A new year's special: School of Myths X Charm Academy
Isang ordinaryong araw sa Odin city, Travincial. May isang grupo na binubuo ng apat na katao ang halos kararating pa lang sa naturang bayan, tatlong lalake at isang babae. Sa ngayon ay isa lang ang kanilang pakay sa pagpunta sa naturang bayan, ang hanapin ang kanilang kaibigang si Ariela Davis na binihag ng isang hindi kilalang lalake.
“Sigurado ba kayong dito na’tin mahahanap si Ariela at yung kumidnap sa kaniya?” Tanong ni Snow.
“Nakakasiguro akong ang lugar na ito ang sinabi nung lalaking kumidnap sa kaniya.” Tugon ni Collin.
“*Tsk! Wag lang silang magkakamaling saktan si Ariela.” Galit na pagkakasambit ni Jett.
“Ang mabuti pa ay maghanap muna tayo ng maaari na’ting matuluyan dito. Medyo malayo din ang lugar na ‘to eh.” Sambit ni Snow.
“Ariela, hintayin mo kami. Sandaling panahon na lang at ililigtas ka na na’min.” Sambit ni Leon derekta sa kaniyang isipan.
Ilang sandali pa ay muli ng naglakad ang magkakaibigan upang maghanap ng maaring matuluyan. Ngunit labis silang nagtataka, dahil kakaiba ang mga istraktura ng mga gusali sa bayan kung nasaan sila ngayon.
“Ako lang ba or talagang ang weird ng mga structures dito?” Sambit ni Snow.
“Wag ka ng magreklamo, Snow. Wala namang kinalaman ang mga bahay dito sa paghahanap na’tin kay Ariela at sa dumukot sa kaniya.” Sambit ni Jett.
“Ayan ka na naman Jett! Pwede bang pakalmahin mo muna ang sarili mo?” Sambit muli ni Snow.
“Papaano ako magiging kalmado kung alam na’ting nasa panganib si Ariela at ang balitang buhay pa pala si Hades?!” Malakas na pagkakasambit ni Jett.
“Nauunawaan ko ang nararamdaman mo, Jett. Pero wala ring maitutulong ang init ng ulo mo sa paghahanap na’tin ngayon kay Ariela.” Sambit ni Collin.
“*Tsk!” Sambit muli ni Jett.
Nagpatuloy sa paglalakad ang magkakaibigan hanggang sa isang babae ang kanilang nakita. Agad nilang nilapitan ito at kalaunan ay tinanong.
“Excuse me miss, maaari ba kaming magtanong?” Sambit ni Collin.
“*Huh? *Oh.. Sure! Bakit? Nawawala ba kayo?” Tugon ni Anya.
“*Um.. Sa tingin ko parang ganon na nga. By the way, ako nga pala si Collin at sila naman si Jett, Snow at Leon.” Sambit muli ni Collin.
“Hello, ako naman si Anya, Anya Frostwin.” Sambit muli ni Anya.
Agad namang binati ni Snow at Leon si Anya. Samantalang nagmamasid naman sa kanilang paligid si Jett.
“*Um.. Anya, may alam ka bang pwedeng matuluyan na’min dito?” Tanong ni Collin.
“*Hmm.. Puro school dorm lang kasi ang alam ko eh. Wait lang, binabalak nyo bang mag stay dito sa Odin city?” Tugon ni Anya.
“Oo. Pero siguro mga ilang araw lang. Hinahap kasi na’min ang kaibigan na’min. Dinukot siya at ang iniwang mensahe ng dumukot sa kaniya ay makikita daw na’min siya sa lugar na ‘to.” Sambit muli ni Collin.
“*Ahh.. Siguro isang mythical shaman ang dumukot sa kaibigan nyo. Pero wag kayong mag-alala, tutulungan ko kayo.” Sambit ni Anya.
Agad nagkatinginan ang magkakaibigan, dahil wala silang ideya sa kung ano ang itinawag ni Anya sa lalaking dumukot kay Ariela.
“Mythical shaman?” Tanong ni Snow.
