Chapter 12: Evis City

July 04, CS242. Araw muli ng sabado at sa ngayon ay magkikita-kita muli ang magkakaibigan para sa isang pakay. 5:40 am at sa ngayon ay nasa harapan na ng gate ng kanilang campus sila Mark at Annie at hinihintay na lang nila ang pagdating ng iba nilang kaibigan.

 

“Sana naman hindi na mahuli si Aron! Kukutusan ko talaga siya kapag na-late pa siya!” Sambit ni Annie.

“Wag kang mag-alala, may 20 minutes pa naman eh, kaya natitiyak kong hindi na yon mahu-huli.” Sambit naman ni Mark.

“Pero nakakainis talaga ng sobra si Carl! Hindi man lang niya tayo pinapansin! Nakakainis talaga siya! *Grrrr! inis na pagkakasambit ni Annie.

“Ang Carl na yon. Natitiyak kong malalaman din na’tin ang kanilang pakay dito sa loob ng Odin city.” Sambit muli ni Carl.

*** Flashback! xD ***

June 29, CS242. Araw ng lunes, umaga, sa loob ng classroom ng class Fire-3. Mabilis kumalat ang balita tungkol sa nangyari kay Alex nung sabado, kaya naman labis na nag-aalala ang magkakaibigan para sa kalagayan nito. Hindi pa rin kasi ito nagkakamalay at sa ngayon ay dinala na ito sa Evis city upang doon na siya magpagaling.

“Papasok kaya ang Carl na yon!?” Tanong ni Annie kay Mark.

 

“Hindi ko alam, siguro hindi muna magpapakita yon!” Tugon naman ni Mark.

 

“Maitanong ko lang, Lina. Hindi ba’t kaibigan mo yung si Carl?” Tanong ni Selina kay Lina.

*Uhm! Pero kailan ko lang naman siya nakilala, kaya kahit ako ay nagulat nung malaman kong kasama niya ang kapatid ni Rain.” Tugon naman ni Lina.

“Dapat maitago ko sa kanila ang tunay na katauhan ni Carl, dahil kung hindi ay malalaman nilang si Luke at si Rain ay iisa.” Sambit ni Lina derekta sa kaniyang isipan.

*Hmmm.. Isang misteryo tuloy si Carl, dahil ang sabi ni Mark ay ang dala lagi nitong sandata ay ang Myth slayer ni Rain.” Sambit muli ni Selina.

“Yun na nga eh! Alam kong may kinalaman ang Carl na yon at si Zeren sa pagkawala ni Rain dati.” Sambit muli ni Mark.

 

“Ikaw Lina, ano ang sa tingin mo tungkol dito kay Carl?” Tanong naman ni Selina kay Lina.

 

“Ako? *Hmmm.. Siguro nga tama kayo.” Tugon naman ni Lina.

“Teka, bakit ganito ang mga kinikilos ni Lina? Parang wala siyang pakialam tungkol dito, eh siya ‘tong mas nasaktan sa pagkawala ni Rain?” Tanong ni Selina derekta sa kaniyang isipan.

Hindi naman magawang sumali ni Jigo sa usapan ng kaniyang mga kaibigan, dahil wala siyang ideya sa mga pinag-uusapan ng mga ito. Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto ng kanilang classroom at dito ay nakita na nilang pumasok si Carl. Dali-daling lumapit ang magkakaibigan at agad tinanong ito.

“Oi Carl! Ipaliwanag mo ang mga nangyari kahapon! Sino ka bang talaga at bakit nyo inilayo si Rain sa’min!?” Galit na pagkakasambit ni Annie kay Carl.

Napatingin naman ang iba pa nilang mga kaklase kay Annie, dahil masyadong malakas ang pagkakasambit nito. Hindi naman siya pinansin ni Carl at dere-deretso lang itong naglakad patungo sa kaniyang upuan. Lalo lang nainis si Annie, kaya naman mabilis na niya itong nilapan at agad niyang hinablot ang braso nito.

“Bakit ayaw mong magsalita!?” Galit muling pagkakasambit ni Annie.

“Haaay! Pwede bang tigilan mo na yang ginagawa mo sa’kin? Hindi ka ba nahihiya sa mga kaklase na’tin? Lahat sila ay nakatingin na sayo.” Sambit naman ni Carl kay Annie.

Agad namang napatingin si Annie at dito ay nakumpirma niyang nakatingin na nga ang lahat ng kaniyang kaklase sa kaniya. Kahit papaano ay nakaramdam siya ng pagkahiya, dahil sa kaniyang ginawa.

 

“Annie, tama na yan. Ako na ang bahala sa lalakeng yan mamaya.” Sambit naman ni Selina kay Annie.

