Chapter 14: Aviona.
Sa mga oras na ito ay sandaling natahimik ang magkakaibigan at agad inalerto ang kanilang mga sarili, habang nasa likuran nila sila Annie at Jigo.
Ilang sandali pa ay may naririnig na silang mga kaluskos, hindi kalayuan sa kanilang pwesto. At ilan pang sandali ay nakita na nila kung saan ito nagmumula. Pero sa ngayon ay hindi nila tukoy kung kalaban ba ito, dahil hindi nila ito makita ng lubusan. Sa ngayon kasi ay natatabingan ito ng anino ng mga puno.
“Ihanda nyo na ang sarili nyo, baka mas malakas pa ang isang ‘to sa mga nakalaban na’tin kanina.” Sambit ni Mark.
“*Uhm!” Seryosong pagkakatugon ng lahat.
Pero laking pagtataka ng magkakaibigan ng tuluyan na nilang makita ang nilalang na papalapit sa kanila.
“Isang babae!?” Sambit ni Aron.
“Oo nga! Pero may mga sungay siya!” Sambit naman ni Annie.
“Ikaw! Magpakilala ka!” Sambit muli ni Aron.
“Ayos lang ba kayo? Ako nga pala si Aviona.” Nakangiting pagkakasambit nung babaeng nagpakilalang Aviona.
“Aviona?” Sambit naman ni Mark.
“*Uhm!” Nakangiting pagkakasambit muli ni Aviona.
*** Si Aviona. Sa ngayon ay hindi tukoy ang kaniyang pagkatao at kung anong klase siyang nilalang. May taglay siyang mga sungay, mahaba ang kaniyang mga tenga at nakakapagtakang gawa sa mga dahon ang kaniyang kasuotan.
Slim ang kaniyang pangangatawan, tinatayang nasa 5’2 ang kaniyang taas, maputi ang kulay ng kaniyang balat, mahaba ang brown pigtail niyang buhok at kahit papaano ay may hinaharap naman. (If you know what I mean. :3) ***
“Ms. Aviona?” Sambit naman ni Selina.
“Bakit, batang Oceanus?” Nakangiting pagkakatugon ni Aviona.
Nagulat si Selina, dahil alam ni Aviona na isa siyang Oceanus.
“Papaano nyong nalaman na isa akong Oceanus?” Tanong ni Selina.
“Bukod kay Poseidon ay tanging mga Oceanus lang ang nakakatawag ng ispirito ng tubig.” Nakangiti muling pagtugon ni Aviona.
Sa ngayon ay nagtataka na si Selina, kung bakit maraming alam tungkol sa kaniya si Aviona. At dahil dito ay hindi niya maiwasang mag-isip sa kung sino ba talaga ang babaeng ito.
“Maiba ako, ikaw ba ang may gawa kung bakit biglang nawala ang mga Drakes?” Tanong ni Mark.
“*Uhm!” Nakangiting pagkakatugon ni Aviona.
“Pero papaano mo nagawa ang bagay na yon!?” Tanong muli ni Mark.
“Simple lang, inutusan ko lang silang tumigil.” Nakangiti muling pagkakatugon ni Aviona.
Sandaling natahimik ang magkakaibigan at kalaunan ay nagkatinginan.
“Inutusan mo ang mga Drakes? Pero gaano ka-posible ang bagay na yon?” Tanong naman ni David.
“*Hmmm.. Ewan ko lang, pero lahat ng nilalang sa kagubatan ay napapasunod ko sa mga ipinag-uutos ko. Isa kasi yon sa taglay kong kapangyarihan.” Tugon ni Aviona kay David.
“Talaga? Anong klaseng mythical shaman ka ba?” Tanong naman ni Annie.
“Mythical shaman? Nagkakamali ka, dahil hindi ako isang shaman.” Tugon naman ni Aviona kay Annie.
“Hindi ka isang shaman? Pero imposible namang isang tao ka.” Sambit naman ni Selina.
“Tama, hindi nga ako tao at hindi rin ako isang shaman.” Sambit muli ni Aviona.
“Hindi ka isang tao at hindi ka rin isang mythical shaman? Anong klase nilalang ka naman?” Tanong naman ni Melisa.
“Isa akong Fairy dragon.” Nakangiting pagkakatugon ni Aviona.
Sa mga oras na ito ay muling natahimik ang magkakaibigan. Hindi nila magawang paniwalaan ang mga sinabi ni Aviona sa kanila.
