Chapter 6: Ang mga Isenhart.

June 21, CS242. Araw ng linggo. Sa hangganan ng bayan ng Lorencia. (Bayan bago mag travincial) Isang babae ang masayang nakatayo habang nakatingin sa daang patungong travincial.

*Fufufu.. Sa wakas, sandali na lang at makakauwi na din. Kamusta na kaya si kuya Kiel? At ano na kaya ang ginawa ng magkapatid  sa ngayon? *Fufufu.. Masayang pagkakasambit ng isang babae.

Matapos magsalita nung babae ay nagsimula na nga itong maglakad patungo sa travincial. Samantala, mapunta naman tayo ngayon sa loob ng bahay nila Rachelle. At dito ay kasalukuyan ng nag-uusap sila Tyki, Hades, Zeren, Eclaire, Warren at Rachelle.

“Sigurado ka na ba sa gagawin mong ito, Tyki?” Tanong ni Eclaire.

“Oo! Ito lang ang tanging paraan para hindi nila malaman na isa akong espiya.” Tugon naman ni Tyki.

 

“Sa gagawin mong ito ay tuluyan mo na kaming magiging kalaban.” Sambit naman ni Warren kay Tyki.

 

“Alam ko, pero ito na lang ang tanging paraan para hindi masira ang ating plano.” Sambit muli ni Tyki.

 

“Maraming salamat at handa mong gawin ang bagay na ‘to para sa’min, Tyki.” Sambit naman ni Zeren.

“Wag kang mag-alala, dahil hindi rin magtatagal at matatapos din ang ating misyon.” Sambit naman ni Hades.

“Alam ko po yon, master. At handa po akong gawin ang lahat ng aking maka-kaya para lang maisakatuparan ang ating mga plano.” Sambit muli ni Tyki.

“Okay Tyki, handa ka na ba? Sa gagawin kong ito sayo ay mag-iiwan na lang ako ng trauma tungkol kay Hades sa mga alala mo, para ng sa oras na makaharap mo siya ay hindi mo na magagawa pang lumaban sa kaniya.” Sambit naman ni Rachelle.

*Uhm! Maganda ang naisip mong yon, Ms. Raziel. Sige, nakahanda na ako. Alisin mo na ang mga alala ko tungkol sa inyong lahat.” Tugon naman ni Tyki.

Matapos magsalita ni Tyki ay agad ng inilapit ni Rachelle ang kaniyang kanang kamay sa may noo ni Tyki at matapos nito ay nagsalita na siya.

“Okay, eto na! ** EARTH DRAGON’S SECRET TECHNIQUE! MEMORY CORRUPTION! ** Sambit ni Rachelle.

*** Note: Ang “Earth dragon’s secret technique, memory corruption” ay isang natatanging skill ng mga Elemental Earth Dragon. At kahit may taglay na “Earth” attribute si Drake ay hindi niya ito kayang gawin, dahil tanging si Raziel Draken lang ang nakalikha ng skill na ito.

Sa pamamagitan ng skill na ito ay nagagawa ng isang Elemental earth dragon na ilagay sa isang maliit na lalagyan ang isang partikular na alala ng isang nilalang. Mababalik lang ang mga nawalang alala sa oras na mainom/malunok nila ang sisidlan na pinaglagyan nito. ***

(Note: Kung naalala nyo po yung tungkol sa pagkawala ng mga alala ni Rain tungkol kay Lina ay ito po yung skill na ginamit ni Rachelle don. Napunta ang mga alalang yon sa isang maliit na bola na parang holen at ng malunok ito ni Rain ay bumalik na ang lahat ng alala niya kay Lina matapos niya itong mapanaginipan. xD)

Isang maliit na bola ang biglang lumabas sa may noo ni Tyki at ng makuha ito ni Rachelle ay nawalan na ng malay si Tyki.

(Note pa: Sa mga nagtataka kung bakit kinailangang gawin ito ni Tyki ay sa kadahilanan taglay ng mga Isenhart ang lahat ng kapangyarihan ng mga pamilyang kasapi sa vampire clan. At isa na dito ang ability ng Civerb na may kakayahang masilip o makabasa ng isipan ng sinumang hinawakan nito. xD)

Agad binuhat ni Warren ang katawan ng walang malay na si Tyki at sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Eclaire ay dinala nila ito sa isang tagong lugar na malapit sa pinagku-kutaan ng Yami clan.

