Extra Chapter: Behind the scene story. Part 2
Chapter 29: Fieldtrip - Mundo ng mga tao. Part 2
Sa mga oras na ito ay kasalukuyang kumakain ng tanghalian ang magkakaibigan sa isang restaurant, kung saan hindi akalain nila Mark at June na dito nagta-trabaho ang kanilang dating kaklase at kaibigan, si Rio Layrence.
Mabilis na tinapos ni Mark ang kaniyang pagkain. Nais kasi siyang kausapin ni Rio kahit sandali lang, kaya naman agad na siyang nagpaalam sa kaniyang mga kaibigan at mabilis na nagtungo kung nasaan si Rio sa ngayon.
Nagpunta si Mark sa may counter ng naturang restaurant, dito kasi siya maaarong magtanong dito kung nasaan na si Rio sa ngayon. Pero hindi na niya ito nagawa pa, dahil agad na niyang nakita ito. Mabilis naman siyang nilapitan ni Rio at masaya siyang kinausap nito.
“Mark! Tapos ka na bang kumain?” Masayang pagkakasambit ni Rio.
“*Ahh! Oo.. Ano nga pala yung sasabihin mo sa’kin?” Tugon naman ni Mark.
Hindi na nagsalita pa si Rio at agad na ngang hinila si Mark papasok sa loob ng kusina. Wala namang nagawa pa si Mark, kundi ang sumunod na lang kay Rio.
Ilang sandali pa ay pumasok sila sa isang kwarto sa loob ng kusina. Para lang sa mga empliyado ang kwartong ito, base na rin sa nakasulat sa may pinto na “Employee's only”, kaya labis na ang pagtataka ni Mark sa bagay na gustong sabihin ni Rio sa kaniya.
“*Umm.. ano.. ano ba talaga ang sasabihin mo sa’kin?” Nagtatakang tanong ni Mark habang kinakamot ang kaniyang patilya.
Pero hindi na siya tinugon ni Rio, bagkus ay agad siyang hinalikan nito. Labis ang pagkagulat ni Mark sa ginawa ni Rio sa kaniya, kaya hindi agad siya nakapagsalita. Hindi naman nagtagal ang ginawang paghalik ni Rio at makalipas lang ang halos ilang segundo matapos niya itong halikan ay agad naman niya itong niyakap. Sa mga oras na ito ay hindi pa rin magawang magsalita ni Mark, dahil sa labis na pagkagulat.
“Mabuti na lang at nakita kitang muli. Sobrang saya ko ngayon araw.” Umiiyak ng sambitin ito ni Rio habang yakap si Mark.
Matapos magsalita ni Rio ay biglang hinawakan ni Mark ang mga balikat nito. Ilang sandali pa ay inilayo na ni Mark si Rio, dahilan upang mahinto na ang ginagawang pagyakap nito sa kaniya.
“Bakit Mark?” Nagtatakang tanong ni Rio habang patuloy sa pag-agos ang kaniyang mga luha.
“Pasensya ka na Rio, pero matagal ko ng kinalimutan ang nangyari sa’tin sa nakaraan.” Medyo malungkot na pagkakasambit ni Mark.
“Ganon ba? *Ha..ha! *Sob! *Sob! Hindi ka dapat humingi ng sorry, dahil ako naman ang may kasalanan eh. Sorry kung nabigla kita.” Sambit ni Rio habang paulit-ulit niyang pinupunasan ang kaniyang mga luha.
“Pasensya na talaga.” Malungkot muling pagkakasambit ni Mark.
“Hindi, okay lang. Sabihin mo nga Mark, dahil ba dun sa “Annie” na kasama nyo?” Nakangiting pagkakasambit ni Rio, pero bakas pa rin ang mga luha sa kaniyang mga mata.
“*Uhm!” Mahinang pagtugon ni Mark.
“I see. Hindi naman ako nagtataka kung bakit ka nagkagusto sa kaniya, dahil maganda naman siya at mukhang gusto ka rin niya.” Nakangiti muling pagkakasambit ni Rio, pero bakas pa rin ang mga luha sa kaniyang mga mata.
“Sana nga, pero nakita mo yung kasama na’ming may pulang buhok, yung katabi na’min ni June.” Sambit muli ni Mark.
“*Uhm! Narinig ko kanina na tinawag nyo siyang “Rain”, tama ba?” Tugon naman ni Rio.
“Tama, si Rain nga yung tinutukoy ko. Alam mo, may gusto si Annie sa kaniya, kaya hanggang sa ngayon ay naghihintay pa rin ako.” Nakangiti pero mababatid mo sa mukha ni Mark ang kalungkutan.
“Ganon ba? Pero wag kang mag-alala, natitiyak ko sayong gusto ka din nung Annie na yon. Nakakasiguro ako don, dahil kanina sobrang obvious nung reaction niya nung niyakap kita.” Nakangiting pagkakasambit ni Rio.
“Sana nga.” Nakangiti ring pagkakasambit ni Mark.
Sa mga oras na ito ay muling nagbalik ang pagkakaibigan sa pagitan nila Mark at Rio. Matapos nilang magpalitan ng mga contact number ay masaya ng umalis si Mark at agad nagtungo sa kaniyang mga kaibigan. Ilang sandali pa ng sila ay nagkasama-sama na, nagsimula na silang maglakad patungo sa kanilang bus.
Chapter 30: Hagoweigh – ang mala-paraisong lugar sa mundo ng mga tao.
Matapos makasakay ng magkakaibigan sa merry-go-round ay naghanap na sila ng iba pang masasakyang rides sa naturang amusement park.
Sa mga oras na ito ay itinuro ni Selina ang “Anchor’s away”, kaya agad na silang nagtungo dito at pumila. Hindi maitago ang saya ng magkakaibigan, kahit si Alex ay napapangiti na rin. xD
Makalipas ang ilang mga minuto ay oras na nila upang sila naman ang sumakay sa naturang ride. Labis ang pagkasabik na nararamdaman nila Selina at Melisa sa mga oras na ito, dahil ngayon lang sila makakasakay dito.
Agad pumwesto ang magkakaibigan sa loob ng anchor’s away, pero sa mga oras na ito ay unti-unti ng nakakaramdam ng kaba sila Selina at Melisa na napansin naman ni June.
“*Hahaha! Wag kayong mag-alala, Selina, Melisa. Im sure matutuwa kayo dito.” Mayabang na pagkakasambit ni June sa mga kaibigang nasa harapan niya.
Agad lumingon ang magpinsan kay June at matapos noon ay napangiti sila matapos makita ang masayang ekspresyon ng mukha nito.
Ilang sandali pa ay inayos na ng mga staff ng naturang amusement park ang kanilang mga safety bars, para hindi sila mahulog. At matapos makaalis ng mga ito ay unti-unti na ngang nagsimulang umandar ang achor’s away.
“Eto na!” Masayang pagkakasambit ni June.
Labis ang excitement na nararamdaman ng magkakaibigan, habang unti-unting umaangat ang parte ng achor’s away kung saan sila ngayon nakapwesto. At ilang sandali pa nga ay mabilis silang idinuyan nito.
“Wooooo!” “Yeeeeeey!” “Ang sayaaaaa!” “Ang saraaaaaaap!” “Waaaaaaaaa!”
Kani-kaniya ng pagsigaw ang bawat tao/nilalang na nakasakay sa naturang ride. Labis namang nag-e-enjoy ang magkakaibigan, pero ang hindi nila alam ay kanina pa nahihilo si June, habang paulit-ulit silang idinuduyan nung sinasakyan nilang anchor’s away.
Labis namang nadismaya ang magkakaibigan, maliban kila: Rain, Annie, Mark, Lina, Alex at June matapos huminto ang ride na kanilang sinasakyan.
“*Eh!? Tapos na!?” Medyo dismayadong pagkakasambit ni Selina.
“Gusto ko pa! Gusto ko pa!” Masaya namang pagkakasambit ni Melisa.
Habang nagrereklamo ang dalawa ay bumaba na sa naturang ride ang iba pa nilang mga kaibigan. Tangin sila na lang at si June ang naiwang nakaupo, kaya tinawag na sila ni Rain.
“Selina, Melisa, June! Halina kayo at marami pa tayong sasakyan!” Masayang pagkakasigaw ni Rain sa tatlo.
“Okay!” Masayang pagkakasambit ni Selina.
Matapos magsalita ay tumayo na siya at si Melisa at kalaunan ay bumaba na din sa anchor’s away. Pero sandali silang napahinto matapos makita si June na hanggang sa ngayon ay nakaupo pa rin.
“Oi June! Tara na!” Sambit ni Selina kay June.
Hindi naman tumugon si June at dahan-dahan na lang itong tumayo at kalaunan ay bumaba na din sa anchor’s away. Hindi ito nagsasalita habang mabagal na naglalakad papalapit kila Selina at Melisa. Labis namang nagtataka ang dalawa sa mga kinikilos ni June sa ngayon, dahil kanina ay napakasaya nito.
“Hoy! Kayong tatlo! Bilisan nyo dyan!” Sigaw muli ni Rain.
“Oo! Andyan na!” Tugon naman ni Selina kay Rain.
“Tayo na!” Masayang pagkakasambit ni Selina sa dalawa.
“*Uhm!” Mabilis na pagtugon naman ni Melisa.
Tanging si Melisa lang ang tumugon kay Selina at matapos noon ay agad ng nagmadali ang dalawa patungo sa iba pa nilang mga kaibigan.
Halos ilang sandali lang naman ang lumipas at nakasama na nila Selina at Melisa ang kanilang mga kaibigan, pero agad nagtaka ang iba ng hindi nila makitang kasama ng mga ito si June.
“Bakit ang tagal nyo naman? Pero teka, nasaan si June?” Sambit ni Annie sa dalawa.
“*Areh!? Kasunod lang na’tin siya, diba Melisa?” Gulat na pagkakasambit ni Selina.
