Extra Chapter: Behind the scene story.

Ang mga sumusunod na mababasa nyo po ay ang mga “naglaban sa utak ko” kung isasama ko ba sila sa main chapter o hindi. At ang iba naman ay sadyang “nakalimutan” kong ilagay. So, na isip ko ang extra chapter na ito para takpan ang mga pagkukulang ko at para na din maliwanagan kayo kung mayroon man kayong hindi na unawaan o nakalimutan na mahalagang bagay na hindi nyo na napansin.. XD

 

Chapter 20:  Gorgon – Lina Gordania.

Habang naglalakad papunta ang magkakaibigan sa bahay nila Rain. Magkatabi at sabay na naglalakad sa hulihan ng mga oras na ito sila June at Rain.

“Rain, maraming salamat.” Mahinang pagkakasambit ni June kay Rain.

*Huh!? Bakit ka nagpapasalamat sa’kin? Hindi ba’t normal lang na magtulungan ang magkakaibigan?” Nakangiting pagtugon ni Rain kay June.

Napangiti na lang si June matapos marinig ang mga sinabi ni Rain sa kaniya.

 

“Oo nga pala, ano nga pala ang naging reaksyon mo ng magkita muli kayo ni Mark dito sa loob ng travincial? Tapos naging magkaklase pa pala kayo. Diba hindi na kayo nagkita matapos nung nangyaring insedente dun sa mundo ng mga tao kung saan dati kayong nag-aaral.” Tanong ni Rain kay June.

*Ahh! Oo nga pala. Syempre nagulat ako, matapos kong makita si Mark at Ryan sa classroom. Nagulat din si Mark ng makita ako, pero hindi katulad mo, nung unang beses na nakatungtong ako dito ay wala talaga akong kaalam-alam sa mga mythical shaman at hindi ko din alam na ito na pala ang “Den of evil”.” Tugon ni June kay Rain.

*Ahh.. Ano pa ang mga nangyari?” Sambit muli ni Rain kay June.

“Ang totoo, hindi ko alam kung papaano ko haharapin si Mark, dahil natatakot pa rin ako sa kaniya. Hanggang sa unti-unti ko ng malaman na ang Travincial pala ay ang Den of Evil. Pero nakakapagtaka na hindi ako natakot, dahil na rin siguro na mali ang iniisip ng mga tao sa lugar na ito at sa mga nilalang na nakatira dito. Siguro may ilang araw lang ay nagkausap na kami ni Mark at muli ay naging magkaibigan na kami.” Tugon muli ni June kay Rain.

“Mabuti at naging magkaibigan muli kayo. At salamat din at naging mga kaibigan ko kayo. Ang totoo nyan, dito ko lang naramdaman ang pakiramdam ng magkaroon ng tunay na mga kaibigan. Lagi kasi ako napapaaway sa dati kong naging paaralan, dahil sa pagtatanggol sa mga binu-bully doon. Pero imbes na pasalamat ako ng mga tinulungan ko ay natakot silang lahat sa’kin, dahil lahat ng nakaaway ko diretso sa ospital eh. *Hahahaha! Masayang pagkakasambit ni Rain kay June.

Napangiti na lang muli si June matapos magsalita ni Rain. Samantala, napansin naman ng iba na nagkakasiyahan sila June at Rain, kaya agad ng nagtanong si Mark sa kung ano ba ang pinag-uusapan ng dalawa.

“Oy! Ano ba ang pinag-uusapan nyo? Parang masaya yan ah!” Sambit ni Mark sa dalawa.

*Ahh! Wala, may na ikwento lang sa’kin itong si June na nakakatawa! Hindi ba June?” Sambit ni Rain kay Mark, pero kalaunan ay tinanong si June.

“Oo tama! *Hahaha! Sambit naman ni June.

Nagtaka naman si Mark at napaiisip sa kung ano bang klaseng bagay ang naikwento ni June dito kay Rain. Pero ilang sandali pa nga ay nagpakita na sa magkakaibigan ang isang hindi kilalang lalaki.

Chapter 20:  Gorgon – Lina Gordania.

Habang kasalukuyang sabay na naglalakad ang apat na magkakaibigan (Lina, Annie, Mark at June.) papauwi sa kani-kanilang mga bahay.