Makalipas ang kalahating oras ay tuluyan ng nagising si Tyki at sa ngayon ay nagtataka ito, dahil hindi niya alam kung bakit siya nadirito.

“Teka, nasaan ako?” Sambit ni Tyki.

Agad lumingon-lingon si Tyki sa kaniyang kapaligiran at nalaman niyang ang lugar kung nasaan siya ay hindi kalayuan sa kuta ng Yami clan. At kahit labis ang kaniyang pagtataka ay nagsimula na itong maglakad patungo sa kanilang base.

Ilang minuto lang ang nilakad ni Tyki at narating na niya ang kanilang base. Sa loob ay agad siyang nakita ni Zilan, kaya naman tinawag na siya nito. Mabilis namang lumapit si Tyki at kalaunan ay nagsalita.

“Paumanhin po panginoon kung hindi ko po masyadong nagawa ang ipinag-utos mo sa’kin. Pero nasimulan ko na pong subaybayan ang sinasabing ika-limang reincarnation ni Zenon.” Magalang na pagkakasambit ni Tyki kay Zilan.

“Okay lang yon, Tyki. At tungkol sa bagay na yan ay makakasama mo na ngayon si Irish. Kakabalik lang niya galing sa mundo ng mga tao ngayong araw.” Sambit naman ni Zilan.

Matapos magsalita ni Zilan ay may isang babae ang lumapit kay Tyki at galing ito mula sa likuran niya. Agad napalingon si Tyki sa babae at matapos huminto nung babae ay nagsimula na itong magsalita.

“Magandang araw, panginoong Zilan. Ito na ba ang mythical shaman na sinasabi mong makakasama ko sa misyon?” Sambit ni Irish kay Zilan.

“Oo! At gusto kong pagtulungan nyong alamin kung sino ang mga nilalang na naka-kuha sa ika-limang reincarnation ng kapatid na’ming si Zenon. ” Tugon naman ni Zilan kay Irish.

Muli ay agad napatingin si Irish kay Tyki at tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Ilang sandali pa ay nilapitang muli ni Irish si Tyki at dito ay hinawakan niya ang pisngi nito.

*Hmmm.. Mukhang tapat ang isang ito sa ating clan. Hindi nga ako nagmali sa aking mga naririnig tungkol sayo, Tyki Stronghold.” Sambit muli ni Irish.

“Alam kong mas nauna ka sa’kin sa pagsali dito sa Yami clan at iginagalang din kita, Ms. Irish Isenhart. Pero matagal ko ng ibinigay ang aking katapatan kay master Zilan at kay master Zelin, kaya naman po hindi kayo mabibigo sa’kin.” Sambit naman ni Tyki kay Irish.

*Fufufu.. Mabuti naman kung ganon. Paano? Simulan na na’tin ang misyong?” Nakangiting pagkakasambit ni Irish kay Tyki.

“Masusunod po.” Mabilis na pagtugon ni Tyki.

Sa ngayon ay isang tapat na alagad ng Yami clan si Tyki at hindi na isang espiya nila Hades. Kinuha na kasi ang mga alala niya sa kaniyang mga kasama at kaibigan. At ginawa niya ito upang ng sa ganon ay hindi malaman ng kanilang mga kalaban ang tunay nilang plano o hakbangin.

Samantala, sa isang bahay sa loob ng Ceto city, kung saan pansamantalang nakatira sila June, April at ang mga Isenhart.

“Sa ngayon ay natitiyak kong nasa isang misyon na si Irish. Ano kaya ang misyon ang ibinigay ni Zilan sa kaniya ngayon? *Fufufufu.. Sambit ni Kiel.

“Talaga po master? Nasa travincial na din po si miss Irish?” Masayang pagkakasambit naman ni June.

“Oo at sa mga oras na ‘to ay natitiyak kong nasa isang misyon siya. Hindi ko lang tukoy kung anong klaseng misyon ang ibinigay ni Zilan sa kaniya, dahil hindi na’min magawang mabasa ang kaniyang mga iniisip.” Tugon naman ni Kiel.