Matapos magsalita ni Selina ay sabay silang lumingon ni Melisa at laking pagtataka, dahil hindi nila makita si June na alam nilang nasa likuran lang nila.
“Saan naman nagpunta yon?” Nagtatakang pagkakasambit naman ni Selina.
Halos sabay-sabay naghanap ang magkakaibigan at ilang sandali pa nga ay nakita ni Annie si June na nakaupo sa may sulok at tila ba may kung ano itong ginagawa.
“Si June yon, diba?” Sambit ni Annie.
Mabilis na napalingon ang magkakaibigan sa lugar kung saan nakatingin si Annie at doon nila nalamang si June nga ang nakita nito.
“Oo nga! Pero ano naman ang ginagawa niya doon?” Nagtataka namang pagkakasambit ni Mark.
Matapos magsalita ni Mark ay agad tinungo ng magkakaibigan ang pwesto kung nasaan si June ngayon. Nagtataka din kasi sila sa kung ano ang ginagawa ni June at kung bakit ito nandoon. Ilang sandali lang ay nakalapit na sila kay June, pero laking gulat nila sa kanilang nakita.
“Nagsuka ka, June?” Tanong ni Annie kay June.
Pero hindi nagawang tumugon ni June at umiiyak na lang itong humarap sa kaniyang mga kaibigan.
“Mukhang nagsuka nga siya.” Walang emosyong pagkakasambit ni Alex.
“*Ptttt.. *Fuwahahahaha! Ang yabang-yabang mo kanina, tapos magsusuka ka lang pala! *Fuwahahahaha!” Masayang pagkakasambit naman ni Rain.
*** SFX: TOINKS! ***
“Aray!” Gulat na pagkakasambit ni Rain matapos siyang kutusan ni Annie.
“*Ptttt.. Isipin mo naman ang mga sinasabi mo, Rain! *Ptttt.. Hindi mo ba alam na napapahiya si June! *Ptttt..” Pilit ang pagtawa ng sinasambit ito ni Annie kay Rain.
“*Hahahahaha! Okay lang yan June! Okay! Subukan naman na’tin yun!” Masayang pagkakasambit ni Selina, habang nakaturo sa isang ride.
Agad napalingon ang magkakaibigan sa ride na tinuro ni Selina at bigla silang namangha sa nakita.
“Sige! Sige! Matagal na din akong hindi nakakasakay dyan!” Masayang pagkakasambit ni Rain.
Matapos magsalita ni Rain ay agad na silang naglakad patungo sa ride na yon. Samantala, hindi naman magawang gumalaw ni June matapos makita ang ride na susunod nilang sasakyan.
Makalipas ang limang minutong pagpila, masaya silang sumakay sa ride na napili ni Selina, at ito ay ang “Roller coaster”. Walang nagawa si June, kundi ang sumakay dahil lalo lang siyang malulungkot at mapapahiya sa oras na hindi siya sumama sa kaniyang mga kaibigan. Sa dulo siya pumwesto, para walang makapansin sa kaniya. Pero sa pag-upo palang niya ay masuka-suka na siya sa pag-iisip palang. Ilang sandali pa nga ay sabay-sabay bumaba ang kanilang safety bar at matapos noon ay mabagal na ngang umusad ang kanilang sinasakyan. Sa mga oras na biglang nawala ang kaba ni June, dahil nalaman niyang ganito lang pala ito kabagal.
“Sus! Wala na ba itong ibibilis pa!?” Mayabang na pagkakasambit ni June.
Agad napalingon ang kaniyang mga kaibigan sa kaniya at masaya ang mga itong nagsalita.
“Mabuti naman June at hindi ka na nahihilo!” Masayang pagkakasambit ni Melisa kay June.
“Sinasabi ko na nga bang nawala na yung takot mo kanina, dun sa achor’s away eh!” Masayang pagkakasambit naman ni Selina kay June.
Habang nagsasalita sila Melisa at Selina ay hindi napansin ni June na sobrang taas na pala nila at hindi rin niya napansin na anumang oras ay mabilis na silang bubulusok pababa.
“Oo naman! Ako pa!” Mayabang na pagkakasambit ni June.
Pero matapos magsalita ni June ay napansin na niya ang kaniyang kapaligiran, dahil na rin sa lakas ng hangin na kaniyang nararamdaman. Biglang nanlaki ang kaniyang mga mata at ilang sandali pa nga ay mabilis na silang bumulusok pababa.
“Wooooo!” “Yeeeeeey!” “Ang sayaaaaa!” “Ang saraaaaaaap!” “Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!.. Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!”
(chufalse: Alam nyo na siguro kung kanino yung mahabang pagsigaw na yon! xD)
Napasigaw ng sobra ang magkakaibigan, dahil na rin sa mabilis nilang pagbulusok. Samantala, kanina pa panay suka si June habang sila ay mabilis na umuusad. Mabuti na lang at napili niyang umupo sa dulo, dahil kung hindi ligo sa suka ang sinumang nasa likuran niya. xD
Hindi maalis ang sobrang saya ng magkakaibigan matapos huminto ng kanilan sinakyan. Sa pagbaba nila sa roller coaster ay masaya silang nagkwentuhan, hanggang sa napansin nilang huminto si Alex at nakatingin ito sa sinakyan nilang ride.
“Bakit Alex? May problem ka ba?” Sambit ni David.
“Ayun oh. May nakalimutan tayo.” Walang emosyong pagkakasambit ni Alex, habang turo-turo ang ride na sinakyan nila.
Agad namang napalingon ang magkakaibigan sa lugar kung saan nakaturo si Alex at laking gulat nila ng makita si June habang pilit kinakausap ng isa sa mga staff ng naturang amusement park.
“June!” Gulat na pagsigaw ng magkakaibigan.
Mabilis na tinungo ng magkakaibigan si June at matapos noon ay agad na nila itong inakay, para makakaba ito. Sa sobrang sayang naramdaman ng magkakaibigan ay halos na kalimutan na nila si June. Kasi naman kanina ang yabang-yabang nito, kaya ang akala nila ay okay na ito at kasama nilang naglalakad. Pero nagkamali sila, kaya sa ngayon ay walang malay na karga ni David ito. xD
Makalipas lang ang ilang minuto ay nagkamalay na si June. Muli ay naiyak ito, dahil sa labis na kahihiyahan. Mabuti na lang at agad siyang kinalingan ng kaniyang mga kaibigan at agad ding pinainom ng maraming tubig, para hindi siya ma-dehydrate.
“Pasenya ka na June, akala ko kasi ay na over come mo na yung pagkahilo mo kanina. Sorry talaga.” Sambit ni Selina kay June.
“*Ahh! Ganito na lang! Ang mabuti pa ay si June naman ang pumili ng susunod na’ting sasakyan.” Masayang pagkakasambit naman ni Rain.
“*Uhm! *Uhm! Sumasang-ayon ako kay Rain.” Walang emosyong pagkakasambit ni Alex.
Sinang-ayunan ng lahat ang naisip ni Rain, kaya naman halos maiyak si June sa sobrang saya, dahil nalaman niyang sobrang concern ang kaniyang mga kaibigan sa kaniya. Pero ang hindi niya alam ay halos kakatapos lang tumawa ng kaniyang mga kaibigan nung nagkamalay siya. xD
“Okay! Doon naman tayo!” Masayang pagkakasambit ni June habang nakaturo sa isang lugar.
Agad namang napalingon ang magkakaibigan sa lugar kung saan nakaturo si June at matapos makita ay nagsalita na sila.
“Haunted House?” Nagtatakang pagkakasambit ni Selina.
“Anong meron doon, Rain?” Tanong naman ni David kay Rain.
“*Ahh! Isang isolated na kwarto yon na parang maze. Sa loob non ay may nagsusulputang nakakatakot o nakakagulat ng mga tao o mga bagay. In-short, nanggugulat at nananakot ang lugar na yon.” Pagpapaliwang ni Rain.
“*Umm! Ano, baka naman pwedeng wag na don?” Medyo takot ang tono ng pagkakasambit ni Annie.
“Teka, Annie? Wag mong sabihin natatakot ka?” Sambit naman ni Selina kay Annie.
Biglang nagpantay ang mga kilay ni Annie at kalaunan ay inis itong nagsalita.
“Okay! Pumila na tayo don sa Haunted house na yan!” Inis na pagkakasambit ni Annie.
Matapos magsalita ay inis ng naglakad patungo sa haunted house si Annie. Nagkatingan naman ang magkakaibigan at ilang sandali pa nga ay sumunod na rin sila dito.
“*Fufufu.. Sa wakas, kahit papaano ay hindi na ako mapapahiya dito..” Sambit ni June derekta sa kaniyang isipan.
Makalipas ang ilan pang mga minuto ay sabay-sabay na ngang pumasok ang magkakaibigan sa haunted house. Sa kanilang pagpasok ay agad napahawak si Lina sa kaliwang braso ni Rain. Agad naman itong napansin ni Selina, kaya agad siyang nainis dito.
“Natatakot ka pa rin ba dito sa haunted house, Lina?” Tanong ni Rain kay Lina.
“*Uhm!” Mabilis na pagtugon ni Lina.
Halos magsalubong ang mga kilay ni Selina matapos niyang marinig ang mga kasinungalingan ni Lina, kaya naman agad ding niyang hinawan ang kanang braso ni Rain.
“*Eh!? Natatakot ka din, Selina?” Sambit naman ni Rain kay Selina.
“*Uhm!” Mabilis ding pagtugon ni Selina.
Samantala, napakapit na rin si Annie kay Mark, dahil sa totoo lang ay natatakot talaga siya. Napangiti naman si Mark at sa loob-loob niya ay sobrang nagpapasalamat siya kay June sa pagpili niya sa lugar na ito. Bigla namang nainggit si David matapos niyang makita ang mga nangyayari ngayon kila Rain at Mark, kaya naman agad niyang kinausap sila Melisa at Alex.
“Hindi ba kayo natatakot? Melisa, Alex?” Medyo awkward na pagkakasambit ni David sa dalawa.
