Chapter 25: Nakaraang tatlong daang taon. Part 2
Makalipas ang limang taon, kasalukuyan pa ring kasama ni Hades ang apat na Phoenix. At kasa-kasama niya ang mga ito sa tuwing nakikipaglaban siya sa kanilang mga kaaway.
Sa lugar na nasasakupan ng mga werewolf ay kasalukuyang nagkukubli sa mga puno si Hades, kasama si Eclaire at ang apat na Phoenix. At kung bakit sila naririto ay dahil sa isang pakay at ito ay ang mag espiya na inutos sa kanila ng mga elders.
Sa ngayon ay nalaman na ng mga werewolf ang kanilang pakay at sa mga oras na ito ay hinahabol na sila.
“Hades! Umatras muna tayo! Masyadong madami ang mga werewolf na humahabol sa’tin.” Sambit ni Eclaire.
“*Tsk! Sige pero mauna ka na. Alam kong hindi mo pa master ang teleportation, kaya mauna ka nang umalis dito. Kami na at ang mga anak ko ang bahalang humarap sa mga humahabol sa’tin.” Sambit naman ni Hades.
“Nasisiraan ka na ba!? Hindi ko maaaring gawin ang bagay na yon!” Sambit muli ni Eclaire.
“Ako ang may kasalanan kung bakit ka napunta sa sitwasyong ito. Kung hindi lang sana kita hinayaang sumama sa’kin ay hindi malalagay ang buhay mo sa panganib, kaya pakiusap lang ay iwan mo na ako dito.” Sambit muli ni Hades.
“Pero hindi ko kayang iwan ka dito! Baka mapatay ka nila!” Sambit muli ni Eclaire.
“Wag kang mag-alala sa’kin. Kasama ko ang mga anak ko, kaya wala kang dapat ipag-alala. At isa pa isa akong dyos ng apoy!” Nakangiting pagkakasambit ni Hades.
Sa mga sandaling ito ay hindi na nagawa pang magsalita ni Eclaire, dahil naramdaman nilang malapit na ang mga werewolf na humabol sa kanila.
“*Tsk! Mukhang nakita na agad nila tayo! Kailangan mo na talagang umalis ngayon, Eclaire.” Sambit ni Hades.
Matapos magsalita ay agad napa-tingin si Hades kay Eclaire at dito ay nag-alala siya, dahil parang may malalim itonng iniisip.
“Ano pa ang ginagawa mo!? Umalis ka na dito.” Sambit muli ni Hades.
Napatingin na lang si Eclaire habang may pag-alala sa kaniyang mukha, pero batid niyang hindi kakayaning makipaglaban ni Hades sa mga werewolf ng mag-isa. Lalo na sa estado ng kanilang mga lakas ngayon. Kahit mahirap para kay Eclaire ang ipinag-uutos ni Hades ay wala siyang nagawa kundi ang umalis at ipagdasal na maging ligtas ang kaniyang minamahal.
“Ipangako mong babalik ka sa Nilflehiem.” Sambit ni Eclaire.
“*Uhm! Pangako, babalik ako.” Nakangiti namang pagkakatugon ni Hades.
Ilang sandali matapos magsalita ni Hades ay agad ng tumakbo papalayo si Eclaire. Samantalang si Hades naman ay agad ng lumabas at hinarap ang mga werewolves na humahabol sa kanila. Agad namang napahinto ang mga werewolf at agad inalerto ang kanilang mga sarili.
“*Tsk! Kung ganon ay ikaw pala si Hades Hellsflame Olympus.” Sambit ni Viel.
Sa mga oras na ito ay kasalukuyang lumilipad ang apat na phoenix sa ibabaw ni Hades at nakahanda na ang mga ito sa ipag-uutos ng kanilang itinuturing na ama.
“Tama! Ako nga si Hades Hellsflame Olympus! Ang dyos ng apoy! Sisiguraduhin kong magiging mga abo kayo, mga taong pusa!” Nakangiting pagkakasambit ni Hades.
“*Fufufu.. Tingnan ko lang ang galing mo.” Nakangiting pagkakasambit ni Viel.
Matapos magsalita ay sumenyas na si Viel sa kaniyang mga kasamahan na palibutan nila si Hades. Agad namang na-alerto si Hades at mabilis na pinakilos ang kaniyang mga phoenix na lumipad at sunugin ang mga puno sa kanilang paligid.
*** SFX: Ruuuuuuuuuuuuuuuuu! *Burn! *Burn! *Burn! *Burn! ***
Mabilis na napa-atras ang mga werewolf na kasalukuyan ngayong naka-paikot kay Hades, dahil na rin sa mga nasusunog na puno sa kanilang paligid.
“*Fufufu.. Ngayon makikita nyo ang kaibahan ng lakas ko sa mga pusang tulad nyo.” Nakangiting pagkakasambit ni Hades.
*** SFX: Woooooooooooooooooosh! ***
Matapos magsalita ay mabilis na nagtipon ang mga apoy sa buong katawan ni Hades. Nakaramdam naman ng panganib ang mga werewolf, kabilang si Viel na namumuno sa mga ito.
“Kung ganon ito pala ang kapangyarihan ni Hades.” Sambit ni Viel derekta sa kaniyang isipan.
“Mag-iingat kayo sa kaniya.” Sambit ni Viel sa kaniyang mga kasama.
