Extra chapter: Side story - Eyesdrap's journey.
June 22, CS240. Sabado at kasalukuyang naglalakad ang magpipinsang Eyesdrap sa isang gubat sa loob ng Odin City.
“Hello, ako nga pala si Mhumak Eyesdrap. Isa akong mythical shaman ng Cobold. Magaling akong gumamit ng ispada, pero hindi pa ako ganon kalakas pagdating sa pisikalan na lakas. *Tee-hee! Ang paborito kong pagkain ay Potato chips! *Hehe..” Masayang pagkakasambit ni Mhumak sa mga readers ni chufalse.
“Saru Eyesdrap. Katulad ni Mhumak ay isa din akong mythical shaman ng Cobold. Bihasa naman ako sa pag gamit ng pana, crossbow at mga baril.” Walang emosoyong pagkakasambit naman ni Saru sa mga readers ni chufalse.
“Hi, Ako nga po pala si.. Wolkan.. *Hehehe.. Mahilig po akong kumain at hindi pa po ako ganong magaling gumamit ng kahit na anong sandata. *Tee-hee.” Masayang pagkakasambit naman ni Wolkan sa mga readers ni chufalse.
“Magu Eyesdrap po! Mahilig din po akong kumain at medyo magaling na po akong gumamit ng baril. 80% po ang accuracy ko at umaasang gagaling pa.. *Hehehe..” Masaya ding pagkakasambit ni Magu sa mga readers ni chufalse.
“Ngayon po ay nasa gubat kami, dahil gusto po na’ming magsanay. Lahat po kasi kami ay bumagsak sa nakaraang “Combat practice” sa subject na Special myth. At sa pamamagitan ng paglaban sa mga nilalang na makikita na’min dito sa loob ng gubat ay posibleng lumakas at gumaling kami sa pakikipaglaban.” Seryosong pagkakasambit ni Mhumak sa mga readers ni chufalse.
Katulad po ng sinabi ni Mhumak ay kasalukuyan po silang nasa gubat ngayon upang magsanay. Kada tatlong buwan kasi ay nagkakaroon ulit ng Combat practice sa subject nilang “Special Myth”, kaya ngayon ay porsigido ang mga pipinsan na mas lumakas pa.
Inabot na ng tanghalian ang magpipinsan, ngunit wala pa rin silang nakikitang mga mababangis na mga hayop o kaya ay mga hayop na dito lang matatagpuan sa loob ng travincial.
“Pagod na ako, kuya Mhumak.” Medyo hingal na pagkakasambit ni Wolkan kay Mhumak.
“Okay, sige. Magpahinga muna tayo at kumain. Almost lunch na din eh.” Tugon naman ni Mhumak kay Wolkan.
Sandaling nagpahinga ang magpipinsan sa isang patag na kalupaan at dito ay kumain na din sila ng tanghalian.
Nagtagal ng halos isang oras ang naging pagpapahinga ng mga Eyesdrap bago sila tuluyang magpatuloy sa kanilang pagsasanay. Naglakad sila ng naglakad, ngunit wala pa rin silang makitang mabangis na mga hayop o kaya mga hayop na dito lang matatagpuan sa loob ng travincial.
“Dapat pala sa gubat ng Herras o Evis city tayo nagpunta eh.” Sambit ni Mhumak sa kaniyang mga pinsan.
“Baliw. Gusto mo na bang mamatay?” Medyo gulat na pagkakasambit ni Saru kay Mhumak.
“Wala naman kasi tayong makita dito, kundi puro kuneho at mga ibon lang eh. Kahit nga mga usa wala pa tayong nakikita.” Sambit muli ni Mhumak.
Sandaling napahinto si Mhumak matapos hindi marinig ang pagtugon ni Saru sa kaniya. Sa labis na pagtataka ay napalingon na ito kay Saru at lalong nagtaka, dahil nakatingin ito sa isang damuhan.
*** SFX: *Ssshh-shhh! *Ssshh-shhh! *** (Kaluskos ito dun sa may damuhan ah. xD)
“Ano meron dyan?” Tanong ni Mhumak sa mga pinsan.
“*Sshhh! Wag kang maingay kuya Mhumak. Baka mapansin tayo non oh.” Mahinang pagkakasambit naman ni Wolkan kay Mhumak.
Agad namang napalingon si Mhumak kung saan manghang nakatitig ang tatlo at laking gulat ng makakita ng isang Unicorn.
“Whoa.. Unicorn? Hindi ba ito isang panaginip?” Manghang pagkakasambit ni Mhumak.
“*Sshhh! Sabi ng wag kang maingay kuya Mhumak eh!” Mahinang pagkakasambit muli ni Wolkan kay Mhumak.
“Wag ka ngang maingay, Mhumak.” Medyo inis ang tono, pero mahinang pagkakasambit naman ni Saru kay Mhumak.
“Okay.” Medyo malungkot na pagkakasambit ni Mhumak.
