Chapter 27: Pagpupulong ng bagong alyansa.

Sa kaparehong araw at oras sa kastilyo ng mga vampire na makikita sa pinaka dulo ng Travincial.

Sa ngayon ay kasalukuyan ng naghahanda sila Izual, Zeus at ang iba pang mga vampire sa kanilang pag-alis patungo sa bayan ng Loren. Dito kasi gaganapin ang pagpupulong, dahil nakagitna ito sa mga bayan ng tatlong lahi, ang lahi ng mga Druid, Werewolf at Vampire.

 

*Fufufufu.. Mabuti naman at sumang-ayon sila sa aking mungkahi.” Sambit ni Izual.

 

“Sadyang nakakamangha ang taglay na kapangyarihan ng mga vampire, nagawa nyo agad makuha ang kanilang mga tugon matapos masunog ang mga liham na ipinadala nyo sa kanila.” Sambit naman ni Zeus.

 

“Sarili kong mga dugo ang ginamit ko para isulat ang bawat mga liham, kaya bilang isang vampire ay natural lang na malaman ko agad ang kanilang naging tugon.” Sambit muli ni Izual.

 

“Ngayon malinaw na sa’kin ang lihim sa mga liham nyo. Simple lang kung iisipin ngunit sadyang nakakamangha pa rin.” Sambit muli ni Zeus.

 

“Maraming salamat sa iyong mga papuri, batid kong nagsasabi ka ng katotohanan, pero sa ngayon ay mas isipin muna na’tin ang tagumpay ng magiging pagpupulong mamaya.” Sambit muli ni Izual.

 

“Nauunawaan ko.” Tugon ni Zeus.

 

“Nakahanda na ba ang lahat?” Tanong ni Izual sa kaniyang mga kasama.

 

“Nakahanda na po kaming lahat, pinuno.” Tugon naman ng lahat.

 

“Mabuti kung ganon! Tayo na at natitiyak kong naghihintay na sa’ting pagdating ang ating mga bagong ka-alyansa.” Nakangiting pagkakasambit ni Izual.

Ilang sandali pa nga ay mabilis nang nag-alisan sila Izual kasama si Zeus at ang ilang mga vampire. Samantala, mapunta naman tayo sa dungeon kung saan ngayon nakapiit si Hades. Sa ngayon ay kasalukuyan na siyang kinakausap ni Aldur, kasama sila Leiya, Viel at iba pang mga werewolf.

 

“Ginoong Hades, natutuwa akong makitang nasa maayos kang kalagayan.” Sambit ni Aldur.

 

“Maraming salamat, ginoong?” Tugon ni Hades.

 

“Siya ang pinuno na’min, Hades. Siya si pinunong Aldur.” Sambit ni Leiya.

 

*Ahh! At ano naman ang kailangan sa’kin ng pinuno ng mga werewolf?” Sambit muli ni Hades.

 

“Hoy! Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo!” Galit namang pagkakasambit ni Viel.

 

“Ayos lang, Viel.” Sambit muli ni Aldur.

 

“*Tsk!” Sambit muli ni Viel.

 

“Naparito ang aming leader upang makipag-usap sayo, kaya sana ay paunlakan mo siya.” Sambit muli ni Leiya.

 

“Okay, handa na akong makinig.” Sambit muli ni Hades.

 

“Mabuti naman kung ganon. Ngunit bago ako magsimula ay nais ko munang mabasa mo ang sulat ng iyong kapatid para sayo.” Sambit ni Aldur.

Labis na nagtaka si Hades sa kaniyang mga narinig. Gayon din si Eclaire na kasalukuyan ngayong nagtatago sa lagusang ginawa nito. Ilang sandali pa ay may inabot na isang sobre si Aldur na agad namang kinuha ni Hades.

Agad binasa ni Hades ang liham na nasa loob ng sobre at kalaunan ay nagulat sa kaniyang mga nabasa.

 

“Walang dudang sulat kamay at pirma ito ni Zeus.” Sambit ni Hades.

 

“Siguro naman ay nauunawaan mo na ang lahat.” Sambit ni Aldur.

*Tsk! Alam na pala ni Zeus ang balak ng aming mga elders, pero hindi pa rin niya ‘to sinabi sa’min.” Medyo inis na pagkakasambit ni Hades.

