Chapter 43: Nagniningas na mga apoy - sa pagsiklab ng galit
July 19, CS240. Maagang gumising si Rain sa araw na ito. Halos alas tres pa lang ng madaling araw ay umalis na siya upang salubungin ang pwersa ng mga tao na sasalakay ngayon sa travincial. Walang alam sina Rachelle at Drake sa binabalak ni niya, kaya ng magising si Rachelle ay nagtaka na ito ng hindi niya makita si Rain sa loob ng kanilang bahay.
Samantala, 8:00 am, kasalukuyang oras ngayon at kasalukuyan ding nag-uusap sa mga oras na ito ang magkakaibigan sa loob ng kanilang classroom.
"Grabe, hindi ako makapaniwala sa lakas na ipinakita ni Rain sa'tin kahapon." Sambit ni David.
"*Uhm! Kahit nga ako nagulat din eh. Sobrang nakakamangha ang lakas ni Rain ngayon. Sa apat na araw na pagkawala niya, hindi ko aakalain na ganon na siya kalakas." Sambit ni Mark.
"*Tsk! Lokong Rain yon! Ngayon, kailangan ko na ding magsanay ng magsanay para mas lalo pa akong lumakas." Sambit ni Aron.
"Pero, kamusta na kaya si Rain ngayon?" Tanong ni Annie.
"Don't worry, Annie. Walang magagawa ang mga tao sa kapangyarihan niya. Sa tingin ko nga, kayang ubusin ni Rain mag-isa ang mga susugod sa'tin eh." Sambit ni Selina.
"Tama si Selina, walang masamang mangyayari kay Rain." Sambit ni Lina.
"*Uhm! *Uhm!" Walang emosyon namang pagsang-ayon ni Alex.
"Siguro ang reason ng mga clan leader na hindi sabihin ang masamang balitang ito sa mga naninirahan dito, is kayang-kaya talaga nilang itong harapin kahit iilang mythical shaman lang ang lumaban." Sambit ni Melisa.
"Tama ka Melisa. Sa oras na may mag take-over mode lang sa aling mga clan leaders, siguradong ubus ang mga hukbo ng mga tao sa isang iglap lang." Sambit ni David.
"*Hmm.. Tama ka nga, sana naman hindi na matuloy itong pagsugod ng mga tao sa'tin, para naman hindi na mas lumaki ang galit at takot nila sa lugar na'tin." Sambit muli ni Melisa.
"Sana nga." Sambit muli ni Annie.
Mapunta naman tayo ngayon kay Rain sa kaparehong oras. Matapos niyang malakad ang apat na kilomentro at mala-desyertong daan sa labas ng travincial. Kasalukuyan na siya ngayong naghihintay sa isang daan na malapit sa may bayan. Sa mga oras ding ito ay nakakakita na siya sa kalangitan ng ilang mga fighter jets na pabalik-balik sa pinaka malapit na bayan sa travincial.
"*Tsk! Sana makita ko agad si June." Sambit ni Rain.
Makalipas pa ang isang oras na paghihintay ay isa-isa na ngang nakikita ni Rain ang pwersa ng mga taong sasalakay sa kanila. Sobrang daming sundalo, mga sasakyan at mga tangke. Ang bawat hukbo ay may dalang iba't-ibang bandera, indiskasyon hindi lang isang bansa ang nasa pwersang yon. Mga may 400 milya pa ang layo ng pwersa ng mga tao kay Rain ay humarang na ito sa kalsadang dadaan ng mga ito.
Mapunta naman tayo sasakyang gamit nina June. Nasa unahan ito ng kanilang hukbo at gamit ang binoculars ay agad nilang napansin ang isang binatang lalaki na nakatayo sa gitna ng daang tinatahak nila.
"Sir Noel! May nakikita po akong isang batang lalaki nasa gitna ng isang daan." Sambit ng isang sundalo.
"Nasaan, pakita nga?" Tugon ni Noel.
