Chapter 7: Lesson 2 - Kung makikipaglaban ka, siguraduhing hindi ka mamamatay II
Kasalukuyang napasok si Rain sa combat practice na para lang sa mga mythical shaman. Walang ideya ang kaniyang mga kaibigan sa kung ano ang sinasabi nito sa mga natutunan niya sa kaniyang master sa mundo ng mga tao. Subalit kahit mukhang kumpyansa si Rain ay hindi maalis sa mga kaibigan niya ang mag-alala, dahil tulad nila ay isa lamang itong tao.
Sa ngayon ay nagsisimula ang paglalaban sa pagitan nina Chris at Aron. At walang pag-aaksaya ay agad sumugod ang dalawa sa isat-isa at nang magtagpo ang kanilang mga landas ay agad silang nagpalita ng mga suntok. Ngunit sa bawat pag-atake ay parehas nilang nai-ilagan at nasasangga ang mga ito, hanggang sa parehas silang tumalon paatras.
"Magaling ka talaga Chris, pero tingnan na'tin kung kaya mong iwasan 'to! **Dragon Breath!** " Sambit ni Aron.
Matapos magsalita ni Aron ay bigla itong bumuga ng apoy. Malawak ang ginawang pag-atakeng ito, ngunit bago pa man makalapit ang apoy kay Chris ay nakatalon na ito ng napakataas.
"Whoa! Ang taas niyang tatalon! Teka, anong klaseng mythical shaman ba itong si Chris?" Sambit ni Rain.
"Si Chris ay mythical shaman ng Griffon." Tugon ni Mark.
"Griffon?" Tanong muli ni Rain.
*** Note: Ang Griffon ay isang class-A na mythological creature, ang anyo nito ay kalahating ibon at kalahating leyon. Mapanganib lumapit sa nilalang na ito, dahil sa mga patatalim nitong kuko. Malakas din ang tuka nito na may kakayahan bumasag ng mga malalaking bato. Mabilis ding lilipad ang mga griffon, kaya mahirap silang abutan o kaya ay takasan. ***
Mabalik tayo sa paglalabang nagaganap. Sandali lang nagtagal si Chris sa ere at ilang sandali pa ay mabilis na itong bumulusok patungo sa direksyon ni Aron.
*** SFX: BOOOOOOOOOOOOM! ***
Isang malakas na pag sabog ang nalikha sa ginawang pagbagsak ni Chris, kaya naman nagdulot ito ng makapal na alikabok, dahilan upang hindi makita kung ano ang nangyayari sa dalawang naglalaban.
Hanggang sa biglang nawala ang makapal na alikabok, dulot ito ng ginawang pagsuntok ni Aron na nasalag naman ni Chris gamit ang kaniyang kanang braso na nababalutan ng umiikot na hangin. Napatingin na lang si Rain sa kanilang guro na mukhang seryosong pinanonood ang laban ng dalawa niyang kaklase.
Muli ay sinugod ni Aron si Chris, ngunit sa pagkakataon ito ay napansin ni Rain na parang nag-aapoy na ang buong mga braso ni Aron habang ito'y mabilis na papalapit kay Chris.
Naalarma naman si Chris sa gagawin pag-atake ni Aron sa kaniya, kaya inihanda na niya ang kaniyang sarili. Ilang sandali lang biglang nabalutan ng umikot na hangin ang buong katawan nito at matapos nga noon ay sumugod na din ito patungo kay Aron.
Manghang-mangha si Rain sa kaniyang napapanood, dahil ngayon lang siya nakapanood ng paglalaban ng mga mythical shaman.
Nang magtagpo ang landas nina Aron at Chris ay muli itong nagpalitan ng mga pag-atake. Ngunit sa pagkakataon ito ay ang ilan sa mga kanilang pag-atake ay kumokonekta na. Hanggang sa..
