Chapter 40: Mga natitirang mapayapang araw.

July 18, CS242, araw ng sabado. Sa wakas ay natapos na ang matagal ng hidwaan sa pagitan ni Hades at Viel. Hindi nagawang matalo ni Viel si Hades ngunit sapat na ang naging paglalaban nila upang tuldukan ang kanilang alitan sa nakaraan.

Tinanggap ni Viel ang grupo ni Hades bilang kanilang mga panauhin at sa ngayon ay nasa kaniyang silid ang mga ito upang dito sila pribadong makapag-usap. Ilang sandali pa ay dumating na si Leiya kasama si Eclaire at Poseidon.

 

“Mabuti naman at hindi ka pinatay ni Hades.” Sambit ni Eclaire.

 

*Fufufu.. Hindi ka pa rin nagbabago, Eclaire.” Sambit ni Viel.

Napangiti na lang si Eclaire matapos marinig ang sinabi ni Viel sa kaniya at kalaunan ay lumapit na sa kaniyang mga kasama. Samantala, nagtungo naman sa kaniyang kapatid si Leiya upang tumulong sa pag lunas sa mga natamo nitong pinsala.

 

“Siguro naman kuya, magtitino ka na? Kung nabubuhay lang si ama ay natitiyak kong pagagalitan ka non, dahil nakipaglaban ka na naman kay Hades.” Sambit ni Leiya.

                                                                                                                                      

*Fufufu.. Mahigit tatlong daan taon na ako Leiya. Alam ko ang mga limitasyon ko.” Tugon ni Viel.

 

“Oo na! Oo na! Taas kasi ng pride mo!” Sambit muli ni Leiya.

Tahimik lang na pinanood nila Rain ang ginagawa ni Leiya sa kaniyang kapatid. Ngunit ilang sandali pa ay muli ng nagsalita si Hades.

 

“Mabalik tayo sa sinabi ko kanina, alam kong alam mo kung nasaan ngayon si Izual.” Sambit ni Hades.

Sandaling tumahimik ngunit nanatiling nakangiti si Viel.

 

“Papaano ka naman nakatitiyak na alam ko ang tungkol sa bagay na yan?” Sambit ni Viel.

Napangiti na lang si Hades at kalaunan ay napalingon kay Mishia na sa kasalukuyang may hawak na isang maliit na nilalang at tila wala na itong buhay. Napatingin din dito si Viel at kalaunan ay nagulat sa kaniyang nakita.

 

“Mama! Katulad ng kay Papa ang familiar na ‘to!” Sambit ni Mishia.

 

*Hmm.. Kung hindi ako nagkakamali ay familiar ito ni Izual.” Sambit ni Lyrices.

Hindi pa rin maalis ang pagkagulat sa mukha ni Viel at iniisip kung papaano ito nalaman ni Hades at nahuli ng batang kasama nito.

 

*Fufufu.. Siguro naman ay alam mo na ang sagot sa tanong mo kanina.” Nakangiting pagkakasambit ni Hades.

 

*Fufufu.. Pero papaano mo nalamang may komunikasyon ako kay Izual?” Nakangiting pagkakatugon ni Viel.

“Sa totoo lang ay nagbakasakali lang ako, dahil hindi titira sa Travincial ang lahi ng mga werewolf kung hindi sila nakipagkasundo sa mga vampire. Pero ng makarating kami dito ay agad kong naramdaman ang pamilyar na aura at natitiyak kong galing ito Izual.” Nakangiti muling pagkakasambit ni Hades.

 

*Fufu.. Tama ka, nakipagkasundo nga kami sa mga vampire. Ngunit tutol ako dito nung mga panahong si pinunong Aldur pa ang namumuno. Wala akong nagawa ng mga panahong yon, ngunit habang tumatagal ay nagustuhan ko na din si Izual.” Sambit ni Viel.

Biglang napatayo si Leiya sa kaniyang mga narinig at kalaunan ay maluha-luhang nagsalita.

“Ku..kuya? Nagkagusto ka kay Izual? Kung ganon ay lalaki din pala ang tipo mo? *Huhuhu.. Hindi ko akalain na mapupunta ka sa kadiliman, kuya.” Malungkot na pagkakasambit ni Leiya.