Matapos masalita ay agad ibinigay ng sundalo kay Noel ang gamit nitong binoculars. Agad namang tinignan ni Noel ang batang tinutukoy nito.
"Teka, Hindi ba't kaklase mo ang batang yon, June?" Sambit ni Noel.
Labis na nagulat si June sa kaniyang mga narinig, kaya agad na siyang napalingon sa kaniyang ama at kalaunan ay nagsalita.
"*Haaah!? Nasaan po Papa?! Pakita ako!" Sambit ni June.
Matapos magsalita ni June ay agad namang ibinigay sa kaniya ng kaniyang ama ang binoculars. Agad niya itong ginamit upang makita ang tinutukoy nito. Ngunit ilang sandali pa ay laking gulat niya sa kaniyang nakita.
"Rain?!" Sambit ni June.
"Sir Noel! Ano po ang utos nyo ngayon?" Tanong ng sundalo.
"Sabihan mo ang iba na, hold their position at wait to my command." Tugon ni Noel.
"Masusunod po." Sambit muli ng sundalo.
Ngunit saktong pagkatapos magsalita nung sundalo ay may isang tangke ang agad nagpakalawa ng pag-atake derekta sa kinatatayuan ni Rain.
*** SFX: BOOOOOOOOOOOOOOOOOOM! ***
"Rain!" Sigaw ni June.
Labis ang pagkagulat nina Noel, dahil may isang tangke ang umatake sa kaklase ng kaniyang anak. Sa mga oras na ito ay umatake na rin pa ang iba pang mga tangke na katabi nung unang tangkeng nagpakawala ng pag-atake. Pinaulanan din si Rain ng mga fighter jets gamit ang mga malalakas na kalibre ng baril na taglay ng mga ito. Sunod-sunod ang mga pagsabog sa lugar kung saan nakatayo si Rain at wala ng nagawa si June kundi ang panoorin ito. Sa labis na pagkainis ni Noel ay agad nitong kinuha ang kaniyang "Radio communication device".
"Hold your fire! Hold your fire! All units! HOLD YOUR FIRE!" Sigaw ni Noel.
Matapos marinig ng lahat ng units ang utos sa kanila ni Noel ay huminto na nga sila sa pag-atake.
"Rain!" Sigaw muli ni June.
Wala muling nagawa si June kundi ang sumigaw at magdasal na sana ay okay lang ang kaniyang kaibigan. Hindi naman maalis ang kaniyang paningin sa lugar ngayon ni Rain na kasalukuyang nababalutan ng mga apoy at makapal na usok. Sa pagkakataong ito ay galit muling sumigaw si Noel sa hawak niyang communication devise.
"Sino ang unang umatake sa inyo?! Bakit hindi nyo hinintay ang utos ko?!" Sigaw muli ni Noel.
"Ang unit number 24 po ang unang naglunsad ng pag-atake, sir!" Tugon ng isang sundalo.
"*Tsk! Garry Wiseman! Inuutusan kitang pumunta ngayon dito sa mobile na'min! ASAP!" Sigaw muli ni Noel.
"Rain. Buhay ka pa hindi ba? Alam kong hindi ka mamatay ng ganon kadali, dahil isa kang Phoenix." Sambit ni June derekta sa kaniyang isipan.
Ilang sandali pa ay unti-unti ng nawawala ang makapal na usok sa lugar kung saan pinaulan ng mga pag-atake gamit ang mga tangke at fighter jets si Rain. Gamit ang binoculars ay muli itong tiningnan ng isang sundalong unang nakakita dito.
"Imposible! Sir! Tingnan nyo po ito." Sambit ng sundalo.
Hindi na nagawang tumugon ni Noel, dahil agad kinuha ni June ang binoculars at mabilis nitong tinignan ang kalagayan ni Rain. Ilang sandali p ay napangiti siya, matapos makitang ayos lang ang kaniyang kaibigan.
"Rain! Sabi ko na ba't hindi ka mamatay don eh!" Sambit ni June.
