Chapter 29: Hindi inaasahang pagtatapat.
September 23, taong 4117. Dalawang araw ang lumipas magmula ng magpadala si Zeus ng liham kay Izual.
8:00 ng umaga at sa ngayon ay inihahanda na ni Zeus sa loob ng kaniyang silid ang lahat ng bagay na kaniyang kailangan upang maisakatuparan nila ang kanilang matagal na plano.
Ilang sandali pa ay may isang pamilyar na bagay na nakita si Zeus sa labas ng kaniyang bintana at mabilis itong lumilipad papalapit sa kaniya. Sa mga oras na yon ay nabatid na rin niya kung anong ito at isa itong familiar.
May dalang isang liham ang familiar na agad namang natanggap ni Zeus. Mabilis niya itong binasa at ng matapos ay bigla na lang siyang napangiti.
“*Fufufu.. Kung ganon ay oras na pala.” Nakangiting pagkakasambit ni Zeus.
Matapos magsalita ay agad niyang sinunog ang liham at kalaunan ay lumabas ng kaniyang kwarto.
Samantala, mapunta naman tayo ngayon sa bayan ng Loren. Kasalukuyan ngayong kumakain ng almusal si Hades kasama ang kaniyang mga anak sa loob ng kanilang bahay.
“Zeren.” Sambit ni Hades.
“Bakit po ama?”Tugon ni Zeren.
“Ano itong nabalitaan ko na naki pag-away ka raw sa mga batang lycan?” Tanong ni Hades.
“Hindi po ako naki pag-away sa kanila. Dahil kung totoong nangyari po yon ay natitiyak kong patay na silang tatlo, ama.” Tugon ni Zeren.
“*Hmmm.. Tama nga naman ang sinabi mo. Pero bakit nila sinabing naki pag-away kayo?” Tanong muli ni Hades.
“Baka po naiingit lang sila sa taglay na’ming lakas, ama.”Sambit ni Zenon.
“Yon din po ang hinala ko ama.”Sambit muli ni Zeren.
“Ganon ba? *Hmmm.. Pero ang kwento sa’kin ng mga magulang ng mga batang yon ay tinakot mo daw sila, Zeren. Totoo ba ang bagay na yon?” Sambit muli ni Hades.
“Hindi ko po sila tinakot ama. Masyado po kasi nila akong hinahamak, kaya po ipinakita ko sa kanila ang kaibahan ng aming mga lakas.”Tugon ni Zeren.
“Tama ang ginawa mo kuya! Buti nga sa kanila! *Hehehe!” Sambit ni Zenon.
“Nauunawaan ko. Ngunit sa susunod ay sana magtimpi ka pa sa mga mangmang na hindi nakakaalam ng tunay nyong mga lakas. Maliwanag ba, Zeren? At pati na rin ikaw Zenon.” Sambit muli ni Hades.
“Opo ama.” Sabay na pagkakatugon ng magkapatid.
“Mabuti naman! *Oh! Bilisan nyo ng kumain at aalis pa ako.” Sambit muli ni Hades.
“Bakit ama? Saan naman po kayo magtutungo?” Tanong ni Zeren.
“Magkikita kami ng inyong tiyo Poseidon at tiyo Zeus. May importanteng bagay daw kaming pag-uusapan sabi ng inyong tiya Eclaire kahapon, kaya alagaan nyong mabuti ang mga kapatid nyo ah! Bukod sa tiya Leiya nyo ay kayong dalawa lang ang maasahan ko. Makakaasa ba ako sa inyong dalawa?” Sambit muli ni Hades.
“Opo ama!”Sabay na pagkakatugon ng magkapatid.
Napangiti na lang si Hades matapos marinig ang masiglang pagtugon sa kaniya ng kaniyang mga anak.
Makalipas ang apat na oras ay kasalukuyan ng naglalakbay si Hades patungo sa bayan ng Tristram, dahil dito magkikita-kita ang magkakapatid na Olympus.
