Chapter 37: Sa pagbubukas ng katotohanan.
Sa mga sandaling ito ay kasalukuyan ng magkakasama sila Mark at ang grupo nila Rain sa loob ng bahay. Halos marami na rin silang nagpa-usapan at kasama na dito ang tungkol kay June.
Labis namang ikina-iinis ni Alex ang ginagawa ni Azys, dahil pilit nitong pinaglalapit ang kaniyang anak at si Jigo.
Lumipas ang isang oras ay muling nagbalik si Rachelle kasama ang kaniyang kuya, si Warren at si Aviona. Agad naman siyang sinalubong ni Rain at kalaunan ay kinausap.
“Kamusta ate? Naayos na ba ang campus?” Tanong ni Rain.
“Hindi pa. Sobrang daming tao ang nandon, kaya minabuti na’ming ipagpabukas na lang ang pagsasa-ayos ng paaralan.” Tugon ni Rachelle.
“Ganon po ba? Siguro nga po ay mabuting ipagpabukas nyo na lang, baka po kasi mapalaban pa kayo dahil ang alam nila ay kalaban si kuya Warren.” Sambit muli ni Rain.
“At kayong mga bata, ang mabuti pa ay umuwi na kayo. Kanina pa siguro kayo hinahanap ng mga magulang nyo.” Sambit muli ni Rachelle.
Sa mga sandaling ito ay natahimik ang grupo nila Mark at ilang saglit lang ay halos sabay-sabay nilang kinuha at kalaunan ay tiningnan ang kani-kanilang mga telepono.
“Naku patay! Kanina pa pala ako tinatawagan ni papa. Naka-silent nga pala ang phone ko.” Sambit ni Annie.
“Hala ako din! Kanina pa pala ako tinatawagan ni auntie Unice!” Sambit ni Melisa.
“Mukhang kailangan na nga na’ting umuwi. Masyado tayong nalibang at nakalimutan na na’tin ang nag-aalala na’ting mga pamilya.” Sambit ni Mark.
“*Uhm! Mabuti pa nga. Sandali lang at ite-text ko si papa. Sasabihing kong nandito tayo sa bahay nila Rain.” Sambit ni Annie.
“Okay sige, pero ano naman ang plano mo ngayon, Eriz?” Sambit ni Selina.
“Babalik ako sa Yami clan.” Tugon ni Eriz.
“Sabay kaming babalik ni Eriz sa Yami clan. Kailangan kong makausap sila master Zilan.” Sambit ni Tyki.
“Ganon ba? Nauunawaan ko. Siguro ay magpupunta din ako don, pero sa ngayon ay hindi ko pa alam kung kailan.” Sambit muli ni Selina.
“Wag kang mag-alala Selina, ako na ang bahalang magpaliwanag kila master Zilan.” Sambit ni Eriz.
“Maraming salamat, Eriz.” Sambit muli ni Selina.
“Jigo, mag-iingat ka dito ah! Wag kang magpapalinlang dito sa papa ni Mishia ah!” Sambit ni Alex.
“Magpapalinlang? Bakit mo naman nasabi ang bagay na yon, Alex?” Sambit ni Jigo.
“Basta! Wag kang maniniwala sa mga sasabihin niya!” Sambit muli ni Alex.
“Hindi kita maintindihan Alex, pero maraming salamat sa pag-aalala mo para sa’kin.” Sambit muli ni Jigo.
Agad nag-blush si Alex matapos siyang pasalamatan ni Jigo. Hindi naman maalis ang ngiti sa mukha ni Azys, dahil batid nitong may gusto si Alex sa batang Isenhart.
“*Fufufu.. Ang mga bata nga naman. Pero hindi ko mapipilit ang anak ko sa lalaking hindi naman niya gusto, kaya wag kang mag-alala, batang vampire.” Nakangiting pagkakasambit ni Azys.
Labis na ikinatuwa ni Alex ang kaniyang mga narinig, kaya dali-dali siyang lumapit kay Azys. Agad niyang hinawakan ang dalawang kamay nito at kalaunan ay nagsalita.
“Talaga po, sir Azys?! Kung ganon po ay aasahan ko ang mga sinabi nyo!” Masayang pagkakasambit ni Alex.
“Wag kang mag-alala. Pero ang hindi ko lang alam ay ang batang Isenhart na yan. Papaano kung siya ang magkagusto sa anak ko?” Nakangiting pagkakasambit muli ni Azys.
Mabilis na napalingon si Alex kay Jigo. Agad naman itong napansin ni Jigo kaya naman napalingon din siya kay Alex. Pero bigla na lang siyang kinabahan matapos makita ang mga mata nito na nag-aapoy at tila ba gusto siya nitong paslangin.
“A..lex?” Medyo takot na pagkakasambit ni Jigo.
Agad binitiwan ni Alex ang mga kamay ni Azys at kalaunan ay marahang naglakad patungo kay Jigo, suot ang nakakatakot na mga tingin.
“Ba..kit Alex? Ma..may problema ba?” Medyo takot muling pagkakasambit ni Jigo.
“Jigo..” Mahinang pagkakasambit ni Alex.
“Bakit?!” Gulat na pagkakasambit ni Jigo.
“Wag kang magkakamaling magkagusto sa iba. Dahil kapag ginawa mo yon ay uubusin ko ang dugo mo!” Nakakatakot na pagkakasambit ni Alex.
“*Gulp! A..lex? A..a..ano bang nangyayari sayo?” Takot na pagkakasambit ni Jigo.