Matapos magsalita ay tumayo si Hades at kalaunan ay nagsalitang muli.

 

“Eclaire, lumabas ka na dyan. Ayos na ang lahat.” Sambit muli ni Hades.

Laking pagtataka nila Aldur at Viel sa kung ano ang nais iparating ng mga sinabi ni Hades. Pero ilang sandali pa ay laking gulat nila matapos lumabas ni Eclaire sa lagusang ginawa nito.

 

“Sino ka?!” Gulat na pagkakasambit ni Viel.

 

“Kuya wag kang mag-alala, kaibigan ko siya!” Sambit naman ni Leiya.

 

“Tama si Leiya. Wag kayong mag-alala, dahil hindi niya kayo isusuplong sa aming mga elders.” Sambit naman ni Hades.

Matapos magsalita ni Hades ay agad na nitong inabot ang liham kay Eclaire na sinulat ni Zeus para sa kaniya. Agad naman itong binasa ni Eclaire at kalaunan ay nagulat din sa kaniyang mga nalaman.

“Pero bakit? Bakit hindi niya sinabi sa inyo na alam na pala niya ang plano ng ating mga elders?” Sambit ni Eclaire.

 

“Yun din ang hindi ko alam, pero malalaman na’tin yan mamaya sa magaganap na pagpupulong.” Sambit muli ni Hades.

 

“Ano kaya ang binabalak ni Zeus?” Tanong ni Eclaire.

 

“Hindi ko rin alam.” Sambit muli ni Hades.

*Umm? Tapos na ba kayong mag-usap? Hindi ko naunawaan ang pinag-usapan nyo pero mukhang may kaugnayan ito sa liham na inyong nabasa.” Sambit ni Leiya.

 

“Ganon na nga Leiya.” Sambit muli ni Hades.

“Ang mabuti pa ay sa labas na tayo mag-usap. Hindi maganda ang lugar na ‘to para sa aming mga panauhin.” Nakangiti namang pagkakasambit ni Aldur.

 

“*Tsk!” Sambit naman ni Viel.

Makalipas ang dalawang oras ay kasalukuyan ng nagpapahinga sa isang silid sila Hades at Eclaire kasama ang apat na phoenix. Samantala, alam na ni Sonia ang sitwasyon ng kaniyang mga kaibigan, dahil nagbalik na sa kanilang kastilyo si Eclaire kanina upang kunin ang mga phoenix.

Sa ngayon ay palihim na sinusubaybayan ni Sonia ang bawat kilos ng kanilang mga elders upang malaman kung may masasamang binbalak ang mga ito. At sa kaniyang pag-iikot sa kanilang kastilyo ay nakasalubong niya ang kaniyang ama.

 

“Sonia!” Sambit ni Archon.

 

*Oh ama, ikaw po pala. Bakit po?” Tugon naman ni Sonia.

“Nakita mo ba si Eclaire? Nag-aalala na ang ama’t ina niya. Hindi pa kasi nila ito nakikita magmula kahapon.” Sambit muli ni Archon.

 

“Talaga? Hindi man lang nagawang magpakita ni Eclaire kila tiya at tiyo?!” Gulat na pagkakatanong ni Sonia derekta sa kaniyang isipan.

 

*Ahh! Si Eclaire po? Nakita ko siya kani-kanina lang. Pero umalis din po siya agad, may nakita daw po kasi siyang bagong mythical creature kaya po huhulihin niya ito.” Medyo awkward na pagkakatugon ni Sonia.

 

“Talaga?! At anong klaseng mythical creature naman ito?!” Mabilis na pagkakasambit ni Archon.

“Hala! Mali yata ako ng napiling dahilan sa pag-alis muli ni Eclaire! Bakit kasi sobrang obsessed ni ama sa mga mythical creature.” Sambit ni Sonia derekta sa kaniyang isipan.

 

“Pegasus daw po.” Medyo awkward muling pagkakatugon ni Sonia.

 

“Whoa! Bakit hindi kaagad sinabi sa’kin ni Eclaire ang tungkol sa bagay na ‘to!” Mabilis muling pagkakasambit ni Archon.

 

“Gusto daw po kasi niya kayong supresahin sa oras na mahuli niya ito.” Medyo awkward muling pagkakatugon ni Sonia.

