Chapter 2: Sino ang tunay na Zenon? O.o

June 18, CS242. Araw ng hwebes at sa ngayon ay kasalukuyan ng nagsisimula ang klase nila Airen. Binalak ng apat na magkakaibigan na pumunta sa dati nilang kwarto, (Sila Selina, Annie, Mark at Alex) upang makita ang “Rain” na tinutukoy ni Aron na bagong kaklase ng kaniyang kapatid. Pero hindi na nila ito naituloy, dahil nakita na nilang pumasok sa loob ng dati nilang classroom si Ms. Unice. Sa ngayon ay minabuti nilang bumalik na lang sa kanilang classroom at bumalik na lang muli dito mamaya sa oras ng kanilang lunch break.

Sa ngayon ay masusing binabantayan ni Airen ang bawat kilos at galaw ni Zazan, dahil inutos ito sa kaniya ng kaniyang kuya kagabi. Wala naman siyang napapansing kakaiba, seryoso itong nakikinig at tahimik na nagsusulat.

 

“*Hmmm.. Mukhang masipag si Zazan ah, kung maiiku-kumpara ko siya kay kuya Rain ay parang kabaliktaran niya ito. Kasi ang sabi ni kuya Aron ay halos kasing tamad niya si kuya Rain na mag-aral.” Sambit ni Airen derekta sa kaniyang isipan.

Makalipas ang halos isang oras ay natapos na ngang magturo si Ms. Unice. At sa paglabas nito ay agad nilapitan si Zazan ng iba pa niyang mga kaklaseng lalaki. Sila: Roi Maru, Earl Strikeland at Kyle Erasforte.

*** Roi Maru. 15 years old at isang mythical shaman ng Satyr. Mayabang, Bugnutin, Ma-pride, Matapang at mahina sa klase, pero mabuti siyang kaibigan.

Slim ang pangangatawan nitong si Roi, mga nasa 5’0 ang kaniyang taas, katamtaman ang kulay ng kaniyang balat, itim at medyo may kahabaan ang kaniyang buhok. ***

*** Earl Strikeland. 14 years old at isang mythical shaman ng Centaur. Mahiyain, duwag, pero mabait siya at malakas.

Slim din ang pangangatawan si Earl, pero mas mataba siya kay Roi. Nasa 5’3 ang kaniyang taas, katamtaman ang kulay ng kaniyang balat at brown na nasa tamang haba ang kaniyang buhok. ***

*** Kyle Erasforte. 14 years old din at isa naman siyang mythical shaman ng Basilisk, isang uri ng dragon. Matalino, makulit, pero matapang at malakas. Mabuting kaibigan din itong si Kyle at kababata niya si Airen.

Medyo may kalakihan ang pangangatawan ni Kyle. Nasa 5’4 ang kaniyang taas, medyo kayumanggi ang kulay ng kaniyang balat at itim na nasa katamtamang haba ang kaniyang buhok. ***

***Note: Ang Basilisk dragon ay isang class-S na mythological creature, malaki at mataba ang dragon na ito na may anim na paa. May kakayahan ding magbuga ng apoy ang mga Basilisk dragon at bukod sa apoy ay may kakayahan din itong gumamit ng mga earth element. ***

“Hoy Zazan! Kung totoo nga ang sinabi mong ikaw ang ika-limang reincarnation ni Zenon Reign Icarus! Bakit hindi mo ako subukan!?” Sambit ni Roi Maru.

“Subukan?” Tanong naman ni Zazan.

“Oo! Subukan mo ako! Mag-duel tayo!” Nakangiting pagkakasambit naman ni Roi.

 

“Duel? Isang shaman fight?” Tanong muli ni Zazan.

“Oo nga! *Tss! Hindi kasi ako naniniwala sa mga sinabi mo kahapon at mukhang sinabi mo lang ang mga bagay na yon para lang mapansin.” Sambit muli ni Roi.

 

“Ganon ba? Okay sige, tinatanggap ko ang paghamon mo.” Nakangiting pagkakatugon naman ni Zazan.

