Chapter 24: Nakaraang tatlong daang taon

Sa mga oras na ito ay sandaling nahinto ang kaguluhan. Lahat kasi ng kasalukuyang nakikipaglaban ay napatingin kay Zeus na kasalukuyan ngayon lumulutang sa himpapawid.

 

“Kamusta na ang kapatid ko?” Nakangiting pagkakasambit ni Zeus.

 

*Fufufufu.. Ilang sandali na lang at buburahin ko na ang mga ngiti sa labi mo, Zeus!” Nakangiti ring pagkakasambit ni Hades.

 

“Hindi naman kailangang humantong sa ganito ang lahat. Siguro naman naaalala mo pa ang mga pinagsamahan na’ting magkakapatid nung mga bata pa tayo.” Nakangiti muling pagkakasambit ni Zeus.

 

*Tsk! Wala kang karapatang sabihin ang mga bagay na yan!” Seryosong pagkakasambit ni Hades.

*** Flashback xD! ***

March 22, taong 4087. Limampong taon bago mag “CS” era, sa Nilflehiem, bansa kung saan naninirahan ang mga sorcerer at sorceress. Kasalukuyang kumakain ng almusal sila Zeus at Hades sa isang silid sa isang kastilyong makikita sa naturang bansa. At sa panahong ito ay nasa 20 years old palang ang magkakapatid na Olympus.

 

“Zeus, samahan mo akong manghuli ng Phoenix dun sa bulkan ng Kurast.” Sambit ni Hades.

“Marami pa akong gagawin eh. At isa pa ay matagal ng wala ang mga Phoenix, kaya imposible ang bagay na sinasabi mo.” Tugon naman ni Zeus.

*Tsk! Papaano ko malalaman kung hindi na’tin susubukan? At isa pa ay wala namang mawawala sa’tin kung susubukan na’ting pumunta don eh.” Sambit muli ni Hades.

 

“Kung mapilit ka talaga, bakit hindi ka na lang magpasama kay Eclaire?” Tugon muli ni Zeus.

 

“Okay sige! Nauunawaan na kita! Ikaw na nga ang busy! At ako na ang walang magawa!” Dismayado namang pagkakasambit ni Hades.

Ilang sandali pa ay umalis na nga si Hades at agad nitong hinanap si Eclaire. At habang naglalakad patungo sa kwarto ni Eclaire ay nakasalubong niya si Poseidon.

 

“Poseidon!” Sambit ni Hades.

 

*Oh Hades! Ikaw pala! Tapos na ba kayong kumain?” Tugon naman ni Poseidon.

 

*Uhm! Pero nakita mo ba si Eclaire?” Sambit muli ni Hades.

 

“Hindi eh, pero baka nandon lang siya sa labas kasama si Sonia.” Tugon muli ni Poseidon.

 

“Ganon ba? Sige maraming salamat.” Sambit muli ni Hades.

Matapos magpasalamat ay muli ng itinuloy ni Hades ang kaniyang paglalakad, pero mga ilang hakbang pa ay may sinabi si Poseidon, dahilan upang mapahinto siya.

 

“Hades, nagawa mo na ba ang ipinag-uutos sayo ni ginoong Archon?” Tanong ni Poseidon.

 

“Ay oo nga pala! *Hahaha! Wag kang mag-alala, gagawin ko din yon.” Medyo awkward na pagkakatugon ni Hades.

“Bahala ka na nga! Oo nga pala, ang DNA ng Kraken na nakuha ko ay matagumpay nang naging Mythical shaman.” Sambit muli ni Poseidon.

“Whoa! Talaga? *Hmmm.. Mukhang umuunlad na talaga ang kaalaman na’tin sa paglikha ng mga mythical shaman.” Masayang pagkakasambit ni Hades.

 

“Sige, babalikan ko pa si Carla, kaya maiwan na kita.” Sambit muli ni Poseidon.

 

“Carla? Sino yon?” Tanong naman ni Hades.

