Chapter 18: Mishia Crimson.
Kinabukasan, July 06, CS242. Umaga ng araw na ito sa loob ng classroom ng class wind-3. Sa ngayon ay saktong kakapasok pa lang ni Eimi ng kanilang classroom. Agad niyang hinanap si Luke, pero wala pa ito dito.
“Wala pa pala si Luke.” Medyo malungkot na pagkakasambit ni Eimi.
Matapos magsalita ay nagsimula ng maglakad patungo sa kaniyang upuan si Eimi. At sa mga oras na ito ay hindi niya sinasadyang marinig ang pag-uusap nila David at Melisa, kaya naman nilapitan na niya ito para magtanong.
“David, Melisa.” Sambit ni Eimi.
Agad namang napalingon ang dalawa at kalaunan ay mabilis na tinugon si Eimi.
“Bakit, Eimi?” Tanong naman ni Melisa.
“Kaibigan nyo si Lina Gordania, diba?” Tanong ni Eimi.
“*Uhm! Pero bakit mo naman na tanong?” Tugon naman ni Melisa.
“Tungkol kasi ito sa boyfriend niya..” Medyo mahinang pagkakasambit ni Eimi.
“Boyfriend?” Tanong naman ni Melisa.
“Si Rain ba ang tinutukoy mo?” Tanong naman ni David.
“Rain?” Tanong din ni Eimi.
“*Uhm! Si Rain Esfalls, ang kaibigan na’min. Dalawang taon na din siyang nawawala.” Sambit muli ni David.
“Teka lang David, naging sila ba ni Lina? Hindi ba’t may pangako lang si Rain kay Lina nung mga bata pa sila?” Sambit naman ni Melisa kay David.
Sa mga sandaling ito ay hindi nagawang magsalita ni Eimi, dahil tugma sa mga narinig nito kay Lina na kinumpirma naman ni Luke ang mga sinabi ngayon nila David at Melisa.
“Ang pangako ba nung “Rain” na tinutukoy niya ay pakakasalan niya si Lina?” Tanong muli ni Eimi.
Sa pagkakataong ito ay sabay na napalingon sila David at Melisa kay Eimi.
“Oo, pero papaano mong nalaman ang bagay na yon?” Medyo gulat na pagkakatugon ni Melisa.
“*Ahh.. Alam nyo kasi.. magkaibigan kami ni Lina, kaya naman nasabi niya ang bagay na yon sa’kin.” Tugon naman ni Eimi.
“*Ahh! Kaya pala.” Sambit naman ni David.
“Pero maitanong ko lang, ang “Rain” ba na ‘to yung tinutukoy ni Aron Draken na kamukha ni Luke?” Tanong muli ni Eimi.
“*Uhm! Siya na nga, sobrang laki talaga ng pagkakamukha ni Luke at ni Rain. Pero isang tao lang talaga si Luke at tsaka nakita na na’min si Rain, kaya hindi talaga si Luke yon.” Tugon ni Melisa.
“Hindi si Luke si Rain? Pero ang mga narinig ko mula sa kanila tungkol sa “Rain” na ito ay tugma sa mga sinabi ni Luke sa’kin kahapon. At nandon pa si Lina ng mga oras na yon. Ano ba ang nangyayari? Sino ba talaga si Luke? Siya ba ang kaibigan nila David na si Rain? Ngayon tuloy ay nagdududa na ako sa katauhan niya, mukhang kailangan ko ng tulong ni Claudette ngayon.” Sambit ni Eimi derekta sa kaniyang isipan.
“Eimi?” Sambit ni Melisa.
“*Ahh! Sorry, may naalala lang kasi ako eh. Last na tanong na pala, anong klaseng nilalang itong si Rain?” Sambit muli ni Eimi.
Sa mga oras na ‘to ay nagtinginan muli sila David at Melisa, nagtaka naman si Eimi sa mga ikinilos ng dalawa.
