Chapter 8: Jigo Lancelot

*** Si Jigo Lancelot, 17 years old at isang tao. Sa ngayon ay kaklase niya sila Mark. Nag-transfer siya sa Olympus university nung nakaraang taon, dahil lumipat na sa loob ng travincial ang kaniyang pamilya. Maunlad kasi ang travincial at marami ditong oportunidad na hindi nakikita o pinapansin ng mga tao, dahil iniisip nilang sobrang delikado sa lugar na ito.

Masayahin si Jigo, mapagbiro, matakaw at madaldal. Mahilig din siya sa musika, kaya kung minsan ay may dala itong gitara. Pero hanggang sa ngayon ay iniiwasan pa rin siya nila Mark at ng mga kaibigan nito, dahil nakikita nila ang katauhan ni June sa kaniya. At kahit ganon pa ang turing ng magkakaibigan sa kaniya ay hindi pa rin siya sumusuko na balang araw ay kikilalanin siya bilang isang kaibigan ng mga ito.

Slim ang pangangatawan ni Jigo, nasa 5’4 naman ang kaniyang taas. Maputi ang kulay ng kaniyang balat at brown na nasa katamtaman ang haba ng kaniyang buhok. ***

June 22, CS242. Araw pa rin ng lunes at sa ngayon ay kasalukuyan kumakain ng mag-isa si Jigo sa isang sulok sa loob “Special Zone” sa cafeteria. Sa mga oras na ito ay nakikita niya ang magkakaibigan na masayang nag-uusap na hindi naman niya nakikita nung nakaraang taon. Kaya naman sa pagkakataon ito ay lakas loob na naman siyang lumapit sa magkakaibigan.

“Mukhang ang saya nyo ngayon ah?” Nahihiyang pagkakasambit ni Jigo.

*Oh! Ikaw pala yan, Jigo! Tara, sumabay ka na sa’min sa pagkain.” Masayang pagkakasambit naman ni Aron.

Biglang napangiti si Jigo at agad na ngang umupo sa bakanteng upuan.

“Matanong ko lang, bakit parang ang saya nyo yata nitong mga nakaraang araw? May nangyari bang maganda sa inyo?” Sambit muli ni Jigo.

*Hmmm.. Sabihin na lang na’ting may nagbalik sa amin na isang importanteng kaibigan, pero sa ngayon ay hindi kami nito naalala.” Tugon naman ni Annie.

“Hindi ko nakuha ang ibig mong sabihin, Annie. Pero natutuwa ako, dahil masaya kayo.” Sambit muli ni Jigo.

 

“Maraming salamat, pero hindi kaya magtampo sayo yung kaibigan mong si Riki?” Sambit naman ni Mark.

 

“Si Riki? Bakit naman siya magtatampo? At hindi ko naman talaga siya kaibigan eh.” Tugon naman ni Jigo.

 

“Hindi ba lagi kayong magkasabay kumain non?” Sambit muli ni Mark.

*Ahh! Sa totoo lang ay sinubukan ko ng kausapin si Riki, pero hindi naman niya ako pinapansin eh. Lagi lang nagkakataon na magkasabay kaming kumain, pero hindi talaga niya ako kinakausap, kahit ako na yung kumakausap sa kaniya.” Tugon muli ni Jigo.

 

*Ahahahaha! Sinasabi ko na nga ba eh! Mukhang hindi pa rin nagbabago si Riki! *Hahahaha! Masayang pagkakasambit naman ni Aron.

“Aron! Bunganga mo nga!” Inis namang pagkakasambit ni Selina.

 

*Hahaha! Parang ngayon ko lang ulit nakitang tumawa ng ganon si Aron ah!” Sambit naman ni Melisa.

 

“Oo nga, kahit ako din! *Hahaha! Sambit naman ni David.

 

“Maiba ako, hindi ba’t ngayon ang combat practice ng class fire-1?” Walang emosyong pagkakasambit naman ni Alex.

“Oo nga no? Sayang at hindi na’tin mapapanood ang laban ni Zazan at nung kapatid ni Aron.” Sambit naman ni Annie.

 

“Wag kayong mag-alala, dahil nagbalik na si master sa pagtuturo.” Sambit naman ni Lina.

