Chapter 13: Evis City part 2.
Araw pa rin ng sabado at sa ngayon ay kasaluyan ng nasa byahe ang magkakaibigan, sakay ng sasakyan nila Annie. At patungo na sila sa Evis city kung saan nagpapagaling ang kanilang kaibigan na si Alex.
Samantala, sa loob ng sasakyan.
“Nag-iisip ka ba talaga Aron!? Ano ba ang iniisip mo at inatake mo si Luke? Papaano nga kung napatay mo siya!?” Inis na pagkakasambit ni Annie kay Aron.
“Sorry talaga! Malaki kasi ang hinala kong siya talaga si Rain.” Mahinang pagkakatugon ni Aron.
“Aron, tao lang si Luke! Maraming beses na na’ming napatunay ni David yon!” Sambit naman ni Melisa.
“Sorry talaga!” Sambit muli ni Aron.
“Sorry? Salamat sa sorry mo at nagbago na ang isip ni Eimi at hindi na niya tayo sinamahan papunta sa kanila!” Inis muling pagkakasambit ni Annie.
“Tama na yan, Annie. Hindi na’tin masisisi si Aron, dahil kahit tayo ay nagulat din nung unang beses na’ting makita si Luke.” Sambit naman ni Mark.
“Tama si Mark. Kahit ako ay nagulat din at hindi ko masisisi si Aron, kung bakit niya sinubukang alamin kung totoong isang tao nga ba talaga si Luke. Pero ang nakakainis lang kay Aron ay hindi niya inisip ang posibilidad na mali ang kaniyang iniisip.” Sambit naman ni Selina.
“Sorry, pero alam kung matagal nyo ng hinahanap ang kaibigan nyong si Rain. Nagtataka lang ako, kasi di ba’t si Zazan yon? Yung “Rain” na tinutukoy nyo!?” Sambit naman ni Jigo.
“*Hmmm.. May point si Jigo sa mga sinasabi niya. Kaya wag nyo ng pag-usapan si Luke, dahil nagkataon lang na magkamukha sila ni Rain. At isa pa ay nakita na rin na’tin ang mga kapangyarihan ni Zazan, diba?” Sambit naman ni Melisa.
“Ang kaso lang ay hindi na niya tayo naalala pa.” Sambit naman ni Mark.
“Teka! Hindi kaya sinadya talaga ni Lina na wag sumama, para ma-solo niya si Zazan?” Sambit naman ni Selina.
“Hindi siguro, nasabi na din ito sa’kin ni lolo kahapon na may ipinapagawa daw talaga si lola Raziel kay Lina.” Sambit naman ni Aron.
“*Hmmm.. Pero masaya na ako para kay Eimi ngayon. Kanina ko lang siya nakitang ganong kasaya eh.” Sambit muli ni David.
“Kahit ako din eh, pero mas nagulat ako ng sabihin niya ang feelings niya para kay Luke.” Sambit naman ni Melisa.
“Oo nga.. Hindi ko alam na ganong klaseng babae pala si Eimi. Lahat kasi ng boys natatakot sa kaniya.” Sambit naman ni Annie.
“Ngayon tuloy napapaisip ako sa kung ano na ang nangyayari sa dalawang yon.” Sambit muli ni Melisa.
“Teka bakit ganito!? Bakit parang nagseselos ako dun sa Eimi na yon!? Dahil ba kamukha ni Luke si Rain? Haaay! Ano ba ‘tong nangyayari sa’kin ngayon!?” Sambit ni Selina derekta sa kaniyang isipan.
“Sino kaya yung Lola Raziel ni Aron? Yun kaya yung Elemental Earth Dragon?” Sambit ni Jigo derekta sa kaniyang isipan.
Samantala, mapunta naman tayo sa isang restaurant sa loob ng Odin city, kung saan kasalukuyan ngayong kumakain sila Luke at Eimi.
“Ano Eimi, joke lang yung mga sinabi mo kanina, diba?” Medyo awkward na pagkakasambit ni Luke.
“Anong joke? Totoo ang mga yon!” Mabilis na pagtugon naman ni Eimi.
“*Gulp! Pero hindi ka ba nabibigla lang? At isa pa, halos ilang araw pa lang naman tayong magkakilala eh.” Medyo awkward muling pagkakasambit ni Luke.
“Nope! Sure na talaga ako about sa feelings ko sayo.” Nakangiting pagkakasambit naman ni Eimi.
“Pe..pe..pero isa lang akong tao!” Medyo awkward muling pagkakasambit ni Luke.
“Bakit? Mas prefer mo ba ang isang tao, compare sa isang mythical shaman?” Tanong naman ni Eimi.
