Chapter 39: June Swatzron
July 12, CS240. Madaling araw ng mga oras na ito at halos kararating pa lang ng mga bus sa Odin city. Agad dumeretso ang mga bus sa loob ng Olympus university at doon na nga nagbabaan ang mga laman nitong istudyante.
Sa tulong ng kapangyarihan ni Krystine at nang iba pang mythical shaman ng elf ay kasalukuyan ng magaling ang mga sugatang istudyante. Ang ibang istudyante ay labis na galit ang naramdaman para sa mga tao, dahil nawalan sila ng mga kaibigan/minamahal. Ngunit ang galit nilang ito ay para lang sa mga taong hindi nakatira sa loob ng travincial.
Kahit mabuti na ang kalagayan ng mga sugatan ay agad pa rin silang sinuri ng mga nurse-elf ng naturang paraalan. Samantala, kasalukuyang magkakasama ang magkakaibigang; Mark, June, Aron, David, Alex, Selina, Lina, Annie at Melisa. Ngunit sa mga oras na ito ay tahimik at tulala pa rin si June na kanina pa napapansin ni Selina magmula ng nasa byahe sila.
"June, may masakit ba sayo? Kanina ka pa kasi hindi nagsasalita eh. Okay ka lang ba?" Tanong ni Melisa.
"*Ahh! Oo, okay lang ako. Don't mind me." Tugon ni June.
"Okay.. mabuti naman kung ganon." Sambit muli ni Melisa.
Matapos magsalita ni Melisa ay napansin naman nito si Lina na mukhang may dinadamdam din, kaya tinanong niya din ito.
"*Umm.. Lina? Okay ka lang din ba? May masakit ba sayo?" Tanong ni Melisa.
Biglang nanlaki ang mga mata ni Melisa matapos makita ang galit na ekspresyon sa mukha ni Lina, kaya napaatras ito at ilang sandali pa ay muli na siyang nagsalita.
"Li..Li..Lina? O..o..okay ka lang ba?" Tanong muli ni Melisa.
"*Grrrr! Hindi ko mapapatawad ang mga taong yon sa oras na may mangyaring masama kay Rain." Sambit ni Lina.
Agad namang napatingin ang magkakaibigan kay Lina matapos nilang marinig ang mga sinabi nito.
"Wag kang mag-alala Lina. For sure okay na okay lang si Rain." Sambit ni Mark.
"Oo nga. Baka nakakalimutan mo kung gaano kalakas si Rain?" Sambit ni Aron.
"Sang-ayon ako sa kanila, natitiyak kong nasa ligtas na kalagayan si Rain." Walang emosyong pagkakasambit ni Alex.
"Pero bakit hindi pa rin siya nakita ni master?! Hindi nyo ako mauunawaan, dahil hindi naman kayo lumaki kasama siya." Sambit muli ni Lina.
Sandaling natahimik ang magkakaibigan matapos marinig ang mga sinabi ni Lina sa kanila.
"Sandali lang Lina, kahit hindi kami kasabay na lumaki ni Rain ay nagkakamali ka, kung akala mong hindi kami nag-aalala para sa kaniya. Tulad mo ay sobra din kaming nag-aalala, pero naniniwala kaming nasa ligtas si Rain. Dahil kaibigan na'tin siya." Sambit ni Selina.
Bigla namang napayuko si Lina at sandaling natahimik matapos marinig ang mga sinabi ni Selina sa kaniya.
"Pasensya na kayo. Masyado lang kasi akong nag-aalala para kay Rain." Sambit muli ni Lina.
Sa pagkakataong ito ay agad nilapitan ni Selina si Lina at nang makalapit ay agad niya itong niyakap.
"Wag kang mag-alala, isang phoenix si Rain. Baka nga lumipad lang yung bugok na yon, kaya hindi siya nakita ni miss Rachelle. Natitiyak kong ligtas siya at posibleng minaman-manan niya ang mga sumalakay sa'tin sa ngayon." Sambit muli ni Selina.
Napaiyak na lang si Lina matapos marinig ang mga sinabi ni Selina at matapos noon ay nagsalita na siyang muli.
"*Uhm! Pasensya na talaga." Tugon ni Lina.