Muli ay agad inalerto ng mga werewolf ang kanilang mga sarili sa posibleng gawing pag-atake ng kanilang kalaban. Samantalang si Hades naman ay agad inutusan ang kaniyang mga phoenix na lumipad paitaas, dahil binabalak niyang paatakihim muli ang mga ito.
“** WRATH OF THE PHOENIX! ** Ngayon na!” Sambit ni Hades.
Matapos magsalita ay agad umatake ang apat na ibon at mabilis nilang sinunog ang ilan sa mga werewolf na nasa kanilang paligid. At sa pagkakataong ito ay mabilis na ring umatake si Hades patungo kay Viel. Agad namang inalerto ni Viel ang kaniyang sarili para sa gagawing pagsugod ni Hades.
*** SFX: VOOOOOOOOOOOOOOOOOOSH! BOOOOOOOOOOOOM! ***
Isang malakas na pagsabog ang nalikha matapos tumama ang nagliliyab na kamao ni Hades kay Viel, dahilan upang masunog at tumilapon ito.
“*Arrrgh! Sobrang lakas niya! Ganito ba talaga kalakas ang mga artipisyal na nilalang na likha ng mga sorcerer? Kung hindi ko nasangga ang ginawa niya ay natitiyak kong patay na ako ngayon!” Sambit ni Viel derekta sa kaniyang isipan.
Tumama ng ilang mga ulit si Viel sa mga puno na nakaharang sa dereksyon kung saan siya malakas na tumilapon at kalaunan ay tumama sa isang malaking bato.
“*Cough! *Cough! *Cough! *Tsk! Sobrang lakas niya.. Kung gabi lang sana ngayon ay natitiyak kong makakaya ko siyang tapatan, pero ilang oras pa bago gumabi.” Hirap na pagkakasambit ni Viel.
Sa ngayon ay pinilit niyang tumayo na kaniya namang napagtagumpayan. At kahit nananakit pa ang pinsalang kaniyang tinamo ay agad niyang nilingon ang dereksyon kung nasaan ang kaniyang mga kasama at ang kanilang kalaban. Sa puntong ito ay napangiti siya matapos makitang may mga pinsalang natamo na sa katawan si Hades. Gawa ito ng kaniyang mga kasamahan na patuloy sa pag-atake. Samantalang batid ni Hades na ganito ang mangyayari, dahil hindi pa sapat ang kaniyang lakas upang talunin ang lahat ng kaniyang kalaban sa ngayon.
“*Tsk! Sa dami nila ay hindi ko kayang sanggahin ang lahat ng gagawin nilang mga pag-atake sa’kin. Pati ang mga anak ko ay nasa panganib na. Mabuti pa sigurong pasunurin ko na sila kay Eclaire.” Sambit ni Hades derekta sa kaniyang isipan.
Habang iniisip ni Hades ang mga ito ay hindi niya napansing unti-unti nang nawawala ang apoy na nakabalot sa buo niyang katawan. Senyales ito na nanghihina na siya na agad namang napansin ng kaniyang mga kalaban. Ilang sandali pa nga ay tuluyan ng nawala ang apoy at sa mga oras na ito ay agad na niya itong napansin.
“Patay!” Gulat na pagkakasambit ni Hades derekta sa kaniyang isipan.
Walang pag-aaksaya ay agad sinugod ng mga werewolf si Hades.
“Zeren! Zenon! Zilan! Zelin! Umalis na kayo dito! Sundan nyo na si Eclaire! Bilis!” Sigaw ni Hades.
Hindi naman nagdalawang isip ang mga phoenix at agad sinunod ng mga ito ang sinabi ng kanilang ama. Agad namang nadakip si Hades, samantalang hindi na nagawa pang mahabol ng mga werewolf ang mga phoenix nito.
Makalipas ang ilang mga minuto ay muling hinarap ni Viel si Hades. Ngunit iba na ang sitwasyon sa ngayon, dahil bihag na nila ito.
*** SFX: PAAAAAAAAAAAAK! ***
Isang malakas na suntok ang tumama sa katawan ni Hades. At kahit nasaktan ay napangiti na lang siya matapos dumura ng dugo sa lupa.
“*Fufufu.. Ang akala ko ay kayang patayin sa isang biglaang pag-atake ang pinuno nila. Pero nagkamali ako. *Fufufu..” Nakangiting pagkakasambit ni Hades.
“*Tsk! Tingnan ko lang kung makangiti ka pa mamaya sa oras makaharap mo ang aming pinuno!” Inis namang pagkakasambit ni Viel.
“Ano po ang gagawin na’tin sa kaniya?” Tanong ng isa sa mga werewolf.
“Isasama na’tin siya pabalik, kaya siguraduhin nyong hindi siya makakatakas.” Tugon naman ni Viel.
“Masusunod po.” Sambit muli nung werewolf.
Hindi naman nagtagal ay umalis na sila, dala ang kanilang bihag na si Hades, pabalik sa lugar kung saan sila naninirahan. Samantala, kasalukuyan ngayong nagmamasid si Eclaire, hindi kalayuan sa lugar kung saan niya iniwan si Hades kanina. Batid niyang patuloy itong nakikipag-laban dahil na rin sa bakas ng mga sunog na nalikha sa gubat. Pero ilang sandali pa ay laking gulat niya ng makita ang mga lumilipad na phoenix patungo sa kaniya. Masaya niyang sinalubong ang mga ito dahil inalaka niyang kasama nito si Hades na nakatakas, pero nabigo siyang makita ang kaniyang iniibig.
