Chapter 9: Lesson 2 - Kung makikipaglaban ka, siguraduhing hindi ka mamamatay 4.

Sa ngayon ay naglalakad na patungo sina Rain at Riki sa lugar kung saan nakalagay ang mga sandatang kanilang gagamitin. At nang marating nilang dalawa ito ay agad na silang pumili ng kanilang mga sandata at matapos ay nagtungo na sa harap kung saan gaganapin ang kanilang paglalaban.

"Whoa! Katana ang napili na si Rain, samantalang Cutlass naman ang kay Riki. Sana naman hindi masaktang ng sobra itong si Rain." Sambit ni June.

(Note: Ang Katana at Cutlass ay parehong uri ng mga ispada! Ayun XD)

"Pagsisihan mo na kumalaban ka nang isang satyr, Rain Esfalls." Sambit ni Riki.

"Wag kang mag-alala, hindi magiging madali ang labang ito para sayo. *Hihi.." Nakangiting pagtugon ni Rain.

"Ikaw!!" Galit na pagkakasambit ni Riki.

"Okay, sa pagbilang ko nang tatlo ay magsimula na kayo. 1..2..3.. FIGHT!" Sambit ni Driego.

Matapos marinig ang hudyat ay mabilis na sinugod ni Riki si Rain gamit ang kaniyang napiling sandata. Nasalag naman ni Rain ito at kalaunan ay nagsimula na ring umatake. Napaatras niya si Riki dahil dito, subalit hindi pa rin ito sapat upang matalo niya ang kaniyang katunggali. Ilang sandali pa ay mabilis na sumugod si Rain, ngunit bago pa siya tuluyang makalapit ay bigla ng naglaho si Riki. Batid ni Rain na gagamitin ni Riki ang rare item na ipinamana sa kaniya ng kaniyang ama, ang serpent scale.

Sa pagkakataong ito ay tumalon paatras si Rain at kalaunan ay ipinikit ang kaniyang mga mata, upang itinuon ang buong konsentrasyon sa kaniyang pandinig.

*** SFX: Taaaaak! ***

Isang pag-atake mula sa likuran ang matagumpay na nasalag ni Rain. Hindi ito inaasahan ni Riki, kaya agad siyang napatalon paatras. Subalit hindi na pinalampas pa ni Rain ang pagkakataong ito, kaya mabilis na siyang sumugod at kalaunan ay mabilis na umatake.

*** SFX: Taaaaak! Taaaaak! Taaaaak! Taaaaak! ***

Nagawang masalag ni Riki ang mga binitiwang pag-atake ni Rain at dahil dito ay hindi magamit ni Riki ang kaniyang serpent scale. Nagpakawala pa ng ilang malalakas na pag-atake si Rain, subalit ang ilan sa mga ito ay nasalag at naiwasan lang ni Riki. Batid niyang anumang oras ay muli na namang maglalaho si Riki, kaya kahit hirap siyang makatama ay ipinagpatuloy lang niya ang walang hintong pag-atake.

Halos may ilang minuto ring nagpalitan ng mga pag-atake ang dalawa, hanggang sa tuluyan ng makaramdam ng pagod si Rain. Ilan kasi sa mga pinakawalang pag-atake ni Riki ay derektang tumama sa kaniya, samantalang nagagawa lang nitong iwasan o di kaya ay salagin ang kaniyang mga pag-atake. Dahil dito ay napatalon na si Rain paatras upang sandaling magpahinga, ngunit ginamit na ni Riki ang pagkakataong ito upang gamitin ang kaniyang serpent scale.

"Whoa!! Kung ganon, magaling palang gumamit ng ispada itong si Rain. Ito siguro ang sinasabi nyang tunay niyang lakas. Wooooooo! Go Rain! Kaya mo yang kambing na yan! Ay sorry! Yang satyr na yan! Woooooooooo!" Sigaw ni June.

***SFX: TOOOOOOOOOINKS! ***

Agad napahawak si June sa kaniyang ulo, dahil malakas siyang kinutusan ni Selina dito. Hindi na rin niya nagawang magreklamo, dahil na rin sa tinitigan siya nito ng masama.

Mabalik tayo sa paglalaban. Muli ay ipinikit ni Rain ang kaniyang mga mata upang muling ituon ang kaniyang konsentrasyon sa kaniyang pandinig. Ginamit na rin niya ang mga sandaling ito upang makaipon ng lakas.