“Isa siyang mythical shaman, pero hindi na’min pwedeng sabihin kung anong klaseng mythical shaman siya eh. Sorry, pero sana maunawaan mo.” Tugon ni David.
“*Ahh! Okay lang, nauunawaan ko. Maraming salamat sa inyo, sige punta na ako sa upuan ko ah.” Sambit muli ni Eimi.
Ilang sandali pa ay narating na ni Eimi ang kaniyang upuan. Sa kaniyang pag-upo ay agad siyang napaisip sa kung anong klaseng lihim ang itinatago ni Luke sa kanila.
“Isang mythical shaman si Rain? At kung si Rain ay si Luke nga, kung ganon isang mythical shaman si Luke? Pero bakit hindi sinabi nila David sa’kin kung anong klaseng shaman si Rain? *Hmmm.. Mukhang kailangan ko na nga talaga ang tulong ni Claudette, hindi matatahimik ang kalaooban ko nito hanggat hindi ko nalalaman ang buong katotohanan sa katauhan ni Luke.” Sambit ni Eimi derekta sa kaniyang isipan.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Luke. Agad nitong binati si Eimi, pero tahimik lang ito at hindi siya tinugon.
“Mukhang galit pa rin sa’kin si Eimi. *Tsk! Bakit ba kasi nangyari ang mga bagay na yon kahapon?” Sambit ni Luke derekta sa kaniyang isipan.
Mapunta namang tayo sa Dragon Empire sa ngayon. Kasalukuyang may kausap sa kaniyang kwarto si Drake at ito ang babaeng laging nakikita ni Aron na kasama nito.
“Drake! Nakakabagot naman dito! Magsanay na lang tayo sa bahay nila miss Raziel.” Sambit ni Mishia.
*** Mishia Crimson. Sa ngayon ay tanging sila Rain at ang iba pa ang nakakaalam sa tunay nitong pagkatao. Matalino, maasahan, mabait at mabilis magbago ang mood nitong si Mishia.
Slim ang pangangatawan nitong si Mishia, nasa 5’2 ang kaniyang taas, makinis at maputi ang kaniyang balat, Blonde at mahaba ang kaniyang buhok at sakto lang ang hinaharap. (if you know what I mean! :3) ***
“Marami pa akong ginagawa Mishia, kung gusto mo ay magtungo ka na lang don ng mag-isa.” Tugon naman ni Drake.
“*Ehh! Mamaya na kasi yan! Hindi ba’t ipinagkatiwala ako sayo nila Mama at Papa!” Sambit muli ni Mishia.
“Hindi talaga ako pwede sa ngayon. Alam mo naman ang daan patungo sa bahay, kaya mabuti pang ikaw na lang ang magtungo doon.” Sambit muli ni Drake.
“*Psss! Okay sige! Nauunawaan ko, sorry kung naistobo kita ah!” Dismayadong pagkakasambit ni Mishia.
Matapos magsalita ay lumabas na nga si Mishia sa kwarto at kalaunan ay lumabas na din ng Dragon Empire. Sa ngayon ay binabalak niyang magtungo sa bahay nila Rachelle upang dito ay magsanay siyang muli sa ilalim nila Rachelle, Hades, Zeren at Eclaire.
Mabalik tayo sa classroom ng class Wind-3. Kakatapos lang ng kanilang unang klase at sa ngayon ay hindi pa dumarating ang susunod nilang guro, kaya naman agad ng nilapitan si Luke ng mga bago niyang kaibigan.
“Luke, natapos mo ba yung assignment sa science?” Tanong ni Blazec.
*** Blazec Wilabkrazy. 17 years old at isa lamang siyang tao. Gwapo, matalino, seryoso, ngunit pala-kaibigan. Mayaman din itong si Blazec, dahil nagta-trabaho ang kaniyang pamilya sa ilalim ng kumpanya ng mga Lernards.
Slim ang pangangatawan nitong si Blazec, mga nasa 5’5 ang kaniyang taas, maputi ang kulay ng kaniyang balat, brown at nasa tamang haba naman ang kaniyang buhok. ***
“*Hah? *Ahh! Oo, natapos ko naman.” Tugon naman ni Luke.