Agad tumalon pababa ng kanilang sasakyan si June at mabilis itong tumakbo patungo sa kaniyang kaibigan.
"Rain!" Sigaw ni June.
Matapos makita ni Noel ang ginawa ng kaniyang anak ay muli na siyang nagsalita sa hawak niyang communication devise.
"Hold your position! That's my son! I repeat! Hold your position!" Sambit ni Noel.
"I can't believed this! Paano nakaligtas ang batang yon sa ginawang pag-atake ng mga tangke? Anong klaseng nilalang ba itong kaklase ng anak ko? *Tsk! Mabuti na lang at handa kami. Kung hindi gumagana ang normal na ammunition, gagamitin na na'min ang mga anti-myths bullets at explosives." Sambit ni Noel derekta sa kaniyang isipan.
Samantala, kanina bago pa nagsimula ang ginawang pag-atake kay Rain. Kasalukuyang ginagamit ni Garry ang kanilang binoculars upang magmasid-masid sa kanilang paligid at hindi nito sinasadyang masagip ng kaniyang lente si Rain.
"Teka! Imposible! Buhay pa rin siya?! *Grrr.. Rain Esfalls! Isa ka ngang halimaw!" Sambit ni Garry.
"Ano po ang nakita nyo, Captain?" Tanong ng isang sundalo.
"Madali kayo at maghanda. Isang kalaban, 400m away from us at 45 degrees. Humanda kayo para sa isang pag-atake." Sambit ni Garry.
"Masusunod po, Captain!" Tugon namam ng mga sundalo.
Ilang sandali pa ay agad ng inasinta ng mga tangke sa unit ni Garry si Rain at halos ng ilang segundo lang ang itinagal ay pinaputukan na nila ito.
*** SFX: BOOOOOOOOOOOOOOOOOOM! ***
Labis ang pagkatuwa ni Garry matapos makita ang pagtama ng bala ng tangke kay Rain. At ilang sandali pa nga ay sunod-sunod na ang mga pagsabog na naganap.
"Hold your fire! Hold your fire! All units! HOLD YOUR FIRE!" Sigaw ni Noel.
Agad narinig ni Garry ang sigaw ni Noel sa gamit niyang communication devise.
"*Tsk! All units! Hold your fire!" Sigaw ni Garry.
Agad namang huminto ang mga tangke sa pag-atake matapos marinig ang utos sa kanila.
"*Heh! Tingnan ko lang kung mabuhay ka pa sa mga pagsabog na yon." Sambit muli ni Garry.
Muli ay ginamit ni Garry ang kanilang binoculars at mabilis na tiningnan ang pwesto ni Rain. Sa kapal ng usok ay hindi niya matukoy ang kalagayan nito, ngunit malaki ang kumpyansa niyang patay na ito dahil na rin sa lakas at dami ng mga pasabog na naganap.
"Sino ang unang umatake sa inyo?! Bakit nyo hindi hinintay ang utos ko?!" Sigaw muli ni Noel.
"Ang unit number 24 po ang unang naglunsad ng pag-atake, sir!" Tugon ng isang sundalo.
"*Tsk! Garry Wiseman! Inuutusan kitang pumunta ngayon dito sa mobile na'min! ASAP!" Sigaw muli ni Noel.
"Haaist! Sermon na naman, pero okay lang dahil tyak na tapos na si Rain. *Hahahaha!" Sambit muli ni Garry.
Matapos magsalita ay nagsimula nang maglakad si Garry pababa ng kanilang sasakyan. Ngunit ilang sandali pa ay bigla siyang napahinto, matapos magsalita ng isa sa kaniyang mga tauhan.
"Captain! Tingnan nyo po ito! Yung target, buhay pa siya pero nababalutan siya ng apoy!" Sambit ng isang sundalo.
Biglang nagpantay ang mga tenga at nanlaki ang mga mata ni Garry sa labis na pagkagulat. Sa mga sandaling ito ay agad bumalik si Garry sa pwesto niya kanina at nang makalapit ay agad inagaw ang binoculars na gamit ng kaniyang sundalo.