“Hindi nyo po magawang mabasa? Bakit po? Hindi po ba kayang nyong basahin ang iniisip ng kahit na sinumang nilalang, basta mahawakan nyo lang ito? At kahit mapa-class-S na mythical shaman pa ang mga ito ay nagagawa nyo pa ring malaman ang kanilang mga iniisip o nakaraan. Hindi po ba, tama ako?” Tanong muli ni June.

“Tama ka, June. Pero ang magka-kapatid na Reign Icarus ay lubhang malalakas at sa tingin ko ay ka-lebel niya si master Kiel at Ms. Irish pagdating sa kanilang lakas, mga class-SS.” Sambit naman ni April.

***Note: Ang class-SS at class-S3 ay ang mga antas na nahigitan ang pinaka-malakas na antas, ang “Master-class”. Halos hindi ito nag-e-exist, dahil kokonti lang ang naka-abot ng lakas na humigit pa sa isang Master-class at class-S na mythical shaman. ***

“Class-SS? Kapantay nila sa lakas si Master Kiel at Ms. Irish? Hindi na nakakapagtakang hindi nga nila mabasa ang mga nasa isipan nito.” Sambit muli ni June.

“Tama ang kapatid mo, June. Mga class-SS na nga ang magka-kapatid na Reign Icarus. Pero wag kang mag-alala, dahil mas malakas sa kanila ang ating clan leader na isang class-S3.” Sambit naman ni Kiel.

Ilang sandali pa ay biglang nagbukas ang pinto ng kanilang bahay at lahat sila ay napatingin sa kung sino ang pumasok.

*Oh! Ikaw pala! Bakit ang tagal mo namang mamili, Zazan?” Sambit ni June kay Zazan.

 

“Sorry kuya June. Naligaw kasi ako eh! *Hehehe! Tugon naman ni Zazan kay June.

Mapunta naman tayo ngayon sa bahay nila Rachelle. Sa ngayon ay alam na nila Luke, Lina, Carl at Rein ang tungkol sa pagkawala ng mga alala ni Tyki. Pero hindi ito lubos makuha ni Rein, dahil hindi naman niya kilala ang tinutukoy ni Rachelle.

“Sino ba yung Tyki?” Tanong ni Rein kay Luke.

“Kaibigan at kasama na’min siya at sa ngayon ay isa siyang espiya sa Yami clan. Malakas din siyang mythical shaman.” Tugon naman ni Luke.

 

“Sandali lang? Bakit nandito si Rein? At bakit kailangan mong sagutin ang mga tanong niya?” Sambit naman ni Lina.

“Nalaman na kasi niya ang tungkol sa pagkatao ko! Pero kasama na na’tin siya ngayon, kaya wag ka ng mag-alala. *Hehehe.. Tugon naman ni Luke kay Lina.

“Wag kang mag-alala Lina, hindi ako katulad ni Selina na may malaking lihim na itinatago sa inyo.” Sambit naman ni Rein kay Lina.

“Ang tinutukoy mo ba ay ang pagiging isang kasapi ni Selina sa Yami clan?” Tanong naman ni Lina kay Rein.

“Whoa! Alam nyo na ang bagay na yon?” Gulat na pagkakasambit ni Rein.

*Uhm! Matagal na na’ming alam yon, dahil nga kay Tyki na isang espiya na’min.” Sambit muli ni Luke.

*Ahh.. Sabagay.. *Hmmm.. Tungkol nga pala kay Zazan, nagulat ako nung makita ko siya. Malaki nga ang pagkakamukha mo sa kaniya, Rain. Pero may kakaiba akong napapansin sa mukha at kilos niya.” Sambit muli ni Rein.

“Ano ang napansin mo, Rein?” Tanong naman ni Eclaire.

“May pagka-feminine yung mukha niya at kung minsan ang mga kilos niya ay parang kilos babae din. Minsan ko na din siyang nakitang lumabas sa CR ng mga babae.” Sambit muli ni Rein.

 

*Hmmm.. Mukhang tama ka nga sa mga sinabi mo. Kahit ang boses niya ay matining din.” Sambit naman ni Lina.

