Chapter 44: Wakas - Galit at pighati.

Sa mga oras na ito ay halos nasa kalagitnaan na ng disyerto ang mga pwersa ng mga tao. At halos may dalawang kilometro na lang ang layo nila sa travincial. Hindi pa rin alam ni Noel kung nasaan na si Rain at ang kaniyang anak sa ngayon, dahil mabilis itong nawala sa kaniyang paningin kanina.

Makalipas pa ang kinse minutong pagsulong, gamit ang binoculars ay nakita na ni Noel si Rain na mabagal na naglalakad patungo sa kanila. Subalit sa ngayon ay nag-iisa na ito at hindi kasama ang kaniyang anak, kaya naman agad siyang nag-alala. Sa ngayon ay muli siyang nagkaroon ng dahilan upang magalit sa mga nilalang na dating kumuha sa kaniyang anak.

May 500 metro ang layo nina Noel sa travincial ay agad na siyang nagbigay ng utos upang umatake, gamit ang kaniyang radio communication devise.

"All units! Attack!" Sigaw ni Noel.

*** SFX: BOOOOOM! BOOOOOM! BOOOOOM! TA TA TA TA TA TA! BOOM! BOOM! BOOM! ***

Agad pinaulanan ng mga pag-atake si Rain ng buong pwersa ng mga tao. Tumagal ng mga limang minuto ang ginawang pag-atake, sunod-sunod ito at halos walang hinto.

"All units hold you fire! I repeat! All units hold you fire!" Sigaw muli ni Noel.

Sa mga oras na ito ay nabalutan ng makapal na usok ang pwesto ni Rain, ngunit ilang sandali pa ay biglang nawala ang makapal na usok. Agad ginamit ni Noel ang kaniyang binoculars upang alamin ang kalagayan ngayon ni Rain, ngunit laking gulat niya sa kaniyang nakita. Si Rain habang nakatayo at nag-aapoy sa isang malalim na hukay.

Samantala, labis ang galit na nararamdaman ni Rain sa pagkakataong ito, kaya naghahanda na siya sa kaniyang gagawing pag-atake.

"Hindi ko kayo mapapatawad sa pagpatay sa kaibigan ko." Sambit ni Rain.

Ilang sandali pa matapos magsalita ni Rain ay inangat nito ang kaniyang kanang kamay at matapos nito ay muli na siyang nagsalita.

"** RISING SUN! **" Sambit ni Rain.

Matapos magsalita ay isang malaking bolang apoy ang mabilis na nabuo sa kaniyang kanang kamay. Halos kasing laki ito ng isang palanggana na kalaunan ay mabilis na lumipad pa itaas.

Ilang sandali pa ay kasalukuyan ng nasa kalangitan ang malaking bolang apoy na nilikha ni Rain. Sa mga oras na ito ay huminga siya ng malalim at matapos nito ay malakas na siyang nagsalita.

"**ARMAGEDDON! **" Sigaw ni Rain.

*** SFX: *Puuuuuuuuuuuun.. *Mute! *PYUUUUN.. BOOOOOOOOOOOOM! ***

Agad sumabog ang bolang apoy o yung "Rising Sun" na isa sa mga natatanging skill ng mga phoenix. Sa pagsabog nito ay lahat ng lumilipad sa kalangitan ay sumabog at kasunod nito ay mabilis silang naglaho. Walang bakas ng mga bakal ang nahulog sa lupa, dahil ang mga ito ay agad natunaw gawa ng sobrang init na nagmula sa pagsabog ng Rising sun. Tanging mga amoy ng natunaw na bakal at mga nasunog na laman, ang naging bakas ng mga makinaryang panghipapawid.

*** Note: Ang "Rising sun" ay natatanging skill ng mga Phoenix. Tanging master class lang ang may kakayahang gawin ang skill na ito, dahil sa paraang ito ay nakakalikha ang mga phoenix ng isang artificial na araw sa pamamagitan lang ng kanilang purong kapangyarihan. Hindi ito ganong kalakihan ngunit sobrang init din nito.

Ang "Armageddon" naman ay ang nag-tri-trigger upang sumabog ang Rising sun at ang lahat ng matamaan ng sumabog na liwanag nito ay matutunaw sa sandaling oras lang. Labis itong mapanganib gayon din sa mga phoenix na gumagamit nito, dahil malaking porsyon ng kanilang lakas ang nawawala/nababawas/nakakain sa oras na gamitin nila ang skill na ito. ***

"Ngayon, wala ng istorbo sa langit. Isusunod ko naman kayo." Sambit muli ni Rain.