“BASTA MANGAKO KA! HINDI KA MAGKAKAGUSTO SA IBA!” Sigaw ni Alex.
Agad napatingin ang lahat kay Alex, dahil rinig hanggang kabilang bahay ang sigaw nito. xD
“Okay! Okay! Nangangako ako! Hindi ako magkakagusto sa iba.” Takot na pagkakasambit ni Jigo.
Nakahinga ng maluwag si Alex matapos marinig ang tugon ni Jigo. Ganun din naman si Jigo, ngunit hindi niya maunawaan kung bakit biglang nagalit si Alex sa kaniya.
“Pero bakit mo sinasabi sa’kin ang bagay na ‘to, Alex?” Tanong ni Jigo.
*** SFX: TOOOOOOINK! ***
“Araay!” Sambit ni Jigo.
Malakas na kinutusan ni Alexs si Jigo, ngunit laking gulat ng lahat at lalo na si Jigo matapos siya halikan ni Alex. Hindi naman ito nagtagal, ngunit nanatiling gulat si Jigo sa nangyari.
“Baliw!” Nahihiyang pagkakasambit ni Alex.
“Anong ibig sabihin non, Alex?” Gulat na pagkakasambit ni Jigo.
*** SFX: TOOOOOOINK! ***
“Araay!” Sambit ni Jigo.
Muli ay kinutusan ni Alex si Jigo dahil sa napaka-hina nitong umunawaan at bumasa ng sitwasyon.
“Baliw ka talaga! Ang ibig sabihin lang non ay gusto kita!” Nahihiyang pagkakasambit muli ni Alex.
“Talaga? Ako? Gu..gusto mo ako?” Gulat na pagkakasambit ni Jigo.
Napa-iling na lang ang magkakaibigan, matapos marinig ang sinabi ni Jigo.
“Haaay! Parang si Rain itong si Jigo ah! Ang sarap nilang pag-umpugin!” Dismayadong pagkakasambit ni Selina.
“Sinabi mo pa!” Pagsang-ayon ni Annie.
Mabalik tayo kay Alex. xD
“Hindi naman kita hahalikan kung hindi naman kita gusto. At isa pa ay dapat mo akong panagutan. Pe..pe..first kiss ko kasi yun.” Nahihiyang pagkakasambit ni Alex.
Sa mga sandaling ito ay mabilis na niyakap ni Jigo si Alex. Labis naman itong ikinagulat ni Alex dahil hindi niya ito inaasahang mangyari. Ngunit gayupaman, kinilig ang lola nyo. *Wahahaha! xD
“Maraming salamat, Alex. Pangako, hindi ako magkakagusto sa iba, tangin sayo lang ako.” Sambit ni Jigo.
Labis na ikinatuwa ni Alex ang kaniyang mga narinig at hindi na nga nito napigilan maluha sa labis na kasiyahan. Ilang sandali pa ay itinigil na ni Jigo ang kaniyang pagyakap at sa ngayon ay sabay nilang tinititigan ang isa’t-isa.
*** SFX: *Clap! *Clap! *Clap! *Clap! *Clap! *Clap! *Clap! *Clap! *Clap! ***
Agad napalingon ang dalawa sa kanilang mga kaibigan at sa grupo nila Rain na kasalukuyan ngayon pumapalakpak. Hindi kasi nila alintana na kanina pa pala sila pinapanood ng mga ito.
“Congrats Alex!” Masayang pagkakasambit ni Annie.
“Masaya ako para sa inyong dalawa.” Masayang pagkakasambit ni Melisa.
“Nice one Jigo!” Masayang pagkakasambit ni Aron.
“*Huhuhu! Hindi ko akaing masasaksihan ko ang napakagandang pangyayaring ito sa buhay ni Alex! Masaya ako para sayo! *Huhuhuhu!” Umiiyak na pagkakasambit ni David.
“Masaya ka ba talaga para sa kanila?” Medyo awkward na pagkakasambit ni Selina.
“Masaya ako para sayo, Alex! Siguro oras na din para naman sa’kin!” Masayang pagkakasambit ni Eimi.
Matapos magsalita ni Eimi ay agad nitong hinanap si Rain, pero laking pagtataka niya ng hindi na niya ito makita.
“Teka? Nasaan si Luke?” Sambit ni Eimi.
“*Huh? Oo nga no? Saan siya nagpunta?” Sambit ni Selina.
Mabilis nagtago si Rain dahil agad niyang naramdaman ang gagawing hakbang ni Eimi. Ngunit sa ngayon ay wala na silang oras upang hanapin pa si Rain, dahil dumating na ang mamahaling sasakyan nila Annie at sakay nito ang kaniyang ama.
“Annie anak!” Sambit ni Andrew.
“Nandito po kami papa!” Tugon ni Annie.
Agad nakita ni Andrew ang kaniyang anak matapos marinig ang tinig nito. Mabilis niya itong tinungo at ng malapitan ay mahigpit niya itong niyakap.
“Sorry po papa! Nakalimutan ko po kayong tawagan.” Sambit ni Annie.
“Labis akong nag-alala. Hindi ka na’min ma-contact at hindi ka rin na’min makita dun sa school nyo! Labis talaga akong natakot matapos kong mabalitaan ang ginawang pag-atake sa school nyo, kaya agad-agad akong pumunta dito.” Sambit ni Andrew.