“Ganon ba? *Fufufu.. Hindi na tuloy ako makapaghintay sa kaniyang pagbabalik. Ang mabuti pa ay ipapaalam ko na ang magandang balita sa kaniyang mga magulang.” Masayang pagkakasambit ni Archon.

 

“Hala patay!” Sambit ni Sonia derekta sa kaniyang isipan.

Matapos magsalita ni Archon ay dali-dali na itong umalis, samantalang hindi naman makapaniwala si Sonia sa nagawa niyang kasinungalingan.

Mabalik tayo sa silid kung nasaan ngayon sila Hades at Eclaire.

 

“Mabuti naman at hindi nakita ng mga elders ang mga anak ko.” Sambit ni Hades.

*Uhm! Kahit ako ay hindi pa rin nila nakikita. Ay patay! Hindi pa nga pala ako nakikita nila ama at ina! Tiyak na hinahanap na nila ako!” Malumanay nung una pero kalaunan ay gulat na pagkakasambit ni Eclaire.

“Suma-sama ka pa kasi sa’kin eh. Siguro mabuting bumalik ka na at manatili na lang sa Nilfleheim, upang hindi ka nila paghinalaan. At mas makakabuti kung may dahilan ang iyong pagkawala.” Sambit muli ni Hades.

“Mukhang tama ka nga, pero ano naman kaya ang idadahilan ko sa oras na tanungin ako nila ama?” Sambit muli ni Eclaire.

 

“Katulad ng sinabi ko, mas makakabuti kung may dahilan ang iyong pagkawala. Siguro maghanap ka ng isang bagay na magiging dahilan ng pagkawala mo.” Tugon ni Hades.

 

*Hmmm.. Anong klaseng bagay naman kaya ang idadahilan ko sa kanila?” Sambit muli ni Eclaire.

 

“Ang mabuti pa ay dumaan ka sa Arreat summit. Ayon kasi sa mga nabasa kong lumang kasulatan ay maraming mythical creature ang makikita don. Ngunit sadya iyong mapanganib puntahan, dahil na rin sa sobrang taas ng mga bundok.” Sambit muli ni Hades.

 

“Sige, punta ako don.” Sambit muli ni Eclaire.

 

“Mapanganib pumunta don ng mag-isa kaya sasamahan kita kapag naayos na ang lahat mamaya.” Nakangiti namang pagkakasambit ni Hades.

Napangiti na lang si Eclaire matapos marinig ang mga sinabi ni Hades sa kaniya at kalaunan ay napatango.

Ilang sandali pa ay pumasok na sa kanilang silid, si Leiya. Sabay namang napalingon dito sila Hades at Eclaire.

 

“Nandito na sila.” Sambit ni Leiya.

 

“Mabuti naman kung ganon.” Tugon ni Hades.

Matapos magsalita ay sabay-sabay ng lumabas ng naturang silid ang tatlo at sabay na rin silang nagtungo sa silid kung saan magaganap ang pagpupulong. Hindi naman nagtagal ay narating na nila ang silid at dito ay nagkita ng muli ang magkakapatid na Olympus.

“Mabuti naman at nasa mabuti kang kalagayan, kapatid ko. At syempre ganon din sayo, Eclaire.” Nakangiting pagkakasambit ni Zeus.

“Bakit parang hindi nagulat si Zeus ng makita niya ako? Hindi naman niya alam na sumama ako kay Hades ah!” Sambit ni Eclaire derekta sa kaniyang isipan.

 

“Ayos lang ako, pero marami akong itatanong sayo mamaya.” Seryosong pagkakatugon ni Hades.

 

“Batid ko nang sasabihin mo ang mga salitang yan, dahil halos ang mga salitang binitiwan mo ang mga sinabi ni Poseidon nung magkita kami kanina.” Sambit muli ni Zeus.

 

 “Ang mabuti pa ay maupo muna ang lahat, para masimulan na ang pagpupulong na ito.” Sambit naman ni Aldur.

Agad na ngang nagtungo si Hades sa bakanteng upuang nakalaan para sa kaniya. Samantalang tumayo naman sa kaniyang likuran si Eclaire.

 

“Tayo na at simulan ang pagpupulong na ‘to.” Masayang pagkakasambit ni Aldur.

 

“Mawalang galang na po, hindi ba’t isang sorceress ang babaeng nasa likuran ni Hades?” Tanong ni Corbel.

