Chapter 1: Ang mga bagong transfer student.

June 17, CS242. Araw ng myerkules at sa ngayon ay kasalukuyan na ding nag-aaral ang nakakabatang kapatid ni Aron na si Airen sa Olympus university bilang isang freshman.

 

“Airen!” Sambit ni Ericka.

“Bakit, Ericka?” Tugon naman ni Airen.

 

“May bago daw tayong transfer student.” Sambit muli ni Ericka.

 

“Wow talaga!? Sana maging kaibigan na’tin siya.” Sambit muli ni Airen.

*** Ericka Enigma. 14 years old at isang mythical shaman ng Chimera. Tahimik, matalino at mabait itong si Ericka. At kahit bata pa ay nasa mid-class na ang antas nito sa pagamit ng kaniyang mga kapangyarihan.

Slim ang pangangatawan nitong si Ericka, nasa 4’6 ang kaniyang taas, maputi at makinis ang kaniyang balat, maganda din ang hanggang balikat niyang itim na buhok at medyo may hinaharap naman. (if you know what I mean! :3) ***

 

***Note: Ang Chimera ay isang class-A na mythological creatures, ang anyo nito ay pinaghalong leyon, ahas at kambing. Ulo at mga paa ng leyon, katawan ng kambing at butot ay ahas. Bagamat ganito ang itsura ng isang chimera ay labis naman ang taglay nitong kapangyarihan at lakas. Bukod sa makamandag na lasong tagay ng buntot nito at malakas na pangangatawan ay may natatangin din itong abilidad. At ito ay ang paggawa ng mga makatotohanang ilusyon. ***

 

Ilang sandali pa ay pumasok na ang kanilang guro sa English at ito ay si Ms. Unice.

 

“Okay class fire-1. Balik na kayo sa inyong mga upuan at magsisimula na tayo sa ating klase. Pero bago tayo magsimula ay gusto ko munang ipakilala sa inyo ang bago ninyong kaklase.” Sambit ni Unice.

Agad nagkani-kaniya ng usapan ang bawat magkakatabi at ilang sandali pa nga ay muling nagsalita si Ms. Unice.

 

“Okay, Pumasok ka na Zazan at magpakilala sa kanila.” Sambit naman ni Unice sa isang istudyanteng nasa labas ng classroom.

Matapos magsalita ni Ms. Unice ay may pumasok na isang batang lalaki sa loob. Mabagal itong naglakad patungo sa gitna at kalaunan ay nagsalita na upang magpakilala.

 

“Magandang umaga sa inyong lahat. Ako nga pala si Zazan Sylfaen 15 years old, pero ang tunay kong pangalan ay Zenon Reign Icarus at ako ang ika-limang reincarnation.” Masayang pagkakasambit ng istudyanteng nagpakilalang Zazan Sylfaen.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Unice sa kaniyang mga narinig. Samatalang natahimik naman ang buong class fire-1.

“Ano? Paki ulit mo nga ang sinabi mo Zazan. Ikaw kamo si Zenon Reign Icarus at ang ika-limang reincarnation?” Gulat na pagkakasambit ni Unice.

“Ay Patay! Pasensya na kayong lahat! Pwede bang kalimutan nyo na yung isa pang sinabi ko? *He..he..he? Sambit ni Zazan habang nagkakamot ng kaniyang ulo.

“Ang batang ito! Ano ang sinasabi niya? Pero malaki ang pagkaka-mukha niya kay Rain! Hindi nga kaya siya ang ika-limang reincarnation ni Zenon?” Sambit ni Unice derekta sa kaniyang isipan.

“Ganon ba? Okay sige maaari ka ng maupo. Mabuting dun ka muna sa bakanteng upuan sa tabi nila Airen.” Sambit muli ni Unice.

 

“Yung malapit po ba dun sa may bintana?” Tanong naman ni Zazan.

 

*Uhm! Sige at maupo ka na at magsisimula na ang klase.” Tugon naman ni Unice.

Agad na ngang nagtungo si Zazan sa upuan na katabi lang ng upuan ni Airen.

 

“Hello, ako nga pala si Airen Draken. Totoo ba ang mga sinabi mo kanina? Totoo nga bang ikaw ang ika-limang reincarnation ni Zenon Reign Icarus?” Mahinang pagkakasambit ni Airen kay Zazan.

 

“Oo! Pero kung maaari lang ay isekreto mo ito ah!” Mahina ding pagkakatugon naman ni Zazan kay Airen.

 

“Talaga!? Ang totoo nga nyan ay malaki ang pagkaka-mukha nyo ni kuya Rain!” Mahina muling pagkakasambit ni Airen kay Zazan.

 

“Rain? *Ahh! Yun yung ginagamit na pangalan nung ika-apat na Zenon! Syempre malaki ang pagkakatulad na’min non, dahil ako din siya eh.” Mahina muling pagkakasambit ni Zazan kay Airen.

 

“Whoa! Si kuya Rain! Nagbalik na siya! Dapat na itong malaman ni kuya Aron!” Sambit ni Airen derekta sa kaniyang isipan.

 

“Airen Draken! Tama na yang pakikipag-usap at magsisimula na akong magklase!” Sambit ni Unice.

 

“Sorry po!” Sambit naman ni Airen.