“Ano kaya ang sasabihin ni Zeus? At mukhang seryoso ang pag-uusapan na’min base na rin sa reaksyon ni Eclaire. *Tsk! Mukhang masama ang kutob ko dito ah.” Sambit ni Hades derekta sa kaniyang isipan.
Kasabay ng kaniyang pag-iisip sa magiging usapan nilang magkakapatid ay mas binilisan pa ni Hades ang kaniyang pagtakbo.
Makalipas ang labing limang minuto ay narating na ni Hades ang Tristram. Agad siyang nakita ni Corbel at kalaunan ay binati.
“Hades! Mabuti naman at nandito ka na! Kanina ka pa hinihintay nila Poseidon sa laboratoryo.”Sambit ni Corbel.
“Ganon ba? Pasensya na kung natagalan ako.”Sambit naman ni Hades.
“Wag ka sa’king humingi ng paumanhin. Ang mabuti pa ay magtungo ka na don!” Sambit muli ni Corbel.
“Mabuti pa nga. *Hehehe.” Sambit muli ni Hades.
Matapos magsalita ay nagsimula na ngang maglakad si Hades patungo sa lugar kung nasaan ang laboratoryo ng mga druid.
Ilang sandali lang naman ay narating na ni Hades ang naturang laboratoryo. Hindi na siya kumatok pa at dali-dali na lang pumasok.
“Pasensya na at na-late ako ah!” Sambit ni Hades.
“Bakit ang tagal mo naman, Hades? Hindi na kasi kita naabutan sa bahay nyo! Sinabi ko pa naman sayong susunduin kita diba?”Inis na pagkakasambit ni Eclaire.
“May sinabi ka bang ganon? Ang sabi mo kasi pag-uusap ito sa pagitan na’ming magkakapatid diba? Kaya hindi ko inaasahang sasama ka.”Tugon naman ni Hades.
“Pwede bang mamaya na yan? Importante ang pag-uusapan na’tin ngayon.” Sambit ni Zeus.
Matapos magsalita ni Zeus ay tahimik nang isinara ni Hades ang pinto at kalaunan ay marahang naglakad papalapit kay Eclaire at sa kaniyang mga kapatid. Nang tuluyang makalapit ay umupo ito sa isang upuan at kalaunan ay nagsalita.
“Ano ba talaga ang pag-uusapan na’tin? Kanina pa ako kinukutuban ng masama tungkol dito eh.” Seryosong pagkakasambit ni Hades.
Balak nang tumugon ni Zeus, ngunit biglang may kumatok sa pinto.
*** SFX: TOK TOK TOK! ***
Ilang sandali pa ay dahan-dahan ng bumukas ang pinto at kasunod nito ay pumasok na si Carla.
“Paumanhin po kung kayo man ay aking nagambala, nais ko lang po sanang makausap sandali si tiyo Poseidon.”Magalang na pagkakasambit ni Carla.
“Ano yon, Carla?” Tugon naman ni Poseidon.
“Matagumpay pong nailuwal ni Anna ang kaniyang supling. At ayon po sa nakuha kong datos ay isa po itong malusog na lalake. Sa ngayon po ay hindi tukoy kung ano ang kaniyang mga katangian dahil ang kaniyang ina ay isang mythical shaman ng fairy at ang kaniyang ama naman ay isang mythical shaman ng Elf.” Magalang na pagkakasambit muli ni Carla.
“Talaga?! Whoa! Mabuti naman kung ganon! *Ahh! *Ahh! *Ehem! Asikasuhin mo muna sila at bantayan. Wag mo ring kalimutang kumuha ng mga datos.” Masayang pagkakasambit nung una pero kalaunan ay malumanay na pagkakasambit ni Poseidon.
“Masusunod po.” Magalang na pagkakatugon ni Carla.
Matapos magsalita ay agad ng lumabas ng kwarto si Carla at kalaunan ay maingat na isinara ang pinto.
“Whoa! Pwede pala ang bagay na yon? Ang akala ko ay imposibleng magka-anak ang magka-ibang uri ng shaman.”Sambit ni Hades.