 

“Good! Magkita tayo mamayang lunch break sa school grounds!” Nakangiti ring pagkakasambit ni Roi.

“Okay!” Nakangiti muling pagkakasambit ni Zazan.

Ilang sandali pa ay bumalik na ang tatlo sa kani-kanilang mga upuan. Samantala, agad naman kinausap ni Airen itong si Zazan, dahil katabi lang niya ito at narinig din nito ng malinaw ang nangyaring pag-uusap.

 

“Whoi! Zazan! Kahit isang satyr si Roi ay magaling siyang makipaglaban.” Sambit ni Airen.

Agad naman napa-lingon si Zazan kay Airen, matapos nitong marinig ang pangalan niya at kalaunan ay tinugon na niya ito.

“Ganon ba? Pero wag kang mag-alala. Wala naman kasi silang elementong taglay eh, kaya madali lang ang labang ito para sa’kin.” Tugon naman ni Zazan.

Sa mga oras na ito ay hindi na nagawang magsalita pa ni Airen, dahil dumating na ang kanilang susunod na guro at ito ay walang iba kundi si Mr. Augost Skyland.

Makalipas ang halos tatlong oras ay oras na nga ngayon ng kanilang lunch break. Nagmadali ang magkakaibigan at sa ngayon ay kasama na nila si Aron, upang puntahan ang dati nilang classroom, dahil kanina pa nila gustong makita ang “Rain” na tinutukoy ni Airen. Pero ng makarating na sila at makapasok sa loob ay hindi na nila ito nakita. Hindi rin nila nakita si Airen, kaya ang sa tingin nila ay baka nasa cafeteria na ang mga ito at kumakain.

Halos ilang sandali lang ay narating na ng magkakaibigan ang cafeteria, ngunit bigo pa rin silang mahanap si Airen.

“Asan na ba yung kapatid ko!?” Inis na pagkakasambit ni Aron.

 

“Bakit hindi mo kaya siya tawagan!?” Inis namang pagkakasambit ni Annie.

 

“Oo nga no!? Bakit ba ngayon lang na’tin ito naisip?” Nakangiti namang pagkakasambit ni Aron habang nagkakamot ng kaniyang ulo.

 

*** SFX: TOOOOINKS! ***

“Araay!” Inis namang pagkakasambit ni Aron matapos siyang kutusan ng malakas ni Selina.

 

“Bilisan mo at tawagan mo na siya!” Galit na pagkakasambit ni Selina.

“Okay..” Malungkot namang pagkakatugon ni Aron.

Ilang sandali pa nga ay sinubukan ng tawagan ni Aron ang kaniyang kapatid, gamit ang kaniyang telepono. Mabilis namang sinagot ni Airen yung tawag.

“Oi kuya!? Bakit ka napatawag?” Sambit ni Airen.

“Nasaan ka ngayon? Nasaan na si Rain?” Sambit naman ni Aron.

 

“*Ahh! Nandito kami sa school grounds! Nakikipag-duel siya ngayon sa isa sa mga kaklase ko.” Tugon naman ni Airen.

 

“Ano!? Duel agad!? Ayos! Mukhang walang dudang si Rain na nga siya!” Masayang pagkakasambit ni Aron.

Matapos nito ay ibinaba na ni Aron ang tawag at masayang ipinaalam niya sa mga kaibigan ang balita.

“Tara na sa field! Nandon ang kapatid ko at si Rain!” Masayang pagkakasambit ni Aron.

Walang pag-aaksaya ay mabilis na nagtungo ang magkakaibigan sa school grounds at ng makarating ay agad nilang nasaksihan ang ginawang pag-atake ni Zazan, laban sa kaniyang kalaban, ang “Orion Slash”.

Samantala, mapunta naman tayo kila Airen “kanina”, bago pa magsimula ang isang shaman fight sa pagitan ni Zazan at ni Roi. Sa ngayon ay kasalukuyan ng nasa gitna ng field ang dalawa at halos marami na rin ang nanonood sa kanila.

 

“Tingnan nga na’tin kung nagsasabi ka ng totoo!” Nakangiting pagkakasambit ni Roi.