 

“Magaling Rein Serpenta. Sana ay ipagpatuloy mo lang ang pagsubabay sa mga kilos ng Zazan na ‘to. At siguro mga ilang linggo pa ay babalik na ako sa campus para muling magturo.” Sambit naman ni Rachelle.

“Okay po, Ms. Rachelle.” Tugon naman ni Rein.

“Pero iba ang kutob ko sa nagpapanggap na ika-limang reincarnation ni Zenon. Posible kayang isa ding siyang mythical shaman ng Phoenix?” Sambit naman ni Zeren.

“Posible nga ang bagay na yon, dahil isang babae ang bunso nyong kapatid.” Sambit naman ni Hades.

“Hindi kaya anak siya ni Zelin?” Sambit naman ni Carl.

“Warren, wala ka pa bang nakakalap na impormasyon?” Tanong naman ni Hades kay Warren.

“Wala pa po master eh, hindi nakakapunta ang mga hayop na inutusan ko sa mga lugar kung saan may nararamdaman silang malakas na aura. At dahil doon ay wala silang nakukuhang impormasyon.” Tugon naman ni Warren.

“Isa ka pong Druid, hindi po ba?” Tanong naman ni Rein kay Warren.

“Yup! Isa nga akong Druid.” Tugon naman ni Warren.

“Ang cool, hindi ko akalaing makikilala ko si Hades at ang mga kasama niya.” Masayang pagkakasambit ni Rein.

*Hahaha! Gusto ko ang batang ito, master Hades!” Masayang pagkakasambit din ni Warren.

“Pero iha, posibleng manganib ang iyong buhay sa pagtulong mo sa’min. Handa ka na ba sa mga posibleng mangyari sa hinaharap?” Sambit naman ni Hades kay Rein.

*Uhm! Handang-handa na po ako. Sa totoo lang po ay matagal na po akong naghahanap ng mga hint o kaya ang mga clue, tungkol sa mga kalahi ko. Tanging ako na lang po kasi ang nag-iisang serpent na natira sa aming clan.” Tugon naman ni Rein.

“Ganon ba? Ang alam ko ay malaki ang kinalaman ni Zenon kung bakit nawala ang mga Serpenta” Sambit muli ni Hades.

Nagulat naman sila Luke, Lina at Rein sa kanilang mga narinig.

 

*Hmmm.. Mukhang tama nga si ama.” Sambit naman ni Luke.

“Totoo ang mga sinabi ni Hades. At nangyari ang bagay na yon nung nakaraang ikalawang buhay ni Zenon.” Sambit naman ni Eclaire.

“Pero wag kang mag-alala, dahil hindi naman sila pinatay ni Zenon. Natitiyak kong hanggang sa ngayon ay kasapi pa rin sila ng Yami clan.” Sambit muli ni Hades.

“Yon din po ang sa tingin ko ama.” Sambit naman ni Luke.

Sa mga oras na ito na labis na nagulat si Rein. Hindi kasi niya batid kung dapat ba siyang matuwa o hindi sa kaniyang mga nalaman.

“Mga kasapi ng Yami clan ang mga kalahi ko?” Gulat pero mabagal na pagkakatanong ni Rein.

“Ganon na nga. Dati kasi ay maganda ang hangarin ng Yami clan, pero nagbago ito matapos ma-reincarnate si Zenon sa ikatlong pagkakataon.” Tugon ni Hades.

Balak pa sanang magsalita ni Luke pero biglang may sumigaw sa labas ng kanilang bahay.

“Lina! Nandyan ka ba!?” Sigaw ni Selina.

Labis na nagulat ang lahat, kaya naman dali-dali ng nagtungo sila Luke, Carl, Eclaire, Warren, Zeren at Hades sa loob ng kwarto ni Rachelle at kalaunan ay bumaba sa underground basement. Samantala, nagpaiwan naman si Rein at nag-invisible na lang.

“Lina! Ms. Rachelle!” Nandyan po ba kayo!?” Sigaw naman ni Annie.

“Master!” Sigaw naman ni Mark.

“Lola!” Sigaw naman ni Aron.

Halos naka-ilang sigaw ang magkakaibigan, pero walang nagbu-bukas ng pinto at makalipas ang halos dalawang minuto ay binuksan na nga ni Lina ang pinto.