"Nagulat ako at magaling ka palang gumamit ng ispada, pero paano na ang gagawin mo dito? ** SMOKE SCREEN!! **" Sambit ni Riki.

***SFX: Vooooooooooooooooooooooooooosh! ***

Isang makapal na usok ang biglang bumalot sa paligid, dahilan upang lalong mahirapan si Rain na matunton ang kaniyang kalaban sa pamamagitan ng kaniyang pandinig.

"Smoke screen? *Tsk! delekado ako nito. Wala akong marinig na kahit na anong foot step." Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.

Hanggang sa isang pag-atake mula kay Riki ang tumama sa kaniyang likuran, dahilan upang mapaluhod siya.

"*Arrrgh!" Sambit ni Rain.

Walang ideya ang kaniyang mga kaklase sa kung ano ang nangyayari sa loob ng makapal na usok, subalit naririnig nila mula sa loob nito ang nagaganap na paglalaban.

"Teka! Ano ang nangyayari sa dalawa? Sir!? Waaaaah! Naka-Smoke screen goggles si sir!!" Sambit ni June.

Nung una ay nagtataka ang tono ng pagsasalita ni June, subalit laking gulat niya sa bandang dulo matapos makita ang kanilang guro na seryosong nanonood sa nagaganap na laban, habang suot ang isang smoke screen goggles.

*** Note: Ang Smoke screen goggles ay isang uri ng kagamitan na ginagamit upang makakita sa loob ng smoke screen. Sa kasalukuyan ay gamit-gamit na din ito ni Riki. ***

Mabalik tayo muli sa paglalaban. Paulit-ulit na pag-atake ang tinamo ng katawan ni Rain at sapat na ang mga ito upang magtamo siya ng labis na pinsala. Sa ngayon ay nakikita ito ng kanilang guro na seryosong sinusubaybayan ang kalagayan niya. Pananagutan kasi ni Driego ang pagpayag sa paglalabang ito sa pagitan ng isang tao at ng isang mythical shaman. Ngunit batid din ni Driego na may kakaiba kay Rain, kaya hanggang sa ngayon ay hindi pa rin niya ihinihinto ang paglalaban upang makumpirma ang kaniyang hinala.

Subalit nasa kritikal ng sitwasyon ngayon si Rain, kung saan hindi na siya maka-iwas sa ginagawang pag-atake sa kaniya. Ilang sandali pa ay tila bumigay na ang kaniyang katawan, dahil matapos mabitiwan ang kaniyang sandata ay agad na siyang bumuwal. Sa pagkakataong ito ay nagdisisyon na si Driego na ihinto ang paglalaban.

"Okay, tama na yan ginoong. Maru. Hindi na kaya pang lumaban ni ginoong Esfalls." Sigaw ni Driego.

Ngunit labis na nagulat ang lahat matapos magsalita si Rain.

"Hindi pa po tapos ang oras na'min, tama po ba? Kaya wag nyo pong ihinto ang laban hangga't hindi pa po natatapos ang aming oras! Parang-awa nyo na po." Sambit ni Rain.

"Hoy Rain! Tama na yan! Kahit hindi na'min alam ang nangyayari ay natitiyak na'ming nasa panganib ka na! Itigil mo na yan! Hindi kahihiyan ang matalo sa isang mythical shaman!" Sigaw ni Mark.

"Wag kayong mag-alala! Natatandaan ko pa ang Lesson two!" Sigaw ni Rain.

Sa mga oras na ito ay alam ng apat na wala na silang magagawa pa upang mapigilan ang nangyayaring paglalaban sa pagitan ng dalawa. At kahit sobrang nag-aalala ang magkakaibigan para sa kalagayan ni Rain ay wala silang magawa kundi ang hintaying matapos ang laban.

Samantala, mas lalong nakaramdaman ng inis si Riki para kay Rain, dahil pakiramdam niya ay minamaliit siya nito.

"Bilib din ako sa tapang mo, pero wag mo akong sisisihin kung magtatagal ka sa hospital. *Fufufu.." Sambit ni Riki.

Sa mga sandaling ito ay muling dinampot ni Rain ang kaniyang sandata at kalaunan ay marahang tumayo gamit ito.

"Wag mo nga akong patawanin! *Fufu.. Ako ang wag mong sisihin kung ikaw ang magtatagal sa hospital." Tugon ni Rain.

"Ikaw! *Grrrr!" Sambit muli ni Riki.