Kinatanghalian ay kasalukuyan ng nasa “Special Zone” sa cafeteria ang mga magkaka-klase at ang dati nilang mga kaklase. At ang “Special Zone” na ito ay ang lugar kung saan may sariling pwesto ang nanalong section sa “Duel event” na naganap nung nakaraang taon.

 

“Balita ko natalo ka daw sa shaman fight kaninang umaga, Mark.” Sambit ni David kay Mark.

 

“Oo! At ang nakakainis pa ay siya yung bagong transfer student na napunta sa section na’min!” Inis namang pagkakasambit ni Mark.

 

“Papaano ka natalo non?” Tanong naman ni Aron kay Mark.

 

“Basta sobrang lakas niya at mukhang marami siyang alam kay Rain.” Seryosong pagkakasambit ni Mark.

*** Flashback! xD ***

Kaninang umaga ay may isang istudyanteng nag ngangalang Andalus Berlin Baskerville Thersera ang humamon kay Mark para sa isang shaman fight. Agad naman itong natalo ni Mark pero may isa pang lalaki ang muling humamon sa kaniya at ito ay si Carl Culwen.

Agad kumalat ang isa pang balita at habang bising-busy ang mga istudyanteng nagmagandang loob na lunasan ang mga natamong sugat ni Andalus Berlin Baskerville, ay mabilis na nagtipon muli ang mga istudyante at pumalibot sila kay Mark at sa lalaking nagpakilalang Carl.

“Malakas ang Orion slash mo, pero hindi hamak na mas malakas ang kay Zenon kumpara sa skill na ginaya mo lang sa kaniya.” Nakangiti muling pagkakasambit ni Carl.

Labis na nagulat si Mark sa kaniyang narinig, dahil halos iilan lang ang nakakaalam ng tunay na katauhan ni Rain. Ngayon ay nahiwagaan siya sa lalaking katunggali niya ngayon.

“Sino ka bang talaga!? At papaano mo nalaman na kay Zenon talaga ang skill na ginamit ko?” Seryosong pagkakasambit ni Mark.

 

“Simple lang. Ay pasensya na, siguro sasabihin ko na lang sayo sa oras na matalo mo ako.” Nakangiting pagkakasambit ni Carl.

 

“Kung ganon, ihanda mo na ang sarili mo.” Nakangiting pagkakasambit ni Mark.

 

“Sige! Ipakita mo sa’kin ang lakas mo, Mark Lionheart!” Nakangiti muling pagkakasambit ni Carl.

Matapos magsalita ni Carl ay agad ng inilabas ni Mark ang kaniyang Spectral Shard at mabilis na nag-enchant.

“** ENCHANT! INFINITE BURNING SPECTRAL SHARD! **” Sambit ni Mark.

 

“Sugod na!” Nakangiti muling pagkakasambit ni Carl.

Ilang sandali pa nga ay mabilis ng sinugod ni Mark si Carl. Hindi naman gumalaw si Carl sa kaniyang kinatatayuan at pinanood lang nito ang mabilis na paglapit ni Mark sa kaniya.

Sa ngayon ay mabilis na tumakbo si Mark patungo kay Carl. Hindi tukoy ni Mark ang gustong palabasin ni Carl sa ginagawa nitong pagtayo lang, kaya naman buong lakas niya itong inatake gamit ang isa pang skill ni Rain.

“Tanggapin mo ‘to! ** NORTH STAR IMPACT SLASH! ** Sigaw ni Mark habang mabilis na papalapit ang kaniyang sandata kay Carl.

*** SFX: BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOM! ***

Isang malakas na pagsabog ang yumanig, dahilan upang magulat ang mga nanonood sa nagaganap nilang paglalaban.

Agad napatalon si Mark paatras, matapos niyang matamaan si Carl. Dahil sa lakas ng ginawa niyang pag-atake ay lumikha ito ng napaka-kapal na alikabok, na kasalukuyan ngayong bumalot sa lugar kung saan nakatayo si Carl kanina.

“Siguro naman sasabihin mo na ang mga nalalaman mo kay Zenon!? Yun ay kung may malay ka pa!” Nakangiting pagkakasambit ni Mark.

Agad nagsigawan ang mga manonood matapos nilang masaksihan ang ginawang pag-atake ni Mark sa kaniyang kalaban.

 

*Fufufufu.. Walang dudang mahina ang mga skill na ginaya mo lang kay Zenon.” Sambit ni Carl.

Labis ang pagkagulat ni Mark matapos marinig ang boses ni Carl sa loob ng makapal na akalikabok.

 

“Imposible! Sa lakas ng pag-atake ko sa kaniya ay dapat wala na siyang malay ngayon!” Gulat na pagkakasambit ni Mark derekta sa kaniyang isipan.

Ilang sandali pa ay nakita na ni Mark si Carl na naglalakad papalabas sa makapal na akalikabok at mas lalo siyang nagulat, dahil nakita niyang wala itong natamong kahit maliit na pinsala sa katawan.

 

“Imposible! Anong trick ang ginawa mo? Alam kong tinamaan kita!” Gulat na pagkakasambit ni Mark.

*Ahh! Yon ba? Oo, tinamaan mo nga ako, pero pasensya ka na dahil mali ka ng napiling elemento.” Tugon naman ni Carl.

 

“Maling elemento?” Nagtataka namang pagkakasambit ni Mark.

