Chapter 26: Nakaraang tatlong daang taon. Part 3
Kinagabihan sa Nilflehiem, hindi pa rin mawala ang bakas ng pag-aalala sa mukha ni Sonia. Hanggang sa ngayon kasi ay hinihintay pa rin nito ang pagdating ng kaniyang mga kaibigan, lalong-lalo na ang pinsan niyang si Eclaire.
“Kamusta na kaya sila? Pakiramdam ko tuloy may masama ng nangyari kay Eclaire at Hades. Ganon din kila Zeus at Poseidon.” Nag-aalalang pagkakasambit ni Sonia.
Ilang sandali pa matapos magsalita ay may nakita si Sonia na isang itim na liwanag hindi kalayuan sa kaniya. Sa mga sandaling ito ay hindi na naiwasan ni Sonia ang mapangiti, dahil batid niyang si Eclaire ang may likha nito.
*** SFX: WOOOOOOOOOOOSH! ***
Wala pang isang segundo matapos makita ni Sonia ang itim na liwanag ay lumabas na si Eclaire.
“Eclaire!” Masayang pagkakasambit ni Sonia.
“Ikaw pala Sonia. Bakit gising pa ka!?” Tanong naman ni Eclaire.
“Anong bakit gising pa ako? Natural! Sino bang kaibigan ang hindi mag-aalala sa misyong pinasok nyo!?” Tugon naman ni Sonia.
“Sabagay! *Hehehe!” Sambit muli ni Eclaire.
Sa ngayon ay medyo nabunutan na ng tinik sa lalamunan si Sonia, dahil mukhang nasa maayos na kalagayan ang kaniyang pinsan. Pero ang kaniyang ipinagtataka ay bakit nag-iisa itong nakabalik.
“Teka, nasaan si Hades? Bakit hindi mo siya kasama?” Tanong ni Sonia.
“Wag kang mag-alala, dahil okay naman siya don. Nagpaiwan siya para hindi tayo sugurin ng mga werewolf.” Tugon naman ni Eclaire.
“*Huh? Anong ibig mong sabihin sa mga sinabi mo?” Tanong muli ni Sonia.
“Ang mabuti pa ay doon na tayo sa kwarto ko mag-usap.” Sambit muli ni Eclaire.
“Mabuti pa nga.” Tugon naman ni Sonia.
“Oo nga pala, kamusta na ang mga phoenix?” Tanong ni Eclaire.
“Nasa loob sila ng kwarto ni Hades at nagpapahinga.” Tugon naman ni Sonia.
“Mabuti naman.” Sambit muli ni Eclaire.
Ilang sandali pa ay nagsimula na silang maglakad patungo sa kwarto ni Eclaire. Halos ilang minuto lang ang lumipas ay narating na nila Eclaire ang kaniyang kwarto. Sa loob nito ay agad ipinaliwanag ni Eclaire ang sitwasyon ni Hades sa ngayon.
“Ano yung ibig mong sabihin dun sa sinabi mo kanina? Nagpaiwan si Hades para hindi tayo sugurin ng mga werewolf?” Tanong ni Sonia.
“*Uhm! Dahil alam ng mga werewolf na nag-espiya kami sa kanila. At kung sakaling malaman nilang nakatakas si Hades ay natitiyak kong gagawa agad sila ng hakbang upang sugurin tayo, dahil batid nilang isang banta para sa kanila ang ginawa na’ming pag-e-espiya.” Tugon naman ni Eclaire.
“Ganon pala. Nauunawaan ko na. Tama nga na nagpaiwan si Hades at kahit papaano pala ay nag-iisip din ang mokong na yon.” Sambit muli ni Sonia.
“Oo nga eh. Pero ang ipinagtataka ko lang ay bakit binigyan ng misyon ang magkakapatid para mag-espiya? Hindi ba’t may ginawang kasunduan ang apat na lahi na hindi gagawa ng kaukulang mga aksyon laban sa isa’t-isa? Pero bakit parang gusto ng mga elders na magsimula ng gyera?” Sambit naman ni Eclaire.
Biglang naging seryoso ang ekspresyon ng mukha ni Sonia at sa mga oras na ito ay nagdadalawang isip siya sa kaniyang mga sasabihin. Agad din itong napansin ni Eclaire kaya naman hindi na nito naiwasan ang mag-alala.
“Bakit Sonia? May dinadamdam ka ba?” Nag-aalalang pagkakatanong ni Eclaire.
Hindi kaagad nagawang tumugon ni Sonia dahil kasalukuyan pa rin itong nag-iisip.
“Sonia?” Nag-aalala muling pagkakatanong ni Eclaire.
“Ayos lang ako Eclaire. Pero wag ka sanang mabibigla sa mga sasabihin ko sayo.” Sambit ni Sonia.