“Kung binabalak mong gamitin sa’kin ang kapangyarihan mo bilang siren ay wag mo ng subukan, dahil mabibigo ka lang.” Sambit muli ni Carl.

“*Tsk! Mukhang nagsasabi nga siya ng totoo, pero gagawa ako ng paraan para malaman ang nalalaman niya sa pagkawala ni Rain.” Sambit ni Selina derekta sa kaniyang isipan.

“Ikaw! Bakit hindi na lang na’tin ito daanin sa isang shaman fight!? Sa oras na manalo ako ay sasabihin mo sa’min ang lahat ng nalalaman mo!” Sambit naman ni Mark kay Carl.

“At ano naman ang mapapala ko kung manalo ako? At isa pa, sinubukan lang naman kita nung naglaban tayo at hindi ko pa ginagamit ang buo kong lakas. Tandaan mo, isa akong Kraken at isang hamak na Fenrir ka lang. Kahit na anong gawin mo sa magiging laban na’tin ay matatalo ka lang. Ano nga naman ang magagawa ng isang daga sa malaking pusa?” Seryosong pagkakatugon ni Carl kay Mark.

Sa mga oras na ito ay labis na nagulat ang lahat sa kanilang mga narinig. Halos ang lahat ng kalalakihan sa class Fire-3 ay napatayo at tila ba lahat sila ay galit na galit kay Carl, dahil sa pang-i-insulto nito kay Mark.

 

*Fufufu.. Baka naman naduduwag ka lang kaya ayaw mo ng maki-paglaban?” Sambit muli ni Mark.

“Makinig ka, Mark Lionheart. Ayokong mapatay ang isa sa mga kaibigan ni Zenon, kaya naman wag mo ng ipilit ang gusto mo. Dahil sa oras na mag-take over ako ay hindi ko na alam kung sino pa ang madadamay sa pagkamatay mo. Pwedeng masira ko ang buong paaralang ito, kaya wag mo na akong pilitin pa. Siguro naman alam mo kung gaano kalaki ang isang Kraken, kaya alam mong nagsasabi ako ng totoo. At sa totoo lang ay mahigpit na ipinagbabawal sa’kin ang makipaglaban sa lugar kung saan maraming tao o kaya naman mga mythical shaman, dahil posible ko silang mapatay sa oras na hindi ko na ma-kontrol ang sarili ko.” Seryosong pagkakasambit muli ni Carl.

Sa mga oras na ito ay biglang natahimik ang buong class Fire-3. Hindi na rin nagawang magsalita ni Mark at napa-dakot na lang ito ng kaniyang mga kamao. At Ilang sandali pa nga ang lumipas ay dumating na ang kanilang guro na si Ms. Lexy.

Mabilis lumipas ang mga oras at natapos na nga ang lahat ng kanilang klase. At sa mga oras na ito ay masusing binantayan nila Mark, Selina, Annie at ang iba pa nilang mga kaibigan itong si Carl. Hindi naman sumama sa kanila si Lina at nagmadali na itong umuwi.

Palihim na sinundan ng magkakaibigan si Carl, pero sa pagliko nito sa isang eskenita ay bigla na lang itong nawala. Naulit pa ito ng ilang mga araw ang ganito, kasabay ng paglikom nila ng impormasyon sa kalagayan ng kaibigan nilang si Alex.

July 03, CS242. Byernes at sa ngayon ay kasalukuyang nag-uusap habang kumakakain ang magkakaibigan sa Special Zone Area sa may cafeteria.

“Pasensya na kayo pero wala pa ring balita si Eimi sa kalagayan ni Alex eh. Hindi pa kasi siya umuuwi ng Evis city.” Sambit ni David.

“Kahit si Ms. Lexy ay wala ding balita. Hindi naman ako pinapansin nung kaklase na’ming si Claudette, kaya hindi ko din siya matanong. Kamusta na kaya ang kalagayan ni Alex?” Sambit naman ni Annie.

“Haaaaay! Ang dami naman na’ting problema ngayon! Wala namang kakaibang kinikilos si Zazan, dahil lagi itong kasama ni Airen. Hindi rin nakikita ni Airen si Carl na kasama o nakikipagkita kay Zazan, kaya naman lalo lang akong naguguluhan.” Sambit naman ni Aron.

“Kahit si Luke ay hindi na rin na’min nakikitang kasama ni Carl. Tulad pa rin siya ng dati at mukhang wala talaga siyang kinalaman dito kay Carl at sa mga kasama nitong kumuha kay Rain.” Sambit naman ni Melisa.

 

“Ikaw Lina, ano ang sa tingin mo?” Tanong naman ni Selina kay Lina.