“Sorry po talaga. Pero wala naman pong masamang nangyari sa’min.” Sambit muli ni Annie.
“Talaga? Wala bang masakit sayo? Dadalin kita sa hospital.” Sambit muli ni Andrew.
“Si papa talaga. Ang mabuti pa po ay umuwi na tayo.” Sambit muli ni Annie.
“Mabuti pa nga. Labis ding nag-alala ang mama mo sayo, kaya matutuwa yon sa oras na malamang ligtas ka.” Sambit muli ni Andrew.
“Sorry po talaga.” Sambit muli ni Annie.
Ilang sandali pa ay nagpaalam na sila Mark sa grupo nila Rain at matapos nito ay umalis na sila. Samantala, agad namang pumasok sa loob ng bahay sila Rain at kalaunan ay muling nag-usap para sa mga gagawin nilang hakbang bukas.
Kinabukasan, July 09, CS242. Araw ng myerkules. Sa ngayon ay walang klase ang lahat ng antas sa Olympus University, dahil na rin sa nangyari gulo kahapon. Labis ngayon nagluluksa ang buong empliyado ng paaralan, dahil natagpuan nilang wala ng buhay ang kanilang principal, si Zeus. Tinutugis na din sa ngayon ang mga sumalakay sa paaralan at ang mga ito ay walang iba kundi ang grupo nila Rain.
Agad pinuntahan ang Dorm nila Mark ng mga Tribunal crime squad, ngunit katulad ng kanilang inaasahan ay wala na silang maabutan dito. Wala na rin silang makitang mga gamit na magpapatunay na ginamit ang kwarto ni Rain at Carl dahil malinis na ang mga ito.
*** Note: ang “Tribunal crime squad” ay ang mga nagsasa-ayos ng mga kaguluhan, nagsasakatuparan ng mga batas at tumutugis sa mga nagkasala sa loob ng Travincial. Binubuo sila ng iba’t-ibang uri ng mythical shaman mula sa iba’t-ibang mga clan. Samakatuwid, sila ang mga pulis! xD ***
Pinuntahan din ng Tribunal crime squad ang bahay ni Rachelle, dahil ayon sa kanilang mga nalaman ay dating nakatira dito ang isa sa kanilang mga hinahanap. Pinahintulutan naman silang papasukin ni Rachelle sa loob, ngunit wala din silang nakita bukod sa kasama nito sa bahay, si Lina.
Samantala, kinausap naman ng mga guro at ng mga taga-tribunal crime squad si Mark at ang iba pa niyang mga kaibigan upang alamin ang tunay na nangyari. Ngunit minabuti ng magkakaibigan na wag sabihin ang kanilang mga nalalaman, dahil na rin sa paki-usap ni Rain sa kanila.
Halos tanghali na ng matapos kausapin ang magkakaibigan. At kahit labis silang nabagot sa pagtatanong sa kanila ay kinailangan nilang tiisin yon, para na rin sa kanilang kaibigan, si Rain.
“Haay sa wakas! Natapos din! Akala ko hindi na sila mauubusan ng mga tanong.” Sambit ni Aron.
“Sinabi mo pa!” Sambit ni Annie.
“Pero ang daya ng mga teacher na’tin! Tama bang iwanan tayo dun sa mga taga-tribunal crime squad?” Sambit ni Melisa.
“Agree ako dun, Melisa.” Sambit muli ni Annie.
“Nag-aalala tuloy ako kay Jigo. Bakit ba kasi hindi siya pumunta?” Sambit ni Alex.
“Wag kang mag-alala Alex, nandun pa rin naman siya sa bahay kasama ng iba. Baka kasi alam na rin ng mga guro ang pagkatao niya, kaya mas makakabuting wag na muna siyang magpakita sa ngayon.” Sambit ni Lina.
“Oo nga pala Lina, ang balita ko ay pumunta din sa inyo ang Tribunal crime squad.” Sambit ni Mark.
“*Uhm! Expected na nila master na mangyayari yon, kaya naman agad ng nagtago ang iba sa underground basement.” Sambit ni Lina.
“Diba nagpunta din sa dorm nyo ang tribunal crime squad?” Tanong ni Selina.
“Ganon na nga. Nalaman kasi nilang doon tumutuloy si Rain at Carl, pero wala na silang naabutan pa sa loob ng mga kwarto nila at kahit ang mga gamit nila don ay wala na rin.” Tugon ni Mark.
“*Ahh! Si miss Eclaire ang may gawa non sa kwarto nilang dalawa.” Sambit ni Lina.
“*Ahh! I see..” Sambit muli ni Selina.
Walang pag-aalalang nag-uusap ang magkakaibigan habang sila ay naglalakad papalabas ng main hall, dahil wala namang tao sa paligid. Ngunit laking pagtataka nila matapos makakita ng kumpulan ng mga tao sa may field.
“*Huh? Anong meron don?” Tanong ni Aron.
“Ang mabuti pa ay puntahan na lang na’tin.” Sambit ni Selina.
“Mabuti pa nga.” Pagsang-ayon ni Mark.
Matapos sumang-ayon ng lahat ay agad na nga nilang pinuntahan ang kumpulan ng mga tao, upang alamin kung ano ang nangyayari don. Ngunit laking gulat nila matapos makita sila Rachelle, Drake habang kasama sila Aviona, Warren, Poseidon at ang isang pamilyar na matandang lalaki.
“Teka, ano ang ginagawa nila dito?” Tanong ni Aron.