Mapunta naman tayo sa magkakaibigan. Kasalukuyan pa rin silang nagmamadali patungo sa labasan ng travincial. Nakita din nila ang nakakasilaw liwanag sa kalangitan at hindi ito kalayuan sa labas ng travincial.

"Teka, anong klaseng liwanag yon?!" Tanong ni Aron.

"Kung ano man yon, natitiyak kong hindi yon gawa ng mga tao." Sambit ni Mark.

"Sai! Bilisan pa na'tin!" Sambit ni Selina.

Hindi naman tumugon si Sai kay Selina at tumakbo na lang ito ng mas mabilis pa. Sinundan naman siya ni Ryan. Samantala, si Chris naman ay mas binilisan pa ang paglipad, kaya sobrang lapit na nila sa labasan ng travincial ngayon.

Mapunta naman tayo sa mga pwersa ng mga tao. Labis silang nagulat matapos maglaho ang kanilang mga sasakyang panghipapawid.

"Teka, anong klaseng kapangyarihan yon?" Sambit ni Noel.

Mapalad sila dahil hindi sila inabot ng nakakapasong liwanag na nalikha ng pagsabog ng rising sun. Ngunit ang totoo ay binalak talaga ni Rain na pataaman ng pagsabog ang mga sundalo na nasa kalupaan, dahil gusto niyang mabawasan agad ang mga ito. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito nangyari. Ilang sandali pa ay muling nagsalita si Noel sa kaniyang radio communication devise.

"All units prepare to attack! Use our all anti-myths ammunitions now! I repeat! All units! Prepare to attack! Use our all anti-myths ammunitions now!" Sigaw ni Noel.

Matapos magbigay ng kautusan si Noel ay agad nitong ginamit ang kaniyang binoculars upang tingnan ang kalagayan ngayon ng kanilang kalaban. Sa ngayon ay kasalukuyan pa rin itong nakatayo sa kinatatayuan nito, ngunit ilang sandali pa ay bigla na naman itong nawala sa kaniyang paningin.

"Nawala na naman siya! Saan siya nagpunta?!" Sambit ni Noel.

*** SFX: BOO.. BOO.. BOO.. BOO.. BOO.. BOO.. BOO.. BOOOOOOOM! ***

Ilang sandali pa matapos magsalita ni Noel ay may narinig na itong sunod-sunod na pagsabog sa kanilang hukbo, kaya agad na siyang nagsalita sa kaniyang radio communication devise.

"Ano ang mga pagsabog na yon?!" Tanong ni Noel.

"We're being attack! *Arrrggh! *Thhhsk.." Sambit ng isang sundalo.

"*Tsk! Bwisit! Mamatay na kayong lahat! Mga mythical shaman!!" Sigaw ni Noel.

Mabalik naman tayo kay Rain. Kasalukuyan na niyang inaatake ang isang parte ng hukbong sandatahan ng mga tao. Sa isang pag-atake lang gamit ang kaniyang myth slayer ay halos ¼ ng buong units ng kalaban ang kaniyang napasabog. At ang lugar na kinatatayuan niya ngayon ay nababalutan ng mga pagsabog at puro pagsigaw. Sa ngayon ay mabagal siyang naglalakad patungo sa iba pang mga kalaban.

"Tatapusin ko kayong lahat. Tatapusin ko kayong lahat! Tatapusin ko kayong lahat!

Tatapusin ko kayong lahat!" Sambit ni Rain.

Sa mga oras na ito ay parang hindi na si Rain ang gumagamit sa kaniyang katawan, dahil sarado na ang kaniyang isipan. Nakatuon lang ang buo niyang pag-iisip sa pagwasak at paghihiganti sa pagkawala ng kaniyang kaibigan. At sa sobrang lungkot na kaniyang nararamdam ay lalong lumalaki ang kaniyang nararamdamang galit para sa mga tao.

Mapunta naman tayo kina Chris at sa mga nakasakay sa kaniya na kasalukuyan ng nasa labas ng travincial. Hindi sila makapaniwala sa kanilang nakikita, dahil balot ng mga apoy ang isang parte kung saan nakahanay ang mga pwersa ng mga tao na may isang kilometro ang layo sa kanila. Sa pagkakataong ito ay bumalik na sa tunay niyang anyo si Chris.