Matapos magsalita ni Roi ay mabilis na niyang sinugod si Zazan gamit ang kaniyang sandata, pero agad din siyang huminto matapos siyang pigilan ng kaniyang katunggali.

 

“Teka! Teka! Teka! Hindi ito patas eh!” Pagrereklamo naman ni Zazan.

 

*Huh!? Bakit naman!?” Inis namang pagkakatanong ni Roi.

 

*Eh wala akong sandata eh!” Tugon naman ni Zazan.

Napakamot na lang ng ulo itong si Roi, pero ilang sandali pa ay umulan ng mga sandata at kalaunan ay natabunan nito si Zazan. xD

(Note: Mga manunuod ang mga nagbato ng mga sandata kay Zazan, dahil naiinip na sila sa magaganap na paglalaban. xD)

 

“Tama na ang reklamo at magsimula na kayong maglaban!” Sigaw ng isa sa mga manonood.

Ilang sandali pa ay nakapili na nga si Zazan ng sandatang gagamitin at ito ay isang ispadang gawa sa kahoy. (Wooden katana)

*Fufufu.. Sigurado ka na bang yan lang ang gagamitin mo? Maraming tunay na sandata ang nasa harapan mo, pero bakit ang ispadang kahoy pa na yan ang napili mo?” Nakangiting pagkakasambit ni Roi.

“Tama lang ang sandatang ito, baka kasi mapatay kita kung sakaling gumamit ako ng tunay na sandata eh.” Tugon naman ni Zazan.

Halos magsalubong ang mga kilay ni Roi sa galit, dahil sa kaniyang mga narinig, kaya naman galit na itong nagsalita.

 

“Ikaw! Ginagalit mo talaga ako!” Galit na pagkakasambit ni Roi.

*Huh!? Sorry kung na offend man kita. Kasi naman nagsasabi lang ako ng totoo, ayoko kasing mapatay ka.” Sambit muli ni Zazan.

Sa mga oras na ito ay hindi na napigilan ni Roi ang kaniyang galit, kaya mabilis na niyang sinugod si Zazan.

“Tumahimik ka!” Galit na pagkakasambit ni Roi, habang mabilis na sumusugod.

 

“Haisst! Hindi niya talaga ako naunawaan. Ang mabuti pa ay ipakita ko na lang sa kaniya.” Sambit ni Zazan derekta sa kaniyang isipan.

 

 “** ENCHANT! INFINITE BURNING KATANA! **” Sambit ni Zazan.

Nagulat naman si Roi sa ginawang pag-enchant ni Zazan, pero hindi siya nasindak dito at ipinagpatuloy lang niya ang kaniyang pag-atake.

“Tanggapin mo ito! ** FRONT SHOVE! ** Malakas na pagkakasambit ni Roi.

Isang mabilis na pag-atake ang pinakawalan ni Roi, pero naiwasan lang ito ni Zazan, matapos niyang tumalon paatras.

“Pasensya ka na, pero tatapusin ko na agad ang laban na’ting ito. ** ORION SLASH! ** Sambit ni Zazan.

Sa ngayon ay hindi na nagawang makaiwas pa ni Roi sa ginawang pag-atake ni Zazan sa kaniya. Agad siyang tumilapon matapos tamaan at nasundan pa ito ng dalawang ulit habang patuloy siyang lumulutang sa ere, gawa ng pagtalsik niya sa bawat pag-atakeng tumatama sa kaniya.

At sa mga oras na ito ay saktong nasaksihan ng magkakaibigan ang ginawang skill ni Zazan.

“Ang Orion slash ni Rain! Walang dudang si Rain na nga yon!” Masayang pagkakasambit ni Aron.

“Tara, dali at lapitan na na’tin siya!” Masayang pagkakasambit naman ni Annie.

Nagmadali na ang lima sa pagpunta sa kinaroroonan ni Zazan sa ngayon. Samantala, hindi naman kinumplento ni Zazan ang Orion slash, dahil hindi nito ginawa ang “Ignite exe” na pang-finale nitong skill. Agad tumama sa pader si Roi at nawalan ng malay at sa mga oras ding ito ay nagsigawan na ang mga tao.

