Chapter 34: Mga hindi inaasahang pagdating.

July 07, CS242. Araw pa rin ng martes at sa ngayon ay patuloy pa rin ang nagaganap na paglalaban sa pagitan nila Kiel at Mishia, Tyki at Irish, at ang malapit pa lang na magsimulang laban sa pagitan nila Rain at April.

Samantala, kasalukuyan ngayon nahihirapan sa pakikipaglaban si Kiel at ngayon lang niya ito naranasan sa buong buhay niya.

Mababakas rin sa kaniyang katawan ang mga natamo niyang pinsala. Samantalang mabilis namang pinahihilom ng Athena’s wrath ang mga natamong pinsala ni Mishia. At mababakas din sa kaniyang mukha na tila hindi siya napapagod at nahihirapan sa pakiki-paglaban at ito ang labis na kina-i-inis ni Kiel.

 

*Tsk! Mamaya lang ay buburahin ko na ang mga ngiti sa iyong mukha!” Inis na pagkakasambit ni Kiel.

 

“Sige! Hihintayin kong mangyari ang bagay na yon.” Masayang pagkakasambit ni Mishia.

 

“Talagang inuubos mo ang pasensya ko!” Galit na pagkakasambit ni Kiel.

Kasabay ng kaniyang pagsasalita ay mabilis na sumugod si Kiel. Nanatili naman sa kaniyang kinatatayuan si Mishia habang nakangiti.

 

“Katapusan mo na!” Galit na pagkakasambit ni Kiel.

Mabilis iwinasiwas ni Kiel ang kaniyang sandata laban kay Mishia nung tuluyan siyang makalapit dito.

 

*** SFX: WOOOOOOOOOOOOOOOOOSH! BOOOOOOOOOOOOOOM! ***

Pero laking gulat niya ng biglang mawala si Mishia bago pa tuluyang tumama ang ginawa niyang pag-atake dito.

 

*Tsk! Naulit na naman!” Inis na pagkakasambit ni Kiel.

Lumikha ng makapal na alikabok ang ginawang pag-atake ni Kiel at kasalukuyan siyang nasa loob nito.

 

“Hindi ko na naman maramdaman ang aura niya!” Sambit ni Kiel derekta sa kaniyang isipan.

 

*** SFX: SSHHHHHHHHHHHHHHHHK! BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOM! ***

Isang malakas na pag-atake ang tumama sa tagiliran ni Kiel at dahil sa lakas nito ay mabilis siyang tumilapon at kalaunan ay humapas sa pader.

 

“Ang boring mo namang kalaban, kuya!” Sambit ni Mishia.

Kahit malayo ay narinig ni Kiel ang mga sinabi ng kaniyang katunggali, kaya kahit nasaktan ay mabilis niyang itinayo ang kaniyang sarili.

 

“*Tsk! Sobrang lakas ng batang ‘to!” Sambit ni Kiel derekta sa kaniyang isipan.

Ilang sandali pa ay tuluyan ng nakatayo si Kiel, ngunit sobrang laki na ng pinsala ang kaniyang natamo kaya hirap na siyang bumalanse. At upang hindi bumuwal ay ginamit niyang pangtukod ang kaniyang sandata at sa ngayon ay pinagmamasdan ang mabagal na paglalakad ng kaniyang kalaban patungo sa kaniya.

 

“Patawad, ina. Mukhang hanggang dito na lang ako.” Sambit ni Kiel derekta sa kaniyang isipan.

Pero ilang sandali pa ay may isang babae ang biglang lumabas sa harapan ni Kiel at labis niya itong ikinagulat.

 

“Ina?” Sambit ni Kiel.

Agad namang napahinto sa kaniyang paglalakad si Mishia at kalaunan ay nagsalita.

 

“Whoa! Isa pang Isenhart!” Masayang pagkakasambit ni Mishia.

 

“Bakit ka naririto, ina?” Tanong ni Kiel.

“Kanina ko pa pinanonood ang inyong paglalaban at natitiyak kong hindi ordinaryong vampire ang iyong kalaban ngayon. Hindi ko rin tukoy kung anong klase siyang nilalang, pero ang hinala ko ay isa siya sa mga na perpektong mythical shaman nila Hades. Isang mythical shaman na gawa sa DNA ng mga vampire at DNA ng Sorcerer.” Sambit ni Izys.

 

“Kung ganon ito ang dahilan kung bakit nagagawa niyang magpalabas ng mga element?” Tanong ni Kiel derekta sa kaniyang isipan.

 

*Uhm.. Excuse me? Ako? Isang mythical shaman? Hindi ko po yata na gustuhan ang sinabi nyong yon miss Isenhart.” Sambit ni Mishia.