Sa pagkakataong ito ay buong lakas na umatake si Riki na kalaunan ay malakas na tumama sa katawan ni Rain. Sa lakas ng pag-atake ay mabilis na tumilapon si Rain papalabas ng smoke screen. Labis namang nagulat ang lahat matapos siyang makita, subalit mas lalong nagulat ang lahat matapos makita na pilit itong tumatayo. Kasabay nito ay ang unti-unting pagkawala ng smoke screen.

"Sir! Please, itigil nyo na po ang laban!" Sigaw ni Annie.

"Sir wag, wag nyo pong ihinto hangga't may oras pa." Sambit ni Rain.

"Wag mo na siyang pigilan, Annie. Sadyang ma-pride at matigas ang ulo niya, kaya pabayaan na lang na'tin siya sa kaniyang gusto." Sambit ni Selina.

"Pero.." Sambit muli ni Annie.

"Tama si Selina, Okay lang ako wag kayong mag-alala!" Sambit ni Rain.

"Talaga pinahahanga mo ako, pero sa pagkakataon ito ay hindi ko na hahayaan makatayo ka pa!" Sambit ni Riki.

Hanggang sa ngayon ay nananatiling hindi nakikita si Riki, subalit nararamdaman ni Rain ang mabagal na paglapit nito sa kaniya.

*** SFX: Buduuum! Buduuuum! Buduuuum! ***

Sa mga sandaling ito ay biglang lumakas ang pagtibok ng puso ni Rain at may nararamdaman siyang kakaiba sa loob ng kaniyang katawan ngayon.

"Sandali, ano itong nararamdaman ko?" Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.

Sa pagkakataong ito ay hindi maunawaan ni Rain ang nangyayari sa kaniya, ngunit ilang sandali pa ay naalala niya ang sinabi at tinuro sa kaniya nang kaniyang master. At dahil dito ay may sinubukan siyang gawin. Sandali siyang huminga ng malalim at matapos nito ay bahagya niyang inangat ang kaniyang sandata.

"**ENCHANT! INFINITE BURNING KATANA!**" Sambit ni Rain.

*** SFX: WOOOOOOOOOOOOOOOOOOSH! ***

Matapos magsalita ay biglang may sumabog na isang nakakasilaw na liwanag na nagmumula kay Rain. Hindi ito inaasahan ni Riki, kaya agad siyang napahinto sa gagawing niyang pag-atake. Sa pagkakataon ding ito ay lumitaw na siya at mayroon siyang lima hanggang anim na segundo upang magamit muli ang kaniyang serpent scale. Ngunit may bagay pa pala siyang hindi inaasahan at ito ay ang bagay na taglay ngayon ng sandata ni Rain. Samantala, ikinagulat din ng lahat ang kanilang nakita, lalong-lalo na sina Driego at Alex na may malaking hinala kay Rain.

Dahil sa pangyayaring ito ay napatalon paatras si Riki, subalit huli na ang lahat dahil pasugod na ngayon sa kaniya si Rain.

"**BERSERKER SLASH!**" Sambit ni Rain.

*** SFX: Slash! Slash! Slash! Slash! Slash! Slash! ***

Anim na makakasunod na pag-atake ang pinakawalan ni Rain at dahil sa sobrang bilis ng mga ito ay parang sabay-sabay itong tumama sa iba't-ibang anggulo sa katawan ni Riki. At dahil sa ginawang niyang pag-atake ay muling nagulat ang lahat.

Samantala, si Riki na siyang tumanggap ng ginawang pag-atake ni Rain ay kasalukuyang nasusunog na, kaya agad iniutos ni Driego sa mga nurse-elf na tulungan at lapatan agad ito ng paunang lunas, bago pa mahuli ang lahat.

Hindi makapaniwala si Driego sa kaniyang nakita, dahil ang ginawang pag-atake ni Rain ay pamilyar sa kaniya. Dalawang mythical shaman lang ang kilala niyang may ganitong klaseng pag-atake, kaya naman labis siyang nagtataka sa tunay na katauhan ni Rain. Samantala, nakumpirma na ni Alex ang kaniyang hinala. Ngunit sa kabila ng lahat ay hindi pa rin nito inaasahan ang ganong klaseng kapangyarihan na pinamalas ni Rain.

Sa wakas ay natapos na ang laban sa pagitan nina Rain at Riki. Ilang sandali pa ay mabilis nang nagtungo ang kaniyang mga kaibigan papalapit sa kaniya. At nang makalapit ang mga ito ay agad nilang pinagtatanong si Rain.