Matapos magsalita ni Mark ay inilibas ni Carl ang kaniyang suot na kwintas na nakapaloob sa kaniyang damit.

 

“Ang tawag sa kwintas na ito ay “Phoenix Feather”, alam na siguro ngayon kung bakit hindi ako nasaktan sa ginawa mong pag-atake kanina.” Sambit muli ni Carl.

Ngayon ay naunawaan na ni Mark ang dahilan kung bakit hindi gumana o tumalab ang ginawa niyang pag-atake kanina. May gamit din palang rare accessories ang kaniyang kalaban at ito ay ang “Phoenix Feather”.

*** Note: Ang Phoenix Feather ay isang uri ng kwintas. Hindi tatablan ng kahit na anong uri ng pag-atake gamit ang apoy, ang sinumang magsusuot nito. ***

 

*Fufufufu.. Ngayon malinaw na sa’kin kung bakit hindi kita napinsalaan. Pero sa tingin mo ba ay apoy lang ang taglay kong elemento?” Nakangiting pagkakasambit ni Mark.

Matapos magsalita ay agad inalis ni Mark ang pagka-enchant sa kaniyang Spectral Shard. At matapos nito ay muli siyang nag-enchant gamit naman ang ibang elemento.

“** UNISON ENCHANT! FROZEN THUNDER SPECTRAL SHARD! **” Nakangiti muling pagkakasambit ni Mark.

Biglang nabalutan ng makapal at matalas na yelo ang Spectral Shard ni Mark. At makikita pa sa yelong talim nito ang bumabalot ditong kuryente.

Muli ay biglang nagsigawan ang mga manonood, dahil sa pagkamangha nila sa kanilang nakita.

 

“Tapusin mo na siya Mark!” Sigaw ng isa sa mga manonood.

 

“Oo nga! Ipakita mo sa kaniya ang bangis ng isang Fenrir!” Sigaw pa ng isa sa mga manonood.

*Fufufufu.. Mukhang ang lakas ng sandata mo ngayon, pero magawa mo pa kaya akong patamaan nyan?” Nakangiting pagkakasambit ni Carl.

 

“Bakit hindi na’tin subukan?” Nakangiti ring pagkakasambit ni Mark.

Ilang sandali pa nga ay mabilis ng sinugod ni Mark si Carl. Pero sa pagkakataong ito ay inalerto na ni Carl ang kaniyang sarili.

 

*** SFX: *Slash! *Slash! *Slash! *Slash! *Slash! *Slash! ***

Paulit-ulit inatake ni Mark si Carl gamit ang kaniyang malakas na santada, pero hanggang sa ngayon ay wala pa ring tumatama kahit isa sa mga binitiwan niyang mga pag-atake.

“Ang bilis niya! At para bang nababasa niya ang mga susunod kong pag-atake!” Sambit ni Mark derekta sa kaniyang isipan.

Sa ngayon ay patuloy at mas binilisan pa ni Mark ang mga ginagawa niyang pag-atake, pero madali lang itong naiiwasan ni Carl.

 

“Wag mong sabihin, yan lang ang kaya mo!?” Nakangiting pagkakasambit ni Carl, habang mabilis na iniiwasan ang bawat pag-atakeng ginagawa ni Mark sa kaniya.

 

*Tsk! Tumahimik ka!” Inis na pagkakasambit ni Mark.

Sa pagkakataong ito ay malakas na inatake ni Mark si Carl, pero walang hirap muli itong naiwasan ni Carl. Napatalon si Carl paatras at matapos noon ay pumorma ito para sa isang pag-atake. Agad namang inihanda ni Mark ang kaniyang sarili, dahil nakaramdaman siya ng panganib matapos makita ang porma ni Carl ngayon.

*** SFX: BOOOOOOOOOM! ***

Isang malakas na pag-atake ang tumama kay Mark at hindi niya matukoy kung anong klaseng bagay ang tumama sa kaniya. Agad siyang tumilapon at kalaunan ay humampas ng malakas sa pader ng campus.

“Mark!” Sigaw ni Annie.

Kahit nasaktan ay agad namang bumangon si Mark at agad inisip ang pag-atakeng tumama sa kaniya.

“Anong klaseng pag-atake ang ginawa niya? Hindi ko alam kung ano man ang tumama sa’kin, pero parang isang malaking pader ang malakas na tumama sa buong katawan ko. Anong klaseng mythical shaman ba siya?” Sambit ni Mark derekta sa kaniyang isipan.

Sa mga oras na ito ay mabagal na naglalakad si Carl patungo kay Mark at ng mga may sampong hakbang na lang ang layo niya ay huminto na siya at muling nagsalita.

 

Kraken Impact. Yun yung atakeng ginawa ko.” Sambit ni Carl.

Ikinabigla naman ni Mark ang kaniyang narinig, dahil alam niya ang atakeng yon na nabasa niya sa isang lumang library.

 

“Kraken impact? Kung ganon, isa kang mythical shaman ng Kraken!?” Gulat pero mahinang pagkakasambit ni Mark.