Ikinabahala naman ni Eclaire ang mga nais sabihin ni Sonia sa kaniya, kaya seryoso na itong napatango.
“Sana ilihim mo ang mga sasabihin ko sayo.” Sambit muli ni Sonia.
“Makaka-asa kang magiging sekreto ang pag-uusap na ito sa pagitan na’ting dalawa.” Tugon naman ni Eclaire.
“Salamat. Okay makinig ka, hindi ko sinasadyang marinig na nag-uusap ang mga elders nung nakaraang araw at tungkol ito sa mga misyong ibinigay nila sa tatlo. Labis kong ikinagulat ang aking mga narinig sa naging pag-uusap nila, dahil balak nilang dispatsahin ang tatlo na’ting kaibigan at ang mga ito ay sila Zeus, Poseidon at Hades.” Sambit muli ni Sonia.
Labis naman iki-nagulat ni Eclaire ang kaniyang mga narinig, kaya agad na itong nagsalita.
“Anong ibig mong sabihin sa balak ng mga elders na dispatsahin sila Hades?” Gulat na pagkakatanong ni Eclaire.
“*Deep Breath.. Ayon sa mga narinig ko ay masyado ng nagiging banta ang tatlo sa kanila, lalong-lalo na si Zeus na sobrang bilis matuto. Mga ilang taon na lang daw at mahihigitan na nila ang angking lakas na’tin pagdating sa pakikipaglaban, kaya ipinadala na nila sa mga suicidal mission ang tatlo.” Sambit muli ni Sonia.
Hindi naman makapaniwala si Eclaire sa kaniyang mga narinig dahil batid niya ang angkin lakas ng tatlong Olympus. Sandali itong natahimik at napayuko kalaunan.
“Eclaire? Ayos ka lang ba?” Tanong ni Sonia.
“*Uhm.. Wag kang mag-alala, ayos lang ako. Kaya pala sobrang hirap ng misyong ibinigay sa kanila, binabalak na pala ng mga elders na dispatsahin sila. Dapat malaman ni Hades ang tungkol sa bagay na ‘to.” Sambit ni Eclaire.
“Pero kapag sinabi mo ang tungkol sa bagay na ito ay baka makipagtulungan pa siya sa mga werewolf!” Sambit muli ni Sonia.
“Naisip ko na ang tungkol sa bagay na yan, pero natitiyak kong mauunawaan ni Hades ang ginawang pagpapasya ng mga elders.” Sambit muli ni Eclaire.
“Siguro si Hades mauunawaan niya, pero papaano naman sila Zeus at Poseidon? Sa tingin mo ba hindi sila magagalit sa oras na malaman nila ang balak na pagtulak sa kanila sa kamatay ng mga elders?” Tanong ni Sonia.
“Tama ka nga, natitiyak kong hindi mapalalampas nila Zeus at Poseidon ang ginawa sa kanila. Oo nga pala, may balita ka na ba tungkol sa kanilang dalawa!?” Sambit muli ni Eclaire.
“Wala pa.. Hindi pa rin sila nakakabalik hanggang sa ngayon. At sana katulad ni Hades ay nasa mabuti din silang kalagayan.” Tugon naman ni Sonia.
“Sana nga.” Sambit muli ni Eclaire.
Samantala, sa kaparehong oras sa bayan ng Travincial. Kasalukuyan ngayon kumakain si Zeus kasama ang mga nakatataas sa lahi ng mga vampire.
“Maraming salamat sa iyong pagpunta dito, ginoong Zeus.” Masayang pagkakasambit ni Izual.
*** Izual Isenhart. Hindi tukoy ang kaniyang edad, ngunit siya ang namumuno sa lahi ng mga vampire. Ang angkin niyang lakas ang isa sa dahilan kung bakit natatakot ang mga kalaban na lusubin sila. At bukod sa pagiging malakas ay matalino at magaling magplano itong si Izual na siyang nagpapanatili sa kaniya sa pwesto.
Slim ngunit matipuno ang pangangatawan ni Izual, tinatayang nasa 5’8” ang kaniyang taas, maputi ang kulay ng kaniyang balat at itim na mahaba ang kaniyang buhok. ***
“Ikinagagalak ko kayong makilala, ginoong Izual. At nagpapasalamat ako sa mainit nyong pagtanggap sa’kin dito.” Magalang na pagkakasambit ni Zeus.
“*Fufufu.. Natuwa talaga ako matapos kong mabasa ang liham na ipinadala mo kahapon. At natitiyak kong hindi ka magsisisi sa pag-anib mo sa amin.” Nakangiting pagkakasambit muli ni Izual.
“Ganon din ako, ginoong Izual.” Magalang muling pagkakasambit ni Zeus.