Pilit pinipigilan ng grupo nila Hades ang kanilang pagtawa matapos marinig ang sinabi ni Leiya. Ngunit mapapansin sa kanilang mga mukha na gustong-gusto na nilang tumawa ng malakas. Napansin ito ni Viel kaya labis siyang nagalit sa kaniyang nakababatang kapatid.

“Mali ang iniisip mo Leiya! Nagustuhan ko si Izual bilang isang kapanalig! Hindi bilang isang lalaki o kung ano pa man! Ano ba yang iniisip mo tungkol sa’kin? Parang hindi mo ako kilala! Tanging si Candara lang ang minahal ko, ngunit bwisit ‘tong Hades na ‘to dahil nagustuhan siya ni Candara! Kaya noon pa man ay galit na galit ako sa kaniya!” Galit na pagkakasigaw ni Viel.

Batid ng lahat ang ibig sabihin ni Viel tungkol sa sinabi niya kanina, ngunit si Leiya lang ang iba ang interpretasyon sa kaniyang mga narinig.

“Ga..ganon ba? Pa..pa..pasensya na. Akala ko kasi nagbago ka na dahil ilang daang taon na rin ang lumipas. *Hehehe.. Sorry ah.” Medyo awkward na pagkakasambit ni Leiya.

*Pttttt! *Ehem! *Ehem! Bakit hindi mo pa sabihin sa’min ang lugar kung saan na’min makikita si Izual?” Sambit ni Hades.

Hindi maitago ni Viel ang kaniyang galit dahil batid niyang pinipigilan pa rin ni Hades ang kaniyang pagtawa, gayun din ang iba pa nitong mga kasama. Ngunit gayumpaman ay nagawa niyang magtimpi sa unang pagkakataon, dahil batid niyang wala na siyang magagawa pa kung siya ay makikipagtalo.

 

“Makikita sila sa pinakadulo ng Loren. Nababalot ng kapangyarihan ang kanilang kastilyo, kaya hindi ito makikita ng inyong mga mata.” Sambit ni Viel.

 

*Hmm.. Sa dating bayan ng mga werewolf? Kung ganon ay don pala sila nagtatago. Maraming salamat, Viel.” Sambit ni Hades.

Halos sabay-sabay tumayo ang grupo nila Hades at kalaunan ay naghanda para sa kanilang pag-alis.

 

“Aalis na kayo?” Tanong ni Leiya.

“*Uhm..” Tugon ni Eclaire.

 

“Kung ganon ay sasama ako.” Sambit muli ni Leiya.

Agad tumingin si Leiya sa kaniyang kapatid matapos niyang magsalita, ngunit hindi niya inaasahan ang kaniyang narinig.

 

“Malaya kang gawin ang gusto mo, kaya wag mo ng hingin ang aking pirmiso.” Sambit ni Viel.

Agad napangiti si Leiya sa kaniyang mga narinig at kalaunan ay masayang nagsalita.

 

“Maraming salamat, kuya.” Sambit ni Leiya.

Hindi na tumugon pa si Viel at nanatili na lang na tahimik. Samantala, agad lumapit si Leiya kay Eclaire at ilang sandali pa ay mabilis na silang naglaho.

 

*Fufufu.. Sana magtagumpay kayo sa nais nyong gawin, Hades.” Nakangiting pagkakasambit ni Viel.

Ilang sandali pa ay may kumatok sa pinto na kalaunan ay pumasok. May dala itong mga pagkain na para sa kanilang mga panauhin, ngunit laking pagtataka nito matapos makitang si Viel na lang ang nasa loob.

 

*Huh? Nasaan na po ang ating mga bisita?” Sambit ng ina ni Aris.

                                   

“Umalis na sila, apo.” Tugon ni Viel.

*Huh? Pero wala naman po akong nakitang lumabas ah! At si lola Leiya? Nasaan po siya?” Sambit muli ng ina ni Aris.

 

“Wag kang mag-alala, pansalamantala lang siyang umalis.” Tugon muli ni Viel.

Hindi na muli pa nagtanong ang kaniyang apo, kaya naman umalis na ito dala ang mga pagkaing para sana sa kanilang mga bisita.

Samantala, sa isang kastilyo sa tuktok ng bundok na makikita sa pinaka-dulo ng Loren. Kasalukuyan ngayon naglalagi dito si Izual, kasama ng ilan sa kaniyang mga tapat na taga-sunod.