***Note: Ang “Kraken Impact” ay isang skill na tanging mga kraken lang ang nakakagawa. Isa itong uri ng range/melee attack. Sa haba at laki ng mga galamay ng isang kraken ay nagagawa ng mythical shaman nito na umatake kahit nasa malayong distansya. At kahit hindi naka-Take over-mode, ay kayang-kayang nila itong gawin. Sa pamamagitan lang ng pagsuntok sa hangin ay umaabot ang buong lakas ng ginawa nilang pag-atake sa nilalang/bagay na gusto nilang patamaan. Halos imposible din itong iwasan, dahil na rin sa sobrang bilis nito. ***

Napangiti na lang si Mark at kalaunan ay dahan-dahang napatayo.

“Isa ka palang Kraken. *Fufufu.. Hindi nakakapagtaka ang sobrang lakas mo. Siguro oras na para magseryoso na din ako.” Nakangiting pagkakasambit ni Mark.

*Hmmm.. Reaksyon naman ni Carl.

Naglakad ng ilang mga hakbang si Mark at matapos noon ay agad na nitong hinawakan ang lupa.

 

“** EARTH CONSTRUCT! FIGHTING DUMMIES! **” Sambit ni Mark.

Matapos mag-cast ni Mark ay may walong “Earth dummy” na kamukha niya ang lumabas sa kaniyang tabi.

***Note: Ang “Fighting dummies” ay kahalintulad lang din ng “Earth dummy”, pero ang pinagkaiba ng dalawang ito ay may kakayahang lumaban at makipag-usap/komunikasyon ang mga Fighting dummies. May kakayahan ding gumamit ng mga skill ang mga dummy na ito at ito ay isa sa mga skill na nalikha ni Mark, bunga ng kaniyang matinding pagsasanay. ***

 

*Hmmm.. Mga earth dummy? Ano naman ang binabalak mo at gumawa ka ng mga dummy?” Sambit naman ni Carl.

“Hindi pa ako tapos! Ngayon na! ** UNISON ENCHANT! FROST WIND BLADE! **Sambit muli ni Mark.

Matapos magsalita ni Mark ay halos sabay-sabay nag-unison enchant ang kaniyang mga dummy. At sa ngayon ay ang bawat isa sa mga ito ay may taglay ng ispadang gawa sa yelo. Ikinagulat naman ito ni Carl, pero imbes na masindak ay napangiti ito.

Samantala, labis namang nagulat ang mga nanonood sa ginawang pagpapamalas ng skill ni Mark, kaya nagsigawan muli ang mga ito. xD

“Tapusin na na’tin ito!” Nakangiting pagkakasambit ni Mark.

Matapos magsalita ay mabilis ng sumugod si Mark at kasabay niya ang kaniyang mga dummy patungo sa derektsyon kung nasaan si Carl. Samantala, muling pumorma si Carl upang gawin muli ang kaniyang “Kraken Impact”, pero batid na ni Mark na gagawin muli ito ni Carl, kaya mabilis niyang pinakalat ang kaniyang mga dummy.

*** SFX: BOOOOOOOOOM! ***

Dalawa sa mga dummy ang tinamaan sa ginawang pag-atake ni Carl, pero ang mga natira ay mabilis na pasugod ngayon dito.

(Note: Nilagyan ni Mark ng Fire element ang kaniyang mga “Fighting dummies”, kaya sumasabog ang mga ito sa oras na sila ay tamaan o diya kaya ay masira. xD)

*** SFX: *Slash! *Slash! *Slash! BOOOOOOM! BOOOOOOM! BOOOOOOM! ***

Muli ay sumabog ang tatlo sa mga dummy ni Mark matapos makaatake ang mga ito derekta sa katawan ni Carl. Hindi naman inasahan ni Carl ang mga pagsabog ng mga dummy, matapos niyang maiwasan ang mga pag-atake nito, pero hindi siya nagtamo ng kahit na anong pinsala, dahil taglay niya ang Phoenix Feather amulet.

Sa ngayon ay natatakpan ng makapal na usok si Carl, kaya hindi niya ngayon matukoy ang eksaktong kinaroroonan ni Mark. Pero ilang sandali pa ay may naramdaman siyang isang mabilis na bagay na paparating mula sa kaniyang harapan, kaya mabilis siyang napaluhod at kalaunan ay napahawak ang kaniyang mga kamay sa lupa na halos katabi na ng kaniyang mga paa. At sa pagkakataong iyon ay naiwasan niya yung pag-atake.

Sa pag-iwas ni Carl ay tuluyan ng nawala ang makapal na usok, dahil nahawi ito nung ginawang pag-atake nung dummy ni Mark. Sa ngayon ay gulat si Carl, dahil ang dalawa pa sa mga dummy ay kasalukuyan ng paatake sa kaniya at sa sitwasyon niya ngayon ay imposible na siyang makaiwas pa.

*** SFX: *Slash! *Slash! BOOBOOOM! BOOBOOOM! ***

Bago sumabog ay labis ang pagkagulat ng mga dummy ni Mark, matapos nilang tamaan ang isa’t-isa. Hindi tukoy ng mga ito ang nangyari, hanggang sa makita nila ang kinapu-pwestuhan ni Carl na biglang lumubog, at ito ang dahilan kung bakit hindi nila ito tinamaan sa katawan.

Kahit imposible na para kay Carl ang makaiwas ay nakaisip pa rin siya ng paraan. Binigatan niya ang pwersa sa kaniyang dalawang palad at malakas na tinulak ang mga lupa na natatakpan ng mga ito. Dahilan upang lumubog ang kaniyang tinatapakan at mawala sa balanse ang kaniyang katawan, na dahilan naman kung bakit nagawa niyang makaiwas sa mga papalapit na pag-atake sa kaniya.