Samantala, mapunta naman tayo ngayon sa Tristram. Kasalukuyan pa ring nagmamatyag sa bawat kilos ng mga druid itong si Poseidon, pero ang hindi niya alam ay buhat ng kaniyang pagdating dito ay alam na ng mga kalaban ang kaniyang ginagawa at pakay. Hindi kasi batid ni Poseidon ang angking kapangyarihang taglay ng mga druid. At isa na dito ay ang kaisa ng mga druid ang mga halaman at mga hayop.
Sa ngayon ay nagkukubli siya sa malalaking mga puno, pero hanggang sa ngayon ay wala pa rin siyang nakikitang kakaiba sa mga kilos ng mga druid.
“Bakit parang mga normal na tao lang sila kung kumilos? Hindi kaya mali ang impormasyon tungkol sa kanila?” Tanong ni Poseidon derekta sa kaniyang isipan.
Mapunta naman tayo sa loob ng Tristram.
“*Tsk.. Kanina pa ang lalaking yon, pero alisto siya kaya hindi tayo makagawa ng aksyon.” Sambit ni Corbel.
*** Corbel Duress. 26 years old ng mga panahong ito. Isa lang siyang normal na druid, gayon din ang kaniyang pamilya.
Slim ngunit matipuno ang pangangatawan ni Corbel, tinatayang nasa 5’6” ang kaniyang taas, kayumanggi ang kulay ng kaniyang balat at brown na medyo may kahabaan ang kaniyang buhok. ***
“Siya si Poseidon ang isa sa tatlong Olympus na nilikha ng mga sorcerer. Mukhang balak ng sirain ng mga sorcerer ang kasunduan sa pagitan ng apat na lahi.” Sambit naman ni Warriv.
*** Warriv Duress. 27 years old ng mga panahong ito. Katulad ni Corbel ay isang normal na druid lang din siya. At siya ang lolo ng lolo ni Warren. xD
Slim ngunit matipuno din ang pangangatawan ni Warriv, tinatayang nasa 5’7” ang kaniyang taas, kayumanggi din ang kulay ng kaniyang balat at itim na may kahabaan ang kaniyang buhok. ***
“*Tsk! May kautusan na ba ang mga elders sa kung anong hakbang ang ating gagawin?” Tanong ni Corbel.
“Sa ngayon ay wala pa. Hayaan na lang daw na’tin siyang mapagod at ipagpatuloy ang pagpapanggap na para lang tayong mga normal na tao.” Tugon naman ni Warriv.
“Nauunawaan ko. Pero sa oras na makakita ako ng pagkakataon ay hindi na ako magdadalawang isip na atakihin siya.” Sambit muli ni Corbel.
“Wag kang mag-alala, kaisa mo ako sa gagawin mong plano.” Sambit naman ni Warriv.
“*Uhm! Maraming salamat.” Sambit muli ni Corbel.
Magdamag nag-matyag si Poseidon, ngunit katulad ng dati ay wala pa rin siyang nakuhang impormasyon tungkol sa lakas o gawain ng mga druid. At kahit walang ginawa ay nakaramdam siya ng sobrang pagod, pero hindi niya alam kung bakit.
“*Yawn! Wala pa rin pagbabago. *Yawn! Hindi ko alam kung bakit ako napagod, ginagawa ko naman ‘to dati sa laboratoryo at halos tatlong araw akong walang tulog, pero bakit ako nakakaramdam ng antok ngayon? Siguro dahil nababagot ako kaya ang mabuti pa ay iiglip muna ako saglit.” Sambit ni Poseidon.
Matapos magsalita ay agad isinandal ni Poseidon ang kaniyang likod sa isang malaking puno at kalaunan ay nakatulog na siya. Agad naman itong nalaman ng mga druid, kaya dali-dali ngunit maingat silang nagtungo kung saan ngayon nagpapahinga si Poseidon.
Makalipas lang ang ilang mga minuto ay nakita na nila Warriv at Corbel ang natutulog na kaaway na nakasandal sa isang malaking puno. Napansin din nila ang pamilyar na nagki-kislapan mga ilaw sa itaas ng puno.
“Tama nga si pinunong Elzix. Tutulungan tayo ng ating mga taga-pagbantay, ang mga pixie.” Mahinang pagkakasambit ni Warriv.
“Ang mabuti pa ay maingat na na’tin siyang talian at dalin na rin na’tin siya sa piitan.” Sambit naman ni Corbel.
“Hoy yung boses mo, hinaan mo naman.” Mahinang pagkakasambit muli ni Warriv.
“Wag kang mag-alala, nasa ilalim siya ng kapangyarihan ng mga pixie, kaya hindi siya basta-basta magigising.” Tugon ni Corbel.
Ilang sandali pa ay agad ng inangat ni Corbel ang kaniyang kanang kamay at sa ngayon ay nakatutok na ito kay Poseidon.
“** BINDING ROOTS! **” Sambit ni Corbel.