"Whoi! Akala ko ba tao ka?! Isa ka din palang mythical shaman!" Medyo galit na pagkakasambit ni Mark.

"Sinungaling ka! Pero ang astig nung ginawa mo nung huli!" Sambit ni Annie.

"*Huhuhuhu! Ang daya mo Rain! Bakit pinalabas mo na isa kang tao tulad na'min! *Huhuhu!" Sambit ni June.

Ngunit dala ng labis na panghihina ay hindi lubusang naunawaan ni Rain ang mga sinabi ng kaniyang mga kaibigan. Hanggang sa ilang sandali pa ay bumagsak na ang kaniyang katawan at dito ay tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Hapon nang magising si Rain sa loob ng campus clinic. Agad niyang nakita ang anim niyang kaklase, kasama si Alex at Aron. Nandoon din ang kanilang guro sa special myth, si Driego.

"Teka, Nasaan ako? Ano ang nangyari?" Sambit ni Rain.

"Whoi! Whoi! Whoi! Ganyan ang sasabihin mo matapos mong ipakita sa'min na hindi ka pala isang tao?" Medyo galit na pagkakasambit ni June.

"Ano?! Anong hindi ako isang tao?! Nababaliw ka na ba?!" Sambit muli ni Rain.

Medyo na bigla si Driego sa kaniyang narinig, kaya agad na itong nagsalita.

"Wala munang magtatanong sa inyo, maliban sa'kin. Rain Esfalls, wala ka bang alam sa pagiging isang mythical shaman mo?" Sambit ni Driego.

Labis na nagtaka si Rain sa kaniyang mga narinig, ngunit ilang sandali pa ay naalala na niya ang mga nangyari kanina.

"Naalala ko na ang nangyari kanina, pero ibig sabihin po ba non ay isa din akong mythical shaman?" Sambit muli ni Rain.

"Kung ganon, wala ka ngang alam tungkol sa bagay na ito. Pero may isa pa akong tanong, saan mo natutunan ang ginawa mong pag-atake kanina?" Sambit muli ni Driego.

"Ang beserker slash po ba?" Tanong ni Rain.

"Tama, yun na nga." Tugon ni Driego.

"*Hmm.. Ang totoo po nyan ay hindi ko alam kung paano ko nagawa ang galaw ni master. Basta sinubukan ko na lang gawin yon nung nakaramdam ako ng malakas na kapangyarihan nanggagaling sa loob ng katawan ko. Kahit nga po ako ay nagulat ng magawa ko yun eh! *Ahahaha!" Sambit muli ni Rain.

Kasabay ng kaniyang pagtawa ay napakamot si Rain sa kaniyang ulo.

"Master? At sino naman itong master mo?" Tanong muli ni Driego.

"Si master Drake po. Mga 5 years na rin po ang nakakalipas nung tinuruan niya akong makipaglaban para ipagtanggol ko ang sarili ko. Pero isang taon ko lang po siya nakilala at matapos noon ay hindi na po siya nagpakita sa'kin. Ngayon ko na rin po na-realized na isa din pala siyang mythical shaman. Kaya ngayon maliwanag na sa'kin kung bakit kaya niyang magpalabas ng apoy at magpagalaw ng lupa. *Hahaha!" Sambit muli ni Rain.

"Drake Draken, ang elemental gold dragon." Mabagal na pagkakasambit ni Driego.

"Si Lolo Drake?! Si lolo Drake ang naging master mo, Rain?!" Gulat na pagkakasambit ni Aron.

"*Huh!? Lolo mo si master?" Tanong ni Rain.

"Si uncle Drake Draken. Ang nag-iisang mythical shaman ng elemental dragon na may apat na elemento. Kaya din niya itong gamitin ng sabay-sabay. At ang bansag sa kaniya ay "Elemental Gold Dragon" o "Golden Dragon". Pero mahigit 15 years na ang lumilipas simula ng mawala siya kasama ng aking ina at nang nag-iisang mythical shaman ng Phoenix na kasapi na'min. Natutuwa ako at nalaman kong nabubuhay pa si uncle sa ngayon. Sabihin mo nga sa'kin Rain, paano kayo nagkakilala ni uncle Drake." Sambit muli ni Driego.

"Si Ate ko po ang talaga nakakakilala kay master eh." Tugon ni Rain.

"Ah ganon ba, sana makilala ko din ang ate mo para naman matanong ko siya tungkol sa uncle ko. Isa pang tanong, may ideya ka ba sa kung anong klaseng mythical shaman ka?" Sambit muli ni Driego.