“Mabuti naman kung ganon, pero teka lang. Bakit parang may problema ka yata?” Sambit muli ni Blazec.
“Mukhang galit pa rin sa’kin si Eimi eh.” Tugon muli ni Luke.
“Galit? Bakit? Nag-away ba kayo?” Tanong muli ni Blazec.
“*Hmm.. Parang ganon na nga.” Tugon muli ni Luke.
“ Goodluck na lang sayo!” Medyo awkward na pagkakasambit muli ni Blazec.
“Salamat ah! Nakatulong ng malaki yun.” Dismayado namang pagkakasambit ni Luke.
Matapos magsalita ni Luke ay napatingin ito kay Eimi, pero bigla na lang siyang kinabahan matapos makitang papalapit na ito sa kaniya.
“Goodluck!” Mahinang pagkakasambit ni Blazec.
“*Oh Odin! Please lend me your strength!” Sambit ni Luke derekta sa kaniyang isipan.
Ilang sandali pa ay tuluyan na ngang nakalapit si Eimi kay Luke. Samantalang napalunok na lang si Luke sa mga oras na ‘to.
“Luke.” Sambit ni Eimi.
“Ba..ba..bakit, Eimi?” Natataranta namang pagkakatugon ni Luke.
“Pwede ba tayong mag-usap mamayang lunch break?” Tanong ni Eimi.
“*Hah? Pe..pe..pero..” Natataranta muling pagkakasambit ni Luke.
“Pero?” Mahina pero galit ang tono ng pagkakasambit ni Eimi.
Sa mga oras na ito ay mas lalong natakot si Luke, kaya naman wala na itong nagawa pa kundi ang sumang-ayon. xD
“Okay sige, mag-usap tayo mamayang lunch break.” Mabilis na pagkakasambit ni Luke.
“Good!” Sambit muli ni Eimi.
Matapos magsalita ay agad na ring bumalik sa kaniyang upuan si Eimi.
“*Tsk! *Tsk! *Tsk! Mukhang seryoso ang problema mo ah, Luke.” Sambit ni Blazec.
“*Hahaha! Mukhang ganon na nga.” Medyo takot ang tono ng pagkakatugon ni Luke.
“Ano ba kasi ang ginawa mo? At talagang kay Eimi pa?” Sambit muli ni Blazec.
“Haay! Basta, mahabang kwento.” Tugon muli ni Luke.
Makalipas ang ilang mga oras at sa ngayon ay kasalukuyan ng nag-uusap sila Luke at Eimi sa may cafeteria. Pero ang ipinagtataka ni Luke ay kung bakit may kasama itong si Eimi na ibang babae at sa ngayon ay katabi pa niya.
“*Umm.. Eimi? Sino nga pala itong katabi ko?” Tanong ni Luke.
“Ay sorry, siya nga pala si Claudette Civerb ng class Fire-3. Isa din siyang vampire tulad ko.” Sambit naman ni Eimi.
“*Gulp! Mukhang nagtawag pa siya ng back-up para lang gulpihin ako! *Huhuhu!” Sambit ni Luke derekta sa kaniyang isipan.
“Hello, ako nga pala si Claudette. Nice to meet you.” Sambit naman ni Claudette.
“*Ahh! Hello din, ako nga pala si Luke Ainsgate.” Sambit naman ni Luke kay Claudette.
Matapos magsalita ni Luke ay agad hinawakan ni Claudette ang mga kamay nito. Labis namang nagulat si Luke dahil walang siyang ideya sa gustong palabasin ni Claudette sa ginagawa niyang ito sa ngayon.
“Te..te..teka! Ba..ba..bakit?” Gulat na pagkakasambit ni Luke.