“*Uhm! Tulad ko! Isa akong mythical shaman ng Wyvern.” Sambit muli ni Anya.
“Mythical shaman? Wyvern? Hindi ba’t isang uri ng dragon yung Wyvern?” Sambit muli ni Snow.
“*Uhm.. Isa nga yong malaking uri ng Dragon. *Hehe..” Sambit muli ni Anya.
Labis pa ring naguguluhan ang magkakaibigan sa mga impormasyong naririnig nila mula kay Anya, ngunit batid nilang malalaman din nila ito kalaunan.
“Sandali lang miss Anya, sa papaanong paraan mo kami matutulungan?” Sambit ni Leon.
“Ang mabuti pa ay sumunod na lang kayo sa’kin. Dadalin ko muna kayo sa clan base na’min para dun tayo makapag-usap.” Tugon ni Anya.
Ilang sandali pa ay inaya na ni Anya ang magkakaibigan patungo sa Dragon’s Empire. Samantala, hindi inaalis nila Jett ang posibilidad na isang patibong lamang ang pagtulong na ginagawa ni Anya para sa kanila, ngunit dahil wala silang alam tungkol sa bayan na ito ay kinailangan nilang sumugal.
Ilang minuto pa ang lumipas ay narating na nila ang Dragon’s Empire. Hindi makapaniwala ang magkakaibigan sa kanilang nakita.
“Isang kastilyo?!” Gulat na pagkakasambit ni Snow.
“*Uhm! Ito ang base ng Dragon clan, ang Dragon’s Empire.” Sambit ni Anya.
“Dyan ka ba nakatira?” Tanong ni Snow.
“Yup!Ang mabuti pa ay pumasok na tayo sa loob.” Tugon ni Anya.
Naglakad ng ilang hakbang si Anya at kalaunan ay may sinabing kakaibigan lenggawe na hindi naunawaan nila Snow.
“** kitto.. omoi.. dasu.. koto.. mo.. na..i! **”Sambit ni Anya.
Matapos magsalita ay biglang bumukas ang nakapalaking gate.
“Tayo na sa loob.” Sambit ni Anya.
Kahit nag-aalangan ang magkakaibigan ay pinili pa rin nilang pumasok sa loob. Sa ngayon ay hindi pa rin naalis ang kanilang hinala na baka isang patibong lamang ito para sa kanila. Ngunit ilang sandali pa ay nakakita sila ng ilang mga kalalakihan na nagsasanay at laking gulat nila matapos makita ang kapanyarihan ng mga ito.
“Wag mong sabihing isa itong Charm academy?” Gulat na pagkakasambit ni Snow.
Ipinagtaka ni Anya ang kaniyang narinig, dahil wala siyang ideya tungkol dito.
“Charm Academy?” Tanong ni Anya.
“Hindi ba ito isang paaralan?” Tanong ni Collin.
“Hindi ah! Katulad ng sinabi ko, ito ang base ng aming clan. At isa pa ay medyo malapit lang dito ang Olympus university, dun ako nag-aaral.” Tugon ni Anya.
Kahit unawaain ng magkakaibigan ang sinabi ni Anya ay hindi pa rin nila ito mauunawaan. Kasi wala pa silang gaanong alam tungkol sa bayang kanilang napuntahan.
Ilang sandali pa ay muli na silang naglakad papasok sa naturang kastilyo. Muli ay hindi inalis ng magkakaibigan ang pagiging alerto, dahil hindi nila alam ang posibilidad na may mangyaring masama sa kanila.
Sa loob ng kastilyo ay nakasalubong nila si Aron. Agad silang nilapitan nito at kalaunan ay kinausap.
“Anya? Sino ang mga kasama mo?” Tanong ni Aron.
“*Ahh! Tinutulungan ko sila, dinukot daw yung kaibigan nila ng isang mythical shaman eh. Baka naman may alam ka tungkol dito?” Tugon ni Anya.
“*Hmm.. May ideya ba sila kung sino ang gumawa nito sa kaibigan nila?” Tanong ni Aron.