“Hades!? HADES!” Sigaw ni Eclaire.
Biglang namuo ang mga itim na ulap sa ibabaw ni Eclaire at kalaunan ay naglabas ito ng mga malalakas na pagkulog na nasundan ng mga pagkidlat. Samantala, habang naglalakad ang mga werewolf kasama si Hades ay napansin nila ang mabilis na pagbabago ng panahon.
“Bakit biglang kumulog at kumidlat sa bahaging yon!?” Tanong ng isa sa mga werewolf.
“Aba malay ko! Weather forecaster ba ako para malaman ko ang mga bagay na yon!?” Tugon naman ng kaniyang katabi.
“duhh..” Dismayadong pagkakasambit muli nung werewolf na unang nagsalita.
“Tama na yang mga pag-uusap at bilisan nyo na ang paglalakad.” Sambit naman ni Viel.
“Opo!” Tugon naman ng mga werewolf.
Makalipas ang isang oras na paglalakad ay narating na nila Viel ang kanilang bayan. Ang Loren, kung saan naninirahan ang buong lahi nila. Agad naman silang nakita ng kanilang mga ka-uri at kalaunan ay sinalubong.
“Ano ang gagawin na’tin sa kaniya?” Tanong ng isa sa mga werewolf.
“Dalin siya sa piitan sa ilalim ng dungeon at siguraduhing nagapos pa rin ang kaniyang mga kamay para hindi siya makatakas!” Tugon naman ni Viel.
“Masusunod po!” Sambit naman ng kaniyang mga kasama.
Agad sinunod ng mga werewolf ang ipinag-uutos ni Viel. Ang ilan namang sumalubong sa kanila ay sumama sa pagdala kay Hades sa piitan at ang iba naman ay kinausap si Viel.
“Siya na ba si Hades, ang isa sa magkakapatid na Olympus?” Tanong ni Aldur.
*** Aldur Vielzkud. Siya ang kasalukuyang namumuno sa buong lahi ng mga werewolf. Kagalang-galang at respetado si Aldur, dahil na rin sa akin niyang personalidad at talino.
Matipuno ang pangangatawan ni Aldur, 5’8” ang kaniyang taas, medyo kayumanggi ang kulay ng kaniyang balat at brown na nasa katamtamang haba ang kaniyang buhok. ***
“Opo! Walang dudang siya na nga si Hades.” Magalang namang pagtugon ni Viel.
“Mukhang nahirapan kayong mahuli ang lalaking yan. Sa dami ng tinamo mong pinsala ay natitiyak kong sobrang lakas niya.” Sambit naman ni Candara.
*** Candara Vielzkud. 26 years old siya ng mga panahong ito at siya ang nag-iisang anak ni Aldur. Maganda, mabait at matalino si Candara at walang dudang na mana niya ito sa kaniyang ama.
Slim ang pangangatawan nitong si Candara, nasa 5’6” ang kaniyang taas, maputi at makinis ang kaniyang balat, maganda din ang mahabang brown niyang buhok at ang ganda ng kaniyang pyutsur. (if you know what I mean! :3) ***
“Ganon na nga po, lady Candara. Sobrang lakas ng lalaking ‘to, ngunit ang kaniyang lakas ay may limitasyon kaya namin siya nadakip.” Sambit naman ni Viel.
“Mabuti naman at nadakip nyo agad siya. Malaking banta sa ating lahi ang ginawa niyang pag-e-espiya at natitiyak kong gagamitin nila ang nakuha niyang impormasyon laban sa atin.” Sambit muli ni Aldur.
“Ganon din po ang aking pananaw, pinuno. Pero wag na po kayong mag-alala, dahil titiyakin na’ming hindi na siya makakatakas pa.” Sambit muli ni Viel.
“Ang mabuti pa ay magtungo ka na sa ating manggagamot upang malunasan na yang mga pinsalang natamo mo.” Sambit naman ni Aldur.
“Masusunod po.” Magalang na pagtugon ni Viel.
Matapos makipag-usap ni Viel ay nagsimula na siyang maglakad patungo sa kanilang manggagamot upang dito ay ipagamot ang kaniyang mga natamong pinsala. Samantala, hindi naman nagawang pumalag ni Hades dahil na rin sa mga natamo nitong pinsala kanina. Sa ngayon ay natitiyak niyang hindi siya papatayin, dahil alam niyang maraming itatanong sa kaniya ang mga nakatataas sa lahi ng mga werewolf. Nagmasid na lang siya sa kaniyang paligid at ilang sandali pa ay bigla silang napahinto na labis niyang ipinagtaka.
“Nandito na ba kami sa lugar kung saan akong ikukulong? *Huh? Pero wala naman akong nakikitang lagusan patungo sa isang dungeon ah.” Sambit ni Hades derekta sa kaniyang isipan.
Ilang sandali pa ay may isang babae ang sumalabong sa kanila at dito ay napatitig bigla si Hades.
“Sino ang lalaking yan?” Tanong ni Leiya.
*** Leiya Vielskud. 24 years old siya ng mga panahong ito at siya ang nakababatang kapatid ni Viel. Maganda, magalang at higit sa lahat ay sobrang bait nito.