"Teka ano ang nangyayari?" Tanong ni Chris.

Hindi naman nakapagsalita si Lina sa labis ding pagkagulat, ngunit ilang sandali pa ay nabasag na ang kaniyang katahimikan ng biglang nagsalita si Alex.

"June?!" Sambit ni Alex.

Sa mga oras na ito ay napansin na din nina Lina at Chris ang isang lalaking nakahiga hindi kalayuan sa kanila. Ilang sandali pa ay mabilis na nila itong nilapitan at nakumpirma nilang si June ito.

"Oi June! Ano ang nangyayari dito? At anong nangyari sayo!?" Sambit ni Lina.

Hindi nagawang tumugon ni June, kahit inalog na siya ni Lina. Sa pagkakataong ito ay agad nang pinulsuhan ni Alex si June, dahil masama ang kaniyang kutob ng makita niya itong walang malay.

"Wala siyang pulso." Sambit ni Alex.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Lina at agad napatingin kay Alex.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Lina.

Matapos niyang magsalita ay agad sumagi sa kaniyang isipan ang pinupunto ni Alex, kaya agad na niyang inalam kung totoo nga ba ang sinasabi nito. Dito ay hindi na napigilan ni Lina na umiyak, dahil nalaman niyang totoo ang sinasabi ni Alex.

"Hindi! Hindi ito pwede!" Sambit ni Lina.

Matapos magsalita ni Lina ay agad niyang hinalikan si June, upang bigyan ito ng hangin. Paulit-ulit niya itong ginawa, ngunit pinigilan na siya ni Alex at napailing na lang.

"Huli na ang lahat. Kanina pa siya nawalan ng buhay." Sambit muli ni Alex.

Hindi na napigilan ni Lina ang bugso ng kaniyang damdamin, kaya galit itong tumayo at galit na tumingin sa hukbo ng mga tao. Sa kaniyang pagtingin ay biglang nawala ang galit na kaniyang nararamdaman. Hindi kasi kalauyan sa mga hukbo ng mga tao ay may nakita siya isang nilalang na nag-aapoy at walang awa nitong pinag-papapaslang ang mga taong kaniyang nakakaharap. At kahit malayo ay batid ni Lina na si Rain ito.

"Rain.." Sambit ni Lina.

Agad namang napalingon sina Chris at Alex sa lugar kung saan nakatingin si Lina at nagulat din sa kanilang nasaksihan. Ilang sandali pa ay dumating na rin sina Selina, agad nilang nakita ang kagulat-gulat na pangyayari sa pwersa ng mga tao. Agad din nilang nakita sina Lina, Alex at Chris na natayo hindi kalayuan sa kanila. Matapos ma-cancel nina Sai at Ryan ang kanilang take over ay mabilis na nilang tinungo ang kinaroroonan ng tatlo. At habang papalapit sila ay may napansin pa silang kakaiba kina Lina at may nakita din silang isang nilalang na nahiga sa tabi ng mga ito. Nang tuluyang makalapit ay natuwa sila ng makitang si June pala yung nakita nilang nakahiga.

"June! Mabuti naman at okay lang pala siya, pero ano ba ang nangyayari dito?" Sambit ni David.

"Tingnan nyo si Rain, parang hindi na siya ang Rain na kaibigan na'tin. Sobrang brutal at nakakatakot siya ngayon." Walang emosyong pagkakasambit ni Alex.

Agad napalingon ang magkakaibigan kung saan nakatingin sina Alex at nagulat matapos makitang nagsasabi ito ng katotohanan.

"Teka.. ano itong nangyayari kay Rain!?" Tanong ni Selina.

Mapunta naman tayo kay Rain. Sa ngayon ay makikitaan na siya ng mga pinsala sa kaniyang katawan, dahil na rin sa dami ng kapangyarihan ang nagamit nito ay humina na ang kaniyang phoenix storm. Ngunit hindi na pinapansin ni Rain ang kaniyang mga pinsala at nakatuon lang ang buong pag-iisip niya sa pagwasak at paghihiganti.

"*Fuwaaaaaaaaaaaaaaa!" Sigaw ni Rain.

Sa mga oras na ito ay muling pinaulanan ng mga pag-atake gamit ang tangke at mga pag-atake ng mga sundalo gamit ang kani-kanilang mga anti-myths weapon. Labis din ang pagkagulat ng magkakaibigan sa kanilang nasaksihan, ngunit ilang sandali pa ay biglang may sumabog na nakakapasong liwanag sa pwesto ni Rain, dahilan upang mapahinto ang mga tao sa ginagawa nilang pag-atake.