“Ano ang ginagawa nyo dito?” Medyo mataas ang tono ng pagkakasambit ni Lina.

 

“Gusto kasi na’ming makausap si master eh! Nandyan ba siya?” Sambit naman ni Mark.

“Bakit ang tagal mo naman buksan?” Tanong naman ni Selina.

 

“Nasa CR kasi ako, Selina. At tungkol kay master Rachelle, ayaw niyang maistorbo ngayon.” Tugon naman ni Lina.

Pero wala ng nagawa pa si Lina ng pwersahan ng pumasok ang magkakaibigan sa loob ng bahay.

 

“Ano bang ingay yan!” Galit na pagkakasigaw ni Rachelle.

Agad nakita nila Mark si Rachelle, pero laking gulat nito ng mabilis na naglapitan sa kaniya ang magkakaibigan at mabilis siyang niyakap ng mga ito.

 

“Master! Kamusta po kayo!? Ang tagal po na’ting hindi nagkita!” Masayang pagkakasambit ni Mark.

 

“Oo nga po Ms. Rachelle! Parang walang nagbago sa inyo! Ang bata-bata pa rin ng itsura nyo!” Masayang pagkakasambit naman ni Annie.

 

“Masaya po kaming nakabalik na kayo dito, Ms. Rachelle!” Masayang pagkakasambit din ni David.

 

*Uhm! *Uhm! Maligayang pagbabalik po Ms. Rachelle!” Masayang pagkakasambit din ni Melisa.

 

“Maligayang pagbabalik po, Ms. Rachelle.” Walang emosyong pagkakasambit naman ni Alex.

*Umm.. Maraming salamat sa inyong lahat. Pero bakit ba naisipan nyong pumunta ngayon dito, kung kelan marami akong ginagawa?” Medyo nahihiya ang tono ng pagkakasambit ni Rachelle.

“Syempre po may sasabihin kami sa inyo lola! At tsaka gusto ka na din po na’min talagang makita, lola Raziel.” Nakangiting pagkakasambit ni Aron.

Sa mga oras na ito ay biglang kinabahan ang magkakaibigan, kahit si Rein na kasalukuyang naka-invisible ay nakaramdaman din ng takot. Bigla na lang kasing naglabas ng nakakatakot na aura si Rachelle. xD

 

“Patay! Ayaw na ayaw nga pala ni master na tinatawag siyang lola!” Sambit ni Mark derekta sa kaniyang isipan.

“Aron apo, paki ulit nga ang sinabi mo..” Nakangiti pero nakakatakot ang tono ng pagkakasambit ni Rachelle.

“Alin po, Lo..lo..lo..lola?” Takot na pagkakatugon naman ni Aron.

 

“Patay! Inulit na naman niya!” Sambit muli ni Mark derekta sa kaniyang isipan.

*** SFX: *Wooooooooooooooosh! TOTOTOTOOOOINKS! ***

“Araaaaaaaaaaaaaaaaay!” Malakas na pagkakasigaw ni Aron.

Halos bumaon sa sahid ang mukha ni Aron matapos siyang pagkukutusan ni Rachelle.

“Sa susunod na tawagin mo pa akong lola ay sisiguraduhin ko ng pati ang ama mo ay malilintikan sa’kin!” Galit na pagkakasambit ni Rachelle.

Sabay-sabay napalunok ang magkakaibigan at wala kahit isa sa kanila ang gustong magsalita sa ngayon.

Samantala, sa loob ng Dragon Empire.

*Achoooo! *Brrrrrrrrr… Teka lang! Bakit ako biglang kinilabutan? Pakiramdam ko tuloy may panganib na paparating sa’kin ah! Masama ito, kailangan ko ng mag-ingat!” Sambit ni Daigon.

Mabalik muli tayo sa bahay nila Rachelle. Sa ngayon ay wala pa ring nagsasalita sa magkakaibigan. Lahat kasi sila ay natatakot, pero nilakasan na ni Mark ang kaniyang loob at matapang na itong nagsalita.

 

*Umm.. Master? Tungkol nga po pala kay Rain. Natagpuan na na’min siya.” Takot na pagkakasambit ni Mark.

 

“At ano naman ang paki-alam ko sa bwisit na batang yon!?” Galit na pagkakatugon ni Rachelle kay Mark.