Slim at napaka-sexy ng pangangatawan ni Leiya, nasa 5’4” ang kaniyang taas, maputi ang kulay ng kaniyang balat, kulay itim ang mahaba nitong buhok at higit sa lahat, ang ganda ng kaniyang hinaharap. (If you know what I mean! :3) ***
“*Ahh! Siya si Hades, miss Leiya. Ang isa sa tatlong magkakapatid na Olympus.” Tugon naman ng isa sa mga werewolf.
“Talaga?” Mabilis na pagkakasambit naman ni Leiya.
Muli ay napatingin si Leiya kay Hades at dito ay nagtaka siya matapos makitang nakatitig ito sa kaniya.
*** SFX: TOOOOOOOOINK! ***
“Araaaay! Ano ba ang problema mo!?” Galit na pagkakasambit ni Hades sa werewolf na kumutos sa kaniya.
“Problema ko!? Ikaw ang problema ko dahil kanina pa kita nakikitang nakatitig sa aming prinsesa!” Galit namang pagkakatugon nung werewolf kay Hades.
“Prinsesa!? Hindi na nakakapagtakang ang ganda niya.” Nakangiting naman pagkakasambit ni Hades. xD
Nagkatinginan naman ang mga werewolf na kasalukuyan ngayon magdadala kay Hades sa piitan. Samantalang lalo lang nagtaka si Leiya, kaya naman hindi na nito napigilan ang tanongin ito.
“*Uhm! Mawalang galang na ginoong Hades.” Sambit ni Leiya.
“*Ahh! Yes!? Bakit!?” Masayang pagkakatugon naman ni Hades.
“Ano ang naging kasalanan mo at dinakip ka nila?” Tanong ni Leiya.
“*Ahh!? Hindi ko rin alam eh! Baka dahil sa maisog kong pangangatawan at ka-gwapuhan!” Nakangiting pagkakatugon ni Hades.
*** SFX: TOOOOOOOOINK! ***
“Araaaay! Ano ba talaga ang problema mo!? Kanina pa ka batok ng batok sa’kin ah! Nakakamarami ka na!” Galit na pagkakasambit ni Hades sa werewolf na kumutos sa kaniya.
“Anong maisog at gwapo? Bugok! Nag-e-espiya ka kaya sa bayan na’min!” Galit namang pagkakasambit nung werewolf na kumutos kay Hades.
“Talaga!? Pero bakit parang wala akong maalalang ganon?” Medyo mahinang pagkakasambit ni Hades.
*** SFX: TOOOOOOOOINK! ***
“Araaay! Pangatlo mo na yan!” Galit na pagkakasambit ni Hades sa werewolf na kanina pa batok ng batok sa kaniya.
“Tumahimik ka at magsisimula na muli tayong maglakad!” Malakas na pagkakasambit naman nung lalaking panay kutos kay Hades.
Matapos magsalita ay nagsimula na ngang maglakad ang mga werewolf kasama si Hades, patungo sa dungeon kung saan ito ikukulong. Saglit namang nagpaiwan ang lalaking panay kutos kay Hades at sandali nitong kinausap si Leiya.
“Pasensya na po kayo sa lalaking yon. Pero wag po kayong mag-alala, dahil tinitiyak ko po sa inyong mapaparusahan siya.” Sambit ng lalaki.
“Ganon ba? Pero mukhang hindi naman siya masama, kaya wag nyo na sana siyang parusahan.” Sambit naman ni Leiya.
“Napaka-buti nyo po talaga, prinsesa. Pero hindi nyo po alam kung anong klaseng nilalang ang lalaking yon. Sobrang mapanganib po siya at muntik na po niyang mapaslang ang inyong kapatid kanina sa laban.” Sambit muli nung lalaki.
“*Hmmm.. Siguro nagawa lang niya yon para protektahan ang sarili niya. Pero kamusta na ang kuya ko? Okay lang ba siya?” Sambit muli ni Leiya.
“Opo. Mabuti po ang kalagayan ni ginoong Viel at natitiyak ko pong nasa pagamutan na siya upang palunasan ang natamo niyang mga pinsala.” Tugon naman nung lalaki.
“Mabuti naman kung ganon.” Sambit muli ni Leiya.
“Maiwan ko na po kayo prinsesa. Kailangan ko na pong sumunod sa kanila sa dungeon.” Sambit muli nung lalaki.
“*Uhm! Sige, makakaalis ka na.” Tugon naman ni Leiya.
Ilang sandali pa matapos magsalita ni Leiya ay tuluyan na ngang umalis yung lalaking werewolf at nagmadali na itong naglakad upang makasunod sa grupong nagdala kay Hades sa dungeon.
“Ang Hades na yon. Nararamdaman kong hindi siya masamang nilalang katulad ng sinasabi nila tungkol sa kaniya.” Sambit ni Leiya derekta sa kaniyang isipan.
Samantala, kasaluyan namang nasa paligid si Eclaire at nagkukubli sa labas ng bayan ng Loren. Sa pagkakataong ito ay maingat siyang nagmamatyag sa kanilang kalaban.
“*Tsk! Nasaan ka Hades? Wag lang silang magkakamaling saktan ka, dahil sa oras na may gawin silang masama sayo ay titiyakin kong magbabayad silang lahat.” Sambit ni Eclaire derekta sa kaniyang isipan.
Makalipas ang tatlong oras ay natukoy na ni Eclaire kung nasaan na si Hades. Nagawa na kasi niyang makapasok sa loob ng bayan at narinig niya sa ibang mga werewolf kung saan ikinulong ang kaniyang kaibigan.