 

“Wag kang mag-alala, matalik na’ming kaibigan ang babaeng tinutukoy mo.” Sambit naman ni Poseidon.

“Kahit na! Walang kasiguraduhang ititikom niya ang kaniyang bibig sa anumang mga marinig niya sa magaganap na pagpupulong na ito!” Sambit muli ni Corbel.

“Hayaan mo na siya, Corbel. Natitiyak kong hindi makaka-apekto ang binibining nasa likuran ni Hades sa magaganap na pagpupulong.” Sambit naman ni Elzix.

 

“Pero pinuno!” Sambit muli ni Corbel.

“Wag ka ng tumutol pa, Corbel. Batid kong ayos lang ito, dahil pinahintulutan ito ni ginoong Izual.” Sambit muli ni Elzix

Agad namang napalingon si Corbel sa nakangiting pinuno ng mga vampire.

 

“Sana nga tama ang mga sinabi ni pinuno.” Sambit ni Corbel derekta sa kaniyang isipan.

Bago magsimula ang pagpupulong ay binulungan ni Warriv si Corbel.

 

“Mabuti pang tumahimik ka na lang para hindi mapahiya ang ating pinuno.” Bulong ni Warriv.

Hindi na nagawang tumugon ni Corbel at napatitig na lang kay Eclaire.

 

“Ang babaeng yon, bakit ba kasi nila hinayaang makapasok siya dito?” Sambit ni Corbel derekta sa kaniyang isipan.

 

*Ehem.. Sa ngayon ay batid na na’ting lahat ang aksyong ginawa ng mga sorcerer ay isang senyales sa binabalak nilang gawin, laban sa ating mga lahi. At dahil sa tingin nila ay magiging banta para sa kanila ang magkakapatid na Olympus ay ipinadala nila ang mga ito sa isang pagpapatiwakal na misyon, ang pag-e-espiya. Ngunit si Zeus ay batid ang masamang balak laban sa kanilang tatlo, kaya bago pa man sila bigyan ng misyon ay gumawa na siya ng liham para sa’kin, isang liham ng pakikipag-kaibigan.” Sambit ni Izual.

 

*Tsk! Pero bakit hindi mo sinabi sa’min ang bagay na yon, Zeus? Alam mo bang muntik nang mapahamak si Eclaire ng dahil sa hindi mo sinabi sa’kin ang mga nalalaman mo?” Medyo galit ang tono ng pagkakasambit ni Hades.

“Tama si Hades, bakit kinailangan mong ilihim sa’min ang ganong ka-importanteng impormasyon? At paano mo natiyak na mga nabihag kami at hindi nasawi sa misyong aming ginawa?” Seryosong pagkakatanong naman ni Poseidon.

“Paumanhin mga kapatid. Kinailangan kong ilihim sa inyo ang impormasyong yon para hindi magduda sa’tin ang mga elders. Batid kong hindi kayo masasawi sa pakikipaglaban nyo sa mga druid at werewolf, dahil kabisado ko ang limitasyon ng ating mga lakas. At isa pa ay hindi ko maisasakatuparan ang pagpupulong na ito kung sinabi ko sa inyo ang aking mga nalaman. Kaya hinihingi kong muli ang inyong mga pag-unawa sa makasarili kong pagpapasya. Alam kong nalagay sa panganib ang inyong mga buhay, ganon din ang buhay ni Eclaire. Pero natitiyak kong mauunawaan nyo ako pagkatapos ng pagpupulong na ito, kaya kung maaari ay pakinggan nyo na lamang ang aking mga ipapaliwanag.” Sambit naman ni Zeus.

 

“Okay sige, pagbibigyan kita upang magpaliwanag.” Seryosong pagkakasambit ni Hades.

 

“Okay makinig ang lahat. Napag-usapan na na’min ito ni ginoong Izual sa kanilang kastilyo at ito ay ang pagbigay sa inyo ng kaalaman kung papaano lumikha ng isang tulad na’min, mga mythical shaman. Sa pamamagitan ng kaalamang ito ay maaari na kayong makalikha ng inyong hukbong pandigma, ngunit ang gagawin na’ting pagsalakay sa mga sorcerer ay magaganap lang sa oras na handa na sila para sumalakay sa bawat lahi. Sila Hades at Poseidon ang magtuturo sa lahi ng mga druid at werewolf, at ako naman ang bahalang magturo sa mga vampire.” Sambit ni Zeus.

