Chapter 5: Lesson one - Wag makipag-away sa isang Mythical Shaman.
Nadismaya si Rain sa unang araw niya sa bago niyang paaralan. Bakit? Dahil inakala niya na tungkol sa mga mythical creatures o mythical shaman lang ang ituturo sa kanila, ngunit nagkamali siya. Dahil ang itinuturo dito ay kahalintulad din ng mga itinuturo sa mga na unang niyang paaralan. May Math, Science, English, History at kung ano-ano pang mga subject na normal na itinuturo sa mga paaralan. Ngunit may isang subject dito na natatanging dito lang ang meron, at ito ay ang "Special myth" subject. Sa subject na ito ay itinuturo ang lahat ng tungkol sa mga mythical creature at mga mythical shaman. At itong subject na ito ang pinakagusto ni Rain na mapag-aralan.
Halos tanghali na at oras na para mananghalian, kaya naman inaya na ni Selina si Rain na kumain sa campus cafeteria. At habang naglalakad sila sa hallway ay hawak-hawak lang ni Selina ang kamay ni Rain, kaya naman ang lahat ay halos nakatingin sa kanila.
"Bakit parang galit silang lahat sa akin? May nagawa na ba akong mali?" Tanong ni Rain.
"Don't mind them. Naiingit lang ang mga iyan." Tugon ni Selina.
(Note: Isa kasi sa mga campus crush si Selina. XD)
Ilang sandali pa ay narating na nila ang campus cafeteria at dito ay sandaling napahinto sis Rain dahil sa labis na pagkamangha. Iba kasi ito sa kaniyang inaasahan dahil sobrang laki at lawak nito.
"Wow! Ang lawak naman ng canteen na 'to! Lahat ba ng istudyante ay dito kumakain?" Sambit ni Rain.
"Yup! Kaya tara na at kumuha na tayo ng pagkain na'tin." Tugon ni Selina.
"Maiba ako, parehas lang ba ang kinakain ng mga tao at mga mythical shaman?" Sambit muli ni Rain.
Natawa si Selina sa kaniyang narinig, samantalang nagtaka naman si Rain tungkol dito. Ilang sandali pa ay agad na siyang hinila ni Selina patungo sa harap ng cafeteria.
"Wow! Ang daming masasarap na pagkain na pagpipilaan ah! Uy, uy! Adobo ba yon?" Masayang pagkakasambit ni Rain.
"Yup! Sige pili ka lang at wag kang mag-alala, dahil bago ka ngayon ay ililibre kita." Sambit ni Selina.
"Talaga?! Wow! Ang bait mo talaga Selina! You're the best! *Tsk.. Perang pang tao lang kasi ang dala ko, kaya baka di ito tanggapin pag ito ang ipinambayad ko." Sambit muli ni Rain.
"Ano ka ba?! Magkaparehas lang ang mga pera dito at pera ng mga tao, in-short pwede mong ipambili yang dala mong pera. At sa tingin mo ba magta-trabaho dito ang ate mo kung kakaibang pera naman ang kikitain niya? At ang ibang taong nagne-negosyo dito, sa tingin mo ba pipiliin nilang magnegosyo dito kung ibang pera naman pala ang kikitain nila? Kaya wag ka ng masyadong mag-alala." Sambit muli ni Selina.
"*Hmm.. Okay! Okay! Hindi na ako nagtataka kung bakit may Math at English tayong subject. *Hahaha." Sambit muli ni Rain.
"O hala, pumili ka na ng gusto mong kainin." Sambit muli ni Selina.
"*Uhm! *Uhm!" Tugon ni Rain.
Nang makabili na sila ng kanilang kakainin ay nagsimula na silang maglakad upang maghanap ng maaari nilang mapwestohan. Hanggang sa makita sila ng mga kaklase nilang tao at ito ay sina: Annie, June at Mark.
"Oy Rain, Selina, samahan nyo na kami ditong kumain, sakto at may bakante pa para sa dalawa. *Hehe." Masayang pagkakasambit ni June.
"Wow, talaga? Maraming salamat!" Tugon ni Rain.
Hindi na nagdalawang isip pa ang dalawa at agad na silang umupo sa bakanteng upuan sa pwesto nina June.
Habang kumakain sila.
"Ako nga pala ulit si June Swatzron. June na lang ang itawag mo sa'kin. *Hehe.. Oo nga pala, ito nga palang nasa kanan ko ay si Annie Lernards." Sambit ni June.
"Hello." Sambit ni Annie.
"At itong nasa kaliwa ko naman ay si Mark Lionheart." Sambit muli ni June.
Hindi na nagsalita pa si Mark at bahagya na lang nitong itinaas ang kaniyang kamay.