“Master? Teacher ang master mo Lina?” Tanong naman ni Jigo.

 

“Ganon na nga, dati na din na’min siyang naging teacher nung 1st year pa kami.” Tugon naman ni Lina.

 

“Talaga? Si Ms. Rachelle nagbalik na sa pagtuturo?” Sambit naman ni Melisa.

 

“Ngayon na ba nagbalik si master?” Tanong naman ni Mark.

 

*Uhm! At katulad ng dati ay pinalitan niya si Mr. Driego.” Tugon naman ni Lina.

*Hmmm.. Ano kaya kung umabsent tayo sa klase na’tin at panoorin na’tin yung magiging combat practice nila.” Sambit muli ni Annie.

“Kung ako sa inyo ay hindi ko na susubukan yan, dahil tyak na magagalit sa’tin si Ms. Audrie. Tandaan nyo, isa siyang werewolf at mabilis siyang magalit.” Walang emosyong pagkakasambit naman ni Alex.

“Sabagay, may punto don si Alex. Ayokong mapagalitan ni Ms. Audrie, baka gawin pa akong hapunan non.” Sambit naman ni David.

 

“Sang-ayon ako. Isa siya sa mga kinakatakutan kong nilalang dito sa campus.” Sambit naman ni Mark.

 

“So ano ang plano na’tin mamaya? Tambay muna tayo sa special classroom?” Sambit muli ni Melisa.

*Hmmm.. Matagal-tagal na din tayong hindi tumatambay sa special classroom. Siguro magandang ideya kung doon muna tayo after class.” Sambit muli ni Mark.

 

*Uhm! Tama ka nga don, Mark!” Pagsang-ayon naman ni Annie.

“Okay!” Pagsang-ayon din ng iba.

Sa ngayon ay masayang nakikinig lang si Jigo, dahil medyo naiilang pa siya at naninibago sa kaniyang mga kaklase.

 

“Ikaw Jigo? Uuwi ka na ba mamaya?” Tanong naman ni Mark.

 

“Sana, pero okay lang ba kung sumama ako sa inyo?” Tugon naman ni Jigo.

*Hehehe! Simula sa araw na ito ay sumama ka na sa’min lagi! At gusto kong magsorry sayo, dahil iniiwasan ka na’min.” Masaya nung una pero kalaunan ay malungkot na sa bandang huli ang tono ng pagkakasambit ni Mark kay Jigo.

 

“Tungkol nga pala sa bagay na yan, bakit nyo nga ba ako iniiwasan? May nagawa ba akong hindi nyo nagustuhan?” Tanong naman ni Jigo.

Sandaling natahimik ang magkakaibigan at nagkatinginan ang mga ito. Halos walang gustong sumagot sa tanong ni Jigo, pero lakas loob na itong tinugon ni Mark.

“Kaugali mo kasi ang kaibigan na’ming namatay, dalawang taon na ang nakakalipas. June Swatzron ang pangalan niya at matagal ko na siyang kaibigan. Sa totoo lang ay matalik ko siyang kaibigan.” Medyo malungkot ang tono ng pagkakasambit ni Mark.

 

“Ganon ba? Ang akala ko kasi ay iniiwasan nyo ako, dahil isa lang akong tao.” Sambit muli ni Jigo.

 

“Nope! Bakit mo naman naisip ang bagay na yon? Baka nakakalimutan mong isa din akong tao.” Sambit naman ni Annie.

 

“Well, wala na kasi akong maisip na ibang dahilan bukod don eh.” Sambit muli ni Jigo.

“Annie, hindi mo siya masisisi dahil kahit ako ang nasa kalagayan niya ay ganon din ang iisipin ko.” Sambit naman ni Selina.

“Sabagay.” Sambit muli ni Annie.

“Hindi, okay lang ako. Sa totoo nga nyan ay masaya ako, dahil parang isang kaibigan na ang turing nyo sa’kin ngayon.” Sambit muli ni Jigo.

“Nope! At wag monng isiping “Parang isang kaibigan lang!”, dahil mula sa araw na ito ay mga kaibigan mo na kami.” Nakangiting pagkakasambit ni Annie kay Jigo.

Sa mga oras na ito ay labis ang sayang naramdaman ni Jigo matapos marinig ang mga sinabi ni Annie, kaya naman masaya na itong nagsalita.