“Si Hades! May nakapagsabing buhay pa si Hades at nagtatago siya sa bayang ito!” Sambit ni Jett.
Ikinagulat ni Aron ang kaniyang mga narinig at napansin ito ng magkakaibigan.
“Si Hades? Ang balita ko nga ay nandidito siya sa Odin city eh.” Sambit muli ni Anya.
“Mukhang may alam ang lalaking yon sa kinaroroonan ni Hades.” Sambit ni Jett derekta sa kaniyang isipan.
“Kung ganon ay buhay nga siya at nandito.” Sambit ni Leon.
“Ang mabuti pa ay dun na tayo mag-usap sa kwarto ko.” Sambit muli ni Anya.
“Kung ganon ay aalis na ako. Makikipagkita pa ako sa mga kaibigan ko eh.” Sambit ni Aron.
“Okay, pero tanungin mo din sila tungkol dito ah. Baka sakali kasing may alam sila tungkol sa kanilang kaibigan.” Sambit muli ni Anya.
“Okay sige, maiwan ko na kayo ah.” Sambit muli ni Aron.
Matapos magsalita ay umalis na si Aron. Ngunit ang mga titig ni Jett habang ito ay naglalakad ay puno ng pagdududa. Ilang sandali pa ay sumakay na sila sa elevator at kalaunan ay nagtungo sa kwarto ni Anya.
Sa loob ng kwarto ay naabutan nila ang nakababatang kapatid ni Anya, si Icelyn.
“Lyn, labas ka nga muna saglit. At kung pwede ay dun ka muna kina Mama matulog. May mga bisita kasi ako ngayon eh.” Sambit ni Anya.
“Okay.” Walang emosyong pagkakatugon ni Icelyn.
Ilang sandali pa ay tahimik na lumabas ng kwarto si Icelyn.
“Hindi ba nakakahiya sa kapatid mo na pinaalis mo siya?” Tanong ni Snow.
“Okay lang yun. At isa pa ay mas gusto non sa kwarto nila Mama eh.” Tugon ni Anya.
“Ganon ba. Maraming salamat ah.” Sambit muli ni Snow.
“Ay oo nga pala! Sila Jett, Collin at Leon ay dun sa guest room matutulog. Pero hihingi lang ako ng permiso sa clan leader na’min.” Sambit ni Anya.
“*Uhm.. Maraming salamat talaga, Anya.” Sambit muli ni Snow.
“Walang anuman.” Sambit muli ni Anya.
Ilang sandali pa ay naglakad na papalabas si Anya ng kwarto, ngunit napahinto siya matapos marinig ang pagtawag ni Jett.
“Bakit, Jett?” Tanong ni Anya.
“Okay lang ba kung sumama kami? Gusto ko din kasing tanungin ang leader nyo kung may alam siya tungkol kay Hades.” Sambit ni Jett.
“*Hmm.. Okay lang siguro. So tayo na?” Sambit muli ni Anya.
“Maraming salamat.” Sambit ni Jett.
Sa ngayon ay hindi pa rin naalis ang hinala ni Jett na maaaring nasa loob na sila ng kuta ng kalaban at ang clan leader na tinutukoy ni Anya ay ang mismong si Hades.
Ilang sandali pa ay sabay-sabay na silang nagtungo sa kwarto ng clan leader, si Drake Draken. Halos ilang minuto lang ang lumipas ng marating nila ito. Agad kumatok si Anya sa pinto at kalaunan ay pumasok na sila.
“Magandang araw po, clan leader. Gusto ko lang po sanang hingin ang pirmiso nyo para magamit ng mga bago kong kaibigan ang isa sa ating mga guest room.” Sambit ni Anya.
“*Ahh.. Walang problema, pero sino yang mga bago mong kaibigan?” Tanong ni Drake.
“Ako po si Snow Edwards. At sila naman po si Jett Forester, Collin Lucas at Leon Lancaster.” Sambit ni Snow.
“Magandang araw po.” Sambit ni Collin.