Sa kapal ng usok ay hindi nila matukoy ang eksaktong kalagayan ni Rain, hanggang sa biglang mawala ang makapal na usok at biglang may lumipad na isang malaki at nag-aapoy na ibon sa kalangitan.

"Phoenix? Teka isang Phoenix? Si Rain!" Sambit ni Aron.

Hindi na iwasan ng magkakaibigan ang mabighani sa ganda ng anyo ng isang phoenix, kaya hindi nila nagawang magsalita. Ngunit biglang nabasag ang katahimikan nina Lina, Alex at Chris matapos magsalita ni Mark.

"Oi June! Gumising ka na dyan at ipaliwanag mo na ang nangyayari sa'min! Bakit kinakalaban ni Rain ang mga tao? Hindi naman ito ang plano na'min ah!" Sambit ni Mark.

Napayuko na lang sina Lina at Alex matapos marinig ang mga sinabi ni Mark.

"Pasensya na pero hindi ka na maririnig pa ni June." Sambit ni Chris.

"*Huh? Anong ibig mong sabihin, Chris? *Ahh! Alam ko na, wala nga pala siyang malay. Okay lang, ako na ang bahalang gumising sa kaniya!" Sambit muli ni Mark.

"Hindi mo naiintindihan. Wala na siya at ito siguro ang dahilan kung bakit nagwawala si Rain ngayon." Sambit muli ni Chris.

Agad napalingon ang magkakaibigan kay Chris, maliban na lang kina Alex at Lina na kasalukuyang nakayuko.

"*Heh?! Tama na nga yang pagbibiro, Chris! Hindi magandang magbiro sa mga oras na ito, hindi ba June?!" Sambit muli ni Mark.

"Tama! Wag ka ngang magbiro, Chris! Tsaka hindi naman tayo close para magbiro ka ng ganyan!" Sambit ni Selina.

Matapos magsalita ni Selina ay nilapitan na niya si June, ngunit sa mga oras na ito ay hindi na niya mapigilan ang pag-agos ng kaniyang mga luha. Ganon din ang iba pa niyang mga kaibigan, hindi na rin nila mapiglan ang kanilang mga luha sa pag-agos.

"Hoy June, tama na yan at gumising ka na." Sambit ni Selina.

Habang inaalog ni Selina si June ay may nahulog na bagay hindi kalayuan sa kamay nito. Agad niya itong kinuha at napag-alamang ID ito ni Eucy.

"*Hahaha! Oi Stalker! Gumising ka na dyan oh! Tama na yan, please!" Sambit muli ni Selina.

Ngunit laking gulat ng lahat ng biglang yakapin ni Lina si Selina at sa mga oras na ito ay batid na ng lahat na wala na talaga ang kanilang kaibigan. Sandaling natahimik ang magkakaibigan sa mga sandaling ito. Hindi nila matanggap ang katotohanan, kaya sa ngayon ay hindi na sila nagtataka kung bakit nagkakaganon ngayon ang kaibigan nilang si Rain.

Ilang sandali pa ay biglang nagdilim ang kalangitan, nakakapagtaka ding biglang lumakas ang pag-ihip ng hangin. Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang malalakas na pagkidlat na derektang tumatama sa kalupaan.

"June!" Sambit ni Mark.

Nagulat si Ryan sa kaniyang nasasaksihan, dahil batid nito na si Mark ang may kagagawan ng hindi maipaliwanag na nangyayari sa panahon ngayon. Wala siyang magawa kundi ang panoorin ang mga nangyayari, hanggang sa makita niya ang nangyayari ngayon sa Phoenix na si Rain.

"Sandali, tingnan nyo ang nangyayari kay Rain!" Sambit ni Ryan.

Matapos marinig ng lahat ang sinabi ni Ryan ay sandaling nakalimutan ng magkakaibigan ang kanilang nararamdamang galit at kalungkutan. Nakita nila na binalutan ni Rain ang buo niyang katawang gamit ang kaniyang mga pakpak. Ilang sandali pa ay bigla itong lumiwanag at tila isa na itong malaking bolang nag-aapot ngayon. Ilang sandali pa ay agad silang napalingon sa kailang likuran, matapos may marinig na pamilyar na boses.

"Rain!" Sigaw ni Rachelle.