 

“Wala din akong ideya, sa ngayon kasi ay may ipinag-uutos sa’kin si master Rachelle eh.” Tugon naman ni Lina.

 

“Ano? *Hmmm.. Ano ba talaga ang nangyayari kay Lina? Parang wala siyang pakialam sa mga nilalang na kumuha kay Rain ah!” Sambit ni Selina derekta sa kaniyang isipan.

 

“Yun ba ang dahilan kaya lagi kang maaga kung umuuwi?” Tanong naman ni Annie kay Lina.

*Uhm! Pasenya na talaga kayo ah! Importante kasi at ipinapagawa sa’kin ni master at lagot ako sa kaniya kung hindi yon matapos agad.” Tugon muli ni Lina.

 

“Bakit? Ano ba ang ipinapagawa sayo ni Ms. Rachelle?” Tanong naman ni Selina kay Lina.

“Sorry pero kabilin-bilinan niyang wag ko itong sasabihin sa iba, kaya hindi ko pwedeng sabihin sa inyo. Sorry talaga.” Tugon muli ni Lina.

“*Tsk! Mukhang nagdududa na sa’kin si Selina. Pero mabuti na rin at agad kong nasabihan sila Carl at Rain na wag munang magkita.” Sambit ni Lina derekta sa kaniyang isipan.

 

“Ganon ba? Okay lang, tutal kilala naman na’ting lahat si master Rachelle. Natitiyak kong importante talaga ang bagay na ipinapagawa niya sayo, kaya nauunawaan ka na’min.” Sambit naman ni Mark.

 

“Tama si Mark! At ayoko na ding alamin pa ang ipinapagawa sayo ni lola! Baka saktan na naman ako non sa oras na malaman niyang alam ko na ang ipinapagawa niya sayo.” Sambit naman ni Aron.

“Oo nga no! Mabuti pa kayang ibahin na na’tin ang topic, natatakot pa rin kasi ako kay Ms. Rachelle eh.” Sambit naman ni Melisa.

 

“Sorry kung sasali ako sa usapan, pero nalaman kong uuwi bukas si Eimi sa Evis city.” Sambit naman ni Jigo.

 

“Talaga? Saan mo naman nalaman ang bagay na yon?” Tanong naman ni David kay Jigo.

*Ahh! Narinig ko lang siya na kausap si Claudette kaninang umaga nung naka-sabay ko sila sa may gate ng campus.” Tugon naman ni Jigo.

 

*Hmmm.. Ano kaya kung sumama tayo kay Eimi bukas, para naman mabisita na’tin si Alex?” Sambit naman ni Mark.

 

“Nice Idea Mark! Kaya mahal kita eh!” Masayang pagkakasambit naman ni Annie.

Kinilig naman si Mark matapos marinig ang mga sinabi ni Annie at napakamot pa ng kaniyang ulo. xD

 

“Sang-ayon ako sa ideya ni Mark! *Eh kayo?” Sambit naman ni Selina.

 

*Uhm! Sang-ayon din ako don.” Sambit naman ni Melisa.

 

“Kung nasaan si Melisa, syempre nandoon din ako!” Sambit naman ni David.

 

“Syempre, kasama ako dyan!” Sambit naman ni Aron.

 

“Siguro, sasama na din ako. Tutal kaibigan na din naman ako ni Alex eh.” Sambit naman ni Jigo.

 

“Thanks, Jigo.” Nakangiti namang pagkakasambit ni Annie kay Jigo.

 

“No problem!” Nakangiti ring pagkakasambit ni Jigo kay Annie.

 

“Ikaw Lina? Wag mong sabihin hindi ka sasama!?” Tanong naman ni Selina kay Lina.

“Hindi ko pa alam eh. Sobrang dami pa kasi ng gagawin ko at halos uubusin ko ang buong dalawang araw ko para lang matapos yung mga ipinapagawa sa’kin ni master. Kaya ngayon palang ay nagso-sorry na ako, baka kasi hindi ako makasama.” Tugon naman ni Lina.

“Okay lang. Don’t worry, Lina. Babalitaan ka na lang na’min sa oras na makita na na’min si Alex.” Nakangiti namang pagkakasambit ni Mark kay Lina.

“Sige, maraming salamat sa pag-unawa at sorry talaga kung hindi ako makakasama. Pero pipilitin ko pa ring sumama, baka magtext na lang ako mamayang gabi.” Sambit muli ni Lina.

 

“Kami na ni Melisa ang bahalang kumausap kay Eimi, tungkol sa pagsabay na’tin sa kaniya.” Sambit muli ni David.

 

“Sige! Maraming salamat, David.” Sambit ni Mark kay David.

 

“No problem! Basta mag-usap na lang ulit tayo mamaya after class sa special classroom.” Sambit muli ni David.