***Note: Ang Fairy dragon ay isang class-S na mythological creature, isa itong uri ng maliit na dragon. Kokonti lang ang nilalang na ito, kaya sila ay lubhang iniingatan at inaalagaan ng Forest Fairy clan, sa kadahilanan may malaking kontribusyon ito sa kanila. May mga natatanging abilidad ang mga Fairy dragon at ang isa sa mga ito ay ang kakayahang maglakbay sa pamamagitan ng mga halaman. At hanggat may halaman ay magagawang maglakbay ng isang Fairy dragon sa lugar kung saan man nito naisin. Ngunit ang abilidad na ito ay limitado lamang, dahil masyado nito kinukunsumo ang lakas ng isang Fairy dragon at kung abusuhin man ang kapangyarihang ito ay maaari itong magdulot ng kapahamakan at ang masama ay maaari nila itong ikasawi. May kakayahan din silang makita ang mga alala ng isang nilalang sa pamamagitan ng isang kondisyon. At ang kondisyong ito ay dapat mapasok ng isang Fairy dragon ang kanilang sarili sa mga panaginip ng nais nilang alamin ang nakaraan o katauhan.May kakayahan din silang mapasunod ang lahat ng nilalang na makikita sa mga kagubatan, kahit masama/mapanganib pa ito o mabuti. At kaya rin nilang ibahin ang kanilang anyo na kawangis ng sa tao. ***
“Fairy dragon? Isa kang Fairy dragon? Pero ang alam ko ay matagal ng itinatago ng Forest Fairy clan ang Fairy dragon!” Gulat na pagkakasambit ni David.
“*Hmmm.. Tungkol sa bagay na yan. Sa totoo lang ay kakatakas ko lang sa lugar kung saan nila ako tinatago. *Hehehe.. Halos ilang daang taon na din akong nakakulong don.” Nakangiting pagkakasambit muli ni Aviona.
“Imposible! Ang Fairy dragon! Totoo bang ikaw ang Fairy dragon? At bakit naman nasa anyo ka ng isang tao?” Gulat muling pagkakasambit ni David.
“Isa ito sa taglay na kapangyarihan na’min. Halos nag-iisa na lang ako at salamat sa nag ngangalang Zenon at nailigtas niya ako sa kamay ng mga gustong humuli sa’kin, mga ilang daang taon na din siguro yon.” Sambit muli ni Aviona.
“Zenon!? Si Zenon Reign Icarus ba ang tinutukoy nyo?” Gulat na pagkakasambit ni Selina.
“*Uhm! Kilala nyo ba siya? Siya ay ang pangalawa sa magkakapatid na Reign Icarus. Siya nga din ang nagbigay sa’kin ng pangalang ko.” Tugon naman ni Aviona.
“Kung ganon, ang unang Zenon ang nagligtas sa kaniya?” Tanong ni Mark derekta sa kaniyang isipan.
“Pero ano po ang ginagawa nyo ngayon dito sa kagubatan ng Evis?” Tanong naman ni Mark.
“*Ahh! Pinuntahan ko lang ang kaibigan na’min! Ilang daang taon na din siyang naghihintay dito.” Nakangiting pagkakatugon ni Aviona.
Muli ay natahimik ang magkakaibigan at napatingin sa isa’t-isa.
“Sinong kaibigan ang tinutukoy nyo? At ilang daang taon na siyang naghihintay?” Tanong ni Annie.
“*Hmmm.. Ang mabuti pa ay tawagin ko na lang siya.” Nakangiting pagkakatugon muli ni Aviona.
Matapos magsalita ay agad tumalikod si Aviona at kalaunan ay malakas na sumipol.
“*Whistle! Lumapit ka na dito, Black Fiery!” Sigaw ni Aviona.
Ilang sandali pa ay may mabilis na nilalang ang papalapit sa kanila, sobrang laki nito at sa sobrang gulat ay hindi nagawang magsalita ng magkakaibigan.
“Siya nga pala si Black Fiery. Ang immortal black horse o mas kilala sa tawag na Sleipnir.” Nakangiting pagkakasambit ni Aviona.
Labis ang pagkagulat ng magkakaibigan at hanggang sa ngayon ay mga naka-nganga ang mga ito. xD
“Ang Sleipnir? Totoo ba itong nakikita ko? Ang legendary 8-legged black horse!?” Gulat na pagkakasambit ni David.
“Whoa! Ang laki niya at ang ganda!” Manghang pagkakasambit naman ni Jigo.
“Isang Fairy dragon at ang Sleipnir? At may kaugnayan siya sa unang Zenon.” Sambit ni Selina derekta sa kaniyang isipan.
Habang tulala sa pagkamangha ang magkakaibigan sa ganda ng Sleipnir ay walang humpay naman ito sa pagdila sa mukha ni Aviona.
“*Hahaha! Tama na, Black Fiery! Nakikiliti ako!” Masayang pagkakasambit ni Aviona.