"Ang swerte mo at ang unang naging kaibigan mo dito ay isang campus crush. *Hahaha." Sambit muli ni June.
"*Huh?! Campus crush? Sino si Selina?" Nagtatakang pagkakasambit ni Rain.
"Oo, hindi mo ba napansin na halos lahat ng lalaki dito ay nakatingin sa inyo? Kaya mag-ingat-ingat ka na. *Wahahaha." Sambit muli ni June.
Matapos magsalita ay agad napalingon si Rain sa kanilang paligid at dito ay nakumpirma niyang nagsasabi ng totoo si June, dahil ang tatalim ng titig sa kaniya ng ilang mga kalalakihan.
"Kaya pala parang galit ang lahat ng napansin kong nakatingin sa'kin. Yun pala ang dahilan. Well, hindi naman nakakapagtakang sikat nga itong si Selina." Sambit ni Rain.
"Naman! *Hahaha." Mabilis na pagkakasambit ni Selina.
Masayang nagkwentuhan sina Rain kasama ang mga bagong kaibigan na nakilala niya habang sila ay kumakain. Nguint may isang mythical shaman na kanina pa pinagmamasdan ang bawat kilos ni Rain at hindi niya ito napapansin.
Halos patapos na ang lunch break at anumang oras ay magsisimula na muli ang kanilang klase. Ngunit ang naturang mythical shaman ay patuloy pa rin na binabantayan ang mga kilos ni Rain.
"Tara na at baka ma-late pa tayo sa susunod na'ting klase. *Umm.. Rain, mamayang uwian ko na ipapahiram sayo yung sinasabi kong mga notes kanina. Para naman makasunod ka sa klase at lagi mong tatandaan ang Lesson one!" Sambit ni Mark.
"Wag makipag-away sa isang Mythical Shaman!" Sabay na pagkakasambit nina Mark.
"Okay aasahan ko yung mga notes mo, maraming salamat Mark." Sambit muli ni Rain.
"No problem." Sambit muli ni Mark.
"Ano na nga pala ang next subject na'tin?" Tanong ni Rain.
"Special Myth!" Tugon ni Selina.
"Whoa! Ayos, ayos! *Hahaha!" Sambit muli ni Rain.
"*Hmm.. Combat testing na nga pala bukas sa Special Myth." Sambit ni June.
"Combat testing? Ano naman ang ibig sabihin noon?" Tanong muli ni Rain.
"It means na maglalaban-laban ang mga mythical shaman para malaman nila kung anong "Level-class" sila nabibilang. At syempre exempted tayong mga tao doon, kaya pwede tayong hindi pumasok sa special myth bukas. Yey!" Sambit ni Annie.
"Wow! Talaga?! Hindi ba talaga tayo pwedeng sumali doon? Sayang naman!" Sambit muli ni Rain.
"Nababaliw ka na ba? Gusto mong sumali? Nako, mapapahamak ka lang doon, kaya wag ka ng magtangka." Sambit muli ni June.
"*Fufufu.. Wag kayong mag-alala kay Rain, malakas siya para sa isang normal na tao. May napabagsak na nga siyang mid-class na satyr eh at sa isang suntok lang." Sambit ni Selina.
"Ta..ta..ta..talaga?! isang mid-class na satyr? Hindi yata kapani-paniwala yang mga sinabi mo, Selina." Sambit muli ni June.
"*Hahaha! Napabagsak ko nga yung satyr na yon, pero bumangon agad siya at sinipa ako sa likod! Ang sakit nga non eh. *Hahaha!" Sambit ni Rain.
"So, totoo nga? Pe..pe..pero, pinapayuhan pa rin kitang wag ng sumali. Masyadong delikado pag nakalaban mo si Aris o kaya si Roby at mas lalo na si Sai. Mga gutom sa away ang mga yon eh." Sambit muli ni June.
"Sang-ayon ako kay June, masyadong mapanganib ang binabalak mong gawin." Sambit ni Mark.
"Kung ganon, totoo nga ang naririnig kong nakapagpabagsak ka ng isang satyr? At isang suntok lang? *Fufufu. Hinahamon kita, Rain Esfalls! Ipakita mo sa'kin ang lakas na nakakapagpatumba ng isang satyr." Sambit ng isang lalaki.
Maliban kay Selina ay labis na nagulat ang lahat matapos makita ang lalaking nagsalita sa kanilang gilid. Bigla na lang kasi itong nagpakita at kalaunan ay nagsalita.
"Teka, sino ka? At saan ka ng galing?" Tanong ni Rain.
"*Waaaa! Si Riki Maru! Isa siyang satyr!" Gulat na pagkakasambit ni June.