Matapos magsalita ay biglang gumalaw ang ilang mga ugat sa puno kung saan ngayon nakasandal si Poseidon at kalaunan ay pumulupot sa buo nitong katawan. Hindi naman nagising si Poseidon dala na rin ng labis na pagod.
“Magugulat na lang siya mamayang umaga kapag nagising na siya.” Dismayadong pagkakasambit ni Corbel.
“Yun ang sigurado.” Dismayado ding pagkakasambit ni Warriv.
Ilang sandali pa ay maingat nilang binuhat si Poseidon at kalaunan ay dinala na sa loob ng kanilang bayan. Halos ilang minuto lang ang lumipas ay kasalukuyan na nilang nailagay sa kanilang piitan ito.
“Goodluck na lang sa kaniya mamaya.” Sambit ni Corbel.
“Bumalik na tayo upang mag-ulat. Natitiyak kong matutuwa si pinunong Elzix dito.” Sambit naman ni Warriv.
“*Uhm!” Tugon naman ni Corbel.
Matapos mag-usap ay iniwan na nila Warriv at Corbel sa piitan ang natutulog na si Poseidon.
Kina-umagahan sa bayan ng mga werewolf, ang Loren. Kasalukuyan ngayong kumakain ng almusal si Hades na dala ni Leiya.
“*Nom! *Nom! *Nom! *Gulp! Maraming salamat sa mga ito, Leiya.” Masayang pagkakasambit ni Hades.
“Walang anuman, sige lang at kumain ka pa.” Nakangiti namang pagkakasambit ni Leiya.
“Hindi mo na kailangan pang sabihin yon, dahil uubusin ko talaga ang lahat ng mga ‘to! *Hahaha!” Masayang pagkakasambit muli ni Hades.
“Oo nga pala, balak kang kausapin nila ama at ng iba pang mga elders na’min at gusto ko sanang maging tapat ka sa kanila.” Sambit muli ni Leiya.
“Wag kang mag-alala, gagawin ko ang bagay na yon.” Tugon naman ni Hades.
Ilang sandali pa ay biglang may nakitang isang pamilyar na ilaw itong si Leiya hindi kalayuan sa tabi ni Hades.
*** SFX: WOOOOOOOOOOOOSHH! ***
“Miss Eclaire!” Masayang pagkakasambit ni Leiya.
Ikinagulat naman ni Hades ang biglang pagsulpot ni Eclaire kaya nabilaukan siya. xD
“Hades! May mahalagang bagay kang dapat malaman!” Sambit ni Eclaire.
Labis namang nagtaka si Eclaire nang hindi siya tugunin ni Hades.
“Hades?” Mabagal na pagkakasambit ni Eclaire.
“Himasin mo yung likod niya! Mukhang nabulunan yata siya eh.” Medyo nag-aalala ang tono ng pagkakasambit ni Leiya.
Agad namang napalingon si Eclaire kay Leiya at kalaunan ay napatingin muli kay Hades. Sa mga oras na ito ay napansin na ni Eclaire ang mga pagkain sa harapan ni Hades, kaya tuluyan na niyang naunawaan ang nangyayari ngayon dito.
“Tubig!.. Pahingi ng tubig!..” Hirap na pagkakasambit ni Hades.
Dali-dali namang inabutan ng tubig ni Leiya si Hades, samantalang hinimas-himas naman ni Eclaire ang likod nito.
“*Gulp! *Gulp! *Gulp! *Ahhh! *Woooo! Akala ko mamamatay na ako! Lakas mo naman kasing manggulat, Eclaire! Bakit ba bigla ka na lang nagpakita? Papaano kung may ibang mga werewolf dito? *Eh di na lintikan na ako?” Medyo inis na pagkakasambit ni Hades matapos nitong makainom ng tubig.
“Pasenya ka na, pero syempre tinukoy ko muna kung may nagbabantay ba dito o wala bago ako pumunta. At isa pa, importanteng bagay ang sasabihin ko at tungkol ito sa kung bakit kayo binigyan ng misyon ng ating mga elders.” Sambit naman ni Eclaire.
Sandaling natahimik sila Hades at Leiya matapos nilang marinig ang mga sinabi ni Eclaire at sa mga sandaling ito ay napalitan na ng seryosong ekspresyon ang mukha ni Hades.
“Sige, sabihin mo na kung bakit kami inutusang mag-espiya.” Seryosong pagkakasambit ni Hades.
“Wag kang magbibila, pero ang lahat ng sasabihin ko ay ayon lang sa mga sinabi sa’kin ni Sonia. Hindi kasi niya sinasadyang marinig ang naging pag-uusap ng mga elders bago kayo bigyan ng misyon.” Sambit muli ni Eclaire.