“Hindi.” Walang emosyong pagkakatugon ni Alex kay David.
“Okay lang naman, ako. Don’t worry.” Nakangiti naman pagkakatugon ni Melisa kay David.
“Ganon ba?” Medyo dismayadong pagkakasambit naman ni David.
Sa ngayon ay masayang pinangungunahan ni June ang paglalakad, dahil batid niyang hindi na siya mahihilo dito na dahilan ng kaniyang pagkapahiya kanina sa mga kaibigan.
“Ito na ba yon!? *Eh! wala namang nakakatakot di..TOWHOAAAAAAAAAAA!” Mayabang napagkakasambit ni June sa una, pero laking gulat nito sa bandang huli.
Biglang may sumulpot na nakakatakot na nilalang sa harapan ni June, dahilan kung bakit bigla siyang napasigaw. Ikinagulat din ng mga kaibigan niya ang nangyari, kaya naman kalmado pa rin si June na nagsalita.
“*Hahaha! Aaminin kong medyo nagulat ako don.” Medyo mayabang na pagkakasambit ni June.
“Talaga lang ah? Medyo na gulat ka lang pala ng lagay na yon.” Medyo nagdududa ang tono ng pagkakasambit ni Selina kay June.
“O..o..o..oo naman! Syempre sino naman ang hindi magugulat don? Bigla na lang labas sa mukha ko eh.” Medyo natatarantang pagkakasambit ni June.
“Ako. Imposibleng para sa’king magulat o kaya matakot.” Walang emoyosong pagkakasambit ni Alex.
Napa-poker face na lang si June matapos marinig ang mga sinabi ni Alex sa kaniya.
“Sorry naman, nakalimutan ko nga palang isa kang emotionless vampire.” Medyo dismayado ang tono ng pagkakasambit ni June kay Alex.
Ilang sandali pa ay ipinagpatuloy na nila ang kanilang paglalakad at laging nagugulat si June sa tuwing may sumusulpot na nilalang sa kanilang harapan. Paulit-ulit din siyang nagpapaliwanag sa kaniyang mga kaibigan, upang palabasing matapang talaga siya. Pero kanina pa kombinsido ang magkakaibigan na nagpapanggap lang si June na hindi natatakot, dahil kanina pa nangangatog ang mga binti nito. Salamat din kay June at nawala na ang takot ni Annie sa mga haunted house ngayon. xD
Sa mga oras na ito ay batid na ni June na alam na ng kaniyang mga kaibigan na nagugulat at natatakot siya sa tuwing may lumalabas sa kanilang harapan, kaya naman nag-isip siya ng isang paraan upang mapatunayan niya ang kaniyang katapangan sa mga kaibigan niya.
“Guys! Mauna na ako sa inyo ah! Na iihi na kasi ako eh!” Sambit ni June sa kaniyang mga kaibigan.
Matapos magsalita ay agad na ngang nagtatakbo si June papalabas sa haunted house. Mabilis namang nawala ito sa paningin ng magkakaibigan, pero naririnig pa rin nila ang mga pagsigaw nito. xD
Mapunta naman tayo kay June. Tiniis niya ang lahat ng nakakatakot na bagay at nilalang na kaniyang nadaan at pumwesto ito sa malapit sa may exit, balak kasi niyang gulatin ang kaniyang mga kaibigan. May nakita din siyang mga costume at nakakatakot na maskera sa kaniyang tabi, kaya saktong-sakto itong naisip niya upang mapatunayang hindi siya natatakot sa pamamagitan ng pagtakot sa kaniyang mga kaibigan. Kasalukuyan na rin niyang iniisip na sasaktan siya ng kaniyang mga kaibigan at masaya siya kung gagawin ito sa kaniya, dahil patunay ito na nagtagumpay siya.
“*Fufufu.. Ayos. Ayos. Tyak na magugulat ko silang lahat! Titiyakin kong hindi nila makakalimutan ang gagawin kong ito sa kanila. *Fufufufu..” Sambit ni June derekta sa kaniyang isipan.
Ilang sandali pa ay nakita na ni June na malapit na sa kaniyang pwesto ang kaniyang mga kaibigan, kaya naman pumwesto na siya at naghanda.
“Okay! Okay! Bilisan nyong lumapit dito, para makita ko na ang mga gulat nyong mga mukha matapos ko kayong takutin.. *Fufufufu..” Sambit muli ni June derekta sa kaniyang isipan.
Pero ilang sandali pa ay may kumalabit kay June. Nung una ay hindi niya ito pinansin, dahil na rin sa labis na pag-iisip sa magiging reaksyon ng kaniyang mga kaibigan sa binabalak niyang gawin. Pero ng muli siyang kalabitin ay doon palang niya ito na pansin, kaya naman agad na siyang napalingon.
“Si…no ka!? At ano ang ginagawa mo ditoooo?” Nakakatakot ang tono ng pagkakasambit ng isang nilalang kay June.
Sa labis na pagkagulat ay hindi nagawang magsalita ni June at bigla na lang itong humandusay at humarang sa daan. Agad itong napansin ng magkakaibigan at ng malapitan ay inakala nilang kasama ito sa mga nananakot sa kanila. Pero ilang sandali pa ay napansin nilang parang ang mga suot nung nakahiga sa daan ay katulad ng suot ni June sa ngayon. Maya-maya pa ay may isang nilalang ang lumapit dito at para bang pilit nitong ginigising yung lalaking nakahiga.
“Sir! Kasama nyo ba ang isang ‘to?” Sambit nung lalaking gumigising kay June.
“Kasama?” Nagtataka namang pagkakasambit ni Rain.
At ng alisin na nung lalaking yung maskerang suot nung lalaking nakahiga ay laking gulat nila ng makitang si June nga ito. Muli ay nagtawanan ang magkakaibigan habang walang malay si June. At muli ay kinarga siya ni David hanggang sa makalabas sila ng haunted house.
Makalipas ang ilang mga minuto ay nagkamalay na si June. Labis naman itong nagtaka matapos makita ang kaniyang mga kaibigan na para bang pinipigil ng mga ito ang kanilang pagtawa.
“Oo na! Oo na! Wag nyo ng pigilan ang pagtawa nyo! Alam kong kanina nyo pa ako pinagtatawanan, kaya okay lang na tumawa kayo! Nakakatawa naman kasi talaga ako, hindi ba? *Huhuee..” Medyo inis sa una pero mangiyak-ngiyak na sa banda huli ng sambitin ito ni June.
Bigla namang nakaramdaman ng pagka-guilty ang mga magkakaibigan matapos makita ang nakakaawang si June ngayon, kaya agad silang nag-isip paraan para mapasaya nila sa ngayon ang kanilang kaibigan.
“*Ahh! Alam ko na! Tutal may 30 minutes pa naman tayo, bakit hindi na lang tayo sumakay sa ferris wheel? For sure hindi na mahihilo dun si June.” Masayang pagkakasambit ni Annie.
“Tama! Tama! Great idea Annie! *Hahaha!” Masaya ding pagkakasambit ni Mark.
“Teka lang, ano yung Ferris Wheel?” Tanong naman ni Selina.
“Hindi ko rin alam kung ano yung ferris wheel na yon.” Walang emosyon namang pagkakasambit ni Alex.
“Ako din eh! ang mabuti pa ay pumunta na tayo don!” Sambit naman ni David.
“Mukhang masayang sakyan yung Ferris wheel na yon.” Sambit naman ni Melisa.
“Hindi pa ba tayo, kakain? Kanina pa ako nagugutom eh.” Reklamo naman ni Aron.
“Okay! Okay! Tayo na at pumila na tayo don sa may ferris wheel!” Masayang pagkakasambit naman ni Rain.
Sa mga oras na ito ay nakayuko pa rin si June, dahil hanggang sa ngayon ay malungkot pa rin siya. Pero bigla itong nawala ng iabot ni Rain palad nito sa kaniya.
“Tara na June! Tama na yang ka-dramahan mo.” Nakangiting pagkakasambit ni Rain.
Napangiti na si June at agad kinuha ang palad ni Rain. Matapos noon ay masaya na silang nagtungo sa dulo ng pila sa may Ferris wheel.
“Kailan ba tayo kakain!? Seryoso! Nagugutom na ako!” Reklamo muli ni Aron. xD
Chapter 30: Hagoweigh – ang mala-paraisong lugar sa mundo ng mga tao.
Sa mga oras na ito ay kasalukuyan na silang nakasakay sa ferris wheel.
Sa cab nila Rain at Lina, kasalukuyan silang magkatabi ngayon. :3
“Lina, okay lang ba na nauna na tayo sa kanila?” Sambit ni Rain kay Lina.
“*Uhm! Wag kang mag-alala, im sure okay lang ito sa kanila.” Nakangiti namang pagkakasambit ni Lina kay Rain.
“How Nostalgic! Naalala ko tuloy nung mga bata pa tayo! Mabuti na lang talaga at nabawi ko ang mga alala ko sayo.” Masayang pagkakasambit ni Rain.
Napangiti naman si Lina sa mga narinig nito kay Rain.
“Kung ganon, naalala mo pa ba yung pangako mo sa’kin, dati? Nangyari yon nung nakasakay din tayo sa ferris wheel.” Nakangiti namang pagkakasambit ni Lina.
Biglang nahiya naman si Rain matapos marinig ang mga sinabi ni Lina, dahil naalala nga niya yung mga pangakong binitiwan niya dito nung mga bata pa sila.
*** Flashback! :3 ***
Nangyari ito nung mga nasa limang taong gulang palang sila Rain at Lina. Kasalukuyan silang nasa isang amusement park at nakasakay sa isang ferris wheel ng mga oras na ito.
“Rain!” Masayang pagkakasambit ni Lina.
“Bakit, Lina?” Nakangiti namang pagtugon ni Rain.
“Sa pagtanda na’tin magpakasal tayo ah.” Masaya muling pagkakasambit ni Lina.