Matapos magsalita ni Zeus ay agad nag-usap-usap ang bawat pangkat tungkol sa bagay na mga narinig nila. Maganda ang plano ni Zeus kaya walang dahilan upang tumanggi ang bawat lahi.

“Sa ngayon ay binabalak kong bumalik sa Nilfleheim ng sugatan upang mag-ulat. Palalabasin naman na’tin nasawi ang mga kapatid ko sa misyong ibinigay sa kanila upang ng sa ganon ay matutukan nila ang pagtuturo ng kalaaman sa paglikha ng mga mythical shaman. At ako habang nagpapagaling ay mananatili sa aking mga ginagawa sa laborotoryo kung saan pinalalaki na’min ang mga mythical shaman na amin nang nilikha. Kasabay na rin nito ay ang pagbabantay ko sa magiging kilos nang aming mga elders” Sambit muli ni Zeus.

 

“Hindi ko lubos maisip na gagawin sa’tin ito ng mga elders, kaya paano kita paniniwalaan?” Seryoso muling pagkakatanong ni Poseidon.

“Batid kong alam na ni Eclaire ang mga ito at natitiyak kong nasabi na rin niya ito sa ating kapatid.” Tugon naman ni Zeus.

Agad namang napalingon si Poseidon kay Hades at Eclaire, at kalaunan ay nagtanong.

 

“Totoo ba ang mga sinabi ni Zeus, Eclaire?” Tanong ni Poseidon.

 

“Tama siya, pero papaano mo naman nalaman na alam ko na ang impormasyong yon? At papaano mo rin nalaman na sumama ako kay Hades? *Hah Zeus?” Sambit ni Eclaire.

“Tungkol sa bagay na yan ay hindi ko inaasahan, Eclaire. Nang makuha ko ang tugon ni ginoong Izual sa ginawa kong liham sa kaniya ay agad na akong nagmadali patungo sa kanilang kastilo. At sa totoo lang ay agad kong hiniling kay ginoong Izual na padalan kayo ng mga familiar upang subaybayan ang bawat kilos nyo at dito ko rin nasiguro na kayo ligtas at  mga nabihag lamang.” Sambit muli ni Zeus.

“Mga familiars? Kung ganon ang mga yon pala ang nararamdaman kong mga nagmamatyag sa’kin.” Sambit ni Eclaire derekta sa kaniyang isipan.

 

“Sa ngayon ay malinaw na sa’kin ang lahat at kung totoo nga ang mga narinig ko tungkol sa ginawa sa’tin nang ating mga elders ay hindi ko sila mapapatawad.” Sambit ni Poseidon.

 

“Ganon din ako. Itinuring pa naman na’tin silang mga magulang, ngunit ipagkakalulo lang din pala nila tayo sa bandang huli. Malinaw na rin sa’kin ngayon na tayo ay mga nagtagumpay lang na eksperimento para sa kanila.” Sambit naman ni Hades.

 

“Mabuti naman at malinaw na sa inyo ang ating sitwasyon, mga kapatid. Okay, ngayon ay talakayin naman na’tin ang plano upang mapagtibay ang bago na’ting alyansa.” Nakangiting pagkakasambit ni Zeus.

Nagpatuloy pa ang pagpupulong at tumagal ito ng ilang mga oras. Maraming bagay silang napag-usapan at ilan sa mga ito ay ang tungkol sa impormasyon sa kung papaano lumikha ng mythical shaman. At kahit laban sa lahi ni Eclaire ang nagaganap na pagpupulong ay hindi siya nabagabag, bagkus ay nakaramdam siya ng galit at pagkadismaya laban sa kaniyang lahi. Labis din niyang nagustuhan ang plano ni Zeus, dahil maisasakatuparan lang ang mga napag-usapan sa oras na handa ng sumugod ang buong lahi ng sorcerer.

“Gusto ko ang naisip na plano ni Zeus. At sa mga sinabi niya ay ramdam kong mahalaga pa rin sa kaniya ang aming lahi. Ang dapat ko lang gawin ay pigilan ang mga elders sa gagawin nilang masamang balak.” Sambit ni Eclaire derekta sa kaniyang isipan.

