Chapter 38: Masamang balita - Nagbabadyang gyera.
July 16, CS240. Tanghali ng araw na ito at kasalukuyang kumakain ang magkakaibigan sa cafeteria.
"Ano yung about kay June?" Tanong ni Rain.
Sandaling natahimik at napayuko ang magkakaibigan at ilang sandali pa nga ay nagsimula ng magsalita si Selina.
"Bumalik na sina June sa mundo ng mga tao, kaya hindi na na'tin sila makikita pa." Tugon ni Selina.
"*Tsk! Kung ganon, mga magulang nga ni June ang nakita ko sa T.V." Sambit muli ni Rain.
Biglang napatingin ang magkakaibigan kay Rain at nagulat dahil sa mga narinig nila dito.
"What do you mean, Rain? Ano yung nakita mo sa T.V.?" Tanong ni Annie.
Sandaling napahinto si Rain matapos siyang tanungin ni Annie at agad nitong naalala ang kaniyang mga napanood na balita sa telebisyon nung nasa pangangalaga pa siya ni Hades at nang mga kasamahan nito.
*** Flashback again! xD ***
Sa mga sandaling ito ay kasalukuyang nag-uusap sina Rain, ngunit ilang sandali pa ay napahinto sila at kalaunan ay napalingon kay Carl, dahil bigla silang tinawag nito.
"Master! Bilisan nyo pong pumunta dito at panoorin nyo po ang nasa balita ngayon!" Sigaw ni Carl.
"Ano ba yung nasa balita, Carl!?" Sigaw ni Warren.
"Basta, bilisan nyo! Masamang balita ito!" Sigaw muli ni Carl.
Hindi na gawang magsalita ng anim at nagkatinginan na lang sila. Ilang sandali pa ay nagtungo na sila sa loob ng bahay, upang alamin ang sinasabing balita ni Carl. Nang makarating sila sa loob ng bahay ay agad silang nagulat matapos makita at marinig ang sinasabi ng isang lalaki sa telebisyon.
"Ako nga po pala si Noel Swatzron. At ako po, kasama ang aking asawa ay ang nakatalaga, upang proteksyonan ang mundo na'tin sa mga nilalang na naninirahan sa loob ng Den of Evil. Bumuo kami ng isang sandatahang may kakayahang lumaban sa mga nilalang na tinatawag na "Mythical Shaman", at ang mga nilalang na ito ang mga naninirahan sa loob ng Den of Evil. Sa tulong ng ilang mga syentipiko ay nakalikha kami ng mga malakas na sandata na may lakas upang makalaban sa mga nilalang na ito. Isinugal ko din ang buhay ng pamilya ko at namalagi kami sa loob ng Den of evil, upang makalikop lang kami ng mga impormasyon tungkol sa kanilang mga lakas. Pero nagkulang pa rin kami, dahil lubha talaga silang malalakas at mararahas. Pagkakamali din po na'min ang nangyaring pagsugod ng mga nilalang na ito at nagresulta sa pagkamatay ng marami sa ating hukbong sandatahan. Sobrang lakas po ng mga nilalang na ito at may taglay silang mga hindi pangkaraniwang mga kapangyarihan. Nakakalungkot po, dahil mahigit isang daang sundalo ang nasawi sa naganap na paglalaban sa bundok ng Olympus. Pero wag po kayong mabahala mga kababayan, dahil sa tulong po ng ilang mga bansa ay magagapi po na'tin sila. Sasalakay po kami sa lugar na nila at sisiguraduhin po na'min ang tagumpay sa pagkakataon ito, kaya hinihiling ko po ang inyong mga panalangin. Maraming salamat po." Sambit ng isang lalaki.
"Ayan po, natapos na nga po ang speech ni Mr. Noel Swatzron, ang namumuno po sa Anti-Myths unit. Ngayon po ay malinaw na po ang karumal-dumal na pagkamatay ng mga sundalo sa tuktok ng Mount Olympus. Hindi pala ito gawa ng mga tao, kundi gawa ng mga tinatawag na "Mythical Shaman" na naninirahan daw sa loob ng Den of Evil. Mapunta naman po tayo kay Patrick Santos na kasalukuyan pong LIVE at nasa kalagitnaang sila ngayon ng bundok ng Olympus, para mag-ulat. Patrick, pasok." Sambit ng babaeng reporter.