 

“Siya yung Kraken na tinutukoy ko.” Nakangiting pagkakatugon ni Poseidon.

 

*Ahh! Kung ganon ay babae pala siya. Sige, goodluck sayo, Poseidon.” Nakangiting pagkakasambit ni Hades.

Matapos makipag-usap ay dali-dali ng lumabas ng kanilang gusali si Hades at mabilis na nagtungo sa lugar kung saan posible niyang makita si Eclaire. Ilang sandali pa ay nakita na nga niya ito habang nakikipaglaro sa kaniyang pinsan na si Sonia.

 

“Eclaire! Sonia!” Masayang pagkakasambit ni Hades.

 

*** Eclaire Castellar, edad 18. ***

*** Sonia Eldritch, edad 19. Masungit, mabilis mag-init ang ulo at mahirap pakisamahan. Ngunit sa likod nito ay labis siyang mabait, matalino at maasahan.

Slim at maganda ang pangangatawan nitong si Sonia, nasa 5’4 ang kaniyang taas, maputi at makinis ang kaniyang balat, mahaba ang silver niyang buhok At bengga! Ang nice ng kaniyang hinaharap. (if you know what I mean! :3) ***

 

*Oh Hades? Bakit? May kailangan ka ba?” Tanong naman ni Eclaire.

 

“Oo! Balak ko sanang magpasama sayo sa bulkan ng Kurast!” Tugon naman ni Hades.

 

“Ano naman ang nakain mo at gusto mong magtungo doon?” Medyo inis ang tono ng pagkakasambit ni Sonia.

 

*Hahaha! Bakit parang ang sungit mo naman ngayon, Sonia?” Medyo awkward namang pagkakasambit ni Hades.

 

“Paki-alam mo ba? At isa pa ay nagsasanay kami ni Eclaire, hindi ba Eclaire?” Medyo inis muling pagkakasambit ni Sonia.

 

*Hah? Oo nga, pero okay lang naman sa’kin na samahan ko siya eh.” Tugon naman ni Eclaire.

 

“Yes! Ang lakas ko talaga sayo, Eclaire.” Masayang pagkakasambit naman ni Hades.

Bigla namang nagblush si Eclaire, na napansin naman ni Sonia.

 

*Tsss! Bahala na nga kayo dyan!” Inis na pagkakasambit ni Sonia.

Matapos magsalita ay inis na naglakad pabalik sa kanilang tahanan si Sonia. Samantala, agad naman nilapitan ni Hades si Eclaire.

“Paano? Tayo na?” Nakangiting pagkakatanong ni Hades.

“*Uhm!” Nakangiting pagkakatugon naman ni Eclaire.

Ilang sandali pa ay nagsimula ng tumakbo si Hades, samantalang lumipad naman si Eclaire at sa ngayon ay patungo na sila sa Kurast, kung saan matatagpuan ang isang bulkan na pinaniniwalaang dating pugad ng mga Phoenix. Halos ilang libong kilometro ang layo nito sa kasalukuyan nilang lugar, pero dahil sa angkin nilang abilidad ay ilang oras lang  nila itong lalakbayin. At sa kalagitnaan ng kanilang paglalakbay ay ipinaliwanag na ni Hades ang kaniyang pakay sa pagpunta sa bulkan at ito ay ang paghahanap ng Phoenix. Ikinabigla naman ni Eclaire ang pakay ni Hades, dahil hindi naman niya ito natanong kanina. Basta na lang kasi siyang pumayag sa hiningi nitong pabor sa kaniya. Gayon pa man ay batid ni Eclaire na imposibleng makahanap pa sila ng mga phoenix dahil matagal na itong naubos, ilang libong taon na ang nakakalipas.

 

“Nakikita ko na ang bulkan.” Masayang pagkakasambit ni Hades.