"Ano?! Imposible yan." Sambit ni Garry.
Matapos magsalita ay agad ng ginamit ni Garry ang binoculars upang makita niya ang sinasabi nung sundalo sa kaniya. Ngunit laking gulat niya at hindi siya makapaniwala sa kaniyang mga nakita, si Rain habang nakatayo at nababalutan ng apoy.
*** Note: Ang dahilan kung bakit hindi tinablan o hindi napinsalaan si Rain ay dahil yon sa kaniyang "Phoenix storm". Sa apat na araw na pagsasanay niya sa kamay nina Hades ay na master na niya ang pag-handle sa "Supernova heat".
Bago pa man magsimulang umatake ang tangke nina Garry kay Rain ay napansin na ni Rain na aatakhin siya nito, dahil kuminang ang nguso ng tanke matapos nitong tumutok sa pwesto niya. Tinamaan kasi ng sikat ng araw ang nguso ng tangke, kaya ito kuminang. Salamat dito at naalerto siya at sa mga oras na nagpakawala na ng pag-atake yung tangke ay agad ng ginamit ni Rain ang kaniyang phoenix storm. At sa labis na init na taglay ng apoy na bumabalot sa katawan niya ay agad na lusaw ang mga bakal na bumabalot sa bala ng tangke, bago pa man ito tuluyang tumama sa kaniyang katawan. At ang natira na lang sa bala ay ang mga pulbura. Totoong sumabog ang mga ito, ngunit dahil isang phoenix si Rain ay hindi siya tinablan ng mga pagsabog. Invulnerable kasi sa apoy ang mga phoenix. At ganito din ang nangyari sa mga sumunod pang pag-atake sa kaniya. ***
"Imposible! Bakit buhay pa siya?!" Sambit muli ni Garry.
Hindi makapaniwala si Garry sa kaniyang nakita at nalaman, kaya tahimik itong naglakad patungo sa lugar kung saan nakalagay ang kanilang mga anti-myths long ranged weapon. Sa mga oras na ito ay sarado na ang kaniyang pag-iisip, kaya hindi na nito narinig ang huling sinabi ni Noel sa Radio communication device nila.
Ilang sandali pa ay agad kinuha ni Garry ang Anti-myths ripple, na agad din niyang in-assemble. Tahimik naman ang mga sundalo at patuloy na binabatayan ang pagkilos ni Rain sa ngayon.
Mabalik naman tayo kay Rain sa ngayon. Masaya siya dahil nakita na niya si June na papalapit sa kaniya. Sa ngayon ay hindi pa rin inaalis ni Rain ang kaniyang Phoenix storm, dahil marami pa ring mga fighter jets ang umiikot sa kaniyang ibabaw. Makalipas ang walong minutong pagtakbo ni June ay tuluyan na siyang nakalapit kay Rain.
"Rain!" Sigaw ni June.
"Kamusta na?!" Tugon ni Rain.
May sampung hakbang ang layo ni June ngayon kay Rain, dahil hindi pa rin inaalis nito ang kaniyang Phoenix storm.
"Ano Rain, pwede mo bang alisin yang apoy sa katawan mo? Sobrang init kasi kaya hindi ako makalapit. Wag kang mag-alala, hindi naman na sila aatake, dahil nandito ako." Sambit muli ni June.
"Ay oo nga no! *Hehehe! Sorry, sige aalisin ko na." Sambit muli ni Rain.
Ilang sandali pa matapos magsalita ni Rain ay inalis na nga nito ang kaniyang phoenix storm. Samntala, agad namang lumapit si June sa kaniya.
*** SFX: PUUUN! ***
"Alam mo bang pinag-alala mo ako.." Sambit ni June.
