Chapter 40: June Swatzron. Part 2

July 12, CS240. Byernes ngayon ngunit walang klase ang lahat ng freshman, dahil dapat ngayon ang tapos ng kanilang fieldtrip sa mundo ng mga tao. At kahit kulang pa sa tulog ay maagang gumising si Selina upang magtungo sa bahay nina June.

Halos may ilang minuto lang nang makarating niya ito, ngunit naabutan niyang sarado na ang bahay at tila wala ng tao sa loob ng bahay. Makailang beses na din siyang kumatok at sumigaw, ngunit walang taong sumagot sa kaniya. Ilang sandali pa ay may isang tao ang lumabas sa katabing bahay at kinausap siya nito.

"Hello miss, kung hinahanap mo ang mga nakatira dyan, umalis na sila kaninang madaling araw." Sambit ng isang babae.

Labis na nagulat si Selina sa kaniyang nalaman, dahil hindi niya lubos akalaing nasa bahay na pala ang mga magulang ni June nung mga oras na nakausap niya ito.

"*Tsk! Nakakainis! For sure napansin nila na may kakaiba kay June, dahil inutusan ko siyang matulog agad sa pag-uwi niya. Alam na din tyak ni June na may nangyaring kakaiba sa kaniya, matapos niyang makakawala sa kapangyarihan ko. Posible din niyang maalala ang pagkikita na'ming dalawa, bago ko pa gamitin sa kaniya ang kapangyarihan ko. Masama ito, for sure sa mga oras na ito ay nasa mundo na sila ng mga tao." Sambit ni Selina derekta sa kaniyang isipan.

"*Umm.. Miss? Okay ka lang ba?" Sambit muli ng babae.

"Ay sorry po. Opo, okay lang po ako. Sige po mauna na po ako, maraming salamat po." Tugon ni Selina.

Matapos magsalita ni Selina ay naglakad na nga ito pabalik, ngunit sandali siyang huminto at kalaunan ay naghanap ng lugar na posibleng hindi daanan ng sinuman. Nagtungo siya sa isang liblib na lugar at kung saan may mga puno. Dito ay agad na niyang inilabas ang kaniyang telepono at kalaunan ay tinawagan si Zilan, upang ipaalam dito ang kaniyang mga nalaman.

"Hello, Selina?" Sambit ni Zilan.

"Master Zilan. Pasensya na po, nagkamali po ako." Sambit ni Selina.

"Bakit? Ano ang problema?" Tanong ni Zilan.

"Kilala ko na po ang mga espiya at sila po ang mga magulang ng kaklase kong si June Swatzron." Sambit muli ni Selina.

"Talaga? *Tsk! Magaling kung ganon, nalaman mo na ba ang kanilang plano?" Sambit muli ni Zilan.

"Patawad po, pero huli na po ng malaman ko ang lahat. Kaninang madaling araw ko lang po natuklasan ang mga ito. Nagduda po kasi ako sa ikinikilos ng kaibigan kong ito matapos ko pong makitang kinausap siya nung isa sa mga taong sumalakay sa'min sa may bundok. Kaga-galing ko lang din po sa bahay nila ngayon, pero mukhang wala na po sila dito sa loob ng travincial." Sambit muli ni Selina.

"*Tsk! Ang mga taong yon! Kamusta na nga pala ang paghahanap sa kapatid ko? Natagpuan na ba siya?" Sambit muli ni Zilan.

"Wala pa po kaming balita tungkol kay Rain. Pasensya na po." Tugon muli ni Selina.

"Ganon ba. Wag kang masyadong mag-alala, nandoon si Tyki para hanapin din si kuya. Isang phoenix ang kapatid ko, kaya hindi siya mamamatay ng basta ganon lang." Sambit muli ni Zilan.

"Alam ko po. Pasensya na po ulit at maraming salamat." Sambit muli ni Selina.

"Sige, mag-iingat ka." Sambit muli ni Zilan.

Matapos makipag-usap ni Selina ay nagsimula na siyang maglakad papauwi. Samantala, kasalukuyan ng nasa byahe at nasa labas na din sina June ng travincial, kasama ang kaniyang ina. At katulad ng mga naisip ni Selina kanina ay nalaman na ni June at naalala nito ang mga nangyari kaninang madaling araw.

"Sorry guys, hindi nyo na ako makikita pa." Sambit ni June derekta sa kaniyang isipan.

"June? Okay ka lang ba anak?" Tanong ng kaniyang ina.

"Opo, okay lang po ako, Ma." Tugon ni June.