“Kahit ako ay nagulat din sa mga sinabi ni Carla. Hindi ko rin lubos maisip na posible ang bagay na yon.” Sambit ni Eclaire.
“Hindi lang basta ipinagbabawal ang makipagrelasyon sa ibang lahi, dahil imposible ding magkaroon sila ng supling. Ito ay nabasa ko sa isang aklat na naglalaman ng mga batas ng apat na mapangyarihang lahi. Kaya kahit ako man ay nagulat sa mga sinabi ni Carla.” Sambit ni Zeus.
“Hindi rin ako makapaniwala nung una, pero nung malaman kong buntis ang isang mythical shaman ng fairy at ang ama ng dinala nito ay isang mythical shaman ng elf ay nagulat ako nang malaman posibleng mangyari ito sa mga mythical shaman. Katulad ng sinabi ni Zeus ay hindi ko inaasahan ang pangyayaring ito, kaya nais ko itong alamin at pag-aralan kung bakit naging posible ito sa mga mythical shaman.” Sambit naman ni Poseidon.
Matapos magsalita ni Poseidon ay biglang napayuko si Eclaire at kalaunan ay nagsalita.
“Sana ay masaya ngayon ang kapatid kong si Lyrices kasama ang kasintahan niyang isang vampire.” Medyo malungkot na pagkakasambit ni Eclaire.
“Wag kang mag-alala, natitiyak kong masaya ngayon si Lyrices.” Nakangiting pagkakasambit ni Hades.
“Tsaka na na’tin pag-usapan ang mga bagay na ito at talakayin na na’tin kung bakit ko kayo nais makausap.” Sambit ni Zeus.
Sa mga sandaling ito ay naging seryoso na ang ekspresyon sa mukha nilang lahat. Sandaling tumahimik hanggang sa tuluyan na ngang magsalita si Hades.
“Ano ba talaga ang dahilan?” Tanong ni Hades.
“Mukhang malapit ng magsimula umatake ang mga elders.” Seryosong pagkakasambit ni Zeus.
Labis na nagulat sila Hades at Poseidon, lalung-lalo na si Eclaire.
“Seryoso ka ba sa sinasabi mong yan, Zeus?” Gulat na pagkakasambit ni Eclaire.
“*Uhm! Narinig ko ang naging pag-uusap nila nitong nakaraang araw. At mukhang nalalapit na ang kanilang pagsalakay sa tatlong lahi. Nasa saktong gulang na ang mga mythical shaman at sa ngayon ay sapat na ang bilang ng mga ito upang matumbasan o mahigitan ang anumang pwersa ng kanilang magiging mga kalaban.” Seryosong pagkakasambit muli ni Zeus.
“*Tsk! Dumating na pala ang araw na kinatatakutan ko.” Medyo inis na pagkakasambit ni Hades.
“May naiisip ka na bang hakbang para mapigilan ang binabalak nila, Zeus?” Tanong ni Poseidon.
“Meron na.” Mabilis na pagtugon ni Zeus.
“At ano namang ang plano na ito, Zeus?” Tanong naman ni Eclaire.
“Wag kang magbibigla Eclaire, pero hindi maiiwasan na hindi na’min labanan ang lahi nyo. Tatlong lahi ang nakasalalay dito at pati na rin ang mga buhay ng mga mythical shaman na tahimik ngayong namumuhay sa bawat bayan.” Sambit ni Zeus.
Napayuko na lang si Eclaire at kalaunan ay napadakot ng kaniyang mga kamao.
“Hindi mo ba pwedeng kausapin ang mga elders na wag na nilang ituloy ang gagawin nilang pagsugod?”Tanong ni Hades.
Sa mga sandaling ito ay biglang napatingin si Eclaire kay Hades. Hindi kasi niya inaasahang sa bibig nito mismo magmumula ang mga salitang iyon.
“Kung ganon ay iniisip pa rin ni Hades ang kapakanan ng lahi ko?” Sambit ni Eclaire derekta sa kaniyang isipan.