***SFX: BOOOOOOOOOOOOOOM! ***
Isang malakas na pag sabog ang nalikha ng magsalubong ang mga kamao ng dalawa. Matapos noon ay muli silang tumalon paatras. Sa mga oras na yon ay mapapansin na parehas na silang pagod at parehas na nagtamo ng mga sugat.
"Tapusin na na'tin ito, Chris! Ibubuhos mo na ang lahat sa gagawin kong pag-atake! **ENCHANT! BURNING DRAGON TALON!** " Sambit ni Aron.
Matapos mabanggit ni Aron ang "ENCHANT! BURNING DRAGON TALON!" Ay biglang nag-apoy ang kanang braso nito at kalaunan ay naging isang malaking kamay na may mahahabang kuko.
"*Fufufu.. Gusto ko ang bagay na yan! **ENCHANT!.. SHARP.. WIND.. CLAW!** " Sambit ni Chris.
*** SFX: Wooooooooooooooooooooooooosh! ***
Matapos ding mabanggit ni Chris ang "ENCHANT! SHARP WIND CLAW!" ay biglang nabalutan ng nakikitang hangin ang buong kanang braso nito. Halos kaparehas lang ang itsura nito sa ginawa ni Aron, isang malaking kamay din na may mahahabang mga kuko.
*** Note: Ang Enchant ay isang skill o paraan upang magamit ang kapangyarihan ng alin sa limang elemento, ang "Fire","Water","Wind", "Lightning", at "Earth". Sa paraang ito ay maaari mong mailagay sa isang bagay ang elemento o maihulma ang elemento sa anyo ng isang sandata o sa anumang anyo na gusto ng gumagamit ng skill na ito.
Bibihira lang ang nakakagamit ng skill na ito, dahil kokonti lang ang nakakaalam kung paano gamitin ilan sa limang elemento. At maaabot lang ang abilidad na ito sa antas na hindi baba sa mid-class. ***
Nagtinginan muna ang dalawa at ilang sandali pa nga ay parehas na nilang sinugod ang isa't-isa. Ngunit nang malapit ng magtagpo ang pag-atake ng bawat isa ay biglang pumagitna ang kanilang guro, kaya napatalon paatras ang dalawa dahil may naramdaman silang "killing intent aura" kay mula dito.
"Ano po ang ibigsabihin nito sir?" Tanong ni Chris.
"Pasensya na, pero tapos na ang sampong minuto nyo. Napahanga nyo kami at lalo na ako, dahil naramdaman nyo ang panganib ng maglabas ako ng aura." Tugon ni Driego.
"Nabigla ako doon tiyo. *Hahaha!" Sambit ni Aron.
Matapos malamang na ubos na ang kanilang oras ay unti-unti ng bumalik sa normal ang katawan ng mga ito. Agad naman nilapatan ng paunang lunas ang kanilang mga natamong pinsala ng mga Nurse-elf na nagta-trabaho sa campus.
Hindi pa rin makapaniwala si Rain sa kaniyang napanood. At imbes na matakot sa magiging laban niya ay mas lalo pa itong nasabik makaharap si Riki na isang satyr.
Matapos malapatan ang dalawang naunang naglaban ay agad na silang bumalik sa kanilang mga kaklase.
"Okay! Ang sunod naman ay si Alex Nightmiere laban kay Roby Lyeonel." Sambit ni Driego.
"*Huh? Roby Lyeonel? Ngayon ko lang siya nakita ah." Sambit ni Rain.
"Absent siya kahapon, kaya hindi mo pa siya nakikilala. Siya nga pala si Roby Lyeonel, mythical shaman siya ng Lycan. Mag-iingat ka dyan, galit kasi yan sa mga taong tulad na'tin." Sambit ni Mark.
"Okay! Lalayo na ako sa nilalang na yan! *Gulp!" Sambit muli ni Rain.