“Dungeon? *Tsk! Mukhang mahihirapan akong pasukin ang dungeon na yon. Pero sa oras na makita ko na ang loob nito ay madali na para sa’kin ang itakas si Hades.” Sambit ni Eclaire derekta sa kaniyang isipan.
Samantala, sa loob ng kastilyo ng mga sorcerer/sorceress sa bayan ng Nilflehiem. Kasaluyan ngayong nag-alala si Sonia para sa kalagayan ng kaniyang mga kaibigan. Kanina lang kasi ay biglang sumulpot si Eclaire sa kaniyang harapan, dala ang apat na phoenix at ang isang masamang balita.
“Dapat ba akong matuwa dahil na-master na bigla ni Eclaire ang teleportation? Pero nasa panganib ngayon si Hades at siya lang ang tanging makakapagligtas dito. *Tsk! Sana naman ligtas din sila Poseidon at Zeus sa kani-kanilang mga misyon.” Sambit ni Sonia sa apat na phoenix.
Walang magawa si Sonia kundi ang ipagdasal ang kaniyang mga kaibigan na batid niyang nasa panganib sa ngayon. Binigyan kasi ng bawat misyon ang magkakapatid na Olympus ng kanilang itinuturing na hari. Si Zeus ay inatasang mag-espiya sa Travincial, bayan kung saan nakatira ang mga Vampire. Si Poseidon naman ay inatasang mag-espiya sa Tristram, bayan kung saan nakatira ang mga Druid/Druidess at si Hades ay inatasang mag-espiya sa Loren, bayan kung saan nakatira ang mga Werewolf.
Batid ni Sonia na lubhang mapanganib ang misyong inibinigay sa kaniyang mga kaibigan na posibleng ikasawi ng mga ito. At batid din niyang sinadya ito ng kanilang hari at mga nakatataas upang dispatsahin na ang magkakapatid.
Makalipas ang isang araw matapos ibigay ang misyong sa tatlo ay hindi sinasadya ni Sonia na marinig ang naging pag-uusap ng mga elders, tungkol sa misyong ibinigay nila sa tatlo. At ayon sa kaniyang mga narinig ay dapat ng mamatay o mawala ng magkakapatid na Olympus, dahil habang tumatagal ay nagiging banta ito para sa kanilang paghahari sa apat na pinaka-malalakas na nilalang sa buong mundo.
“Bakit? Bakit kailangang nilang gawin ang bagay na yon? Bakit kailangan nilang ipadala ang mga kaibigan ko sa delikadong mga misyon? Hindi ko sila maunawaan.*Tsk! Kasalanan ko ‘to, dapat hindi ko hinayaang sumama si Eclaire kay Hades!” Sambit ni Sonia derekta sa kaniyang isipan.
Mabalik tayo ngayon kay Eclaire. Sa ngayon ay maingat pa rin niyang pinag-aaralan ang bawat kilos ng mga werewolf habang patuloy niyang hinahanap ang dungeon kung saan ikinulong si Hades.
“Nasaan ba ang dungeon na yon? *Tsk! Ganitong oras mga aktibo ang mga werewolf, kaya dapat mag-ingat ako.” Sambit ni Eclaire derekta sa kaniyang isipan.
Makalipas ang ilang sandali ay muli ng kumilos si Eclaire, pero sa hindi inaasahang pangyayari ay may nakabungo siya.
“*Huh!? Sino ka? Hindi kita kilala ah!?” Gulat na pagkakasambit ni Leiya.
Labis ang pagkagulat ni Eclaire sa nangyari kaya dali-dali niya itong hinawakan sa braso at kalaunan ay mabilis siyang nag-teleport.
*** SFX: WOOOOOOOOOOOOOOOOOOT! ***
Napunta sa pusod ng kagubatan sila Eclaire at Leiya. Labis namang nagtaka si Leiya sa mga pangyayari at hindi makapaniwala.
“Teka, anong nangyari? Bakit bigla tayong napunta sa gubat?” Gulat na pagkakatanong ni Leiya.
Hindi naman ganawang tugunin ni Eclaire ang mga katungan ni Leiya, dahil mabilis itong naghanda para sa isang pag-atake. Labis naman ikinagulat ni Leiya ang kaniyang nakita, pero hindi siya natakot bagus ay napangiti pa.
“Siguro kaibigan mo yung lalaking nabihag na’min.” Nakangiting pagkakasambit ni Leiya.
Sa mga oras na ito ay nagulat si Eclaire, kaya naman nagawa na niyang magsalita.
“*Tsk! Natitiyak kong magbabayad kayong lahat sa oras na malaman kong may masama kayong ginawa sa kaniya.” Galit namang pagkakasambit ni Eclaire.
“Wag kang mag-alala, nasa mabuti siyang kalagayan sa ngayon. Pero hindi ko lang alam kung ano ang gagawin nila sa kaniya bukas.” Nakangiti nung una pero kalaunan ay napaisip sa bandang huli ng sambitin ito ni Leiya.
“Kailangan ko na siyang maitakas bago pa siya saktan ng mga werewolf.” Sambit ni Eclaire derekta sa kaniyang isipan.
“Sabihin mo, saan ko makikita ang dungeon kung saan siya ikinulong?” Seryosong pagkakatanong ni Eclaire.
“Sige!” Masayang pagkakatugon naman ni Leiya.
Biglang nagulat si Eclaire sa kaniyang mga narinig dahil inaasahan niyang tatanggi ito.
