Chapter 41: Mga paghahanda.

 July 26, CS242, araw ng linggo. Isang linggo na ang nakakalipas magmula ng makausap muli nila Rain ang tatlo pa sa kanilang kapatid. At tungkol sa kanilang gagawin hakbang ang kanilang napag-usapan.

Sa ngayon ay tanging pagmamatyag lang ang ginagawa ni Eclaire kasama si Lyrices sa dating bayan ng mga werewolf, ang bayan ng Loren. Maingat silang nagmamatyag sa himpapawid habang nakasakay sila kay Black fiery. Nagkukubli sila sa likod ng mga ulap upang hindi sila mapansin ng kanilang kalaban. Batid kasi nilang nagkalat ang mga familiars sa kagubatan at kalupaan, kaya ito na ang pinaka-ligtas na paraan upang magmatyag.

Katulad ng inaasahan ay hindi basta makikita ang kastilyo na tinutukoy ni Viel. Ngunit may ginawa silang paraan upang lumabas ito at makita kahit hindi na gumamit pa ng kung anong klaseng kapangyarihan.

Sa pamamagitan ng taglay na kapangyarihan ni Poseidon ay nagawa niyang masira ang kapangyarihan na nagtatago sa buong kastilyo. At ginawa niya ito sa isang simpleng paraan na hindi mapapansin ng kanilang mga kalaban, ang ulan.

Nag-cast ng isang spell si Poseidon sa tubig dagat na siyang nag-evaporate at naipon sa mga ulap. Dalawang araw ang kanilang hinintay upang bumagsak ang ulan sa kabundukan ng Loren at nung araw ding yon ay lumabas na ang kastilyo na kanilang hinahanap. Inaasahan na nilang mapapansin agad ito ng kanilang mga kalaban, ngunit batid na rin naman nila na alam na ng mga ito na malapit na silang sumalakay.

Sa tulong ng makabagong teknolohiya ng mga tao ay nagagawa nila Eclaire na makita ang kanilang mga kalaban kahit malayo ang kanilang distansya sa mga ito. Gamit ang mga binoculars ay masusi nilang pinag-aaralan ang mga kilos ng kanilang mga kalaban at katulad ng kanilang inaasahan ay nandito na ang lahat ng mga Isenhart, dahil na rin sa dami ng bilang na kanilang nakikita na nagbabatay sa ibaba, sa gubat at sa labas ng kastilyo.

Mapunta tayo kay Hades. Sa ngayon ay nagbalik siya sa Herras city, kasama si Leiya, Zeren at Poseidon. Kasalukuyan ngayon silang nasa silid ni Viel upang mag-usap. Labis namang nababahala ang ibang mga werewolf at Lycans sa pagbabalik nila Hades, ngunit batid nilang hindi na nila ito mga kalaban.

Humigop muna sa kaniyang tsaa si Viel bago ito tuluyang magsalita.

 

“Ano naman ang pakay mo ngayon, Hades?” Tanong ni Viel.

 

“Alam kong alam mo na ang bagay na pinunta na’min dito, Viel.” Tugon ni Hades.

 

*Fufufu.. Sinasabi ko na nga ba, pero hindi ko balak ilagay sa piligro ang buhay ng aking mga nasasakupan.” Sambit muli ni Viel.

 

“Pero kuya! Kailangan nila Hades ang tulong na’tin.” Sambit ni Leiya.

“Wag kang mag-alala, Leiya. Sasama ako at ang ilan sa ating mga kalahi, ngunit hindi ako papayag na sumama ka.” Sambit muli ni Viel.

                                                                

*Weh?! Pero gusto ko rin tumulong!” Sambit muli ni Leiya.

 

“Tama ang kuya mo, Leiya. Mas makakabuti kung magpaiwan ka na lang dito.” Sambit ni Hades.

“Sang-ayon ako sa kanila, tiya. At isa pa ay hindi basta mga ordinaryong kalaban ang aming sasalakayin.” Sambit ni Zeren.

 

“Okay.. Nauunawaan ko.” Medyo malungkot na pagkakasambit ni Leiya.

 

“Maraming salamat sa pag-unawa Leiya.” Sambit ni Hades.

“Maraming salamat din sayo, Viel. Malaking bagay para sa’min ang pagsali mo sa aming pagsalakay.” Sambit ni Poseidon.

“Wag kang magpasalamat, Poseidon. Sa totoo lang ay matagal ko ng gustong gawin ang bagay na ‘to.” Nakangiting pagkakasambit ni Viel.