“Wow! Ang lupet non!” Sigaw nung isa sa mga manonood.

 

“Grabe! Parang ganon din yung ginawa ni Mark dun sa unang nakalaban niya kahapon ah!” Sambit naman nung isa pa sa mga manonood.

 

“Oo nga! Pero astig pa rin ang batang yon!” Masayang pagkakasambit pa ng isa sa mga manonood.

Ilang sandali pa ay mabilis na nilapitan ni Airen si Zazan upang batiin at sa mga oras din ito ay halos malapit na ang magkakaibigan sa kanila.

“Rain! Airen!” Sigaw ni Aron.

Agad namang napalingon si Airen matapos marinig ang boses ng kaniyang kuya.

“Kuya Aron!” Masayang pagkakasambit ni Airen.

Makalipas ang ilang sandali ay tuluyan ng nakalapit ang magkakaibigan at laking tuwa nila sa kanilang nakita. Malaki kasi ang pagkakahalintulad ni Zazan kay Rain, pero ilang sandali pa ay laking gulat naman nila ng bigla nilang nakita si Lina at dali-dali nitong niyakap si Zazan.

“Lina!?” Gulat na pagkakasambit ni Selina.

Labis din ang pagkagulat ni Zazan, dahil may isang hindi kilalang babae ang yumakap sa kaniya.

“Rain! Mabuti naman at ligtas ka!” Umiiyak habang sinasambit ito ni Lina.

 

“Ano, miss.. Excuse me lang, pero hindi kasi kita kilala eh.” Sambit naman Zazan.

Hindi naman nagawang magsalita pa ni Lina, dahil hindi na niya inintindi ang mga sinabi ni Zazan sa kaniya. Sa ngayon kasi ay labis ang kasiyahang nararamdaman niya, sa wakas kasi ay nakita na niyang muli si Rain.

Sa mga oras na ito ay tuluyan ng lumapit ang magkakaibigan kay Zazan at matapos noon ay inaya na nila itong magtungo sa cafeteria upang doon sila makapag-usap. Pumayag naman si Zazan, kaya agad na silang nagtungo doon.

Makalipas ang ilang mga minuto ay kasalukuyan na silang nasa “Special Zone Area”, sa loob ng cafeteria.

“Ano.. Airen, sino sila?” Tanong ni Zazan kay Airen.

 

*Ahh! Sila nga pala ang mga dati mong naging kaibigan.” Tugon naman ni Airen kay Zazan.

“Mga dati kong kaibigan? Teka! kung ganon sinabi mo sa kanila na ako ang ika-limang reincarnation ni Zenon?” Nagtataka nung una pero kalaunan ay gulat na pagkakasambit ni Zazan kay Airen.

*Hehehe.. Ganon na nga..” Nakangiti namang pagkakatugon ni Airen.

“Pero, kahit hindi sabihin ni Airen sa’min ay malalaman agad na’ming ikaw nga ang dati na’ming kaibigan. Sa mukha palang naman kasi eh.” Sambit naman ni Mark.

“Ga..ga..ganon ba?” Medyo nahihiya namang pagkakasambit ni Zazan.

“Hindi mo na ba talaga kami naalala, Rain?” Tanong ni Annie kay Zazan.

“Sorry, pero hindi eh.” Tugon naman ni Zazan kay Annie.

*Hmmm.. Maiba ako, ilang taon ka na ba, Rain?” Tanong naman ni Selina.

*Umm.. Sa ngayon ay sinabi kong 15 years old pa lang ako. Pero ang totoo ay masasabi kong dalawang taon palang ako.” Tugon naman ni Zazan kay Selina.

“Dalawang taon? Papaano nangyaring dalawang taon ka pa lang? Pero tugma yon sa pagkawala ni Rain.” Walang emosyong pagkakasambit naman ni Alex.

“Sa totoo lang ay hindi ko din alam. Nagising na lang kasi akong ganito at wala akong maalala kahit ano.” Sambit muli ni Zazan.