“Hindi naman sa ganon, sa totoo lang ay parang hindi pa ako handa na makipag-relasyon eh.” Medyo awkward muling pagkakasambit ni Luke.
“Ganon ba?” Nag-aalala ang tono ng pagkakasambit ni Eimi.
“*Uhm.. Pasensya ka na talaga.” Tugon naman ni Luke.
“*Hehe.. Okay lang, na u-unawaan kita. I’ll give you time, pero hindi na magbabago ang feelings ko para sayo.” Nakangiting pagkakasambit muli ni Eimi.
Napayuko na lang si Luke at hindi na nagawa pang magsalita, dahil sa labis na pagkahiya. Patuloy naman sa pangiti habang pinagmamasdan ni Eimi itong si Luke. xD
“Ay! May nakalimutan nga pala akong sabihin kila David.” Medyo gulat na pagkakasambit ni Eimi.
“*Huh? Bakit, may problema ba?” Tanong naman ni Luke.
“Nakalimutan kong sabihin sa kanila na hindi nakakadaan ang mga sasakyan sa gubat ng Evis city. Halos sa Herras city ay ganon din.” Sambit muli ni Eimi.
“Bakit naman?” Tanong muli ni Luke.
“Gumagalaw kasi ang mga puno sa loob ng gubat ng Evis at Herras. At ang mga tawag sa mga punong yon ay mga “Trents”.” Tugon ni Eimi.
“Trents? Mga mapangib ba ang mga yon?” Tanong muli ni Luke.
“Hindi naman lahat ng Trents ay mapanganib, pero ang mga Trents na nasa loob ng kagubatan ng Evis at Herras ay sadyang panganib, dahil lahat sila ay mga “Dark Trents”.” Tugon muli ni Eimi.
“Magiging ligtas kaya ang mga yon sa pagpunta nila sa inyo?” Tanong muli ni Luke.
“*Uhm! Makakaligtas ang mga yon, kahit may kasama pa silang mga tao. Sa lakas na taglay nila David ay kayang-kaya na nilang ipagtanggol ang kanilang mga sarili laban sa mga Trents, pero sana naman wag silang makaharap ng Drakes.” Tugon muli ni Eimi.
“Mabuti naman kung ganon, pero ano namang yung Drakes? Mas mapanganib ba sila sa mga Trents?” Sambit muli ni Luke.
“*Uhm! Bibihira na lang ang mga Drakes, dahil halos inubos na na’min ang lahi nila. Nagagawa kasing magaya ng mga Drakes ang anyo, lakas at personality ng isang nilalang na makakatapak sa kanilang mga ugat. Sobrang delikado ang nilalang na ito, kaya naman nagpasya ang vampire at underworld clan na ubusin na sila sa mga gubat.” Tugon muli ni Eimi.
“*Ahh.. Sana naman maging ligtas ang mga kaibigan mo.” Sambit muli ni Luke.
“Well, sa tingin ko ay magiging okay naman sila. Pero hindi ko sila mga kaibigan ah!” Sambit muli ni Eimi.
“Ganon ba? Okay!?” Medyo awkward na pagkakasambit ni Luke.
Mapunta naman tayo sa bahay nila Rachelle ngayon. Sa ngayon ay kasalukuyang nag-uusap sila Lina, Carl at Eclaire.
“Bakit ang tagal naman ni Rain!? Ang akala ko ba ay maaga siyang pupunta dito?” Sambit ni Lina.
“Kahit ako ay nagtataka kung bakit wala pa siya dito, samantalang nauna siyang umalis sa’kin sa dorm.” Sambit naman ni Carl.
“Bakit hindi nyo tanungin si Warren sa pagbalik niya? Baka may alam yon sa kung nasaan si Zenon ngayon.” Sambit naman ni Eclaire.
“Sige po.” Tugon naman ni Lina kay Eclaire.
“*Ahh.. master Eclaire, nasaan nga po pala sila master Zeren at master Hades?” Tanong naman ni Carl.
“Siguro sa ngayon ay kausap na ng mga yon sila Poseidon at ang ninuno ni Warren.” Tugon ni Eclaire.
“*Ahh! Sana naman po ay maging kapanalig na’tin sila Poseidon.” Sambit muli ni Carl.
“Bakit nga po pala hindi kayo sumama sa kanila, Ms. Eclaire?” Tanong naman ni Lina.
“Kasi walang magbabantay dito sa bahay. Nasa Dragon Empire kasi ngayon si Raziel, kaya ibinilin kayo sa’kin ni Hades.” Tugon naman ni Eclaire.
“Gusto mo pong makilala yung sinasabi ni Zenon na isang sorceress, tama po ba?” Tanong muli ni Carl.