Ipinakiusap na ni Mark kay Lina na si Annie na lang ang ihatid nito sa kaniyang bahay at wag ng silang isipin pa, dahil kaya na nila ang kanilang mga sarili. Hindi pumayag si Lina, dahil magagalit ang kaniyang master kapag hindi nito nasiguro ang kaligtasan ng mga ito. Pero nagpumilit pa rin si Mark, dahil nakakahiya na kung pati sila ay ihahatid ni Lina sa kan-kanilang mga bahay. At isa pa ay iba’t-iba ang daan patungo sa kanilang mga bahay, kaya magiging mahirap ito para kay Lina. Kaya sa bandang huli ay wala ng nagawa pa si Lina kundi ang ihatid na lang si Annie sa bahay nito.

Habang kasalukuyang sabay na naglalakad ang dalawa, si Mart at si June.

“Okay ka lang ba Mark?” Nag-aalalang pagkakasambit ni June kay Mark.

*Uhm! Okay lang ako, hindi lang talaga ako makapaniwala na may taglay din pala akong kapangyarihan.” Tugon ni Mark kay June.

“Hindi tungkol sa pagkakaroon mo ng kapangyarihan ang tinutukoy ko, kundi tungkol kay Annie.” Sambit muli ni June kay Mark.

Napatigil si Mark sa paglalakad, gayon din si June matapos makita si Mark.

“Okay lang ako, nung una palang naman ay alam ko ng kaibigan lang ang tingin sa’kin ni Annie eh. At nang mapansin kong gusto niya si Rain ay mas lalo lang akong nawalan ng pag-asa. Pero wag kang mag-alala, dahil sanay naman na ako dito eh. *Hahaha! Tugon ni Mark kay June habang pilit ang pagtawa nito.

“Alam kong nasasaktan ka, Mark. Pero tandaan mo na ako ang bestfriend mo! Kaya kung may problema ka at kailangan mo ng makakausap, wag kang magdalawang isip na kausapin ako. Okay ba!?” Nakangiting pagkakasambit ni June kay Mark.

“Maraming salamat, June.” Nakangiti din pagtugon ni Mark kay June.

Matapos mag-usap ay naghiwalay na sila ng landas, dahil makaiba na ang daan pauwi sa kani-kanilang mga bahay.

Chapter 21: Ceto city – Ang city capital ng travincial.

Umaga ng araw na ito ng halos saktong papasok na si Selina sa kanilang classroom, samanantala, si Annie naman ay lalabas sana ng kanilang classroom upang magpunta sa banyo. At ng sabay buksan ang pinto ay nagulat ang dalawa ng magkita sila.

Hindi pinansin ni Annie si Selina at nilagpasan lang niya ito, samantalang si Selina ay nainis naman ng hindi siya pansin ni Annie kaya nagsalita na ito.

“Annie, may nakalimutan nga pala akong sabihin sayo.” Nakangiting pagkakasambit ni Selina kay Annie.

Matapos magsalita ni Selina ay napahinto si Annie sa paglalakad at mabilis na hinarap si Selina at matapos ay nagsalita na rin.

*Huh!? Ano naman yon, Selina?” Nagtatakang pagkakasambit naman ni Annie kay Selina.

“Naikwento ko na ba sayo ang unang beses na nagkilala kami ni Rain?” Nakangiting pagkakasambit ni Selina kay Annie.

Biglang napalitan ng pagkainis ang kaninang pagtataka ni Annie sa mga narinig nito sa sinabi ni Selina sa kaniya. Napangiti naman si Selina matapos makita ang inis na ekspresyon ni Annie.

“Nakakatuwa, dahil kahit hindi pa niya alam na isa siyang mythical shaman ay sinubukan na niya akong iligtas sa kamay ng mga satyr na gustong kumidnap sa’kin.” Nakangiting muling pagkakasambit ni Selina kay Annie.

Muli ay naiinis si Annie kay Selina, dahil sa mga pinagsasasabi nito sa kaniya.

“Itigil mo na nga yang mga kasinungalingan mo, Selina!” Inis na pagkakasambit ni Annie kay Selina.

*Areh!? Nagsisinungaling? Ako? Oh come on! Teka, sino kaya ang kasabay ni Rain na pumasok dito sa classroom nung unang araw niya dito? *Hmmm.. parang hindi ko na nga maalala ah. Ikaw ba Annie, naaalala mo ba kung sino ang “Magandang girl” na yon?” Nang-iinis na pagkakasambit ni Selina kay Annie.

Sa mga oras na ito ay naalala ni Annie na si Selina nga ang kasabay ni Rain na pumasok nung unang araw nito dito sa campus. Kaya mas lalong nainis ito ng maisip na mukhang nagsasabi nga ng totoo itong si Selina tungkol sa pagkakakilala nila ni Rain.