“Imposible ang bagay na yon, Hades. Baka nakakalimutan mo na matagal na tayong itinapon ng mga elders? At ang akala nila ay patay na kayong dalawa at tangin ako na lang ang tinik sa kanilang mga lalamunan sa ngayon. Kaya imposibleng tanungin ko sila sa bagay na matagal na nilang plano.”Sambit ni Zeus.
“*Tsk! Kung ganon ay wala ng ibang paraan kundi ang pigilan sila sa pamamagitan din ng pwersa.” Sambit muli ni Hades.
“Mukhang iyon na nga lang ang tangin paraan upang mapigilan sila.” Sambit naman ni Poseidon.
“Sandali lang, papaano naman kung ako ang kumausap sa kanila.” Sambit naman ni Eclaire.
“Wag na Eclaire. Baka mapahamak ka lang sa oras na gawin mo ang bagay na yan.”Sambit ni Hades.
“Tama si Hades, Eclaire. Dahil ang plano na ito ay tanging mga elders at ilan sa kanilang mga kasamahan ang bukod tanging nakakaalam sa magaganap na ‘to. At karamihan sa mga sorcerer ay walang alam tungkol dito. At kung sakali mang malaman nila na alam mo ang tungkol sa mga balak nila ay posibleng mapahamak ka rin. Alam din ito ng pinsan mong si Sonia kaya hindi siya nagsasabi sa iba.”Sambit muli ni Zeus.
Sa mga sandaling ito ay natahimik si Eclaire at hindi na nagawa pang magsalita. Batid kasi niyang wala ng paraan upang mapigilan ang mga elders sa gagawing mga plano nito.
“Ano ang mga gagawin na’ting hakbang sa ngayon?”Tanong ni Poseidon.
“Mainam kung malaman muna ito ng mga leader na kaanib ng nabuong alyansa. Kaya makakabuti kung magpupulong tayo kasama ang mga pinuno ng bawat lahi.”Sambit muli ni Zeus.
“*Uhm! Nauunawaan ko, makakarating ito kay ginoong Aldur sa aking pag-uwi.” Sambit ni Hades.
“Kailan mo naman gustong isagawa ang pagpupulong, Zeus?” Tanong ni Poseidon.
“Sa lalong madaling panahon, dahil hindi na’tin tiyak kung kailang isasagawa ng mga elders ang kanilang planong pagsalakay.” Tugon ni Zeus.
“Mabuti siguro kung dalawang araw mula ngayon magaganap ang pagpupulong upang ng sa ganon ay makapaghanda tayo sa anumang pangyayaring posibleng maganap.” Sambit muli ni Poseidon.
“Sang-ayon ako kay Poseidon.” Sambit naman ni Hades.
“Kung ganon ay ipaalam nyo sa mga leader ang mga magaganap na pagpupulong, dalawang araw mula ngayon.”Sambit muli ni Zeus.
“*Uhm!” Sabay na pagtugon nila Hades at Poseidon.
Sa mga sandaling ito ay natapos na ang kanilang pag-uusap, kaya naman sabay-sabay na silang lumabas ng laboratoryo.
Sa labas ay sandaling nag-usap ang apat.
“Hades, hintayin mo ako dito, ihahatid ko lang si Zeus tapos ikaw naman ang ihahatid ko sa Loren.” Sambit ni Eclaire.
“Sige, pero sasama muna ako dito kay Poseidon. Nais kong makita ang supling na bagong panganak.” Tugon ni Hades.
“Sayang at wala na akong oras upang matingnan man lang ang bata. Kailangan ko pa kasing maghanda ng plano at magmatyag.” Sambit ni Zeus.
“Nauunawaan ko Zeus. Pero wag kang mag-alala, dahil isusulat ko ang mga datos na makukuha ko.” Sambit ni Poseidon.
“*Uhm! Maraming salamat, Poseidon. Makakatulong sa’kin ang bagay na yon.” Sambit muli ni Zeus.
Nakangiting pagkakasambit ni Poseidon.
“Papaano? Mauna na muna kami. Magkita na lang muli tayo sa susunod na dalawang araw.”Sambit ni Zeus.