“*Uhm! Gusto kong malaman kung sino ang mga magulang niya, dahil isa siyang Eldritch.” Tugon muli ni Eclaire.
“Ano po ba ang meron sa mga Eldritch? Kasing lakas nyo din po ba sila, Ms. Eclaire?” Tanong muli ni Carl.
“Oo! Malalakas nga ang mga Eldritch at isa sila sa pinakamalakas na pamilya sa linya ng mga sorcerer at sorceress, kaya naman gusto ko ng makilala ang Sophia na yon.” Tugon muli ni Eclaire.
“*Hmmm.. Sila Poseidon at Hades, tapos ang kalaban nila ay ang kanilang kapatid na si Zeus. Nagtataka lang ako kung bakit sila magkaka-away sa ngayon. Ang kwento po kasi sa’min ni Rain dati ay magkakasamang sinugod ng magkakapatid na Olympus ang lahi ng mga sorcerer/sorceress.” Sambit naman ni Lina.
Biglang nalungkot naman si Eclaire matapos marinig ang mga sinabi ni Lina. At sa mga oras na ito ay biglang na-guilty si Lina, dahil hindi niya inaasahang mapapaalala niya kay Eclaire ang mapait nitong nakaraan.
“Sorry po, Ms. Eclaire. Hindi ko po sinasadya ang mga nasabi ko.” Sambit muli ni Lina.
“Okay lang. Matagal na namang nangyari ang bagay na yon, kaya wag ka ng mag-alala pa sa’kin. Totoong magkakasundo ang magkakapatid na Olympus dati, pero ang hindi alam nila Hades at Poseidon ay ginamit lang sila ni Zeus at nagawa pa sila nitong pag-awayin sa bandang huli.” Sambit naman ni Eclaire.
“Ganon po ba? So hindi na kataka-taka na malaki ang galit nila Hades at Poseidon sa kanilang kapatid.” Sambit muli ni Lina.
“Ganon na nga. Pero pasensya ka na, dahil ayoko ng pag-usapan pa ang tungkol sa bagay na yon.” Sambit muli ni Eclaire.
“Naku, okay lang po. Sorry po ulit sa pag-open up nito sa inyo.” Sambit muli ni Lina.
“Tama na nga yan at ang mabuti pa ay magsa-sanay na lang ako sa baba. Sige, maiwan ko na muna kayo dyan.” Sambit naman ni Carl.
Matapos magsalita ay agad na ngang natungo sa kwarto ni Rachelle si Carl. Samantala, lumabas naman ng bahay itong si Eclaire, upang lumanghap ng sariwang hangin. Inaalala naman ni Lina si Rain ngayon, dapat kasi ay kanina pa ito nasa bahay, pero hindi pa rin ito nakakauwi sa ngayon.
“Rain, saan ka ba nag punta?” Sambit ni Lina derekta sa kaniyang isipan.
Makalipas ang limang oras at sa ngayon ay 11:30 am na. Kasalukuyan pa ring nasa byahe ang magkakaibigan at nasa loob na sila ng kagubatan ng Herras city.
“Nakakatakot naman ang lugar na ‘to.” Sambit ni Jigo.
“*Uhm! Sang-ayon ako sayo, Jigo.” Sambit naman ni Annie.
“Ano, Annie. Hindi pa ba tayo kakain? Nagugutom na kasi ako eh.” Sambit naman ni Aron.
“Haaay! Si Aron nga naman. Pero oras na din siguro ng lunch, medyo nagugutom na din kasi ako eh.” Sambit naman ni Melisa.
“*Hmmm.. Okay sige, mabuti ngang kumain na tayo. Mukhang mahaba din kasi ang byahe na’tin eh.” Sambit naman ni Annie.
Matapos magsalita ay inutusan na ni Annie ang kanilang driver na sandaling ihinto ang kanilang sasakyan at inaya pa niya itong sumabay sa kanila sa pagkain. Tinaggap naman nung driver ang alok ni Annie sa kaniya, kaya sa ngayon ay sabay-sabay na silang kakain.
“Maraming salamat, Ms. Annie.” Sambit nung Driver.
“Wala yon. At isa pa po ay matagal ka ng nagta-trabaho sa’min, kaya tama lang po na sumabay ka na sa’min.” Tugon naman ni Annie.
“Okay po.” Sambit muli ni nung Driver.
“Okay! Kumain na tayo!” Masayang pagkakasambit ni Annie.