Agad nakaramdaman ng isang pag-atake si Izys at derekta itong patungo sa kanila.

 

*** SFX: BOOOOOOOOOOOOOOM! ***

Isang malakas na pagsabog ang lumikha na labis na ipinagtaka ni Mishia. Samantala, mabilis namang naiwasan ito ni Izys kasama ang kaniyang anak.

 

“Hindi ko nagustuhan ang sinabi mo tungkol sa anak ko, Izys.” Sambit nang isang babae.

Sabay na napatingin sila Mishia, Izys at Kiel sa lugar kung saan nila narinig yung nagsalita. Labis na natuwa si Mishia at kalaunan ay mabilis na lumapit dito.

 

“Mama!” Sambit ni Mishia.

 

“Imposible! Lyrices?” Gulat na pagkakasambit ni Izys.

Ngunit matapos magsalita ay mabilis na napatalon si Izys, kasama ang kaniyang anak papalayo dahil may bigla siyang naramdamang aura hindi kalayuan sa kanila.

 

“Kamusta na, kapatid ko?” Sambit nang isang lalaki.

Muli ay labis na nagulat si Izys matapos makita ang lalaking nagsalita.

 

“Ku..kuya Azys?” Gulat na pagkakasambit ni Izys.

Labis ding nagulat si Kiel sa kaniyang mga narinig, dahil batid niya ang pangalang sinambit ng kaniyang ina.

 

“Nagbalik ka, kuya..” Gulat muling pagkakasambit ni Izys.

 

“Mukhang ganon na nga.” Medyo awkward na pagkakatugon ni Azys.

 

“Mabuti naman at nagbalik ka na, kuya! Sakto rin at narito si Lyrices! Makakaganti na rin ako sa wakas.” Masayang pagkakasambit ni Izys.

Biglang napakamot ng kaniyang ulo si Azys matapos marinig ang mga sinabi ng kaniyang nakababatang kapatid at ilang sandali pa nga ay muli na siyang nagsalita.

*Umm.. Pasensya ka na, Izys. Sa totoo lang ay wala akong balak pang lumaban at lalo ng wala akong balak labanan ang pamilya ko, kaya kung maaari ay umalis na kayo dito bago pa mahuli ang lahat.” Sambit ni Azys.

 

“Anong ibig mong sabihin, kuya?” Nagtatakang pagkakasambit ni Izys.

“Ano… Si Lyrices kasi ang dahilan ng aking pagkawala at may ilang daang taon din kaming nagsama bilang magkabiyak at nitong nagkaraan dalawampung taon ay nakilala na’min si Raziel Draken na isang mythical shaman ng earth dragon. At salamat sa kaniya ay natupad ang pangarap na’ming magkaanak ni Lyrices. *Hehe.. Medyo awkward na pagkakasambit ni Azys.

Muli ay labis na nagulat sila Izys at Kiel sa kaniyang mga narinig.

 

“Imposible! Anak nyo ang batang ‘yon?!” Gulat na pagkakasambit ni Izys.

“Ganon na nga.” Medyo awkward muling pagkakasambit ni Azys.

Hindi magawang maniwala ni Izys sa kaniyang mga natuklasan ngayon. At kahit si Kiel ay ganito rin ang nararamdaman.

 

“Pero imposible! Imposibleng magka-anak ang isang vampire sa isang sorceress!” Sambit ni Izys.

“Alam na’min ang tungkol sa bagay na yon. Pero katulad nga ng sinabi ko, tinulungan kami ni Raziel Draken para maging compatible ang aming mga genes, kaya malaki ang utang na loob na’min sa kaniya.” Sambit ni Azys.

 

“Kung ganon ay tuluyan mo na kaming tinalikuran?!” Sambit muli ni Izys.

“Katulad ng sinabi ko kanina, ayokong kalabanin ang aking pamilya, kaya kung maaari lang ay umalis na kayo dito.” Sambit muli ni Azys.

“Sagutin mo ako kuya!” Sigaw ni Izys.

 

“Patawad, pero hindi ko maaaring iwanan ang pamilya ko.” Tugon ni Azys.

 

“Pero bakit mo kami nagawang iwan, para lang sa isang sorceress na yan!” Sigaw muli ni Izys.

“Inuulit ko, umalis na kayo dito Izys. Alam mo kung gaano ako kalakas at higit pa ang lakas nang aking anak kaysa sa’kin.” Sambit muli ni Azys.

 

*Tsk! Aalis kami ngayon, pero magkikita pa tayo, kuya!” Tugon ni Izys.

Matapos magsalita ay mabilis ng umalis si Izys kasama ang kaniyang anak. Samantala, mabilis namang lumapit ang mag-ina kay Azys.

 

“Papa! Kilala nyo po ba ang mga Isenhart na yon?” Tanong ni Mishia.