"*Hmm.. Sa tingin ko isa din akong dragon na katulad ni Aron, Elemental fire dragon. Kasi apoy yung kapangyarihan ko eh." Tugon muli ni Rain.

"Sa tingin ko nga ay isa ka ding dragon. Pero natitiyak ko na espesyal ka at may alam tungkol dito ang pamilya mo. Ipinapayo ko sayo na tanungin mo na sila sa tunay mong pagkatao. Kung bakit sa mundo ka nang mga tao nanirahan at kung bakit itinago ng pamilya mo ang tungkol sa pagkatao mo." Sambit muli ni Driego.

"Oo nga, tama si sir. Baka nga isang mythical shaman din ang pamilya mo, pero itinago lang ito sayo para na din sa kaligtasan mo. Siguro dahil nasa mundo kayo ng mga tao noon, kaya minabuti na ilihim sayo ito ng pamilya mo." Sambit ni Annie.

"Pero ngayon na wala ka na sa mundo ng mga tao, siguro naman panahon na para malaman mo ang tunay mong pagkatao." Sambit ni June.

"Natitiyak ko na alam na ng pamilya mo na malalaman mo na rin ang tunay mong pagkatao, dahil nandito na kayo sa loob ng travincial. At hinihintay ka na lang nilang itanong mo ito sa kanila." Sambit ni Mark.

"Ngayon naiintindihan ko na kung bakit nakaramdam ako ng kaba nung unang makita ko ang ate mo. Isa din siyang malakas na mythical shaman tulad mo, natitiyak ko yon." Sambit ni Selina.

"Maraming salamat pero naguguluhan pa ako sa mga nangyayari. *Hmm.. maiba ako, kamusta na nga po pala si Riki? Ano na ang nangyari sa kaniya?" Sambit muli ni Rain.

"Wag ka nang mag-alala, nasa ligtas na ang kaniyang buhay. Pero kung nahuli kahit isang saglit ang mga nurse-elf at si Krystine ay natitiyak kong wala na si Riki ngayon. Hindi pa ganong ka perpekto ang iyong berserker slash, pero masasabi kong malakas pa rin ito para sa unang beses na pag gamit mo." Sambit ni Driego.

"Mabuti naman po at hindi ko siya napatay, pero ang sabi nyo po ay hindi pa po perpekto ang berserker slash?" Sambit muli ni Rain.

"Tama, isang mythical shaman pa lang ang nakita kong gumamit ng skill na ito at ito nga ay ang uncle ko na tinatawag mong master. Pero ang tunay na may likha ng skill na ito ay ang mythical shaman ng phoenix na partner ni uncle at kasama nilang nawala. Masyado pa akong mahina noon, kaya hindi ako nakasama sa kanilang mga misyon at dahil dito ay hindi ko nakitang makipaglaban ang mythical shaman na ito." Tugon ni Driego.

"Ganon po ba. *Hmm.. Siguro po ay tatanungin ko na ang kapatid ko tungkol dito mamaya sa pag-uwi ko sa bahay." Sambit muli ni Rain.

"Ngayon nauunawaan ko na kung bakit hindi ka tinablan ng kapangyarihan ko kanina." Sambit ni Alex.

"*Huh?! Anong kapangyarihan yun, Alex?" Tanong ni Annie.

"*Ah! Naalala kong tinanong mo sa'kin yan kanina. Teka, anong klase kapangyarihan ba yon? Hindi ko kasi ma-gets eh." Sambit muli ni Rain.

"Hayaan mong ako na ang magpapaliwanag sa kanila." Sambit ni Driego.

"Okay po sir." Tugon ni Alex.

"Lahat kayo ay sumailalim sa kapangyarihan ni Alex kanina at ang lahat ng nakikita nyo ay pawang mga ilusyon na ginawa niya. Ang totoong nangyayari ay ang kaninang nirereklamo ni Rain." Sambit muli ni Driego.

"Alin sir? Yung nakatayo lang silang dalawa ni Roby? Yun po ba sir?" Sambit ni Mark.

"Yun na nga. Isa ito sa mga natatanging kapangyarihan ng mga vampire, ang Illusion. Mga nasa antas lang ng hindi baba sa "High-class" ang maaaring makatakas sa kapangyarihan ito, kaya nagulat ako ng magsimulang magreklamo itong si Rain kanina." Sambit muli ni Driego.