Matapos magsalita ni Annie ay naglabas ito ng isang bag at kalaunan ay inilabas ang mga nasa loob nito. Sari-saring mga food container ang nasa loob ng bag, kaya naman batid na ng lahat kung ano ang mga laman nito. Sa mga oras na ito ay tinulungan na nila si Annie sa paghahanda ng kanilang kakainin para sa tanghalian. Hindi naman maiwasan ni Aron ang maglaway, dahil na rin sa dami at sari-saring mga pagkaing nakahain sa kanila ngayon. xD
Makalipas ang kahalating oras ay nagsimula na muli sa pagbyahe ang magkakaibigan patungo sa kastilyo ng vampire clan na makikita sa pinaka dulo ng Evis city. At sa kanilang pagbyahe ay maraming pagsubok ang kanilang nadaanan. Mga mapanganib na hayop at mga buhay na halaman, mga masisikip na daan, at kung ano-ano pang nagpahirap sa kanila sa paglabas ng Herras city. Lumipas pa ang mga tatlong oras ay tuluyan ng nakarating sa Evis city ang magkakaibigan, pero sa ngayon ay may malaki na silang problema. Tuluyan ng nasira ang kanilang ginagamit na sasakyan habang buma-byahe sila sa gubat.
“Pasensya na po kayo Ms. Annie. Hindi na po talaga kinaya ng sasakyan na’tin ang mga dinaanan nito kanina. Sa tingin ko po ay maayos ko ito, pero hindi ko na po sigurado kung kailan ko ito matatapos.” Sambit nung Driver kay Annie.
“Okay lang po, iwan nyo na lang po yan. Tutal hindi naman na na’tin maibabalik pa ang sasakyang ito sa Ceto city eh.” Tugon naman ni Annie.
“Pero mahal po ang sasakyang ito, Ms. Annie. Sigurado po ba kayong iiwanan na lang na’tin ito dito?” Sambit muli nung Driver.
“*Uhm! Okay lang, imposible naman na kasing magamit pa na’tin yan pabalik eh. Pasensya na po kayo sa’min ah.” Sambit muli ni Annie.
“Sigurado na po ba talaga kayo? Aabandonahin nyo na lang ‘tong sasakyan?” Sambit muli nung Driver.
“Oo nga po!” Sambit muli ni Annie.
“*Eh di kung ganon ay sa’kin na lang po ‘to kung sakali mang maibalik ko ito sa Ceto city?” Sambit muli nung Driver.
“Okay! Sige po! Pero mahihirapan po kayong maibalik na yan, kasi nga po ay sira na siya.” Sambit muli ni Annie.
“Wag na po kayong mag-alala sa’kin, Ms. Annie. Iwan nyo na po ako dito at kailangan ko pa po itong ayusin. Para naman maging sa’kin na ang sasakyang ito.” Masayang pagkakasambit nung Driver.
“Sigurado po ba kayo?” Sambit muli ni Annie.
“Mapanganib pong maiwan kayo dito, kaya po ang mabuti pa ay iwan nyo na po yan at sumama na lang po kayo sa’min.” Sambit naman ni Mark.
“Okay lang ako! Isa din naman po akong mythical shaman eh, kaya wag po kayong mag-alala sa’kin.” Sambit muli nung Driver.
“Kung hindi na po na’min kayo mapipilit pa ay mauuna na po kami.” Sambit muli ni Mark.
“Sige umalis na kayo! Kaya ko ng pangalagaan ang sarili ko.” Nakangiting pagkakasambit nung Driver.
Matapos mag-usap ay agad na ngang kinuha ng magkakaibigan ang kanilang mga gamit sa loob ng kotse at matapos nito ay umalis na sila. Iniwan nilang masaya yung Driver habang patuloy nitong inaayos yung nasirang sasakyan.
(Note: Mythical shaman ng Ogre yung Driver na yon at tatay siya ni Geoge Porbe. xD)
Habang naglalakad ang magkakaibigan ay naki-kita na nila ang kastilyo ng vampire clan na nasa tuktok ng isang bundok. Hindi alam ni Annie kung kakayanin ba niyang akyatin ito, ganon din si Jigo, dahil mga tao lamang sila. xD
“Maitanong ko lang Annie, magkano nga pala yung sasakyang yon?” Tanong ni Selina.
“*Hmmm.. Sa pagkaka-alala ko ay nasa 700k Gold yata ang bili ni papa don.” Tugon ni Annie.
Sandaling nahinto sa paglalakad ang magkakaibigan at lahat sila ay gulat na nakatitig kay Annie. Lumipas ang halos sampong sigundo ay mga gulat na itong nagsalita.
“ANO!? 700K GOLD!? 700K GOLD YUNG SASAKYANG YON!?” Gulat na pagkakasigaw ng lahat. xD
“*Uhm! Kakasabi ko lang, diba?” Tugon muli ni Annie.