“Wag kang umasang may makita tayong Phoenix, dahil marami ng ang nagtungo sa bulkan na yan at lahat sila ay bigong makahanap ng phoenix.” Sambit naman ni Eclaire.

 

“Wag kang mag-alala, natitiyak kong makakahanap ako.” Masayang pagkakatugon ni Hades.

“Haaaay! Bahala ka na nga! Basta wag mo akong hahanapan mamaya ng Phoenix, dahil ko-konyatan kita.” Sambit muli ni Eclaire.

 

“Okay! Okay!” Masaya muling pagkakasambit ni Hades.

Ilang minuto pa ang lumipas ay narating na nga nila Eclaire at Hades ang bunganga ng bulkan. At sa mga oras na ito ay tinanong na ni Eclaire kung ano na ang binabalak ni Hades sa ngayon.

“Ano na ang plano mo ngayon? Naki-kita mo naman sigurong walang kahit ano dito kundi magma at mga bato lang.” Sambit ni Eclaire.

Pero hindi nagawang tumugon ni Hades at sa ngayon ay nakangiti ito. Labis namang nagtaka si Eclaire, pero ilang sandali pa ay laking gulat niya sa ginawa ni Hades. Bigla na lang kasi itong nahubad sa kaniyang harapan.

 

“Whoi! Bakit ka naghubad!? Wag mong sabihing dito mo balak mag..” Nahihiya pero nabiting pagkakasambit ni Eclaire.

Sa mga sandali ito ay hindi na naituloy pa ni Eclaire ang kaniyang mga sasabihin, dahil mabilis na tumalon sa bunganga ng bulkan si Hades.

 

“*Huh!?” Nagtatakang reaksyon ni Eclaire.

Sa labis na pagtataka ay hindi nagawang gumalaw ni Eclaire, hanggang sa sumagi na sa isipan nito na lubhang mapanganib ang ginawa ni Hades at posible niya itong ikamatay. Ilang sandali pa ay mabilis na sinilip ni Eclaire ang bulkan, pero tangin mga magma lang ang nakikita nito.

 

“Nasaan na si Hades? Ano ba ang nangyari sa kaniya at nagpatiwakal siya?” Maluha-luhang pagkakasambit ni Eclaire.

Matapos magsalita ay hindi na nga napigilan ni Eclaire ang pag-agos ng kaniyang mga luha at dito ay hindi na niya napigilang sumigaw.

 

“Hades! Bakit ka nagpakamatay! Hindi ko man lang nasabi sayo na mahal kita!” Umiiyak na pagkakasigaw ni Eclaire.

Pero matapos sumigaw ni Eclaire ay may kakaiba siyang napansin sa mga magma at dito ay tinitigan niya kung ano ito.

 

*** SFX: BLUK! BLUK! BLUK! WOOOOOOOOOOOOOOOOOOOSH! ***

Biglang napaatras at kalaunan ay napaupo si Eclaire, dahil may isang malakas na pwersang inilabas ang bulkan. Sa ngayon ay prinoteksyonan niya ang kaniyang sarili, dahil posible siyang tamaan nung bagay na biglang lumabas sa bulkan. Kaya hanggang sa ngayon ay hindi niya tukoy ang bagay na ito. Pero ilang sandali pa ay bigla siyang nagulat matapos makarinig ng isang pamilyar na boses.

 

“Eclaire? Umiyak ka ba?” Tanong ni Hades.

Sa mga oras na ito ay mabilis na napatingin si Eclaire kay Hades, pero agad namula ang kaniyang mukha dahil nakaharap ito sa kaniya.

(Note: Naka-upo si Eclaire, tapos si Hades ay walang damit. Siguro naman na-imagine nyo na yung sitwasyon ni Eclaire. xD)

 

*Kyaaaaaaaaaaa! Bastos!” Gulat pero nahihiyang pagkakasigaw ni Eclaire.