“Tama na ang paligoy-ligoy, sabihin mo na kung ano ang dahilan.” Seryosong pagkakasambit muli ni Hades.
“Okay makinig ka. Gusto ng mga elders na mawala na kayo sa kanilang landas.” Sambit muli ni Eclaire.
Labis na ikinagulat ni Hades ang mga sinabi ni Eclaire at dito ay gulat na siyang nagsalita.
“Anong ibig mong sabihin? Anong gusto na ng mga elders na mawala kami sa kanilang landas?” Gulat na pagkakatanong ni Hades.
“Tama ka, gusto na kayong dispatsahin ng mga elders dahil posibleng mahigitan nyo pa ang lakas na’min sa paglipas lang ng ilang mga taon. At ang bagay na yon ang tiyak kong kinatatakutan nilang maganap.” Seryosong pagkakasambit ni Eclaire.
“Ngayon alam ko na kung bakit inutusan kayong mag-espiya at sa tingin ko ay hindi nila inaasahang mahuhuli kayo ng buhay, dahil na rin sa taglay nyong mga lakas sa ngayon.” Sambit naman ni Leiya.
“Ganon din ang iniisip ko. Dahil ganon mismo ang nangyari dito sa’min ni Hades. Mabuti na nga lang at nagpabihag siya at hindi na pinili ang makipaglaban.” Sambit naman ni Eclaire.
“Ngayon malinaw na sa’kin ang lahat. Pero papaano na ang mga kapatid ko? Sana naman ay ligtas silang dalawa.” Sambit naman ni Hades.
“Mga kapatid? Kung ganon ay ang dalawa pa sa mga Olympus ang nasa parehong misyon?” Tanong naman ni Leiya.
“Ganon na nga, Leiya. At sa natitirang makapangyarihan lahi sila nag-espiya. Sana nga at nasa ligtas ang dalawang yon sa ngayon.” Sambit naman ni Eclaire.
“Teka, wala ka pa bang balita tungkol sa kanila?” Tanong naman ni Hades
“Wala pa, tulad mo ay hindi pa rin sila nakakabalik.” Tugon naman ni Eclaire.
“*Tsk.. Bakit ginawa sa’min ito ng mga elders? Lahat ba ay sang-ayon sa pagdispatsa sa’ming tatlo?” Sambit muli ni Hades.
“Pasensya ka na, pero hindi ko alam ang sagot sa tanong mong yan.” Medyo malungkot ang tono ng pagkakasambit ni Eclaire.
“Ang mabuti pa ay kakausapin ko na si ama tungkol sa bagay na ‘to.” Sambit naman ni Leiya.
Matapos magsalita ay dali-dali ng umalis si Leiya. Gusto sana itong pigilan ni Eclaire, ngunit nabigo lang siya dahil na rin sa bilis tumakbo nito.
“Ano na ang balak mong gawin ngayon, Hades?” Medyo malungkot ang tono ng pagkakasambit ni Hades.
“Gagawin ko ang gusto nila. Ipaalam mo sa mga elders na napatay ako ng mga werewolf sa labanan.” Seryosong pagkakasambit ni Hades.
Hindi na nagawa pang tumugon ni Eclaire, bagkus ay napatitig na lang ito sa galit na kaibigan.
“Magbabayad sila sa oras may masamang mangyari sa mga kapatid ko.” Sambit ni Hades derekta sa kaniyang isipan.
“Oo nga pala, kamusta na ang mga anak ko?” Medyo gulat na pagkakasambit ni Hades.
“*Ahh! Wag kang mag-alala, nasa pangangalaga sila ngayon ni Sonia.” Tugon naman ni Eclaire.
“Mabuti naman kung ganon, pero maaari mo ba silang dalin dito? Hindi ko sila hahayaang gawin ang gusto nila sa mga anak ko.” Sambit muli ni Hades.
“Nauunawaan ko.” Tugon naman ni Eclaire.
“Maraming salamat.” Sambit muli ni Hades.
Samantala, mapunta naman tayo sa Travincial. Kasalukuyang nag-uusap ngayon sila Zues at Izual.
“Nakarating na kaya ang mga liham na iyong ipinadala, ginoong Izual?” Nakangiting tanong ni Zeus.
“*Fufufufu.. Wag kang mag-alala, kaibigan. Natitiyak kong binabasa na nila ang mga yon sa ngayon.” Tugon naman ni Izual.
“Ano na po ang susunod na’ting hakbang, pinunong Izual?” Sambit ni Izys.
*** Izys Isenhart. Hindi tukoy ang kaniyang edad, ngunit tinatayang nasa 30’s na ito.
Bukod sa malakas ay maganda din ito at sa ngayon ay biniyayaan na ng dalawang supling. Sila Kiel at Irish na nasa edad 6 at 3 pa lang sa ngayon.