“*Uhm! Sige, mag-ingat ka, Zeus. Pati na rin ikaw, Eclaire.”Sambit ni Hades.
Napatango na lang ang dalawa at ilang sandali pa nga ay umalis na sila gamit ang teleportation magic ni Eclaire. Samantala, sabay namang naglakad patungo sila Poseidon at Hades sa bahay kung saan ngayon naroroon ang batang bagong silang.
Mapunta tayo sa bayan ng Loren. Sa ngayon ay kasalukuyang naglalaro si Zenon sa labas ng kanilang bahay. At habang siya ay masayang naglalaro ay may tatlong bata ang lumapit sa kaniya.
“Zenon!” Sambit ni Ramon.
Ngunit hindi ito pinansin ni Zenon at ipinagpatuloy lang ang kaniyang paglalaro. Ngunit sa pagkakataong ito ay labis nang nainis si Ramon, kaya mabilis na niya itong nilapitan at kalaunan hinablot ang damit.
“Bakit hindi mo ako pinapansin?” Inis na pagkakasambit ni Ramon.
“Kuya! Hindi na maganda tong binabalak mo eh! Pagagalitan na naman tayo nila ama’t ina nito kapag nalaman nila ang ginawa mo.” Sambit ni Reina
“Ang mabuti pa ay umalis na tayo, bago pa dumating ang kuya niya!” Sambit naman ni Bill.
“Hindi! At isa pa, nakita ko si Zeren kanina na nagpunta ng kagubatan, kaya wag kayong mag-alala. Gaganti lang ako.”Nakangiting pagkakasambit ni Ramon.
Sa mga oras na ito ay tahimik pa rin si Zenon at tila walang paki-alam sa posibleng mangyari sa kaniya. Napansin ito ni Ramon kaya labis siyang nakaramdam ng pagkainis.
“*Grrrr! Ginagalit nyo talaga ako!” Galit na pagkakasambit ni Ramon.
*** SFX: PAAAAK! ***
Sa labis na pagkainis ay malakas na sinuntok ni Ramon si Zenon. Labis naman itong ikinagulat nila Reina at Bill. Samantala, agad namang bumuwal si Zenon sa lupa at hanggang sa ngayon ay hindi rin gumagalaw.
“*Hahahaha! Yan ang napala mo! Ang yabang nyo kasing magkapatid!” Malakas na pagkakasambit ni Ramon.
“Kuya! Tayo na at umalis na tayo dito! Siguro naman masaya ka na diba?!”Nag-aalalang pagkakasambit ni Reina.
“Kung gusto nyong umalis ay umalis na kayo! Hindi pa ako kontento sa ginawa sa’kin ni Zeren, kaya pahihirapan ko lang ng konti itong si Zenon.”Malakas muling pagkakasambit ni Ramon.
“Tama na yan Ramon! Lalo lang magagalit sayo si Zeren sa oras na malaman niyang sinaktan mo ang kapatid niya.” Sambit ni Bill.
“Wag kang mag-alala, dahil yon talaga ang plano ko.”Nakangiting pagkakasambit ni Ramon.
Sa pagkakataong ito ay dahan-dahan nang tumayo si Zenon, pero mababakas sa mukha nito ang pagiging kalmado.
Matapos makatayo ay agad nitong pinag-pagan ang kaniyang damit at kasabay nito ay ang kaniyang pagsasalita.
“Hindi ko kasalanan ah! Ikaw ang nauna.”Sambit ni Zenon.
Hindi lubusang naunawaan ni Ramon ang nais ipahiwatid ni Zenon sa mga sinabi nito sa kaniya, ngunit isa lang ang kaniyang naunawaan. At ito ay ang labis na panghahamak sa kaniya.
“*Grrrrr! Ikaw! Pati na ang kuya mo! Sisiguraduhin kong..” Nabiting pagkakasambit ni Ramon.
Sa mga sandaling ito ay labis na nagulat sila Reina, Bill at lalong-lalo na si Ramon. Sa ngayon kasi ay biglang nasa tabi na nito si Zenon at kasalukuyang nakahawak sa kaniyang tyan.