“Mukhang naalala mo na ah!? *Hahaha! At alam mo bang nakapasok na din ako sa kwarto nya, nung araw din na sinubukan niya akong iligtas. Nabasa ko pa nga ang ilang mga porn magazine niya eh.” Nang-iinis muling pagkakasambit ni Selina kay Annie.

*Grrrr! Ikaw!! *Hmmmp! At least mas mukhang nasarap si Rain sa paghalik ko sa kaniya, kesa sa ginawa mo!” Inis pero nang-iinis na pagkakasambit ni Annie kay Selina.

Biglang nainis si Selina matapos marinig ang mga sinabi ni Annie. Natuwa naman si Annie matapos makita na naiinis si Selina.

*Hah..Hah..Hah.. natitiyak kong mas nagustuhan ni Rain ang ginawa kong paghalik sa kaniya.” Inis din pero nang-iinis pa ring pagkakasambit ni Selina kay Annie.

Hindi namalayan ng dalawa na napunta na pala sila sa may gilid ng pinto, dahil sila ay patuloy na nag papalitan ng maaanghang na salita. (Teka, maaanghang na salita? Oh well, nevermind xD) At ng wala ng masabi ang bawat isa ay masamang nagtitigan na lang ang mag ito. At ilang sandali pa nga ay napansin nila na bumukas ng konti ang pinto ng kanilang classroom. At mga walong segundo pa ang lumipas ay nakita na nila si Rain na dahan-dahan na pumapasok ng kanilang classroom. XD

Chapter 21: Ceto city – Ang city capital ng travincial.

Gabi sa loob ng bahay nila Rain, kasalukuyan kumakain sila sa mga oras na ito kasama si Lina.

*Uhm.. Master..” Mahinang pagkakasambit ni Lina sa kaniyang master.

*Hum!? Bakit, Lina? May problema ba?” Nagtatakang sambit ni Rachelle kay Lina.

 

“Gusto ko lang po sanang ipagpapaalam si Rain na makasama sa’min sa Ceto city upang bumili po ng cell phones. Kakatapos lang po kasing maitayo ang Cell cite dito sa loob ng travincial, kaya po malaking bagay na po kung lahat kami ay magkakaroon ng mga cell phones.” Sambit muli ni Lina sa kaniyang master.

*Hmmm.. Delikado para kay Rain ang mapalayo sa’min sa ngayon. Lalo na’t alam na ng mga kalaban ang tunay na pagkatao ni Rain.” Sambit ni Rachelle kay Lina.

“Sabi sayo Lina eh. Hindi ako papayagan ni ate na makasama sa inyo. Wag na kayong mag-alala, okay lang naman ako kahit hindi ako makasama.” Nakangiting pagkakasambit ni Rain kay Lina.

“Pero hindi magiging masasaya kung hindi ka kasama.” Medyo malungkot ang tono ng pagkakasambit ni Lina kay Rain.

“Tama naman kasi si ate eh. Baka mapahamak lang kasi kayo kung sasama pa ako.” Sambit muli ni Rain kay Lina.

Sa mga oras na ito ay nakita ni Rachelle si Rain na seryoso at hindi nagpupumilit makasama. Dito ay naisip niya na nauunawaan na ni Rain ang mga panganib na posible nitong makaharap at posibleng madamay ang mga kaibigan nito.

Napangiti na lang si Rachelle at ilang sandali pa nga ay nagsimula na itong magsalita habang kasalukuyang nalulungkot si Lina.

“Sige, pinapayagan na kita.” Sambit ni Rachelle.

Agad napangiti si Lina matapos marinig ang mga salitang sinambit ng kaniyang master, kaya ilang sandali pa agad na itong nagsalita.

“Talaga po master?” Masayang pagkakasambit ni Lina sa kaniyang master.

“Oo! Pero sa isang kondisyon, dapat kayong umiwas sa kahit na anong klaseng kagulahan/gulo. At dapat bantayan mo itong si Rain. Nauunawaan mo ba ako, Lina?” Sambit muli ni Rachelle.

“Opo! Maraming salamat po, master!” Masayang pagkakasambit ni Lina sa kaniyang master.

“Thanks, ate.” Nakangiting pagkakasambit ni Rain sa kaniyang ate.

“Mag-iingat kayo, lalo ka na Rain!” Sambit muli ni Rachelle.

*Uhm! Pangako!” Nakangiti muling pagkakasambit ni Rain sa kaniyang ate.