Hindi nagtagal ay agad nakalapit sina Rachelle sa magkakaibigan at dito ay tinatanong na siya ng mga ito.

"Miss Rachelle! Ano po ang nangyayari kay Rain?!" Tanong ni Melisa.

"Hindi maaari! Ang senaryong ito! At ang skill na yon! Walang dudang ang Supernova Explosion! Kailangan ng mapigilan si Rain, bago pa mahuli ang lahat!" Sambit ni Rachelle.

"Bakit po! Ano po ang mangyayari kay Rain?!" Tanong ni Lina.

"Mamatay si Rain at mare-reincarnate siyang muli!" Tugon ni Rachelle.

Nagulat ang magkakaibigan sa kanilang narinig at hindi agad nakapagsalita.

"Kuya! Tayo na!" Sambit muli ni Rachelle.

"Okay!" Tugon ni Drake.

"** TAKE OVER! ELEMENTAL EARTH DRAGON! **" Sambi ni Rachelle.

"** TAKE OVER! ELEMENTAL GOLD DRAGON! **" Sambit ni Drake.

Laking gulat ng magkakaibigan, pati na rin nina Sai, Chris at Ryan, matapos makita ang dalawang malaking dragon sa kanilang harapan. Halos hanggang binti lang sila ng mga ito, kaya hindi nila maiwasang mamangha, kahit nasa ganito silang kalagayan.

"*Mark! Gumawa ka ng four-layer earth barrier! Samahan mo ito ng lightning element para siguradong hindi kayo tatamaan kung sakaling mabigo kaming pigilan si Rain. Ako na ang bahalang sumira sa barrier kung sakaling magtagumpay kami. Pero kung lilipas ang isang oras at hindi ko pa rin sinisira ang barrier, mabuting lumabas na kayo. Naunawaan mo ba?" Sambit ni Rachelle.

"Opo!" Sigaw ni Mark.

Ilang sandali pa ay mabilis na lumipad ang dalawang malaking dragon patungo kay Rain. Samantala, agad namang naghanda si Mark upang gawin ang sinabi ng kaniyang master sa kaniya.

"** EARTH CONSTRUCT! FOUR-LAYERED BARRIER! **" Sambit ni Mark.

Matapos mahawan ang tinatapakan ay agad nabalutan ang pwesto nila ng makakapal na lupa. Sa ngayon ay sobrang dilim sa kanilang pwesto, ngunit salamat kay Ryan at Sai, dahil sila na ang naglagay ng lightning element sa barrier na ginawa ni Mark. At salamat din sa lightning element na bumabalot ngayon sa barrier, dahil ito ang nagsilbi nilang ilaw sa lugar kung nasaan sila ngayon. At para hindi sila maubusan ng hangin ay gumawa ng isang maliit na butas si Mark sa iba't-ibang pwesto ng mga barrier na ginawa niya, upang dito dumaloy ang hanging nagmumula sa labas. Sa ngayon ay hindi nila makita ang kung anong nangyayari sa labas, dahil na rin sa kapal ng barrier.

Sa loob ng halahating oras na kalungkutan, kung saan kasama ng magkakaibigan ang walang buhay na katawan ni June ay inalis na ni Mark ang barrier. Sa tingin kasi nito ay tapos na ang lahat, ngunit sa pag-alis niya ng barrier ay laking gulat nila sa kanilang nasaksihan. Nakatayo sila sa isang malaking hukay at ang parte na kanilang tinatayuan lang ang hindi nasusunog. Wala silang makitang kundi mga apoy sa kanilang kapaligiran. Ngunit ilang sandali pa ay nakita nila sina Rachelle at Drake na nakahiga at sugatan, hindi kalayuan sa kanila.

"Master!" Sigaw ni Lina.

"Lolo! Lola!" Sigaw ni Aron.

Mabilis na nagtungo ang magkaklase, maliban kina David at Melisa na siyang nagbantay sa katawan ni June. Agad tinungo ng mga ito sina Rachelle at Drake.

"Master? Ano po ang nangyari?" Tanong n Lina.

"*Cough! *Cough! Pasensya na at nabigo kami. Hindi na'min napigilan si Rain." Tugon ni Rachelle.

"Si Rain?! Nasaan po si Rain? Master?" Sambit muli ni Lina.

"Hindi ko na alam.. Mabuti na lang at hindi pa gaanong kalakas si Rain, dahil hindi ganito ka grabe ang nagawang pagsabog ng kaniyang Supernova explosion." Sambit muli ni Rachelle.