“Papaano?!” Gulat na pagkakasambit ni Ramon.
“** HELL INFERNO **” Mahinang pagkakasambit ni Zenon.
Matapos magsalita ay agad napatalon si Zenon paatras at ang kasunod nito ay biglang nasunog ang buong katawan ni Ramon.
“*Waaaaaah! *Waaaaaaah! Tulong! Tulong! Ang init! Nasusunog ako! Tulong!”Pagsusumamo ni Ramon.
Nagpagulong-gulong si Ramon sa lupa sa pagbabakasalaking mamatay ang apoy, ngunit wala pa ring nangyayari hanggang sa tuluyan na itong huminto sa pag galaw.
Labis naman nagulat sila Reina at Bill sa kanilang nasaksihan. Ni hindi nila nagawang gumalaw sa labis na takot at kaba, gawa na rin ng kanilang nakita sa nangyari kay Ramon.
Ilang sandali pa ay naging abo na ang buong katawan ni Ramon at sa pagkakataong ito ay nagsalitang muli ni Zenon.
“Hindi ko kasalanan ah! Siya ang nauna.” Sambit ni Zenon.
Matapos magsalita ay naglakad na patungo sa kanilang bahay si Zenon na para bang walang nangyari. Wala namang nagawa ang dalawa kundi panoorin si Zenon habang patuloy sa panginginig ang buo nilang katawan.
“Si kuya.. Pinatay niya si kuya..” Umiiyak na pagkakasambit ni Reina.
“Kasalanan na’tin ito! Dapat pinigilan na’tin ang kuya mo.” Sambit naman ni Bill.
“Totoo nga ang sinabi nila ama. Mas mapanganib lumapit kay Zenon kaysa sa kuya niya.” Sambit ni Bill derekta sa kaniyang isipan.
Mabalik tayo sa bayan ng Tristram. Sa ngayon ay magkasamang pinagmamasdan nila Poseidon, Hades at Carla ang bagong silang na supling sa isang silid. Isa itong lalake at sa ngayon ay hindi pa tukoy kung anong katangian ang taglay nito.
“Ano sa tingin mo ang katangian ng batang yan? Sa palagay mo kaya ay nakuha niya ang parehas na abilidad ng kaniyang mga magulang?” Tanong ni Hades.
“Hindi ko pa masasabi sa ngayon dahil wala akong pagbabatayan. Ngunit malalaman din na’tin ito sa paglipas ng panahon. Natitiyak kong habang lumalaki ang batang ito ay malalaman na na’tin kung anong klaseng abilidad ang kaniyang nakuha.” Tugon ni Poseidon.
“Sang-ayon po ako kay tiyo, tiyo Hades. At tulad po ni tiyo ay nasasabik na akong malaman ang kaniyang mga kakayahan.” Sambit ni Carla.
“Ang ina ng bata? Kamusta na siya?”Tanong ni Poseidon.
“Kasalukuyan po siyang nagpapahinga sa ngayon at nasa maayos po ang kaniyang kalagayan.”Tugon ni Carla.
“Mabuti naman kung ganon.” Sambit muli ni Poseidon.
Ilang sandali pa ay may kumatok at kalaunan ay pumasok na rin ng naturang silid.
“Maligayang pagbabalik, miss Eclaire.” Sambit ni Carla.
“Maraming salamat sa pagbati, Carla. *Umm.. Maiba ako, kamusta ang bata?”Sambit ni Eclaire.
“Mabuti naman po siya, miss Eclaire.” Tugon ni Carla.
“Haaay! Ang mabuti pa ay lumapit ka na dito upang makita mo ang bata.” Sambit ni Hades.
Matapos marinig si Hades ay dali-dali na ngang lumapit si Eclaire at kalaunan ay napangiti matapos makita ang natutulog na sanggol.
“Ang cute naman niya. Teka sandali lang, ano ang kaniyang kasarian?” Sambit ni Eclaire.
“Isa siyang malusog na lalake.” Nakangiting pagkakatugon ni Poseidon.