 

*Fufufu.. Hindi nga ako nagkamali, natitiyak kong matagal mo ng gustong kalabanin si Izual, dahil tipakan nito ang iyong pride. Ngunit wala kang panahon upang gawin ang bagay na ‘to dati, dahil iniisip mo ang kapakanan ng iyong lahi at pati na rin ang mga Lycans.” Nakangiting pagkakasambit ni Hades.

 

*Fufu.. Ganon na nga, pero ngayong nandito na ang aking kapatid, kampante na akong lumaban sa kanila.” Sambit ni Viel.

Agad napatingin si Leiya sa kaniyang kuya matapos marinig ang mga sinabi nito.

“Kuya..” Mabagal na pagkakasambit ni Leiya.

 

“Kung ganon, handa na akong sabihin sayo ang aming mga plano.” Nakangiting pagkakasambit ni Hades.

Matapos magsalita ay nagsimula na silang idetalye kay Viel ang kanilang mga plano sa gagawin nilang pagsalakay sa mga Isenhart. Kampante si Hades na hindi sila ta-traydorin ni Viel kahit dating kapanalig nito si Izual. Batid kasi niya na napilitan lang si Viel na maging kapanalig ng mga Isenhart, dahil iniisip nito ang kapakanan ng kaniyang lahi. Posible din kasing ma-ubos ang kanilang lahi katulad ng nangyari sa mga Druid at Sorcerers, kaya kahit masakit para sa kaniya ay pinili pa rin niya ang pinakatamang gawin para sa kaniyang mga nasasakupan. At iyon ay ang makipag-alyansa sa mga Isenhart.

Mapunta naman tayo sa magkakaibigan, sa ngayon ay puspusan pa rin ang pagsasanay ni Jigo sa kamay ni Azys, ngunit hindi tulad ng dati ay malaki na ang kaniyang inilakas. Hindi niya batid ang tungkol dito, dahil hindi sila humihinto sa pagsasanay. Ngunit pansin ito ng kaniyang mga kaibigan at tila si Azys ay mas nagiging seryoso sa nagaganap nilang paglalaban.

Samantala, hindi na naki-alam pa si Alex sa nagaganap na pagsasanay ni Jigo matapos nitong maka-alis sa Utopia Phantasm. Sa ngayon ay nagsasanay na din siya sa underground basement at si Mishia ang kaniyang katuwang. Ngunit hindi tulad nila Jigo ay nahihinto ang kanilang pagsasanay, dahil kailangan nila Alex na pumasok sa kanilang paaralan.

Sa mga oras na ito ay pinanonood lang ni Mark at ng iba pa ang pagsasanay ng dalawa. Gustohin man nilang magsanay sa ngayon ay hindi nila ito magawa, dahil makakasabagal lang sila sa mga kasalukuyang nagsasanay.

 

“Grabe ang inilakas ni Jigo. Mapapansin mo kay sir Azys na medyo nahihirapan na siyang makipaglaban.” Sambit ni Melisa.

“Sang-ayon ako sa sinabi mo. Pati rin si Alex ay malaki ang inilakas, matapos niyang makalabas dun sa utopia phantasm.” Sambit ni Selina.

 

“Nakakainis! Gusto ko ring magsanay!” Sambit ni Aron.

 

“Alam ko ang nararamdam mo Aron, kahit ako ay gusto ko ring magsanay kasama nila, pero alam na’ting lahat na makakasabagal lang tayo sa pagsasanay nila sa oras na ginawa na’tin yon.” Sambit ni Mark.

 

“Ano ba kasi ang pinaplano nilang gawin ngayon? Wala ka ba talagang alam, Lina?” Sambit ni Annie.

“Wala eh, mukhang hanggang sa ngayon ay pinag-iisipan pa rin nila master ang gagawin nilang hakbang laban sa mga Isenhart. Pero malalaman ko din naman ang mga yon, kaya wag kayong mag-alala.” Sambit ni Lina.

 

“Papaano kung wala silang balak sabihin sayo ang kanilang plano?” Sambit ni Eimi.

 

“Wag kang magsalita ng ganyan, Eimi. At kahit hindi nila sabihin sa’kin ay malalaman ko din, kasi dito ako nakatira kasama nila.” Sambit muli ni Lina.

 

“Sabagay, may point ka don. Pero sana sabihin mo pa rin sa’min ang tungkol sa bagay nagagawin nila, kahit batid na’ting lahat na wala tayong magagawa para makatulong.” Sambit muli ni Eimi.

*Uhm! Wag kang kayong mag-alala, ipapaalam ko agad sa inyo ang mga malalaman ko tungkol sa plano nila.” Sambit muli ni Lina.

 

“Maitanong ko lang, bakit hindi ko makita si miss Eclaire at ang mama ni Mishia ngayon?” Sambit ni David.