Napangiti na lang ang magkakaibigan matapos makitang napakalma ni Selina si Lina. Ngunit si June na kasalukuyan pa ring tahimik at mukhang may malalim na iniisip. Ilang sandali pa ay bumitiw na sa pagkakayap si Selina, dahil labis-labis na ang pagtataka nito sa mga ikinikilos ni June ngayon.
Makalipas ang mga labing apat na segundo ay tumayo si June sa kaniyang inuupan at matapos noon ay nagsimula na siyang magsalita.
"Guys, mauna na akong umuwi sa inyo ah. Nagtext na kasi si Mama sa'kin at nag-aalala na siya, kaya mauna na akong umuwi." Sambit ni June.
"Okay, nauunawan na'min. mag-ingat ka na lang sa pag-uwi mo." Sambit ni Mark.
"Sige, mauna na ako." Sambit muli ni June.
Matapos magsalita ay agad na ngang naglakad papalabas ng campus si June.
"Mukhang nag-uuwian na din ang iba ah. Paano mauna na din ako, mag-usap-usap na lang tayo sa telepono." Sambit ni Mark.
"*Uhm! Tama, tsaka inaantok na rin ako." Sambit ni Annie.
"Sige, umuwi na din tayo." Sambit ni Selina.
"Annie, hatid na kita sa bahay nyo." Sambit muli ni Mark.
"*Uhm! Maraming salamat." Tugon ni Annie.
Matapos mag-usap ay sabay-sabay na ngang naglakad ang magkakaibigan papalabas ng campus. At nang makalabas na sila ay naghiwa-hiwalay na sila ng landas.
Habang sabay na naglalakad sina Selina at Melisa.
"Melisa, mauna ka ng umuwi ah. May pupuntahan lang ako sandali." Sambit ni Selina.
"Okay. Pero saan ka naman pupunta?" Sambit ni Melisa.
"Importante lang ito, may nakalimutan ako sa campus eh." Tugon ni Selina.
"*Hmmm.. Okay." Sambit muli ni Melisa.
Matapos mag-usap ay bumalik si Selina patungong campus at agad itong nagmadali upang habulin si June.
"*Tsk! June, ano ba talaga ang nangyayari sayo! At ano ba yung mga sinabi nung Garry na yun!" Sambit ni Selina derekta sa kaniyang isipan.
Mabilis na tumakbo si Selina sa daang tinahak ni June papauwi at ilang sandali pa nga ay nakita na niya itong mabagal na naglalakad, kaya agad na niya itong tinawag.
"June!" Sigaw ni Selina.
Agad napahinto si June at agad nilingon ang babaeng tumawag sa kaniya.
"Selina?" Sambit ni June.
Agad nilapitan ni Selina si June at nang tuluyan ng makalapit ay agad niyang hinawakan ang mga braso nito.
"Teka Selina, bakit ba?" Tanong ni June.
Hindi na nagawang tumugon ni Selina kay June, dahil agad na itong kumanta ng hindi maunawaang nota. Labis ang pagkagulat ni June, dahil batid niya na ginagamit ni Selina ang kapangyarihan nito sa kaniya.
"Teka, anong klaseng kanta yan? Kahit hindi ko maintindihan ay ang sarap niya sa tenga." Sambit muli ni June.
Hindi pa rin tinutugon ni Selina si June at ipinagpatuloy lang nito ang kaniyang pagkanta. Hanggang sa ilang sandali pa ay sumailalim na ito sa kaniyang kapangyarihan.
"Ngayon June. Sabihin mo sa'kin kung ano ang sinabi sayo ni Garry kanina, bago pa tayo umalis ng hagoweigh." Sambit ni Selina.
"Masusunod po. Sinabi sa'kin ni Garry na ang mga magulang ko ang may utos sa nangyaring pagsalakay ng mga tao sa'tin. At sinabi din niya na kaya kami lumipat dito sa loob ng travincial ay para mag-espiya ang mga magulang ko dito." Tugon ni June.
Labis na nagulat si Selina sa nakaniyang mga narinig, kaya sandali siyang natahimik.
"*Tsk! Bakit kasi naging kampante ako nung malaman kong wala kang alam sa mga taong hinahanap ko." Sambit muli ni Selina.
*** Flashback! XD ***
June 24, CS240, araw ng lunes at ito ang araw na na-kidnap si Selina at dinala sa lugar kung saan nagkukuta ang Yami clan. Kasalukuyang nag-uusap sina Selina at Zilan sa mga oras na ito at halos patapos na din sila.