Matapos magsalita ni Rachelle ay tumayo na ito at kalaunan ay nagtungo sa kaniyang kwarto. Nagkatinginan na lang sila Rain at Lina matapos nilang makita si Rachelle na umalis.

Ilang sandali pa matapos makapunta si Rachelle sa kaniyang kwarto ay agad itong bumalik sa hapagkainan at muli ay umupo sa kanina niyang inupuan.

Matapos makaupo ay agad may inabot si Rachelle kay Rain na agad namang kinuha nito.

“Pasensya ka na kung yan lang ang mabibigay ko sayo. Ang totoo kasi nyan, matapos mong malaman na mythical shaman ka ay tumigil na ako sa pagta-trabaho. At si kuya Drake na lang ang nagbibigay sa’kin ng pera. Kaya pagkasayahin mo na yang 8 gold na binigay ko.” Nakangiting pagkakasambit ni Rachelle kay Rain.

“Wow! Thanks ate! Kung tutuusin ay sobra pa nga ito eh. Isang magandang cell phone na ang mabibili ko dito.” Masayang pagkakasambit ni Rain sa kaniyang ate.

“Dalawang cell phones! Pagkasyahin mo yan para sa dalawang cell phones!” Nakangiti muling pagkakasambit ni Rachelle kay Rain.

Ang masayang ekspresyon sa mukha ni Rain ay biglang napalitan ng pagkadismaya. XD

“Dalawa? Pero kulang 'to pag ganon.” Malungkot na pagkakasambit ni Rain sa kaniyang ate.

 

“Kung ganon, humanap ka ng sasakto sa dala mong pera. At gusto ko magkamukha tayo ng cell phones ah!” Nakangiti muling pagkakasambit ni Rachelle kay Rain.

 

“Wag kang mag-alala, Rain. Ako na ang bahala tungkol sa bagay na yan!” Masayang pagkakasambit ni Lina kay Rain.

“Hindi, okay lang ‘to, Lina. Hahanap na lang ako ng cell phone na magkakasya para sa ibinigay sa’king pera ni ate.” Sambit ni Rain kay Lina.

“Okay, pero kung kulangin ka man, wag kang mahihiyang magsabi sa’kin ah.” Nakangiting pagkakasambit ni Lina kay Rain.

“Maraming salamat.” Tugon ni Rain kay Lina.

“Lina, ang mabuti pa ay dito ka na matulog. Tumabi ka na lang sa’kin dun sa kwarto ko. Tutal may ilang damit ka pa naman na naiwan sa underground basement.” Sambit ni Rachelle kay Lina.

*Yey! Maraming salamat po master.” Masayang pagtugon ni Lina sa kaniyang master.

Samantala, napangiti na lang si Rain matapos makitang masaya si Lina sa mga oras na ito.

Matapos kumain ay agad ng nagtungo si Rain sa kaniyang silid upang magpahinga. Samantala, naligo muna si Lina bago matulog.

Kinabukasan, inaantok pa ng magising si Rain. Habang nakapikit ay agad siyang nag-inat ng kaniyang mga braso at sa pagbaba ng kaniyang mga kamay ay may nahawakan siyang isang malambot na bagay (ay dalawang bagay pala xD). Pinisil-pisil niya ito at pinakiramdaman habang patuloy na nakapikit ang kaniyang mga mata.

“Teka, wala naman akong ganitong klaseng unan ah? Pero ang hugis at lambot niya, hindi pa ako nakakahawak ng ganito kalambot na unan.” Mga nasa isipan ni Rain habang patuloy na pinipisil-pisil at hinihimas-himas ang malambot na bagay na kaniyang nahawakan.

Hindi pa rin idinidilat ni Rain ang kaniyang mga mata, pero habang pinipisil-pisil niya at hinihimas-himas ang malabot na bagay na kaniyang nahawakan ay may nakapa siya sa may gitna nito.

“Teka, ano itong matigas na bagay sa may gitna?” Mga nasa isipan ulit ni Rain habang pinipisil-pisil ang matigas na bagay na nasa gitna ng malambot na bagay na kaniyang nahawakan.

Pero matapos pisilin ni Rain ang matigas na parte ay biglang may narinig siyang kakaibang tunog, na bumasag ng kaniyang natutulog na diwa.

“*Uhmm.. *Ahhh!!”

 

Isang sexy voice ang narinig ni Rain matapos niyang pisilin ang matigas na bagay na nasa gitna nung malabot na bagay na nahawakan niya.