"Maraming salamat, Precious. Magandang umaga po mga kababayan at nandito po tayo ngayon sa kalagitnaan ng kagubatan ng Mount Olympus, kung saan po napatay ang ilang mga under-cover na sundalo ng ating bansa. Kung makikita nyo po ang nasa likuran ko ngayon, may dalawa pong parang kwarto na gawa sa makapal na lupa at mga bato ang magkatabi. Tinataya pong nasa 5 feet ang taas nito at kapansin-pansin din sa paligid nito ay may naaamoy kaming hindi kanais-nais. Pinaghihinalaan po na'ming nasa loob nito ay mga katawan ng ilang sa ating mga sundalo, kaya hanggang sa ngayon po ay hindi po na'min ito binubuksan. Sa ngayon po ay hinihintay na'min ang mga pulis upang sila na ang gumalaw sa magkadikit na parang kwartong ito.. Eto na po pala sila mga kaibigan, Ayan po. Agad na po nilang tinungo ang magkatabing kwarto at pilit na po nilang binubuksan ang pinto nito." Sambit ng lalaking reporter.
Sa palabas ay agad nagmadali yung mga pulis upang buksan ang pinto, upang alamin ang nasa loob nito. Ngunit matapos nila itong mabuksan ay agad silang nagsuka.
"Yuck! Pasintabi na po sa ating mga manunuod, pero hindi po pala mga bangkay ang laman ng naturang mga kwarto. Isa pala itong mga banyo at nakakasulasok po ang amoy na nagmumula sa loob nito. Sobrang baho po talaga mga kababayan, hindi ko po alam kung saan at kung paano nagkaroon ng banyo dito sa gitna ng kagubatan. At sinisiguro ko pong nailabas ng kung sinuman ang gumamit ng mga banyong ito ang lahat ng kanilang kinain, dahil na rin sa dami ng laman ng naturang banyo. Pasensya na po, pero dito ko na po tatapusin ang aking nakakadiring pag-uulat. Balik sayo, Precious." Sambit muli ng lalaking reporter.
"Anong klaseng balita ba yan?! Nako, pasensya na po kayo mga.."
Hindi pa tapos magsalita yung reporter ay pinatay na ni Hades ang telebisyon, dahil pati sila ay nandiri tungkol dun sa dalawang banyong inulat.
"Noel Swatzron?! Teka, Swatzron din yung apilyido ng kaklase at kaibigan kong tao sa school." Sambit ni Rain.
Agad namang napatingin sa kaniya ang anim at ilang sandali pa nga ay nagsalita na si Tyki.
"Mukhang ang pamilya ng kaibigan mo ang hinahap ng Yami clan sa loob ng Odin city. Nalaman na kaya ito ni Selina? At hindi lang niya sinabi kay Zilan, dahil pamilya ito ng kaniyang kaibigan?" Sambit ni Tyki.
Labis ang pagkagulat ni Rain matapos niyang marinig ang pangngalan ni Selina kay Tyki.
"Ano ang ibig mong sabihin, Tyki? Bakit naman ito malalaman ni Selina?" Sambit muli ni Rain.
"Nakalimutan ko nga palang sabihin sayo. Nung araw na nagkita kayo ni Selina dito sa loob ng Odin city, kasalukuyan ko kayong pinapanood ng mga oras na yon at ikinatuwa ko ng makita kita, Zenon." Sambit muli ni Tyki.
"Teka, kung ganon. Nung araw palang na yon ay alam mo nang ako si Zenon?" Sambit muli ni Rain.
"*Uhm! At si Selina talaga ang pakay na'min ng araw na yon at nung araw din na dinakip na'min siya." Tugon muli ni Tyki.
"At bakit naman kailangan ng Yami clan si Selina?" Tanong muli ni Rain.
"Kailangan ng Yami clan ang kapangyarihan niyang mag-manipulate, dahil malaki ang maitutulong nito sa pagkalap ng mga impormasyon. Pwede na sana si Melisa, ngunit hindi pa sapat ang antas ng kaniyang kapanyarihan, kaya si Selina talaga ang kailangan na'min." Tugon ni Tyki.