Hindi na nagawang matapos ni June ang kaniyang sasabihin, dahil may kung anong tumama sa kaniya. Labis namang nagulat si Rain matapos makalapit ni June sa kaniya. At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang napasandal ito sa kaniya at ilang sandali pa ay sumuka na ito ng dugo. Hindi magawang magsalita ni Rain at napatingin na lang ito sa lugar kung saan hawak-hawak ni June ang isang parte ng kaniyang katawan. Sa mga oras na ito ay nalaman na ni Rain kung bakit biglang nanghina si June, dahil may sugat na ito sa bandang tagiliran ng kaniyang tyan.
"*Arrrgh! *Cough! *Cough! *Ahh.. Bwisit! Ano ba yong tumama sa'kin! *Cough! *Cough!" Sambit ni June.
"Oi June! Ano ang nangyari sayo!? Oi! Oi!" Sambit ni Rain.
Matapos magsalita ni Rain ay may dinukot si June sa kaniyang bulsa at matapos noon ay bumuwal na ito.
"Oi June!" Sambit muli ni Rain.
Sa mga oras na ito ay patuloy sa pagsuka ng dugo si June, kaya hirap na hirap itong magsalita.
"Oi! Magsalita ka!" Sambit muli ni Rain.
Napangiti na lang si June at dahan-dahang iniabot ang bagay na dinukot niya sa kaniyang bulsa kay Rain. Sa labis na pagtataka ay kinuha naman ito ni Rain at kalaunan ay agad tinignan.
"Teka, ganito ang ID ng school na'tin ah. "Eucy Kugelfang"? ID 'to ni Eucy ah!" Sambit muli ni Rain.
Matapos magsalita ay agad umagos ang mga luha ni Rain sa kaniyang mga mata.
"*Hehehe! *Cough! *Cough! *Ahhh! Paki..bigay na lang yan kay Eucy.. Pasensya na ka mo.. *Cough! *Cough! kung matagal kong itinago yan.. *Hehehe.." Sambit ni June.
"*Hahaha! Baliw ang mabuti pa ay ikaw na ang mabigay nito sa kaniya!" Sambit muli ni Rain.
Sa mga oras na ito ay biglang nakaramdam si Rain ng takot, dahil hindi na siya tinugon ni June at dahan-dahan na ring pumipikit ang mga mata nito.
"Oi June! Gumising ka dyan! Wag ka namang magbiro ngayon! June? Tama na yang joke time mo." Sambit muli ni Rain.
Ngunit sa mga oras na ito ay hindi na talaga gumagalaw si June, kaya labis nang natatakot si Rain para sa kalagayan ng kaibigan. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin, kaya agad na lang niyang pinakiramdaman ang pulso nito, ngunit laking gulat niya ng hindi na niya ito maramdaman. Sumunod naman ay inalam niya kung humihinga pa ito, ngunit hindi na ito humihinga pa.
"OI JUNE!!" Sigaw ni Rain.
Mapunta naman tayo sa classroom ng class fire-1. Halos kakatapos lang ng klase niUnice ay biglang nakaramdam ang magkakaibigan ng labis na kalungkutan.
"Teka, ano ito? Bakit ako umiiyak?" Tanong ni Annie.
Agad napalingon si Mark kay Annie at matapos nito ay nagsalita na din siya.
"*Hahaha! Bakit nga ba? *Huh? Bakit umaagos din ang mga luha ko?" Sambit ni Mark.
"*Sob! *Sob! *Sob! Ano itong nangyayari, Mark? Bakit nakakaramdam ako nang sobrang kalungkutan? Ayoko ng feeling na 'to." Sambit muli ni Annie.
"A..a..ako din. Pero hindi ko maintindihan kung bakit." Sambit muli ni Mark.
Ilang sandali pa ay tinawag ni Selina ang kaniyang mga kaibigan. Sabay-sabay namang napalingon ang mga ito at laking gulat ng makita nila si Selina na umiiyak din sa hindi maipaliwanag na dahilan. Sa mga oras na ito ay nagkatinginan ang magkakaibigan at lalo silang nakaramdam ng takot ng makitang lahat sila ay umiiyak.