*** SFX: PAAAAAAAAAAAAAAK! ***

Malakas na nasuntok ni Eclaire ang kayamanan ni Hades at dahil dito ay nagpagulong-gulong siya sa labis na sakit. Pero ilang sandali pa ay may apat na nagliliyab na ibon ang biglang lumapit kay Hades at dito ay hindi na maiwasan ni Eclaire ang magulat at ma-mangha.

 

“Ang mga ibong ito, wag mong sabihing mga Phoenix sila!?” Gulat na pagkakasambit ni Eclaire.

 

“Ganon na nga.. Halos kakapisa pa lang nila ngayon..” Namimilipit na pagkakatugon ni Hades.

 

“Magsuot ka nga muna ng damit!” Sigaw ni Eclaire pero mababakas sa kaniyang mga pisngi na namumula ang mga ito.

Makalipas ang ilan pang mga minuto at sa ngayon ay suot na muli ni Hades ang kaniyang mga damit. At sa mga oras na ito ay nasa kaniyang mga balikat na ang apat na Phoenix.

“Hindi ko akalaing makikita mo ang mga Phoenix sa pinaka pusod ng bulkan. Pero ano ang pumasok sa isipan mo at tumalon ka don!? Papaano na lang kung hindi ka na nakabalik? Ano na ang gagawin ko?” Malumanay nung una pero kalunan ay inis na pagkakasambit ni Eclaire.

*Hahaha! Pasensya ka na, pero hindi ako tinatablan ng apoy eh! Ang totoo nga nyan ay ang sarap ng pakiramdam ko habang nandon ako sa loob ng bulkan. Pakiramdam ko ay nag-uumapaw ako sa kapangyarihan.” Masayang pagkakatugon naman ni Hades.

“Haaay! Hindi sana ako mag-aalala kung sinabi mo sa’kin ang mga yan kanina! Ang akala ko tuloy ay nagpakamatay ka!” Sambit muli ni Eclaire.

 

*Ahh! Kaya ba umiiyak ka kanina!?” Nakangiting pagkakasambit ni Hades.

 

“Ano!? Ako umiiyak!? In your dreams!” Inis namang pagkakatugon ni Eclaire.

“*Tsk! Mabuti na lang at hindi niya narinig yung mga sinigaw ko kanina! Bwisit kasing Hades ‘to! Wala man lang pasabi na tatalon siya sa bulkan! Bwisit!” Inis na pagkakasambit ni Eclaire derekta sa kaniyang isipan.

 

 “Oo nga pala, bakit parang malapit agad sayo ang mga phoenix?” Tanong ni Eclaire.

*Hmmm.. Siguro ang tingin nila sa’kin ay ang kanilang ama. Mga itlog pa kasi sila kanina at nung mahawakan ko sila ay isa-isa na silang napipisa.” Tugon naman ni Hades.

 

*Hmmm.. Nauunawaan ko na, pero hindi ko pa rin talaga lubos maisip na makikita ang kanilang mga itlog sa pusod ng bulkan. Pero papaano mong nalaman na makikita sila doon?” Tanong muli ni Eclaire.

“Sa totoo lang ay hindi ko rin alam. Nag baka-sakali lang ako na posibleng makahanap ako ng Phoenix sa loob ng bulkan. Mga fire birds kasi sila kaya naisip ko ang mga yon.” Tugon muli ni Hades.

 

“Sabagay. *Hmmm.. Siguro mas maganda kung bibigyan mo sila ng pangalan, kahit papaano naman ay magkaka-iba ang kulay ng mga apoy nila. Lalong-lalo na yung isa na asul ang apoy.” Sambit muli ni Eclaire.

“Tama ka nga. *Umm.. Ang may asul na apoy ay tatawagin na’ting Zeren, ang matikad na pula naman ay si Zenon, ang kahel ay si Zilan at ang kahel na parang pula ay si Zelin, dahil mukha siyang babae.” Nakangiting pagkakasambit ni Hades.

 

“Maganda ang mga pangalang napili mo, kaya naman alagaan mo sila ng mabuti.” Nakangiting pagkakasambit ni Eclaire.