Lumipas lang ang halos labing limang segundo ay tuluyan ng binitiwan ni Claudette ang pagkakahawak nito sa mga kamay ni Luke at matapos noon ay nagmamadali na itong umalis. Lalo lang tuloy na-wirduhan si Luke dito kay Claudette.
“*Huh? Anong nangyari dun? Bakit bigla na lang siyang umalis matapos hawakan ang mga kamay ko?” Tanong ni Luke.
“*Hahaha! Wag mo ng pansinin pa si Claudette. Mahiyain kasi siya, kaya siya ganon.” Sambit naman ni Eimi.
“Mahiyain pa siya ng lagay na yon?” Sambit ni Luke derekta sa kaniyang isipan.
“*Umm.. Sorry nga pala tungkol dun sa nangyari kahapon.” Sambit muli ni Luke.
“Nangyari kahapon? *Ahh! Wala yon, alam kong si Lina lang naman ang nagsabi ng mga yon eh. So, don’t worry.” Nakangiting pagkakasambit ni Eimi.
“*Heh!? Hindi ba tungkol sa bagay na yon ang pag-uusapan na’tin ngayon?” Tanong naman ni Luke.
“Nope!” Nakangiti muling pagkakatugon ni Eimi.
“Talaga? Kung hindi yon, eh ano naman ang pag-uusapan na’tin?” Tanong muli ni Luke.
Sa mga sandaling ito ay biglang naging seryoso ang ekspresyon ng mukha ni Eimi. Labis naman napapa-isip si Luke sa kung anong bagay ang gusto nilang pag-usapan.
“Magtapat ka nga sa’kin. Si Rain at ikaw ba ay iisa?” Seryosong pagkakatanong ni Eimi.
Labis na nagulat si Luke sa kaniyang mga narinig, kaya naman hindi na siya nakapagsalita pa.
“Ikaw nga ba talaga si Rain? Yung kaibigan nila David at Melisa?” Tanong muli ni Eimi.
Sa mga oras na ito ay napangiti na lang si Luke na napansin naman ni Eimi.
“Rain? Nagtataka na ako ah, sino ba talaga itong si Rain at lagi na lang akong napagkakamalang siya? Kakilala mo din ba itong Rain na ‘to, Eimi?” Sambit ni Luke.
Sandaling natahimik si Eimi, dahil hindi naman talaga niya kilala si Rain at hindi rin niya alam kung ano ba ang itsura nito.
“Hindi eh, pero maraming nagsasabi sa’king kamukhang-kamukha mo daw talaga siya.” Sambit muli ni Eimi.
“Ako si Luke Ainsgate, isa lang akong tao at siguro nagkataon lang na magkamukha kami nung Rain na sinasabi nyo.” Seryosong pagkakasambit ni Luke.
“Siguro nga..” Medyo mahina namang pagkakasambit ni Eimi.
Samantala, mapunta naman tayo ngayon kay Mishia. Kanina pa ito paikot-ikot hindi kalayuan sa Dragon empire, dahil kanina pa siya naliligaw.
“*Tsk! Saan na ba yun daan? Bwisit kasi si Drake eh!” Inis na pagkakasambit ni Mishia habang naglalakad.
Naglakad ng naglakad si Mishia hanggang sa marating niya ang Olympus university. Sandali siyang napahinto sa harapan ng gate nito.
“Sa pagkaka-alala ko ay dito nag-aaral sila Lina at Rain. *Ahh! Tama! Hahanapin ko sila dito at itatanong ko sa kanila ang daan patungo sa bahay nila miss Raziel.” Sambit ni Mishia derekta sa kaniyang isipan.
Ilang sandali pa nga ay pumasok na sa loob ng campus si Mishia. Pinagtitinginan naman siya ng mga istudyanteng nakakasalubong o kaya ay nakakakita sa kaniya.
“Sino yon?” Sambit ng isa sa mga istudyante.
“Whoa! Ang ganda niya! Sino kaya siya?” Sambit pa ng isa sa mga istudyante.
“Model ba siya?” Sambit pa ng isa sa mga istudyante.