"Ano 'tong nangyayari?!" Sigaw ni Aron.
Lahat ng kaklase nila ay napatingin kay Aron matapos nitong sumigaw ng napakalakas. Sakto namang pagkatapos sumigaw ni Aron ay biglang bukas ng pinto ng kanilang classroom. Ang atensyon naman ng buong class fire-1 ay nabaling sa nilalang na nagbukas ng pinto, si Rachelle.
"Rain! Nandito ba ang kapatid ko?!" Sambit ni Rachelle.
Matapos magsalita ni Rachelle ay agad naglapitan ang makakaibigan dito at kalaunan ay agad nang nagpaliwanag.
"Bakit umiiyak kayong lahat?" Tanong ni Rachelle.
"Hindi ko na rin po alam eh, pero hindi ko po gusto ang nararamdam kong ito, master." Tugon ni Lina.
"Ganon ba? Pero, nasaan si Rain, Lina? Kaninang umaga ko pa siya hindi nakikita eh." Tanong muli ni Rachelle.
"Pasensya na po kayo master kung hindi po na'min sinabi sa inyo ang plano ni Rain." Sambit muli ni Lina.
"Anong ibig mo sabihin sa plano ni Rain?" Tanong muli ni Rachelle.
"Sasalubungin po kasi ni Rain ngayon ang pwersa ng mga tao, para po makausap si June." Tugon ni Mark.
"Ano?! *Tsk! Bwisit na batang yon! Sige maiwan ko na kayo, pupuntahan ko siya." Sambit muli ni Rachelle.
"Ano, master. Sasama ako! Kinukutuban po kasi ako ng masama eh." Sambit muli ni Lina.
"Kami din po." Sambit ng magkakaibigan.
"Okay sige, pero mauna na kayo at tatawagin ko lang si kuya at matapos noon ay susunod na kami sa inyo." Sambit muli ni Rachelle.
"*Uhm! Okay po!" Tugon ng lahat.
Hindi na nagsalita pa si Rachelle at napangiti na lang ito. Makalipas ang ilang sandali ay agad na ding itong umalis.
"Annie, ang mabuti pa ay maiwan ka na dito. Delikado kasi baka kung mapaano ka pa." Sambit ni Mark.
"Hindi! Sasama ako!" Tugon ni Annie.
"Tama si Mark, Annie. Delikado ito, kaya maiwan ka na dito." Sambit ni Selina.
Nalungkot naman si Annie matapos maisip na posibleng maka-gulo lang siya sa mga kaibigan. Samantala, kanina pa nakatingin ang iba nilang kaklase sa kanila, dahil walang kaalam-alam ang mga ito sa pinag-uusapan ng magkakaibigan. Ngunit ilang sandali pa ay lumapit sa kanila sila Ryan, Sai at Chris.
"Sasama ako sa inyo." Sambit ni Chris.
"Ako din." Masaya namang pagkakasambit ni Sai.
"Mark, hayaan mo akong sumama." Sambits ni Ryan.
"Okay, ang totoo nyan ay kailangan na'min kayo para mapabilis kaming makalabas ng travincial." Sambit ni Selina.
Kahit nagtataka ang iba sa sinabi ni Selina ay hindi na sila tumutol pa sa pagsama ng tatlo sa kanila. Ilang sandali pa nga ay sabay-sabay na silang tumakbo papalabas ng campus. Makalipas ang halos dalawang minuto ay kasalukuyang nasa sila nasa field kanilang campus.
"Chris, Sai at Ryan! Mag-over take na kayong tatlo." Sambit ni Selina.
"*Eh?!" Sambit ng magkakaibigan.
"Okay!" Masayang pagkakasambit naman ni Sai.
"** TAKE OVER! CERBERUS! **" Sambit ni Sai.
"** TAKE OVER! GRIFFON! **" Sambit ni Chris.