 

*Uhm! Maraming salamat talaga!” Masayang pagkakasambit muli ni Jigo.

Nagpatuloy lang sa pag-uusap ang magkakaibigan, habang masaya silang kumakain. At ng matapos ang lunch break ay sabay-sabay na nga silang nagtungo sa kani-kanilang mga classroom.

Samantala, hindi kalayuan sa unibersidad ay kasalukuyan naman minaman-manan nila Tyki at Irish ang bawat kilos ni Zazan sa ngayon.

 

“Mukhang malapit ng magsimula ang combat practice ng mga batang yon.” Sambit ni Tyki.

 

“Mukhang ganon na nga, ano klaseng lakas kaya ang ipapakita ng ika-limang Zenon? *Fufufu.. Nakangiting pagkakasambit naman ni Irish.

“*Tsk! Sana makita ko ang tunay na Zenon! Dapat kong malaman kung gaano na siya kalakas ngayon!” Sambit ni Irish derekta sa kaniyang isipan.

Mabilis lumipas ang mga oras at sa ngayon ay kasalukuyang nag-e-enjoy ang dating class fire-2 sa loob ng kanilang special classroom.

Samantala, mapunta naman tayo kay Luke na sa ngayon ay naglalakad na patungo sa kanilang dorm. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay naka-sunod sa kaniya si Rein at sa pagkakataong ito ay hindi na ito naka-invisible. xD

“Hindi naman dito ang daan patungo sa bahay nyo, Rein ah!” Sambit ni Luke.

“Hindi nga, kasi sinusundan kita.” Tugon naman ni Rein.

Biglang napahinto si Luke sa paglalakad at mabilis na hinarap si Rein.

“Bakit mo naman ako sinusundan? Alam mo na ang lahat-lahat diba?” Sambit muli ni Luke.

*Uhm! Pero gusto kitang maka-sama eh. Magkaiba kasi tayo ng section at magandang oportunidad ito para maagaw kita kay Lina. *Fufufu.. Tugon muli ni Rein, pero napangiti ito sa bandang dulo. xD

“Ano!? *Inhale! *Exhale! Bahala ka na nga sa gusto mong gawin!” Sambit muli ni Luke.

Matapos magsalita ay nagsimula ay napa-iling na lang si Luke at kasunod nito ay muli na siyang naglakad. Samantala, nagsimula na ding maglakad si Rein at patuloy niyang sinundan si Luke.

 

“Maiba ako, bakit hindi mo kasabay umuwi si Carl?” Tanong ni Rein.

“May gagawin daw siya eh, hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Siguro may inutos sa kaniya si ama.” Tugon naman ni Luke.

*Fufufu.. Magaling kung ganon, sana magtagal siya sa pag-uwi sa dorm nyo, para hindi siya makaistorbo kung sakali. *Fufufu.. Mahinang pagkakasambit ni Rein.

“May sinasabi ka ba?” Tanong ni Luke.

*Ahh! Wala, wala..” Tugon naman ni Rein. xD

Sa mga oras na ito ay hindi na nag-usap pa ang dalawa hanggang sa tuluyan ng makarating sila sa dorm.

Sa loob ay nagulat si Luke, dahil kasama niyang pumasok si Rein. Ang akala kasi niya ay uuwi na ito sa oras na magkapasok na siya sa dorm, pero nagmali siya.

 

“Ano, Rein.. Balak ko kasing matulog ngayon, kaya baka naman pwede ka ng umuwi?” Medyo awkward na pagkakasambit ni Luke.

 

“Ganon ba? Don’t mind me. Hindi naman kita gagambalain, isipin mo na lang na invisible ako.” Tugon naman ni Rein.

 

“Ang babaeng ito! Hindi ko akalain ganito pala ang pagkatao ni Rein! Bakit kasi ang hina ko dati? Hindi ko tuloy alam kung matagal ng ganito si Rein, dahil hindi ko naman alam kung sinusundan niya ako habang naka-invi siya dati.” Sambit ni Luke derekta sa kaniyang isipan.

“Okay sige, sige! Bahala ka na sa gusto mong gawin, pero wag mo akong iistorbohin sa pagtulog ko! At kung maaari lang ay umuwi ka din agad!” Sambit muli ni Luke.