“Sa tingin ko new student siya dito! Ano kaya ang pangalan niya?” Sambit pa ng isa sa mga istudyante.
“Oo nga no! Sana kasing ganda niya ang maging girlfriend ko.” Sambit pa ng isa sa mga istudyante.
Sari-sari na at kani-kaniyang pag-uusap ang mga istudyanteng nakakita dito kay Mishia. Samantala, may isang grupo na ng mga kalalakihan ang lumapit sa kaniya.
“Hello miss? Mukhang bago ka dito ah.” Nakangiting pagkakasambit ni Andalus Berlin Baskerville kay Mishia.
“*Ahh! Oo ganon na nga! May hinahanap kasi akong istudyante dito, baka naman kilala nyo siya.” Tugon naman ni Mishia.
“Ano ba ang pangalan niya?” Tanong nung isa sa mga kasama ni Andalus Berlin Baskerville.
“*Hmm.. Luke nga pala ang pangalang ginagamit ni Rain sa ngayon. Ang mabuti pa ay si Lina na lang ang hanapin ko, para hindi magalit sa’kin si Rain.” Sambit ni Mishia derekta sa kaniyang isipan.
“Lina Gordania. Si Lina ang hinahanap ko. Baka naman kilala nyo siya?” Tugon ni Mishia.
Nagkatinginan naman ang grupo nila Andalus Berlin Baskerville at kalaunan ay sabay-sabay ngumiti ang mga ito.
“Si Lina ba kamo? Syempre naman kilala na’min siya. Ang totoo nga nyan ay mga kaibigan niya kami eh.” Masayang pagkakasambit nung isa pa sa mga kasamahan ni Andalus Berlin Baskerville.
“Talaga?” Masayang pagkakasambit naman ni Mishia.
“*Uhm! Kaya ang mabuti pa ay sumama ka na sa’min.” Masayang pagkakasambit naman ni Andalus Berlin Baskerville.
Matapos magsalita ni Andalus Berlin Baskerville ay agad hinawakan ng isa sa mga kasamahan nito ang kamay ni Mishia, pero sa mga sandaling ito ay biglang nakaramdam ng pagkainis at galit si Mishia. Agad nitong inalis ang pagkakahawak sa kaniya nung lalake at kalaunan ay napayuko.
“*Huh? Bakit? May problema ka ba, miss?” Tanong ni Andalus Berlin Baskerville.
“Sa tingin nyo ba ay mauuto ako ng mga mababang uri na tulad nyo?” Nakangiting pagkakasambit ni Mishia.
Napakunot na lang ng mga noo ang grupo nila Andalus Berlin Baskerville, dahil nagulat sila sa kanilang mga narinig.
“Sandali lang, nahulaan ba niya ang balak na’ming gawin sa kaniya?” Tanong ni Andalus Berlin Baskerville derekta sa kaniyang isipan.
“A..a..anong ibig mong sabihin don, miss? Hindi kasi na’min maintindihan eh.” Medyo awkward na pagkakasambit ni Andalus Berlin Baskerville.
“Ang mga mababang uri nga naman. Kung sa tingin nyo ay kaya niyo akong pagsamantalahan ay nagkakamali kayo.” Nakangiting pagkakasambit muli ni Mishia.
“Pagsasamantalahan? *Hahaha! At papaano mo namang nasabi ang bagay na yon, miss? Tutulungan ka na nga na’min tapos ito pa ang sasabihin mo sa’min?” Sambit nung lalakeng humawak sa kamay ni Mishia kanina.
Agad namang napalingon si Mishia dun sa lalakeng humawak sa kaniya kanina at kalaunan ay nagsalita.
“Sabihin mo nga, isa ka lang troll hindi ba? At nakakadiring isiping isang mababang uring tulad mo ang humawak sa’kin. Hindi ka ba nahihiya sa iba mong mga kauri? Sa paghawak mo palang sa kamay ko ay naramdaman ko na agad ang masamang intensyon nyo, kaya wag nyo na akong subukang lokohin pa, dahil magmumukha lang kayong mga tanga.” Nang-aasar ang tono ng pagkakasambit ni Mishia.