“Ako naman si Drake Draken, ang leader ng Dragon clan. *Hmm.. Base sa mga pangalan at apilyido nyo ay hindi kayo mga taga dito.” Sambit muli ni Drake.
“Ganon na nga po. Naparito po kami upang hanapin ang kaibigan na’min na dinukot.” Sambit ni Collin.
“*Hmm.. Malamang ay isang mythical shaman ang dumukot sa inyong kaibigan, ngunit ano ang kailangan nila sa kaibigan nyo? Base sa nakikita ko ay hindi kayo mga ordinaryong mga tao.” Sambit ni Drake.
Ipinagtaka ni Anya ang kaniyang mga narinig.
“Ano po ang ibig nyong sabihin, leader?” Tanong ni Anya.
“May nararamdaman akong aura sa kanilang katawan at base dito ay mga kapangyarihan nila ito.” Sambit ni Drake.
Nagulat sila Jett sa kanilang mga narinig, dahil hindi nila inaasahan ang ganitong pangyayari.
“Kung ganon ay tama ang hinala ko, gumagamit din po kayo ng mga charm.” Sambit ni Snow.
“Charm?” Nagtatakang pagkakasambit ni Anya.
“*Uhm.. Tulad nito.” Sambit muli ni Snow.
Matapos magsalita ay bahagyang inangat ni Snow ang kaniyang kanang kamay at ilang sandali pa ay may isang kristal ng yelo ang lumabas dito.
“Whoa?! Papaano mo nagawa yun Snow? Hindi ba’t isa kang tao?” Gulat na pagkakasambit ni Anya.
“*Uhm.. Pero grabe ka naman, mukha ba akong hindi tao?” Medyo dismayadong pagkakasambit ni Snow.
“No! Sorry, I mean.. *Um.. Kasi ako at ang mga nakatira sa Dragon’s empire ay mga mythical shaman.” Sambit muli ni Anya.
“What do you mean by that? You mean na hindi kayo mga tao?” Nagtatakang pagkakasambit ni Snow.
“Yup! Iba ang mga tao sa mythical shaman. Tulad ng sinabi ko kanina, isa akong mythical shaman ng Wyvern at taglay ko ang mga abilities nila. *Ahh! Wait! Look at this.. ** ENCHANT! FROST BLADE! **” Sambit ni Anya.
Ilang sandali pa ay isang yelong espada ang biglang nalikha sa kanang kamay ni Anya. Labis itong ikinagulat ng magkakaibigan, dahil ngayon lang sila nakakita ng ganito.
“Ang cool! Ice din ang kapangyarihan mo?” Manghang pagkakasambit ni Snow.
“Tama.. Pero hindi lang ito ang kaya kong gawin o ng iba pang mga mythical shaman, kaya mag-iingat kayo.” Sambit ni Anya.
“Kung ganon ay hindi pala basta-basta ang mga dumukot kay Ariela.” Sambit ni Jett derekta sa kaniyang isipan.
“Tatanungin ko kayong muli. Sa tingin nyo, bakit dinukot ang kaibigan nyo?” Sambit ni Drake.
Sandaling natahimik ang magkakaibigan matapos silang tanungin ni Drake. Pero ilang sandali pa ay nagsalita na si Collin.
“Dahil po siguro sa taglay niyang kapangyarihan.” Sambit ni Collin.
“Kapangyarihan?” Tanong ni Anya.
“*Uhm.. Si Ariela ay may ability na alisin ang kapangyarihan ng isang nilalang. Kaya din po niyang mag bigay ng power.” Sambit ni Snow.
“*Hmm.. Kung ganon ay nakatitiyak akong buhay pa siya hanggang sa mga oras na ito. Maliban na lang kung..” Sambit ni Drake.
“Maliban na lang kung ano?!” Malakas na pagkakasambit ni Jett.
“Ginawa nila itong isang experimental specimen.” Sambit muli ni Drake.
“Experimental? Specimen?” Mabagal na pagkakasambit ni Snow.