“Kapatid ng iyong ama ang babaeng nagpakita at ang pangalan niya ay Izys. At pinsan mo naman yung lalaking nakalaban mo.” Sambit ni Lyrices.

“*Eh?!” Gulat na pagkakasambit ni Mishia.

“Ang mabuti pa ay hanapin na na’tin ang tiya Eclaire mo at tulungan na na’tin sila.” Sambit ni Azys.

“*Uhm!” Tugon ni Mishia.

Matapos mag-usap ay mabilis ng nilisan ng tatlo ang lugar at kalaunan ay hinanap ang grupo nila Hades.

Mapunta naman tayo ngayon sa kasalukuyang naglalabang sila Tyki at Irish. At sa mga sandaling ito ay malubha na ang mga natamong pinsala ni Tyki at labis na rin siyang nanghihina. Samantala, bagamat may mga pinsala ay sapat pa rin ang natitirang lakas ni Irish para tapusin ang kaniyang kalaban.

 

“Tyki.. Sayang at isa ka palang kalaban.” Sambit ni Irish.

 

*Heh! Tatanggapin ko bilang isang papuri ang iyong sinabi, miss Irish.” Nakangiting pagkakasambit ni Tyki.

Batid na ni Tyki na balak ng tapusin ni Irish ang kanilang paglalaban, kaya agad niyang inihanda ang sarili sa gagawing pag-atake nito sa kaniya.

Ilang sandali pa ay naramdaman na ni Tyki ang gagawing pag-atake ni Irish, ngunit bigla na lang itong nahinto dahil may biglang dumating at kalaunan ay nagsalita

 

“Tama na yan Irish. Tayo na at aalis na tayo dito.” Sambit ni Izys.

 

“Ina?” Gulat na pagkakasambit ni Irish.

 

“Mamaya na tayo mag-usap. Sundin mo na lang ang sinabi ko.” Sambit muli ni Izys.

 

“Masusunod po.” Tugon ni Irish.

Mabilis na naglaho si Izys matapos makakuha ng tugon.

 

“Mapalad ka, Tyki. Pero sa susunod na pagkikita na’tin ay tatapusin na kita.” Sambit ni Irish.

Mabilis ding naglaho si Irish matapos nitong magsalita. Samantala, nakahinga naman ng maluwag si Tyki matapos maka-alis ng kaniyang kalaban.

*Fufu.. Sana nga magkita pa tayong muli.” Nakangiting pagkakasambit ni Tyki.

Sandaling nagpahinga si Tyki at nang makakuha na ng sapat na lakas ay agad na nitong hinanap ang kaniyang mga kasamahan.

Mapunta naman tayo sa grupo nila Hades. Sa ngayon ay kasalukuyan na silang nasa loob ng opisina ni Zeus.

 

“Master, may ideya po ba kayo sa kung ano ang itsura ng six element of wisdom?” Tanong ni Sophia.

 

“Isa yong kwarto na likha gamit ang time and space.” Tugon ni Poseidon.

 

“Bakit hindi mo gamitin ang taglay mong kapangyarihan, Sophia?” Sambit ni Eclaire.

Mabilis na napalingon ang tatlo kay Eclaire matapos nilang marinig ang tinig nito.

 

“Mabuti at nandito ka na, Eclaire.” Sambit ni Poseidon.

 

“Nasabi mo na ba ang lahat ng gusto mong sabihin sa kaniya?” Sambit ni Hades.

 

*Uhm! Pero hindi pa rin maaalis ang galit ko sa kaniya, kahit wala na siya ngayon.” Tugon ni Eclaire.

Napa-yuko na lang si Sophia dahil batid niyang ang kaniyang ama ang pinag-uusapan nila Hades.

 

“Sophia.” Sambit ni Eclaire.

Agad napatingin si Sophia sa kaniyang tiyahin matapos marinig ang pagtawag nito.

“Palibutan mo ng koryente ang buong kwartong ito. Natitiyak kong sa paraang yon ay makikita na’tin ang lagusan patungo sa six element of wisdom.” Sambit muli ni Eclaire.

“*Uhm!” Tugon ni Sophia.

Matapos magsalita ay agad naghanda si Sophia para magpakawala ng isang malakas na spell.

“** RAGING THUNDER STRIKE! **” Sambit ni Sophia.

*** SFX: *Tssssst! *Tssssst! *Tssssst! *Tssssst! VOOOOOOOOOOOOOOOOSH! ***

Mabilis na dumaloy sa buong kwarto ang koryenteng pinakawalan ni Sophia. Samantala, hindi naman nagawang tamaan sila Hades sa ginawang skill ni Sophia at salamat ito sa barrier na nilikha ni Eclaire.