(Note: 100 copper = 1 silver, 100 silver = 1 gold. Imagine nyo na lang kung ganon kalaki ang 700k Gold. xD)
“Kung balikan na lang kaya na’tin yung sasakyan?” Medyo nag-aalala ang tono ng pagkakasambit naman ni David.
“Oo nga! Balikan na lang na’tin yung kotse nyo!” Pagsang-ayon naman ni Aron kay David.
“Bakit pa? *Eh hindi naman na na’tin magagamit yun eh! Hindi na rin yon makakabalik ng Ceto city, dahil kanina ay tulong-tulong pa kayo sa pagbubuhat non para lang maka-usad tayo.” Sambit muli ni Annie.
“Sabagay, pero nakakapanghinayang yung sasakyang yon! Sino bang mag-aakalang ganon pala ang halaga non?” Sambit ni Mark.
“Sobrang yaman talaga ng mga Lernards!” Sambit naman ni Aron.
“Ano bang secrets ng pamilya nyo Annie at sobrang yaman nyo naman?” Tanong naman ni Jigo.
“*Hmmm.. Siguro ay dahil sa mga lucky charms ni Papa.” Tugon naman ni Annie.
“Lucky charms?” Sambit naman ni Selina.
“*Uhm! Pero secrets ng family na’min yon, kaya hindi ko pwedeng sabihin sa inyo.” Nakangiting pagkakasambit ni Annie.
Nagkatinginan na lang ang magkakaibigan, dahil wala silang ideya kung anong klaseng lucky charms ang sinasabi ni Annie sa kanila.
(Note: Taglay ng pamilya Lernards ang “Dull” at ang “Dwarfs Star”. Sa mga nakalimot nito, maaari nyo silang balikan sa book 1. Dun sa extra chapters about sa mga weapons, armors and accessories. xD)
Nagpatuloy sa paglalakad ang magkakaibigan sa gubat, pero naisip ni Mark na masyado silang gagabihin kung hindi sila magmamadali. Kaya naman sa mga oras na ito ay sandali siyang huminto upang kausapin ang kaniyang mga kaibigan.
“Guys, mukhang kailangan na na’ting magmadali.” Sambit ni Mark.
“Sang-ayon ako kay Mark.” Sambit naman ni David.
“Okay, papasanin ko na si Annie at si David na ang bahalang pumasan kay Jigo.” Sambit muli ni Mark.
“Okay, sige.” Pagsang-ayon naman ni David.
“Sandali lang, ako na ang bahalang magpasan kay Jigo.” Nakangiti naman pagkakasambit ni Aron.
“Sigurado ka?” Tanong naman ni David kay Aron.
“*Uhm!” Mabilis na pagtugon naman ni Aron.
“Okay, sige! Salamat na din.” Sambit muli ni David.
“Lokong Mark ‘to! Gusto talaga niyang magsanay at kunwari pa siyang hindi ko alam ang binabalak niya. *Fufufu.. Don siya nagkamali.” Nakangiting pagkakasambit ni Aron derekta sa kaniyang isipan.
(Note: Kung naalala nyo pa yung ginawa ni June dun sa Field trip nila sa mundo ng mga tao, mage-gets nyo yung iniisip ni Aron. xD)
Ilang sandali pa nga ay sumakay na sila Annie at Jigo sa kani-kaniyang likuran nila Mark at Aron. Si David naman ang nagkusa ng magdala ng kanilang mga bagahe, upang hindi na mahirapan sa pagtakbo sila Selina at Melisa. At ng handa na ang lahat ay mabilis na nga silang umalis. Makalipas ang kinse minutong pagtakbo ay sandaling napahinto ang magkakaibigan, dahil may mga nilalang silang nakaharap.
“Mga Dark Trents!” Seryosong pagkakasambit ni Mark.
Agad bumaba sila Annie at Jigo, dahil sandaling makikipaglaban sila Mark at Aron.
“Mukhang kailangan muna na’ting magpa-init.” Nakangiting pagkakasambit ni Mark.
“Mukhang ganon na nga.” Nakangiti ring pagkakasambit ni Aron.
Sa mga oras na ito ay agad ng inilabas ni Mark ang kaniyang Spectral Shard at kalaunan ay nag-enchant.
“** ENCHANT! INFINITE BURNING SPECTRAL SHARD! **” Sambit ni Mark.
“** ENCHANT! DUAL BURNING DRAGON TALONS! **” Sambit naman ni Aron.