“Kung ganon ay ngayon na pala gagawin nila master.” Sambit ni Lina.
Agad napatingin ang magkakaibigan kay Lina, dahil hindi nila naunwaan ang ibig nitong sabihin.
“What do you mean by that?” Tanong ni Annie.
“Sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung ano ang gagawin nila, pero dahil dito ay muling maaayos ang buong paaralan.” Sambit muli ni Lina.
Pinili na lang ng iba na tumahimik at panoorin ang gagawin ng grupo nila Rachelle.
Mapunta naman tayo kila Rachelle sa ngayon. Halos naka-alerto ang mga guro, dahil batid nilang kalaban ang dalawa sa mga kasama ni Rachelle sa ngayon.
“Miss Raziel, ano po ang ginagawa ng mga lalaking yan dito?!” Sambit ni Anna Jane Karla.
“Kasama ba ako sa tinutukoy mo?” Tanong ni Drake.
“Syempre hindi po kayo kasama don, clan leader. Pero bakit nyo po kasama ang dalawang lalaking yan? At sino naman po itong batang babae na may sungay?” Sambit ni Jakiro.
“Siya si Aviona, sir Jakiro.” Sambit ni Bell.
“Aviona? Kilala nyo ang batang babaeng yon, miss Bell?” Sambit muli ni Jakiro.
“*Uhm! At hindi siya isang bata. Tinatayang mahigit tatlong daang taon na si Aviona at siya ay isang Fairy Dragon.” Sambit muli ni Bell.
“Fairy Dragon? Hindi ba’t legend lang ang tungkol sa kanila?” Tanong ni Eve.
“Siguro nga ay tama ka, miss Eve. Ngunit si Aviona ay naka-ligtas at nasa pangangalaga siya ng aming clan.” Sambit muli ni Bell.
“Kung ganon ay kasapi ka sa forest fairy clan?” Sambit ni Aviona.
“Opo. Labis pong nag-aalala para sa inyo ang aming clan leader. Kahit po si Krystine ay nalulungkot sa oras na naalala niya ang inyong pagkawala.” Tugon ni Bell.
“Ganon ba? Pasensya na, sobrang boring na kasi don eh.” Sambit muli ni Aviona.
“Pero ano naman po ang ginagawa nyo dito at bakit nyo po sila kasama?” Tanong ni Bell.
“Sila ang dahilan kung bakit ako umalis. Hinanap ko sila dahil ilang daang taon ko na din silang hindi nakita.” Tugon muli ni Aviona.
Sa mga sandaling ito ay hindi na nagawa pang magsalita ni Bell, dahil nalipat ang kaniyang atensyon kay Unice.
“Pero miss Raziel, bakit nyo kasama ang mga sumalakay sa ating paaralan? Wag mo pong sabihing kapanalig mo sila?” Sambit ni Unice.
“Ganon na nga, kapanalig ko sila.” Tugon ni Rachelle.
“Pero bakit po? Hindi po ito ang pagkakakilala ko sa inyo, miss Raziel.” Sambit muli ni Unice.
“Wag kang mag-alala, Unice. Maya-maya lang ay malalaman mo na ang dahilan.” Nakangiting pagkakasambit ni Rachelle.
Matapos magsalita ay agad sumenyas si Rachelle sa kaniyang mga kasama. Agad namang pinalibutan nila Warren, Drake at ng isa pa nilang kasamang lalaki, si Corbel, si Aviona. Samantala, lumayo naman ng konti si Poseidon sa kaniyang mga kasama. Napaatras naman ng ilang mga hakbang ang mga guro at ang iba pang mga tao, dahil hindi nila alam ang mga mangyayari.
“Miss Raziel? Ano po ang binabalak nyong gawin?” Tanong ni Unice.
“Wag kang mag-alala, Unice. Sasagutin ko na lang ang mga tanong mo sa oras na maibalik na na’min sa dati nitong ayos ang paaralan.” Tugon ni Rachelle.
Hindi na muli pang nagsalita si Unice, ganon din ang iba pang mga guro. At minabuti na lang nilang panoorin ang gagawin ng dating nilang naging guro, si Raziel Draken.
Sa ngayon ay nakabuo ng hugis dyamante sila Rachelle at nasa gitna nito si Aviona. Ilang sandali pa ay gumuhit ng malaking hugis bilog si Rachelle sa pamamagitan ng kaniyang paghawak sa lupa at sa ngayon ay nasa loob sila nito. Gumawa din siya ng mga hugis bilog sa tinatapakan nilang apat at matapos nito ay muli siyang nagsalita.
“Handa na ang lahat, Aviona.” Sambit ni Rachelle.
“*Uhm!” Tugon ni Aviona.
Matapos tumugon ay agad ipinikit ni Aviona ang kaniyang mga mata. Ilang sandali pa ay biglang umilaw ang mga linyang ginawa ni Rachelle at labis itong ikinabahala ng iba.
“Teka, alam mo ba ang nangyayari, miss Bell?” Tanong ni Niel.
“Pasensya na sir Niel, pero wala akong ideya sa gagawin nila.” Tugon ni Bell.
“*Tsk! Ang mabuti pa ay pigilan na na’tin sila!” Sambit muli ni Niel.
“Wag sir Niel, magtiwala na lang tayo si miss Raziel.” Sambit ni Unice.
Hindi na itinuloy ni Niel ang balak niyang gawin, bagkus ay sinunod na lang nito ang sinabi ni Unice.