Sa mga oras na ito ay nainsulto na yung lalakeng humawak kay Mishia, kaya naman galit na itong nagsalita.
“Ikaw!? Sino ka para hamakin ang lahi ko!? Ngayon ay lalo lang tuloy akong nang gigigil…” Nabiting pagkakasambit nung lalake.
*** SFX: BUGS! WOOOOOOOOOOOOSH! BLAAAAAM! ***
Hindi pa man tapos magsalita yung lalakeng troll ay mabilis na itong tumilapon matapos suntukin ni Mishia sa mukha. Labis na nagulat si Andalus Berlin Baskerville at ang mga kasama nito sa ginawa ni Mishia sa kanilang kaibigan, kaya naman lalo na silang nag-init para ikasatuparan ang kanilang plano.
“Bitch! Magbabayad ka sa ginawa mo sa kaibigan ko! Sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang ginawa mong ito.” Galit na pagkakasambit Andalus Berlin Baskerville.
“Talaga lang ah! Tingnan ko lang kung sino ang magsisisi..” Nakangiting pagkakasambit ni Mishia.
Matapos magsalita ni Mishia ay agad nitong inangat ang kaniyang kanang braso at matapos noon ay nagsalita na ito.
“** WEAPON PHANTASM! ETHEREAL EDGE! **” Nakangiting pagkakasambit ni Mishia.
Laking gulat nila Andalus Berlin Baskerville sa kanilang nakita, isang mala-kristal na palakol ang biglang lumabas at sa ngayon ay hawak-hawak ito ng kanang kamay ni Mishia.
“Sabihin na na’ting hindi ito ang tunay na Ethereal edge, dahil ang alam ko ay nasa pangangalaga ito sa ngayon ng Re-armed clan. Pero wag kayong mag-alala, dahil ang lakas at talas ng tunay na Ethereal edge ay katulad ng sandatang hawak ko sa ngayon.” Nakangiting pagkakasambit Mishia.
Sa mga oras na ito ay napa-aatras na ang grupo nila Andalus Berlin Baskerville. Samantala, nakangiti at mabagal namang naglalakad papalapit sa kanila si Mishia.
Mapunta naman tayo kila Luke sa ngayon. Sabay ngunit tahimik silang kumakain ni Eimi ng mga oras na ito. Pero ilang sandali pa ay biglang tumunog ang telepono ni Luke. Agad naman niyang inalam kung sino yung tumatawag at ng malamang si Lina ito ay agad na niya itong sinagot.
“Bakit Lina? May problema ba?” Tanong ni Rain kay Lina gamit ang kaniyang telepono.
“May nangyayari kasi sa labas ngayon, isang hindi kilalang babae daw ang nakikipag-away sa mga istudyante ngayon sa may field ng campus. Maganda, blonde na mahaba daw ang buhok nung babae. At malakas ang kutob kong si Mishia yon.” Tugon naman ni Lina.
Matapos marinig ang mga sinabi ni Lina ay agad napatayo si Luke at walang pag-aaksaya ay mabilis na itong tumakbo. Nag-alala naman si Eimi para dito kay Luke, dahil hindi niya alam kung ano ang mga sinabi ni Lina dito na dahilan upang magmadali itong umalis.
“Hoy Luke! Sasasama ako!” Sigaw ni Eimi.
Makalipas ang kalahating minuto ay mabilis na narating ni Luke ang field at laking gulat nito sa kaniyang nakita. Si Mishia habang walang awang ginugulpi ang ilang mga kalalakihan.
“Si Mishia nga! Ano naman ang ginagawa niya dito!?” Medyo mataas ang tono ng pagkakasambit ni Luke.