Matapos makumpleto ang ginawang pag-enchant ng dalawa ay mabilis na nilang sinugod ang mga Dark Trents. Hindi naman sila nahirapang talunin ang mga ito, kaya hindi na tumulong ang iba sa kanila. Tumagal lang ng halos ilang minuto ng tuluyang maubos nila Mark at Aron ang mga Dark Trents. Matapos nito ay ipinagpatuloy na nila ang kanilang pagtakbo, patungo sa kastilyo ng vampire clan.
Sa kalagitnaan ng kanilang pagtakbo ay marami pa silang kaharap ng mga mapapanganib na hayop na nadaan na din nila kanina sa gubat ng Herras. At ang ilan sa mga ito ay ang mga; Arcomantula, Aztec snake, Dark Trents at kung ano-ano pa. Patuloy lang sa pagtakbo ang magkakaibigan at nahihinto lang sila sa oras na may lumalabas na mga hayop sa kanilang harapan. Pero iba na sa mga oras na ito, dahil may nakita silang isang babae sa tabi ng isang batis at sa ngayon ay napaliligiran ito ng mga Dark Trents. Walang pag-aaksaya ay mabilis na nilapitan ito ng magkakaibigan upang saklolohan ang pobreng babae. Agad namang natalo at napatay nila Mark at Aron ang mga Dark Trents na nakapalibot dito.
“Okay ka lang ba, miss?” Tanong ni Mark dun sa babae.
Hindi kumibo ang babae at patuloy lang itong nakayuko. Ilang sandali pa ay lumapit na sila Selina at ang iba pa kila Mark at Aron, upang alamin ang mga nangyayari sa mga ito.
“Kamusta? Okay lang ba siya, Mark?” Tanong ni Annie.
Pero sa paglapit nila Selina ay biglang may naramdamang panganib sila Mark at Aron sa likuran ng kanilang mga kaibigan, kaya napasigaw ang mga ito.
“Sa likuran nyo!” Sigaw ni Mark.
Agad namang naalerto sila Selina at mabilis na hinila sila Annie at Jigo para makaiwas ito sa mga papalapit na atake mula sa kanilang likuran. Sa mga oras na ito ay magkakatabi na ang magkakaibigan at sa tingin nila ay napapaligiran na sila ng hindi kilalang mga nilalang.
“Sino kayo!?” Seryosong pagkakasambit ni Mark.
Hindi nila matukoy kung sino ano mga nilalang na nakapalibot sa kanila sa ngayon dahil nakatago ang mga ito sa anino ng mga puno, pero tukoy nilang mga nasa anyong tao ang mga ito.
“Mga vampires?” Sambit muli ni Mark.
Pero laking gulat nilang lahat matapos makita ang mga nilalang nanakapalibot sa kanila ngayon.
“Imposible? Bakit kamukha ko ang isang yon!?” Gulat na pagkakasambit ni Aron.
“Ba..ba.. bakit kamukha na’tin ang mga yon?” Takot namang pagkakasambit ni Jigo.
“*Tsk! Mga Drakes? Kung ganon..” Sambit ni Mark.
Nagulat si Mark sa kaniyang mga naisip, kaya agad na itong napalingon sa kaniyang likuran at hindi nga siya nagkamali. Isang Drakes din ang babaeng tinulungan nila na sa ngayon ay paatake na.
*** SFX: *Slash! ***
Agad hinati ni Mark sa dalawa yung babae at kalaunan ay nahulog ito sa may batis. Nagulat naman sila Jigo at Annie, dahil sila ang dapat aatakehin nung Drakes na nasa anyo ng isang babae.
“Salamat, Mark.” Sambit ni Jigo.
“Mamaya ka na magpasalamat, hindi ordinaryong mga nilalang ang kaharap na’tin sa ngayon.” Sambit naman ni Mark.
Ilang sandali pa nga ay nag-enchant na ang mga Drakes na nakopya ang mga anyo ng magkakaibigan, maliban na lang sa mga Drakes na nakopya ang anyo nila Annie at Jigo. May ilang mga Dark Trents din ang dumating at sa ngayon ay sobrang dami na ng mga ito. Nasa isang mahirap na sitwasyong ngayon ang magkakaibigan, dahil batid nilang mapapalaban sila.
“Mark..” Medyo takot ang tono ng pagkakasambit ni Annie.
“Wag kang mag-alala, Annie. Hindi ako papayag na may mangyaring masama sayo.” Sambit naman ni Mark.
Sa mga oras na ito ay inihanda na rin ng magkakaibigan ang kanilang mga sarili at ilang sandali pa nga ay nag-enchant na din sila Selina, Melisa, Aron at Mark.
“** ENCHANT! WATER TRIDENT! **” Sambit ni Melisa.