*Fufufu.. Kung ganon ay isang vampire din ang batang kasama ngayon nila Hades. Hindi na tuloy ako makapaghintay na makaharap siyang muli.” Nakangiting pagkakasambit ni Izual.

Mabalik tayo kila Rain. Sa ngayon ay nakabalik na sila sa kanilang bahay at salamat sa kapangyarihan nila Eclaire, Lyrices at Mishia dahil nagawa nilang makabalik sa napakabilis na paraan. Agad naman silang nakita ni Aviona kaya sinalubong na sila nito at kalaunan ay binati.

“Maligayang pagbabalik.” Masayang pagbati ni Aviona.

“Whoa! Aviona?!” Sambit ni Leiya.

“Leiya!” Masayang pagkakasambit muli ni Aviona.

Agad niyakap ni Leiya si Aviona dahil matagal din niya itong hindi nakita.

 

“Tulad ni Eclaire ay hindi ka rin nagbago! Ang cute mo pa rin!” Masayang pagkakasambit ni Leiya.

 

*Hehehe.. Pati naman ikaw! Maganda ka pa rin!” Masayang pagkakasambit ni Aviona.

Ilang sandali pa ay sinilip ni Rachelle sila Rain, dahil batid niya ang pagdating ng mga ito.

 

“Kung ganon ay isinama nyo pala ang kaibigan nyo sa inyong pagbabalik. Mabuti siguro kung ang kwarto muna ni Rain ang ipagamit nyo sa kaniya.” Sambit ni Rachelle.

*Uhm.. Binabalak ko ngang gawin ang bagay na yon, ate.” Tugon ni Rain.

 

*Ahh! Nasa ibaba nga pala ang mga kaibigan mo. Pinapanood nila ang pagsasanay ni Jigo, kaya mabuting puntahan mo na sila dahil kanina ka pa nila hinihintay.” Sambit muli ni Rachelle.

 

“Okay.” Tugon muli ni Rain.

Matapos makipag-usap ay muling bumalik sa kaniyang ginawa si Rachelle sa loob ng kusina.

 

“Tiya Leiya, pupuntahan ko muna ang mga kaibigan ko. Sila ama na po muna ang bahalang umasikaso sa inyo.” Sambit ni Rain.

 

“Wag mo akong intindihin Zenon. Mabuti pang puntahan mo na ang mga kaibigan mo.” Tugon ni Leiya.

Napatango na lang si Rain at kalaunan ay mabilis na nagtungo sa kwarto ni Rachelle kung saan naroroon ang lagusan patungo sa underground basement. Sinundan naman siya ni Mishia dahil sabik na rin siyang makita ang kaniyang ama.

Samantala, inaya naman ni Hades si Leiya sa may sala upang dito ay muli silang makapag-usap kasama ng iba pa.

Mabalik tayo kay Rain, halos ilang minuto lang ang lumipas ng marating nila ang underground basement. Agad siyang nakita ng kaniyang mga kaibigan, kaya mabilis siyang nilapitan ng mga ito upang kausapin.

 

“Kamusta ang naging lakad nyo?” Tanong ni Lina.

“Katulad na ng inaasahan na’min ang mangyayari at ang ibig sabihin lang non ay nagtagumpay kami.” Tugon ni Rain.

 

“Mabuti naman kung ganon.” Sambit muli ni Lina.

 

“Pero ano na ang susunod nyong binabalak?” Tanong ni Selina.

 

“Pag-uusapan pa lang na’min ang tungkol sa bagay na yon.” Tugon ni Rain.

“Ganon ba? Gusto ko sanang tumulong sa inyo, pero hindi ko alam kung papaano.” Sambit muli ni Selina.

“Sapat na para sa’king malamang ligtas kayo, kaya wag ka na sanang gumawa ng hakbang para matulungan kami.” Tugon ni Rain.

 

*Uhm.. Nauunawaan ko.” Sambit muli ni Selina.

 

“Kamusta na nga pala ang pagsasanay ni Jigo?” Tanong ni Rain.

“Ayun.. Sobrang hirap pa rin, pero kahit papaano ay masasabi kong malaki ang iginaling ni Jigo sa pakikipaglaban.” Sambit ni Mark.