"Lolo. Ayos lang po ba kayo?!" Tanong ni Aron.

"Wag nyo na akong intindihan pa at hanapin nyo na lang si Rain! Natitiyak kong sa mga oras na ito ay nareincarnate na siyang muli." Sambit ni Drake.

Nanlaki ang mga mata ng magkakaibigan, pati na rin sina Sai, Ryan at Chris matapos marinig ang mga sinabi ni Drake.

"Imposible?!" Sambit ni Selina.

Matapos magsalita ay agad tumakbo si Selina upang hanapin si Rain. Sumunod naman ang iba pa nilang kaibigan sa kaniya. Samantala, nagpaiwan na lang sina Sai, Ryan at Chris upang tulungan sina Rachelle at Drake na makatayo at makaalis.

Mabilis na naghiwa-hiwalay ang magkakaibigan para sa paghahanap kay Rain, ngunit hindi nila ito makita at pawang puro mga apoy lang at mga sunog na laman, bakal at mga goma ng gulong ang kanilang nakikita at naamoy.

Hindi naman huminto ang magkakaibigan sa pag-hahanap hanggang sa bumuhos na nga ang malakas na ulan na siyang pumatay sa nag nganganit na mga apoy.

"Rain.. Rain.. Rain.. RAAAAAAAIIIIIN!" Sigaw ni Selina.

Makalipas ang limang oras ay bigo pa rin ang magkakaibigan, kasama sina Sai, Ryan at Chris sa paghahanap kay Rain. Wala silang ideya kung nasaan na ngayon ito, kung siya ba ay na-reincarnate o tuluyan ng nasawi. Labis ang kalungkutang nadarama ng magkakaibigan habang naglalakad sila pabalik, dala ang katawan ng walang buhay nilang kaibigan. Sa ngayon ay hindi nila alam kung paano haharapin si Annie o kung paano nila sasabihin ang mga nangyari sa kanilang mga kaibigan.

Mabilis kumalat ang balitang ito sa loob ng travincial at sa mundo ng mga tao. Agad namang nilunasan ng mga elves ang mga sugat nina Drake at Rachelle ng makapasok sila sa loob ng travincial.

Tahimik at walang mga imik na nakatayo ang magkakaibigan sa harapan ng isang ospital, kung saan sila nagpunta. Dito ay nagmamadaling pumunta si Annie upang alamin ang nangyari sa kaniyang mga kaibigan. Labis-labis ang pag-aalalang naramdaman nito, matapos nilang maghiwa-hiwalay kanina.

"Guys!" Sambit ni Annie.

Napansin naman ng magkakaibigan ang pagdating ni Annie, ngunit wala kahit isa sa kanila ang pumansin dito. Ilang sandali pa ay dahan-dahan nang naglakad papalapit si Annie sa kaniyang mga kaibigan.

"Guys? Bakit? Bakit ganyang ang mga mukha niyo? May nangyari bang hindi maganda?" Sambit muli ni Annie.

Sa pagdating ni Annie ay kasunod niyang dumating sina Eucy at Anya. Nabalitaan din kasi nila ang masamang nangyari sa kanilang clan leader at nabalitaan din nilang kasama nito si Aron, kaya nagmadali silang pumunta upang alamin ang kalagayan ng mga ito. Napangiti na lang sina Eucy at Anya matapos makitang nasa ligtas na kalagayan ang kanilang kaibigan na si Aron, ngunit bigla silang nakaramdam ng kalungkutan matapos makita ang malungkot na ekspresyon sa mukha nito. Ilang sandali pa ay napatingin sila kay Annie na kasalukuyang naglalakad papalapit sa mga kaibigan nito. Samantala, nakita ni Annie si June na nakahiga hindi kalayuan sa kaniyang mga kaibigan, kaya labis siyang nagtaka dahil batid niyang dapat hindi ito kasama ng mga kaibigan.

"June? Teka, ano ang nangyari kay June? Nasaktan ba siya?" Sambit ni Annie.

Muli ay hindi pinansin si Annie ng kaniyang mga kaibigan at napayuko na lang ang mga ito.

"Oi! Ano ba?! Hindi na kayo nakakatuwa! Bakit ayaw nyo akong pansinin?!" Sigaw ni Annie.

Sa pagkakataong ito ay bumagsak na ang mga namuong luha sa mga mata ni Annie.