 

*Uhm! Ay.. malapit na palang matapos ang lunch break!” Sambit muli ni Mark.

 

“Aba oo nga no! Sige, mamaya na lang ulit tayo mag-usap-usap!” Sambit muli ni David.

Sa mga oras na ito ay sabay-sabay na ngang naglakad pabalik sa kani-kanilang mga classroom ang magkakaibigan. Sakto namang sa pagpasok nila David at Melisa ay nakita nila si Eimi habang nakikipag-usap kay Luke.

“Maraming salamat sa mga notes na ipinahiram mo sa’kin ah. Malaking tulong talaga ang mga yon.” Nakangiting pagkakasambit ni Luke kay Eimi.

*Ahh! Mabuti naman at nakatulong ang mga yon. Isoli mo na lang kung kailan mo gusto. *Hehehe.. Medyo nahihiya ang tono ng pagkakatugon ni Eimi kay Luke.

“Talaga!? Thanks talaga, pero don’t worry at isusoli ko agad sayo ang mga notes mo. Nakakahiya naman kasi sayo eh.” Sambit muli ni Luke.

“Mabuti naman at nakatulong sa kaniya ang mga notes ko. Siguro, dapat ko pa siyang tulungan. *Hehehe.. Sambit ni Eimi derekta sa kaniyang isipan. xD

 

“Bakit Eimi? May nakakatawa ba?” Tanong ni Luke.

 

*Ahh! Sorry, natutuwa lang ako kasi naman nakatulong yung mga notes ko sayo.” Nakangiting pagkakatugon ni Eimi.

“Sobrang laki nga ng natulong mo sa’kin eh! Siguro babawi ako sayo next time! Baka ilibre kita ng lunch o dinner sa labas ng campus.” Sambit muli ni Luke.

 

“Whoa!? Inaaya niya ba ako sa isang date? Pero hindi pa ako handa..” Sambit muli ni Eimi derekta sa kaniyang isipan.

 

“Si..si..sige.. Lumabas tayo minsan. *Hehehe.. Nahihiya at nanginginig ang tono ng pagkakasambit ni Eimi kay Luke.

“*Uhm!” Nakangiti muling pagkakasambit ni Luke.

 

“Ang cute talaga ng mga ngiti niya!” Nakangiting pagkakasambit ni Eimi derekta sa kaniyang isipan. xD

Ilang sandali pa ay lumapit na nga sa kanila sila David at Melisa. Narinig din nila ang mga naging pag-uusap nila Luke at Eimi at dito ay nakumpirma nilang isang tao nga lang talaga si Luke.

“Eimi!” Sambit ni David.

Agad namang napalingon si Eimi kay David at kalaunan ay tinugon na niya ito.

“Bakit David? May kailangan ka ba sa’kin?” Tugon ni Eimi.

 

“Gusto ko lang sanang alamin kung totoo bang uuwi ka bukas sa Evis city?” Tanong ni David.

 

*Uhm! Pero saan mo naman nalaman ang bagay na yon?” Tugon muli ni Eimi.

“Ayos! Hindi na importante kung kanino man na’min nalaman ang bagay na yon, pero may gusto lang kaming hinging pabor sayo.” Sambit muli ni David.

 

*Hmmm.. Anong klaseng pabor ba yon?” Nagtatakang tanong naman ni Eimi.

“Gusto sana na’ming sumama sayo, para naman mabisita na’min si Alex.” Tugon ni David.

 

*Ahh! Okay, sige. Pero hindi ko na kayo sagutin pa ah!” Sambit muli ni Eimi.

 

“Yes! Okay lang! Maraming salamat! Hindi kasi na’min alam ang daan patungo sa kastilyo nyo eh. At baka hindi rin kami papasukin sa loob kung sakali mang pumunta kami ng walang pasabi.” Sambit muli ni David.

 

“Sabagay. Pero maaga akong aalis bukas, mahaba kasi ang byahe patungo sa bahay na’min eh.” Sambit muli ni Eimi.

 

“Okay lang! Mga anong oras ka ba aalis?” Sambit muli ni David.

 

“Siguro mga 6 am ng umaga.” Tugon naman ni Eimi.

“Okay! Pero okay lang ba kung hintayin mo kami sa harapan ng campus gate bukas? Para naman makasabay kami sayo?” Sambit muli ni David.

 

*Hmmm.. Okay sige, walang problema.” Tugon muli ni Eimi.

 

“Ayos! Maraming salamat talaga!” Masayang pagkakasambit ni David.

 

“Pasensya na kung sisingit ako ah, pero ang balita ko ay nakakatakot daw sa Evis city.” Sambit naman ni Luke.