“Malakas si Jigo, pero hindi siya magaling makipaglaban. At mukhang nagugustuhan ko ang nakikita kong pagbabago niya.” Sambit ni Mishia.

Agad napalingon si Alex kay Mishia, dahil may narinig itong hindi niya nagustuhan.

 

“Ano ang sinabi mo? Nagu-gustuhan mo na si Jigo ko?!” Medyo galit na pagkakasambit ni Alex.

“Haaaay Alex! Ang ibig sabihin ni Mishia ay nagugustuhan niya ang kaniyang nakikita sa paglakas ni Jigo. Hindi niya ito literal na nagugustuhan.” Sambit ni Annie.

Sandaling natahimik si Alex matapos marinig ang sinabi ni Annie.

 

“Pasensya ka na, Mishia. Masyado kasing sensitive si Alex pagdating kay Jigo.” Sambit ni David.

 

*Uhm.. Paki-unawa na lang siya ah.” Sambit ni Melisa.

 

“So..sorry.. Na-misinterpret ko yung sinabi mo.” Mahinang pagkakasambit ni Alex.

*Hahaha! Walang problema sa’kin yon! Si Rain naman kasi talaga ang gusto ko eh! Hindi ba Rain?!” Masayang pagkakasambit ni Mishia.

Labis itong ikinagulat ni Rain, samanatang mabilis napalingon sa kaniya sila Selina, Lina at Eimi. Ikinabahala niya ito at sa ngayon ay hindi magawang magsalita. Sobrang talim kasi ng mga titig nito sa kaniya. xD

“Ang mabuti pa siguro kung pumanik na ako sa taas. Maiwan ko muna kayo dito ah. Kakausapin ko lang si Sophia, may nakalimutan kasi akong itanong sa kaniya.” Medyo awkward na pagkakasambit ni Rain.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang naglabas ng nakakatakot na aura ang tatlo, naramdaman ito nila Jigo kaya sandaling nahinto ang kanilang pagsasanay.

“Rain?” Sambit ni Selina at Lina.

“Luke?” Sambit ni Eimi.

*Gulp. *Umm.. Mabuti pa siguro kung magpapahinga na lang ako sa kwarto. Medyo napagod din kasi ako sa naging lakad na’min eh..” Medyo awkward na pagkakasambit muli ni Rain.

Matapos magsalita ay mabagal na naglakad paurong si Rain. At ang bawat paghakbang niya ay sinusundan ng tatlo.

“Ano ba ang nangyayari sa kanila? Bakit parang gusto nila akong patayin?” Tanong ni Rain derekta sa kaniyang isipan.

Hindi na alam ni Rain ang kaniyang gagawin sa mga sandaling ito, ngunit mapalad siya dahil may dumating upang siya ay tawagin.

 

“Zenon, tawag ka ni Raziel. May gusto daw siyang itanong sayo.” Sambit ni Aviona.

Nakahinga ng maluwag si Rain matapos marinig ang sinabi ni Aviona sa kaniya. Samantala, hindi naman maalis ang masasamang tingin ng tatlo sa kaniya.

Makalipas ang ilang minuto, kasalukuyan ngayong nasa loob ng kaniyang silid si Rain kasama ang kaniyang ate.

 

“Rain makinig ka, hindi dapat malaman ng mga kaibigan mo ang susunod na’ting plano.” Sambit ni Rachelle.

 

*Uhm.. Nauunawaan ko.” Tugon ni Rain.

                                                                                                  

“Sa susunod na dalawang linggo ay susugod na tayo sa Loren. Kaya bukas ay dapat makausap mo ang mga kapatid mo sa Yami clan, para mahingi na’tin ang tulong nila.” Sambit muli ni Rachelle.

 

“Okay. Siguro isasama ko na si kuya Zeren para muli kaming magkasama-sama.” Tugon muli ni Rain.

 

“Ikaw ang bahala, basta wag na wag mo itong ipapaalam sa kanila, kahit kay Lina.” Sambit muli ni Rachelle.

 

“Okay.” Tugon muli ni Rain.