"Kung ganon, kasapi na din ng Yami clan si Selina?" Tanong muli ni Rain.
"*Uhm! At itong paghahanap sa "Noel Swatzron" na ito ang misyon ni Selina. Pero mukhang nahuli na siya, kung sakaling hindi pa niya ito alam." Tugon muli ni Tyki.
"*Tsk! Anong klaseng clan ba talaga itong Yami Clan?!" Sambit muli ni Rain.
*** Flashback end's here :P ***
Mabalik tayo, matapos tanungin ni Annie si Rain ay sandali muna itong natahimik. Ilang sandali pa nga ay nagsimula na itong magkwento at tungkol ito sa kaniyang napanood na balita sa mundo ng mga tao.
Halos tumagal din ng ilang mga minuto sa pagku-kwento si Rain at nalaman sa kaniyang kaibigan. Labis naman ang pagkagulat ng magkakaibigan sa kanilang mga narinig, ngunit mas kapansin-pansin ang naging reaksyon ni Selina matapos magkwento si Rain.
"Kung ganon, totoo nga ang sinabi ni Selina sa'min na mga espiya nga ang mga magulang ni June." Sambit ni Annie.
Bigla naman napatingin si Rain kay Annie, kaya muli na siyang nagsalita.
"Selina? Alam mo na rin ang tungkol sa mga magulang ni June?" Tanong ni Rain.
"*Uhm.." Tugon ni Selina.
"Matagal mo na ba itong alam?" Tanong muli ni Rain.
"Nung Friday ko lang nalaman, nung bago kami maghiwa-hiwalay para makauwi. Na-curious kasi ako tungkol sa sinabi ni Garry kay June nung nasa paanan kami ng mount Olympus, kaya ginamit ko sa kaniya ang kapangyarihan ko at dun ko na nga nalaman na ang mga magulang pala ni June ang may plano sa pagsalakay sa'tin." Tugon muli ni Selina.
"*Tsk! Alam kong hindi ito alam ni June, kaya gagawa ako ng paraan para lang makausap siya." Sambit muli ni Rain.
"Kung ganon, huli na nga ng malaman ni Selina itong tungkol kay June. *Tsk! Bakit ba kasi nagpalinlang si Selina at sumali pa siya sa Yami clan!?" Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.
"*Ahh.. Ano, Rain. Nabanggit mo kanina na balak nang mga tao na lusubin tayo, diba? Dapat ba na'tin itong ipaalam sa mga clan leaders?" Tanong ni Melisa.
"Don't worry! Nasabi ko na ito kay master at kay ate. At sa mga oras na ito ay natitiyak kong ipinaalam na ni master Drake sa iba pang mga clan leader ang masamang balitang ito. Pero natatakot ako sa magiging reaksyon nila." Tugon ni Rain.
"*Tsk! Isang pagkakamali ang ginawang hakbang ng mga taong ito. Gusto na ba nilang mamatay at malipon?" Sambit ni Mark.
"Natatakot ako sa pwedeng mangyari." Sambit ni Annie.
"Sa tingin ko ay hindi na ito maiiwasan pa." Walang emosyong pagkakasambit ni Alex.
"Mukhang tama ka nga, Alex." Sambit ni David.
"Isang massacre ang magaganap sa mga tao sa gyera na ito." Sambit ni Lina.
Biglang napatayo si Annie matapos magsalita ni Lina at matapos nito ay mabilis na siyang nagsalita.
"Wala ba tayong magagawa para mapigilan ang war na ito?" Sambit ni Annie.
Matapos magsalita ni Annie ay napayuko at sandaling natahimik ang magkakaibigan. At nang walang tumugon kay Annie ay naupo na itong muli. Makalipas siguro ang mga sampong segundo ay nagsimula na ngang magsalita si Selina.
"May alam ka ba sa kung anong araw susugod ang mga tao dito sa travincial?" Tanong ni Selina.
"Wala eh. Basta ang alam ko lang ay naghahanda lang para sa pagsugod ang mga tao, kasama ng ilang mga hukbo na galing sa ibang bansa." Tugon ni Rain.
Muli ay sandaling natahimik ang magkakaibigan, ngunit ilang sandali pa ay bigla na lang nagulat si Mark matapos makita ang oras sa kaniyang relo.