"Kung si Rain ay hindi tinablan ng kapangyarihan ni Alex, isa lang ang ibig sabihin nito! MAS MALAKAS SIYA SA'KIN!!" Gulat na pagkakasambit ni Aron.

"Hahahahaha!" "Hahahahaha!" "Hahahahaha!" "Hahahahaha!" "Hahahahaha!" "Hahahahaha!"

Napuno ng tawanan ang campus clinic sa mga oras na iyon. At dahil tapos na ang klase at nakumpirma nilang nasa maayos na kalagayan na si Rain ay naghanda na sila upang umuwi.

"Ano na ang plano mo ngayon Rain?" Tanong ni Selina.

"Ang totoo ay hindi ko pa alam. Siguro kakausapin ko na din si ate tungkol sa bagay na ito." Tugon ni Rain.

"Nauunawaan ko. Basta, tanungin mo lang ako kung may mga gusto kang malaman." Sambit muli ni Selina.

"*Uhm! Maraming salamat, Selina!" Sambit muli ni Rain.

"Wag ka ring mahihiyang magtanong sa'min. Tutal magkakaibigan naman tayong lahat." Sambit ni Mark.

Hindi na nagsalita pa si Rain at ngumiti na lang ito at tumango. Matapos nilang mag-usap ay nagsimula na silang maglakad palabas ng campus para makauwi. Samantala, si Driego ay agad nagtungo sa principal office upang kausapin ang kanilang punong tagapamahala, si Zeus.

Sa ngayon ay sabay-sabay naglalakad ang anim papalabas ng campus at kasabay nito ay masaya silang nagku-kwentuhan.

"Teka, ano na nga pala ang nangyari sa combat practice?" Tanong ni Rain.

"Ay naku sayang, hindi mo na panood ang laban ni Krystine at ni Khaye. Sa bawat galaw nila, napapasigaw kaming lahat! *Wahahaha." Masayang pagkakasambit ni June.

"*Tsk! Sayang! Bakit ba kasi nawalan ako ng malay?!" Inis na pagkakasambit ni Rain.

"Mga lalaki nga naman! *Tsk! *Tsk! *Tsk!" Dismayadong pagkakasambit nina Selisa at Annie.

Samantala, sa loob ng principal office.

"Magandang araw sir, napag-alamanan ko na hindi isang tao si Rain Esfalls. Isa din po siyang mythical shaman at hindi lang po siya isang ordinaryong mythical shaman, masasabi ko pong nasa high-class na ang antas ng kaniyang kapangyarihan. Napag-alamanan ko din pong ang nagturo sa kaniya ay si uncle Drake, kaya natitiyak kong buhay pa siya. Sana kasama niya ang aking ina. " Sambit ni Driego.

"*Fufufu.. Hindi nga ako nagkamali sa naramdaman ko sa batang iyon. Sa unang tingin ko pa lang sa kaniya ay naramadaman ko ng espesyal siya. Natutuwa din akong malamang buhay pa pala si Drake Draken. *Umm.. Mr. Draken.." Sambit ni Zeus.

"Bakit po sir?" Tugon ni Driego.

"Sayo ko na ipagkakatiwala ang pagmamatyag sa bawat aktibidad nitong si Rain Esfalls. Alamin mo rin kung saan siya nagmula." Sambit muli ni Zeus.

"Masusunod po." Tugon muli ni Driego.

Samantala, halos palubog na ang araw ng makauwi si Rain sa kanilang bahay. Katulad ng kaniyang inaasahan ay wala pa doon ang kaniyang kapatid, kaya dumeretso na agad ito sa kaniyang kwarto upang makapag-isip at makapagpahinga.

Chapter end.

Afterwords.

Maraming salamat po sa pagbabasa ng story ko.. Keep looking forward po sa more actions,  twist, romance, comedy and etc. hahaha.. 

Pagpasensyahan nyo na rin po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..

At kung gusto nyo pong malungkot, mapaisip, at ma-in love.. try nyo din pong basahin yung short story ko.. title po ay

"Ang paglalakbay para sa ikatlong bagay".

Aun po thanks po ulit..

*Uhmm.. Wag po sana kayong mahihiyang magcomment.. sa mga feedbacks nyo lang po kasi ako kumukuha ng inspiration.. aun po maraming salamat po ulit :)

Medyo mahaba na din po ang nasusulat ko, kaya expect more actions, comedy, romance, twist and revalation.. 

Sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to.. aun po thanks po ulit.. :)

Sunonod.

Chapter 10: Phoenix - Zenon Reign Icarus

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top