"** TAKE OVER! BLACK FENRIR! **" Sambit ni Ryan.
Halos sabay-sabay nag-take over ang tatlo na labis namang ikinagulat ng magkakaibigan, maliban kay Selina at Lina. Sa mga sandaling ito ay agad sumakay si Selina kay Sai. Samantalang kay Chris naman sumakay si Lina.
"Bilis, sumakay na kayo!" Sambit ni Lina.
Sa mga oras na ito ay nakuha nang magkakaibigan ang dahilan ni Selina, kaya agad na din silang sumakay sa tatlo. At matapos noon ay mabilis na silang umalis papalabas ng travincial upang puntahan si Rain.
(Note: Naka sakay sina Selina, Melisa at Aron kay Sai, si Mark at David naman ay nakasakay kay Ryan at si Lina at Alex ay nakasakay naman kay Chris. xD)
Samantala, mabalik kanina kay Garry, matapos nitong mabuo ang isang anti-myths ripple.
"*Fufufu.. Natitiyak kong katapusan mo na sa oras na tamaan ka nang bala nito, Rain Esfalls." Sambit ni Garry.
Matapos makumpleto ni Garry ang kaniyang anti-myths ripple ay agad na itong pumwesto upang maasinta na nito si Rain. Sa mga oras na ito ay iisa lang ang tumatakbo sa kaniyang isipan at ito ay ang mapatay si Rain. Ilang sandali pa ay agad na niyang nasipat sa teleskopyo ng kaniyang baril si Rain. At sa mga sandaling ito ay napangiti siya ng sobrang laki, dahil nawala na ang apoy na bumabalot dito.
"*Tahahaha! Katapusan mo na, Rain Esfalls!" Sambit muli ni Garry.
*** SFX: PUUUN! ***
Biglang nabura ang mga ngiti ni Garry ng biglang litaw ni June sa teleskopyo ng kaniyang baril, nung oras na kinalabit na niya ang gatilyo nito.
"Hindi!" Sambit muli ni Garry.
Dahil walang iniisip si Garry kundi ang mapatay si Rain ay hindi na niya napansin na lumapit pala si June kay Rain. Hindi rin kasi nito inintindi ang huling sinabi ni Noel sa Radio communication devise nila, kaya wala siyang kaalam-alam sa mga ginawa ni June. Hindi na rin siya sinabihan pa ng kaniyang mga sundalo, dahil ang akala ng mga ito ay alam ni Garry na mabilis natumatakbo si June papalapit sa kanilang kalaban.
Samantala, sa pwesto naman nina Noel.
"Sir! May masama pong nangyari sa anak nyo!" Sambit ng isang sundalo.
Labis na nagulat si Noel sa kaniyang mga narinig, kaya agad na siyang nagsalita.
"Ano?! Ano ang nangyari sa anak ko?" Sambit ni Noel.
"Mukhang inatake po siya nung batang lalaki." Sambit muli ng sundalo.
"Ano?!" Sambit muli ni Noel.
Matapos niyang magsalita ay agad niyang inagaw ang binoculars at nakita nito ang duguang likod ng kaniyang anak.
"*Grrrr! Magbabayad kayong mga mythical shaman!" Sigaw ni Noel.
Walang kaalalam-alam sina Noel na si Garry ang tunay na may kasalan kung bakit ngayon sugatan ang kaniyang anak. Hindi nila natukoy ang tunay na nangyari, dahil sa anggulo na nakikita nila. Sakto kasing natatakpan ni June si Rain sa paningin nina Noel, kaya ang akala nila ay si Rain ang may kagagawan ng pinsala ni June ngayon.
Ilang sandali pa ay agad kinuha ni Noel ang kaniyang radio communication devise at ilang sandali pa ay nagsalita na siya dito.
"All units prepare to attack. Now, all of you have the authorization to use our anti-myths weapons. I repeat, all units prepare to attack. All of you have the authorization to use our anti-myths weapons." Sambit ni Noel.