“*Uhm! Sige!” Masaya ding pagkakatugon ni Rain.
“Talaga!? Pangako yan ah!” Masaya muling pagkakasambit ni Lina.
“*Uhm! Pangako yan!” Masaya muling pagkakatugon ni Rain.
“*Uhm!” Masaya muling pagkakasambit ni Lina.
*** Flashback end’s here! XD ***
“Ano, Lina. Ang totoo niya ay..” Nabiting pagkakasambit ni Rain.
“Kailan mo gustong magpakasal?” Masayang pagkakasambit ni Lina.
Biglang nabuwal si Rain matapos marinig ang mga sinabi ni Lina sa kaniya at hindi agad nakapagsalita, dahil sa labis na pagkagulat.
“Ka..ka..ka..kasal? Pe..pe..pero, mga bata pa tayo eh!” Natatarantang pagkakasambit ni Rain.
Lalong bumilis ang pagtibok ng puso ni Rain matapos niyang magsalita, dahil agad siyang hinalikan ni Lina. Halos lumuwa ang kaniyang mga mata sa laibs na pagkagulat. xD
Mga apat na segundo lang naman ang itinagal ng paghalik ni Lina. Matapos nito ay tahimik na lang siyang sumandal sa balikat ni Rain at hindi na muli pang nagsalita. Ganito din ang nangyari kay Rain, sa mga oras na ito ay gulat pa rin siya, kaya hindi niya magawang magsalita, habang si Lina ay masayang sinusulit ang bawat sandali. xD
Mapunta naman tayo sa cab nila Mark at Annie, magkatabi din sila ng mga oras na ito pero may maliit na puwang sa pagitan nilang dalawa. Nagkakahiyaan pa kasi sila sa mga oras na ito, kaya hanggang sa ngayon ay hindi pa sila nagsasalita.
“Ano ba ‘tong ginagawa ko? Bakit hindi ako makaisip ng magandang topic?” Sambit ni Mark derekta sa kaniyang isipan.
“Pano ba ito? Sobrang tahimik naman. Hindi ko tuloy alam kung naririnig ba ni Mark ang mabilis na pagtibok ng puso ko.” Sambit naman ni Annie derekta sa kaniyang isipan.
“Ano..” Sambit ni Mark.
“*Umm.” Sambit naman ni Annie.
(Note: Sabay silang nagsalita ah! xD)
“Sige mauna ka na, Annie.” Mahina at nahihiya ang tono ng pagkakasambit ni Mark.
“*Ahh.. Ano, naalala ko lang kasi si June. Hindi kaya siya nahihilo ngayon?” Mahina at medyo nahihiya din ang tono ng pagkakasambit ni Annie.
“*Hahaha! Yon ba? Wag mo ng isipin si June. For sure nag-e-enjoy ngayon yon.” Masaya namang pagkakasambit ni Mark.
Matapos magsalita ni Mark ay bigla na namang tumahimik. Mga pito hanggang walong segudong pananahimik siguro ang nangyari at parehas lang silang nakayuko sa mga oras na ito.
“*Umm.. Ano nga pala yung sasabihin mo sana sa’kin, Mark.” Mahinang pagkakasambit ni Annie.
Sa mga oras na ito ay biglang napalingon si Mark kay Annie, dahil halos nakalimutan na niya ito. Sobrang kabado kasi siya, kaya halos walang matinong tumatakbo sa kaniyang isipan sa ngayon.
“*Ahh! Sorry, nakalimutan kong may sasabihin nga pala ako.” Medyo pilit ang pagkakangiti ng sambitin ito ni Mark habang nagkakamot siya ng kaniyang ulo.
“So, ano nga yun sasabihin mo?” Nagtataka namang tanong ni Annie.
Biglang naging seryoso ang ekspresyon ng mukha ni Mark na napansin naman ni Annie, kaya bigla siyang kinabahan.
“Ang totoo kasi nyan, gusto kong magsorry sayo.” Medyo malungkot ang tono ng pagkakasambit ni Mark.
“*Huh!? Bakit naman? Bakit ka nagso-sorry sa’kin?” Nagtataka muling pagkakasambit ni Annie.
“Kasi inilihim na’min sa inyo yung nakaraan na’min ni June dun sa bayan ng villa Socorro.” Medyo malungkot muli ang tono ng pagkakasambit ni Mark.
“*Ahh! Wala yon, okay lang yon. Nauunawaan na’min kung bakit, dahil hindi maganda ang mga nangyari sa nakaraan nyo.” Sambit naman ni Annie.
“*Uhm! Ganon na nga.” Medyo malungkot muli ang tono ng pagkakasambit ni Mark.
“Pero nagulat talaga ako dun sa kaibigan nyong si Rio. Bigla-bigla ka na lang kasi niyang niyakap dun sa may restaurant.” Medyo inis ang tono ng pagkakasambit ni Annie.
“*Hahaha! Sorry talaga kung hindi na’min na kwento ang tungkol kay Rio.” Medyo masayang pagkakasambit ni Mark.
“Okay lang. Hindi naman talaga mahalaga na malaman pa na’min ang mga nakaraan nyo. Masyado ng pribado yon, para panghimasukan pa na’min. Sa totoo nga ay nung mga time na yon ko lang na-realize yung feelings ko para sayo.” Nakangiting pagkakasambit ni Annie.
Bigla naman nagulat si Mark sa kaniyang mga narinig. Samantala, bigla namang nanlaki ang mga mata ni Annie matapos niyang maisip na masyado siyang nadala sa mga nasabi niya.
Ilang sandali pa ay dahan-dahan niyang nilingon si Mark at agad napabaling matapos makita ang gulat na ekspresyon nito. xD
“Feelings mo para sa’kin?” Gulat pero nagtatakang pagkakasambit ni Mark.
Hindi naman nagawang tumugon ni Annie, dahil sa labis na pagkahiya. Pero laking gulat niya marapos maramdaman ang paghawak ni Mark sa kaniyang kamay.
“Okay lang. Alam kong naguguluhan ka pa sa mga nararamdam mo sa ngayon, kaya hindi mo na kailangan pang sumagot. Sa ngayon ay hayaan mo muna akong hawakan ang kamay mo.” Nakangiting pagkakasambit ni Mark habang nakatingin sa may bintana.
(Note: Nasa pinakatuktok na kasi sila sa mga oras na ito! xD)
Hindi na nga nagawa pang magsalita ni Annie at kasabay ng kaniyang pag ngiti ay napahawak na rin siya sa kamay ni Mark. Sinuli na lang nila ang mga sandaling ito na silang lang dalawa ang magkasama sa napakagandang lugar.
(chufalse: Hindi ko alam yung tawag dun sa “Holding hands” na talaga, yung magkaka-cross/salitan na yung mga daliri nila.. Did you get what I mean? Kakabaliw badtrip! xD)
Mapunta naman tayo sa cab nila Selina, Melisa at Alex. Kasalukuyan silang natutuwa sa mga magagandang tanawing nakikita nila sa ngayon, kaya halos hindi sila nag-uusap.
Samantala, sa cab naman nila June, Aron at David.
“Hindi nga ako nahihilo, pero bakit sila ang kasama ko?” Dismayadong pagkakasambit ni June.
Sa ngayon kasi ay manghang-mangha si David sa kaniyang nakikita, samantalang natutulog naman si Aron sa ngayon, kaya wala silang masyadong napag-usapan. xD
At matapos ang ilang mga minuto ay nagkasama-sama na nga muli ang magkakaibigan. At matapos mag-usap-usap ay nagmadali na silang bumalik sa kanilang hotel, dahil malapit na silang maubusan ng oras. xD
Chapter 31: Anti-Myths – Ang mga taong may pansamantalang kapangyarihan.
Sa mga oras na ito ay masayang naliligo ang magkakaibigan sa dagat, samantalang si Rain naman ay mag-isang binabantayan ang kanilang mga gamit, kung saan nila ito iniwan.
Sa ngayon ay labis na nag-e-enjoy si June, dahil marami siyang nakikitang mga naka bikini at kasama na dito ang mga kaklase niyang mga babae.
“*Kukukuku.. Nakapakaganda naman ng mga nakikita ko ngayon. Whoa! What a nice body! Woooo!” Masayang pagkakasambit ni June derekta sa kaniyang isipan habang patingin-tingin sa mga babaeng naliligo.
Ilang sandali pa ay tinuruan na sila nila Selina, Melisa at Lina na lumangoy. Samantalang sila Mark at Annie naman ay masaya lang na nag-e-enjoy sa paliligo habang tinuturuan nila si Alex. Si Selina ang nagtuturo kay Aron ng mga basics, si Melisa naman ang nagtuturo kay David at si Lina naman ang nagtuturo kay June.
“Whoa! Sobrang lapit ko naman kay Lina at ang laki talaga ng boobs niya! Whoa! To know that Rain got her? Waaaa! Kakainggit!” Masayang pagkakasambit ni June derekta sa kaniyang isipan habang tinuturaan siya ni Lina na lumangoy.
“Okay June. Ipadyak mo lang yang mga paa mo.” Sambit ni Lina.
“Ganito ba?” Sambit naman ni June habang mabilis na ipinapadyak ang kaniyang mga paa.
“Oo! Tama yan, pero mas bilisan mo pa. Ngayon bibitiwan na kita ah!” Sambit muli ni Lina.
Medyo na lungkot si June, dahil bibitiwan na ni Lina ang kaniyang mga kamay. Pero batid niyang mangyayari ito, kaya naman itinuon na lang niya ang kaniyang pag-iisip sa paglangoy para agad niyang magawa ang kaniyang matagal na binabalak/pangarap.
“Kailangang matuto na akong lumangoy ngayon. Hindi ko dapat palampasin ang pagkakataong ito! Dapat matuto na akong lumangoy, para naman makapamboso na ako ng hindi nila napapansin.. *Heh..Heh..Heh..” Sambit ni June derekta sa kaniyang isipan.