 

“Hindi mo na kailangan pang sabihin ang bagay na yan sa’kin.” Nakangiti muling pagkakasambit ni Hades.

Ilang sandali pa ay nagsimula ng maglakad pabalik sila Hades at Eclaire, dala ang apat na Phoenix. Halos palubog na ang araw ng makabalik ang dalawa at laking gulat ng mga kasamahan nila ng makita ang apat na bagong silang na Phoenix.

 

“Whoa! Kamangha-mangha! Saan nyo natagpuan ang mga phoenix na ‘to?” Tanong ni Archon.

*** Archon Eldritch, 46 years old. Kabilang siya sa mga napipiling maging isang elder ng kanilang lahi, dahil na rin sa akin niyang lakas, talino at personalidad. Siya rin ang ama ni Sonia.

Medyo matipuno ang pangangatawan ni Archon, nasa 5’7” ang kaniyang taas, maputi ang kulay ng kaniyang balat at silver na nasa katam-tamang haba ang buhok. ***

 

*Hahaha! Sa bunganga po ng bulkan ng Kurast!” Masayang pagkakatugon ni Hades.

“Talaga? Pero maraming beses na kaming nagpunta doon upang humanap ng kahit mga balahibo lang ng Phoenix, pero lagi kaming bigong makahanap. Ngunit heto ka at may dalang buhay na Phoenix at apat pa sila.” Sambit muli ni Archon.

“Kahit nga po ako nagulat ng sa pagbalik ni Hades ay may dala na siyang mga bagong pisang Phoenix.” Sambit naman ni Eclaire.

 

“Whoa! Totoo ba ang mga yon, Hades?” Gulat na pagkakasambit ni Archon.

“Ganon na nga po. Sinisid ko po kasi ang pusod ng bulkan at doon ko po nakita ang apat na itlog. At sa pagbalik ko sa itaas ay bigla na lang po silang napisa.” Tugon naman ni Hades.

 

*Ahh! Kaya pala wala kaming mahanap na kahit na anong bakas ng mga phoenix ay sa kadahilanang nasa pusod pala ng bulkan sila makikita. Hindi na rin ako nagtataka kung bakit malapit sayo ang mga phoenix, dahil ikaw ang itinuturin nilang kanilang magulang.” Sambit muli ni Archon.

 

“Mukhang ganon na nga po. *Hehehe.. Masayang pagkakasambit naman ni Hades.

“Maitanong ko lang, nasaan na ang mga shell ng kanilang itlog? Kailangan ko ang mga yon, dahil posible ko silang magawang mga mythical shaman.” Sambit muli ni Archon.

 

“Pasensya na pero mukhang nahulog po yata ang mga balat ng kanilang itlog sa bulkan.” Tugon naman ni Hades.

“Sayang naman, pero hindi na mahalaga ang mga yon, dahil mga buhay na phoenix na ang nasa ating mga kamay.” Sambit muli ni Archon.

 

“Si tito talaga! Masyadong obsessed sa mga mythical creature.” Medyo dismayadong pagkakasambit naman ni Eclaire.

Ilang mga sandali pa ay sabay-sabay na paparating sila Zeus, Poseidon at Sonia. Agad silang napahinto matapos makita sila Hades, habang kausap si ginoong Archon. Samantala, mabilis namang lumapit si Sonia, dahil sa kamangha-manghang ibong nakita nito.

 

“Whoa! Anong klaseng mga ibon ‘to!? Teka! Mga phoenix ba sila!?” Manghang pagkakasambit ni Sonia.

“Tama ka, Sonia. Mga phoenix nga sila at ang mga ito ang pakay ni Hades sa pagpunta na’min sa Kurast kanina.” Tugon naman ni Eclaire.

Sa mga oras na ito ay tuluyan ng nakalapit sila Zeus at Poseidon at dito ay nakumpirma nilang mga phoenix nga ang kanila ding nakita.