Kahit hindi inaasahan ni Mark ang kaniyang nakita ay mabilis niyang inatake si Carl, dahil sa ngayon ay hindi pa rin nababawi nito ang momentum ng kaniyang katawan at kasalukuyan na itong pabagsak, gawa nung pagsabog ng mga dummy. At gamit ang kaniyang Frozen Thunder Spectral Shard ay mabilis niyang inatake si Carl.

“Katapusan mo na!” Malakas na pagkakasambit ni Mark habang mabilis na papalapit ang kaniyang sandata sa katawan ni Carl.

*** SFX: BOOOOOOOOOOOOOOOOOOM! ***

Isang malakas na pagsabog ang nalikha nung ginawang pag-atake ni Mark, dahilan upang magkaroon ng malaking hukay sa pwesto ni Carl. Pero hindi inasahan ni Mark ang mga sumunod na nangyari, sa kalagitnaan kasi ng makapal na alikabok ay may naramdaman siyang isang mabilis na bagay na paparating sa kaniya. At sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi na niya nagawang makaiwas.

*** SFX: BLAAAG! ***

Isang malakas na pag-atake ang tinanggap ng katawan ni Mark at mula ito sa mga kamao ni Carl. At habang patuloy na naka-dikit ang kamao ni Carl sa tiyan ni Mark..

*He..he..he! Sinasabi ko na nga bang hindi ka kaagad matatalo sa ginawa kong pag-atakeng yon!” Nakangiting pagkakasambit ni Mark.

“Inaamin kong malakas ka nga at nagulat ako sa lakas na ipanakita mo, pero hindi pa yon sapat para matalo mo ako.” Nakangiti ring pagkakasambit ni Carl.

Pero hindi na naalis ang ngiti sa mga mukha ni Mark at ilang sandali pa ay biglang umilaw ito.

“Isang dummy?” Gulat na pagkakasambit ni Carl derekta sa kaniyang isipan.

 

*** SFX: *Shhhhhhk.. BOOOOOOOOOOOOOOOOOOM! ***

Ilang sandali pa matapos umilaw ng katawan ni Mark ay bigla na lang itong sumabog, pero sa pagkakataong ito ay tinablan na si Carl. Isang dummy lang pala ang kasalukuyang inatake niya, pero batid niyang ito ang totoo dahil taglay nito ang Spectral Shard. Pero ang dummy na ito ay ang pinaka-espesyal, dahil lightning element pala ang nakapa-loob dito na dahilan kung bakit nasaktan si Carl sa pagsabog.

Ilang sandali pa ay mabilis ng napalingon si Carl sa kaniyang likuran pero huli na ang lahat, dahil kasalukuyang nandoon na ang tunay na Mark at kasalukuyan na rin papalapit sa kaniyang katawan ang binitiwan nitong pag-atake.

“Tanggpin mo ‘to! ** LIGHTNING FURY! ** Malakas na pagkakasambit ni Mark matapos maka-dikit ang kaniyang mga palad sa katawan ni Carl.

*** SFX: *Shhhhhhk.. BOOOOOOOOOOOOOOOOOOM! ***

Agad tumilapon ang katawan ni Carl at kalaunan ay malakas na tumama sa pader ng campus. Samantala, sa labis na pagkagulat ay kasalukuyan pa ring mga tulala ang mga manonood at halos mga labing limang segundo bago magsigawan ang mga ito.

Sa ngayon ay labis ng napapagod si Mark, dahil sobrang enerhiya na ang kaniyang nagamit. Sa pag-summon palang ng mga “Fighting dummies” ay malaking porsyento na ng kaniyang lakas ang nawala, kasama pa ang ginawa niyang pag-unison enchant sa mga sandata nito.

“Mark!” Masayang pagkakasambit ni Annie.

Ang akala ng lahat ay tapos na ang laban, kaya mabilis naglapitan ang mga ito kay Mark. Pero ilang sandali pa ay biglang may naramdaman si Mark na mabilis na bagay na papalapit sa kaniya, kaya agad siyang napasigaw, dahilan upang mapahinto ang mga papalapit sa kaniya.

“Wag kayong lalapit!” Malakas na pagkakasigaw ni Mark.

*** SFX: BOOOOOOOOOOOOOOOOOOM! ***

 

Labis ang pagkagulat ng lahat ng biglang tumilapon si Mark at kalaunan ay humampas sa kabilang pader ng campus.

“Mark!” Nag-aalalang pagkakasigaw ni Annie.

Agad namang napalingon ang mga manonood sa dereksyon kung saan tumilapon si Carl kanina at laking gulat nila ng makita na nakatayo ito at nakangiti.

 

*** SFX: *Crunch! *Crunch! *Crunch! ***

Matapos patunugin ni Carl ang kaniyang leeg ay mabagal na itong naglakad patungo sa dereksyon kung saan tumilapon ang kaniyang katunggali.

Mapunta naman tayo kay Mark, sa ngayon ay lubha na siyang napinsalaan, gawa ng malakas na pagtama niya sa pader at dahil na rin sa nanghihina na siya. Kahit nahihirapang igalaw ang kaniyang katawan ay pinilit pa rin niyang makatayo, na kaniya namang napagtagumpayan. At sa ngayon ay napangiti na lang siya habang tinitingnan ang mabagal na paglalakad ni Carl patungo sa kaniya.