*Hmmm.. Sabihin na nga na’tin parang ganon na nga. Pero normal lang ang lugar na yon sa’min.” Tugon naman ni Eimi kay Luke.

*Eh paanong hindi magiging normal para sa inyo yon, eh mga vampire kayo. *Hahaha! Mukhang delikado talaga para sa tulad kong isang tao ang magpunta doon, kaya hindi ko na papangarapin pang tumapak sa lugar na yon.” Sambit muli ni Luke.

“Grabe ka naman! Hindi naman totally nakakatakot ang bayan na’min! Pero hindi nga ligtas na magpunta don ang mga tao.” Sambit muli ni Eimi.

 

“Kita mo na! *Hahaha! Masayang pagkakasambit muli ni Luke.

Ilang sandali pa ay pumasok na ang susunod nilang guro, kaya naman bumalik na sa kanilang mga upuan sila Luke, Eimi, David at Melisa.

“Eimi bukas ah!” Sambit muli ni David.

 

“Okay! Basta wag kayong mahuhuli ah! I-iwan ko kayo kapag nahuli kayo sa oras!” Tugon naman ni Eimi.

 

“Sure! Pero hindi mangyayari ang bagay na yon! *Hehehe.. Sambit muli ni David.

Matapos ang mga klase ay nag-usap-usap na nga ang magkakaibigan sa loob ng special classroom tungkol sa kanilang planong pag-alis bukas.

*** Flashback end’s here :D ***

Mabalik tayo sa kasalukuyan. Sa ngayon ay si Aron na lang ang hinihintay nila Mark at may sampong minuto na lang bago mag alas sais.

 

“Naku ang Aron na yon! Kapag na-late siya i-iwan na na’tin siya!” Inis na pagkakasambit ni Annie.

 

“Si Lina nga pala? Talaga bang hindi na siya makakasama?” Tanong ni David.

*Uhm! Nakausap ko siya sa telepono kagabi at ang sabi niya ay hindi nga siya makakasama sa’tin.” Tugon naman ni Selina kay David.

 

“Ganon ba? Sayang naman. Siguro sobrang hirap ng pinapagawa sa kaniya ni Ms. Rachelle.” Sambit naman ni Melisa.

 

“Sigurado yon! Si master pa!” Sambit naman ni Mark.

 

*Umm.. Sorry, pero nakakatakot ba talaga si Ms. Rachelle na tinutukoy nyo?” Sambit naman ni Jigo.

“Sobra!” Tugon ng magkakaibigan kay Jigo.

*Ahh! Okay?” Medyo awkward na pagkakasambit muli ni Jigo.

 

“Matagal pa ba yung kaibigan nyo? Masyado kasing mahaba ang magiging byahe na’tin eh.” Sambit naman ni Eimi.

“Papunta na siguro yon. At wag ka ng mag-alala sa byahe, dahil may dala naman kaming sasakyan.” Tugon naman ni Annie kay Eimi.

 

“Wag nyo ng isipin pa si Aron, dahil nakikita ko na siya!” Nakangiting pagkakasambit naman ni Mark.

Ilang sandali pa nga ang lumipas matapos magsalita ni Mark ay naka-lapit na si Aron sa kaniyang mga kaibigan.

 

*Huuhh! Mabuti na lang at hindi ako nahuli!” Sambit ni Aron.

 

“Aba dapat lang! At kung na-late ka? Maiiwan ka ditong mag-isa!” Sambit naman ni Annie kay Aron.

 

*Hahaha! Pero hindi naman ako na huli eh!” Sambit muli ni Aron.

 

“Wala na ba tayong hinihintay!?” Sambit naman ni Eimi.

Pero biglang natigilan si Eimi matapos makitang tumatakbo si Luke hindi kalayuan sa kanila. Nakita din naman ito ng magkakaibigan, kaya naman nagulat si Selina matapos niyang makita ito.

 

“Oi Luke!” Sambit ni David.

Agad namang napahinto si Luke sa pagtakbo at napatingin sa lalakeng tumawag sa kaniya.

*Oh David? Melisa! Whoa! Eimi!” Sambit ni Luke.

“Rain!?” Gulat na pagkakasambit ni Selina.

*Huh? Selina?” Sambit muli ni Luke.

Nagulat ang lahat, maliban kay Eimi matapos marinig nila ang sinabi ni Luke. Samantalang ngayon lang napansin ni Rain na bukod kila David, Melisa at Eimi ay kasama pa pala ng mga ito ang mga kaibigan niya, kaya nagulat din siya at hindi niya inaasahan ang kaniyang nasabi.

“Patay! Anong ginagawa nila dito? At bakit kasama nila si Eimi? *Tsk! Kailangan kong maka-isip ka-agad ng palusot.” Sambit ni Luke derekta sa kaniyang isipan.