“Nakita ko na!” Sambit ni Sophia.

Sa likod ng mga aklat na nakalagay sa bookshelf ay may parte dito na naglalabas din ng mga koryente. Halos nasa likod lang ito ng lamesa ni Zeus, kaya agad na nila itong nilapitan upang tingnan.

Mabilis nilang inalis ang bookshelf at nakita nila sa likod nito ang nagbukas na lagusan.

 

“Tama nga si Zeus. Bukod sa kaniya ay ikaw lang ang makakapagbukas ng lagusan na ito.” Sambit ni Hades.

“Tanging kapangyarihan niya lang ang makakapagbukas ng lagusan, ngunit dahil ikaw ang kaniyang anak, naging posible para sayong mabuksan ito.” Sambit ni Poseidon.

 

“Ang mabuti pa ay pumasok na tayo sa loob.” Sambit ni Eclaire.

Sabay-sabay napatango ang lahat at kalaunan ay pumasok na sila sa lagusan sa pangunguna ni Eclaire.

Sa loob ay labis silang nagulat dahil sa kanilang nakita. Isang malaking harding ang sumalubong sa kanila at napapalibutan ito ng iba’t-ibang mga bulaklak. Agad din nilang napansin ang isang malaking bagay na nasa gitna nito, isang kristal.

“Ina?” Mahinang pagkakasambit ni Sophia.

Ilang sandali pa ay mabagal na itong nilapitan ni Sophia. Agad naman siyang sinundan nila Hades. Ngunit sa mga oras na ito ay hindi na napigilan ni Sophia ang kaniyang mga luha matapos makita ang kaniyang ina habang nasa loob ng malaking kristal.

 

“Malaki nga ang pagkaka-mukha na’min ni ina.” Nakangiting pagkakasambit ni Sophia.

 

*Uhm! Kahit nga ako ay nagulat matapos kitang makita. Ang akala ko talaga ay ikaw si Sonia.” Nakangiting pagkakasambit ni Eclaire.

 

“Ang mabuti pa ay umalis na tayo dito. Tutal tapos na ang ating misyon.” Sambit ni Hades.

 

“Mabuti pa nga.” Sambit ni Poseidon.

 

“Okay..” Sambit ni Eclaire.

Matapos magsalita ay hinawakan ni Eclaire ang malaking kristal at kalaunan ay mabilis na siyang naglaho kasama nito.

 

“Ang mabuti pa ay balikan na na’tin sila Zeren sa labas. Baka hinihintay na nila tayo.” Sambit ni Hades.

 

“Okay po.” Sambit ni Sophia.

Agad nagpunas ng kaniyang luha si Sophia at kalaunan ay sabay-sabay na silang lumabas ng naturang silid.

Mapunta naman tayo sa bahay nila Rain. Sa ngayon ay nandito na si Eclaire, dala ang labi ng kaniyang pinsan.

 

“Maligayang pagbabalik, Eclaire.” Sambit ni Aviona.

Mabilis na nilapitan ni Aviona si Eclaire upang alamin ang bagay na dala nito. Ngunit laking gulat niya matapos itong makita.

 

“Sonia?” Gulat na pagkakasambit ni Aviona.

 

“Tama ka Aviona.” Sambit ni Eclaire.

 

“Kung ganon ay nabawi nyo na pala siya.” Malungkot na pagkakasambit ni Aviona.

 

“Maiwan ka na munang muli dito Aviona at ikaw na muna ang bahala dito sa bahay. Kailangan kong bumalik sa paaralan upang tulungan ang iba.” Sambit muli ni Eclaire.

“Okay! Ako na ang bahala dito.” Tugon ni Aviona.

“Salamat.” Sambit muli ni Eclaire.

Ilang sandali pa ay mabilis na naglaho si Eclaire. Samantala, agad namang ginamit ni Aviona ang kaniyang kapangyarihan upang balutan ng proteksyon ang buong bahay, laban sa mga posibleng umatake dito.

Mabalik tayo sa paaralan. Sa ngayon ay kasalukuyang naghahanda para sa isang malakas na pag-atake si Rain, ngunit labis niyang iniisip si Selina na kasalukuyang malubha ang kalagayan.

 

“*Tsk! Sandali lang Selina! Tatagan mo lang ang loob mo!” Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.

 

“Anong ginawa mo sa kapatid ko? Pinaslang nyo na naman siya!!” Galit na pagkakasambit ni April.

Matapos magsalita ay mabilis na sinugod ni April si Rain. Nagawa namang maiwasan at masalag ni Rain ang ginagawang pag-atake nito sa kaniya, ngunit habang ginagawa niya ito ay unti-unting nauubos ang oras ng kaniyang kaibigan.