*** Note: Ang Lycan isang class-A na mythological creature, isa itong tao na may kakahayang baguhin ang anyo ng kaniyang katawan, o mas kilala sa tawag na "Shape-shifting". Malakas at mabibilis ang mga lycan at mahirap silang matukoy, dahil sa kanilang taglay na abilidad. At ang pinakamalakas na anyo na kanilang ginagamit ay ang anyo ng isang malaking lobo, tulad ng isang werewolf. ***
Matapos marinig ang kanilang pangngalan ay agad nagpunta na si Alex sa lugar kung nasaan ang mga sandata at ang pinili nito ay isang punyal. Samantalang si Roby naman ay nagtungo na agad sa gitna.
"Okay, sa pagbilang ko nang tatlo, simulan nyo na ang iyong laban. 1..2..3.. Fight!" Sambit ni Dreigo.
Matapos marinig ng dalawa ang hudyat ay kalmado lang na naglakad si Alex patungo sa kinaroroonan ni Roby.
"*Tsk! Mukhang masyado mo yatang minamaliit ang mga LYCANS!!" Sambit ni Roby.
Matapos magsalita ay galit ngunit mabilis na sumugod si Roby kay Alex. Samantala, si Alex ay nakangiti lang habang dinidilaan ang punyal na hawak-hawak niya. Kalmado pa rin itong naglalakad patungo sa galit na galit na katunggali.
"Ikaw!!" Sigaw muli ni Roby.
Mabilis na umatake si Roby nang tuluyang makalapit kay Alex, ngunit ang kaniyang mga pag-atake ay tumatagos lang sa katawan ni Alex.
"Grrrr! Raaaar! Ruuuuur!"
Mga galit na pag-ungol ni Roby habang patuloy sa pag-atake kay Alex. Ngunit kahit isa sa mga binitiwan nitong pag-atake ay walang tinatamaan, dahil tumatagos lang ang lahat ng ito sa katawan ni Alex.
"Tumatagos lang ang mga atake ni Roby kay Alex! Ito na ba ang kapangyarihan ng isang Vampire?" Sambit ni Mark.
"Siguro ito na nga ang kapangyarihan ni Alex. Nakakatakot talaga siya! *Yiiiii!" Sambit ni June.
"Ang astig talaga ni Alex!" Sambit ni Annie.
Sa mga sandaling ito ay labis na nagtataka si Rain habang pinagmamasdan ang mga kaibigan, dahil hindi tulad niya ang nakikita ng mga kaibigan niya sa nagaganap na paglalaban. Muli ay tinignan ni Rain ang nangyayaring paglalaban, dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi ng kaniyang mga kaklase.Matapos nito ay tinignan niya ang iba pa kanilang kaklase, ngunit hindi pa rin nito lubusang maunawaan ang mga reaksyon ng mga ito, maliban na lang kanilang guro na seryosong pinapanuod ang nangyayaring paglalaban. Dala ng labis na pagtataka ay hindi na napigilan ni Rain na magtanong sa kanilang guro.
"Sir? Bakit po hindi sila naglalaban?" Tanong ni Rain.
Nagulat ang lahat at kalaunan napatingin kay Rain, kasama na dito ang kanilang guro at ang kasalukuyang nakikipaglabang si Alex.
"Ano ba yang sinasabi mo? Hindi mo ba nakikitang nahihirapan na si Roby, dahil hindi niya tinatamaan si Alex." Sambit ni Mark.
"Tumatagos lang sa katawan ni Alex ang mga ginagawang pag-atake ni Roby! Sobrang lakas talaga ng mga Vampire!" Sigaw ni June.
"Ang astig talaga ni Alex!" Sambit ni Annie.
"Ano ba yang sinasabi mo, Rain? Manahimik ka na nga lang at manood." Sambit ni Selina.
Napakunot na lang ng noo si Rain, dahil sa mga sinabi ng kaniyang mga kaibigan sa kaniya at matapos noon ay may sinabi itong ikinagulat ni Alex at nang kanilang guro.
"Tumatagos ang pag-atake ni Roby kay Alex? Eh parehas lang silang nakatayo ah! Mukhang si Alex nga lang ang masaya, dahil siya lang ang nakangiti." Sambit ni Rain.