“Maitanong ko lang po, saan nyo naman po binabalak magpunta sa ngayon?” Tanong ni Mark kay Aviona.
“*Hmmm.. Sa ngayon ay hindi ko pa alam. *Ahh! Naalala ko na, kilala nyo si Zenon tama ba?” Sambit naman ni Aviona.
“*Uhm! Sa totoo lang po ay naging kaibigan na’min ang naging ika-apat na reincarnation ni Zenon.” Tugon naman ni Annie.
“Ika-apat na reincarnation? *Hmmm.. Nakakalungkot naman at apat na beses na pala siyang na-reincarnate. Pero si Zenon ay si Zenon pa rin, kaya maaari nyo po bang sabihin sa’kin kung nasaan na siya?” Sambit muli ni Aviona.
“Sorry po pero sa ngayon ay hindi na’min alam kung nasaan siya ngayon, dahil muli na naman po siyang na-reincarnate. Hindi na po niya kami naalala at natitiyak ko pong lalo na kayo.” Sambit naman ni Selina.
“*Hmmm.. Ganon ba? Ayos lang, pero maitanong ko na din kung saang lugar nyo siya nakasama?” Sambit muli ni Aviona.
“Sa Odin city po.” Tugon muli ni Selina.
“*Hmmm.. Odin city? Sige, sapat na ang impormasyong iyon para mahanap ko siya.” Sambit muli ni Aviona.
“Binabalak nyo pong magtungo sa Odin city?” Tanong naman ni Melisa.
“*Uhm! Maitanong ko lang din, bakit nga pala kayo nandito sa gubat ng Evis?” Sambit muli ni Aviona.
“*Ahh! Pupunta po kami sa kastilyo ng Vampire clan. Bibisitahin po kasi na’min ang vampire na’ming kaibigan.” Nakangiting pagkakasambit naman ni Aron.
“*Ahh! Kaya pala, okay! *Hmmm.. Siguro dapat muli ko kayong tulungan, dahil mga naging kaibigan kayo ni Zenon.” Nakangiting pagkakasambit ni Aviona.
Muli ay sandaling natahimik ang magkakaibigan at kalaunan ay nagkatinginan ang mga ito.
“Isasakay nyo po ba kami sa Sleipnir patungo sa kastilyo?” Nakangiting pagkakatanong ni David.
“*Hmmm.. Ang mabuti pa ay ipikit nyo na lang ang inyong mga mata at idilat nyo na lang ito sa oras na ibigay ko sa inyo ang hudyat.” Sambit muli ni Aviona.
Muli ay nagkatinginan ang magkakaibigan at kalaunan ay sabay-sabay na nga nilang ipinikit ang kanilang mga mata. At makalipas lang ang ilang sandali ay narinig na nila ang hudyat ni Aviona.
“Maaari nyo ng idilat ang inyong mga mata.” Nakangiting pagkakasambit ni Aviona.
Sa mga oras na ito ay halos sabay-sabay idinilat ng magkakaibigan ang kanilang mga mata at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nasa harapan na sila ngayon ng gate papasok sa kastilyo ng vampire clan.
“Whoa!? Nasa harapan na agad tayo ng kastilyo? Papaanong nangyari ang bagay na yon!?” Gulat na pagkakasambit ni Aron.
Matapos magsalita ni Aron ay sabay-sabay napalingon ang magkakaibigan kay Aviona, pero sa ngayon ay wala na ito sa pwesto kung nasaan ito sa ngayon.
“Saan na nagpunta si Ms. Aviona!?” Gulat na pagkakasambit ni David.
“Sa itaas!” Sambit naman ni Melisa.
Sabay-sabay napatingala ang magkakaibigan at sa himpapawid ay nakita nila si Aviona, habang naka-sakay sa Sleipnir.
“Nakakalipad ang Sleipnir?” Gulat na pagkakasambit ni Mark.
“Paalam na sa inyo! Mauna na ako sa Odin city!” Masayang pagkakasambit ni Aviona sa magkakaibigan.
Hindi na nagawang tumugon ng magkakaibigan, dahil mabilis ng umalis si Aviona matapos nitong magsalita.
“Grabe! Pero salamat sa kaniya at napabilis ang pagpunta na’tin dito.” Sambit ni Annie.
“Sang-ayon ako sayo, Annie. Pero anong klaseng kapangyarihan kaya ang ginamit niya!?” Sambit naman ni Selina.
“Hindi na importante ang bagay na yon sa ngayon, dahil narating na na’tin ang kastilyo.” Masayang pagkakasambit naman ni Mark.
Matapos magsalita ni Mark ay biglang nabukas ang malaking gate na nasa kanilang harapan.