Ilang sandali pa ay dumating si Eimi at kapansin-pasin ang mga natamo nitong pinsala sa katawan. Agad niyang nakita ang nakikipaglabang si Rain sa isang babae.

 

“Luke!” Sigaw ni Eimi.

Kahit patuloy sa pagkikipaglaban ay nagawa pa ring alamin ni Rain kung kanino nagmula ang tinig na tumawag sa kaniya at laking tuwa matapos makitang si Eimi ito.

 

“Eimi!” Sambit ni Rain.

Lalong nagalit si April at dahil dito ay mas binilisan pa niya ang ginawa niyang mga pag-atake. Ngunit madali lang itong naiiwasan ni Rain at ang mga kritikal niyang pag-atake ay pawang nasasalag lamang.

Samantala, sa kalagitnaan ng kaniyang pag-iwas at pagsalag ay nagawa pa ni Rain na kunin sa kaniyang bulsa ang isang maliit na botelya. Agad niya itong ihinagis kay Eimi na kalaunan ay nasalo nito.

“Ipainom mo kay Selina ang laman ng bote na yan! Bilisan mo! Wala na tayong oras!” Sigaw ni Rain.

Hindi lubusang nauwaan ni Eimi ang sinabi ni Rain, ngunit ilang sandali pa ay nakita niyang nakahandusay sa lapag si Selina at naliligo sa sarili nitong dugo. Sa mga sandaling ito ay mabilis na tinungo ni Eimi si Selina upang gawin ang bagay na sinabi ni Rain sa kaniya.

Mabilis na nalapitan ni Eimi si Selina at agad inalam ang kalagayan nito.

 

“Masama ang kalagayan ni Selina!” Sambit ni Eimi derekta sa kaniyang isipan.

Matapos makita ang masamang kondisyon ni Selina ay hindi na nagdalawang isip si Eimi at agad na niyang sinunod ang sinabi ni Rain sa kaniya. Ngunit habang binubuksan niya ang bote ay may isang pangyayari ang naganap.

*** SFX: PUUUN! ***

Isang hindi inaasahang pag-atake ang tumama sa kaliwang balikat ni Eimi at naging dahilan ito upang mabitiwan niya ang bote at matapon ang laman nito.

“Eimi!” Sigaw ni Rain.

Matapos magsalita ay mabilis na napalingon si Rain sa pinagmulan ng putok kahit siya ay patuloy na nakikipaglaban at laking gulat niya sa kaniyang nakita.

“Garry Wiseman?” Sambit ni Rain.

“Sa tingin mo ba ay tapos na ang laban na’tin, miss?” Nakangiting pagkakasambit ni Garry.

Agad napahawak sa kaniyang kaliwang balikat si Eimi at kalaunan ay marahang tumayo.

*Tsk! Buhay pa pala siya!” Sambit ni Eimi.

Sa mga sandaling ito ay hindi kapanalig nila Rain ang oras kaya buong lakas na niyang inatake ang kasalukuyan niyang kalaban, si April.

*** SFX: PSSSSSSSSSSSS… CLANK! ***

Mabilis naman nasalag ni April ang malakas na pag-atakeng pinakawalan ni Rain, ngunit laking gulat niya matapos makaramdaman ng malakas na aura mula sa kaniyang kalaban.

“** BERSERKER SLASH! ** Sigaw ni Rain.

*** SFX: Slash! Slash! Slash! Slash! Slash! Slash! ***

Hindi na nagawa pang umiwas ni April ngunit nagawa niyang masalag ang iba sa mga pag-atakeng nagmula sa kaniyang harapan. At sa lakas at dami ng pinsalang kaniyang natamo ay tuluyan ng bumigay ang kaniyang katawan. At ilang sandali pa ay bumuwal na siya matapos nang ginawang pag-atake ni Rain sa kaniya.

“Patawad…June..” Hirap na pagkakasambit ni April.

Sa mga sandaling ito ay tuluyan na siyang nawalan ng malay. Samantala, mabilis nang sinugod ni Rain ang kasalukuyan ngayon naghahanda para sa isang pag-atake, si Garry. Labis namang nagulat si Garry dahil ngayon lang niya napansin si Rain. Ngunit hindi masukat ang kaniyang kasiyahan sa ngayon, dahil nagkita na silang muli ng mortal niyang kaaway.

“RAIN ESFALLS! Sa wakas nagkita na tayong muli!” Malakas pagkakasambit ni Garry.

Kasabay ng kaniyang pagsasalita ay mabilis niyang itinutok ang kaniyang sandata kay Rain na kasalukuyang ngayon nakahanda para sa isang malakas na pag-atake.

Halos ilang hakbang na lang ang layo ni Rain ng pakawalan ni Garry ang isang malakas na pag-atake, gamit ang kaniyang upgraded na Anti-myth weapon (isang uri ng baril).