Sandaling natahimik si Jett sa mga sandaling ito, ngunit kasabay ng kaniyang pananahimik ay ang unti-unting paglabas ng mga apoy sa kaniyang katawan. Labis itong ikinabahala nila Snow, dahil baka hindi makontrol ni Jett ang kaniyang sarili.
“Hoy Jett! Huminahon ka! For sure na buhay at ligtas si Ariela ngayon!” Sambit ni Snow.
Ngunit hindi nakatulong ang mga sinabi ni Snow para makapakalma si Jett. Sa ngayon ay wala ng mapagpipilian sila Collin kundi ang patulugin si Jett sa pamamagitan ng pag-atake dito. Ngunit ilang sandali pa ay laking gulat nila ng biglang nabasa si Jett at nagmula ang tubig sa may pinto.
“Kung sino ka man ay hindi tama na mag-amok ka dito sa kwarto ni Lolo.” Sambit ni Airen.
Sandaling natigilan sila Collin dahil napatitig sila kay Airen. Sa ngayon ay pinapanood nila ang mabagal na paglalakad nito papalapit sa kanila.
“Sino ba ang mga ito, ate Anya?” Tanong ni Airen.
“*Ahh.. Mga kaibigan ko sila. Dinukot yung kaibigan nila kaya tinutulungan ko sila ngayon.” Tugon ni Anya.
“Ganon ba? Pero bakit parang magwa-wala na yung lalaking yon?” Tanong muli ni Airen.
“Naku, sorry ah. Nag-aalala lang kasi siya sa kaibigan na’min na dinukot.” Sambit ni Snow.
“Ako man po ay humihingi ng despensa. Paumanhin po.” Sambit ni Collin.
“Wag kayong mag-alala, nauunawaan ko naman ang kalagayan niya. Batid ko na napakahalaga ng inyong kaibigan at mabuti na lang at si Anya ang nalapitan nyo upang humingi ng tulong. Dahil base sa kakayahan ng kaibigan nyo ay may masamang binabalak ang dumukot sa kaniya.” Sambit ni Drake.
Sa ngayon ay tahimik pa rin si Jett ngunit kalmado na ito.
“Kung wala na kayong mga katanungan ay maaari na kayong magpahinga. Batid ko na mahaba ang inyong nilakbay para lang makapunta dito sa aming bayan. Wag kayong mag-alala dahil mag-uutos ako upang kumalap ng impormasyon, para mapadali ang inyong paghahanap.” Sambit muli ni Drake.
“Maraming salamat po.” Sambit ni Collin.
Ilang sandali pa ay nagpaalam na sila at kalaunan ay sabay-sabay ng naglakad papalabas ng kwarto. Ngunit bago tuluyang makalabas ay sandaling huminto si Jett at kalaunan ay nagsalita.
“Si Hades, alam nyo po ba kung saan na’min siya makikita?” Sambit ni Jett.
Ikinagulat ni Drake ang kaniyang narinig, ngunit hindi niya ito ipinahalata.
“Hades? At bakit nyo naman hinahanap si Hades?” Tugon ni Drake.
“Dahil ang balita na’min ay buhay pa siya at nakatitiyak akong siya ang may kinalaman sa pagkawala ni Ariela.” Sambit muli ni Jett.
“Si Hades? Pero ano naman ang balak niya sa kaibigan nila?” Sambit ni Drake derekta sa kaniyang isipan.
Nagduda si Jett sa panandaliang pagtahimik ni Drake.
“May alam po ba kayo kung saan na’min siya makikita?” Sambit muli ni Jett.
“Pasensya na pero wala akong alam.” Tugon ni Drake.
Matapos marinig ang naging tugon ni Drake at tumalikod na si Jett at kalaunan ay itinuloy ang kanilang paglalakad.
Samantala, agad nilapitan ni Airen ang kaniyang lolo at kinausap.
“Lolo, ano po ba talaga ang kailangan nila?” Tanong ni Airen.
“Kailangan nilang mailigtas ang kanilang kaibigan, apo.” Tugon ni Drake.