Hindi na muling nagsalita pa ang ina ni June, ngunit batid nito na malungkot ang kaniyang anak. Hanggang sa ngayon kasi ay galit pa rin si June, dahil nagawang magsinungaling ng kaniyang mga magulang sa kaniya at pinag-aral siya ng mga ito sa travincial, upang magkaroon sila ng dahilan para magawa nila ang kanilang mga trabaho. At ito ay ang pag-eespiya.

Hapon na ng makarating sina June sa dati nilang bahay sa Villa Socorro. Nagkataon naman ng araw na ito ay naka day-off si Rio sa trabaho. At habang naglalakad siya dala ang kaniyang mga pinamili ay hindi niya inasahang makita si June na sakay ng isang saksakyan kasama ang ina nito. Patungo ang sasakyang nakita niya sa daan papunta sa kanilang lugar.

"Teka si June yon at ang Mama niya ah." Sambit ni Rio.

Batid ni Rio na ang ina ni June ang kasama nito, dahil hindi naman magkalayo ang kanilang bahay sa dating bahay nina June. Sa labis na pagtataka ay nagmadali na itong naglakad papauwi. Mga ilang bahay lang naman ang pagitan ng dating bahay nina June sa bahay nila, kaya umuwi muna ito para maibaba ang kaniyang mga binili.

Makalipas lang ang ilang minuto ay agad ng lumabas ng kanilang bahay si Rio at nagmadali na itong nagtungo sa dating bahay nina June na sa ngayon ay abandonado. Agad nakita ni Rio si June na halos kakalabas lang ng bahay, kaya nagmadali na siyang lumapit dito.

"June!" Sigaw ni Rio.

Nagulat si June matapos niyang lumingon, dahil nakita niya si Rio na mabilis na tumatakbo papalapit sa kaniya.

"Yoh!" Tugon ni June.

Agad napayuko at kalaunan ay napahawak sa kaniyang dalawang tuhod si Rio, matapos niyang makalapit kay June.

"*Haaaa! Kamusta? Totoo ba yung nabalitaan ko sa T.V?" Tanong ni Rio.

"Balita? Bakit anong balita ba ang napanood mo?" Tanong ni June.

"Ay! Hindi mo nga pala napanood ang binalita kaninang umaga sa T.V.. Lumabas sa T.V. ang Papa mo kanina at sinabi niyang siya daw tapos yung Mama mo ang namamalaha sa mga Anti-myths something. Totoo ba ang mga yon?" Sambit muli ni Rio.

Sandaling natahimik si June at kalaunan ay napayuko matapos marinig ang mga sinabi ni Rio.

"June? Okay ka lang ba?" Tanong muli ni Rio.

"*Uhm! Okay lang ako." Tugon ni June.

"So, totoo nga ang mga balita kanina? Yung karumal-dumal na nangyari dun sa mount Olympus kahapon, totoo bang gawa yon ng mga kauri ni Mark? Yung mga tinatawag na Mythical shaman." Sambit muli ni Rio.

"*Uhm! Totoo nga ang mga yon at kung naalala mo ay nag-fieldtrip kami dito kama-kailan lang." Sambit muli ni June.

Biglang nanglaki ang mga mata ni Rio matapos marinig ang mga sinabi ni June, agad kasing pumasok sa isipan niya na posibleng kasama sina Mark sa mga nilalang na pumatay sa mga sundalo, doon sa tuktok ng bundok Olympus.

"Kung ganon, kasama sina Mark sa mga pumatay sa mga sundalo dun sa bundok?" Tanong ni Rio.

"Nandon nga kami, pero hindi pumatay si Mark nang kahit sino at sinubukan pa niyang pigilan ang iba na'ming mga kaklase sa pakikipaglaban. Pero.. ang totoo nyan, sina Papa at ang mga sundalo nila ang nagsimula ng lahat. Nandoon kami para lang mag-enjoy at hindi para makipaglaban o manakop, pero laking gulat na lang na'min ng tambangan kami ng mga sundalo at nagsimula na nga silang magpaulan ng mga bala. Mabuti na lang at hindi nasaktan ang kaibigan na'ming si Annie, kundi natitiyak kong uubusin ni Mark ang lahat ng mga sundalong nandon. Ipinagtanggol lang ng mga kaibigan ko ang kanilang mga sarili, pero ang iba talaga sa mga kaklase ko ay sandyang mararahas, katulad na lang ni Ryan na isa sa mga umubos sa mga sundalo." Sambit muli ni June.