“Whoa! Mga Phoenix! Hindi ako makapaniwalang nakahuli ka ng mga phoenix, Hades!” Manghang pagkakasambit ni Poseidon.

 

“*Hehehe!” Sambit naman ni Hades.

 

“Sa Bulkan ba ng Kurast mo nahuli ang mga phoenix na yan?” Tanong naman ni Zeus.

*Uhm! Sinabi ko naman kasi sayo kanina na manghuhuli ako ng Phoenix eh!” Tugon naman ni Hades.

 

“Pero papaano at saan banda mo sila nakita?” Tanong muli ni Zeus.

 

“Sa pinaka-bunganga ng bulkan. Sumisid ang lokong yan sa bulkan.” Medyo inis namang pagkakasambit ni Eclaire.

“Talaga? Kaya pala imposibleng makita sila, dahil nasa loob sila ng mismong bulkan. Pero papaano mo naman naisipan na doon sila makikita?” Tanong muli ni Zeus.

“Oo nga, bakit mo namang naisipan sumisid sa bulkan? Baliw lang ang gagawa non! At bakit nga pala hindi ka yata na paso o nasugatan?” Sambit naman Sonia.

“Baka nakakalimutan mo ang espesyal na’ming abilidad, Sonia? Si Zeus ang dyos ng Kidlat, si Hades ang Dyos ng apoy at ako ang dyos ng tubig.” Sambit naman ni Poseidon.

 

“Oo nga pala no! Hindi nga pala tinatablan ng apoy o init si Hades.” Sambit muli ni Sonia.

“*Tsk! Bakit hindi sumagi sa isipan ko ang bagay na yon nung tumalon siya!? Para tuloy akong tanga kanina nung inakala kong nagpatiwakal siya. Bwisit! Mabuti na lang talaga at hindi niya narinig yung mga sinabi ko kanina!” Sambit ni Eclaire derekta sa kaniyang isipan.

“Tama ka! Nagbakasakali lang naman ako kung makakahanap ako ng mga phoenix, kaya sinubukan kong sumisid sa lava. *Hehehe.. Sambit muli ni Hades.

*Hmmm.. Magaling ang pakakadiskobre mo sa mga phoenix na ‘to, Hades. Sa pamamagitan nila ay natitiyak kong magtatagumpay ang gagawin na’ting mga mythical shaman.” Nakangiting pagkakasambit ni Zeus.

 

“Sandali lang Zeus, sa ngayon ay pabayaan mo muna akong alagaan sila. Gusto ko silang pag-aralan at isa pa ay tinuturin nila akong ama, kaya ayokong dumaan sila sa mga eksperimento.” Sambit naman ni Hades.

“Ganon ba? Nauunawaan kita at sa tamang panahon ay natitiyak kong magiging malakas na mythical shaman ang mga phoenix na yan.” Sambit muli ni Zeus.

*Uhm! Maraming salamat.” Nakangiting pagkakasambit muli ni Hades.

 

“Oo nga po pala, ginoong Archon.” Sambit muli ni Zeus.

 

“Ano yon, Zeus?” Tugon naman Archon.

“Kamusta na po ang iba pang mga mythical shaman na matagumpay na’ting nalikha? Nasa mabuting kalagayan po ba sila?” Tanong ni Zeus.

*Uhm! Wag kang mag-alala, tatlong species ng mga dragon ang kasalukuyan nasa edad 5 na at ang ibang mga mythical shaman na magumpay na nabuhay ay kasalukuyan ngayon nasa pangangalaga ang aking asawa at ng iba pang mga sorcerer.” Tugon ni Archon.

 

“Mabuti naman po kung ganon.” Masayang pagkakatugon ni Zeus.