Samantala, lalong lumalakas ang liwanag sa mga bilog na ginawa ni Rachelle.
“*kuh.. *rii.. *suh.. *ah.. *haat.. *sii.. *pohl.. *shuu.. *aii.. *iih.. *iih.. *sah..” Mabagal na pagkakasambit ni Aviona.
Labis na nagulat ang lahat matapos makaramdaman ng sobrang lakas na kapangyarihan na nagmumula sa lima. Ngunit ilang sandali pa ay agad nilang napansin ang kaparehas na liwanag na nagmumula sa kanilang likuran, kaya agad silang napalingon dito.
“Ang school! Teka ano ang nangyayari? Bakit umiilaw ito?” Tanong ni Niel.
Walang tumugon kay Niel dahil lahat sila ay halos ganito din ang tanong. Ngunit habang tumatagal ay may napapansin silang mga pagbabago sa paaralan. Unti-unti na itong bumabalik sa dati nitong ayos. Ang mga nagkadurog-durog na mga bato ay muli nabubuo at bumabalik sa lugar kung nasaan ito dati. Labis itong ikinamangha ng lahat at kahit ang magkakaibigan ay hindi rin makapaniwala sa kanilang mga nasasaksihan.
Tumagal ito hanggang sa bumalik ang paaralan sa dati nitong kalagayan at tinatayang ilang minuto lang ito nangyari.
“Kamangha-mangha. Kung ganon ay ito pala ang taglay na kapangyarihan ng isang fairy dragon.” Sambit ni Bell.
Agad napalingon ang lahat sa grupo nila Rachelle, ngunit laking gulat nila matapos makita na tumanda ang kanilang dating guro. Samantala, labis namang nanghina ang iba pa at kasama na dito si Aviona na nawalan ng malay.
“Miss Raziel!” Sambit ni Unice.
“Okay lang ako. Medyo nanghina lang ako sa ginawa na’min.” Tugon ni Rachelle.
Hindi na nagsalita pa sila Unice at dali-dali na nilang tinulungan si Rachelle. Agad nila itong nilapatan ng lunas at habang ginagawa nila ito ay tinanong na nila si Poseidon.
“Ano ba talaga ang pakay nyo? Sandali lang, pamilyar ka po sa’kin ah! *Ahh! naalala ko na! Kayo po yung nagpunta sa Umi iruka shrine! Pero sino po ba kayo?” Tanong ni Unice.
“*Ahh! Ako si Poseidon, ang kapatid ni Zeus. At tapos na ang pakay na’min dito, dahil napatay na na’min siya.” Tugon ni Poseidon.
Labis na nagulat ang lahat matapos malamang si Poseidon pala ang matandang kasama nila Rachelle.
“Pero bakit nyo po pinatay si sir Zeus? At isa pa, kapatid nyo pa siya!” Sambit muli ni Unice.
“Wag kang mag-alala, Unice. Malalaman mo rin ang tungkol sa bagay na yan mamaya. Pero sa ngayon ay hayaan nyo muna kaming makapagpahinga.” Sambit ni Rachelle.
“Nauunawaan ko po, miss Raziel.” Tugon ni Unice.
Sa mga sandaling ito ay tuluyan ng nakalapit ang makakaibigan at tulad ng mga guro ay nagulat sila sa kanilang nakita.
“Master?” Sambit ni Lina.
“Wag muna na’tin silang kausapin ngayon, Lina. Masyadong maraming kapangyarihan ang nawala sa kaniya.” Sambit ni Unice.
“Bakit po? Ano po ba nangyari kila lolo’t lola?” Tanong ni Aron.
“Sa tingin ko ay naubos ang lakas nila dahil sa ginawa nilang pagsasa-ayos ng paaralan.” Sambit ni Jakiro.
“Mabuti pa po siguro kung dalin na na’tin sila sa clinic. Tutal naman po ay bumalik na sa dati ang paaralan.” Sambit ni Mark.
“Mabuti pa nga.” Sambit muli ni Jakiro.
Sumang-ayon naman si Poseidon sa sinabi ni Mark, kaya marahan niyang binuhat si Aviona, inalalayan naman ng iba si Rachelle at ang iba pa hanggang sa tuluyan silang makarating sa clinic sa loob ng paaralan.
Sa pagkakataong ito ay hindi pa rin maiwasan ng mga guro na hindi pagkatiwalaan sila Poseidon, dahil sila ang dahilan ng pagkamatay ng kanilang principal. Ngunit nanatili lang si Poseidon sa tabi ng kaniyang mga kasama hanggang sa tuluyan ng mabawi ng mga ito ang kani-kanilang mga lakas.
Halos may ilang oras din ang lumipas matapos bumalik ang paaralan sa dati nitong estado. Kahit papaano ay nabawi na nila Rachelle ang kanilang mga lakas, kaya oras na para magpaliwanag ang mga ito.
“Miss Raziel, siguro naman po ay maipapaliwanag nyo na po ang nangyari kahapon.” Sambit ni Unice.
“*Uhm.. Pero mas mabuting kayo na mismo ang umalam nito.” Tugon ni Rachelle.
Agad nagkatinginan ang mga guro, dahil hindi nila malaman kung isang biro lang ba ang sinabi ni Rachelle sa kanila.
“Miss Raziel naman, hindi po ito ang oras para magbiro.” Sambit ni Anna Jane Karla.
“Ang mabuti pa ay sumunod na lang kayo sa’min.” Sambit muli ni Rachelle.