Matapos mag-usap ay muli ng bumalik si Rain sa kaniyang mga kaibigan sa underground basement. Masaya silang nagkwentuhan habang pinapanood ang matinding pagsasanay ni Jigo hanggang sa tuluyan ng gumabi. Katulad ng sinabi ni Rachelle ay hindi tunugon ni Rain ang mga tanong sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan tungkol sa susunod nilang plano. Ramdam ni Selina na ayaw itong sabihin ni Rain sa kanila, dahil posibleng lubha itong panganib. Ngunit hindi pa rin maalis sa isipan nito ang susunod na mga hakbanging nila Rain hanggang sa tuluyan na silang umalis.

Kinabukasan, patuloy pa rin sa kaniyang puspusang pagsasanay si Jigo. Samantala, nagtungo naman ang magkakaibigan sa underground library sa kanilang paaralan, dahil nakahingi sila ng pahintulot kay Rachelle kahapon. Si Rain at ang kaniyang kuya ay kasalukuyan na ngayon nasa Yami clan upang makausap ang kanilang mga kapatid. Sinalubong sila ng mga tauhan ni Tyki, ang mga Satyr.

 

“Maligayang pagdating, nasa loob na ng kanilang kwarto ang inyong mga kapatid.” Magalang na pagkakasambit ni Styl.

Agad nagpasalamat si Rain kay Styl na ama ni Riki. Ngunit kapansin-pansin ang kasama nito ay hindi natutuwa matapos silang makita. Hindi na lang ito pinansin nila Rain at nagpatuloy na lang sa paglalakad patungo sa kwarto ng kanilang mga kapatid.

Kinausap naman ni Tyki ang kaniyang tauhan at sinabing kalimutan na lang ang nangyari tungkol sa kaniyang anak na si Zeg. Ngunit mahirap ito para sa kaniya, dahil nag-iisang anak lang niya si Zeg na napatay ni Rain sa naganap na shaman fight, nakaraang dalawang taon na ang nakalilipas.

Mabalik tayo, kasalukuyan na ngayong nasa loob ng kwarto si Rain at Zeren. Agad siyang sinalubong ng nakababata nilang kapatid, si Zinon suot ang bago nitong mga kasuotan.

 

“Mukhang na-spoiled ka nila dito ah!” Masayang pagkakasambit ni Rain.

 

“Hindi ah!” Tugon ni Zinon.

 

“Sa kasuotan mo ngayon ay mas lumabas ang taglay mong ganda.” Sambit ni Zeren.

Napayuko na lang si Zinon at kalaunan ay natahimik. Medyo nahiya kasi siya dahil hindi siya sanay sa mga damit na suot niya ngayon.

 

*Hufufu.. Matagal ko ng pangarap na magkaroon ng nakababatang kapatid na babae at salamat sa inyo kuya, dahil natupad na ito ngayon.” Masayang pagkakasambit ni Zelin.

Matapos magsalita ni Zelin ay may biglang hinagis si Rain na isang bagay patungo kay Zilan na agad naman nitong nasalo.

“Pasensya ka na kung ngayon lang dumating ang bagay na yan. Natitiyak kong magugustuhan mo yan.” Nakangiting pagkakasambit ni Rain.

Kahit labis na nagtataka ay agad napatingin sa bagay na kaniyang hawak si Zilan. Ilang sandali pa ay nagulat siya matapos mabasa ang pamagat nang isang aklat, ngunit ibang lenggwahe ito.

 

“Olympus Gods.” Sambit ni Zilan.

“Tinatayang ilang libong taon na ang aklat na yan, kaya sana ay ingatan mo. Ayon kay ama ay mula pa yan sa greek gods era. Sa totoo lang ay hindi ko alam ang nilalaman ng aklat na yan, dahil hindi ko mabasa ang mga lenggwahe. Pero natitiyak kong kaya mo ‘tong basahin, dahil nakita na kita dati na nagbabasa ng mga ganitong aklat nung mga panahong nasa pangangalaga tayo ng mga Isenhart.” Sambit ni Rain.

Hindi magawang magsalita ni Zilan sa ngayon, dahil mabilis ngunit marahan niyang binuksan ang aklat na kaniyang hawak.

 

“Whoa! Hindi ako makapinawala sa aklat na ‘to! Saan mo ito nakuha, kuya?” Sambit ni Zilan.

*Haha! Sa totoo lang ay marami pa ang mga yan at makikita sila sa isang nakapalumang aklatan. Pero tsaka na kita dadalin don, sa oras na matapos na na’min ang aming misyon.” Tugon ni Rain.