"Pasensya ka na, Annie. Ang totoo kasi nyan ay hindi na'min alam kung paano ka haharapin." Sambit ni Mark.

"Ano? Hindi kita maintindihan Mark? Ano ba ang mga sinasabi mo?" Sambit muli ni Annie.

Matapos namang magsalita ni Annie ay mabilis na tumakbo papalapit sa kaniya si Selina at nang makalapit ay agad siyang niyakap nito. Labis naman ang pagtataka ni Annie, ngunit bigla siyang nakaramdaman ng sobrang kalungkutan, dahilan upang bumilis ang pag-agos ng mga luha niya.

"Sorry! Sorry! Sorry!" Sambit ni Selina.

Kahit hindi nakikita ni Annie ay alam niyang umiiyak si Selina, base na rin sa tono ng pagkakasambit nito.

"Teka, Selina. Ano ba ang nangyayari? Bakit hindi kayo magsalita?" Sambit muli ni Annie.

"Si June! Wala na si June! Patay na siya!" Sambit muli ni Selina.

Lalong nagmugto ang mga mata ni Annie at napapahikbi na ito matapos marinig ang mga sinabi ni Selina.

"No way! No way! No way! That's too much for a joke, Selina! Teka, nasaan ba si Rain? Alam kong kasama siya sa plot na ito eh! Humanda sa'kin yon!" Sambit ni Annie.

Napahigpit na lang sa pagkakayakap si Selina at napalakas ang kaniyang pag-iyak matapos marinig ang mga sinabi ni Annie. Sa mga oras ding ito ay naramdaman na ni Annie ang labis na kalungkutan, kaya napayakap na rin siya kay Selina. Samantala, hindi naman maiwasan nina Eucy at Anya na malungkot sa kanilang mga nalaman at ilang sandali pa nga ay naglakad na sila papalapit kay Aron.

"Aron! Gusto kitang makausap." Sambit ni Eucy.

"Wag ngayon, wala ako sa mood maki pag-usap." Tugon ni Aron.

Bakas sa mukha ni Aron ang labis na kalungkutan, kaya lalong nag-alala si Eucy para dito.

"Please! Tungkol ito sa ating clan leader." Sambit muli ni Eucy.

"Wag kayong mag-alala, okay lang si lolo at lola. At kung wala na kayong sasabihin pa ay pwede bang iwan nyo muna kami? Wala kasi kami ngayon sa'ming mga sarili." Sambit muli ni Aron.

Matapos magsalita ni Aron ay mabilis na lumapit si Anya sa kaniya at agad siyang niyakap nito.

"Anya?" Sambit muli ni Aron.

"Okay lang Aron. Hindi kahihiyan para sa mga lalaki ang pag-iyak, kaya okay lang." Sambit ni Anya.

Sa mga oras na ito ay hindi na napigilan ni Aron ang kaniyang mga luha at mabilis na itong umagos sa kaniyang mga mata.

"*Uhm!" Tugon ni Aron.

Napaiyak na din si Eucy matapos makitang umiiyak ang kaniyang kababata. Samantala, ilang sandali pa ay biglang lumapit si Mark sa kaniya at may inabot ito. Kahit nagtataka ay kinuha naman ito ni Eucy at laking gulat sa kaniyang nakita.

"Teka! Ito yung nawawala kong ID ah! Saan mo ito nakuha?" Sambit ni Eucy.

"Hawak-hawak yan ni June. Hindi ko rin alam kung papaano niya nakuha yan, pero nakakatiyak akong gusto niya yang isoli sayo." Tugon ni Mark.

"Ganon ba? Maraming salamat." Sambit muli ni Eucy.

Hindi na nagsalita pa si Mark at bumalik na ito sa pwesto niya kanina. Mabalik tayo kina Selina at Annie. Sa ngayon ay natapos na ang pagyayakapan nilang dalawa. At kahit masakit tanggapin ang katotohan ay buong lakas na naglakad papalapit si Annie sa katawan ng kanilang kaibigan, si June. Muli ay bumuhos ang kaniyang mga luha matapos makita ang walang buhay na katawan ni June. Agad naman siyang niyakap muli ni Selina upang maibsan nito ang kahit konting nararamdaman niyang kalungkutan.

"Si Rain? Anong nangyari kay Rain?" Tanong ni Annie.

"Hindi na'min alam. Mahigit limang oras na'ming siyang hinahanap, pero hindi na'min siya nakita." Tugon ni Selina.