*Kukukuku.. Totoo nga ang mga nabasa ko tungkol sa mga Kraken.” Nakangiting pagkakasambit ni Mark.

Ilang sandali pa ay biglang bumuwal si Mark at dito ay nawalan na siya ng malay. Nagising na lang siya sa clinic sa loob ng kanilang campus, pero sa hindi maipaliwang na dahilan ay wala siyang makitang pinsala sa kaniyang katawan, bagamat alam niyang lubha siyang nasaktan sa nangyaring pakikipaglaban niya kay Carl.

“Mark! Mabuti naman at gising ka na! Ano ang nangyari sayo!? Bakit biglang nawala ang mga sugat mo sa buo mong katawan!?” Gulat na pagkakasambit ni Annie.

*Huh!? Hindi ko alam! Hindi ba dapat ikaw ang may alam kung bakit wala akong pinsala, dahil wala ako malay?” Tugon naman ni Mark.

 

*Eh kanina lang halos puno ka ng sugat sa buo mong katawan eh. Sandali lang akong lumabas para tumawag ng nurse-elf, pero sa pagbalik ko ay nakita na lang kitang ganyan.” Sambit muli ni Annie.

“Talaga? Sino naman kaya ang nagpagaling sa’kin? Imposible naman kasing kusang gumaling ang mga sugat ko ng ganong kabilis. Maliban na lang kung nakainom ako ng luha ng isang Phoenix!” Sambit muli ni Mark.

 

“Hindi na importante ang bagay na yon ngayon! Ang mahalaga ay okay ka ng muli! Makakaya mo bang tumayo? Halos malapit na din kasing magsimula ang unang klase na’tin eh!” Sambit muli ni Annie.

*Uhm! Sa tingin ko ay kaya ko namang maglakad. Pero ang lalaking yon, sobrang lakas niya! *Waaaaaaah! Nakakainis! Ito ang unang beses na natalo ako sa isang shaman fight!” Seryoso nung una, pero kalaunan ay inis na pagkakasambit ni Mark.

“Hayaan mo na yun! Ikaw naman ang nagsabing sobrang lakas nung nakalaban mo eh, pero ang ipinagtataka ko lang ay bakit parang ngayon ko lang nakita yung mukha non?” Sambit muli ni Annie.

 

“*Hmmm.. Kahit ako din eh at bukod pa doon ay isa siyang Kraken!” Sambit naman ni Mark.

“Tama na nga yan at mamaya na lang na’tin pag-usapan yan! Tara na at baka mahuli pa tayo sa klase!” Sambit muli ni Annie.

“Okay sige!” Tugon naman ni Mark.

At matapos mag-usap ay mabilis na ngang nagtungo ang magkasintahan sa kanilang classroom. At sa kanilang pagdating ay inis ang ekspresyon ng mukha ngayon ni Mark, dahil naalala pa rin nito ang kaniyang pagkatalo. Ilang sandali pa ay agad na silang nagtungo ni Annie sa kanilang mga upuan at ng makaupo ay agad siyang nilapitan ng kaklase nilang si Jigo, upang kausapin.

 

“Totoo ba ang nabalitaan ko? Natalo ka daw sa shaman fight?” Gulat at hindi makapaniwalang pagkakasambit ni Jigo kay Mark.

 

“Oo! Natalo si Mark sa pangalawang nakalaban niya. Kahit nga ako nagulat eh.” Sambit naman ni Annie kay Jigo.

 

*Eh!? Ito ang unang beses na natalo ka sa shaman fight! Sino!? Sino ang nakatalo sayo!?” Gulat at hindi muli makapaniwalang pagkakasambit ni Jigo.

 

“Pwede ba? Wag nyo ng ipaalala sa’kin ang nangyari kanina, nakakainis kasi eh!” Inis na pagkakasambit ni Mark.

“Okay! Sorry..” Malungkot na pagkakasambit naman ni Jigo kay Mark.

 

“Sa totoo lang ay ngayon ko lang nakita yung mukha nung nakatalo kay Mark eh.” Sambit muli ni Annie.

Ilang sandali pa ay pumasok na ang kanilang guro, si Ms. Lexy Cleglaw, guro nila sa English. Matapos makita ng buong class fire-3 ang kanilang guro ay agad na silang nagbalikan sa kanilang mga upuan.

“Okay class, bago tayo magsimula ng ating klase ay ipakikilala ko muna sa inyo ang bago nyong magiging classmate.” Masayang pagkakasambit ni Ms. Lexy.

Matapos magsalita ay pumasok na ang isang lalaki sa kanilang classroom, agad napatayo si Mark sa labis na pagkagulat at gulat itong nagsalita.

“I..i..ikaw!?” Gulat at hindi makapaniwalang pagkakasambit ni Mark matapos makita ang bago nilang kaklase.

Biglang napalingon ang buong class fire-3 kay Mark. xD

“Kamusta!? Ako nga pala si Carl Culwen! Ang bagong transfer student dito sa Olympus university. Sana ay maging mabuti kayo sa’kin.” Nakangiting pagkakasambit ni Carl.