Mapunta naman tayo kina Rain at June. Sa mga oras na ito ay hindi na talaga gumagalaw si June, kaya labis nang natatakot si Rain para sa kalagayan ng kaibigan. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin, kaya agad na lang niyang pinakiramdaman ang pulso nito, ngunit laking gulat niya ng hindi na niya ito maramdaman. Sumunod naman ay inalam niya kung humihinga pa ito, ngunit hindi na ito humihinga pa.
"OI JUNE!!" Sigaw ni Rain.
Ilang sandali pa ay naalala ni Rain na nakakapag pagaling ang kaniyang mga luha, kaya agad na niyang ibinuka ang bibig ni June at dito ay itinapat niya ang kaniyang baba kung saan mabilis na pumapatak ang kaniyang mga luha. Ilang sandali pa ay napangiti na siya matapos makita na mabilis naghihilom ang sugat ni June, kaya masaya na niyang ginising ang kaibigan.
"Oi June! Magaling ka na, kaya tama na yang pagtulog mo dyan!" Sambit ni Rain.
Ngunit sa mga oras na ito ay hindi pa rin gumigising si June, kaya muling pinakiramdaman ni Rain ang pulso nito.
"Hindi maaari! Oi June! Gumising ka!" Sambit muli ni Rain.
Sa mga oras na ito ay wala pa ring pulso si June, hindi pa rin ito humihinga, kaya labis na ang pag-aalalang nararamdam ni Rain. Ilang sandali pa ay may masamang bagay siyang na naisip at dito ay hindi na niyang napigilan ang labis na galit. May bagay kasi siyang naalala na sinabi sa kaniya ng kaniyang kapatid at ni Hades, kaya sa mga oras na ito ay batid na niyang wala na ang kaniyang kaibigan. "Totoong napagaling ang luha ng isang phoenix, ngunit walang kakayan itong maibalik ang buhay ng isang namatay na". Mga eksaktong salitang sinabi sa kaniya ni Hades at ng kaniyang kapatid na si Zeren nung panahong sinasanay siya ng mga ito.
Tahimik ngunit patuloy sa pag-iyak si Rain habang dahan-dahan niyang pinapasan ang kaniyang kaibigan sa kaniyang likuran. Matapos nito ay naglakad na siya pabalik sa travincial. Samantala, hindi malaman ni Noel ang tunay na kalagayan ng kaniyang anak, habang pinagmamasdan niya ito na pasan-pasan ang anak sa likuran nito. Ilang sandali pa ay bigla na lang nawala sa kaniyang paningin si Rain, kaya labis siyang nagtaka.
"Teka?! Saan sila nagpunta?!" Sambit ni Noel.
Mabilis na tumakbo si Rain habang pasan si June at sa sobrang bilis ay halos may tatlong minutong pagtakbo ay narating na nito ang papasok sa loob ng travincial. Dito ay maingat niyang ibinaba si June at nang maihiga niya ito ay ibinalik niya sa mga palad nito ang ID ni Eucy.
"Patawad kaibigan, pero wag kang mag-alala dahil ipaghihiganti kita." Sambit ni Rain.
Matapos nito ay naglakad na pabalik si Rain upang harapin ang pwersa ng mga taong sasalakay sa travincial na kasalukuyan nang umuusad pasulong. Habang siya ay naglalakad ay inilabas na niya ang kaniyang Myth slayer.
"** ENCHANT.. PHOENIX STORM.. **" Sambit ni Rain.
Sa mga oras na ito ay walang paglagyan ang labis na galit si Rain para sa mga taong pumatay sa kaniyang kaibigan. Iisa lang ang nasa isipan niya sa ngayon at ito ay ang paghihiganti.
Chapter end.
Afterwords.
Hello, ayun nakapag-update na.. kung may nalito man po or naguluhan, wag po kayong mahiyang magtanong sa'kin.. ayun.. :3
Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..
Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..
Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..
Susunod.
Chapter 44: Wakas – Galit at pighati.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top