"Kung ganon, yun pala ang plano at dahilan kung bakit na buo ni Zenon ang Yami clan?" Tanong ni Selina.
"Tama, ganon talaga ang pakay ng clan na ito. At sana naman ay tulungan mo kami upang maisakatuparan ang aming mga plano." Sambit muli ni Zilan.
Sandaling natahimik si Selina at kalaunan ay napa-isip.
"Okay! Nauunawaan ko po, pero sa paanong paraan ako makakatulong sa inyo?" Sambit muli ni Selina.
Ikinatuwa ni Zilan ang kaniyang mga narinig, kaya agad na itong nagpasalamat.
"Maraming salamat, miss Selina. Ang totoo nyan, napag-alaman na'ming may mga espiya ang gobyerno ng mga tao dito sa loob ng travincial. At ang trabaho nila ay pag-aralan ang mga lakas at kakayahan ng bawat mythical shaman." Sambit muli ni Zilan.
"Teka, labag sa batas ng travincial ang pagpapakalat ng mga imporsyon ng mga mythical shaman sa mundo ng mga tao ah!" Sambit muli ni Selina.
"Tama ka at kaya nila ginagawa ito ay dahil naghahanda na sila para kalabanin ang mga mythical shaman. May nakalap na rin kaming impormasyon na may ginagawang mga sandata ang mga tao laban sa sa'tin, kaya kailangan na'min ng tulong mo." Sambit muli ni Zilan.
Ikinagulat ni Selina ang kaniyang mga narinig at sandali muling natahimik. Makalipas ang ilang mga sandali ay nagsalita na siyang muli.
"Papaano ko naman po kayo matutulungan?" Tanong muli ni Selina.
"Nais ko sanang alamin mo ang mga espiyang ipinadala ng gobyerno ng mga tao, dito sa loob ng travincial. At kapag nahanap mo na sila ay gamitin mo ang kapangyarihan mo sa mga ito, upang malaman na'tin ang kanilang mga plano." Tugon ni Zilan.
"Pero masyadong malaki ang travincial! Imposibleng mahanap ko ang mga espiyang sinasabi mo." Sambit muli ni Selina.
"Wag kang mag-alala, dahil may listahan na kami ng mga pinaghihinalaan na'ming mga espiya ng gobyerno ng mga tao at ang mga ito ay nasa loob ng Odin city." Sambit muli ni Zilan.
Matapos magsalita ay may inabot na mga papeles si Zilan. Agad naman itong kinuha ni Selina at kalaunan ay tiningnan ang mga nakasulat sa bawat papel.
"Ito ba ang mga taong pinaghihinalaan nyo?" Tanong ni Selina.
"Oo." Tugon ni Zilan.
Hindi muna nagsalita si Selina, dahil patuloy pa rin ito sa pagbabasa sa mga impormasyong nakasulat sa mga papeles na ibinigay sa kaniya. Medyo madami din ang mga papeles at sa tantsa niya ay mga nasa tatlumpong katao ang mga ito. Ngunit may isang papeles ang agad pumukaw sa kaniyang atensyon at matapos noon ay agad na itong nagsalita.
"Ang isang ito, imposibleng isa siyang espiya, dahil siya ay isang mythical shaman na tulad na'tin." Sambit ni Selina.
Matapos magsalita ay agad inabot ni Selina ang papel na tinutukoy niya. Agad naman itong kinuha ni Zilan at kalaunan ay agad binasa ang pangngalan.
"Rachelle Esfalls?" Sambit ni Zilan.
"*Uhm! Siya ang kumupkop kay Rain, ay kay Zenon pala. At ang tunay niyang pangngalan ay Raziel Draken." Sambit muli ni Selina.
"*Hahahaha! Kaya pala pamilyar ang kaniyang mukha sa'kin! Kung ganon, may kakayahan pala ang mga earth dragon na pabatain ang kanilang katawan. *Hmm.. Interesting." Sambit muli ni Zilan.
"Ganon na nga po. *Hehehe.." Sambit miuli ni Selina.