Sa mga oras na ito ay nakatuon ang atensyon nila Saru at Wolkan kay Mhumak, kaya hindi nila napansin na umalis na si Magu sa kanilang tabi.
“Teka, asan si Magu?” Mahina pero nagtataka ang tono ng pagkakatanong ni Mhumak.
Agad namang napalingon ang dalawa sa kanilang tabi at napansing wala nga doon si Magu. Agad nila itong hinanap at laking gulat ng makita nila itong papalapit na sa Unicorn.
“Hoy! Magu! Bumalik ka nga dito!” Mahina pero matinis na pagkakasambit ni Mhumak kay Magu.
Hindi naman siya pinansin ni Magu at ipinagpatuloy pa rin nito ang paglapit sa unicorn. Kahit naiinis ay wala ng nagawa ang tatlong Eyesdrap kundi panoorin si Magu sa ginagawa nito. Ilang sandali pa ay labis ng nagtataka ang tatlo, dahil hindi naman tumakbo papalayo ang unicorn, bagkus ay lumalapit din ito kay Magu. Lalong nagulat ang tatlo ng makitang dinidilaan na ng unicorn itong si Magu.
“*Tee-hehe.. Nakikiliti ako, wag dyan! *Hahaha!” Masayang pagkakasambit ni Magu habang dinidilaan siya ng unicorn sa mukha.
Sa mga oras na ito ay nagpakita na rin ang tatlo at dahan-dahan na nga silang lumapit kay Magu.
“Wolkan, mga kuya. Tingnan nyo 'tong unicorn oh. Ambait-bait niya.. *Tee-hehe..” Masayang pagkakasambit ni Magu sa tatlo niyang pinsan.
Kahit mukhang natatakot ang tatlo na baka tumakbo ang unicorn sa oras na hawakan nila ito ay sinubukan pa rin nila itong gawin. Sabay ngunit dahan-dahang inilalapit ng tatlo ang kanilang mga kamay sa may ulo ng unicorn at laking tuwa ng hindi ito tumakbo matapos nila itong mahawakan.
Sa labis na tuwang nadama ng tatlo ay pinaghihimas nila ang unicorn, gumaganti naman ang unicorn sa pamamagitan ng pagdila sa mga mukha ng tatlo.
“*Hahaha! Ang bait naman ng unicorn na ito, bakit kaya hindi siya natakot sa’tin?” Masayang pagkakasambit ni Mhumak habang patuloy na hinihimas ang unicorn.
“*Hmm.. Siguro dahil mukha tayong mababait?” Sambit naman ni Saru.
“*Uhm! Tama ka, kuya Saru. Natatakot lang ang mga Unicorn sa t’wing nakakaramdam sila ng panganib, kaya nung lumapit ako sa kaniya ay hindi siya tumakbo. Kasi alam niyang wala akong gagawing masama sa kaniya.” Masayang pagkakasambit ni Magu habang patuloy din sa paghimas sa unicorn.
“*Hmmm.. ganon pala, teka papaano mo naman nalaman ang bagay na yon, Magu?” Sambit ni Mhumak kay Magu.
“Si lolo nagsabi sa’kin. Dati daw nakaroon siya ng kaibigang unicorn.” Mabilis na pagtugon ni Magu kay Mhumak.
“Ganon ba? Well, never mind at makipaglaro na lang tayo dito sa bago na’ting kaibigan.” Masayang pagkakasambit ni Mhumak.
“Yey!” Masayang pagkakasambit naman nila Wolkan at Magu.
Napangiti na lang si Saru sa mga oras na ito at inubos na lang nga nila ang kanilang oras sa pakikipaglaro sa bago nilang naging kaibigan. Kahit ang tunay nilang pakay ay pagsasanay sa pagpunta nila dito sa may gubat ay hindi na nila ito isinakatuparan at nakipaglaro na lang sa unicorn na kanilang natagpuan.
Sa ngayon ay patuloy pa ring binabalik-balikan ng magpipinsang Eyesdrap ang gubat na ito sa araw na wala silang pasok sa paaralan, upang makipaglaro sa kanilang kaibigang unicorn. At dito po natatapos ang kwento ko sa magpipinsang Eyesdrap.
Afterwords
*Ehem.. Sa mga may gustong magbigay ng kanilang mga suggestion ay malaya po kayong magcomment dito. Medyo kinakapos na din po kasi ako sa mga idea para sa mga susunod pang extra chapters. xD
At kung gusto nyo po ng mga side story para sa ibang mga character ay malaya din po kayong magkomento dito. Ayun, maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa story na ‘to. Ay.. may upcoming short story nga po pala akong isusulat. Title po is “Magkatabing kwarto.” Genre: Romance, Mystery, Drama, Slice of life, etc. Sana po ay magkainteres din po kayong basahin ito sa oras po na mapublish ko siya.. Cheers! –chufalse xD
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top