“Kaya pala ang cute niya.” Nakangiting pagkakasambit ni Eclaire.
May ilang minuto ring pinagmasdan ni Eclaire ang sanggol. Samantala, naglakad naman papalabas ng kwarto si Hades.
“Saan po kayo pupunta, tiyo Hades?” Tanong ni Carla.
“Lalabas lang ako.”Tugon ni Hades.
Sa mga sandaling ito ay nabaling ang atensyon ni Eclaire kay Hades, kaya naman sinundan niya ito.
Sa labas na ng kwarto naabutan ni Eclaire si Hades at sa puntong ito ay hindi na niya naiwasang magtanong.
“Bakit Hades? May problema ba?” Tanong ni Eclaire.
“Bakit mo sa’kin tinatanong ang bagay na yan? Baka nakakalimutan mong nanganganib ang lahi mo?” Tugon ni Hades.
Agad naunawaan ni Eclaire ang ibig sabihin sa mga sinabi ni Hades at sa ngayon ay bigla siyang nakaramdam ng kalungkutan.
“Nung makita ko ang bata kanina ay biglang nawala lahat ng mga bagay na iniisip ko. Ngunit naalala ko ‘to kanina ng makita kitang masaya habang pinagmamasdan ang bata. Alam kong posibleng mahirapan ka nang ngumiti sa oras na matuloy ang gyera.”Sambit muli ni Hades.
Sa mga sandaling ito ay hindi na napigilan ni Eclaire ang pag-agos nang kaniyang mga luha. Ngunit mas lalo pa itong umagos ng yakapin siya ni Hades.
“Patawad. Patawad kung wala akong magawa upang mapigilan ang plano ng mga elders laban sa tatlo pang lahi. Batid kong hindi alam ng ibang mga sorcerer ang plano ng mga elders at alam ko ding makakasama sayo kung ipapaalam mo ito sa iba.” Sambit ni Hades.
Hindi magawang tumugon ni Eclaire, bagkus ay napahigpit na lang ito sa pagkakayakap kay Hades.
Kinagabihan sa Nilfleheim. Kasalukuyan ngayon gumagawa ng liham si Zeus para kay Izual sa kaniyang kwarto ng biglang may kumatok sa pinto.
*** SFX: TOK! TOK! TOK! TOK! ***
“Sino yan?” Tanong ni Zeus.
“Ako ito, Zeus.” Sambit ni Sonia.
“Sige pumasok ka.” Sambit muli ni Zeus.
Matapos makakuha ng pahintulot ay agad na ngang pumasok si Sonia. Agad namang hininto ni Zeus ang kaniyang ginagawa at kalaunan ay hinarap si Sonia.
“Bakit Sonia? May kailangan ka ba?” Tanong ni Zeus
“Wala naman, nais ko lang sanang makausap ka.”Tugon ni Sonia.
“Tungkol saan naman?” Tanong muli ni Zeus.
“*Uhm.. Nabalitaan ko kasi kay Eclaire kanina yung tungkol sa magkaibang mythical shaman na nagkaroon nang supling.”Mahinang pagkakasambit ni Sonia.
Matapos marinig ni Zeus ang mga sinabi ni Sonia ay dali-dali itong tumayo at kalaunan at mabilis na sinilip ang labas ng kaniyang kwarto. Nang makumpirmang walang tao o anumang bagay na kahina-hinala ay isinara na niya ang pinto at kalaunan ay kinandado.
“Ang OA mo naman. Wala naman akong sinabing pangalan ah!” Sambit ni Sonia.
“*Tsk! Mag-ingat ka nga sa mga sasabihin mo sa susunod.” Medyo inis na pagkakasambit ni Zeus.
“Oo na.. Pero totoo nga ba ang mga narinig ko mula kay Eclaire?” Sambit muli ni Sonia.
“Ganon na nga. Kahit ako man ay nagulat ng malamang posible palang mangyari yon sa mga mythical shaman.”Tugon ni Zeus.