*Hmmm.. Wala akong maisip na dahilan kung bakit ka nasa ganiyang edad. Hindi kaya dahil mahina ka pa, bago nung nareincarnate ka?” Sambit naman ni Mark.

“Hindi ko alam ang tungkol sa bagay na yon, pero nakwento naman ng mga kumopkop sa’kin ang dati kong naging buhay.” Tugon naman ni Zazan.

 

“Speaking of that! Saan ka nakatira ngayon! At sino ang mga kumuha sayo?” Tanong naman ni Annie.

 

“Tama si Annie! Sabihin mo kung sino ang kumuha sayo!” Sambit naman ni Lina.

 

“Pasensya na, pero mahigpit na bilin sa’kin na wag ko silang babanggitin kahit kanino.” Mahinang pagkakatugon naman ni Zazan.

“Ganon ba? Pero ayos lang yon. Hindi na muna mahalaga ang bagay na yon sa ngayon at ang importante ay kasama ka na na’min muli.” Masayang pagkakasambit naman ni Mark.

Ilang sandali pa matapos magsalita ni Mark ay biglang narinig nila ang kumakalam na sikmura ni Zazan at dito ay naalala nilang hindi pa pala sila kumakain.

Samantala, mapunta naman tayo ngayon kila David, Melisa at Krystine. Sa ngayon ay palihim nilang sinusundan ang bagong transfer sa kanilang section, si Luke Ainsgate.

 

“Saan ba siya pupunta?” Mahinang pagkakasambit ni Melisa.

“Hindi ko rin alam, kaya nga na’tin siya sinusundan diba?” Mahinang pagkakasambit naman ni David.

“Si Rain! Si Rain!” Sambit naman ni Krystine.

Alam nila David at Melisa na kasama na ng kaniyang mga kaibigan ang “Rain” na tinutukoy ni Mark sa text nito kagabi sa kanila, kaya hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nila ipinapaalam sa mga ito ang bagong transfer sa kanilang section. Malaki din kasi ang pagkakamukha nito ni Rain at sa ngayon ay ka-edad nila ito, kaya malaki ang posibilidad na ito ang tunay na Rain na kanilang kaibigan.

Habang sinusundan ng tatlo si Luke ay bigla na lang itong nawala sa kanilang paningin ng bigla itong lumiko.

“Nasaan na siya!?” Tanong ni David.

Pero laking gulat nila ng may marinig silang isang boses sa kanilang likuran.

“Bakit nyo ako sinusundan?” Sambit ni Luke sa tatlo.

Mabilis namang napalingon ang tatlo at sa pagkakataong ito ay mabilis nagpalusot si David.

“Hindi! Hindi! Hindi ka naman na’min sinusundan eh!” Natatarantang pagkakasambit ni David.

“Hindi ba kanina pa na’tin siya sinusundan?” Tanong naman ni Krystine kay David.

Halos lumuwa ang mga mata nila David at Melisa sa labis na pagkagulat at sa pagkakataong ito ay wala na silang maisip na sasabihin kay Luke. At dahil wala ng maisip na pagpapalusot si David ay hindi na ito nagpaligoy-ligoy pa at derekta na nga niya itong tinanong.

 

“Sino ka ba talaga? Ikaw ba ang kaibigan na’ming si Rain?” Tanong ni David.

“Rain? Hindi ko alam ang pinagsasasabi mo. At ang pangalan ko ay Luke, Luke Ainsgate. At isa lang akong tao.” Sambit naman ni Luke.

“Tao? Isa ka lang tao?” Tanong naman ni Melisa.

“Oo at ano naman kung isa lang akong tao?” Tugpn naman ni Luke.

“Hindi ka ba talaga si Rain?” Tanong naman ni Krystine.

“Pasensya na pero hindi ko talaga kilala ang tinutukoy nyong Rain. At bakit nyo ba siya na pagkakamalang ako? Nawalala ba siya?” Sambit muli ni Luke.