Sa labis na pagkagulat ay hindi na nagawang magsalita pa ni Mark.

 

“Mr. Mark Lionheart! Mukhang kilala mo itong si Carl Culwen ah. Magkaibigan ba kayo?” Tanong naman ni Ms. Lexy.

Pero hindi nagawang tumugon ni Mark at ilang sandali pa nga ay nagsalita na si Carl.

 

*Ahh! Hindi po niya ako kaibigan at kanina lang po kami nagkakilala.” Nakangiti muling pagkakasambit ni Carl.

 

“I see! Okay maaari ka ng maupo at mamili ka na lang dyan sa mga bakanteng upuan.” Sambit muli ni Ms. Lexy.

 

“Okay po.” Tugon naman ni Carl.

Napiling umupo ni Carl sa bakanteng upuan sa likuran nila Mark at Annie. At sa ngayon ay nakatayo pa rin si Mark at naupo lang ito ng sinabihan na siya ni Ms. Lexy na maupo. xD

*** Flashback end’s here! xD ***

*** Note: Sa mga nagtataka po sa nangyari tungkol sa mga dummy ni Mark ay dito ko na po ipapaliwanag. Una po sa lahat ay may walong dummies ang nilikha ni Mark. Ang dalawa po sa mga ito ay sumabog matapos tamaan ng “Kraken Impact” ni Carl. Ang tatlo naman ay kusang pinasabog ni Mark matapos maka-atake ng mga ito. At sa pagsabog ng tatlong dummies ay gumawa ito ng makapal na usok, dahilan upang hindi makita ni Carl ang ginawa ni Mark. Matapos kasing sumabog at matakpan ng makapal na usok si Carl ay mabilis na nilapitan ni Mark ang isang dummy na binalutan niya ng “Lightning element” at dito ay mabilis siyang nakipag-palit ng sandata. At matapos magpalit ay mabilis niyang sinugod si Carl, kasama nung dalawa pa niyang dummy na may same “Fire element”. At habang kasalukuyan pa ring nasa loob ng makapal na usok si Carl ay inatake na niya ito. Batid ni Mark na makakaiwas si Carl sa gagawin niyang pag-atake, kaya matapos niyang maalis ang makapal na usok ay dere-deretso lang itong tumakbo pasulong. At dahil batid ni Mark na makakaiwas si Carl ay halos kasabay ng ginawa niyang pag-atake ay umatake na rin mula sa ibabang parte ang dalawa pa niyang dummy. Sa mga oras na ito ay kumpyansa na si Mark na hindi makakaiwas si Carl, pero laking gulat niya matapos makita ang ginawang pagsira nito sa lugar kung saan ito naka-pwesto. At ito dahilan kung bakit nagawa nitong makaiwas. Hindi inasahan ni Mark na sobrang bilis mag-isip ng kaniyang kalaban sa ngayon, kaya wala na siyang sinayang na oras at inatake na niya ito, gamit ang huli niyang dummy na sa ngayon ay ang may hawak ng kaniyang sandatang “Spectral Shard” at may taglay na lightning element. Sa pagkakataong ito ay imposible na talaga para kay Carl ang makaiwas, pero batid ni Mark na hindi basta-basta matatalo ang kaniyang kalaban sa isang pag-atake lang, kaya habang nakikipag-usap ang kaniyang dummy ay mabilis na siyang tumakbo papalapit kay Carl. At ng tuluyan ng sumabog yung dummy ay kasalukuyan na siyang nakalapit at kasalukuyan na ding nakapagbitaw ng isang pag-atake. Ayun! Putek ang hirap naman nitong ginawa ko! Nakakabaliw mga pre! #TooMuchNaruto! XD ***

Mabalik naman tayo sa kasalukuyan. Kakatapos lang maikwento ni Mark ang mga nangyari sa kaniya kaninang umaga sa kaniyang mga kaibigan. At sa ngayon ay nagulat ang mga ito sa mga na kwento ni Mark.

 

“Kung ganon posibleng may alam ito sa nangyari kay Rain ngayon?” Tanong ni Melisa kay Mark.

“Ganon na nga. Posibleng matagal ng kilala ni Rain ang Carl na yon, pero parang imposibleng nakilala ito ni Rain nung mga panahong kasama pa na’tin siya. At malaki ang suspetsa kong may alam ito sa kinaroroonan ni Rain sa ngayon.” Sambit naman ni Mark.

“Kung alam nila ang mga skill ni Rain, posible kayang hindi siya na-reincarnate, katulad ng naisip ng lolo’t lola ni Aron?” Tanong naman ni David.

“Hindi na’tin tukoy ang bagay na yon. Ayon sa sinabi sa’kin ni master Rachelle ay sa oras daw na ma-reincarnate ang isang phoenix ay kasabay ng pagsilang nito mula sa kaniyang mga abo ay ang pagsilang ng isang aklat, kung saan nakasulat ang lahat ng mga naging kapangyarihan ng dati nitong buhay. Kaya posibleng na-reincarnate talaga si Rain.” Sambit muli ni Mark.

*Hmmm.. Kung ganon, posibleng kasama si Carl sa mga kumuha sa naging reincarnation ni Rain, nung gamitin niya yung skill niyang Supernova explosion? Ganon ba?” Sambit naman ni Annie.

 

“Posible nga ang bagay na yon, Annie.” Walang emosoyong pagkakasambit naman ni Alex.