“*Huh?” Gulat na reaksyon ni Eclaire
Ipinagtaka naman ni Leiya ang naging reaksyon ni Eclaire.
“May problema ba sa sinabi ko?” Tanong ni Leiya.
“Hindi kaya isa lang itong patibong, dahil alam na agad sa kanilang bayan na nawawala siya?” Tanong ni Eclaire derekta sa kaniyang isipan.
“Wag kang mag-alala, dadalin kita sa dungeon kung nasaan siya. Wag mo rin sanang isiping isa itong patibong, dahil hindi ko yon gagawin sayo.” Nakangiting pagkakasambit ni Leiya.
“Teka, paano naman ako makakasigurong hindi patibong ang sinasabi mo?” Tanong naman ni Eclaire.
“Nararamdam ko kasing mabuti ka at ang kaibigan mo. Sa tingin ko nga ay mapagbiro siya at masayahin. Sandali ko kasi siyang nakausap kanina.” Nakangiting pagkakasambit muli ni Leiya.
“Ang babaeng ‘to. Hindi ko makita ang takot o pangamba sa kaniyang mukha. Bakit ang panatag ng kaniyang kalooban, gayong nasa harapan niya ay isang kalabang kaya siyang patayin?” Tanong ni Eclaire derekta sa kaniyang isipan.
“Sige, pumapayag na ako. Dalin mo ako kung nasaan si Hades ngayon, pero sa oras na malaman kong nagsisinungaling ka at isang patibong lang ito ay tatapusin ko na agad ang buhay mo.” Seryosong pagkakasambit ni Eclaire.
“Nauunawaan ko. Oo nga pala, ako nga pala si Leiya. Ikaw, ano ang pangalan mo?” Nakangiting pagkakasambit naman ni Leiya.
Hindi na nagsalita pa si Eclaire at kalaunan ay kinuha nito ang braso ni Leiya na labis nitong ipinagtaka. Makalipas ang ilang sandali ay may isang itim na liwanag na nakita si Leiya sa tapat ng palad ni Eclaire at dito ay mabilis siyang itinulak. Nang makalabas sa portal ay dito lang naunawaan ni Leiya ang tunay na kapangyarihan ni Eclaire. Sa ngayon nasa lugar hindi kalayuan sa Loren silang dalawa.
“Dyan ka lang at wag kang magkakamaling umalis.” Sambit ni Eclaire.
“Wag kang mag-alala, hindi ako tatakas.” Nakangiting pagkakatugon naman ni Leiya.
Matapos magsalita ni Leiya ay mabilis na gumawa si Eclaire ng isang portal at kalaunan ay mabilis siyang pumasok dito. Lumabas si Eclaire sa himpapawid na nasa ibabaw ng buong bayan. Dito ay tanaw niya ang buong kaganapang nangyayari sa loob. Kita din niya si Leiya na sinunod ang mga sinabi niya. Hindi ito umalis sa lugar kung saan niya ito iniwan.
“Ang babaeng yon. Hindi ko mabasa ang mga kilos niya. Hindi ko alam kung mabait ba siya o may pina-planong masama.” Sambit ni Eclaire derekta sa kaniyang isipan.
Ilang sandali pa ay muling itinuon ni Eclaire kaniyang paningin sa buong bayan. At sa mga oras na ito ay nakakita na siya ng lugar o pwesto, kung saan maaari niyang gamitin ang kaniyang kapangyarihan para makapasok sila sa loob ng walang nakakapansin o nakakakita sa kanila.
Makalipas ang tatlong minuto muli ng napagkita sa tabi ni Leiya si Eclaire. Agad niya itong tinanong kung saan ba ito nagtungo.
“Saan ka nagpunta?” Tanong ni Leiya.
“Hindi na mahalaga ang tungkol sa bagay na yon, kaya tara na.” Tugon naman ni Eclaire.
“Tara na? Sa loob ba!?” Masayang pagkakatanong naman ni Leiya.
Hindi na nagawang tumugon ni Eclaire at katulad kanina ay mabilis na itong gumawa ng portal at dito ay sabay na silang pumasok. Sa ngayon ay lumabas sila sa lugar na napili ni Eclaire.
“Ngayon, dalin mo na ako kung nasaan ang kaibigan ko.” Mahinang pagkakasambit ni Eclaire.
“Okay! Pero mas mabuti siguro kung magtatalukbong ka para hindi ka nila paghinalaan.” Nakangiti pero mahinang pagkakasambit naman ni Leiya.
“Magandang ideya.” Mabilis ngunit mahina namang pagkakasambit ni Eclaire.
Agad naghanap sa kanilang paligid si Eclaire ng tela o kahit na anong maaari niyang magamit upang gawin pantalukbong sa kaniyang ulo. Pero laking gulat niya ng biglang takpan ang buong ulo niya ni Leiya. Agad niya itong inalis sa pag-aalalang may masamang tangka sa kaniya.
“Bakit mo inalis? Gamitin mo yan para hindi ka nila paghinalaan.” Inis namang pagkakasambit ni Leiya.
Sa mga sandali ito ay hindi na mawari ni Eclaire ang kaniyang iisipin tungkol dito kay Leiya.
“Seriously, ano ba talaga ang iniisip ng babaeng ‘to!?” Tanong ni Eclaire derekta sa kaniyang isipan.
“Paano? Tayo na!?” Nakangiting pagkakasambit ni Leiya.