Makalipas ang ilang minuto ay nakabalik na si Anya kasama si Snow sa kaniyang kwarto. Sa ngayon ay nasa isa sa mga guest room sila Jett, Collin at Leon. Sa mga oras ding ito ay nawala na ang pagduda sa magkakaibigan na isang patibong at mga kalaban ang tumulong sa kanila. Ngunit hindi pa rin maalis ang pagdududa ni Jett kay Drake.
“Maraming salamat sa lahat, Anya.” Sambit ni Snow.
“*Ahh! Wala yon, tsaka ka na magpasalamat sa oras na mailigtas na na’tin ang kaibigan nyo.” Tugon ni Anya.
“Sorry pero nagtataka lang ako.” Sambit muli ni Snow.
“*Huh? Saan naman?” Tanong ni Anya.
“Kasi tinutulungan mo kami kahit hindi mo naman kami totally kilala.” Sambit muli ni Snow.
“*Ahh.. Involve kasi ay isang mythical shaman sa pagkawala ng kaibigan nyo. Isa yong malaking kasalanan dito sa’min. At isa pa ay mukhang wala kayong idea sa lugar na’min. So, I didn’t hesitate to help you.” Sambit muli ni Anya.
“Thank you talaga.” Sambit muli ni Snow.
“Don’t worry, hihingin ko ang tulong nila Aron bukas, kaya for the mean time ay magpahinga muna kayo. For sure din na nagugutom na kayo, kaya maya-maya lang ay kakain na tayo ng dinner.” Sambit muli ni Anya.
“*Uhm..” Sambit muli ni Snow.
Ilang oras pa ang lumipas ay sabay na tinawag ni Anya at Snow sila Jett upang ayain na ang mga ito na kumain. Dinala sila ni Anya sa lugar kung saan sabay-sabay kumakain ang lahat ng myembro ng Dragon clan.
Labis na nagulat ang magkakaibigan matapos makita ang lugar kung saan sila kakain. Sobrang dami ng tao ang kanilang nakikita at tila isa itong malaking kainan kung saan malaya kang makabibili ng pagkaing gusto mong kainin.
“Wow! Sobrang dami naman ng mga tao dito.” Sambit ni Snow.
“Naiilang ba kayo? Don’t worry, dun naman tayo kakain sa kwarto eh. Kukuha lang tayo ng pagkain dito.” Sambit ni Anya.
“*Ahh.. Okay..” Sambit muli ni Snow.
Ilang sandali pa ay sabay-sabay na silang nagtungo sa isang pwesto kung saan sila kukuha ng kanilang kakainin. Matapos nito ay bumalik na sila sa kanilang mga kwarto upang doon na kumain.
Sandaling nagkwentuhan sila Anya at ang iba pa tungkol sa mga bagay-bagay na makikita sa loob ng Travincial, sa mga mythical shaman at sa kung ano-ano pa. Ngunit sa mga oras na ito ay patuloy lang sa kaniyang pag-aalala si Jett para sa kalagayan ni Ariela.
Kinabukasan, araw ng linggo. Umaga ng magtungo si Anya kasama si Snow sa kwarto ni Aron. Nais kasi niya itong makausap upang mahingi ang tulong nito pati na rin ang tulong ng kaniyang mga kaibigan.
“Aron, gusto ko sanang hingin ang tulong nyo pati na rin nila Rain.” Sambit ni Anya.
“Hindi na kailangan Anya, dahil gusto ding makausap ni Rain ang mga bago mong kaibigan.” Tugon ni Aron.
Agad napatingin si Snow kay Anya, ngunit kahit si Anya ay nasupresa sa kaniyang narinig.
“Ganon ba? Kung ganon ay sabay na tayong pumunta sa kanila mamaya.” Sambit muli ni Anya.
“Okay.. Pupuntahan na lang kita sa kwarto mo matapos na’ting mag-almusal.” Tugon ni Aron.
“Okay.. Maraming salamat.” Sambit muli ni Anya.
Nagpaalam na sila Anya matapos makausap si Aron at sa ngayon ay naglalakad na sila pabalik sa kaniyang kwarto.
“Sino yung Rain na tinutukoy ni Aron?” Tanong ni Snow.