Samantala, mabalik tayo kay Mishia. Halos mapatay na niya ang ilan sa mga kasamahan ni Andalus Berlin Baskerville, dahil na rin sa dami ng mga natamong pinsala ng mga ito. At ang kaninang galit na nararamdaman nila Andalus Berlin Baskerville ay napalitan na ng takot, dahil na rin sa nakikita nilang mukhang natutuwa si Mishia sa ginagawa nito sa kanila.
“*Fufufu.. Hindi ko aakalain mag-e-enjoy ako sa pagpunta dito. Matagal ko na ding gustong gawin ang bagay na ‘to, pero hindi ko yon magawa dahil na rin sa nakabantay lagi sa’kin sila Mama at Papa.” Nakangiting pagkakasambit ni Mishia kay Andalus Berlin Baskerville.
Matapos magsalita ay agad ng isinalida ni Mishia ang kaniyang gamit na sandata upang tapusin na ang buhay ngayon ni Andalus Berlin Baskerville.
“Tama na yan! Mishia!” Sigaw ni Luke.
Sa mga oras na ito ay naihinto pa ni Mishia ang gagawin niyang pag-atake, dahil narinig nito ang boses ni Luke hindi kalayuan sa kaniya. Agad niya itong hinanap at hindi naman siya nabigo dahil nakita na niya ito.
“Rai.. ay.. Luke!” Masayang pagkakasambit ni Mishia.
Matapos makita ni Mishia si Luke ay agad ng nawala ang sandatang hawak nito. At kasabay nito ay ang mabilis na pagtakbo ni Mishia patungo kay Luke. Samantala, ikinagulat naman ni Eimi ang bagay na kaniyang nasaksihan.
“Nawala yung sandatang hawak niya? Isa ba yong weapon phantasm?” Tanong ni Eimi derekta sa kaniyang isipan.
“Luke! Mabuti naman at nakita kita!” Masayang pagkakasambit ni Mishia.
*** SFX: TOOOINKS! ***
“Ouch!” Sambit ni Mishia matapos siyang kutusan ni Luke.
“Bakit ka nandito? At ano ang ginagawa mo? Bakit ka nakikipag-away?” Galit na pagkakasambit ni Luke.
“Naliligaw kasi ako eh. Hindi ko naman sinasadyang mapunta dito, pero naisip kong hanapin na lang kayo ni Lina dito para magtanong ng daan papunta sa bahay nyo. Pero mga bastos yung mga lalakeng yon eh! Mabuti nga at hindi ko sila pinatay eh.” Malungkot na pagkakasambit ni Mishia.
Nagulat naman si Eimi matapos marinig ang mga sinabi ni Mishia, kaya lalo lang tuloy siyang napapaisip sa kung sino ba talaga itong si Luke Ainsgate. Ilang sandali pa ay agad hinila na ni Luke ang kamay ni Mishia at dali-dali na silang naglakad papalabas ng campus.
“Luke! Saan kayo pupunta!?” Sigaw ni Eimi.
“Hindi muna ako papasok ngayon! Ikaw na muna ang bahala sa mga gamit ko! Maraming salamat!” Pasigaw namang tugon ni Luke.
Wala naman ng nagawa pa si Eimi, kundi ang panoorin na lang ang pag-alis ni Luke, kasama ang isang babaeng hindi naman niya kilala.
“Sino ba talaga si Luke!? Pero sino yung babaeng yon!? Isa ba siyang Nightmiere? Pero ngayon ko lang siya nakita.” Tanong ni Eimi derekta sa kaniyang isipan.
Chapter end
Afterwords.
Amp! hahaha.. para akong taga bundok.. ang hirap naman kasi ng walang trabaho.. xD muli, pasensya na kayo kung medyo late na naman ang ud.. paki unawa na lang.. xD
Sa mga gustong maging updated sa mga ginagawa ko o sa mga gustong makausap ako.. maaari lang po kayong pumasok sa group page ng SOM..
eto po yung link.
https://www.facebook.com/groups/SchoolOfMyths/
Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..
Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..
Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..
Susunod.
Chapter 19: Mga hindi inaasahang pangyayari.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top