“Ganon na nga. Dalawang taon na siyang nawawala at sa ngayon ay patuloy pa rin siyang hinahanap si Mr. Drake at Mrs. Rachelle sa mundo ng mga tao.” Tugon naman ni David.

“Dalawang taon? Nasa loob lang kami ng Ceto city kasama ang pamilya ko ng mga panahong yon, kaya wala akong alam sa mga sinasabi nyo. At kung malaki man ang pagkakamukha ko sa “Rain” na sinasabi nyo ay baka kamukha ko lang talaga siya.” Sambit muli ni Luke.

“Pero.. hindi ako maaaring magkamali, ikaw talaga si Rain! Ang mukha mo at ang boses mo ay katulad na katulad ng sa kaniya.” Medyo malungkot namang pagkakasambit ni Krystine.

“Pasensya na talaga pero ako si Luke, Luke Ainsgate. At kung wala na kayong sasabihin pa ay maaari na ba akong umalis?” Sambit muli ni Luke.

Sa mga oras na ito ay sandaling natahimik ang tatlo, pero kalaunan ay nagsalita na ng muli si David.

*Uhm! Maaari ka ng umalis at pasensya ka na kung naistorbo ka man na’min. Pero maaari ko bang itanong kung bakit ka nagpunta dito?” Sambit ni David.

Biglang napakamot ng patilya si Luke at napatingin sa itaas. At ilang sandali pa nga ay nahihiya na itong nagsalita.

 

“Hinahanap ko kasi yung cafeteria. Pero mukhang naliligaw na yata ako.” Sambit ni Luke.

*Ptttt.. *Ahem! *Ahem! Okay, sorry pero nasa kabilang side yung cafeteria.” Pigil sa pagtawa ng sambitin ito ni Melisa.

 

“Kung gusto mo, sumama ka na sa’min. Dun din na kasi ang punta na’min eh.” Sambit muli ni David.

 

“Wag ka ng mahiya pa, sumama ka na.” Nakangiting pagkakasambit naman ni Melisa.

*Hmmm.. Okay.” Mahinang pagkakatugon naman ni Luke.

Matapos mag-usap ay sabay na ngang nagpunta ang apat sa cafeteria. At halos ilang minuto lang ay narating na nila ito. Sa mga oras na ito ay nagpaalam na si Luke sa tatlo at kalaunan ay nagtungo na sa may harapan upang bumili ng kaniyang pagkain. Samantala, dumiretso naman ang tatlo sa Special zone, upang makipagkita sa kanilang mga kaibigan at upang makakain na rin.

Sa pagpunta ng tatlo ay agad silang nakita ng kanilang mga kaibigan/dating kaklase.

 

“Oy David, Melisa! Whoa! Krystine! Teka lang, bakit ngayon lang kayo?” Masayang pagkakasambit ni Aron.

“Hello?” Nakangiti namang pagkakasambit ni Krystine.

Matapos magsalita ni Krystine ay bigla itong nagtaka sa kaniyang nakikita sa mga dating kaklase, tila ba ang lapit-lapit ng mga ito sa isa’t-isa ngayon, hindi tulad noon na halos nagbabatian lang sila. Kaya naman agad na siyang nagtanong sa kung ano ba ang mga nangyayari.

(Note: Maliban sa mga Eyesdrap, Chris, Sai, Ryan, Roby, Blyde, Aris at Rein ay sama-samang nandito sa special zone ang buong class fire-2 at magkakasama sila ngayon na hindi naman nila kalagiang ginagawa magmula nung nawala si Rain. xD)

 

“Bakit parang ang saya nyo naman ngayon, Khaye?” Tanong ni Krystine kay Khaye.

 

“Hindi mo pa ba nakikita si Rain? Andito siya oh!” Masayang pagkakasambit naman ni Khaye habang nakaturo kay Zazan.

Agad namang napalingon si Krystine, pati na rin sila David at Melisa sa dereksyon kung saan nakaturo si Khaye at laking gulat ng mga ito sa kanilang nakita.

 

“Rain!?” Gulat na pagkakasambit ni David.

“Siya na ba talaga si Rain!?” Gulat ding pagkakasambit ni Melisa.