Matapos magsalita ay mabilis ng tumayo sila Rachelle at kalaunan sabay-sabay nalakad papalabas ng naturang clinic. Wala namang nagawa pa ang mga guro kundi sundan sila Rachelle, kahit hindi sila sigurado kung saan sila dadalin nito.
Halos ilang minuto lang ang lumipas ng marating nila ang main hall ng paaralan. Labis na nagtaka ang mga guro kung bakit sila dinala dito.
“Bakit po tayo nasa main hall ng campus?” Tanong ni Bell.
“Naalala nyo pa ba nung kayo ay mga estudyante ko pa lang?” Tanong ni Rachelle.
“Opo, pero hindi ko po maunawaan kung bakit nyo po ito tinatanong.” Sambit ni Unice.
“Kung ganon ay naalala nyo pa ang library na madalas kong ikwento sa inyo?” Tanong muli ni Rachelle.
“Opo, maliwanag pa sa aking mga alala ang tungkol sa malaking library na nasa ilalim ng paaralang ito. Ngunit hindi na po kami binigyan ng pahintulot na makapunta dito ni sir Zeus, magmula pa po nung naging mga guro kami dito.” Sambit ni Jakiro.
“Hindi na nakakapagtaka, dahil hindi nyo alam ang lagusan kung papaano makapunta don. At mukhang sinara na din ni Zeus ang lagusan patungo don, kaya maswerte kayo dahil palihim akong gumawa ng lagusan patungo dito dati.” Sambit muli ni Rachelle.
Magkahalong pagkagulat at saya ang kasalukuyang ngayong makikita sa mukha ng mga guro, kaya hindi na nag-aksaya pa ng oras si Rachelle at mabilis niyang hinawakan ang sahig.
“** Ichi.. peeji.. mekuru.. te.. no.. hira.. **” Sambit ni Rachelle.
(Note: Japanese language po yan, hindi ko lang sure kung tama ‘tong translation ko. “My palm flipped over a page.” xD)
Matapos magsalita ay isa-isang gumalaw ang mga tiles ng sahig at ilang sandali pa ay isang lagusan na ang lumitaw. Labis itong ikina-mangha ng mga guro at hanggang sa ngayon ay hindi mga makapagsalita. Ganun din naman sila Mark, ngunit hindi ito ang unang beses na nakita nila ito, dahil ganito din halos ang lagusan sa bahay nila Rain patungo sa underground basement.
“Gusto nyo bang bumaba o tutunga-tunga na lang kayo dyan?” Sambit ni Rachelle.
“*Ahh! *Ahh! Syempre po, gusto po na’ming bumaba dyan!” Sambit ni Jakiro.
“Kung ganon ay sumunod na lang kayo sa’kin.” Sambit muli ni Rachelle.
Sabay-sabay napatango ang mga guro at sa pagkakataong ito ay pinangunahan na ni Rachelle ang pagbaba patungo sa underground library. Sinundad siya ng kaniyang kuya at ng iba pa niyang mga kasama at kasunod naman ng mga ito ay ang mga guro at ang grupo nila Mark.
Tumagal ng ilang minuto ang kanilang paglalakad bago nila narating ang underground library. At sa mga sandaling ito ay hindi na naiwasan ng mga guro at nila Mark ang labis na mamangha. Isang napaka-lawak na library at kahit nasa ilalim ito ng lupa ay sobrang liwanag dito, dahil na rin sa mga halamang nasa itaas na parte. Umiilaw kasi ang mga dahon nito sa dilim kaya ang mga ito ang nagsisilbing mga ilaw sa naturang aklatan.
“Whoa! Kung ganon ay ito na pala ang underground library!” Manghang pagkakasambit ni Jakiro.
“Katulad nga ng kwento sa’tin ni miss Raziel dati. Sobrang lawak ng aklatang ito.” Sambit ni Bell.
“Sang-ayon ako sa inyo, pero ano po ang kaugnayan ng aklatang ito sa mga sagot na gusto po na’ming malaman?” Sambit ni Unice.
“Dito po ba na’ming makikita ang lumang dokumentong sinasabi ni Rain kahapon?” Sambit ni Eve.
“Ganon na nga. May isang parte dito na off limits para sa’min, dahil doon nakatala ang mga mahahalagang pangyayari sa naging buhay ni Zeus. At syempre sinubukan kong alamin ang mga dokumentong naroroon at dahil don ay nagawa ko ang lagusang ginamit na’tin kanina.” Sambit ni Rachelle.
“Kung ganon po ba ay nabasa nyo na ang mga kasulatang yon, dati pa? At isa po yon sa dahilan kung bakit inabot ng mahigit dalawampung taon, bago kayo tuluyang nagbalik dito sa travincial?” Sambit ni Anna Jane Karla.
“Hindi. Ang totoo nyan ay hindi ko nagawang mabasa ang mga kasalutang naroroon, dahil nababalutan ito ng kapangyarihan ni Zeus.” Sambit muli ni Rachelle.
“At papaano naman po kayo nakakasigurong makikita nga na’min don ang sagot sa’ming mga tanong?” Sambit ni Eve.
“Si Zeus ay laging gumagawa ng mga dokumento tungkol sa mga mahahalagang pangyayari. At ang sabi sa’kin ng namayapa niyang kasintahan ay isinulat ni Zeus ang mga nangyari, mahigit tatlong daang taon na ang nakalipas. Ang mga plano, kasinungalingan at mga masasamang hakbangin laban sa iba pang mga lahi.” Sambit ni Poseidon.