Muli ay pinisil niya ito at katulad ng kaniyang inaasahan, isang pang sexy voice ang kaniyang narinig, pero mas matinis at mas malakas na ito.

“*Aahhhh!!!”

Sa mga oras na yon ay biglang pinagpawisan si Rain ng sobra at dahan-dahang iminulat ang kaniyang mga mata.

Sa kaniyang paglingon sa bagay na kaniyang hawak-hawak sa ngayon ay biglang tumulo ang mga dugo sa kaniyang ilong ng makumpirma ang kaniyang hinala. Ilang sandali pa matapos makita ang kaniyang hinahawakan ay dahan-dahan naman siyang tumingin sa itaas na parte nito. At laking gulat sa kaniyang nakita, si Lina habang nakatingin at nakangiti lang sa kaniya. XD

“Li..Li..Li..Lina!?!?” Gulat na pagkakasambit ni Rain matapos makita si Lina sa kaniyang tabi.

“Go..good morning?” Nakangiti pero nahihiyang pagkakasambit ni Lina kay Rain.

Agad napabitaw si Rain sa pagkakahawak sa dibdib ni Lina at mabilis na napatayo. Agad tumingin sa kaniyang paligid si Rain, dahil baka hindi ito ang kaniyang kwarto. Pero hindi naman siya nagkamali dali ito nga kwarto niya.

“Kwarto ko naman ‘to ah! Teka, bakit nandito si Lina? At bakit polo lang ang suot niya? Sandali, polo ko yon ah!?” Mga kasalukuyang tanong ni Rain sa kaniyang sarili habang kabadong nakatitig kay Lina.

Mga ilang sandali na natahimik si Rain at ilang sandali pa nga ay nakuha na nitong magsalita.

“Te..te..teka.. Ano ang ginagawa mo sa kwarto ko!?” Natatarantang pagkakasambit ni Rain kay Lina matapos tingnan ang kaniyang paligid.

*Hmmm.. Dito kasi ako natulog.. sa tabi mo.. naalala ko lang kasi yung mga panahong tabi din tayo matulog, kaya naisip ko na tumabi sayo.” Mahina at nahihiyang pagkakatugon ni Lina kay Rain.

 

“*Ehhhh!? Sa..sa..sa tabi ko ikaw natu..tulog!?” Natataranta muling pagkakasambit ni Rain kay Lina.

“*Uhm!” Mabilis na pagtango ni Lina pero mapapansin ang pagkahiya sa ekspresyon ng mukha nito.

Hindi na nagawang magsalita ni Rain matapos malamang tabi sila natulog ni Lina. Magkakahalong saya, takot, kaba, pagkasabik, at kung ano-ano pa ang kasalukuyang nararamdaman ni Rain sa mga oras na ito. XD

Agad namang napansin ni Lina na parang may bumabagag ng husto ngayon kay Rain, kaya dali-dali siyang tumayo upang lapitan ito. Pero sa pagtayo niya ay tuluyan ng nahubad ang suot niyang damit at labis itong ikinagulat ni Rain.

Ilang sandali pa ay muling umagos ang dugo sa ilong ni Rain at kasunod nito ay nawalan na siya ng malay. XD

(Note: Gusto pa sanang itananong ni Rain kung bakit polo niya lang ang suot ni Lina sa mga oras na ito. Pero nawalan na siya ng malay bago pa niya ito maitananong. Ang dahilan kung bakit polo ni Rain lang ang suot ni Lina, ay dahil naisip ni Lina, na baka madumihan ang damit na susuotin niya ngayon sa lakad nilang magkakaibigan patungong Ceto city. Kaya itong polo na lang ni Rain ang kaniyang sinuot pangtulog, dahil nilaban na niya ang mga marurumi niyang damit nung naliligo siya kagabi. Tanging ang damit na susuotin na lang kasi niya ang natira dito sa may underground basement, kaya ganon ang ginawa niya. Okay lang din naman na tabi sila matulog ni Rain, dahil magpapakasal naman sila sa hinaharap. (Yun yung mga iniisip ni Lina) xD)

Chapter 22: Phoenix – Zelin Reign Icarus.

Matapos magpaalam ni Rain sa mga kaibigan upang magtungo sa CR ay agad ginamit ni Rein ang kaniyang ability na maging isang invincible. Agad niya itong sinundan habang siya ay nasa “Invicible mode”, dahil gusto niyang malaman kung sino ba talaga itong si Rain Esfalls.