Nagtaka naman si Lina kung bakit biglang natawa si June, kaya naman binitiwan na nito ang pagkakahawak niya at agad sinabihan itong si June.
“Ngayon na June! Isikad mo lang ang mga kamay mo, habang mabilis kang pumapadyak!” Sambit ni Lina.
Agad namang ginawa ni June ang mga sinabi ni Lina at ilang sandali pa ay laking gulat niya ng malaman niyang nakakalangoy na siya.
“Whoa! Nakakalangoy na ako? Wow! F*ck yeah! Marunong na akong lumangoy!” Masayang pagkakasambit ni June derekta sa kaniyang isipan.
Bigla naman nagulat si Lina, dahil hindi niya akalaing ang bilis palang matuto ni June.
“June! Wag kang lalayo ah! Masyado ng malalim sa parteng yan!” Sigaw ni Lina kay June.
Sa sobrang saya ni June ay mabilis siyang lumangoy papalayo at dahil din dito ay hindi niya narinig ang mga sinabi ni Lina sa kaniya.
“Narinig kaya ni June ang mga sinabi ko?” Nagtatakang pagkakasambit ni Lina habang pinapanood ang mabilis na paglayo ni June.
Ilang sandali pa ay tinawag na siya ni Annie, agad naman siyang nagpunta kila Annie.
“Whoa! Yesh! Marunong na ako lumangoy!” Sigaw ni June habang mabilis na lumalangoy.
Pero ilang sandali pa ay biglang hindi na niya magalaw ang kaniyang mga binti at dahil dito ay mabilis siyang lumubog.
“Shit! Ano ang nangyari sa mga binti ko? Bakit hindi ko na sila maigalaw? *Gor! *Gor! *Gor!” Sambit ni June derekta sa kaniyang isipan.
Sa mga oras na ito ay masayang nakikipag-usap si Lina kila Annie, Mark at Alex, kaya tuluyan na niyang nakalimutan si June.
“*Hmmm..” Sambit ni Lina.
“Bakit, Lina? May problema ba?” Nagtataka namang pagkakasambit ni Annie.
“Hindi ko alam eh, pero parang may nakalimutan ako.” Tugon naman ni Lina kay Annie.
Ilang sandali pa matapos magsalita ni Lina ay biglang nakarinig sila ng isang malakas na pagpito na nagmumula sa life guard watch tower. Agad napunta ang buong atensyon ng naliligo sa life guard na pumito, dahil mabilis itong sumugod sa dagat.
“Mukhang may nalunod ah?” Sambit ni Mark.
“Mukha nga.” Sambit naman ni Annie.
“Ay! Si June!” Gulat na pagkakasambit ni Lina.
Biglang nanlaki ang mga mata nila Annie at Mark matapos marinig ang sinabi ni Lina. Samantala, patuloy naman sa paglangoy si Alex. xD
Agad napalingon sila Lina, Mark at Annie sa life guard na mabilis na lumalangoy. Mabilis itong sumisid at sa kaniyang paglabas ay akay-akay na nito si June.
Agad namang nagpalakpakan ang mga naliligo matapos makitang nailigtas nung life guard ang taong nalunod. Mabilis namang nagtungo ang magkakaibigan sa pwesto ngayon ni June at naging masaya sila matapos malamang okay lang ito.
“Ano ba ang nangyari sayo? Hindi ba’t hindi ka naman marunong lumangoy? Bakit ka pumunta dun sa malalim?” Galit pero nag-aalala ang tono ng pagkakasambit ni Annie kay June.
“*Hehehe! Sorry, kasalan ko ang lahat. Akala ko kasi narinig ni June ang sinabi ko sa kaniyang wag siyang pupunta dun sa malalim eh. Pero mukhang hindi niya ako narinig.” Sambit naman ni Lina.
“Haay! Akala ko mamatay na ako! Bigla na lang kasing hindi ko na maigalaw yung mga binti ko. Natuwa kasi ako sa paglangoy.” Sambit naman ni June.
“Sa susunod, wag ka ng lalayo sa’min ah! Bwisit ka, pinag-alala mo kaming lahat.” Galit pero nag-aalala muli ang tono ng pagkakasambit ni Annie kay June.
“Okay! Okay! Ang mabuti pa ay magpahinga muna tayo.” Sambit naman ni June habang nagkakamot ng kaniyang ulo.
Samantala, hindi na nagawang marinig ni Rain ang ginawang pagpito ng life guard, kasi sandali siyang nawalan ng malay matapos makakain ng mga pagkaing niluto ni Krystine. xD
Chapter 33: Anti-Myths – Ang mga taong may pansamantalang kapangyarihan. Part 3
Sa pagbalik nila Rain at ng kaniyang mga kaibigan sa hotel ay agad na silang nagtungo sa kani-kanilang mga kwarto. Katulad ng ginawa nila Rain at ng kaniyang mga kaibigan ay agad ding nagbanlaw sila Selina sa banyo sa loob ng kanilang kwarto. Pero hindi katulad nila Rain na pa isa-isa ang pag gamit nila ng banyo, sabay-sabay namang nagbanlaw sila Selina at ang iba pa sa banyo nila.
Matapos nilang makapaligo at makapagpalit ng damit ay nagpaalam si Selina sa kaniyang mga kaibigan na sandaling magpapahangin sa labas. At sa paglabas niya ng kanilang kwarto ay hindi sinasadyang nakita siya ni Rein.
“*Huh? Bakit in a rush si Selina? May nangyari kayang hindi maganda?” Sambit ni Rein derekta sa kaniyang isipan.
Dahil sa labis na pagtataka ay palihim na sinundan ni Rein si Selina. Gamit ang kaniyang natatanging abilidad ay walang hirap niyang nasundan ito ng hindi siya na mamalayan.
Laking pagtataka naman ni Rein, dahil nagpunta si Selina sa likod ng kanilang hotel. Ilang sandali pa ay kinuha ni Selina ang telepono nito. Sa mga oras na ito ay biglang nakaramdam ng pagdududa itong si Rein, kaya pinakinggan niya ang naging pag-uusap ni Selina at nang kausap nito sa telepono hanggang sa matapos sila.
Ilang sandali pa ay mabilis ng umalis si Selina. Samantala, naiwan namang tulala si Rein. Laking gulat kasi nito sa kaniyang mga nalaman sa kaniyang ka clan.
“Master Zilan? Kapatid ni Rain? Kung ganon, kilala ni Selina itong mga phoenix na kapatid ni Rain? Pero ano itong nangyayari kay Selina? Member na din ba siya nung tinatawag na Yami clan, kung saan kabilang ang babaeng kapatid ni Rain na nakita ko sa Ceto city? *Hmmm.. Mukhang kailangan ko pang subaybayan si Selina.” Gulat na pagkakasambit ni Rein sa kaniyang sarili.
Hindi alam ni Rein ang kaniyang gagawin tungkol sa nalaman niyang impormasyong ito. Lalo tuloy siyang naging interesado sa “Yami clan”, dahil malaki ang kinalaman ng clan na ito sa pagkawala ng kaniyang mga kauri/pamilya.
Chapter 34: Anti-Myths – Ang mga taong may pansamantalang kapangyarihan. Part 4
July 10, CS240. Sa mga oras na ito ay kasalukuyan ng papalabas ng hotel ang lahat ng freshmen, dahil magtutungo na sila sa huli nilang destinasyon, at ito ay ang bundok ng Olympus. Ito na din ang huling araw nila dito sa hotel, dahil mamalagi sila ng dalawang araw sa bundok.
Habang pasakay na ang magkakaibigan sa kanilang bus ay biglang napalingon si Selina sa kaniyang likuran. Hindi niya sinasadyang makita na kasalukuyang kinakausap ni Rachelle ang grupo nila Chris. Nagtaka tuloy siya, dahil nag-aalala ang ekspresyon ng mukha ni Rachelle sa mga oras na ito.
“Hindi kaya may kinalaman ang grupo nila Chris, kung bakit may mga police dito?” Nagtatakang tanong ni Selina derekta sa kaniyang isipan.
Sa mga oras na ito ay kasalukuyang pinagagalitan ni Rachelle ang grupo nila Chris, dahil sa laki ng gulong ginawa ng mga ito kagabi.
“Tingnan nyo tuloy itong ginawa nyo? Sinasabi ko na nga bang mangyayari ito eh. Akala ko ba ay wala kayong iniwang mga bakas?” Galit pero mahinang pagkakasambit ni Rachelle sa grupo nila Chris.
“*Huhuhu.. Lahat naman po ng katawan sinunog ko eh. Maliban na lang po dun sa isang tao na nasa may dagat. Pero sigurado po akong nagkapira-piraso ang katawan nun. *Huhuhuhu..” Umiiyak na pagkakasambit ni Sai kay Rachelle.
“*Tsk! Mabuti na lang at aalis na tayo ngayon dito.” Galit pero mahina muling pagkakasambit ni Rachelle sa grupo nila Chris.
“Sandali lang po, para kasing may nakalimutan kami eh.” Sambit naman ni Roby.
“*Hmmm.. Oo nga no? Pero bakit hindi ko maalala?” Sambit naman ni Chris.
“Baka ang tinutukoy nyo yung mga sandata nila?” Walang emosyong pagkakasambit naman ni Blyde.
Sabay-sabay napatingin ang apat kay Blyde, dahil nagulat sila sa mga sinabi nito.
“Tama! Ang mga sandata nila! Nakalimutan na’ting itapon!” Sabay-sabay na pagkakasambit ng apat.
*** SFX: TOINKS! TOINKS! TOINKS! TOINKS! TOINKS! ***
Agad napahawak sa kani-kanilang mga ulo ang lima matapos silang kutusan ng malakas ni Rachelle. Sa mga oras na ito ay hindi nila nagawang magsalita, bagkus ay labis silang nakaramdan ng galit para sa “taong” kumutus sa kanila.