"Si Ryan? Grabe talaga ang lalaking yon! Kahit noon pa man ay hindi ko na talaga gusto ang ugali niya! Pero teka, kaya ba kayo umuwi dito dahil hindi na kayo pwedeng magtagal sa travincial?" Sambit muli ni Rio.

"*Uhm! Sa ngayon natitiyak kong alam na ng buong travincial ang tunay na kulay ng pamilya ko. At lahat siguro sila ay galit na galit sa'kin." Sambit muli ni June.

"Hindi yan totoo, June. For sure nag-aalala ang mga kaibigan mo sayo. Ang kinakatakutan ko lang sa ngayon ay yung gagawing pagsugod ng mga forces na'tin, plus yung other country sa travincial. Hindi kaya sobrang delikado yung gagawin nilang pag-salakay?" Sambit muli ni Rio.

"Sa Friday, July 19. Ang araw ng paglusob nina Papa sa travincial." Sambit muli ni June.

"Ano?! Ang bilis naman! Dapat malaman na ito ni Mark!" Sambit muli ni Rio.

"Wag! Please wag mo muna itong sabihin kina Mark. Nawawala pa kasi ang kaibigan na'min sa ngayon, kaya kung maaari ay wag mo muna itong ipaalam sa kanila hangga't hindi pa nila nakikita si Rain. Ayoko kasing may alalahanin pa silang iba sa ngayon." Sambit muli ni June.

"Rain? Yung friend mong may pulang buhok? Tama ba?" Tanong muli ni Rio.

"Tama. Nahulog siya sa bangin matapos niyang iligtas yung nakalaban niyang sundalo sa bundok. Sa tingin ko ay hindi pa rin siya nakikita sa ngayon, dahil kung nagbalik na si Rain ay tatawag or magtetext agad sa'kin ang mga kaibigan ko. Pero hanggang sa ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na balita." Sambit muli ni June.

"Okay sige, nauunawaan ko. Hihintayin ko na lang na tawagan ako ni Mark." Sambit muli ni Rio.

"Maraming salamat. Sige aalis muna ako, gusto ko kasing mapag-isa sa ngayon." Sambit muli ni June.

"Okay. Pero magpalitan muna tayo ng contact number." Sambit muli ni Rio.

Matapos magsalita ay tahimik na ibinigay ni June ang kaniyang contact number kay Rio. Agad din namang ibinigay ni Rio ang kaniyang contact number kay June matapos niyang makuha ang numero nito. At matapos nito ay agad na ngang naglakad papalayo si June. Hindi niya alam kung saan siya magtutungo sa ngayon, ngunit gustong-gusto muna niyang maglakad at mapag-isa. Sobrang hirap ng kalagayan niya sa ngayon, dahil hindi niya matanggap ang katotohanan na ganong klaseng mga tao ang kaniyang mga magulang.

Samantala, sa loob ng bahay nina June. Kasalukuyang nag-uusap ang mga magulang ni June sa telepono.

"Hon, kamusta na ang anak na'tin?" Sambit ni Noel.

"Galit pa rin siya, Papa." Tugon ni Sharon.

"Okay lang yon. Bukas ako na ang bahalang kumausap sa kaniya." Sambit muli ni Noel.

"*Uhm! Kamusta na nga pala ang naging meeting nyo?" Sambit muli ni Sharon.

"Okay na ang lahat. Tuloy na talaga ang planong pagsugod sa susunod na byernes. Sigurado na ang tagumpay na'tin." Sambit muli ni Noel.

"Mabuti naman kung ganon. Kita na lang tayo bukas, Papa." Sambit muli ni Sharon.

"Sige.. Ingat kayo dyan, love you." Sambit muli ni Noel.

"*Uhm! Ikaw din, mag-ingat ka dyan. Love you too." Sambit muli ni Sharon.

Mabalik tayo kay June. Kasalukuyan siyang nakaupo sa isang upuan sa isang waiting shed na malapit sa kanilang dating paaralan. Tahimik lang siya habang malungkot na pinanood ang mga dumadaang sasakyan. Nag-iisip kung papaano niya haharapin ang kaniyang mga kaibigan sa oras na magkita silang muli. Ilang oras pa ang lumipas ay napagdisisyonan na niyang umuwi. At habang naglalakad ay naisipan nitong tawagan si Rio.

"Hello, Rio." Sambit ni June.

"Oi June. Bakit napatawag ka?" Tugon ni Rio.