Maraming tanong si Rein tungkol sa pagkatao nitong si Rain at batid nito na hindi lang isang basta Mythical shaman ng elemental fire dragon itong si Rain. Kundi isang phoenix na may kakayahang pagaling ang kahit na anong sugat gamit ang mga luha nito.

Matagal ng binabalak gawin ito ni Rein, pero wala siyang oras para dito, dahil lagi siyang naaaya nila Khaye na sumama sa kanila. At sa mga oras na ito, ito ang tamang oras upang gawin na niya ang kaniyang matagal na balak.

Sa mga oras na ito ay narating na ni Rain ang CR at agad itong nagtungo sa Male Room. Walang pagdadalawang isip ay sinundan sa loob ni Rein itong si Rain.

Hindi maipaliwanag ni Rein ang kaniyang mararamdaman matapos makita ang meat rod ni Rain. xD Dahil hindi pa siya nakakakita nito at ngayon lang siya nakapasok sa CR ng mga lalaki. Labis ang pagkahiya ang kaniyang naramdaman para sa sarili ng matapos umihi si Rain.

Matapos lumabas ni Rain sa CR ay naglakad na ito papalabas. Pero nagtaka si Rein, dahil hindi pabalik sa kanilang mga kaibigan ang daan kung saan kasalukuyang naglalakad si Rain, kaya sinundan niya itong muli sa pag-asang may matuklasan.

Pero ilang sandali pa ng makalabas si Rain sa 2nd entrance and exit ng mall ay nakumpirma ni Rein na naliligaw na itong si Rain.

Balak na sanang magpakita ni Rein at ituro kay Rain ang tamang dereksyon pabalik sa cafeteria kung saan nandodoon ang kanilang mga kaibigan. Pero may isang babae ang biglang humila sa braso ni Rain at dinala ito sa kung saan.

Agad sinundan ni Rein si Rain at ang babaeng humila sa kaniya, hanggang sa marating nila ang pinakagilid ng Mall.

Dito ay agad tinanong ni Rain kung ano ang pakay ng magandang babae sa kaniya, pero ilang sandali pa ay biglang napalibutan ng hindi kilalang mga kalalakihan sila Rain. At ilang sandali pa nga ay sinugod na sila ng mga ito.

Batid ni Rein na kayang-kaya ni Rain na labanan ang mga hindi kilalang mga lalaki na sumugod sa kanila. Pero laking gulat niya ng biglang ikumpas ng magandang babae ang kaniyang kanang kamay at kalaunan ay may sinabi ito. At matapos noon ay biglang nagliyab ang mga lalaki at halos ilang sandali lang ay naging mga abo agad ang mga ito.

Nakaramdam ng sobrang takot si Rein sa mga oras na ito, kaya napatanong na lang ito sa kaniyang sarili sa kung sino ba talaga itong magandang babae na kasama ni Rain sa ngayon.

Napansin din ni Rein ang pagkagulat sa mukha ni Rain matapos makita ang mga nangyari sa mga lalaking sumugod sa kanila.

Nakita din ni Rein na may isa pang lalaki ang natira at nakita niya sa mga mata nito ang labis na takot. Agad napatakbo ang natirang lalaki, pero nagulat si Rein ng makitang nasa harapan agad ng lalaki ang magandang babae.

Sa sobrang takot ng lalaki ay napatakbo ito pabalik, pero agad siyang inatake ng magandang babae at kalunan ay nasunog din at ilang sandali pa ay naging abo din katulad ng nangyari sa kaniyang mga kasama.

Hindi nagawang makapagsalita ni Rain sa labis na pagkagulat at pagtataka, kaya napatingin na lang si Rein dito.

Ilang sandali pa ay nagsimula ng maglakad ang magandang babae patungo kay Rain, samantala, naalerto naman si Rain at ilang sandali pa ay nagsalita na ito, dahilan upang mapahinto sa paglalakad ang magandang babae.

Habang nag-uusap si Rain at yung magandang babae ay nakumpirma na nga ni Rein ang kaniyang hinala. At ang magandang babae plang ito ay ang nakakabatang kapatid ni Zenon Reign Icarus, si Zelin Reign Icarus, Mythical shaman ng Phoenix.

Hindi naman nagtagal ang pag-uusap ng dalawa, dahil ilang sandali pa ay sabay napansin ni Rein at Rain ang boses ni June na sumisigaw hindi kalayuan kung nasaan sila.

At ilang sandali pa nga ay natagpuan na sila nito. Dahil ang atensyon ni Rain ay nakatuon kay June, si Rein naman ay nakatitiglang kay Zelin. Pero laking gulat ni Rein ng biglang lumingon sa kaniyang kinalu-lugaran si Zelin at tila ba alam nito na nandito siya at nakikinig.