*Uhm! At malaki ang naging tulong mo sa’min, Zeus, Poseidon at Hades! Dahil sa inyo ay mas dumami pa ang mga kauri nyo at umasa kayong sa oras na matapos na ang lahat ng eksperimento at dumating ang tamang panahon ay tangin mga lahi ng sorcerer at mythical shaman ang maghahari sa buong mundo.” Nakangiting pagkakasambit ni Archon.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na nga si ginoong Archon at nagtungo na ito sa kaniyang kwarto. Samantala, ikinagulat naman ni Zeus ang kaniyang mga narinig dito, pero hindi lang niya ito ipinahalata.

 

“Anong ibig sabihin ni ginoong Archon sa mga sinabi niya kanina?” Tanong ni Zeus derekta sa kaniyang isipan.

“Ang mabuti pa ay kumuha na tayo ng pagkain para dito sa mga phoenix. Halos hindi pa sila kumakain eh.” Sambit ni Eclaire.

 

“Mabuti pa nga.” Sambit naman ni Hades.

Matapos mag-usap ay nagsimula na ngang maglakad patungo sa kaniyang kwarto si Hades, kasama sila Eclaire at Sonia. Samantala, nagtungo naman si Zeus sa kaniyang kwarto at si Poseidon naman ay binalikan ang bagong silang na mythical shaman ng Kraken. Ilang mga minuto pa ang lumipas ay narating na nila Hades ang kaniyang kwarto.

 

*Hmmm.. May mga pangalan na ba sila?” Tanong ni Sonia.

“Oo, itong asul ang apoy ay si Zeren, yung matikad na pula naman ay si Zenon, itong kahel ay si Zilan at itong kahel na parang pula ay si Zelin.” Tugon naman ni Hades.

“Whoa! Ang astig pakinggan ng mga pangalan nila, pero bakit Zelin ang ipinangalan mo dun sa isa? Hindi ba’t pang babae ang pangalang yon?” Sambit muli ni Sonia.

 

“Mukha daw kasing babae yon.” Medyo dismayado namang pagkakasambit ni Eclaire.

 

“Talaga? *Hmmm.. never mind na nga lang. Pero sa tingin nyo, ano kaya ang kinakain nila?” Tanong muli ni Sonia.

 

“Ang mabuti pa ay subukan na’tin silang pakainin ng sariwang karne.” Sambit muli ni Eclaire.

 

“Mabuti pa nga.” Pagsang-ayon naman ni Sonia.

Matapos magsalita ni Sonia ay mabilis nitong tinitigan si Hades at kalaunan ay nginitian.

 

*Oh bakit ka nakatingin sa’kin ng ganiyan?” Tanong naman ni Hades.

Ilang sandali pa ay bilang tumayo si Sonia at dahan-dahan itong lumapit kay Hades. Medyo kinabahan naman si Hades, dahil batid niya ang ugali nito.

 

“Anong binabalak mong gawin?” Medyo takot ang tono ng pagkakasambit ni Hades.

Hindi na tumugon si Sonia, bagkus ay mabilis niyang hinila si Hades papalabas ng kwarto at dito ay malakas na siyang nagsalita.

 

“Bilisan mong bumama sa kusina at kumuha ka don ng mga sariwang karne!” Sigaw ni Sonia.

 

*** SFX: BLAAAAAAAAAAAG! ***

Agad isinara ni Sonia ang pinto ng kwarto at dito wala ng nagawa pa si Hades kundi ang sundin ang ipinag-uutos nito sa kaniya.

*Tsk! Ang Sonia na yon! Parang lalake siya kung kumilos! Nagtataka tuloy ako kung bakit sa ganda niyang yon ay ganon siya kung maka-asta? *Tsk! Bwisit talaga! Pero para sa mga phoenix ko naman ‘to, kaya siguro ay okay lang.” Inis na pagkakasambit ni Hades.

Mabalik tayo sa kwarto kung saan ay kasalukuyan ng nag-uusap sila Sonia at Eclaire, habang kasama ang apat na phoenix.