“Mythical shaman siya ng Phoenix at ayon sa mga nalalaman ko ay si Hades ang lumikha sa kaniya.” Tugon ni Anya.
Ikinagulat ni Snow ang kaniyang mga narinig, dahil hindi niya inaasahan ang mga ito.
“Kung ganon ay matagal na palang nandito si Hades?” Sambit ni Snow derekta sa kaniyang isipan.
Sandaling nagpaalam si Snow kay Anya para magtungo sa kwarto kung nasaan ang kaniyang mga kaibigan. Gusto sanang samahan ni Anya si Snow ngunit kinakailangan niyang makausap ang kaniyang mga magulang sa oras na ito, kaya humingi na lang siya ng paumanhin.
Agad nagtungo si Snow sa kwarto nila Jett at dito ay agad na niyang sinabi ang kaniyang mga nalaman. Sa ngayon ay malaking bagay ang bawat impormasyong nalalaman nila.
“Ihanda nyo na ang inyong mga sarili, posibleng ngayong araw ay mailigtas na na’tin si Ariela.” Sambit ni Jett.
Kinatanghalian. Sabay-sabay umalis sila Anya, kasama sila Jett sa Dragon’s Empire. Kasama din nila sa ngayon sila Aron, Eucy at Aira. Patungo sila sa bahay nila Rain dahil dito sila magkikita-kita.
“Malayo pa ba? At may napansin lang ako.” Sambit ni Snow.
“Medyo malapit na tayo Snow at ano naman yung napansin mo?” Sambit ni Anya.
“Bakit parang wala akong nakikitang public transportation dito? Kahit mga sasakyan ay madalang din akong makakita eh.” Sambit muli ni Snow.
“*Ahh.. Para sa tao lang kasi ang mga sasakyan dito. Kaming mga mythical shaman kasi ay kayang maglakbay ng simbilis ng mga sasakyan, kaya hindi naman kailangan ng mga yon.” Tugon ni Anya.
“Talaga? Grabe naman pala kayo.” Medyo awkward na pagkakasambit ni Snow.
Makalipas ang kahalating oras na paglalakad ay narating na nila ang bahay nila Rain. Labis na napagod si Snow, dahil halos wala silang pahinga sa paglalakad. Hindi naman niya magawang magreklamo dahil mukhang siya lang ang nakaramdam ng pagod.
“Nandito na ba tayo?” Tanong ni Jett.
“*Uhm.. Sa bahay na yan na’tin makikita ang mga kaibigan nila Aron.” Tugon ni Anya.
Hindi na nagsalita pa ang lahat at nagsimula na silang maglakad patungo sa bahay. Sakto naman dahil tila batid na nila Rain ang kanilang pagdating dahil sinalubong na sila nito.
“Sila ba ang tinutukoy mo Aron?” Tanong ni Rain.
“*Uhm..” Tugon ni Aron.
Sa mga sandaling ito ay agad inalerto nila Jett, Collin at Leon ang kanilang mga sarili dahil hindi nila alam ang posibleng mangyari sa kanila. Samantalang tahimik lang si Snow, dahil napapagod pa rin siya at kanina pa nasa kaniyang isipan ang kagustuhan niyang umupo para makapagpahinga.
“Nasaan si Hades?! At nasaan si Ariela?!” Sambit ni Jett.
“Mukhang hindi kayo mga kapanalig ng mga Isenhart at naparito lang kayo upang hanapin ang inyong kaibigan. Tatapatin na kita, anak ako ni Hades at ang bagay na ibinibintang mo kay ama ay pawang mga kasinungalingan.” Sambit ni Rain.
“Sinungaling! Ilabas nyo na si Ariela bago ko pa kayo saktan!” Sigaw ni Jett.
Sa mga sandaling ito ay natauhan na si Snow at pumagitna na sa usapan.
“Sandaling lang Jett.” Sambit ni Snow.
Ngunit matapos magsalita ni Snow ay agad ng inatake ni Jett si Rain na labis ikinagulat ng lahat. Isang malakas na fire ball ang tumama kay Rain at sa ngayon ay nababalutan ng apoy ang buong katawan nito.