Slim ang pangangatawan ni Izys, nasa 5’4” ang kaniyang taas, mapusyaw ang kulay ng kaniyang balat, kulay itim ang mahaba nitong buhok at kahit papaano ay may pyutsur naman. (If you know what I mean! :3) ***
“Sa ngayon ay wala tayong gagawin kundi ang maghintay sa kanilang magiging tugon. Pero natitiyak kong lahat sila ay magiging kaanib na’tin sa ngayon.” Nakangiting pagkakatugon ni Izual.
“Nauunawaan ko po. Ang mabuti pa po ay aalis na ako at babalikan ko muna ang ating mga anak.” Magalang na pagkakasambit ni Izys.
Matapos magsalita ay agad ng umalis si Izys. Hindi naman maalis ang tingin ni Zeus dito hanggang sa tuluyan na itong mawala sa kaniyang paningin.
“Sadyang makapangyarihan ka nga, ginoong Izual. Napaka-galang ng iyong asawa sayo at itinuturing ka pa rin nitong pinuno sa kabila ng lahat.” Manghang pagkakasambit ni Zeus.
“Yun ang akala mo, pero sa totoo lang ay ayaw lang niya akong ipahiya sa harapan ng bisita.” Maluha-luhang pagkakasambit ni Izual.
“*Nyak! Akala ko pa naman ang lakas niya! Yun pala mas malakas pa rin ang asawa niya sa kaniya.” Sambit ni Zeus derekta sa kaniyang isipan.
“*Ehem! Nababasa ko ang mga iniisip mo, ginoong Zeus.” Medyo nahihiyang pagkakasambit ni Izual.
“Ganon ba, paumanhin sa aking mga naisip sayo.” Tugon naman ni Zeus.
“Ayos lang, totoo naman kasi eh.” Sambit muli ni Izual. xD
Napangisi na lang si Zues sa kaniyang mga narinig at kalaunan ay napa-facepalm. xD
Mapunta naman tayo ngayon sa Tristram, sa isang silid kung nasaan ngayon ang kanilang pinuno. Kasalukuyan na ngayong binabasa ni Elzix ang liham na ipinadala ni Izual para sa kaniya at habang binabasa niya ito ay hindi niya maiwasang mapangiti.
“*Fufufufu.. Mukhang may magandang mangyayari sa pagpunta ng mga vampire dito.” Nakangiting pagkakasambit ni Elzix.
Samantala, mabalik tayo sa Loren, sa silid ng pinuno sa naturang bayan. Sa ngayon ay binabasa na rin ni Aldur ang lihim na ipinadala ni Izual para sa kaniya.
“*Fufufufu.. Maghanda ang lahat para sa pagdating ng ating mga panauhin. At ihanda nyo na rin ang ating bihag, dahil gusto siyang makausap ng ating mga panauhin mamaya.” Nakangiting pagkakasambit ni Aldur.
“Masusunod po.” Magalang namang pagkakatugon ni Viel.
Batid ni Viel kung sino ang mga tinutukoy na bisita nila na paparating at ito ay ang mga vampire na siyang nagpadala ng liham. Ilang sandali pa matapos niyang magsalita ay agad na siyang lumabas ng kwarto. Sakto naman sa kaniyang maglabas ay nagkita sila ng kaniyang kapatid.
“Leiya? Patungo ka ba sa ating pinuno?” Tanong ni Viel.
“*Uhm! Hinahanap ko kasi si ama, nasa loob ba siya?” Sambit naman ni Leiya.
“Oo nasa loob nga siya, pero bakit mo naman siya hinahanap?” Sambit muli ni Viel.
“May gusto kasi akong sabihin sa kaniya at tungkol ito kay Hades.” Tugon ni Leiya.
“Wag kang mag-alala. Wala ng gagawing masama sa lokong yon. Pasalamat siya dahil sa liham na dumating ngayon sa ating pinuno.” Sambit muli ni Viel.
“Talaga?” Medyo gulat na pagkakasambit ni Leiya.
“Oo nga! Ang mabuti pa ay ikaw na ang kumausap don, tutal naman nagkita na kayong dalawa, hindi ba?” Sambit muli ni Viel.
“*Uhm! Pero bakit kaya? At sino ba yung mga sumulat?” Tanong muli ni Leiya.
“Ang mga Isenhart. Mukhang may isang pagpupulong na magaganap mamaya at may kinalaman ito sa magkakapatid na Olympus.” Sambit muli ni Viel.
“Ang mga Isenhart? Kailangang malaman agad ito ni Hades.” Sambit ni Leiya derekta sa kaniyang isipan.
“Sige kuya alis na ako!” Mabilis na pagkakasambit ni Leiya.
Gusto pa sanang magsalita ni Viel, pero hindi na niya ito nagawa dahil nagmadali ng umalis ang kaniyang kapatid.