Halos pa lubog na ang araw ng matapos ang pagpupulong at halos ang bawat pangkat ay masayang lumabas ng kwarto. Nagkamayan pa ba ang bawat pinuno ng bawat lahi matapos nilang magpaalam sa isa’t-isa.

“Hades, magpalakas ka habang naririto sa Loren. At katulad mo ay magpapalakas din ako sa bayan ng Tristram habang itinuturo sa kanila ang kaalaman sa paglikha ng mga mythical shaman.” Sambit ni Poseidon.

“Hindi mo na kailangan pang sabihin ang bagay na yan, dahil gagawin ko talaga ang bagay na yon.” Tugon ni Hades.

 

“Paano, magkita na lang tayo sa susunod.” Sambit muli ni Poseidon.

 

*Uhm! Ikaw din Zeus, mag-iingat ka sa pagbalik mo sa Nilfleheim.” Sambit muli ni Hades.

 

“Wag kang mag-alala, sa ating tatlo ako ang pinaka-malakas.” Nakangiti namang pagkakasambit ni Zeus.

 

“Oo na, ikaw na! The best ka eh!” Dismayado namang pagkakasambit nila Hades at Poseidon.

 

“Kung tapos na kayong mag-usap ay mabuti pang umalis na tayo.” Medyo dismayado ding pagkakasambit ni Corbel.

 

“Pasensya na, mukhang nagmamadali ang isang yon eh. Sige, aalis na kami.” Sambit muli ni Poseidon.

 

“Mag-iingat kayo.” Sambit muli ni Hades.

Matapos mag-usap ay tuluyan ng umalis ang pangkat nang mga druid at nang mga vampire kasama sila Zeus at Poseidon. Samantala, agad namang nagtungo na sa kaniyang silid si Aldur at ang iba pa. Nagsimula naman maglakad si Hades, Eclaire at Leiya patungo sa silid kung saan nila iniwan ang mga phoenix.

 

“Alam mo Hades, magaling na leader ang kapatid mong si Zeus.” Nakangiting pagkakasambit ni Leiya.

 

“Bakit mo naman nasabi yon?” Tanong naman ni Hades.

 

*** SFX: TOOOOOOINKS! ***

 

“Ouch! It hurts you know?!” Sambit ni Hades matapos kutusan.

“Hindi mo ba na-gets yung sinabi ni Leiya? Iniisip pa rin kasi niya yung lahi ko, kaya hindi kaagad gagawa ng aksyon ang bagong alyansa.” Sambit naman ni Eclaire.

 

*Ahh! Sabagay.. Sa aming tatlo si Zeus ang pinaka-malapit sa mga elders, dahil siya ang panganay at sabihin na rin na’tin siya ang pinaka-matalino.” Sambit muli ni Hades.

 

“Nakikita ko sa kaniya ang isang magaling na leader at sana ay hindi na matuloy ang masamang binabalak ng mga sorcerer. Para naman hindi na ito mag-dulot ng gyera.” Sambit muli ni Leiya.

 

“Sana nga.” Sambit muli ni Eclaire.

Makalipas ang dalawang oras ay kasalukuyan ng nakabalik sila Zeus, Izual at ang iba pa sa kastilyo ng mga vampire.

 

*Fufufufu.. Magaling ang ginawa mong pag-arte, Zeus.” Masayang pagkakasambit ni Izual.

“Sa ngayon ay umiikot na sa ating mga palad ang mga druid at werewolf. Totoong balak magsimula ng isang gyera ang mga sorcerer, ngunit matatagalan pa sila bago maisakatuparan ito dahil ang gagamitin nilang hukbo ay mga bata pa. *Fufufu.. Nakakatawa ding isipin na ang hukbong ginagawa nila ay ang hukbo ding pipigil at tatapos sa kanila.” Masaya ding pagkakasambit ni Zeus.

 Chapter end.

Afterwords

Hello? Hahaha! Sa ngayon po ay medyo nakakabawi na ako sa pagsusulat.. medyo nag-aadjust lang muli ang mata ko sa tulog, kaya iilan palang ang chapters na nasusulat ko.. konting hintay na lang talaga at maibabalik ko na ang dating UD's. XD

Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..

Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..

 

Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..

Susunod.

Chapter 28: Nakaraang tatlong daan at tatlumpong taon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top