“Jett! Ano ang ginawa mo?!” Sigaw ni Snow.
Hindi nagawang tumugon ni Jett sa mga sandaling ito dahil nagulat siya sa kaniyang mga narinig. At hindi ang mga sinabi ni Snow ang dahilan ng kaniyang pagkagulat.
“Hindi mo ba alam na hindi tinatablan ng apoy ang Phoenix?” Sambit ni Rain.
Labis na nagulat si Jett at ang kaniyang mga kaibigan, dahil hindi man lang nasaktan sa ginawang nitong pag-atake si Rain.
“Imposible! Papaanong hindi siya tinatablan ng apoy ko?” Sambit ni Jett derekta sa kaniyang isipan.
Agad napalingon ang magkakaibigan kina Aron na tila batid ang mga nangyari. At sa mga sandaling ito ay naisip nila na nasa panganib na sila.
Samantala, sa isang abandonadong lugar. Kasalukuyan ngayong nandito si Ariela kasama ang mga dumukot sa kaniya.
“Sino ba talaga kayo! At saan nyo ako dinala! Pakawalan nyo na ako parang awa nyo na!” Sigaw ni Ariela.
“*Fufufu.. Sa tulong ng kapangyarihan mo ay maaari na kaming magtagumpay sa aming binabalak.” Nakangiting pagkakasambit ng isang lalaki.
Itutuloy..
Afterwords.
Pasensya na kung hindi ko na reach yung expectation nyo sa pagbibigay character ko sa mga Charm Academy characters. Magkaiba kasi kami ng style sa pagsusulat ni April, kaya hindi ko alam kung may mali ba akong nailarawan o nasulat.
At para naman sa hindi pa nakakabasa ng Charm Academy ay hinihimok ko kayong basahin ito. Batid kong lahat tayo ay may kani-kaniyang genre at tipong basahin na storya, ngunit nais ko pong suportahan nyo ang iba pang mga wattpad writers na tulad na’min. Sa pamamagitan po kasi ng inyong mga komento at pagpapakalat ng aming mga nasulat ay labis po kaming natutuwa at dahil po dito ay mas lalo po kaming ginaganahang magsulat at gumawa pa ng mga kakaibang storya na tiyak kong magugustuhan nyong lahat. Batid ko pong isa pa ring akong hamak na baguhan sa larangan ng pagsusulat at marami pa akong dapat matutunan pagdating dito, kaya hindi ko po minamasama ang mga kritisismo na aking nababasa. At ang totoo nito ay ang mga yon ang gusto kong mabasa bukod sa mga papuri. Agad ko silang isinasa-isip upang malaman ang aking mga kamalian o pagkukulang. At sa aking papanaw ay marami akong nahihingkayat na magsulat o sumubok na magsulat. Para po sa kalaaman nyo, wag po kayong matakot na magsulat at isiping pangit agad ang kwentong iniisip nyo. Lahat tayo ay may mga kwentong nalikha, kahit hindi nyo ito aminin o itanggi nyo man ito ay natitiyak kong may mga kwento na kayong nakatago sa inyong mga isipan. Dahil tayo ay mga pinoy at lumaki tayo sa mga kwento. Hehehe!
Sa maniwala man kayo o hindi ay pessimistic akong tao at sa t’wing nagsusulat ako ay pakiramdam ko ay nag-iibang tao ako. Mas lalo akong nagiging malalim mag-isip at malawak kung maglarawan. Teka, baka kung saan na mauwi itong mga sinasabi ko, ang mabuti pa ay tapusin ko na. Hahaha! Muli po ay nagpapasalamat ako sa mga patuloy na bumabasa sa aking mga kwento, ganon din sa iba pa na sumusuporta sa ibang mga manunulat na hindi naman sikat o kahit sa mga sikat. Basta, wag kayong mahihiyang tanungin ako, hindi kayo mapapahiya dahil nagrereply ako ng mga messages. Hehehe. cheers!
- chufalse xþ
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top