"Riki Maru? Ah Oo, naalala ko na, kaklase din kita, diba? *Hahaha! Kinagagalak kitang makilala. Ako nga pala ulit si Rain Esfalls." Masayang pagkakasambit ni Rain.
Matapos magsalita ay tumayo si Rain at kalaunan ay inalok si Riki na maki pagkamay, ngunit hindi siya pinaunlakan nito.
"Hinahamon kita at hindi ako naparito para makipagkaibigan. Isang insulto para sa lahi ng mga satyr ang sinabi mo na nakapagpatumba ka ng kauri ko. Kaya ipapakita ko sayo ang lakas ng isang stealt assassin. Bukas, aasahan kong magpapakita ka sa special myth subject." Sambit muli ni Riki.
Matapos magsalita ni Riki at bigla na itong naglaho.
"Whoa?! Bigla naman siyang nawala ngayon! Teka, lahat ba ng satyr ay nagiging invisible?" Sambit ni Rain.
"Hindi, ang totoo nyan ay walang kakayahan ang mga satyr na maging isang invisible." Tugon ni Selina.
"Kung ganon, paano nawala ang Riki na yon?" Tanong muli ni Rain.
"Serpent scale, meron siyang Serpent scale!" Tugon muli ni Selina.
"At ano naman yon?!" Tanong muli ni Rain.
"Ang serpent scale ay isang rare na items. Obviously, kaliskis ito ng isang "serpent" na may kakayang mag-invisible. Ngunit may hangganan naman ang invisibility nito, mga 5-6 seconds lang at halos ganon din katagal bago ulit ito magamit." Tugon muli ni Selina.
"Wow, interesting na items un ah." Sambit muli ni Rain.
"Si Riki kasi ang magiging taga pagmana ng ama niya na pinuno ng mga lahi ng satyr. Kaya nasa kaniya ang item na yon. *Tsk! Masama ang kutob ko bukas sa special myth. Sana hindi ka mapahamak, Rain." Sambit ni Mark.
"*Hahaha! Wag kayong mag-alala, sanay na sa bubog ang katawan ko, kaya siya ang humanda. Dahil sa wakas ay magagamit ko na ang mga natutunan ko sa aking master. *Fufufu." Sambit muli ni Rain.
Matapos magsalita ay bigla muling lumabas si Riki sa kanilang tabi na siyang ikinagulat muli ng lahat, maliban muli kay Selina.
"Magaling, at tinanggap mo na ang hamon ko! Ihanda mo na ang sarili mo bukas, Rain Esfalls." Sambit ni Riki.
Matapos magsalita ni Riki ay naglaho nang muli ito.
"Sigurado na ba kayong wala na talaga siya?! *He..hehe..?!" Medyo awkward na pagkakasambit ni Rain.
Sa pagkakataong iyon ay hindi na sila muli pang nagsalita at napagdisisyonan na lang na magtungo na sa kanilang classroom. Malapit na rin kasing magsimula ang susunod nilang klase.
Kinahapunan ay halos sabay-sabay na naglabasan ang mga istudyante. Sabay-sabay kasing natatapos ang lahat ng mga klase dito. Ang iba ay nagsi-uwian na at ang iba naman ay may mga gagawin pa, kaya nanatili pa ang mga ito sa loob ng paaralan.
Habang naglalakad palabas ang magkakaibigan.
"Oy Rain, ito nga pala yung mga notes. Isoli mo na lang sa'kin pagkatapos mong gamitin. Pero wag matagal ah." Sambit ni Mark.
Agad namang kinuha ni Rain ang notes na pinahiram ni Mark sa kaniya at matapos nito ay ang kaniyang pagasasalita.
"Maraming salamat dito Mark. At wag kang mag-alala, dahil mga two days lang at isosoli ko na sayo tong mga notes mo." Sambit ni Rain.
Matapos silang makalabas ng campus ay naghiwa-hiwalay na sila. Muli ay naghanap ng maaaring masakyan si Rain pauwi, ngunit bigo pa rin siya.
"Haay! Wala bang jeep, taxi, tricycle o kahit pedecab man lang dito? Mukhang maglalakad na naman ako pauwi nito ah." Dismayadong pagkakasambit ni Rain.
Matapos magsalita ay nagsimula na nga siyang maglakad pauwi.
Chapter end.
Afterwords
Maraming salamat po sa pagbabasa ng story ko.. Keep looking forward po sa more actions, twist, comedy and etc. hahaha..
Pagpasensyahan nyo na rin po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..
At kung gusto nyo pong malungkot, mapaisip, at mama-in love.. try nyo din pong basahin yung short story ko.. title po ay "Paglalakbay para sa ikatlong bagay". Aun po thanks po ulit..
Susunod.
Chapter 6: Lesson two – Kung makikipaglaban ka, siguraduhing hindi ka mamamatay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top