 

“Magtapat ka nga, bakit ba sa tuwing humihingi ng pabor sayo si Hades ay lagi mo ‘tong ginagawa? Siguro may gusto ka sa kaniya!?” Sambit ni Sonia

 

*Huh!? A..a..ako!? Bakit ko naman magugustuhan ang kumag na yon!?” Natatarantang pagkakatugon naman ni Eclaire.

 

“Bakit ka naman natataranta at bakit namumula ang mga pisngi mo?” Tanong muli ni Sonia.

Agad namang napahawak sa kaniyang mga pisngi si Eclaire at muli ay natataranta itong nagsalita.

*Huh!? Ano ka ba naman! Normal lang sa’kin ang mamula ang mga pisngi ko! Pero hindi ito dahil sa mga sinasabi mo! Aanimin kong magandang lalake nga si Hades, mabait siya, matipuno ang pangangatawan, palabiro at ang iba pang mga katangiang hinahanap ko sa isang lalake ay nasa kaniya na. Pero hindi ibig sabihin nito ay gusto ko siya ah!” Natataranta nung una pero kalaunan ay nakangiting pagkakasambit ni Eclaire.

Hindi naman nagawang magsalita ni Sonia at kalaunan ay napa-face palm ito. Ipinagtaka naman ni Eclaire ang naging reaksyon nito matapos niyang magsalita.

 

“Bakit? May mali ba sa mga sinabi ko?” Tanong ni Eclaire.

 

“Bakit ba kasi ayaw mo pang amining gusto mo talaga siya.” Dismayadong pagkakasambit ni Sonia.

Muli ay namula ang mga pisngi ni Eclaire at nagulat sa mga salitang narinig niya mula kay Sonia.

 

*Huh!? A..a..ano ba yang mga sinasabi mo!? Kasa-sabi ko lang na hindi ko siya gusto diba!?” Natatarantang pagkakasambit ni Eclaire.

*Haaay Eclaire! Kahit na ano klaseng pagpapalusot ang sabihin mo ay hindi ko yon bibilihin. “Lahat ng katangiang hinahanap ko sa isang lalake ay nasa kaniya na.” Tapos hindi mo siya gusto? Wag mo nga akong gawing tanga.” Medyo dimasyadong pagkakasambit ni Sonia.

Sa mga oras na ito ay hindi na nga nagawang magsalita ni Eclaire at napayuko na lang ito habang patuloy sa pamumula ang kaniyang mga pisngi. Ilang sandali pa ay nakabalik na nga si Hades dala ang ilang piraso ng mga karne.

*Oh!? Bakit ang tahimik nyo naman!? At bakit parang namumula ka na naman, Eclaire? Wag mong sabihing may sakit ka!?” Sambit ni Hades.

Hindi na nagawang tugunin nila Eclaire at Sonia si Hades, dahil mabilis na lumipad ang apat na phoenix patungo sa mga karne. Agad pinag-agawan ng apat na ibon ang dalang mga karne ni Hades at dito ay nakangiti na lang na pinanunood ng tatlo ang pagkain ng mga ito.

*** Flashback to be continue. xD ***

 Chapter end

Afterwords

Woooooo! Sobrang pasensya na po kung hindi ko na ma-me-meet ang mga dati kong dates na ibinigay para sa mga publication ng mga chapters.. hanggang sa ngayon kasi ay hindi pa ako nakakapagsulat, kasi sira pa rin yung pc ko sa bahay.. kung alam nyo lang kung gaano ako kating-kating magsulat.. halos parang naputulan ako ng mga kamay ngayon, kasi hindi ko na magawa ang mga bagay na lagi kong ginagawa.. paki-unawa na lang po ako kung matatagalan muli ang susunod na update.. wag po kayong mag-alala dahil agad ko kayong babalitaan sa oras na makapagsulat na muli ako.. ayun.. xD

Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..

 

Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..

 

Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..

Susunod.

Chapter 25: Nakaraang tatlong daang taon. Part 2

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top