Sa mga sandaling ito ay marahang isinara ni Zilan ang aklat at kalaunan ay inilapag sa lamesa sa kaniyang gilid. Matapos niyang gawin ito ay seryoso na siyang nagsalita.

 

“Kung ganon ay naparito kayo upang hingin ang aming tulong?” Tanong ni Zilan.

 

*Fufu.. Dapat pa ba kitang tanungin o kaya pilitin?” Nakangiting pagkakasambit ni Rain.

 

*Hehe.. Kung ganon ay maghahanda na kami.” Sambit muli ni Zilan.

 

“Maraming salamat, Zilan.” Sambit ni Zeren.

“Hindi mo na kailangan pang pasalamat ako kuya, baka nakakalimutan mong magkakapatid tayo?” Nakangiting pagkakasambit ni Zilan.

Napangiti ang lahat matapos marinig ang sinabi ni Zilan. Naalala tuloy ni Zeren ang nakaraan nung mga panahong magkakasama pa silang magkakapatid.

 

“Kailan nyo naman binabalak isagawa ang inyong misyon, kuya?” Tanong ni Zelin.

 

“Sa susunod na dalawang linggo. Kailangan pa na’min ng panahon upang lubusan kaming makapaghanda. Kasalukuyan pa rin kasing nagsasanay ang isa sa aming kasama.” Tugon ni Rain.

 

“Si Jigo ba ang tinutukoy mo, kuya?” Tanong ni Zinon.

“*Uhm.” Tugon ni Rain.

 

“Kung ganon, maaari ba akong sumama?” Tanong muli ni Zinon.

 

“Sige! Pero wag kang lalayo sa’min ah! Tandaan mong hindi ka pa malakas.” Sambit ni Zelin.

 

“Pero nagsasanay naman ako ng mabuti ah!” Sambit muli ni Zinon.

“Pero mahina ka pa rin Zinon, kaya sa pag-alis nila kuya ay itutuloy na na’tin ang iyong pagsasanay.” Sambit ni Zilan.

“Okay..” Medyo malungkot na pagkakasambit ni Zinon.

Agad namang hinimas ni Rain ang ulo ni Zinon at kasabay nito ay ang kaniyang pagsasalita.

 

“Tandaan mong hindi ordinaryong mga kalabanan ang haharapin na’tin. Higit kanino man ay tayo ang mas nakakaalam kung gaano kalakas ang mga Isenhart, kaya dapat kang magpalakas.” Sambit ni Rain.

“*Uhm.” Tugon ni Zinon.

Sandali pang nagkwentuhan ang magkakapatid at hindi na ito tungkol sa misyon isasagawa nila. Nagtagal pa ng ilang mga oras sila Rain bago sila tuluyang umalis.

Samantala, sa kastilyo kung saan namamagali si Izual. Kasama niya ngayon sa isang silid ang kaniyang mga anak, sina Kiel at Irish.

 

“Nandito na po kami ama.” Sambit ni Kiel.

 

“Hindi ko po akalain na may kastilyo tayo sa bundok na ito.” Sambit ni Irish.

*Fufufu.. Patawad mga anak kung inilihim ko ang tungkol sa bagay na ‘to. Batid ko kasing darating ang oras na ‘to at ang isa sa atin ay posibleng magtaksil, kaya iilan lang ang nakakaalam ng lugar na ‘to.” Sambit ni Izual.

Ilang sandali pa ay pumasok na si Izys at kalaunan ay nagsalita.

 

“Mahal ko, nandito na ang lahat ng ating angkan. Ano na ang pina-plano mo ngayon?” Sambit ni Izys.

*Fufufu.. Maghintay ka lang, mahal ko. Sandaling panahon na lang at maghahari na muli ang ating angkan.” Nakangiting pagkakatugon ni Izual.

Chapter end.

Afterwords

Ampness! Sorry! Sorry! Nakalimutan kong mag-UD.. Naaya kasi agad akong maglaro eh.. Nawala tuloy sa isip ko.. Hahaha.. Salamat kay Mhackz Cainag at nagtanong siya.. Kung hindi pa niya ako na PM malamang hindi ako nakapag-UD.. Sobrang pasensya na talaga mga mamen! hahaha xD

Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..

Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..

 

Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..

Susunod.   

 Chapter 41: Mga paghahanda.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top