 

“Galit pa rin siya!” Sambit ni Mark derekta sa kaniyang isipan.

“Master! Kumalma ka lang po! Wag na po kayong magalit.” Medyo takot na pagkakasambit ni Lina.

Sa mga oras na ito ay huminga ng malalim si Rachelle at matapos nito ay unti-unti na ngang nawala ang masamang aura na kaniyang nilalabas. Bigla namang napa-buntong hininga ang magkakaibigan, dahil hindi na nila nararamdaman ang masamang aura, ganon din si Rein. xD

“Tungkol sa sinabi mo Mark. Alam ko na ang bagay na yan, dahil na ikwento na yan sa’kin ni Lina. Maiba ako, ano ang tingin nyo sa Zazan na yon?” Sambit ni Rachelle.

*Hmmm.. Totoong kamukha nga siya ni Rain, pero magkaiba sila ng ugali. Siguro po dahil ito sa pagkaka-reincarnate niya.” Sambit ni Selina.

“Ganon din po ang sa tingin ko.” Sambit naman ni Mark.

 

*Hmmm.. May ideya ba kayo kung bakit ganon kaagad ang laki ng bagong reincarnation ni Rain? Hindi ba dapat isang sanggol si Rain ngayon at dapat ay dalawang taon pa lang? Pero bakit ang laki na niya at kasalukuyan pang nag-aaral sa paaralan nyo?” Sambit muli ni Rachelle.

“Naisip ko na din po ang tungkol sa bagay na yan, master. Pero ang sabi po sa’min ni Zazan ay nagising na lang daw siyang ganon at wala na siyang naalala pa tungkol sa kaniyang mga nakaraan.” Sambit naman ni Mark.

“Sa tingin ko rin po ay dahil mahina pa si Rain nung na-reincarnate siya, kaya po ganon ang resulta ng kaniyang reincarnation.” Sambit naman ni Selina.

“Nagkakamali kayong lahat sa inyong mga iniisip. Dahil sa oras na mareincarnate ang isang phoenix ay babalik ito sa pagiging isang sanggol. At kung ang Zazan mang iyon si Rain ay posibleng hindi siya na reincarnate.” Sambit muli ni Rachelle.

“Talaga po!? Kung ganon, posibleng hindi nga nareincarnate si Rain, kundi nabura lang ang kaniyang mga alala? Hindi kaya?” Sambit naman ni David.

“Posibleng tama ka nga, David.” Sambit naman ni Selina.

“Come to think of it, parang ganon na nga ang nangyari kay Rain.” Sambit naman ni Melisa.

“Pero posibleng nagpapanggap lang si Rain na hindi tayo naalala.” Walang emosyong pagkakasambit naman ni Alex.

Napatingin ang magkakaibigan kay Alex, dahil naisip nilang posible nga ang ganon.

 

“May punto ka nga don, Alex. Siguro ay dapat na’tin manmanan si Zazan.” Sambit ni Mark.

“Sang-ayon ako don.” Sambit naman ni Selina.

*Uhm! Tawagin na’tin itong “Oplan! Balik Rain!”.” Sambit naman ni Annie.

“Okay!” Sambit naman ng lahat.

Sandaling nag-usap pa ang magkakaibigan at masayang pinagtatanong si Rachelle tungkol sa mga nangyari sa kanila, kasama si Drake sa mundo ng mga tao. Samantala, alerto pa rin ang sila Luke habang nasa ilalim sila ng basement. Posible kasing biglang bumaba ang magkakaibigan. xD

 Chapter end.

Afterwords.

Hello, ako muli! Woooooo! Bwisit! hindi ko ma send sa email yung dapat kong i-send.. sana naman sa pagkakataong ito ay hindi na i-reject nung server, sobrang taas kasi nung file.. dapat nung may 11 pa 'to na send eh.. Sana hindi pa huli ang lahat.. T_T

Sa mga gustong maging updated sa mga ginagawa ko o sa mga gustong makausap ako.. maaari lang po kayong pumasok sa group page ng SOM..

eto po yung link.

https://www.facebook.com/groups/SchoolOfMyths/

Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..

Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..

Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..

 Susunod.

Chapter 7: Combat Practice.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top