Inisip ni Rein na baka nagkataon lang ang paglingon ni Zelin sa pwesto kung nasaan siya, pero ng biglang inangat ni Zelin ang kaniyang kanang kamay at itinapat kung nasaan siya ay biglang nakaramdam siya ng labis na takot.

Sa mga oras na ito ay nawala na ang pagdududa niya sa “nagkataon” lang. Dahil ang totoo nito ay alam talaga ni Zelin na si Rein ay nandoon at nakikinig. Napalunok na lang si Rein at napapikit, pero may ilang sandali pa ang lumipas (mga tatlong segundo siguro) ay muli na niyang idinilat ang kaniyang mga mata. Nakahinga na siya ng maluwag matapos hindi na makita si Zelin at tila ginamit ang tatlong segundo niyang pagkakapikit upang umalis.

Nang makalapit si June ay agad nitong kinausap si Rain. At ng inaya na ni June si Rain na bumalik ay napalingon muna ito sa kaniyang likuran. Matapos nito ay tinawag na muli siya ni June at ilang sandali pa nga muli na siyang naglakad.

(Note: Pasensya na po kung medyo nilagayan ko ito ng pagka-ecchi dito. Try ko lang pong e-enhance ang element ng “Comedy” sa story.. Sana nga lang po ay may natawa, kasi yun po talaga ang pinakamahirap na gawin para sa isang writer. (well, that’s my own opinion xD) Sobra po kasi ang paghanga ko sa mga writer na mabilis na kukuha ang kiliti ng kaniyang mga readers. Kaya pilit po akong nag-iisip ng mga kagaguhan at umaasahang may matawa sa mga ito. xD I really tried my best para lang may matawa, although may nakikita naman ako na nagugustuhan ang mga kagaguhan ko.. hahaha! Thanks to those people! :3 )

Bonus:  Mga dagdag na Hayop/Halaman na idea ng ilang sa aking mga readers. :D

 

Raven – Isang uring ng ibon na ginagamit ng mga Vampires upang makapagpadala sila ng mga pribadong mensahe at gamit pang espiya. –Idea came from @ChrisSantos1

Dire Wolf Isang uri ng lobo at halos katulad ng raven ay madalas din itong gamit upang makapagpadala ng mga mensahe, bagay at madalas ding gamit pang espiya. At tanging mga WereWolves at Lycans lang nakakapagpasunod at nakakapagpaamo sa mga ito. –Idea came from @ChrisSantos1

 

Pixie – Isang uri ng maliit na fairy. Mga tagapangalaga sila ng kagubatan at dahil sa aking liit nila ay hindi sila basta-basta nakikita. Kahit maliit ang mga Pixie ay malakas din ang taglay nilang mga kapangyarihan, kaya hindi sila basta-basta. Nagagamit din ang mga pixie ng mga kasami sa Forest fairy clan upang makapagmatyag sa kanilang mga teritoryo. –Idea came from @ChrisSantos1

 

Silver Hawk – Isang uri ng ibon at tulad ng raven at dire wolf ay gamit din sila upang makapagbigay ng mensahe at makapagmatyag na din. At tanging mga nasa Winged clan lang ang nakakapagpasunod sa mga ito. –Idea came from @ChrisSantos1

 

Fairy Dragon – Isang uri ng maliit na dragon, ngunit nasa pangangalaga ito ng Forest Fairy clan. Kokonti lang ang nilalang na ito, kaya sila ay lubhang iniingatan at inaalagaan ng Forest Fairy clan, sa kadahilanan may malaking kontribusyon ito sa kanila. –idea came from me.. @chufalse xD

Acromantula – isang uri ng malaking gagamba na mayroon matatalas na ngipin. Sobrang mapanganib ang nilalang na ito, dahil na rin sa taglay nitong lason na may kakayanang tumunaw ng bakal. Masyadong agresibo ang nilalang na ito na makikita lang sa kagubatan ng Evis city. Pero may isang uri ng vampire na kayang pasunurin ang mga ito at ang iba pang mga insekto, ang “Vladimirs family”. –idea came from @ArnitsSantos

Aztec Snake – Katulad ng Acromantula ay lubha ding mapanganib ang nilalang na ito na may dalawang ulo sa makabilang dulo. Malakas at agresibo ang nilalang na ito na makikita din sa loob ng kagubatan ng Herras at Evis city. At katulad din ng Acromantula ay may isa ding uri ng mga vampire ang kayang pasunurin ito at lahat ng uri ng mga ahas, ang “Cleglaw Family” –idea came from @StewardsonCerdon