“Bakit mo ginawa sa’min ang bagay na yon? Tao!?” Galit na pagkakasambit ni Aris kay Rachelle.
Matapos magsalita si Aris ay bigla itong nakaramdam ng takot at kaba, dahil na rin sa masamang aura na nararamadaman nito kay Rachelle. Ganon din ang apat. xD
Ilang sandali pa ay biglang nag-aangatan na ang mga alikabok sa paligid ni Rachelle at dahil dito ay labis pang natakot ang lima.
“Ano ulit ang sinabi mo? Mr. Vielzkud?” Mabagal pero nakakatakot ang tono ng pagkakasambit ni Rachelle kay Aris.
“*Eh!? *Hahahaha! Biro lang po yon! Biro lang! *Hehehe.. Sorry.” Natatarantang pagkakasambit naman ni Aris kay Rachelle.
“Sino ba talaga siya!? Bakit sobrang nakakatakot ng aurang nagmumula sa kaniya? Isang tao lang ba talaga siya?” Sambit ni Aris derekta sa kaniyang isipan.
“Sigurado na akong hindi siya isang tao!” Sambit naman ni Blyde derekta sa kaniyang isipan.
“Sobrang nakakatakot nga ng kapangyarihan ng isang elemental earth dragon!” Sambit naman ni Sai derekta sa kaniyang isipan.
“Anong klaseng nilalang ba talaga itong si Ms. Rachelle? Isa ba siyang halimaw? Nakakatakot siya!” Sambit naman ni Roby derekta sa kaniyang isipan.
“Ngayon lang ako natakot ng ganito sa buong buhay ko. Sino ba talaga siya?” Sambit naman ni Chris derekta sa kaniyang isipan.
“May gusto pa ba kayong sabihin? Mga BATA!?” Mabagal pero nakakatakot muli ang tono ng pagkakasambit ni Rachelle sa lima.
Sabay-sabay napalunok ang lima at sabay-sabay ding napailing.
“ANO PA ANG GINAGAWA NYO DITO!? BILISAN NYO NA AT SUMAKAY NA KAYO SA BUS! MGA PASAWAY! MGA BWISIT! KAPAG NAKITA KO ANG MGA MAGULANG NIYO, PAGPAPATAYIN KO SILA! RUPERT TITANTIA!! MAX CRESCENTMOON!! VASKIER VEILZKUD!! NOMER LYEONEL!! AT SAIYA KERBEROS!! ANONG KLASENG PAGPAPALAKI BA ANG GINAWA NYO SA MGA BATANG ‘TO! NAKAKAGIGIL! YARI KAYO SA’KIN KAPAG NAKITA KO KAYO!” Galit na galit na pagkakasigaw ni Rachelle habang paulit-ulit tumatadyak sa tinatapakan niya. xD
Biglang nanlaki ang mga mata ng lima matapos marinig ang mga sinabi ni Rachelle. Ang mga pangalan kasing binanggit nito ay ang mga tatay/nanay nila.
“What the f*ck!? Sino ba talaga siya? Bakit kilala niya ang tatay ko?” Gulat na pagkakasambit ni Aris derekta sa kaniyang isipan.
“*Huh!? Kilala niya ang papa ko!?” Gulat ding pagkakasambit ni Blyde derekta sa kaniyang isipan.
“Papaano niya nalaman ang pangalan ni Papa?” Gulat ding pagkakasambit ni Roby derekta sa kaniyang isipan.
“Imposible? Alam kong malakas na mythical shaman ang papa ko, pero papaano niyang nalaman na ako ang anak ni papa?” Gulat ding pagkakasambit ni Chris derekta sa kaniyang isipan.
“Katulad ng sinabi ni Mama sa’kin, sobrang nakakatakot nga talaga si Ms. Raziel Draken.” Sambit naman ni Sai derekta sa kaniyang isipan.
“ANO PA ANG TINATAYO-TAYO NYO DYAN!? KILOS NA AT BILISAN NYO!” Galit na galit muling pagkakasambit ni Rachelle.
Matapos marinig ang galit na si Rachelle ay nagmadali na ngang magtungo ang lima sa kanilang bus.
Samantala, sa loob ng bus.
“Si Ms. Rachelle ba yong sumisigaw?” Nagtatakang tanong ni Krystine kay Khaye.
“*Umm.. Sa tingin ko si Ms. Rachelle nga yon. At natitiyak kong galit na galit siya sa grupo nila Chris.” Sambit naman ni Khaye kay Krystine.
“Baka may ginawang hindi maganda sila Chris, kaya sila napagalitan?” Sambit naman ni Aicy.
“Siguro nga.” Wala namang emosyong pagkakasambit ni Rein.
Ilang sandali pa ay sumakay na nga ang lima at kasunod ng mga ito si Rachelle na mukhang may malaking pino-problema.
Makalipas ang limang minuto ay umandar na nga ang kanilang bus at makalipas pa ang ilang minuto ay nagsimula na ngang magpaliwanag si Rachelle sa susunod na lugar na kanilang pupuntahan. xD
(Note: Ang mga tatay/nanay nila: Chris, Aris, Roby, Blyde at Sai ang mga naging istudyante ni Raziel Draken, nung mga kabataan pa ng mga ito. Ayun! xD)
Chapter 36: Pagsalakay – Hindi inaasahang mga kalaban. Part 2
Sa mga oras na ito ay hindi alam ni Rachelle ang kaniyang gagawin, dahil na rin sa nangyayaring sitwasyon sa kanila ngayon. Hindi niya alam kung uunahin ba niyang iligtas ang kaniyang mga istudyante o siya na mismo ang pipigil sa mga tao na patuloy na umaatake sa kanila.
“*Tsk! Ang mga taong ito, hindi ba sila mga nag-iisip? Dala siguro ito ng pagkamatay ng ilan sa kanilang mga kasama kagabi. *Tsk! Kasalan ito ng mga anak ng mga dati kong istudyante.” Sambit ni Rachelle derekta sa kaniyang isipan.
Ilang sandali pa matapos makagawa ng isang malaking pader si Rachelle ay bigla na lang itong sumabog.
*** SFX: BOOOOOOOOOOOOOOM! ***
At ang malakas na pagsabog na ito ay sumira sa malaking wall na ginawa niya.
“*Tsk! Ang kulit ng mga taong ito!” Inis na pagkakasambit ni Rachelle.
Ilang sandali pa matapos magsalita ni Rachelle ay nagulat ito matapos makita na sumugod na ang grupo nila Chris patungo sa lugar kung saan nagmu-mula ang mga pag-atake sa kanila.
Labis namang natatakot sila Annie at June, dahil marami na ring mga pagsabog ang kanilang mga naririnig, hindi kalayuan sa kanilang lugar.
“Mukhang pati ang ibang mga section ay inaatake na rin ng mga umaatake sa’tin.” Walang emosyong pagkakasambit ni Alex.
“Hoy kayong anim! Wag nyong patayin ang mga taong yan!” Sigaw ni Rachelle sa grupo nila Chris na sumugod sa lugar kung saan nagmu-mula ang mga pag-atake sa kanila.
“Bakit pa? *Eh sila naman ang may gusto nito!” Masayang pagkakasambit ni Aris habang mabilis na tumatakbo at umiiwas sa mga balang itinira sa kanila.
“*Tsk! Ang mga batang ito! Pero kung wala man kaming mapatay sa mga ito at kung madis-armahan lang na’min sila, hindi ko naman alam kung sa ibang section ay ganito din ang kanilang gagawin. Delikado ito para sa travincial.” Sambit ni Rachelle derekta sa kaniyang isipan habang nakatingin sa ibang lugar kung saan kasalukuyang may nanaganap na mga pagsabog.
“Ate! Lalaban din kami.” Sambit naman ni Rain sa kaniyang ate.
“Okay! Pero wag nyo silang papatayin! Mga tao lang ang mga umaatake sa’tin.” Tugon naman ni Rachelle kay Rain.
“Sa ngayon, pipigilan ko muna ang mga batang yon sa gagawin nila. *Tsk! Bakit ba kasi ang sakit sa ulo ng mga batang yon!?” Sambit muli ni Rachelle derekta sa kaniyang isipan.
“Kayong lahat! Mabuti pang mauna na kayong bumaba ng bundok! Magpapaiwan kami dito, para pigilan ang mga taong sumasalakay sa’tin.” Sambit ni Rachelle sa iba pa niyang mga istudyante.
Napatingin naman ang mga istudyante niya sa kaniya at tila ba hanggang sa ngayon ay mga nagtataka ang mga ito.
“Ano pa ang tinatayo-tayo nyo dyan? Kilos na! Bawat oras ay mahalaga ngayon!” Sigaw ni Rachelle.
Sa mga oras na ito ay mabilis na ngang kumilos ang magkaka-klase at agad na silang nagmadaling tumakbo pababa. Samantala, sandaling nanood muna sila Khaye at Krystine, kasama ang grupo nila Rain. At habang kasalukuyang tumatakbo ang ibang mga istudyante ni Rachelle ay laking gulat niya matapos makita ang malaking itim na lobo at isang malaking aso na may tatlong ulo.
“*Tsk! Huli na ako! Sinimulan ng mga batang yon!” Sambit ni Rachelle derekta sa kaniyang isipan.
“Teka si Ryan ba ang black fenrir na yon! At anong klaseng nilalang ang malaking aso na yon na may tatlong ulo?” Nagtatakang pagkakasambit ni Rain sa kaniyang mga kaibigan.
“Yan ang itsura ng isang Cerberus! Bilisan mo Rain! Pigilan mo si Sai, bago pa man niya mapatay ang lahat ng mga tao don!” Sambit ni Rachelle kay Rain.
Napatango na lang si Rain, kasama ang iba pa sa kaniyang mga kaibigan na sina: Aron, David at Mark. Mabilis silang napatakbo patungo sa lugar kung saan nagpunta ang anim, upang subukang pigilan ang mga ito sa pagpatay sa mga umatake sa kanila.
