke Ainsgate! Curious talaga ako sa pagkatao niya eh.” Tugon naman ni Selina.
“So, nawala na ang interest mo kay Rain?” Tanong naman ni Annie kay Selina.
“*Huh? Bakit naman mawawala ang interest ko kay Rain?” Tanong naman ni Selina kay Annie.
“Di ba dapat kay Zazan ka interesado, kasi siya ang ika-limang reincarnation ni Rain?” Sambit muli ni Annie.
“Sabagay, pero curious lang talaga ako dun sa Luke na yon eh! Lalo na’t sinabi nyong kamukha siya ni Rain.” Sambit muli ni Selina.
“Sige ka, ikaw din. Baka nakakalimutan mo si Lina.” Sambit muli ni Annie.
Sa mga oras na ito ay biglang napalingon si Selina kay Lina, pero laking pagtataka niya sa ekspresyon ng mukha nito ngayon. Mukhang may malalim kasing itong iniisip.
“*Huh? Bakit parang ang lalim naman ng iniisip mo, Lina?” Sambit ni Selina kay Lina.
Napalingon naman si Lina kay Selina at kalaunan ay tinugon niya ito.
“*Ahh! Wala, iniisip ko lang kasi kung saan nakatira si Zazan ngayon. Gusto ko kasi siyang tabihan sa pagtulog niya. *Hehehe..” Medyo awkward na pagkakatugon ni Lina.
“Ang Lina na ‘to! Sinasabi ko na nga ba’t may iniisip na naman siyang hindi ko gusto eh!” Sambit ni Selina derekta sa kaniyang isipan.
“Sino nga kaya ang mga nilalang na nasa likod ni Zazan? At ano na kaya ang ginagawa ni Tyki ngayon?” Sambit ni Lina derekta sa kaniyang isipan.
“Maiba ako, tungkol kay Carl! Ngayon ko lang ito naalala, kasi nahanap na na’tin si Rain. Naalala nyo pa ba yung mga sinabi ko tungkol sa kaniya.” Sambit naman ni Mark.
“Alin? Yung mga nalalaman niya tungkol kay Rain?” Sambit naman ni David.
“Yun na nga! Hindi kaya kilala niya talaga si Zazan? Pero nagulat ako nung malaman kong magkaibigan sila ni Luke.” Sambit muli ni Mark.
“*Tsk! Sobrang talino talaga nitong si Mark! Dapat maalis ko ang paghihinala nila kay Rain.” Sambit ni Lina derekta sa kaniyang isipan.
“Pero ang sabi niya diba ay nagkataon lang na magkatabi ang kanilang dorm, kaya sila naging magkaibigan?” Sambit naman ni Lina.
“*Hmmm.. Napapaisip nga din ako tungkol sa bagay na yon eh. Nagkataon nga lang ba na magkatabi ang mga dorm nila o sadya talagang magkatabi sila, dahil matagal na silang magkakilala?” Sambit muli ni Mark.
“What do you mean by that, Mark?” Tanong naman ni Melisa.
“Kasi kamukha talaga ni Rain si Luke at may alam si Carl kay Zenon, which is Rain. Tapos kaibigan ni Carl itong si Luke. At kung kilala talaga ni Carl si Luke, di ba dapat alam nito si Rain at si Luke ay magkamukha?” Tugon naman ni Mark.
“Teka! Ang gulo mo naman! Pero kahit papaano ay naunawaan ko naman ang point sa mga sinabi mo.” Sambit naman ni Selina.
“Pero ang gulo mong magpaliwanag, Mark!” Walang emosoyong pagkakasambit naman ni Alex.
“Okay! Makinig kayo, hindi kaya si Luke talaga si Rain at hindi si Zazan?” Sambit muli ni Mark.
Sandaling natahimik ang magkakaibigan at napatitig ang mga ito kay Mark. At makalipas ang halos sampong segundo ay nagsimula ng magsalita si Aron.