“Rain!? Ikaw nga ba yan!?” Malakas na pagkakasambit ni Selina.

“Re..re..Rain!? Sino ba talaga siya? Nagugulat na lang ako sa tuwing may tumatawag sa’kin ng ganon. Pero ikaw nga ba talaga si Selina Oceanus!? Ang isa sa mga hottie ng campus!? Alam mo bang matagal na kitang gustong makita at hindi nga ako nagtataka na sikat ka! Ang ganda mo naman kasi! *Hahahaha! Sambit muli ni Luke.

 

“*Waaaaa! Ano ba yong sinabi ko? Pero wala na akong maisip na iba eh! Sana kagatin nila!” Sambit muli ni Luke derekta sa kaniyang isipan. xD

Medyo nainis naman ng konti itong si Eimi sa mga sinabi ni Luke, pero hindi niya ito ipinaalam sa iba.

 

“*Hmmmp! Mga lalake nga naman! Hindi na nakuntento sa isa!” Sambit ni Eimi derekta sa kaniyang isipan.

(chufalse: Wow si Eimi! Feeling girlfriend agad ampotek! *Wahahaha! XD)

“So siya pala ang si Luke Ainsgate. Totoo ngang kamukhang-kamukha niya si Rain. Pero totoo nga kayang isa lang siyang tao?” Sambit ni Selina derekta sa kaniyang isipan.

*Ahh! Naalala ko na! Sasama nga pala sila David, Melisa at mga kaibigan niya sayo sa Evis city, tama ba?” Sambit ni Luke kay Eimi.

*Uhm! Ganon nga na. Nag-aalala kasi sila sa kaibigan nilang si Alex, kaya gusto nila itong bisitahin.” Sambit naman ni Eimi.

“*Tsk! Bakit nakalimutan ko ang bagay na ‘to? Kung hindi ko lang ‘to nakalimutan ay sa ibang daan saan ako dumaan papunta sa bahay.” Sambit ni Luke derekta sa kaniyang isipan.

“Maiba ako, Luke? Isa ka lang ba talagang tao? May nararamdaman kasi akong kakaiba sayo eh!” Sambit naman ni Aron.

“Kakaiba?” Tanong naman ni Luke.

 

“Teka lang Luke, saan ka nga pala pupunta ng ganitong oras?” Tanong naman ni David.

 

*Ahh! Nag dya-jogging lang ako. *Hahaha! Tugon naman ni Luke.

 

“Pero pupunta talaga ako ngayon sa bahay na’min! Bakit ba kasi nakalimutan ko ang tungkol sa bagay na ‘to!” Sambit ni Luke derekta sa kaniyang isipan.

“May kakaiba talaga sa kaniya. Siya nga kaya si Rain? Ang mabuti pa ay subukan ko na lang, tutal hindi naman tinatablan ng apoy si Rain.” Sambit ni Aron derekta sa kaniyang isipan.

Habang masayang nakikipag-usap si Luke ay palihim na nag-enchant si Aron. Napansin naman ito ni Eimi, kaya nagtaka ito kung bakit. Pero laking gulat niya ng mabilis nitong sinugod si Luke.

“Luke!” Sigaw ni Eimi.

Agad napalingon ang magkakaibigan sa pasugod na si Aron kay Luke. At sa mga oras na ito ay hindi nila maunawaan kung bakit ginagawa ito ni Aron.

*** SFX: BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOM! ***

Agad tumilapon si Aron at kalaunan ay humpas ng malakas sa pader na katapat ng kanilang campus gate. Hindi naman nagawang magsalita ng magkakaibigan, dahil sa labis na pagkagulat. Agad din kasing inatake ni Eimi itong si Aron, dahilan upang tumilapon ito at kalaunan ay malakas na tumama sa pader. Samantala, agad namang nilapitan ni Eimi itong si Luke.

“Luke! Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba!?” Nag-aalalang pagkakasambit ni Eimi.

 

“Okay lang ako at salamat sa pagligtas mo sa’kin. Nagulat ako sa ginawa nung lalakeng yon, pero bakit niya ako inatake?” Tugon naman ni Luke.

“Lokong Aron yon! Muntik na ako dun ah! Pero salamat kay Eimi at hindi ko na kinailangan pang umiwas sa ginawa ni Aron. Tyak kung hindi ako tinulangan ni Eimi ay magdududa na talaga sila sa kung sino ba talaga ako.” Sambit ni Luke derekta sa kaniyang isipan.

Ilang sandali pa ay galit na lumingon si Eimi sa lugar kung saan tumilapon si Aron at kalaunan ay galit na nagsalita.

“Ikaw!? Bakit mo inatake si Luke!?” Galit na pagkakasambit ni Eimi kay Aron.