“Sa ngayon ay masaya ako sa mga nakwento mo, Mark. Dahil lumaki ang pag-asa ko na buhay pa si Rain. Pero isang Kraken? Naiisip ko tuloy na posibleng ang grupo nila Hades ang nasa likod ng pagkawala ni Rain, kung sakali mang nareincarnate siya.” Sambit naman ni Selina.

“Talaga? So posible ding sila ang kumuha sa katawan ni June!?” Sambit naman ni Annie.

 

*Tsk! Ang mga kumuha sa katawan ng bestfriend ko! Hinding-hindi ko sila mapapatawad!” Galit namang pagkakasambit ni Mark.

Sa mga oras na ito ay biglang natahimik ang magkakaibigan, dahil muli nilang naalala ang nangyari, halos dalawang taon na ang nakakalipas. Isang araw kasi magmula nung nawala si Rain at ang pagkasawi ni June ay biglang nawala ang katawan nito sa morgue kung saan nila ito iniwan. Hindi nila alam kung sino ang gumawa nito at hindi rin nila alam kung ano ang pakay nung nilalang na kumuha sa labi ng kanilang kaibigan. Hindi nila tuloy ito nagawang ilibing o iburol man lang, dahil sa nangyaring insidente.

Mabalik muli tayo sa magkakaibigan, hanggang sa ngayon ay tahimik pa rin sila, pero agad silang napatingin sa isang nilalang na dumaan sa kanila.

“Kung tapos na kayong kumain ay mabuti pang magmadali na kayong bumalik sa classroom. Malapit ng matapos ang lunchbreak.” Walang emosyong pagkakasambit ni Lina.

Hindi huminto si Lina sa paglalakad, pero kanina ay nakikinig ito sa usapan ng mga kaibigan. Sa ngayon ay malamig pa rin ang pakikitungo ni Lina sa kaniyang mga kaibigan at nagsimula ito nung nawala si Rain. Hindi naman masisi ng magkakaibigan ang nangyayari kay Lina, dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ito nakakaalis sa sobrang kalungkutan. Ilang sandali pa nga ay naghiwa-hiwalay na ang magkakaibigan, dahil sa ngayon ay hindi na silang lahat magkaka-klase.

Samantala, masusi namang binantayan nila Mark, Annie, Alex, Selina at Lina ang bawat kilos ng bago nilang kaklaseng si Carl, hanggang sa matapos ang lahat ng kanilang klase.

Wala naman silang napansing kakaiba o motibo nito sa pagtransfer dito sa kanilang campus, pero hindi sila sigurado sa kung ano ba talaga ang dahilan ng paglipat nitong si Carl, dito sa kanilang paaralan sa ngayon.

Kinagabihan, nang makauwi sa kaniyang dorm si Mark ay dito siya tinawagan ni Aron at laking gulat niya sa ibinalita nito.

 

“Ano!? Si Rain, kaklase ni Airen ngayon!?” Gulat na pagkakasambit ni Mark.

 

“Oo! At ang sabi pa ni Airen ay kamukhang-kamukha daw ito ni Rain!” Tugon naman ni Aron.

 

“Dapat makita na’tin itong kaklase ni Airen bukas na bukas!” Masayang pagkakasambit naman ni Mark.

 

*Uhm! Ikaw na ang magsabi sa iba, magsasanay pa kasi ako ngayon eh.” Sambit muli ni Aron.

 

“Okay! Okay!” Masaya muling pagkakasambit ni Mark.

Matapos makausap si Aron ay agad na ngang ipinaalam ni Mark ang kaniyang mga nalaman sa lahat ng kaniyang mga kaibigan.

Kinabukasan, maugong pa rin sa buong campus ang nangyaring pagkatalo ni Mark sa shaman fight kahapon, kaya naman labis itong nainis habang naglalakad sila ni Annie patungo sa kanilang classroom.

Makalipas ang ilang mga minuto ay nagsimula na nga ang mga klase, pero sa ngayon ay may isa pang bagong transfer student. At napunta naman ito sa class wind-3, section nila David, Melisa at Krystine.

 

“May bago ding tayong transfer student?” Tanong ni Melisa kay David.

 

“Yun yung sabi ni Ms. Bell eh.” Tugon naman ni David.

 

“Okay class, ipakilala ko na siya sa inyo. Sige pasok ka na Luke.” Sambit ni Ms. Bell.

Matapos magsalita ni Ms. Bell Noria, guro nila sa science, ay pumasok na yung tinutukoy nitong bagong transfer student. Labis naman ang pagkagulat nila David at Melisa, dahil pamilyar ang mukha nito sa kanila.

 

“Magandang araw, ako nga pala si Luke Ainsgate.” Walang emosoyong pagkakasambit ng transfer student.

Matapos magsalita ng bagong transfer student ay biglang napatayo si Krystine at kalaunan ay gulat itong nagsalita.

“Rain!?” Gulat na pagkakasambit ni Krystine.

Chapter end.

Afterwords

Hello, ako muli.. haha.. sorry nakalimutan kong ilagay yung fb group page ng SOM..

eto po yung link.

https://www.facebook.com/groups/SchoolOfMyths/

Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..

Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..

Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..

Susunod.

Chapter 2: Sino ang tunay na Zenon? O.o

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top