Ilang sandali pa ay inayos na ni Selina ang mga papeles na ibinigay sa kaniya, dahil balak nitong iuwi ang mga ito at doon na lang basahin sa kaniyang kwarto. Ngunit habang inaayos niya ang mga papales ay may isang papel ang nahulog. Agad naman niya itong pinulot, ngunit laking gulat niya matapos mabasa at makita ang larawan ng nasa papel.
"Imposible!" Sambit ni Selina.
Agad naman nagtaka si Zilan at kalaunan ay tinanong si Selina.
"Bakit Selina? Kilala mo rin ba kung sino ang nasa papel na yan?" Tanong ni Zilan.
"*Uhm!" Tugon ni Selina.
Ilang sandali pa ay agad kinuha ni Zilan ang papel at kalaunan ay tiningnan niya ito.
"June Swartzron? Kilala mo siya?" Sambit muli ni Zilan.
"*Uhm!" Tugon muli ni Selina.
"Sa tingin mo ba ay hindi siya yung taong hinahanap na'tin?" Tanong muli ni Zilan.
"Opo, kaibigan ko po ang taong yan at isa siya sa mga kaklase ko. Madaldal, masiyahin, palabiro, maloko at matakaw po siya at sa tingin ko po ay imposibleng isa siyang espiya." Tugon ni Selina.
"*Hmm.. Ganon ba? Pero wag mo pa ring palampasin ang taong ito, dahil hindi na'tin alam baka isa na siya sa mga hinahapan na'tin. Wala namang mawawala kung sakaling hindi siya ang taong hinahapan na'tin, kaya wala kang dapat ipag-alala." Sambit muli ni Zilan.
"Nauunawaan ko po." Tugon muli ni Selina.
Matapos mag-usap ay umuwi na si Selina, dala ang mga papeles na ang laman ay mga impormasyon ng mga taong pinaghihinalaang espiya ng gobyerno ng mga tao.
Makalipas ang dalawang araw. July 26, CS240. Absent ng araw na ito si Mark, dahil nagtungo ito sa kanilang bahay na nasa loob ng Gaia city.
Matapos ang lahat ng klase ay sabay-sabay naglakad papalabas ng campus ang magkakaibigan at agad naghiwa-hiwalay matapos makalabas ang mga ito. Samantalam, agad sinundan ni Selina si June nang palihim at nang wala ng tao/mythical shaman sa paligid ay agad na niya itong tinawag.
"June!" Sigaw ni Selina.
Agad namang napahinto si June at mabilis na napalingon.
"*Oh! Ikaw pala Selina. Bakit? May gusto ka bang sabihin? *Pause! Teka! Wag mong sabihin." Sambit ni June.
Bigla namang nagulat si Selina sa naging reaksyon ni June sa kaniya, kaya labis itong napaisip.
"Bakit ganito ang reaksyon ni June? Totoo nga kayang isa siyang espiya?" Sambit ni Selina derekta sa kaniyang isipan.
"*Hah? Anong wag kong sabihin, June?" Tanong ni Selina.
"Wag mong sabihing hinabol mo ako para ipagtapat mo na sa'kin ang tunay mong pag-ibig?! Pero wag kang mag-alala, dahil hindi naman kita ba-bastedin." Tugon ni June.
Biglang nagpantay ang mga tenga ni Selina at halos mag dikit na ang kaniyang mga kilay sa labis na pagkairita at galit, matapos marinig ang mga sinabi ni June sa kaniya. At dahil sa labis niyang pagkainis ay sinimulan na niyang patunugin ang kaniyang mga daliri sa kamay.
*** SFX: *Crunch! *Crunch! *Crunch! *Crunch! *Crunch! *Crunch! *Crunch! ***
"Ulitin mo nga ang sinabi mo, June?" Sambit muli ni Selina.
Bakas sa tono ng pagkakasambit ni Selina na handa na itong pumatay. Samantala, agad kinabahan si June at kalaunan ay labis na pinagpawisahan, matapos makaramdam ng panganib
"*Umm! Ano, Selina. Nagbibiro lang ako, pero kung totoo ang mga sinabi ko ay willing naman akong maging boyfriend mo. *He..Hehe.." Sambit muli ni June.
"In your dreams! You idiot!" Sigaw ni Selina.
*** SFX: TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU TU PAK! PAK! PAK! BOOOOOOM! K.O! 100 HITS COMBO! ***
Halos mamatay na si June matapos siyang paulanan ng isang daang sipa ni Selina. At sa ngayon ay kasalukuyan siyang nakasandal sa isang pader, kung saan siya tumilapon.