"Gusto ko lang ipaalam sayo na sasama ako kina Mama at Papa sa gagawin nilang pagsugod sa travincial sa susunod na byernes." Sambit muli ni June.

"Anoh?! Nababaliw ka na ba?! Mapanganib yang gagawin mo!" Sambit muli ni Rio.

Hindi na nagawang tugunin ni June si Rio, dahil agad na nitong pinutol ang ginawa niyang pagtawag sa telepono.

"Pasensya na, pero kailangan kong harapin muli ang mga kaibigan ko." Sambit ni June.

Kinabukasan. Sa paglabas ni June nang kaniyang kwarto ay sandali siyang napahinto matapos makita ang kaniyang ama. At kasalukuyan itong umiinom ng kape sa may hapagkainan. Agad naman siyang binati nito, ngunit hindi naman niya ito pinansin at agad ng natungo sa banyo. Sa paglabas niya ay agad na siyang nagtungo sa hapagkainan upang kausapin ang kaniyang ama.

"Papa. Gusto ko pong sumama sa gagawin nyong pagsugod sa travincial." Sambit ni June.

Sandaling natahimik si Noel matapos magsalita ang kaniyang anak. Ngunit sa mga oras na ito ay hindi niya mapipigilan ang kaniyang anak, dahil nakikita sa mga mata nito na seryoso siya sa kaniyang mga sinabi.

"Okay nauunawaan ko. Patawad anak kung lahat ng masasayang alala mo sa loob ng travincial ay masisira ng dahil lang sa'min." Sambit ni Noel.

"Wag po kayong mag-alala, okay lang ako. Sasama po ako para tumulong sa inyo, hindi po para pigilan kayo." Tugon ni June.

"Ganon ba? Maraming salamat anak at nauunawaan mo na ang ipinaglalaban na'min. Sobrang mapanganib ang mga Mythical shaman at hindi ko sila mapapatawad sa pagkuha sa nakakatanda mong kapatid. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para makaganti sa kanila." Sambit muli ni Noel.

Sa mga sandaling ito ay sandaling natahimik si June at bakas sa kaniyang mukha ang labis na pagkagulat.

"Nakatatanda kong kapatid? Ano pong ibig sabihin nyo, Papa?" Tanong ni June.

"Two years old ka pa lang noon at mga pitong taon na ang ate mong si April nang atakehin kami ng mga mythical shaman. Kinuha siya ng mga halimaw na yon sa'min at nang mga araw na yon ay isinumpa ko na sila." Tugon ni Noel.

"Kung ganon, may ate pala ako? Bakit ngayon nyo lang po ito sinabi sa'kin?!" Sambit muli ni June.

"Patawad anak, ayaw kasi na'ming maalala ang masakit na pangyayaring yon, kaya hindi na na'min ito sinabi pa sayo." Sambit ni Sharon.

"So ang pagkawala ng kapatid ko ang dahilan kung bakit nyo sinugod ang mga kaklase ko at pati na din ako dun sa bundok ng Olympus?!" Sambit muli ni June.

"Tama, pero lahat ng mga sundalo na'min ay kilala ka at ang iba pang mga taong kasama don sa fieldtrip nyo. Lahat ng inatake ng aking mga units ay mga pawang mythical shaman, kaya walang nasaktang mga tao sa nangyaring paglalaban." Tugon ni Noel.

"*Hahahaha! Nauunawaan ko na! Ganon pala kung bakit ganito ang mga trabaho nyo. *Hahahaha!" Sambit ni June.

Sa mga sandaling ito ay hindi na napigilan ni June ang kaniyang mga luha at ilang sandali pa ay mabilis na itong umagos sa kaniyang mga mata. Agad naman siyang niyakap ng kaniyang ina at kalaunan ay muling nagsalita.

"Sorry anak. Wag mo nang pilitin ang sarili mong sumama sa'min. Alam na'ming mahirap para sayo ang gagawin na'min. Pero ang lahat ng ito ay para sa kapatid mo." Sambit muli ni Sharon.

"Sasama po ako, Mama. Maraming bagay po ang dapat kong ayusin." Sambit muli ni June.

Chapter ends.


Afterwords

Hello! Ayun! Sorry kung medyo late yung pag-publish ko.. napa dota2 kasi ako kanina eh.. nakalimutan kong mag-UD day na nga pala ngayon.. haha.. baka po bukas ko na i-update yung para sa extra chapter.. :3

Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..

Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..

Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..

Susunod.

Chapter 41: Sorcerer at Sorceress – ang mga lumikha.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top