"Sh*t! 5 minutes na lang pala at matatapos na ang lunch break! Ano guys, balik na tayo sa room?" Sambit ni Mark.
"*Tsk! Tara, balik na tayo. For sure magagalit si ate kapag na-late tayo." Sambit ni Rain.
"*Uhm!" Tugon ng lahat.
Matapos mag-usap ay nagmadali na nga ang magkakaibigan patungo sa kanilang classroom. Halos muntik na silang mahuli, dahil malapit nang magsimula ng klase si Rachelle ng makapasok sila sa kanilang classroom. Mabuti na lang at hindi sila pinagalitan, dahil batid naman ni Rachelle na maraming tanong ang magkakaibigan kay Rain. Ilang sandali pa nang makaupo ang magkakaibigan sa kani-kanilang mga upuan ay nagsimula na nga magturo si Rachelle.
Matapos ang buong klase ay sabay-sabay ng naglakad papalabas ng campus ang magkakaibigan. Samantala, sa loob ng opisina ni Zeus.
"Sir Zeus, nabalitaan nyo na po ba ang balita tungkol sa pagsugod sa'tin ng mga tao?" Tanong ni Driego.
"Oo, sinabi na ito sa akin ng iyong ina kaninang umaga." Tugon ni Zeus.
"Ano naman po ang gagawin na'ting hakbang, sir Zeus?" Tanong muli ni Driego.
"Kasalukuyan pa ring nagpupulong-pulong ang mga clan leader, kaya hintayin na lang na'tin ang magiging resulta sa kanilang pag-uusap." Tugon muli ni Zeus.
"Masusunod po." Sambit muli ni Driego.
Samantala, habang kasalukuyan ng naglalakad ang magkakaibigan.
"Nagtext nga pala sa'kin si Rio kanina at sinabi niya din ang balita tungkol sa pagsalakay ng mga tao dito sa travincial." Sambit ni Mark.
"*Hmm.. Maaari mo bang i-text siya at pakiusapang alamin kung kailang maaaring maganap ang pagsugod ng mga tao?" Sambit ni Rain.
"Sige, tatawagan ko na lang siya mamaya sa pag-uwi ko ng bahay." Tugon ni Mark.
Bigla namang napatitig ng masama si Annie kay Mark, matapos niyang marinig ang mga sinabi nito.
"Hoy Mark! Siguraduhin mo lang na tungkol sa magaganap na war ang pag-uusapan nyo ng Rio na yan!" Sambit ni Annie.
Bakas sa tono ng pagkakasambit ni Annie ang galit, kaya agad napalunok si Mark.
"*Ahhh.. Oo.. Syempre naman.. *He..hehe.." Tugon ni Mark.
"Natitiyak kong mula sa kalangitan ang unang pagsalakay na gagawin ng mga tao." Sambit ni Lina.
"Pagsalakay sa kalangitan?" Tanong ni Selina.
"Tama si Lina, gagamit tyak ng mga fighter jet ang mga tao sa pagsalakay sa'tin." Sambit ni Rain.
"*Ahh! Oo nga no! *Tsk! As if naman kung gagana pa ang mga yon!" Sambit muli ni Selina.
"Bakit naman hindi gagana yon? Hindi ba magandang plano ang pag-atake ng mga tao gamit ang mga fighter jets?" Tanong ni Annie.
"May malaking barrier kasi ang pumapalibot sa buong travincial. At dahil doon ay hindi makita ng mga tao ang travincial sa kanilang satalite. Buti nga at may cell site na dito, kaya kahit papaano ay nakaka-recieved tayo mga tawag or text na galing sa mundo ng mga tao." Sambit ni Mark.
"*Ahh.. So, it's impossible na mapasok ng mga tao ang travincial?" Tanong muli ni Annie.
"Ganon na nga." Tugon muli ni Mark.
"Ano na ang plano mo ngayon, Rain?" Tanong ni David.
"Sa ngayon, susubukan kong humanap ng paraan para makausap si June." Tugon ni Rain.
"Paano mo gagawin yon? Hindi nga niya sinasagot ang mga tawag na'min eh!" Sambit ni Aron.