"Ngayon may dahilan na ako para gamitin sayo ang kapangyarihan ko!" Sambit muli ni Selina.
Napaiyak na lang si June habang pinagmamasdan ang mabagal na paglapit ni Selina sa kaniya.
"*Arrrgh! Sorry na Selina! Nagbibiro lang talaga ako! *Cough! *Cough! *Cough! Please! Sorry na!" Sambit ni June.
Ngunit hindi pa rin tuluyang nawawala ang pagkainis ni Selina kay June, kaya habang naglalakad siya papalapit ay nagsimula na siyang kumanta. Hindi maunawaan ni June ang mga bawat titik sa kinakanta ni Selina, ngunit hindi niya mapigilang ito ay pakinggang, dahil sobrang ganda ng himig na narirnig niya. Ilang sandali pa ay tuluyan nang sumailalim sa kapangyarihan ni Selina si June.
"June, tumayo ka." Sambit ni Selina.
Agad namang tumayo si June at nang makatayo na siya ay muli nang nagsalita si Selina.
"Isa ka bang espiya ng mga tao para magmatyag sa amin?" Tanong ni Selina.
"Hindi po at wala po akong alam sa mga itinatanong mo sa'kin." Tugon ni June.
"Mabuti naman kung ganon, eh ang mga magulang mo? Sila ba ay mga espiya?" Tanong muli ni Selina.
"Hindi ko po alam, pero nagta-trabaho po sila dito sa loob ng Odin city." Tugon muli ni June.
"*Hmm.. Siguro hindi naman mga espiya ang mga magulang mo, kaya makakauwi ka na at kalimutan mo na din ang pag-uusap na'ting ito sa oras na makapasok ka na sa bahay nyo." Sambit muli ni Selina.
"Masusunod po." Tugon muli si June.
At matapos ngang magsalita ni June ay naglakad na ito papaauwi sa kanilang bahay. Samantala, naglakad na din papauwi si Selina.
Makalipas ang sampung minuto ay narating na ni June ang kanilang bahay. Sa pagpasok niya sa loob ay bigla na lang itong nagtaka.
"Teka, nasa bahay na ako? Paanong nangyari yon? Kanina lang naglalakad ako ah, tapos nandito na agad ako? Weird ah, pero bakit parang ang sakit naman ng buong katawan ko? *Hmm.. Nevermind na nga lang. Mama! Nakauwi na po ako!" Sambit ni June.
Samantala, habang naglalakad naman si Selina pauwi sa kanilang bahay.
"Mabuti naman at hindi sina June ang mga espiyang hinahanap ko. Ngayon makakahinga na ako nang maluwag." Sambit ni Selina.
*** Flashback end's here xD ***
Mabalik tayo sa kasalukuyan. Hindi pa rin makapaniwala si Selina sa kaniyang nalaman, kaya nagtanong na muli siya June.
"Nasa bahay nyo ba ang mga magulang mo?" Tanong ni Selinas.
"Sa totoo lang ay hindi ko alam. Malaki ang posibilidad na nasa mundo sila ng mga tao ngayon." Tugon ni June.
"*Tsk! Tama nga si June, sa mga oras na ito ay natitiyak kong nasa mundo ng mga tao ang parents niya. At posibleng bukas pa babalik ang mga ito upang kausapin ang kanilang anak." Sambit ni Selina derekta sa kaniyang isipan.
"Sige makakauwi ka na at sa pag-uwi mo ay matulog ka na agad. Kalimutan mo na din itong naging pag-uusap na'ting dalawa." Sambit muli ni Selina.
"*Uhm! Masusunod po." Tugon muli ni June.
Matapos magsalita ni June ay nagsimula na nga itong maglakad papauwi. Samantala, nagsimula na ding maglakad si Selina pabalik sa kanilang bahay.
Chapter end.
Afterwords
Hello! Ayun! Medyo nagflash back ako, pero sa ngayon ay tungkol kasi kay June ito, kaya ayun.. Yung date nga pala ng story ngayon ay "July 17, CS240" two days before the war.. :3
Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..
Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..
Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..
Susunod
Chapter 40: June Swatzron. part 2
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top