“*Haaay! Minsan hindi ko maunawaan ang kapatid ko. Gayunpaman, dapat makapaghanda na kami para sa pagdating ng aming mga bwisita. Bwisit talaga!” Sambit ni Viel.
Mabilis na narating ni Leiya ang dungeon kung nasaan ngayon nakapiit si Hades, kasalukuyang nagtatago si Eclaire sa ginawa niyang lagusan sa ilalim ng piitan ni Hades, upang dito ay malaya niyang magamit ang kaniyang kakayahang gumawa ng portal.
“Hindi ba mainit dyan, Eclaire?” Sambit ni Hades.
“Wag kang mag-alala, gumawa ako ng butas patungo sa labas upang dumaan ang hangin dito.” Tugon naman ni Eclaire.
“Haaay! Ang sarap sigurong maging isang sorcerer. Nako-kontrol nyo ang apat na pangunahing elemento at kasama na rito ang elemento ng kidlat at time and space.” Sambit muli ni Hades.
“Bakit? Hindi ka pa ba kontento sa taglay mong lakas? Tandaan mo, nag-iisa ka lang Hades, kaya dapat makuntento ka sa taglay mong kapangyarihan.” Tugon naman ni Eclaire.
Ilang sandali pa ay may ingay na narinig si Hades, kaya mahina niyang binalaan si Eclaire.
“Wag ka munang magsasalita, may paparating.” Mahinang pagkakasambit ni Hades.
Tahimik na hinintay ni Hades ang mabilis na paglapit ng isang nilalang sa kaniya at ilang sandali pa ay natukoy na niya kung sino ito.
“Si Leiya lang pala.” Sambit ni Hades.
“Hades! *Huh? Umalis na si Eclaire?” Sambit ni Leiya.
“Nandito pa ako, Leiya.” Sambit naman ni Eclaire.
Agad namang hinanap ni Leiya ang tinig ni Eclaire, pero hindi niya ito makita, hanggang sa tuluyan na ngang lumabas sa isang lagusan na halos katabi lang ni Hades sa ngayon.
“Teka, kailan pa nagkaroon ng lagusan dyan?” Tanong ni Leiya.
“Ngayon lang. *Hehehe..” Tugon naman ni Eclaire.
“*Huh? Kung ganon ikaw ang gumawa nyan? Ang galing naman!” Sambit muli ni Leiya.
“Alam mo Leiya, basic skill lang ang ginawa ni Eclaire kaya hindi talaga yon nakakamangha.” Sambit naman ni Hades.
“Talaga? Pero astig pa rin yon. Ang cool talaga ng mga sorceress!” Manghang pagkakasambit ni Leiya.
“*Hehehe.. Salamat.. Pero bakit ang bilis mo naman yatang nakabalik?” Sambit muli ni Eclaire.
“*Ahh! Oo nga pala! May natanggap na liham ang aming pinuno mula sa mga Isenhart. At ayon sa aking kapatid ay may pagpupulong na magaganap at may kinalaman daw ito sa magkakapatid na Olympus.” Sambit muli ni Leiya.
“Talaga? Kung ganon, bihag o napaslang na nila si Zeus. *Tsk! Mukhang may isang malaking alyansang magaganap at dapat kong mapigilan ang bagay na yon.” Sambit naman ni Hades.
“Wala din akong ideya sa kung ano ang pag-uusapan sa magaganap pagpupulong mamaya. Wag kang mag-alala, ang sabi naman ni kuya ay wala ng masamang mangyayari sayo, dahil iyon daw ang sabi sa liham ng mga vampire.” Sambit muli ni Leiya.
“*Hmmm.. Ano naman kaya ang tunay nilang intesyon?” Sambit ni Eclaire.
“Yun ang aalamin ko.” Sambit muli ni Hades.
Samantala, mapunta muli tayo sa Tristram. Kasalukuyan pa rin natutulog si Poseidon at sa ngayon ay maraming mga batang druid ang pinapanood siya.
“*Hahaha! Nakakatawa yung lalake! Wala siyang malay na bihag na na’tin siya.” Masayang pagkakasambit nung isa sa mga bata.
“*Pssst! Wag kang maingay baka magising siya!” Sambit naman ng isa pa sa mga bata.
“Okay lang! Wala naman siyang magagawa eh!” Sambit muli nung bata.
Ilang sandali pa ay unti-unti ng nagkakamalay si Poseidon at sa ngayon ay naririnig niya ang mga pag-uusap ng mga bata.
“*Huh? Nananaginip ba ako? At ano ang mga sinasabi ng mga batang ‘to? At bakit lahat sila nakatingin sa’kin?” Sambit ni Poseidon derekta sa kaniyang isipan.
“Ayan na! Nagigising na yung bihag!” Sambit nung isa pa sa mga bata.