Pero ng marating na nila Rain ang mga ruins ay bigla silang napahinto at mabilis na napatalon paatras, matapos iwasan ang isang pag-atake. Mabilis nilang tiningnan kung saan nagmula ang pag-atake at agad nilang nakita si Garry at ilang mga kasamahan nito.
“*Tsk! Isa pang problema! Mukhang ako na lang ang pipigil sa mga batang yon.” Sambit ni Rachelle derekta sa kaniyang isipan.
Matapos makita ni Rachelle na may mga kalabang pumigil sa pagpunta nila Rain sa grupo nila Sai, ay minabuti na lang niya na siya na mismo ang pumigil sa pagwawala ng mga ito. Mabilis siyang tumakbo at nang tuluyan na niyang marating ang lugar kung nasaan ang dalawang malaking aso ay nagulat siya sa kaniyang mga nakita. Ilang mamalalakas na pagkidlat kasi ang inabutan niyang pinakawalan nila Sai at Ryan habang mga naka over take-mode ang mga ito.
“*Tsk! Huli na nga ako!” Inis na pagkakasambit ni Rachelle.
“*Oh! Ms. Rachelle! Kayo po pala. *He..hehe..” Medyo takot ang tono ng pagkakasambit ni Aris ng makita niya si Rachelle.
“Bakit hindi nyo pinigilan ang dalawang yon!?” Galit na pagkakasambit ni Rachelle sa apat.
“Mahirap pong pigilan si Sai at Ryan kapag nasa take over-mode sila.” Takot namang pagkakasambit ni Roby.
“*Tsk! Bakit ba lahat kayo ay mga pasaway!? Sa oras na makita ko talaga ang mga magulang nyo! Pagpapapatayin ko sila, isa-isa!” Galit na pagkakasambit ni Rachelle.
Sa mga oras na ito ay nakaramdam muli ng takot ang apat kay Rachelle. Pero ilang sandali pa ay lakas loob ng nagsalita si Chris.
“Excuse me lang po, Ms. Rachelle. Papaano nyo nga po pala nakilala ang mga magulang na’min?” Medyo takot na pagkakatanong ni Chris.
“Bakit hindi mo tanungin ang tatay mo kung kanino siya sobrang natakot nung kabataan niya?” Tugon ni Rachelle kay Chris.
(Note: Minsang napag-usapan ng magkakasama sa kwarto na sila: Chris, Sai, Roby, Aris at Blyde ang tungkol sa pagtataka nila kung bakit kilala ni Rachelle ang kanilang mga tatay/nanay. At nung mga oras ding yon ay nalaman nilang ang mga binanggit ni Rachelle na mga pangalan nung pinagagalitan sila ay ang mga pangalan ng bawat tatay/nanay nila. Ayun! xD)
Bigla namang nagtaka si Chris matapos marinig ang mga sinabi ni Rachelle sa kaniya. At matapos ngang magsalita ni Rachelle ay mabilis na itong nagtungo sa dalawang nagwawalang aso. xD
Lalong nanlaki ang mga mata ng apat matapos makita ang ginawa ni Rachelle sa dalawa nilang kaklase na nasa take over-mode. Binigyan lang ito ni Rachelle ng tag-iisang suntok at agad nawalan na ng malay ang dalawa at bumalik na sa pagiging normal nilang anyo.
“What the hell? Anong klaseng nilalang ba talaga si Ms. Rachelle?” Gulat na pagkakasambit ni Aris.
“Alam nyo, gusto ko ding malaman kung anong klaseng nilalang siya.” Gulat pero mabagal na pagkakasambit naman ni Blyde.
“Hoy! Kayong apat! Pumarito nga kayo!” Sambit ni Rachelle.
Muli ay bigla nagulat ang apat matapos silang tawagin ni Rachelle. Pero agad naman silang sumunod, dahil ayaw nilang masampolan katulad ng nangyari sa dalawa nilang kaklase. xD
At nang makalapit ang apat ay agad ng nagsalita muli si Rachelle.
“Buhatin nyo na ‘tong mga pasaway nyong kaklase at bababa na tayo ng bundok na ito.” Sambit ni Rachelle.
“Nauuwan ko po.” Sambit naman ni Blyde.
“*Umm.. Maitanong ko lang po.. Bakit po tinago nyo ang pagiging isa nyong mythical shaman? Gayong sobrang lakas nyo po pala?” Medyo takot ang tono ng pagkakasambit ni Chris kay Rachelle.
“Hindi na yon mahalaga! Ang mahalaga ngayon ay sundin nyo na lang ang mga sinasabi ko, kung ayaw nyong pati kayo ay idamay ko sa pagpatay sa mga magulang nyo.” Medyo inis ang tono ng pagkakasambit ni Rachelle.
Sabay-sabay napalunok ang apat matapos nilang marinig ang mga sinabi ni Rachelle.
“*Umm.. Ipinagtataka ko din po kung paano nyo po nakilala ang mga magulang na’min.” Medyo takot muli ang tono ng pagkakasambit ni Chris.
“Dahil mga dati ko na silang mga naging istudyante!” Mabilis na pagtugon ni Rachelle kay Chris.
Biglang nanlaki ang mga mata ng apat matapos marinig ang mga sinabi ni Rachelle.
“Istudyante nyo ang mga magulang na’min? So gaano na kayo katanda?” Gulat na pagkakasambit ni Aris kay Rachelle.
Matapos magsalita ni Aris ay bigla silang nakaramadam ng labis na takot, dahil biglang naglabas ng sobrang nakakatakot na aura si Rachelle.
“Interesado kayo sa edad ko?” Nakakatakot ang tono ng pagkakasambit ni Rachelle.
Muli ay sabay-sabay napalunok ang apat, pero ilang sandali pa ay laking pagtataka nila ng hindi na maramdaman ang nakakatakot na aura na nagmumula kay Rachelle. Mabilis din silang napalingon sa kanilang likuran, dahil may nararamdaman silang mabilis na paparating sa kanila.
“David! Mark! Mabuti naman at nandito na kayo!” Sambit ni Rachelle.
Mabilis na nakalapit sila Mark at David sa grupo nila Chris at kay Rachelle, pero laking pagtataka nila matapos nilang makita ang mga walang malay na sila Sai at Ryan.
“Teka, ano po ang nangyari dito, Ms. Rachelle? Bakit po walang malay sila Ryan at Sai?” Nagtatakang tanong ni Mark.
“Natalo ba sila nung mga tao?” Tanong naman ni David sa apat.
Agad namang napalingon si Mark sa apat at laking pagtataka, dahil sabay-sabay itong umiling.
“*Eh!? Hindi sila natalo ng mga tao? Kung ganon..” Sambit ni Mark.
Matapos magsalita ay agad napatingin si Mark kay Rachelle at doon na niya pagtanto na si Rachelle ang may gawa kung bakit walang mga malay itong sila Ryan at Sai sa ngayon.
“Nauunawaan ko na. Mabuti naman po at napigilan mo sila Ryan at Sai, master Rachelle.” Sambit ni Mark.
“The F*ck!? Alam niya na gawa ni Ms. Rachelle non kila Sai at Ryan!? At tinawag pa niya itong master? What the hell is going on?” Gulat na pagkakasambit ng apat derekta sa kanilang isipan.
“Nagkakamali ka Mark, huli na ang lahat ng dumating ako dito, halos napatay na ng dalawang pasaway na batang ito ang mga tao.” Seryosong pagkakasambit ni Rachelle kay Mark.
“Ganon po ba? *Tsk!” Medyo inis na pagkakasambit ni Mark.
“Madali kayo at buhatin nyo na ito. Matapos na’ting puntahan sila Rain ay bababa na tayo ng bundok na ito.” Seryoso muling pagkakasambit ni Rachelle.
Napatango na lang ang anim at matapos noon ay agad ng binuhat nila David at Blyde sila Ryan at Sai. Ilang sandali pa nga ay nagmadali na silang pumuta kung saan kasalukuyang nakikipaglaban sila Rain at Aron sa mga taong humarang sa kanila kanina. Pero laking gulat nila ng may marinig silang isang malakas na pagsabog, hindi kalayuan kung nasaan sila ngayon. At hinihinala nilang nagmula ang pagsabog kung saan nandoon ang mga ruins.
“Bilisan nyo pa ang pagtakbo!” Seryosong pagkakasambit ni Rachelle.
Ilang sandali pa nga ay mabilis na nilang narating ang mga ruins at nagulat, matapos makitang may isang bahagi nito ang gumuho. Nakita din nila doon sila: Selina, Aron, Lina, Annie, Alex, June at ang isa pang hindi kilalang lalaki, hindi kalayuan sa lugar kung saan may gumuho.
Mabilis nilang nilapitan ito at inalam kung ano ang nangyari at doon na nila nalamang kasama ng pagguho ay nahulog si Rain, kasabay ng mga malalaking bato.
Chapter 37: Phoenix Azure at ang kaniyang ama – Zeren Reign Icarus at Hades Hellsflame.
July 11, CS240. Nang mga oras na ito ay kasalukuyan ng nasa paanan ng bundok ang mga freshmen. Nandito na din ang kanilang mga bus at anumang oras ay maaari na silang umalis, upang makabalik na sila sa travincial.
“Sumakay na kayong lahat sa bus at mauna na kayong bumalik sa Odin city. Magpapaiwan ako dito para magpatuloy sa paghahanap kay Rain. Gusto ko ding makausap ang taong yon.” Sambit ni Rachelle at sa bandang huli ay napatingin ito kay Garry.
“Magpapaiwan din ako, master. Sasama ako sa paghahanap kay Rain.” Sambit naman ni Lina kay Rachelle.
“Wag na Lina, ako na ang bahala sa lahat. Wag na kayong mag-alala pa kay Rain, dahil titiyakin kong sabay kaming babalik sa Odin city.” Nakangiting pagkakasambit ni Rachelle.