“*Umm.. Sa tingin mo, posible kayang magkaroon ng isang supling ang isang sorceress at isang mythical shaman?”Medyo nahihiyang pagkakasambit ni Sonia.
“Walang kasiguraduhang posible ang bagay na yon, dahil hindi ko alam kung compatible ang mga genes na’tin.”Tugon ni Zeus.
“Na..na..na..na’tin?!” Gulat na pagkakasambit ni Sonia.
“*Huh? Akala ko ba isang sorceress at mythical shaman ang tinutukoy mo?”Nagtatakang tanong ni Zeus.
“*Ahh! Tama! Tama! *Hehehe..” Medyo awkward na pagkakasambit ni Sonia.
“Bwisit! Nagulat ako dun ah!” Sambit ni Sonia derekta sa kaniyang isipan.
“Pero gawa kayo diba sa DNA na’min? Siguro naman posibleng mangyari ang bagay na yon, katulad na lang ng nangyari don sa mga mythical shaman sa Tristram.” Sambit muli ni Sonia.
“*Hmmm.. May punto nga ang mga sinabi mo. At kung may magbo-boluntaryo lang sana upang makalikop tayo ng mga datos ay posible na’ting malaman ang sagot sa mga katungan mo.”Sambit muli ni Zeus.
Sandaling natahimik si Sonia at napayuko matapos marinig ang mga sinabi ni Zeus. Labis namang napaisip si Zeus sa kung ano ba ang nangyayari ngayon kay Sonia.
“Sonia? May problema ba?” Tanong ni Zeus.
Napa-iling lang si Sonia at kalaunan ay napatingin kay Zeus suot ang mga nangungusap na mata.
“Kung ganon.. magbo-boluntaryo ako para sa eksperimentong ito.” Mabagal na pagkakasambit ni Sonia.
Ikinagulat naman ni Zeus ang kaniyang mga narinig, kaya dali-dali siyang nagsalita.
“Sandali lang! Sigurado ka ba sa sinasabi mo?”Gulat na pagkakasambit ni Zeus.
“*Uhm! Pero ang gusto ko ay ikaw ang makapareha ko para sa eksperimentong ito.”Mabagal muling pagkakasambit ni Sonia.
Muli ay nagulat si Zeus at sandaling natahimik, dala na rin ng labis na pagkabigla.
“Ang ibig sabihin ba nito ay may pagtingin ka rin sa’kin?”Mahinang pagkakasambit ni Zeus.
Biglang tumulo ang luha sa mga nangungusap na mata ni Sonia matapos marinig ang mga sinabi ni Zeus. At sa pagkakataong ito ay hindi na niya napigil ang kaniyang sariling yakapin si Zeus.
Tinumbasan naman ni Zeus ng mahigpit na yakap ang ginawa ni Sonia at kaakibat nito ay ang kaniyang pagsasalita.
“Ang akala ko ay hindi mo ako magu-gustohan, dahil hindi ako isang sorcerer.”Sambit ni Zeus.
“Nagkakamali ka. At patawad kung ngayon lang ako nagkalakas ng loob na sabihin sayo ang mga bagay na ‘to”Sambit ni Sonia.
Sa mga sandaling ito ay tumigil na sila sa pagyayakapan at sa ngayon ay magkaharap na sila sa isa’t-isa.
“Mahal kita, Zeus.”Nakangiting pagkakasambit ni Sonia.
“Mahal din kita Sonia.” Tugon naman ni Zeus.
May ilang sandali din nilang tinitigan ang isa’t-isa bago tuluyang magdikit ang kanilang mga labi. At ang gabing iyon ay naging mahaba para sa kanilang dalawa. (If you know what I mean! :3)
Chapter end.
Afterwords
Tsk.. 3 weeks na akong hindi nakakapagsulat.. kaya sobrang pasensya na po talaga. sana po maunawaan nyo ang kalagayan ko.. pero pinipilit ko po talagang magsulat kahit wala talaga akong resources.. :(
Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..
Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..
Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..
Susunod.
Chapter 30: Ang pagwawakas ng dalawang lahi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top