“** DRAGON’S RAGE! **” Sambit naman ni Aron.
“** UNISON ENCHANT! BURNING ICYCLE SPECTRAL SHARD OF THUNDER! **” Sambit naman ni Mark.
“** Tinatawagan ko ang ispirito ng tubig, pakinggang mo ang aking tinig! Bilang isang Oceanus ay inuutusan kitang lumabas! MORPHLING! **” Sambit naman ni Selina.
Matapos magsalita ni Selina ay biglang umangat ang tubig sa may batis at kalaunan ay naging anyo ito ng isang tao. Namangha naman ang magkakaibigan sa kanilang nasaksihan sa ginawa ni Selina.
“Whoa! Ito pala ang summoning skill ng isang Siren.” Manghang pagkakasambit ni Jigo.
“Annie, wag kayong lalayo ni Jigo sa’min.” Seryosong pagkakasambit ni Mark.
“*Uhm!” Mabilis na pagtugon ni Annie.
Ilang sandali pa ay sabay-sabay ng sumugod ang mga Drakes sa magkakaibigan at kasabay sa pagsugod ng mga ito ay ang mga Dark Trents.
“** WATER BULLET! **” Sambit ni Selina.
*** SFX: *PSUN! *PSUN! *PSUN! *PSUN! *PSUN! *PSUN! *PSUN! *PSUN! *PSUN! ***
Mabilis na tinamaan ang mga Dark Trents, pero nakaiwas naman ang mga Drakes sa ginawang pag-atake ni Selina. At sa tulong ng ibang Drakes ay nailigtas din nila ang mga Drakes na naka-kopya sa mga anyo nila Annie at Jigo. Kahit nagawang tamaan ni Selina ang mga Dark Trents ay hindi pa rin ito tuluyang mga natalo. Agad silang bumangon at kalaunan ay itinuloy ang kanilang binabalak na pag-atake.
“*Tsk! Ako na ang bahala sa mga ‘to! ** WRATH OF THE FIRE DRAGON! **” Sambit ni Aron.
*** SFX: BRUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUU! *Burn! ***
Kasabay ng pagkawala ni Aron sa tabi ng kaniyang mga kaibigan ay biglang nasunog ang mga Dark Trents at mga ilang puno.
“Whoa! Ang lakas!” Manghang pagkakasambit ni Jigo.
Agad hinanap ng magkakaibigan si Aron at ng makita na nila ito ay kasalukuyan na itong nakikipaglaban sa Drakes na kamukha niya.
“Sino si Aron sa mga yon!?” Tanong ni David.
“Ako!” Sabay na pagkakasigaw nung dalawang Aron. xD
“Morphling! Tapusin mo na ang mga kalaban na’min!” Sambit naman ni Selina.
Agad namang sumugod ang nilalang na tinawag ni Selina, pero huminto ito sa kalagitnaan ng kaniyang pagsugod, dahil may sinabi ang Drakes na Selina.
“Morphling! Sugurin mo ang mga nilalang na nasa tabi ng batis!” Sambit nung Drakes na Selina.
Laking gulat ni Selina ng bigla silang inatake ni Morphling. Mabuti na lang at nagawa nilang maka-iwas. Pero sa pagkakataong ito ay laking gulat nila ng biglang sumugod sa kanila ang kani-kanilang mga kamukha. At dahil sa nangyaring ito ay nagkahiwa-hiwalay na ang magkakaibigan at ang kasalukuyang kasama ng bawat isa ay ang kanilang mga kamukha. Sa mga oras na ito ay kasalukuyan ng naglalaban ang bawat isa, maliban lang sa dalawang Annie. Agad namang napalingon ang dalawang Mark sa mga ito.
“Okay ka lang ba Annie!” Sambit ni Mark.
“*Uhm! Okay lang ako, Mark! Pero sino ang totoo sa inyo!?” Sabay na pagkakasambit naman ng dalawang Annie.
“Syempre ako!” Sabay ding pagkakasambit ng dalawang Mark. xD
“*Grrrr! Tama na nga ang pag gaya mo sa’king impostor ka!” Inis na pagkakasambit ni Mark.
“Ikaw ang tumigil sa pag gaya sa’kin!” Sambit naman nung isa pang Mark.
Dahil sa sitwasyong kinalalagyan ng magkakaibigan ay hindi na nila matukoy kung sino ang kanilang mga tunay na kaibigan sa ngayon. Samantala, tinanggal na ni Selina ang Morphling na tinawag niya kanina, hindi na kasi nito alam kung sino ang kaniyang susundin sa dalawang Selina. Ang dalawang David naman ay malakas na nagpapalitan ng mga suntok at parehas nilang iniinda ang mga bawat pag-atake nila sa isa’t-isa. Halos pare-parehas lang ang nangyayari sa bawat magkakalaban, kung hindi nila na iiwasan ang bawat pag-atake ng kanilang kalaban ay tinamaan nila ito at tinatamaan din sila nito.