“Kaya ang mga kasagutan sa inyong mga tanong ay malalaman nyo don. At nakatitiyak kong don na’tin makikita ang mga yon.” Sambit muli ni Rachelle.
“Ang mabuti pa po siguro ay puntahan na na’tin ang lugar na tinutukoy nyo, miss Raziel.” Sambit ni Unice.
“*Uhm!” Tugon ni Rachelle.
Ilang sandali pa ay naglakad na sila patungo sa lugar na tinutukoy ni Rachelle. Halos may ilang minuto rin silang naglakad patungo dito, dahil na rin sa sobrang lawak at laki ng naturang aklatan. Nag-uumapaw naman ang kasiyahan ni David, habang nadadaanan ang mga aklat na nakapukaw sa kaniyang atensyon. Halos ganito din ang mga guro, dahil ang aklatang ito ay naglalaman ng hindi bababa sa kalahating milyong aklat.
Nang tuluyang marating ang lugar ay napangiti si Rachelle, agad naman itong napansin ng mga guro.
“Bakit po, miss Raziel?” Tanong ni Eve.
“Katulad ng inaasahan ko, nawala na ang kapangyarihang bumabalot dito sa ngayon, dahil patay na si Zeus.” Sambit ni Rachelle.
Sa pagkakataong ito ay hindi na nag-aksaya si Rachelle at mabilis na pinasok ang isang kwarto. Sinundan naman siya ng lahat, ngunit laking gulat nila sa kanilang natagpuan.
“Whoa! Anong klaseng silid ito?” Manghang pagkakasambit ni Jakiro.
Hindi rin makapaniwala si Rachelle sa kaniyang nakita, dahil isang simpleng silid lang ang lugar na matagal na niyang nais pasukin. Ngunit may labis na bumabagabag sa kaniyang kalooban sa ngayon. Bigla kasi niyang nasaksihan ang patulo ng mga luha ni Poseidon.
“Poseidon? Bakit? Anong problema?” Tanong ni Rachelle.
Agad ding napalingon ang lahat kay Poseidon at dito ay nagtaka din sila matapos nilang makita itong umiiyak.
“*Tsk! Ang Zeus talagang yon! Kung ganon ay tinatago pa rin niya ang bagay na ‘yon.” Sambit ni Poseidon.
Habang nagsasalita ay may nilapitan si Poseidon at kalaunan ay kinuha ito. Isa itong papel na may guhit na tatlong bata.
“Ano ang bagay na yan Poseidon?” Tanong ni Drake.
“Ako ang gumuhit ng larawang ito. At ibinigay ko kay Zeus bilang isang regalo nung ika-pitong kaarawan na’min.” Tugon ni Poseidon.
(Note: Ang laman ng lawaran ay tatlong bata na nasalukuyang magkaka-akbay. Dalawa sa mga ito ay masayang nakatawa at ang isa naman na nasa gitna, si Zeus ay seryoso. xD)
Sandaling tumahimik ang lahat matapos marinig ang mga sinabi ni Poseidon. Samantala, sandaling nag masid si Poseidon at dito ay hindi na niya napigilang manghinayang.
“Bakit Zeus? Bakit po piniling lokohin kami, gayong pinahahalagahan mo ang lahat ng mga bagay na ibinigay na’min sayo? *Fufu.. Kahit kailan talaga, hindi ko na nagawang mabasa ang mga iniisip mo.” Sambit ni Poseidon.
“Poseidon..” Nag-aalalang pagkakasambit ni Aviona.
Sa ngayon ay labis na emosyonal si Poseidon, dahil ang kwarto kung nasaan sila ay isang replica ng mismong kwarto ni Zeus sa Nilfleheim.
“Miss Raziel, ano po ba ang nangyayari sa kaniya?” Tanong ni Bell.
“Sa totoo lang ay hindi ko alam. Baka marami lang siyang naalala sa kwartong ito.” Tugon ni Rachelle.
“Paumanhin, wag nyo na lamang akong pansinin. Marami lang akong naalala sa kwartong ito, dahil ganitong-ganito ang itsura ng kwarto ni Zeus sa lugar kung saan sabay-sabay kaming lumaki. Natitiyak kong mas matindi pa ang magiging reaksyon ni Eclaire matapos niyang makita ito. *Fufu.. Hindi tuloy ako makapaghintay makita siyang umiyak. *Hahaha.” Sambit muli ni Poseidon.
“Ganon po ba? Kung ganon ay posibleng nandito nga ang mga sagot sa aming mga katanungan.” Sambit ni Anna Jane Karla.
“Mukhang ganon na nga, pero hindi nyo na kailangan pang maghanap, dahil nasa harapan lang na’tin ito.” Sambit ni Poseidon.
Halos sabay-sabay napatingin ang lahat sa lugar kung saan nakatingin ngayon si Poseidon. At ito ay sa isang lamesa hindi kalayuan sa kama at nakapatong dito ay isang malaking aklat. Agad itong nilapitan ni Poseidon at kalaunan ay kinuha. Binasa ang ilang mga pahina at matapos ay sinarado.
“Ito na nga ang hinahanap na’tin. Ang talaan niya ng kaniyang personal na karanasan.” Sambit ni Poseidon.
“Talaan ng kaniyang personal na karanasan? Isang diary?” Sambit ni Annie.