“Mukhang alam na ng mga vampire na nandito na tayo.” Masayang pagkakasambit muli ni Mark.
Nadismaya naman si Annie matapos makita ang daan patungo sa kastilyo. Ang akala niya ay malapit na sila sa mismong kastilyo, ngunit may mahabang hagdan pa pala silang dadaanan papanik papunta dito.
“Haaay! Bakit hindi pa tayo dinala ni Ms. Aviona sa mismong harapan ng kastilyo? Ang akala ko talaga papasok na lang tayo sa loob, pero hindi pa pala.” Dismayadong pagkakasambit ni Annie.
“Napapagod ka na ba Annie? Kung gusto mo ay papasanin na lang kita?” Sambit naman ni Mark.
“Hindi, okay lang ako. Medyo disappointed lang ako.” Tugon naman ni Annie.
“Okay! Bilisan na na’tin ang pagpunta sa kastilyo! Dahil sigurado na akong kanina pa tayo hinihintay ni Alex doon!” Masayang pagkakasambit naman ni Aron.
“Okay!” Sambit naman ng lahat.
Makalipas ang ilang sandali ay nagsimula na nga ang magkakaibigan sa pag-akyat patungo sa tutok ng bundok kung saan naroroon ang kastilyo.
(Note: Almost nasa ¾ na sila ng bundok, kaya konting-konti na lang ang kanilang aakyatin. Isa pa ay hindi na sila mahihirapan pa, dahil hindi naman matarik ang bundok at may mga baitang silang tinatapak. xD)
Lumipas ang kalahating oras ay narating na nila ang kastilyo. Medyo nakakatakot ang itsura nito sa labas, dahil na rin sa dilim at sa maulap nitong pwesto.
“Ang False of Truth Castle.” Sambit ni Mark.
“So, ito na pala ang False of Truth Castle.” Sambit ni Selina.
“Sa wakas! Akala ko ay hindi natayo makakarating dito.” Sambit naman ni Melisa.
“Whoa! Nakakatakot naman ang kastilyo nila!” Sambit naman ni Jigo.
Ilang sandali pa ay biglang bumukas ang malaking gate ng kastilyo at sa likod nito ay may nakita silang isang lalake.
“Magandang araw, kayo siguro ang mga kaibigan ni Ms. Alex Nightmiere. Sumunod kayo sa’kin at dadalin ko kayo sa kaniya.” Sambit nung lalake sa magkakaibigan.
Nagkatinginan naman ang magkakaibigan, pero kalaunan ay sumunod na sila sa lalake. Samantala, mapunta naman tayo kay Aviona. Kasalukuyan siya ngayong nasa loob ng Odin city at salamat sa nata-tangi niyang kapangyarihan at sa maikling oras lang ay narating na niya agad ang lugar na ito. Sa ngayon ay nakasakay pa rin siya kay Black Fiery at kasalukuyang nasa himpapawid na hindi kalayuan sa bahay nila Rachelle.
“Kung hindi ako nagkakamali ay ang bahay na yon ang naging tahanan ng naging ika-apat na Zenon. *Humhum..” Nakangiting pagkakasambit ni Aviona.
Ilang sandali pa ay bumaba na sa bakuran ng bahay nila Rachelle sila Aviona at sa mga oras na ito ay may naalala siya tungkol sa mga batang tinulungan niya kanina.
“*Hmmm.. Nagtataka ako sa batang yon, bakit parang naramamdaman ko na dati ang aura niya?” Sambit muli ni Aviona.
Ilang sandali pa ay biglang nagbukas ang pinto ng bahay at ang sumunod na pangyayari ay hindi na inaasahan ni Aviona.
“Zenon?” Masayang pagkakasambit ni Aviona.
“Aviona?” Gulat na pagkakasambit naman ni Luke.
(Note: Kung nagtataka kayo, kung bakit alam ni Aviona ang eksatong lokasyon ng bahay nila Rain ay dahil na silip niya ang mga alala ng magkakaibigan, nung mga oras na pumikit ang mga ito kanina. xD)
Chapter end
Afterwords.
Hello, ako muli! Waaaaaah! sobrang init talaga! At wooooooooooooo! 1-0 na ang spurs pare! hahaha! XD
My writing status.. SOM 2 chapter 24 - on-progress.. GXB chapter 4 - on-going
Sa mga gustong maging updated sa mga ginagawa ko o sa mga gustong makausap ako.. maaari lang po kayong pumasok sa group page ng SOM..
eto po yung link.
https://www.facebook.com/groups/SchoolOfMyths/
Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..
Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..
Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..
Susunod.
Chapter 15: False of Truth Castle.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top