 

*Ahh! Nagpunta daw sila sa bayan kung saan kami pinalaki ni Rain. May kukunin lang yata silang mga gamit don, yun ang sabi ni miss Eclaire sa’kin kanina nung umalis sila.” Tugon ni Lina.

*Hmm.. *Eh sila ginoong Hades, Poseidon at yung kuya ni Rain? Bakit parang hindi ko rin sila nakita kanina?” Sambit muli ni David.

 

“Hinatid na nila pabalik sa Herras city si miss Leiya kanina.” Tugon muli ni Lina.

 

*Ahh.. Kapatid nga pala siya ng pinuno ng mga werewolf.” Sambit muli ni David.

 

“Ganon na nga.” Sambit muli ni Lina.

“Sandali lang, nasaan ba si Rain?” Tanong ni Eimi.

 

“Ang alam ko nagpunta sila sa underground library eh.” Tugon ni Lina.

“Hindi ba delikado ang ginawa nila? Ang alam ko kasi marami pa ring nagbabantay na tribunal crime squad sa school eh.” Sambit ni Mark.

“Wag kang mag-alala, may ginawang bagong lagusan si master patungo don. At nasa labas ito ng campus.” Tugon muli ni Lina.

 

*Ahh! Sayang pala, sana dun na lang tayo nagpunta.” Sambit ni David.

 

“Oo nga no, nakapagbasa pa sana tayo ng mga aklat.” Sambit ni Melisa.

 

“Pero natitiyak kong hindi sasama sa’tin si Alex, dahil magsasanay din siya eh.” Sambit ni Annie.

 

“Sabagay at isa pa ay nandito na tayo eh.” Sambit ni David.

Napa sang-ayon na lang ang lahat sa sinabi ni David, kaya muli na lang nilang pinanuod ang nagaganap na pagsasanay ng kanilang mga kaibigan.

Samantala, kasalukuyan ngayon nasa Yami clan base si Rain at Sophia. Nandito sila upang tulungan ang pinakabata sa magkakapatid na Reign Icarus, si Zinon para magsanay. Pawang mga katotoohan ang sinabi ni Lina sa kaniyang mga kaibigan tungkol sa kinaroroonan ni Rain, ngunit ang hindi niya alam ay nagsinungaling sa kaniya ito upang mapagtakpan ang ginagawa nilang paghahanda sa gagawin nilang pagsalakay.

Nung unang araw nang kanilang pagsasanay ay sinubok ni Zilan ang lakas ni Rain at dito ay nakumbinsi siyang totoo ngang nagbalik ang mga alala nito. Labis ding nagulat si Sophia sa kaniyang nakita, ngunit alam niyang hindi pa ito sapat upang magapi nila ang kanilang mga kalaban.

Halos araw-araw ay nagpupunta si Rain dito kasama si Sophia upang sanayin si Zinon. At umuuwi lang sila sa oras na tapos na ang klase sa Olympus university, para hindi sila mapaghinalaan ni Lina.

Malaki na rin ang ipinagbago ni Zinon magmula ng mapunta siya sa puder nila Zilan. Mas lumakas na ito at gumaling sa pakikipaglaban. Itinuro na din ni Rain ang mga skill na alam niya dahil parehas lang naman sila ng DNA materials ni Zinon, kaya hindi imposible na magaya nito ng tama at eksakto ang kaniyang mga skills.

Samantala, sa kastilyo kung saan ngayon naroroon si Izual at ang iba pang mga Isenhart. Hindi naaalis ang pagiging alerto nito at ng kaniyang mga tauhan. Batid nilang anumang oras ay sasalakay ang kanilang mga kalaban lalo na’t hindi na niya kapanalig si Viel at ang mga nasasakupan nito. Hindi naman niya magawang umalis dahil posibleng ito lang ang hinihintay ng kanilang mga kalaban na pagkakataon para sila’y salakayin.

Sa ibabang parte ng kastilyo, kasalukuyan ngayon may nag-uusap na dalawang Isenhart.

 

“Halos isang linggo na rin ng magtungo tayo dito.” Sambit ni Yena.

 

*Uhm.. Kamusta na kaya ang anak ko. Sana naman ligtas siya ngayon.” Sambit ni Lara.

“Natitiyak ko kung nasaan man si Jigo ngayon ay ligtas siya, dahil namana niya sayo ang kaniyang ugali.” Nakangiting pagkakasambit ni Yena.

“Sana nga.” Sambit muli ni Lara.