 

“Tikman mo ngayon ‘to! ** EXECUTION BLAST! ** Masayang pagkakasambit ni Garry.

 

*** SFX: PSSSSSSST… BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOM! ***

Isang malakas at nakakasilaw na pag-atake ang pinakawalan ni Garry gamit ang kaniyang anti-myth weapon. Labis itong ikinagulat ni Rain, ngunit imposible na para sa kaniya ang huminto, dahil na rin sa lakas ng momentum ng ginawa niyang pagsugod.

Hindi nabura ang ngiti sa mukha ni Garry matapos niyang makitang tumama ang ginawa niyang pag-atake.

“Luke!” Sigaw ni Eimi.

“Sa wakas! Napatay na din kita! *Fuwahahahahaha! Masayang pagkakasambit ni Garry.

Pero laking gulat niya matapos makita si Rain sa kaniyang tabi at kasalukuyan na itong nagpakawala ng pag-atake.

 

“Imposible!” Gulat na pagkakasambit ni Garry derekta sa kaniyang isipan.

“** BIG DEEPER BARRAGE! **” Sigaw ni Rain.

*** SFX: Psssssssttt.. BOOOOOOOOOOOOOOOM! ***

Mabilis na tumilapon si Garry matapos siyang tamaan. Samantala, mabilis na naglaho si Rain at ng may mga pitong hakbang mula sa unang kinatatayuan ni Garry, (bago ito tamaan) ay bigla siyang lumitaw doon at muli ay inatake niya si Garry habang patuloy na nasa ere.

*** SFX: BOOOOOOOOOOOOOOOM! BOOOOOOOOOOOOOOOM! BOOOOOOOOOOOOOOOM! BOOOOOOOOOOOOOOOM! BOOOOOOOOOOOOOOOM! ***

Naulit pa ito ng limang beses at kalaunan ay malakas na tumama si Garry sa pader ng mismong paaralan. Labis itong ikinagulat ni Eimi at sa kaniyang paningin ay tila isang bola si Garry na pinaglalaruan ng maraming mga tao, dahil sa iba’t-ibang dereksyon ito tumitilapon.

Pero hindi ito ang oras para mamangha, kaya muli ay ibinalik niya ang kaniyang atensyon kay Selina.

 

“Sobrang dami na ng dugo ang nawala sa kaniya.” Sambit ni Eimi derekta sa kaniyang isipan.

Ilang sandali pa ay mabilis na pinakilos ni Eimi ang mga dugo sa lapag at dahan-dahan niya itong ibinalik sa katawan ni Selina.

(Note: Isa sa mga natatanging abilidad ng mga kasapi sa Vladimir family ang kakayahan nilang pagalawin ang mga dugo na kanilang nakikita. xD)

Mabalik tayo kay Garry. Sa ngayon ay sobrang laki na ng pinsala natamo nito at halos hindi na siya makagalaw sa ngayon. Ngunit sa lakas ng kaniyang pagnanasang magkaganti ay nagawa pa rin niyang makatayo. Agad naman itong napansin ni Rain na kasalukuyan ng patungo kila Eimi.

“*Tsk!” Inis na pagkakasambit ni Rain.

“Rain Esfalls!!” Hirap na pagkakasigaw ni Garry.

“Garry!!” Sigaw ni Rain.

Ilang sandali pa ay mabilis muling sinugod ni Rain si Garry. Samantala, kahit hirap ng bumalanse ay nagawa pa rin ni Garry na magpamalas ng isang kagulat-gulat na kapangyarihan.

 

“** WEAPON PHANTASM… HEAVEN’S FIST..**” Hirap na pagkakasamit ni Garry.

Biglang nabalutan ng isang makina ang buong kanang braso ni Garry at katulad ito ng nakita dati ni Rain nung naki-paglaban siya dito.

(Note: Ang Heaven’s fist ay yung dating anti-myths weapon ni Garry.. Baka nakalimutan nyo na kasi. xD)

 

“*Tsk! Kaya pala hanggang sa ngayon ay nakakatayo pa siya! Naki-pagkasundo ka pala siya sa mga Isenhart!” Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.

Kahit gulat sa kaniyang nalaman ay hindi pa rin nito nagawang pigilan si Rain, bagkus ay mas lalo pa itong bumilis.

“RAIN!!” Sigaw ni Garry.

Halos ilang hakbang na lang ang layo nila sa isa’t-isa at kahit hirap na ay nagawa pa rin ni Garry na sumigaw at kasunod nito ay ang isang pag-atake. Mabilis naman itong naiwasan ni Rain at kasabay nito ay ang kaniyang pag-atake.