“Aron? Bakit niya inatake si Luke?” Tanong naman ni Melisa sa mga kaibigan.

 

“Hindi ko rin alam, pero siguradong may rason si Aron kung bakit niya ginawa yon!” Sambit naman ni Mark.

 

“Hindi kaya sinusubukan ni Aron itong si Luke!? Iniisip ba niyang si Rain nga ito?” Sambit ni Selina derekta sa kaniyang isipan.

Makalipas ang ilang sandali ay dahan-dahan na ngang bumangon si Aron. Mabilis naman siyang sinugod ni Eimi.

“Tama na Eimi.” Seryosong pagkakasambit ni Luke.

Nahinto naman si Eimi sa kaniyang pagsugod matapos marinig ang mga sinabi ni Luke at kalaunan ay napatalon paatras. Sa ngayon ay kasalukuyan nagpa-pagpag ng kaniyang damit si Aron na lalong ikinainis ni Eimi.

“Magpaliwanag ka, Aron Draken!” Seryoso at galit ang tono ng pagkakasambit ni Eimi.

“Oo nga Aron! Bakit mo inatake si Luke!?” Sambit naman ni Annie.

Nang matapos ng magpagpag ng kaniyang damit si Aron ay nagsimula na itong magsalita.

“Sorry! Gusto ko lang kasing malaman kung siya ba ang kaibigan na’ming si Rain! Hindi kasi tinatablan ng apoy si Rain, kaya naisip kong alamin kung tatablan ba siya sa gagawin kong pag-atake o hindi.” Sambit ni Aron.

Sa mga oras na ito ay nakayuko pero mabilis na nilapitan ni Eimi si Aron at nang tuluyang makalapit ay malakas niya itong sinampal.

 

*** SFX: PAAAAAAAAAK! ***

Napahawak na lang sa kaniyang pisngi si Aron na nagulat sa ginawa sa kaniya.

“Sa tingin mo ba ay tama ang ginawa mo!? At papaano kung hindi nga siya yung kaibigang tinutukoy mo at napatay mo siya? Nag-iisip ka ba o sadyang wala kang isip?” Galit na pagkakasambit ni Eimi.

Napayuko na lang si Aron matapos maisip na tama nga ang sinabi ni Eimi. Hindi na rin ito nakapagsalita pa. Makalipas ang ilan pang mga sandali ay nilapitan na ni Eimi sila David at kalaunan ay nagsalita ito.

“David, Melisa, pasensya na pero nagbago na ang isip ko. Hindi na muna ako uuwi sa Evis city, kaya hindi ko na kayo masasamahan pa.” Sambit ni Eimi.

“Eimi, pasensya ka na talaga sa ginawa ng kaibigan na’min.” Sambit naman ni David.

“Oo nga! Sobrang sorry talaga.” Sambit naman ni Melisa.

 

“Hindi na ba talaga magbabago ang isipan mo? Hindi ka na ba talaga uuwi?” Tanong ni David.

 

*Uhm! At isa pa, ayokong makasama ang lalakeng yon!” Tugon ni Eimi habang nakaturo kay Aron.

“Hoy Aron! Humingi ka ng sorry! Kahit kailan panira ka talaga! Puro pakikipaglaban lang kasi ang nasa isipan mo eh, kaya hindi mo iniisip na posibleng napatay mo yung kaibigan ni Eimi!” Inis namang pagkakasambit ni Annie kay Aron.

Sa ngayon ay hindi pa rin nagsasalita o umaalis sa kaniyang kinatatayuan si Aron. Iniisip pa rin kasi niya ang posibilidad na tama ang kaniyang hinala tungkol sa pagkatao ni Luke.

“Okay lang! Hindi na niya kailangan pang mag-sorry, dahil hindi ko naman siya mapapatawad. At kung balak nyo pa ring tumuloy, ibibigay ko na lang sa inyo ang dereksyon patungo sa kastilyo na’min. Wag na din kayong mag-alala, dahil uutusan ko ang mga insekto na ipaalam ang pagdating nyo.” Sambit muli ni Eimi.

“Okay, maraming salamat.” Sambit naman ni Mark.

Ilang sandali pa ay binuksan ni Eimi ang kaniyang bag at sa loob nito ay may kinuha siyang isang mapa. Agad niya itong inabot kay David at ipinaliwag dito kung papaano makakapunta sa kanilang kastilyo na nasa pinaka dulo ng Evis city.

Halos ilang minuto lang naman ang ginawang pagpapaliwanag ni Eimi kila David, kung papaano pupunta sa kanilang kastilyo, kaya naman hindi rin nagtagal ay naghanda na ang magkakaibigan sa kanilang gagawin pagbyahe.