*** Yena Isenhart. Hindi tukoy ang kaniyang edad, ngunit base sa kaniyang anyo ay nasa mid 20’s siya. (Pero ilang daang taon na siyang nabubuhay.. xD) Siya ang nakababatang kapatid ni Izual at siya din ang dapat na mapapangasawa ni Azys, ngunit sa hindi nila alam na dahilan ay bigla na lang nawala si Azys. At sa ngayon ay hindi nila alam kung buhay pa ito o patay na. Malakas, tapat at magaling na leader si Yena, ngunit sa likod nito ay malambot ang puso niya pagdating sa mga mahihinang nilalang, ang mga tao.

Slim ang pangangatawan ni Yena, nasa 5’5” ang kaniyang taas, maputi at makinis ang kaniyang balat, maganda ang mahabang gray niyang buhok at medyo may hinaharap naman. (if you know what I mean! :3) ***

 

*** Lara Isenhart. Tulad ni Yena ay hindi rin tukoy ang kaniyang edad, ngunit ilang taon lang ang kanilang pagitan. (Mga 20 years sigurong mas matanda si Yena. xD) Siya naman ang ina ni Jigo. Hindi rin nagkakalayo ang ugali niya kay Yena at ito ang dahilan kung bakit sila naging malapit sa isa’t-isa.

Slim ang pangangatawan ni Lara, nasa 5’6” ang kaniyang taas, maputi at makinis din ang kaniyang balat, maganda rin ang itim niyang buhok na nasa katamtamang haba at medyo may pyutsur din. (if you know what I mean! :3) ***

Sandaling natahimik ang dalawa dahil iniisip ni Yena ang kalagayan ng kaniyang kaibigan. Batid kasi niyang mahal na mahal ni Lara ang kaniyang anak, kahit anak niya ito sa isang tao.

Hanggang dalawa lang kasi ang kayang maging anak ng isang Isenhart. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nanamatay ang sinumang nagsisilang ng higit sa dalawang anak. Ganito din ang kalagayan ng tatlo pang makapangyarihang lahi, ang mga werewolf, druids at sorcerers. At dahil sa pangyayaring ito ay mababa ang kanilang mga populasyon.

Ilang sandali pa ay nakita nila ang mabagal na paglalakad ni Kiel at patungo ito sa dereksyon kung nasaan sila ngayon. At katulad ng kanilang inaasahan, sila ang pakay nito.

 

“Tiya Yena, ipinatatawag ka po ni ama.” Sambit ni Kiel.

 

“Ganon ba? Paki-sabi kay kuya na susunod na ako.” Tugon ni Yena.

 

“Okay po.” Sambit muli ni Kiel.

Matapos magsalita ay nagsimula ng maglakad pabalik si Kiel, ngunit napahinto ito matapos siyang tawagin ni Lara.

 

“Keil, may balita ka na ba tungkol sa anak ko?” Sambit ni Lara.

 

“Pasensya na, pero wala akong balita sa traydor mong anak. At kung meron man ay hindi ko hahayaang malaman mo ang tungkol don.” Tugon ni Kiel.

Hindi nagustuhan ni Yena ang kaniyang mga narinig mula kay Kiel, kaya agad niya itong pinagsabihan.

 

“Kiel! Hindi tama ang sinabi mo sa aking kaibigan. Humingi ka ngayon ng paumanhin sa kaniya.” Sambit ni Yena.

 

“Sa umpisa pa lang ay humingi na ako ng paumanhin tiya, kaya hindi ko na po yon uulitin pa.” Sambit muli ni Kiel.

Matapos magsalita ay muli ng ipinagpatuloy ni Keil ang kaniyang paglalakad. Naunawaan naman ni Yena ang huling sinabi ni Kiel sa kanila, dahil totoo naman ang sinabi nito. Literal nga lang.

 

“Wag kang mag-alala, Lara. Natitiyak kong buhay pa ang anak mo.” Sambit ni Yena.

 

“Maraming salamat.” Mahinang pagkakasambit ni Lara.

Makalipas ang ilang minuto ay nagtungo na si Yena sa silid ng kaniyang kapatid. At nang kaniya itong marating ay mabilis na siyang lumapit.

 

“Bakit mo ako ipinatawag, kuya?” Tanong ni Yena.

 

“Oras na para gumawa tayo ng hakbang.” Nakangiting pagkakatugon ni Izual.

