Prologue
School of myths, isang paaralan na kung saan nag-aaral ang mga tinatawag na myth shaman o mythical shaman.
Matatagpuan ang paaralang ito sa lugar kung saan hindi nanaising puntahan ng sinumang tao. Dahil ito ay nasa lugar kung saan pinaniniwalaan na pinagpupugaraan ng mga masasamang elemento. Gayunpaman ang paaralan ito at ang mga mag-aaral dito ay hindi alam kung totoo o pawang haka-haka lang na sinabi ng ilang mga tao na nanggaling na sa kinalulugaran nito.
Mas lalong kinatakutang pag-usapan ang mga haka-hakang ito, dahil ang mga tao na nagkwento tungkol sa kanilang nakita sa tinatawag na pugad ng mga masasamang elemento ay isa-isang nawala at hindi na malaman pa kung nasaan na ang mga ito. Maraming nagsasabi na kinuha na ang mga ito ng mga masasamang elementong naninirahan doon at ang iba naman ay sinasabing isinumpa ang mga taong iyon ng mga elementong naninirahan doon, dahil na rin sa mga sinabi nila tungkol sa lugar na iyon kaya hindi na sila makita pa.
At ang lugar na yon ay sinimulan na ngang tawagin ng mga tao na “The Den of Evil”, kaya ipinagbawal na ng gobyerno na pumunta o lumapit doon, dahil na rin sa mga panganib na baka sakaling mangyari sa sinumang magtangkang pumunta sa naturang lugar.
At hanggang sa ngayon ay misteryo pa rin ang lugar na ito at kung anong klaseng mga nilalang ang namumuhay dito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top