“Walang dudang si Rain na nga siya. At Zazan nga pala ang ginagamit niyang pangalan ngayon.” Nakangiting pagkakasambit naman ni Mark.

“Teka, papaanong naging dalawa si Rain?” Nagtatakang pagkakasambit naman ni Krystine.

“Dalawang Rain?” Nagtataka namang pagkakasambit ni Annie.

“Kasi may bago kaming kaklase at isa siyang transfer student. Kamukhang-kamukha din siya ni Rain.” Sambit muli ni Krystine.

Biglang natahimik ang magkakaibigan, pero ilang sandali pa ay tumayo na si Zazan at kalaunan ay naglakad papalabas ng special zone.

“San ka pupunta, Rain?” Tanong ni Lina kay Zazan.

 

“Hindi na ako si Rain. Ako na si Zazan at matagal ng patay ang naging kaibigan nyo.” Seryosong pagkakasambit ni Zazan.

Ikinagulat ng magkakaibigan ang kanilang mga narinig at dahil dito ay hindi nila nagawang magsalita.

“Airen, mauuna na akong bumalik sa classroom na’tin ah. Sa lahat, maraming salamat sa pagkain.” Sambit muli ni Zazan.

Matapos magsalita ay umalis na nga si Zazan. Wala namang pumigil sa pag-alis nito, dahil naisip ng bawat isa na totoo ang mga sinabi ni Zazan kanina. Wala na si Rain na naging kaibigan nila, dahil nareincarnate na ito at nabura na ang mga alala.

Sandaling napatingin naman si Airen sa malulukot na mukha ng mga kaibigan ng kuya niya at makalipas lang ang ilang sandali ay sinundan na rin niya si Zazan pabalik sa kanilang classroom.

Sa mga oras na ito ay binasag na ni David ang kalungkutang bumabalot sa kaniyang mga kaibigan.

“Cheer up guys! Kahit alam na’ting nabubura ang mga alala ng mga phoenix sa oras na mareincarnate sila ay hindi naman na’tin alam kung hindi na ba ito babalik pa. Siguro naman posibleng bumalik pa ang mga naging alala nila, hindi ba?” Sambit ni David.

“Imposible ang sinasabi mong yan, David. At kung totoo man yan ay sana maalala na tayong lahat ni Rain.” Sambit naman ni Lina.

“Sandali lang, maiba lang ako. Tungkol nga pala sa sinasabi ni Krystine, totoo bang may bago kayong kaklase at kamukhang-kamukha din ito ni Rain?” Sambit naman ni Selina.

*Uhm! Kaya nga ngayon lang kami nakapunta dito eh. Sinundan kasi na’min siya kanina at kinausap.” Sambit naman ni Melisa.

 

“Talaga? Nasaan naman siya ngayon?” Tanong muli ni Selina.

 

“Kasama na’min siyang nagpunta dito sa cafeteria at sa ngayon ay kumakain na siguro siya.” Sambit muli ni Melisa.

Agad namang hinanap ni Selina itong si Luke sa buong cafeteria, pero bigo siyang makita ito. Samantala, mapunta naman tayo kay Luke, kasalukuyan siya ngayong nakahiga at kumakain ng tinapay sa tabi ng isang malaking puno na nasa loob ng Secret garden.

*Munch! *Munch! *Gulp! Dalawang taon na rin pala ang lumipas. Kamusta na kaya sila ate ngayon?” Sambit ni Luke.

Matapos maubos ni Luke ang kaniyang tinapay ay agad na itong bumalik sa kanilang classroom, dahil malapit na din kasing matapos ang kanilang lunch break.

 Chapter end.

 Afterwords

Hello, ako muli.. haha.. Sa mga gustong maging updated sa mga ginagawa ko o sa mga gustong makausap ako.. maaari lang po kayong pumasok sa group page ng SOM..

eto po yung link.

https://www.facebook.com/groups/SchoolOfMyths/

Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..

Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..

Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..

Susunod.

Chapter 3: Ang pagbabalik ng mga Draken.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top