Kinahapunan, sandaling nagpahinga sila Alex sa kanilang pagsasanay. Oras na kasi para sila ay mag meryenda at ito ang bagay na hindi pinalalampas ni Mishia. (Spoiled kasi! XD)

Samantala, patuloy naman sa kanilang pagsasanay sila Jigo at tila hindi nila alintana ang pagod at gutom. Gustuhin man ni Alex na pahintuin ang nagaganap nitong pagsasanay ay hindi niya ito magawa, dahil hindi na ito pahihintulutan ni Jigo. Malungkot na lang niyang pinagmasdan ang kasintahan habang mabagal silang naglalakad papalabas ng basement.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakapunta na sila sa itaas. Masayang nagtungo si Mishia sa kusina upang kumain. Samantala, nagtungo naman ang magkakaibigan sa may sala upang don sila mag-usap. Naabutan nila don si Carl at Aviona na kasalukuyang nanonood ng tv.

 

“Uuwi na ba kayo?” Tanong ni Carl.

 

“Baka maya-maya pa.” Tugon ni Melisa.

 

“*Tsk!” Sambit muli ni Carl.

 

“Sandali lang, bakit parang gusto mong umalis kame dito?” Medyo inis na pagkakasambit ni Selina.

Hindi nagawang tumugon ni Carl at kalaunan ay nalakad na lang ito patungo sa kusina kung nasaan ngayon si Mishia. Labis naman itong ikinainis ni Selina at kalaunan ay tila galit na nagsalita.

 

“Ano ba ang problema ng isang yon?!” Sambit ni Selina.

 

“Alam nyo, nag-aalala lang si Carl para sa inyo. Hindi kasi ligtas ang lugar na ‘to. Papaano kung bigla na lang kaming sugurin ng mga kalaban? Papaano na’min kayo maipagtatanggol?” Sambit ni Aviona.

 

“Pero wala namang nakakaalam na dito kayo nagtatago, di po ba?” Sambit ni Aron.

 

“Sa ngayon wala, pero natitiyak kong panandalian lang yon.” Sambit muli ni Aviona.

“Sabagay, may punto ang sinabi ni miss Aviona. Hayaan nyo po, hindi na po na’min dadalasan ang pagpunta dito.” Sambit ni Melisa.

 

“Pero pupunta pa rin ako dito, kahit ako lang mag-isa.” Sambit ni Alex.

 

“Alam na na’min ang bagay na yon, Alex.” Medyo awkward na pagkakasambit ni Annie.

Ilang sandali pa ay may dalawang lumabas mula sa kwarto ni Rachelle. Mabilis na napalingon dito si Alex sa pag-aakalang si Jigo ito, ngunit na nadismaya lamang siya.

 

“Si miss Eclaire at ang mama ni Mishia lang pala.” Dismayadong pagkakasambit ni Alex.

 

“Maligayang pagbabalik.” Masayang pagkakasambit ni Aviona.

 

“Parang hindi mo yata nagustuhan na nakita mo kami, Alex?” Sambit ni Eclaire.

 

“Hindi naman po sa ganon, ang akala ko po kasi si Jigo na yung lumabas. Wala naman po kasi kayo dun sa underground basement kanina eh.” Medyo awkward na pagkakatugon ni Alex.

 

*Ahh.. Kasama kasi na’min si Black Fiery, kaya don na’min napiling mag-teleport.” Sambit muli ni Eclaire.

Napa-tango na lang ang magkakaibigan sa kanilang mga narinig. Samantala, mabilis namang nilapitan ni Mishia ang kaniyang ina at kalaunan ay niyakap. Matapos nito ay may ibinigay si Lyrices na isang supot sa kaniya, naglalaman ito ng mga gamit nila na naiwan nila sa mundo ng mga tao. Sinadya kasi nila Eclaire na magtungo talaga sa dating bahay ng kaniya kapatid, dahil batid nilang maaabutan nila ang mga kaibigan ni Rain sa bahay. At ito ang paraan upang hindi sila paghinalaan sa kanilang tunay na ginagawa.

Mapunta naman tayo sa Yami clan base, kasalukuyan na itong sinugod ni Irish kasama ng ilan sa kanilang mga kalahi. At sa ngayon ay nasa pangangalaga na nito si Zinon na kusang sumama sa kanila.

 

“Paalam, mga utu-uto!” Nakangiting pagkakasambit ni Zinon.

Chapter end.

Afterwords

Sama ng pakiramdam ko ngayon. Sakit ng lalamunan ko kakaubo.. Nakakainis pa kasi laging sinisisi ni nanay ang pagpupuyat ko.. kahit na anong maramdaman ko, sinisisi niya na lagi akong nagpupuyat.. Hindi ko naman maiwasang hindi magpuyat, kasi malala na yung insomia ko.. Always 5am gising pa ako.. hindi ko alam kung anong oras na ako nakakatulog.. >.<

Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..

Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..

 

Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..

Susunod.   

Chapter 42: Pagsalakay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top