Hindi na nagawang magsalita ni Annie at napahigpit na lang ang pagkakayakap niya kay Selina. Napatingin na lang si Selina sa kalangitan at napadasal na sana nasa ligtas na kalagayan si Rain ngayon.

Makalipas ang ilang mga linggo, buwan at taon ay hindi pa rin nila alam kung nasaan na si Rain. Hindi nila alam kung ano nangyari sa kanilang kaibigan, tuluyan na ba itong nasawi o kung na-reincarnate itong muli na normal para sa isang phoenix. Sa ngayon ay walang nakakaalam ng mga sagot sa mga tanong na ito.

Marami na ring nagbago matapos ang pagkawala ni Rain. Nag-iba na ang ugali ni Lina, hindi na ito tulad ng dati na laging kasama ng kaniyang mga kaibigan. Lagi na itong mag-isa at tahimik. Wala namang magawa ang magkakaibigan at hinayaan na lang nila ito, dahil batid nila na siya ang labis na nasaktan sa pagkawala ni Rain. Hindi na rin gaanong nakakapagsaya ang magkakaibigan, hindi tulad ng dati na kasama pa nila sina Rain at June. Sa pagkatapos ng klase ay agad na silang nag-uuwian at hindi na nag-uusap o nagpa-plano na magpunta kung saan. Madalang na din silang magkausap-usap, ngunit madalas pa rin silang makitang magkakasama.

Makalipas ang dalawang taon magmula ng pagkawala ni Rain. June 17, CS242. Araw ng byernes ngayon at ang petsang ito ay ang araw nung unang pumasok si Rain sa Olympus university bilang isang transfer student. Sa ngayon ay nasa ikatlong taon na ang magkakaibigan. Maraming nagbago sa kanilang section, dahil hindi naman sila block-section, kaya ang iba ay nalipat sa iba, tulad niNa David, Melisa at Krystine na napunta sa class wind-3. Napunta naman sina Aron, Chris at Sai sa class lightning-3. Napunta naman sa magkakaibigan section ang magpipinsang Eyesdrap. At nanatili naman sina Mark, Annie, Selina, Lina Alex at ang iba pa sa class fire-3. Sa ngayon ay hawak pa rin ng kanilang section ang "Special classroom" na napalanunan nila sa naganap na "Event duel" nung nakaraang taon. Marami na rin silang bagong mga kaklase ngayon at ang ilan sa mga ito ay mga tao.

Umaga ng araw na ito at halos kakapasok lang nina Mark at Annie sa kanilang classroom. Inis ang ekspresyon ng mukha ngayon ni Mark, dahil may nangyaring hindi maganda sa kaniya kani-kanina lang sa pagpasok niya ng campus. Dalawang Shaman fight kasi agad ang sumalubong sa kaniya kanina. Ilang sandali pa ay agad nagtungo sa kanilang upuan sina Mark at Annie at nang makaupo ay agad siyang nilapitan ng bago nilang kaklase na si Jigo, isang tao, upang kausapin.

"Totoo ba ang nabalitaan ko? Natalo ka daw sa shaman fight?" Tanong ni Jigo.

"Oo! Natalo si Mark sa pangalawang nakalaban niya. Kahit nga ako nagulat eh." Tugon ni Annie.

"*Eh?! Ito ang unang beses na natalo ka sa shaman fight! Sino?! Sino ang nakatalo sayo?!" Sambit muli ni Jigo.

"Pwede ba? Wag nyo ng ipaalala sa'kin ang nangyari kanina, nakakainis kasi eh!" Sambit ni Mark.

"Okay! Sorry.." Sambit muli ni Jigo.

"Sa totoo lang ay ngayon ko lang nakita yung mukha nung nakatalo kay Mark eh." Sambit muli ni Annie.

Ilang sandali pa ay pumasok na ang kanilang guro, si Lexy Cleglaw, guro nila sa English. Matapos makita ng buong class fire-3 ang kanilang guro ay agad na silang nagbalikan sa kanilang mga upuan.

"Okay class, bago tayo magsimula ng ating klase ay ipakikilala ko muna sa inyo ang bago nyong magiging classmate." Sambit ni Lexy.

Matapos magsalita ay pumasok na ang isang lalaki sa kanilang classroom, agad napatayo si Mark sa labis na pagkagulat at kalaunan ay gulat na nagsalita.

"I..i..ikaw?!" Sambit ni Mark.

Book 1 end. :D 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top