Ilang sandali pa matapos magsalita ni Rachelle ay isa-isa na ngang nagsakayan ang magkakaibigan sa kanilang bus. Pero bago pa tuluyang makasakay si June ay may sinabi Garry dito.
“June Swatzron! Tandaan mo ang mga sinabi ko sayo kanina!” Seryosong pagkakasambit ni Garry kay June.
Sandali napahinto si June at napatingin kay Garry. Kasalukuyan namang nasa likuran niya si Selina, kaya napatitig na lang ito sa kaniya.
Ilang sandali pa matapos makasakay ang mga istudyante sa mga bus ay isa-isa na ngang nag-alisan ang mga ito. At sa mga oras na yon ay nagsimula ng magtanong si Rachelle dito kay Garry.
“Hoy! Ikaw! Sino ang may pakana ng pagsalakay nyo sa’min?” Seryosong pagkakasambit ni Rachelle kay Garry.
“*Huh!? Kahit patayin mo ako, wala kang malalaman sa’kin.” Galit namang pagkakatugon ni Garry kay Rachelle.
“Makinig ka tao, kahit mag-isa akong sumugod sa mundo nyo ay kaya ko kayong tapusin lahat.” Seryoso muling pagkakasambit ni Rachelle.
“*Hahaha! Wag mo nga akong patawanin!” Nang-aasar ang tono ng pagkakasambit naman ni Garry.
Ilang sandali pa matapos magsalita ni Garry ay bigla itong nakaramdaman ng labis na takot. Hindi niya alam kung bakit, pero parang unti-unti ng lumalambot ang lugar na kinatatayuan niya.
“Maniniwala ka ba sa’kin kung sasabihin ko sayong isa akong Dragon?” Sambit muli ni Rachelle.
Napatingin na lang si Garry kay Rachelle matapos nitong marinig itong magsalita. At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi magawang gumalaw ni Garry at sobrang bigat ng kaniyang pakiramdam sa mga oras na ito.
“Teka! Bakit hindi ako makagalaw!? At bakit ang bigat naman ng pakiramdam ko? Teka, bakit parang lumalambot na ang tinatapakan ko!?” Gulat na pagkakasambit ni Garry.
“Isa akong elemental earth dragon at ang kapangyarihan ko ay ang pagkontrol sa lahat ng uri ng kalupaan. At kung bakit ka hindi makagalaw? Binigatan ko lang kasi ang mga alikabok na nakadikit sa buo mong katawan ngayon.” Sambit muli ni Rachelle.
“Imposible!” Gulat muling pagkakasambit ni Garry.
“Makinig kang muli, tao! Seryoso akong kaya kong ubusin ang lahat ng tao dito sa mundo nyo at kahit sinong class-S na mythical shaman ay kayang gawin yon. Pero alam mo ba kung bakit walang gumagawa non sa ngayon? Dahil iniisip na’min ang kapakanan ninyong mga tao. Matagal na ito, pero may nagawang kasunduan ang mga tao at mga mythical shaman. At hanggang sa ngayon ay nananatili pa rin ito at naging isang batas na na’min. Pero sa ginawa nyong ito, parang kayo na mismo ang humukay ng sarili nyong libingan.” Seryosong pagkakasambit muli ni Rachelle.
Muli ay hindi nagawang magsalita ni Garry, dahil sa labis na pagkabigla.
“Seryoso ba siya sa mga sinasabi niya? class-S na mythical shaman? Kung ganong isa siyang class-S? At anong kasunduan ang pinagsasabi ng isang ‘to?” Sambit ni Garry derekta sa kaniyang isipan.
“Pag-isipan nyo muli ang bagay na ito, tao. Kung gusto nyo pang mabuhay ay dapat nyo na itong itigil.” Sambit muli ni Rachelle.
“*Tsk! Mauubus din na’min kayong lahat! Mga halimaw!” Galit na pagkakasambit ni Garry.
“Ang kikitid talaga ng mga pag-iisip nyo. Katibayan lang yan na kayong lahat ay mga mangmang. Isipin mo na lang kung bakit ka iniligtas ng kapatid ko.” Sambit muli ni Rachelle.
Biglang nanlaki ang mga mata ni Garry ng marinig ang sinabi ni Rachelle, dahil ngayon lang niya nalaman na ate pala ni Rain ang babaeng kinakausap niya ngayon.
“*Tsk! Mga ilang minuto na lang at nandidito na ang ibang mga tao! Makinig kang muli, tao. Pinapayuhan kitang sabihan ang nakakataas sayong itigil na ang mga kabaliwan nyo. Bago pa mahuli ang lahat. ** TAKE OVER! ELEMENTAL EARTH DRAGON! **” Sambit muli ni Rachelle.
Lalong nanlaki ang mga mata ni Garry matapos magbago ng anyo ang babaeng kausap niya. Naging isang malaking dragon ito at mabilis na lumipad patungo sa bundok.
“Totoo ngang isa siyang dragon.” Gulat pero mabagal na pagkakasambit ni Garry.
Ilang sandali pa ang lumipas ay naramdaman na ni Garry ang kaniyang buong katawan. Sa mga oras na ito ay naigagalaw na niya ito at ang kaniyang tinatapakan ay muli ng tumigas. Muli ay lumingon siya sa dereksyon kung saan lumipad yung babaeng naging dragon, pero hindi na niya ito nakita pa. Sa labis na gulat at takot na naramdaman niya matapos malamang nagsasabi ng katotohanan si Rachelle ay napaupo na lang itong si Garry sa isang upuan.
(Note: Sinadyang mag take over-mode ni Rachelle upang ipakita niya kay Garry na purong katotohanan ang kaniyang mga sinabi dito. At kaya hindi na siya nakita pang muli ni Garry ay agad ng dini-activate ni Rachelle ang kaniyang take over, dahil posibleng makita siya ng iba pang mga tao. xD)
Bonus: Pagkakakilanlan ni chufalse? #feelingSikat!
*Ehem! *Ehem! Unang-una po ay isa po akong lalake, madaming nagtatanong sa’kin sa kung ano ba ang kasarian ko. Maraming beses ko na ‘tong sinabi, pero eto’t uulit ko pong muli. Isa po akong lalake! Lalake! Lalake! Bagamat walang karelasyon ay patuloy pa ring nabubuhay ng pabigat sa magulang..*Hahaha! Dalawamput dalawang taong gulang na po ako, ipinanganak nung ika-apat ng abril, taong isang libo syamnaraan at syamnaput isa. xD Nagtapos ako ng Bachelor in science in Computer Vulcanizing. (BSComVul). Este, nagtapos ako ng kursong “Bachelor in science in Information and technology.” (BSIT) sa Bulacan state university, taong dalawang libo at labing isa. Isang ulit palang akong nagtrabaho at makalipas lang ang limang buwan ay tumigil na rin. Samakatuwid, isa akong dakilang tambay sa ngayon. xD
Tamad, walang isip, bobo pagdating sa babae, ganito po ako. Pero tapat, kahit papaano ay nagsisinungaling paminsan-minsan. (Yung mga maliliit na bagay lang.. Hehe.) Masasabi kong mabait din naman ako, magalang at sobrang mahiyain, kahit hindi naman talaga halata. xD Malawak ang pag-iisip ko sa iba mga bagay tungkol sa mga bagay na hindi karaniwang naiisip ng iba. Katulad ng “Kapag nagkasamaan ba ng loob ang dalawang tao ay may masama silang nakain?”, “Bakit ang mga pinoy, gago kung sumagot. Sinabi na ng barker na “Malolos! Malolos!”. Tapos tatanongin, “malolos po ba yan?”.”, “Bakit hindi mabaho yung kulangot, pero pag nadukot mo na, dun mo palang siya maaamoy. Pero minsan walang amoy talaga! *Ahahaha!”, “Bakit nakakainis kapag nabitin yung pagbahing.” Eto pa, “nakita ng gising ka, tapos sasabihan ka ng “gising ka na pala”.” Ganyang po ako mag-isip. Sa totoo lang po kusa na ‘tong lumabas habang isinusulat ko ang mga kagaguhan kong ito. xD Pero sa totoo lang ay alam kong halos lahat ng nagbabasa nito sa ngayon ay walang paki alam dito at kaya ko lang naman po ito isinulat ay sa kadahilanang wala na akong maisip na maidagdag, dahil sa tradisyong “Bonus” na sinimulang ko sa mga extra chapters. xD
Paglilinaw lang po, sa bawat extra chapter na “Side story”, wala po talagang kung ano man don maliban dun sa “Side story” ayun. Sa kabuan, maraming-maraming salamat sa pagtangkilik sa story na ‘to, sa mga kagaguhan ko at sa mga feedbacks na nagtutulak sa’kin na para mas galingan pa ang pagsusulat at pag-iisip ng mga unique/natatanging “Twist” na naiisip ko. Ayun! Cheers! Cheers! –chufalse!
Trivia 1: ito pa ang isa sa mga tradisyong nasimulan ko. *Hahaha! Well, alam nyo ba ang pinaka nakakatawang pangalang na create ko sa story na ‘to ay si “Mike Rusopword”. Siya po yung anti-myths na nakalaban ni Chris doon sa may beach sa hagoweigh. Sa sobrang hirap mag-isip ng pangalan ay napatingin na lang ako sa itaas na bahagi ng monitor ko at boom! Doon ka nakita si “Microsoft word”. “Mike = Mic”, “Rusopword = Rosoft word”. Ewan ko lang kung may natawa, pero ako natawa talaga ako dito. xD
Trivia 2: Tutal nandito na tayo sa mga pangalan. Ang gagawin ko sanang paborito kong character ay si “Chris Crescentmoon”, balak ko sana siyang paastigin, pero lumabas na mas astig si Mark, kaya si “Mark Lionheart” ang pinaka paborito ko ngayon. *Hehe! Oo nga pala, ang tunay kong pangalan ay ginamit ko din dito sa story, pero hindi buong pangalan. Wala lang apilyido. *Fufufu..
chufalse: Praise me more!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top