“Mukhang ganon na nga.” Medyo awkward na pagkakasambit ni Mark.
“Sobrang lalim namang magsalita ni ginoong Poseidon. Sabagay, hindi naman na’tin siya masisisi eh.” Sambit muli ni Annie.
Ilang sandali pa ay inabot na niya ito kay Rachelle na agad namang nitong binasa, kasama ang mga malu-lulong niyang mga dating estudyante. xD
Halos may isang oras din nilang binasa ang nilalaman ng naturang diary at dito ay nalaman nilang malaki nga ang mga pagkakasalang nagawa ni Zeus sa nakaraan.
“Hindi ako makapaniwala. Si sir Zeus ang naging dahilan kung bakit na ubos ang mga sorcerer at mga druid. Ngayon ko lang din nalamang hindi pala mga mythical shaman ang mga werewolf.” Sambit ni Jakiro.
“Alam nyo rin ba ang tungkol sa bagay na ‘to? Sir Niel?” Tanong ni Anna Jane Karla.
“*Uhm.. Pero minabuting ilihim ito ng aming angkan, upang hindi na ito magdulot pa ng mga katanungan.” Tugon ni Niel.
“Sabagay, may punto ang mga sinabi mo.” Sambit muli ni Anna Jane Karla.
“*Hmm.. Hindi nyo na ba kami kini-kilala bilang inyong mga kaaway ngayon?” Sambit ni Warren.
“*Uhm! Sapat na sa’ming malaman ang buong katotohan. Mukhang kailangan ko tuloy humingi ng tawad kay Zeren Reign Icarus.” Sambit ni Unice.
“Hindi na yon kailangan pa, Unice. Nauunawaan na ni Zeren ang mga naging hakbang nyo kahapon at isa pa ay hindi yon sanay sa maraming tao.” Sambit ni Rachelle.
“Ganon po ba? Pero sana ay makausap ko kahit si Rain man lang.” Sambit muli ni Unice.
“Walang problema sa’kin yan, pero mas mabuti pang sa ibang pagkakataon mo na gawin ang bagay na yan.” Sambit ni Rachelle.
“Nauunawaan ko po.” Sambit muli ni Unice.
“Okay! Sa wakas at natapos na rin ang paliwanagan! Mabuti pa siguro kung bumalik na tayo sa bahay! Medyo nanghihina pa rin kasi ako eh!” Sambit ni Warren.
“Mabuti pang mauna na kayo, gusto ko pang tingnan sandali ang kwartong ‘to.” Sambit ni Poseidon.
“Kung ganon ay sasamahan na kita dito.” Sambit ni Aviona.
“Maraming salamat, Aviona.” Tugon ni Poseidon.
“*Umm.. miss Rachelle, pwede po bang magbasa-basa kami ng ilang mga aklat dito? Madami kasi tayong nadaanang aklat na gusto ko pong basahin eh.” Sambit ni David.
“Malaya kayong magbasa dito, pero bawal na bawal ilabas ang mga aklat na yon ng walang pahintulot ko.” Tugon ni Rachelle.
“Pero bakit naman po, Miss Raziel?!” Sambit ni Jakiro.
“*Fufu.. Dahil pag mamay-ari ko na ang library na ‘to. Ngayong wala na si Zeus, siguro maganda kung ako na rin muna ang hahali sa kaniya.” Sambit ni Rachelle.
“*EH!?!?” Reaksyon nila Mark at ng mga guro.
“Bakit? Sinong tumu-tutol sa inyo?” Nakakatakot na pagkakasambit ni Rachelle.
“*Ahh! Wala po! Wala po!” Sabay-sabay na pagkakasambit nila Mark at ng mga guro.
“Mabuti naman kung ganon.*Fufufu..” Sambit muli ni Rachelle.
Napa-yuko na lang ang mga guro at naalala ang malagim nilang nakaraan sa kamay ng binasagang “Legendary terror teacher”. Gayunpaman, upang makalimutan nila ito ay agad nilang nilibot ang buong library. Kani-kaniya silang basa ng mga aklat na kanilang napusuan. Samantalang nanatili muna sila Rachelle, Drake, Warren, Aviona at Poseidon sa loob ng kwarto.
Mapunta naman tayo ngayon sa Herras city, sa ngayon ay naka-kulong sa isang silid si Leiya. Ikinulong siya ng kaniyang kapatid sa kadahilang gusto niyang bumalik upang makausap muli si Hades. Hindi kasi siya makapaniwala sa na kwento sa kaniya ng kaniyang kuya, kaya gusto niyang malaman ang buong katotohanan at tanging si Hades lang ang makakapagsabi nito.
“Alam kong puro kasinungalingan lang ang mga sinabi ni kuya. Dapat kong makausap si Hades para malaman ang lahat, pero kahit makatakas ako dito ay hindi ko naman alam kung saan ko siya makikita. Ano na ang gagawin ko ngayon?” Sambit ni Leiya derekta sa kaniyang isipan.
Chapter end.
Afterwords
Sobrabg nakakantok! laging 6am na akong nakakatulog! almost 20hours akong gising! Hindi naman ako nagda-drugs! Anyare sa kawatan ko? XD
Oo nga pala.. sa isang hindi nasirang silid ginanap ang pagtatanong sa grupo nila Mark. Baka lang kasi may magtaka kung bakit sila don kinausap, gayong nasira ang kanilang paaralan. >.<
Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..
Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..
Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..
Susunod.
Chapter 38: Reign Icarus.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top