 

“** NORTH STAR RISING SLASH! **” Sambit ni Rain.

*** SFX: SHHHHHHHHHHK! BOOOOOOOOOOM! ***

Isang malakas na pagsabog ang nalikha matapos tumama ang ginawang pag-atake ni Rain. At kasabay nito ay ang malakas na pagtilapon si Garry paitaas.

*** Note: Ang “North star rising slash” ay isa sa mga bersyon ng “North star impact” na nilikha ni Rain. Nagmumula sa ilalim at patungo sa pataas ang pag-atakeng ito, kaya mabilis na titilapon papaitaas ang sinumang gamitan at tamaan ng skill na ‘to. xD ***

Halos wala ng malay at nag-aapoy ang buong katawan ni Garry habang siya ay nasa ere. Ngunit hindi pa pala dito nagtatapos ang kaniyang paghihirap.

 

“** IGNITE EXE! **” Sigaw ni Rain.

*** SFX: *Snap! BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOM! ***

Malakas na sumabog ang katawan ni Garry sa himpapawid at kalaunan ay naging abo. Sa pagkakataong ito ay natitiyak na ni Rain na hindi na sila magkikita pa ni Garry kahit kailan.

Matapos makipag-laban ay mabilis na niyang nilapitan sila Eimi, upang alamin ang kalagayan ng kaniyang kaibigan.

“Kamusta si Selina?” Tanong ni Rain.

“Sa totoo lang ay hindi ko alam. Matagumpay ko ng na ibalik ang mga nawalang dugo sa kaniya, pero hindi ko kayang isara ang kaniyang sugat.” Tugon ni Eimi.

 

*Tsk! Kung nainom lang sana niya ang laman ng bote.” Sambit ni Rain.

 

“Hindi ko alam kung ano yung laman ng bote na yon, isa ba ‘yong uri ng gamot?” Sambit muli ni Eimi.

“Luha ko ang laman ng bote na ‘yon at may kakayahan ito na magpagaling ng mga sugat o karamdaman.” Tugon ni Rain.

 

“Ganon ba? Pasensya ka na, hindi ko nagawang ipa-inom sa kaniya ang mga luha mo.” Mahinang pagkakasambit ni Eimi.

 

“Hindi mo kasalanan ang bagay na ‘yon. *Tsk! Dapat noon ko pa pinatay ang Garry na ‘yon.” Sambit muli ni Rain.

 

“Mukha ngang sobrang laki ng galit sayo ng lalaking yon. Sandali lang, bakit hindi ka na lang umiyak para mapainom mo siya luha mo?” Sambit muli ni Eimi.

“Gustuhin ko man ay mahirap na para sa’kin ang muling umiyak. Sobrang dami na kasi ng pinagdaanan ko, kaya mahirap na ito para sa’kin.” Tugon ni Rain.

 

“*Hmmm.. Papaano ko kaya mapapaiyak si Luke? *Ahh! Alam ko na!” Sambit ni Eimi derekta sa kaniyang isipan.

Sa mga sandaling ito ay may naisip na paraan si Eimi para mapa-iyak si Rain at agad na niya itong isinagawa.

“Selina? Selina?” Gulat na pagkakasambit ni Eimi.

Labis na kinabahan si Rain dahil na rin sa narinig nitong tono ng pagsasalita ni Eimi.

“Bakit Eimi? Anong nangyayari kay Selina?” Gulat na pagkakasambit ni Rain.

Mabilis pinulsuhan ni Eimi si Selina at ilang sandali pa ay muli itong nagulat. Muli ay labis na kinabahan si Rain at dahil naman ito sa naging reaksyon ni Eimi.

 

“Masama ito. Mahinang-mahina na ang pulso niya. Oi Selina! Lumaban ka! Sandali na lang!” Sambit ni Eimi.

Matapos magsalita ay binitawan na ni Eimi ang kamay ni Selina at dito ay hindi na napigilan ni Rain ang maiyak.

(Note: Yung parang sa eksena lang sa mga tele-drama. Yung hand effect na wala ng buhay yung isang character. xD)

“Selina!!” Sigaw ni Rain.

 

“Ayos! Mabuti at gumana ang ginawa ko!” Sambit ni Eimi derekta sa kaniyang isipan.

 

“Hindi pa huli ang lahat, Luke! Madali ka! Ipainom mo na sa kaniya ang mga luha!” Sambit ni Eimi.

Walang pag-aaksaya ay mabilis ng ipinainom ni Rain ang kaniyang mga luha kay Selina, labis naman ikinamangha ni Eimi ang nasaksihang mabilis na paghilom ng mga sugat ni Selina.

 

“Whoa! Totoo nga ang mga sinabi mo at yung nabasa ko tungkol sa luha ng mga phoenix.” Manghang pagkakasambit ni Eimi.