“Maraming salamat ulit Eimi at sorry na din.” Sambit ni David.

*Uhm! Okay lang, salamat din sa inyo dahil sa ngayon ay malinaw na sa’kin ang aking nararamdaman.” Nakangiti namang pagkakatugon ni Eimi.

Nagkatinginan naman ang magkakaibigan, dahil nagtataka ang mga ito sa sinabi ni Eimi sa kanila.

 

“Bakit? Anong malinaw na ang mga nararamdaman mo?” Tanong ni Melisa.

 

“Na mahal ko na si Luke! At simula sa araw na ito ay Boyfriend ko na siya!” Nakangiting pagkakasambit muli ni Eimi.

Labis namang nagulat ang magkakaibigan. Samantala, biglang bumuwal naman si Luke matapos marinig ang mga sinabi ni Eimi. Agad naman din siyang tumayo at kalaunan ay nagsalita. xD

“Hoy Eimi! Bo..bo..boyfriend? Pero..” Natatarantang pagkakasambit naman ni Luke.

Agad namang niyakap ni Eimi ang kanang braso ni Luke at sa mga oras na ito ay labis na nakaramdam ng pagkahiya si Luke. xD

 

*Uhm! Boyfriend na kita simula sa araw na ‘to!” Nakangiting pagkakasambit ni Eimi kay Luke.

“Pe..pe..pe..pero..” Natataranta muling pagkakasambit ni Luke.

“Wag mong sabihing may Girlfriend ka na!?” Gulat namang pagkakasambit ni Eimi.

“Girlfriend!? Wa..wa..wala!” Natataranta muling pagkakasambit ni Luke.

“Wala naman pala eh! So walang magagalit sa oras na maging boyfriend na kita! *Hehehe.. Masayang pagkakasambit ni Eimi.

“Pe..pe..pe..pero.. Kasi..” Natataranta muling pagkakasambit ni Luke.

“No, no, no.. Wag ka ng tumutol pa, kung ayaw mong masaktan!” Nakangiting pagkakasambit muli ni Eimi.

 

“Dyos ko po Inang! Ano ba ‘tong napasok ko!? Patay ako nito kay Lina! *Huhubells!” Sambit ni Luke derekta sa kaniyang isipan. xD

 

*Hahaha.. Mabuti naman at mukhang napabuti pa ang ginawa ni Aron..” Medyo awkward na pagkakasambit ni Melisa.

 

“Pero hindi ko pa rin mapapatawad ang walang isip na lalakeng yon!” Medyo galit ang tono ng pagkakasambit ni Eimi kay Melisa.

 

“Ganon ba? *Hehe.. So ano na ang plano nyo ngayon?” Medyo awkward muling pagkakasambit ni Melisa.

 

*Hmmm.. Siguro ngayon na ang araw para mag-date kami nitong si Luke.” Nakangiti namang pagkakatugon ni Eimi.

 

*Eh!? De..de..date!? Pe..pe..pero.. kasi..” Natataranta namang pagkakasambit ni Luke.

*Huh? Diba ikaw na rin ang nagsabi na ililibre mo ako sa labas ng campus? Siguro mabuting ngayon mo na yon gawin. *Hehehe.. Nakangiti muling pagkakasambit ni Eimi kay Luke.

“*Heh..heh..heh..” Medyo awkward na pagtawa ni Melisa. xD

 

“Ang mabuti pa ay umalis na tayo, dahil mahaba pa ang byahe na’tin.” Sambit naman ni Mark.

 

*Uhm! Sang-ayon ako kay Mark.” Sambit naman ni Jigo.

 

“Ang mabuti pa ay tawagin mo na si Aron, Jigo. At mauuna na kami sa kotse.” Sambit naman ni Annie.

“Okay!” Tugon naman ni Jigo.

Nang makasakay na ang magkakaibigan sa mahabang sasakyan nila Annie ay umalis na sila. Samantala, wala namang nagawa si Luke na may balak sanang matungo sa kanilang bahay ngayon araw, dahil nahila siya ni Eimi patungo sa lugar na sikat na sikat dito sa loob ng Odin city.

Chapter end

 Afterwords.

 

Hello, ako muli! Sobrang init naman ngayon.. Medyo kinakapos tuloy ako ng tulog.. :'( 4-6 hours tulog ko lagi.. xD

Sa mga gustong maging updated sa mga ginagawa ko o sa mga gustong makausap ako.. maaari lang po kayong pumasok sa group page ng SOM..

 

eto po yung link.

 

https://www.facebook.com/groups/SchoolOfMyths/

 

 

 

Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..

 

Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..

 

Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..

 

 

 

 

 

Susunod.

Chapter 13: Evis City part 2.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top