“*Huh? Bihag? Ako ba yung tinutukoy niya?” Sambit muli ni Poseidon derekta sa kaniyang isipan.
“Oo nga! Oo nga! Tayo na! Umalis na tayo dito!” Sambit pa ng isa sa mga bata.
Matapos magsalita ay mabilis ng nagtabukhan ang mga bata papalayo at sa mga oras ding ito ay tuluyan ng bumalik sa kaniyang sarili si Poseidon. Samakatuwid, tuluyan na siyang nagising. xD
“*Huh!? Nasaan ako!?” Gulat na pagkakasambit ni Poseidon.
Sa labis na gulat at pagtataka ay nagawa pa ring mapakalma ni Poseidon ang kaniyang sarili. Agad niyang inalam ang kalagayan ng kaniyang katawan at maingat na nagmatyag sa kaniyang kapaligiran.
“*Tsk! Siguro sila din ang may kagagawan kung bakit ako nakaramdam ng matinding antok kanina. Kasalanan ko ‘to, dapat hindi ako nagpaka-kampante. *Tsk! At mukhang hindi lang basta nakagapos sa buong katawan ko ang mga ugat na ‘to. Mukhang isa ito sa kapangyarihang taglay ng mga druid.” Sambit ni Poseidon derekta sa kaniyang isipan.
Tahimik lang at kalmadong naghihintay si Poseidon sa piitang kinaroroonan niya. Sa ngayon ay nag-iisip siya ng mga plano sa gagawin niyang pagtakas. Pero ilang sandali pa ay may ilang kalalakihan ang nakikita niyang papalapit na sa kaniya.
“Ayos, mukhang kakausapin na nila ako ngayon.” Sambit ni Poseidon derekta sa kaniyang isipan.
“Kamusta ka, ginoong Poseidon.” Masayang pagkakasambit ni Elzix.
*** Elzix Fauna. Ang kasalukuyan ngayong pinuno ng mga druid.Matalino, mabait at kagalang-galang si Elzix. At bukod sa angkin niyang galing sa pakikipaglaban ay malihig din siyang maglakbay.
Matipuno ang pangangatawan ni Elzix, 5’9” ang kaniyang taas, medyo kayumanggi ang kulay ng kaniyang balat at kahel na nasa katamtamang haba ang kaniyang buhok. ***
“Ikaw ba ang namumuno sa bayang ito?” Seryosong pagkakatanong ni Poseidon.
“Hoy ikaw! Magbigay galang ka sa aming pinuno!” Galit namang pagkakasambit ni Corbel.
Agad namang pinigilan ni Elzix si Corbel at kalaunan ay muling nagsalita.
“Ginoong Poseidon, batid kong hindi ka maniniwala, pero may ipinadalang liham ang iyong kapatid na si Zeus.” Sambit muli ni Elzix.
Matapos magsalita ay agad inalis ni Elzix ang kapangyarihang bumabalok sa mga ugat, dahilan upang maalis na ang pagkakapulupot nito sa buong katawan ni Poseidon. At matapos nito ay inabot na niya ang isang liham at batid ni Poseidon na hindi pa nababasa ninuman, dahil silyado pa rin ito. Dali-dali naman itong kinuha ni Poseidon at kalaunan ay binasa.
Mga ilang minuto lang ang lumipas nang matapos ni Poseidon na basahin ang liham.
“Imposible! Pero sulat kamay nga ni Zeus at pirma niya ang nasa liham na ito.” Gulat na pagkakasambit ni Poseidon.
“Katulad ng sinasabi ko ay hindi ko batid na paniniwalaan mo ako, pero sa ngayon ay palalayain ka na na’min. Nasa iyo na ang pagpapasya kung sasama ka ba sa’min o babalik ka na sa Nilflehiem upang mag-ulat sa kanila.” Sambit muli ni Elzix.
“Sige, sasama ako sa inyo. Gusto ko ring makasiguro.” Seryosong pagkakasambit ni Poseidon.
“Mabuti naman. Sa ngayon ay ihanda mo na ang iyong sarili, dahil natitiyak kong magbabago na ang kapalaran nyong magkakapatid.” Sambit muli ni Elzix.
Napatingin na lang si Poseidon kay Elzix at sa ngayon ay hindi niya alam kung sino ang dapat niyang paniwalaan.
Afterwords
Im back! Pero sa ngayon ay hindi pa ako nakakapagsulat.. binasa ko pa kasi ulit yung last kong nasulat sa SOM, para maalala ko kung saan ako nahinto.. 4 hours pa lang ang tulog ko ngayon.. at asahan nyong unti-unti ko ng ibabalik ang dating sched ng UD.. Post ko na lang sa group or sa fb wall ko kung kailan muli ang araw ng mga UD!
Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..
Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..
Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..
Susunod.
Chapter 27: Pagpupulong ng bagong alyansa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top