Matapos magsalita ay agad na ngang ibinaba ni Luke ang kaniyang bag at mabilis na nagpalit ng kaniyang damit. Tuwang-tuwa naman si Rein sa panonood habang nagpapalit ng damit si Luke. At kahit naiirita si Luke ay mabilis na nga siyang nagtungo sa kaniyang kama at mabilis na nagtalukbong. Samantala, naupo naman si Rein sa isang upuan na katapat/katabi lang kama ni Luke at dito ay tahimik siyang nagbasa ng libro.

Sa mga oras na ito ay hindi komportable si Luke, dahil nakatatak sa kaniyang isipan si Rein. Pero makalipas lang ang kinse minuto ay hindi na niya namalayang nakatulog na pala siya.

 

*Fufufu.. Sa wakas, nakatulog na din siya.” Nakangiti pero mahinang pagkakasambit ni Rein.

Mapunta naman tayo kila Mark at sa mga kaibigan niya. Kasalukuyan na silang naglalakad pauwi. Nagpaalam na sa isa’t-isa ang magkakaibigan ng marating nila ang gate ng campus.

 

*Hmmm.. Uuwi na ba ako? *Ahh! Ang mabuti pa ay dalawin ko muna si Rain sa dorm niya.” Sambit ni Lina.

Matapos magsalita ay nagsimula na ngang maglakad si Lina patungo sa dorm nila Luke. Masaya siya habang naglalakad at kasalukuyan ding nag-iisip ng mga erotic na bagay na gagawin nila ni Luke. Pero ang hindi niya alam ay na may nauna na pala sa kaniya sa mga bagay na iniisip niya ngayon. xD

Makalipas ang ilang mga minuto sa paglalakad ay narating na ni Lina ang dorm ni Luke. Gamit ang isang susi ay nabuksan niya ang pinto.

 

(Note: Pinilit ni Lina na magkaroon siya ng susi ng dorm ni Luke, kaya naman meron siyang susi! Haha! xD)

Sa pagpasok ni Lina ay saktong nakita niyang natutulog si Luke sa kama, kaya naman maingat siyang naglakad papalapit dito.

*Fufufu.. Mukhang ang himbing ng tulog ni Rain ah.” Nakangiting pagkakasambit ni Lina.

Pero ilang sandali pa ay may napansing kakaiba si Lina sa loob ng kumot ni Luke, kaya naman sinilip niya ito.

“Rein?” Sambit ni Lina.

Nagising si Rein sa mga oras na ito at laking gulat niya matapos makita si Lina.

“Li..Li..Lina!? *Gulp! Gulat na pagkakasambit ni Rein.

“Ano ang ginagawa mo dito?” Tanong ni Lina.

 

*Ahh! Nagulat ka ba? Katabi kong natutulog si Rain ngayon! Siguro naman galit na galit ka na sa’kin? Tama ba? *Fufufufu.. Nang-iinis ang tono ng pagkakasambit ni Rein.

“Sa totoo lang hindi. Tiwala kasi ako kay Rain na hindi niya sisirain ang mga pangako niya sa’kin.” Tugon naman ni Lina.

Hindi na nagawang magsalita pa ni Rein matapos marinig ang mga sinabi ni Lina. Samantala, mabilis naman humiga sa tabi ni Luke itong si Lina at kalaunan ay natulog na din.

“Lina Gordania. Hindi talaga kita maintindihan.” Sambit muli ni Rein.

Matapos magsalita ay bumalik na sa pagtulog itong si Rein. Sa mga oras na ito ay walang kamalay-malay si Luke sa mga nangyayari sa kaniya. At isa lang ang tukoy niya ngayon, masaya siyang nananaginip tungkol kay Krystine. xD

 Chapter end.

Afterwords.

Hello, ako muli! Waaaaaa! Sa next tues back to twice a week po ang pag-update ko. sana maintindihan nyo ako.. :(

Sa mga gustong maging updated sa mga ginagawa ko o sa mga gustong makausap ako.. maaari lang po kayong pumasok sa group page ng SOM..

eto po yung link.

https://www.facebook.com/groups/SchoolOfMyths/

Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..

Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..

Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..

Susunod.

Chapter 9: Poisedon Tidalsea Olympus.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top