Drakes – Isang uri ng halaman na may kakayahang manggaya ng katauhan ng tao at pati na rin ang lakas at personality ng sinumang nagaya ng halamang na ito. Sa mapapagitan ng pagtapak sa mga ugat nito ay magsisimula ng gayahin ng halamang ito ang nilalang na tumapak sa kanila. Umaabot ng isang araw bago tuluyang bumalik sa tunay na anyo ang mga drakes matapos nilang manggaya, kaya Lubha itong mapanganib at makikita lang sa mga kagubatan ng Herras at Evis city ang halamang ito. –idea came from @Fuyutsuki_kaori

Trent – Isang uri ng puno na may kakayahang maglakad at makapagsalita. May dalawang uri ang mga trent, ang Dark at Light Trents. Ang mga “Light trents” ay nasa pangangalaga ng Forest fairy clan. Samantala ang mga “Dark Trents” naman ay hindi makontrol ng kahit na sino man, kaya ang mga ito ay lubhang mapanganib. Katulad ng mga Drakes, ang mga Dark Trents ay matatagpuan din sa loob ng mga kagubatan ng Herras at Evis city. –idea came from @Fuyutsuki_kaori

(Note: Ang mga idea po ay nagmula po sa aking mga readers, pero ang mga description po ay randomly kong inisip. Kaya kung mayron pa po kayong maisip na kakaibing hayop/halaman na pwedeng makita sa loob ng travincial ay wag po kayong mahihiyang mag message sa’kin, Through facebook or wattpad. Ayon po.. Maraming salamat po sa nag-effort na mag-isip at nagmessage sakin, although konti lang kayo. Pero my thanks is on yours. Lalo na sa bugok kong kadugo na si @ChrisSantos1 XD)

Trivia: Hindi ko po inaasahan namagiging ganito ang character ni “Mark Lionheart” sa story. Bigla na lang po siyang nag-flash sa aking imagination, habang patuloy na nagta-type ang aking mga daliri. Wala po talaga akong plano upang gawin siyang isang mythical shaman, na ngayon ay hindi ko akalain na ganito na pala ang character na ito. Ngayon tuloy ay nakapag-isip na din ako ng twist about kay “June Swatzron”, kaya po abangan nyo na lang po ito. :3

Trivia: Alam nyo ba na ang shampoo na gamit ko ay “Sunsilk Pink”? Wahahahaha! What the F*ck? wala naman may paki dito! Wahahahaha!

Kagaguhan 101: gaguhin mo na ang lahat, wag lang ang mga gago na kaya kang gaguhin ng husto xD!

Sensya na wala akong masyadong maiisip na ma-itrivia! Mukhang nga hindi trivia yung mga nasa taas eh! Puro lang kasi kami katarantaduhan ni @ChrisSantos1! Ampness overload! XD

Chufalse: *Ehem.. *Ehem.. *Umm.. Maraming salamat po sa mga active readers ko at sa mga silent readers na patuloy na sumusubaybay sa story na ito. At muli po ay humihingi po ako ng tulong about po sa mga “Extra Chapter” para po sa hinaharap. Nauubusan na po kasi ako ng idea! At may konting Bad news po, dahil baka po magbreak muna po ang “School of Myths” ng ilang mga linggo. Hindi ko na po kasi naasikaso ang “Fallen wing – ang makasalanang sandata” na una ko pong sinulat. Kaya po ang balak ko ay ayusin muna ito, kahit po kasi hindi siya sumikat ay kahit papaano po ay mga may readers ako doon, sabihin na po na’ting mga lima lang sila. Pero matyaga po silang naghihintay sa next update.. so, sana po ay maunawaan nyo po ako. Sa mga maiinip po sa next update, I recommend po yung isa sa mga short story na nasulat ko.. kung nagustuhan nyo po ang story na ito ay natitiyak ko pong magugustuhan nyo din po ito. Ang “Paglalakbay para sa ikatlong bagay”. Maganda po ang twist na nagawa ko dito at baka po magulat kayo pag nalaman nyo na kung ano ang ikatlong bagay na ito. Ayun.. At tsaka nga po pala, On-going na po yung mga appearances ng mga characters. kokonti pa lang po ang nagagawa ko, I mean na “pagkukumpara” sa mga “FanArt” na nakuha ko sa Google. Ayun maraming salamat po ulit! Cheers! :3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top