*** SFX: Tooooooooooooooinks! ***
Agad napahawak si Rain sa kaniyang ulo, dahil malakas siyang kinutusan ni Annie dito.
"Itigil mo na nga yang mga non-sense mong sinasabi!" Sambit ni Annie.
Sa mga oras na ito ay hindi na lang nagsalita pa si Rain at nagmukmok na lang
Mabalik tayo sa paglalaban nila Alex at Roby. Matapos marinig ni Alex ang mga sinabi ni Rain ay dahan-dahan na itong naglakad patungo kay Roby. Samantala, si Roby ay napaatras ngunit nagtataka siya dahil mabilis na nakakalapit si Alex sa kaniya kahit na naglalakad lang ito.
Nang makalapit si Alex ay inundayan muli siya ni Roby ng mga pag-atake. Ngunit tulad pa rin sa mga nauna niyang pag-atake ay tumatagos lang ang mga ito sa katawan ni Alex. Ilang sandali pa ay sinaksak na ni Alex ang kaniyang punyal na kahoy kay Roby at dito na nga natapos ang kanilang paglalaban.
"Woooooooooooooo!" "Ang lakas ni Alex! Imba talaga ang mga Vampire!" "Wooooooooooo!" "Ang cool mo Alex!" "Sana naging isang Vampire na lang din ako!" "Ang lakas niya!" "Woooo Di kaya ng tawas"
Hiyawan ng mga kaklase nila matapos ang naging paglalaban sa pagitan ni Alex at Roby. Samantala, dismayado pa rin itong si Rain sa kaniyang napanood.
"Ano naman ang maganda doon? Eh nagtinginan lang naman sila, tapos noon ay dahan-dahang lumapit itong si Alex at sinaksak itong si Roby. Ang weird nyong lahat, hindi ko kayo maintindihan." Medyo inis na pagkakasambit ni Rain.
Habang nagsasalita ay hindi namalayang ni Rain na nasa harapan na pala niya si Alex.
***SFX: Poooooooooinks! ***
Muli ay agad napahawak si Rain sa kaniyang ulo, dahil muli siyang kinutusan ni Annie dito.
"Araaaaay! Kanina ka pa Annie ah! Ano ba talaga ang problema mo?" Sigaw ni Rain.
"Ikaw ang hindi ko maintindihan! Hindi ko alam kung ano ba ang problema ng mga mata mo at hindi mo makita kung gaano kalakas si Alex." Sambit ni Annie.
"Tama na yan, Ms. Lernards." Sambit ni Alex.
"Pero Alex." Mahinang pagkakasambit ni Annie.
"Okay lang ako, may gusto lang akong itanong dito kay Mr. Esfalls." Sambit muli ni Alex.
Medyo kinabahan naman si Rain, dahil hindi niya inaasahan ang kaniyang mga narinig.
"Ako?! Ba..ba..ba..bakit?!" Sambit ni Rain.
"Papaano ka nakatakas sa kapangyarihan ko?" Tanong ni Alex.
Muli ay kinabahan si Rain, dahil nalilisik ang mga mata ni Alex habang nakatingin ito sa kaniya ngayon.
"Kapangyarihan mo? Bakit? Ano kapangyarihan ba yon?" Sambit muli ni Rain.
Chapter End.
Maraming salamat po sa pagbabasa ng story ko.. Keep looking forward po sa more actions, twist, comedy and etc. hahaha..
Pagpasensyahan nyo na rin po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..
At kung gusto nyo pong malungkot, mapaisip, at ma-in love.. try nyo din pong basahin yung short story ko.. title po ay "Paglalakbay para sa ikatlong bagay". Aun po thanks po ulit..
Wag po kayong mahihiyang magcomment.. sa mga feedbacks nyo lang po kasi ako kumukuha ng inspiration.. aun po maraming salamat po ulit :)
Susunod.
Chapter 8: Lesson two - Kung makikipaglaban ka, siguraduhing hindi ka mamamatay. part 3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top