Kasabay ng pagsasalita ni Eimi ay mabilis itong kumuha ng luha ni Rain at kalaunan ay ininom. At katulad ng nangyari kay Selina ay mabilis ding naghilom ang mga pinsalang kaniyang natamo.

Ilang sandali pa ay unti-unti ng nagkakamalay si Selina. Labis itong ikinatuwa ni Rain, dahil isa itong  magandang progreso.

“Selina?” Sambit ni Rain.

“Rain?” Nagtatakang pagkakasambit ni Selina.

Muli ay labis na natuwa si Rain, kaya mabilis niyang niyakap ang kaibigan. Laking pagtataka naman ni Selina sa kung ano ang nangyayari, hanggang sa tuluyan na niyang maalala ang nangyari kanila.

 

“Ano ang nangyari? Ang kapatid ni June? Nasaan na siya?” Sambit muli ni Selina.

 

“Okay na. Wag ka ng mag-alala, tapos na ang lahat.” Nakangiting pagkakasambit ni Rain.

Sa mga sandaling ito ay itinigil na ni Rain ang pagyakap kay Selina at sa ngayon ay tinititigan nila ang isa’t-isa. Agad napansin ni Selina ang bakas ng luha sa mga mata ni Rain at dito ay lubusan na niyang naunawaan ang nangyari sa kaniya.

 

“Kung ganon ay iniligtas mo ako.” Nakangiting pagkakasambit ni Selina.

 

*Ahh! Hindi lang naman ako ang..” Nabiting pagkakasambit ni Rain.

Hindi na pinatapos pa ni Selina si Rain at mabilis na niya itong hinalikan. Labis namang itong ikinagulat ni Eimi at kalaunan ay nakaramdam ng galit para kay Selina.

 

“Hoy Selina Oceanus!” Malakas na pagkakasambit ni Eimi.

Nagulat si Selina matapos makarinig ng isang pamilyar na boses, kaya dali-dali niyang hinanap kung kanino niya ito nagmula.

*Huh? Eimi?” Nagtatakang pagkakasambit ni Selina.

 

“Luke.. Anong ibig sabihin nito?” Galit na pagkakasambit ni Eimi.

Hindi na nagawang tumugon ni Rain, dahil agad na itong hinimatay matapos halikan ni Selina. Labis naman itong ipinagtaka ni Eimi. xD

 

“Luke? Teka, ano nangyari sa kaniya?” Nagtatakang pagkakasambit ni Eimi.

 

*Fufu.. Mukhang hindi pa rin siya nagbabago.” Nakangiting pagkakasambit ni Selina.

Mabalik tayo kila Hades. Sa ngayon ay nasa labas na sila ng paaralan at kasalukuyang hinahanap ang iba pa nilang kasama. Mabilis naman silang nakita ni Zeren at kalaunan ay mabilis na lumapit sa kanila.

 

“Ama. Mabuti naman at ligtas po kayo. Kanina ko pa po kayo hinahanap.” Sambit ni Zeren.

“Wag kang mag-alala, Zeren. Tapos na ang lahat. Napaslang na na’min si Zeus at nabawi na rin na’tin ang katawan ni Sonia.” Sambit ni Poseidon.

“Maganda pong balita. Naramdaman ko din po ang aura nila tiya Lyrices at Azys kanina. Siguro po ay nagawa na nilang matalo ang mga Isenhart.” Sambit muli ni Zeren.

“Si Zenon? Nasaan na siya?” Tanong ni Hades.

 

“Iniwan ko po siya kani-kanina lang, pero natitiyak kong tapos na siyang makipaglaban.” Tugon ni Zeren.

“Kung ganon ay balikan na na’tin siya at umalis na tayo dito. Tapos na ang una na’ting hakbang.” Sambit muli ni Hades.

“Masusunod po ama.” Tugon ni Zeren.

Paalis na sana si Zeren upang balikan si Rain ng biglang may naramdaman silang mga pamilyar na aura.

“*Tsk!” Sambit ni Zeren.

Ilang sandali pa ay ilang mga nilalang ang biglang lumabas hindi kalayuan sa grupo ni Hades. Agad namang inalerto nila Hades ang kanilang sarili.

“Kamusta na, Hades?” Nakangiting pagkakasambit ni Viel.

“Viel..” Sambit ni Hades.

Chapter end.

Afterwords

Ayun.. Sa wakas nakapag-UD na rin.. hahaha.. Muli ay humihingi ako ng pasasalamat kay Sean sa pag-extra ng UD na to.. hahaha extra mode.. xD

-chufalse

Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..

Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..

 

Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..

Susunod. 

Chapter 35: Nawawalang kaibigan sa nakaraan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top