Napatango na lang si Eclaire at matapos nito ay agad na niyang ipinangtakip sa kaniyang ulo ang telang ibinigay sa kaniyang ni Leiya. Ilang sandali pa ay nagsimula na silang maglakad patungo sa dungeon. At sa kanilang paglalakad ay may isang grupo ng mga werewolf ang tumawag sa kanila na labis ikina-bahala ni Eclaire.
“Nako lagot! Mukhang magsusumbong na siya!” Sambit ni Eclaire derekta sa kaniyang isipan.
Ilang sandali pa ay tuluyan ng nakalapit ang mga werewolf sa kanila at sa mga oras na ito ay laking gulat na ni Eclaire matapos marinig ang isa sa mga werewolf na masayang nagsalita sa itinuturing niyang bihag sa ngayon.
“Kayo po pala, prinsesa Leiya.” Masayang pagkakasambit nung isa sa mga werewolf.
“Kamusta kayo?” Nakangiti namang bati ni Leiya sa mga werewolf.
Sa mga oras na ito ay inihahanda na ni Eclaire ang mga posibleng mangyari, pero hindi niya inaasahan ang mga sumunod na pangyayari.
“Sino po ang babaeng kasama nyo, prinsesa?” Tanong ng isa sa mga werewolf.
“*Ahh siya ba? Isa yong sekreto, kaya wag nyo ng alamin pa.” Nakangiting pagkakatugon naman ni Leiya.
Agad nagkatinginan ang mga werewolf at dahil ang kanilang prinsesa ang nagsabi na wag na nila itong alamin pa ay hindi na nga nila ito pinansin pa.
“Nauunawaan po na’min. Pero saan nyo po binabalak magtungo ngayon, prinsesa?” Sambit ng isa pa sa mga werewolf.
“*Ahh! Magtutungo kami ngayon sa dungeon. Gusto ko kasing maka-usap ang bihag na’tin ngayon.” Tugon naman ni Leiya.
“Ganon po ba? Nauunawaan po na’min. Pero mag-iingat po kayo sa kaniya, baka po manyakin kayo ng lokong yon.” Sambit muli nung werewolf.
“*Hahaha! Wag kayong mag-alala, mukhang hindi naman bastos yung bihag na’tin eh.” Masayang pagsambit muli ni Leiya.
“Sige po, mauna na po kami. Kailangan pa po na’ming mangaso.” Sambit muli nung werewolf.
“*Uhm! Nauunawaan ko. Makakaalis na kayo.” Nakangiting pagkakatugon naman ni Leiya.
Ilang sandali pa nga ay umalis na ang grupo ng mga werewolf. Hindi naman magawang maniwala ni Eclaire sa kaniyang mga narinig at nalaman tungkol dito kay Leiya.
“Isa ka palang prinsesa?” Mahinang pagkakatanong ni Eclaire.
“*Uhm! Pasensya ka na kung hindi ko man nasabi sayo ah!” Nakangiti namang pagkakatugon ni Leiya.
“Ang babaeng ‘to! Anong klaseng pag-uugali ba talaga ang meron siya? Sa ikinikilos niya ngayon ay parang hindi siya isang werewolf.” Sambit ni Eclaire derekta sa kaniyang isipan.
“Paano? Tayo na sa dungeon?” Nakangiting pagkakatanong ni Leiya.
“*Uhm! Tayo na.” Tugon naman ni Eclaire.
Muli ay nagsimula na sa kanilang paglalakad ang dalawa hanggang sa marating na nila ang lagusan sa dungeon.
“Sigurado ka bang nasa loob nito si Hades?” Tanong ni Eclaire.
“*Uhm!” Nakangiting pagkakatugon naman ni Leiya.
Makalipas ang ilang sandali ay nagsimula na muling maglakad ang dalawa papasok sa naturang dungeon. Medyo mahaba rin ang kanilang nilakad at katulad ng inasahan ni Eclaire ay may mga werewolf na kasalukuyan ding nasa loob nito. Hindi niya maiwasang kabahan sa oras na nilalapitan sila ng mga ito, ngunit lagi naman niyang inihahanda ang kaniyang sarili sa oras na malamang isa siyang kalaban. Ngunit gayon pa man ay lagi siyang pinagtatakpan ni Leiya na labis niyang ipinagtataka. Makalipas pa ang ilang mga minuto ay narating na nila ang piitan kung saan nakakulong si Hades. Agad inutusan ni Leiya ang nakabantay dito na iwan sila nito na agad namang sinunod.
“Whoa! Mabuti naman at dinalaw mo ako dito, prinsesa!” Masayang pagkakasambit ni Hades.
“Kamusta? Mabuti naman at mukhang ayos lang ang kalagayan mo.” Nakangiti namang pagkakasambit ni Leiya.
“Napaka-buti mo talaga, miss Leiya. *Umm.. Sino nga pala yang kasama mo?” Sambit muli ni Hades.
Sa mga sandaling ito ay inalis na ni Eclaire ang tela na nakatalukbong sa kaniyang ulo at dito na nagulat si Hades.
“Eclaire!? Pero anong ginagawa mo dito? Hindi ba’t sinabi ko na sayo na umalis ka na at bumalik sa Nilflehiem?” Gulat na pagkakasambit ni Hades.
“Kung ganon, Eclaire pala ang pangalan niya.” Sambit ni Leiya derekta sa kaniyang isipan.