“Teka! Parang imposible naman yata yung sinasabi mo Mark! Papaano mo naman maipapaliwanag ang kapangyarihan ni Zazan? Tanging ikaw lang naman at si Rain ang nakakagawa nung Orion slash diba? At ang lakas niya ay walang dudang lakas ng isang phoenix! At isa pa, sila David, Melisa at Krystine na ang nagsabing isang tao lang talaga yung si Luke.” Sambit ni Aron.
“Whoa! Ginagamit mo rin pala kung minsan ang utak mo, Aron.” Walang emosoyong pagkakasambit naman ni Alex.
“Syempre naman! Pero teka, pang-iisulto ba yon, Alex?” Nakangiti nung una pero kalaunan ay medyo inis ang tono ng pagkakasambit ni Aron kay Alex.
“Syempre compliment yon! C-O-M-P-L-I-M-E-N-T!” Wala muling emosoyong pagkakasambit ni Alex.
“Ganon ba!? *Hehehe.. Thanks..” Medyo nahihiya ang tono ng pagkakasambit ni Aron kay Alex. xD
“Gung-gong!” Sambit ni Annie derekta sa kaniyang isipan pero nakatingin siya kay Aron.
“Haay Aron Draken! Hanggang sa ngayon, uto-uto ka pa rin!” Sambit ni Selina derekta sa kaniyang isipan pero nakatingin din siya kay Aron.
“Sabagay, may punto nga don si Aron. Pero nagdududa talaga ako dun sa Carl na yon eh!” Sambit muli ni Mark.
“Teka! Papaano mo nga pala naging kaibigan yung Carl na yon, Lina!?” Tanong naman ni Annie kay Lina.
“*Huh!? *Ahh! Papaano nga ba? *Hmmm.. Sabihin na na’tin kakilala niya ang naging master ni Rain.” Tugon naman ni Lina.
Biglang nagulat ang magkakaibigan, dahil sa mga narinig kay Lina.
“Ulitin mo nga ang sinabi mo Lina! Kakilala ni Carl ang naging master ni Rain? Ang tinutukoy mo ba ay si Master Drake!?” Gulat na pagkakasambit ni Mark kay Lina.
“*Umm.. Parang ganon na nga..” Medyo awkward na pagkakatugon ni Lina.
“Sandali lang, parang may mali kay Lina at kung ano man yon ay tyak may inililihim siya sa’min.” Sambit ni Selina derekta sa kaniyang isipan.
“Talaga? Kilala niya si Lolo? Pero kailan pa yon nangyari?” Tanong naman ni Aron.
“*Umm.. Tungkol sa bagay na yan, bakit hindi mo na lang tanungin ang lolo mo!” Tugon naman ni Lina kay Aron.
“Bakit sa lolo pa niya? Hindi mo ba alam kung bakit?” Tanong naman ni Annie.
“Oo! Ganon na nga!” Mabilis na pagtugon ni Lina.
“*Ahh! I see.” Sambit muli ni Annie.
“Baka dahil don, kaya alam nung Carl na yon ang mga skill ni Rain? Hindi kaya?” Sambit naman ni David.
“Baka nga.” Walang emosyong pagkakasambit naman ni Alex.
Nagpatuloy pa sa pag-uusap ang magkakaibigan, habang si Jigo ay tahimik lang at nakikinig. Wala kasi siyang alam sa mga pinag-uusap ng mga ito tungkol kay Rain.
Samantala, mapunta naman tayo kay Luke ngayon. Kasalukuyan siyang naglalakad kasama si Sophia papauwi. Hindi nila sinasadyang magkasabay, dahil nagkita lang silang muli kanina sa may gate ng campus.
“Maraming salamat nga pala kanina ah.” Sambit ni Sophia.
“*Ahh! Wala yon, pero okay lang ba kung tanungin kiya?” Sambit naman ni Luke.
“Sure! Bakit, ano ba yung itatanong mo?” Nakangiting pagtugon naman ni Sophia.
“Anong klaseng mythical shaman ka?” Tanong muli ni Luke.
“*Huh? Hindi ako mythical shaman, isa lang akong tao.” Nakangiti muling pagtugon ni Sophia.