Mapunta naman tayo kay Annie na sa ngayon ay nakatingin kay Jigo. At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay natalo nito ang Drakes na kamukha niya. Tanging si Annie lang ang nakasaksi nito at nagtataka siya kung paano nagawang talunin ni Jigo ang kaniyang kamukha.
Lumipas pa ang ilang mga minuto ay halos makikitaan na ng pagod ang lahat. Tahimik lang na nanonood ang dalawang Annie at si Jigo sa mga naglalaban, dahil sa ngayon ay hindi pa rin nila tukoy kung sino sa mga ito ang kanilang mga kaibigan.
“*Tsk! Hindi ko aakalaing ganito kalakas ang mga Drakes na ‘to!” Sambit ni Mark derekta sa kaniyang isipan.
Ilang sandali pa ay biglang nakaramdam ng panganib si Mark sa kaniyang kalaban. At sa ngayon ay batid niya ang gagawin nito, kaya napatalon na siya paatras.
“** TAKE OVER! ARMORED GOLD FENRIR! **” Sambit ng Drakes na Mark.
Biglang nagbago ang anyo ng kalaban ni Mark at sa ngayon ay natitiyak niyang mahihirapan na siyang lumaban. Ilang sandali pa ay muli siyang nakaramdaman ng panganib at nanggagaling ito sa dereksyon kung saan naglalaban ang dalawang Aron. At laking gulat niya dahil ang isa sa mga ito ay nag Take over na din.
“Ang tunay bang si Aron ang nag Take over o ang Drakes na gumaya sa kaniya!? *Tsk! Bakit hindi ko magawang malaman kung sino ang tunay kong mga kaibigan sa mga ito!?” Sambit ni Mark sa kaniyang isipan.
Kahit nagulat ang iba sa kanilang mga nakita ay nagpatuloy pa rin ang mga ito sa paglaban sa kanilang mga kamukha. Sa ngayon ay hindi na alam ni Mark ang kaniyang gagawin, dahil kapag hindi pa siya nag take over ay posible siyang mamatay, dahil sa kalaban niya sa ngayon ay nasa anyo na ng isang fenrir. Pero ilang sandali pa ay laking pagtataka ng lahat, dahil biglang huminto ang kanilang mga kalaban at unti-unti ng naging mga halaman ang mga ito.
“Teka!? Ano ang nangyayari sa mga Drakes!?” Sambit ni Mark.
“Hindi ko rin alam, pero ikaw ang tunay na Mark, tama ba!?” Sambit naman ni Aron.
“Natural! Ako na lang naman ang natitirang Mark dito eh!” Tugon naman ni Mark kay Aron.
Sa mga sandali ito ay nagsama-sama na ang magkakaibigan, dahil hindi nila tukoy ang nangyari sa mga Drakes na kanilang kalaban. Pero nagpapasalamat sila, dahil natapos na ang nakakalitong paglalaban na yon.
“Grabe! Ang hirap palang kalabanin ang sarili mo!” Sambit ni Aron.
“Sinabe mo pa!” Sambit naman ni Melisa.
“Mamaya na tayo mag-usap at i-alerto nyo muli ang inyong mga sarili. Hindi pa na’tin sigurado kung ligtas na ba ang lugar na ito o hindi.” Sambit naman ni Mark.
Sandaling natahimik ang magkakaibigan at agad inalerto ang kanilang mga sarili, habang nasa likuran nila sila Annie at Jigo. Ilang sandali pa ay may naririnig na silang mga kaluskos, hindi kalayuan sa kanilang pwesto. At ilan pang sandali ay nakita na nila kung saan ito nagmumula. Pero sa ngayon ay hindi nila tukoy kung kalaban ba ito, dahil hindi nila ito makita ng lubusan. Sa ngayon kasi ay natatabingan ito ng anino ng mga puno.
Chapter end
Afterwords.
Hello, ako muli! Waaaaaah! sobrang init! Ang hirap pagsabayin ng dalawang story.. pero kaya ko naman dahil magaling ako! Buwahahaha! xD
Sa mga gustong maging updated sa mga ginagawa ko o sa mga gustong makausap ako.. maaari lang po kayong pumasok sa group page ng SOM..
eto po yung link.
https://www.facebook.com/groups/SchoolOfMyths/
Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..
Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..
Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..
Susunod.
Chapter 14: Aviona.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top