“Mamaya na tayo mag-usap dahil itatakas na kita dito.” Sambit naman ni Eclaire.
“Pero papaano mo ako itatakas dito? Sobrang dami nila, kaya ang mabuti pa ay umalis ka na dito.” Sambit muli ni Hades.
“Wag kang mag-alala. Nakakaya kong kontrolin ang kapangyarihan ko. At kaya ko na din ang mag-teleport.” Sambit muli ni Eclaire.
Ikinagulat ni Hades ang kaniyang mga narinig na labis namang ipinagtaka ni Eclaire.
“Teka, bakit ganiyan ang itsura mo? Hindi ka ba natutuwa na nakokontrol ko na ang time and space?” Tanong ni Eclaire.
“Natutuwa pero sa ngayon ay binabalak ko munang magtagal dito.” Sambit muli ni Hades.
“Pero bakit?” Nag-aalala namang tanong ni Eclaire.
“Kailangan kong maisakatuparan ang misyong ibinigay sa’kin.” Tugon ni Hades.
“Pero sapat na ang mga nalaman na’tin tungkol sa kanila, kaya walang dahilan pa para magtagal dito.” Nag-aalala muling pagkakasambit ni Eclaire.
“Wag kang mag-alala sa’kin. Ang totoo nito ay sinadya ko lang magpahuli upang ng sa ganon ay makalikop pa ako ng impormasyon tungkol sa kanila.” Sambit muli Hades.
(chufalse: *Booooo! Palusot pa ‘tong si Hades! Eh nahuli naman talaga siya! XD)
Sa mga sandaling ito ay tahimik lang na nakikinig si Leiya sa pag-uusap ng dalawa. Batid niyang laban sa kanilang lahi ang misyong ng dalawa.
“*Ahh.. Mawalang galang na ah.. Pero bakit kailangan nyong mag-espiya sa’min? May masama bang ginawa ang lahi ko sa inyo? At isa pa, hindi ba’t nagkasundo na ang apat na lahi na hindi na mag-aaway?” Sambit naman ni Leiya.
Sabay na napalingon sila Eclaire at Hades kay Leiya at sa mga oras na ito ay sumagi sa kanilang isipan ang mga sinabi nito.
“*Hmmm.. Tama nga si miss Leiya. Bakit nga ba kayo binigyan ng misyon para mag-espiya? Binabalak ba ng mga elders na lumikha ng gyera?” Sambit ni Eclaire.
“*Tsk! Hindi ko rin alam kung ano ang nasa isipan ng mga elders! Pero may punto ang mga sinabi ni Leiya.” Sambit naman ni Hades.
“Ang mabuti pa ay bumalik na tayo sa Nilflehiem at alamin na’tin kung bakit kayo binigyan ng ganitong misyon.” Sambit muli ni Eclaire.
“Mabuti pa nga, pero magpapaiwan pa rin ako dito.” Sambit muli ni Hades.
“Bakit na naman!? Masyadong delikado dito, lalo na’t alam nilang nag-e-espiya ka sa kanila.” Sambit muli ni Eclaire.
“Makinig ka. Lalo lang mapapaaga ang gyera kung malaman nilang nakatakas ako dito, dahil dala ko ang impormasyon tungkol sa kanila. At sa oras na makarating sa kanila ang balitang nakabalik na ako sa’tin ay natitiyak kong gagawa agad sila ng hakbang upang gumanti.” Seryosong pagkakasambit ni Hades.
“Sang-ayon ako kay Hades at wag kang mag-alala, dahil hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa kaniya.” Sambit naman ni Leiya.
Sandaling natahimik si Eclaire, dahil naisip niyang tama nga si Hades tungkol sa mga sinabi nito.
“Nauunawaan ko. Leiya, maraming salamat sa tulong mo.” Sambit ni Eclaire.
“Walang anuman, Eclaire.” Nakangiting pagkakasambit ni Leiya.
Napangiti na lang si Eclaire at matapos nito ay agad na siyang gumawa ng portal at kalaunan ay pumasok dito. At sa mga oras na ito ay hindi naiwasang ma-mangha ni Hades sa ginawa ni Eclaire.
“Totoo ngang kontrolado na niya ang time and space.” Sambit ni Hades.
“Isa siyang malakas ngunit mabait na sorceress. Ramdam ko yon sa kaniya, kahit hindi pa niya ito sabihin. Mapalad ka Hades dahil may kaibigan kang tulad niya.” Nakangiti namang pagkakasambit ni Leiya.
“*Uhm! At ganon din ako sayo. Mapalad ako at nakilala kita.” Nakangiti ring pagkakasambit ni Hades.
*** Flashback to be continue. xD ***
Chapter end
Afterwords
Huhuhu! Nasira na ng tuluyan ang PC ko! Mother board ang sira niya kaya mas mabuti daw kung bumili ng bago. Gusto ko namang bumili talaga ng bagong unit, kaso ang problema lang ay wala akong pera! Huhuhu..
Sa ngayon ay hindi ko ulit alam kung kailan ko to masusundan, dahil 1 month na ako hindi nakakapagsulat.. ganon din ang extra chapter.. sobrang pasensya na talaga sa mga naiinip sa mga UD.. Ipagdasal nyo na lang na manalo ako sa lotto, although hindi naman ako tumataya.. xD
Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..
Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..
Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..
Susunod.
Chapter 26: Nakaraang tatlong daang taon. Part 3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top