“Isa kang tao? Pero bakit ang lakas ng aurang nararamdaman ko sayo? At alam kong isa kang malakas na nilalang.” Sambit muli ni Luke.
Nahinto sa paglalakad si Sophia at kalaunan ay napayuko matapos marinig ang mga sinabi ni Luke, napahinto din naman si Luke at kalaunan ay napatingin kay Sophia.
“*Eh ikaw? Isa kang mythical shaman diba? At nagpapanggap ka lang na isang tao. Alam ko yon, dahil nararamdaman ko ding malakas ka.” Sambit ni Sophia.
Medyo na bigla si Luke sa kaniyang mga narinig, kaya naman seryoso na itong nagsalita.
“Tama, isa nga akong mythical shaman at alam kong ganon ka rin.” Seryosong pagkakasambit ni Luke.
“Hindi. Nagkakamali ka, hindi ako isang mythical shaman. Nagsasabi ako ng totoo, isa lang akong tao.” Seryoso naman pagtugon ni Sophia.
Sa mga oras na ito ay tuluyan ng nagulat si Luke, dahil sa naisip niya.
“Wag mong sabihing isa kang sorceress!?” Gulat na pagkakasambit ni Luke.
Sa labis na pagkagulat ay agad napatingin si Sophia kay Luke.
“Papaano mo nalaman!?” Gulat ding pagkakasambit ni Sophia.
“Kung ganon tama nga ako!” Sambit muli ni Luke.
Hindi na nagawang magsalita pa ni Sophia at dali-dali na lang nitong hinila ang braso ni Luke.
“Teka! Saan tayo pupunta!?” Gulat pero nagtatakang tanong ni Luke.
“Basta! Sumama ka na lang sa’kin!” Tugon naman ni Sophia.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay wala ng nagawa pa si Luke, kundi ang sumunod at sumama kay Sophia hanggang sa makarating sila sa flower shop.
Sa labas ay agad nakita ni Poseidon si Sophia, kaya agad niyang binati ito.
“*Oh! Nakauwi ka na pala galing sa paaralan! Kamusta ang unang araw?” Sambit ni Poseidon kay Sophia.
Nung una ay hindi napansin ni Poseidon na may kasama si Sophia, pero nung matapos na itong magsalita ay dun palang niya nakita si Luke.
“Whoa! Mukhang sikat ka na agad at may dala ka na agad na boyfriend! Sino siya? Sino siya?” Makulet na pagkakasambit ni Poseidon kay Sophia. xD
“Master! Pwede ba!? Ang lalakeng ito, alam niyang isa akong sorceress!” Sambit naman ni Sophia.
“Master?” Nagtataka namang pagkakasambit ni Luke.
“*Hmmm.. Mukhang naka-kita na din siya ng isang sorcerer o kaya isa ding sorceress. Ang mabuti pa ay sa loob na tayo mag-usap.” Sambit muli ni Poseidon.
“Mabuti pa nga po.” Pagsang-ayon naman ni Sophia.
Sa mga oras na ito ay tahimik at nagtataka si Luke. Pero agad itong nabasag ng tawagin na siya ni Poseidon.
“Tayo na sa loob, Zenon Reign Icarus.” Nakangiting pagkakasambit ni Poseidon.
“Zenon Reign Icarus? Ang pangalawa sa magkakapatid na phoenix?” Gulat na pagkakasambit naman ni Sophia.
“Teka! Sino po ba talaga kayo!?” Gulat na pagkakasambit ni Luke.
Chapter end.
Afterwords.
Hello, ako muli! Waaaaaa! Sorry kung medyo echii yung intro.. xD Si Chris kasi ang pasimuno nung idea! hahaha.. Pero binawi ko naman sa medyo gitna eh.. :3
Sa mga gustong maging updated sa mga ginagawa ko o sa mga gustong makausap ako.. maaari lang po kayong pumasok sa group page ng SOM..
eto po yung link.
https://www.facebook.com/groups/SchoolOfMyths/
Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..
Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..
Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..
Susunod.
Chapter 10: Lalakeng may pulang buhok.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top