"For sure malungkot ngayon si June." Sambit ni Melisa.
"Sigurado yun." Walang emosyong pagkakasambit ni Alex.
Sa mga oras na ito ay nakalabas na ang magkakaibigan ng campus, kaya naghiwa-hiwalay na sila. Ngunit bago pa man tuluyang magpaalam sa isa't-isa ay sinabi ni Annie na mag-usap-usap na lang sila gamit ang kanilang mga telepono. Sinang-ayunan naman ito ng lahat at matapos noon ay sabay-sabay na silang naglakad papauwi sa kani-kanilang mga bahay.
Habang sabay na naglalakad sina Rain at Lina.
"Masaya ako at nakabalik ka ng ligtas, Rain. Pero ano ba talaga ang nangyari sayo?" Sambit ni Lina.
"Mahabang kwento, sa bahay ko lang iku-kwento sayo." Tugon ni Rain.
"Okay." Tugon ni Lina.
Ilang minuto ding naglakad sina Rain at Lina nang marating na nila ang bahay. Sa loob ay inasahan na nilang wala pa dito si Rachelle, kaya agad munang nagtungo si Rain sa kaniyang kwarto upang magpalit ng damit. Samantala, si Lina naman ay nagtungo sa underground basement, nagbabakasakali kasi siyang baka nandon ang kaniyang master.
Makalipas ang limang minuto ay lumabas na si Rain nang kaniyang kwarto at nagtungo na ito sa sala upang doon na hintayin ang kaniyang ate. Halos kakalabas lang din ng kwarto ni Lina, dahil hindi niya nakita ang kaniyang master. Agad na din itong nagtungo sa sala, dahil nakita na niya si Rain doon. Sa pag-upo niya sa tabi ni Rain ay agad na itong nagsalita.
"Ano ang nangyari sayo? Bakit hindi ka agad nahanap ni master?" Tanong ni Lina.
"Ang totoo nyan ay nawalan ako ng malay bago pa man ako bumagsak. May malaking bato kasi ang tumama sa ulo ko, pero mabuti na lang at may nagligtas sa'kin." Tugon ni Rain.
Matapos magsalita ni Rain ay agad kinapa ni Lina ang ulo ni Rain, ngunit wala naman itong nakita o naramdamang bakas ng pinsala sa buong ulo nito.
"Wag kang mag-alala, magaling na ang sugat ko sa ulo. Baka nakakalimutang mong isa akong phoenix?" Sambit muli ni Rain.
Sandaling natahimik si Lina at mangilid-ngilid ang mga luha niya sa mga sandaling ito.
"Bakit Lina? May problema ba?" Tanong ni Rain.
Hindi na tumugon si Lina at ilang sandali pa ay mahigpit niyang si Rain. Nabigla naman si Rain, ngunit batid niya na labis na nag-alala si Lina para sa kaniya, kaya niyakap na rin niya ito. Hindi naman na napigilan ni Lina ang kaniyang mga luha, kaya bumuhos na ang mga ito.
"Mabuti na lang talaga at okay ka lang. Hinding-hindi ko talaga mapapatawad ang mga nilalang na may gawa ng pagsalakay sa'tin, kung may nangyaring masama sayo." Sambit ni Lina.
"Wag ka na sabing mag-alala eh. Okay na okay ako at salamat yun sa mga nagligtas sa'kin." Sambit muli ni Rain.
Matapos magsalita ni Rain ay bumitaw na sa pagkakayakap si Lina at agad nitong pinunasan ang mga luha sa kaniyang mga mata.
"Ano yung pangngalan ng nagligtas sayo?" Tanong ni Lina.
"Tyki Stronghold." Tugon ni Rain.
Biglang napatigil si Lina at sandaling natahimik. At makalipas ang apat na segundo ay gulat na siyang nagsalita.
"*EH?!" Sigaw ni Lina.
"Wag kang mag-alala dahil mabait pala si Tyki at hindi talaga siya kasapi sa Yami clan." Sambit muli ni Rain.
Bigla namang naging seryoso ang ekspresyon ng mukha ni Lina matapos marinig ang sinabi ni Rain at ilang sandali pa ay nagsalita na ito.
"Hindi siya kasami ng Yami clan? Pero bakit nandun siya nung araw na na-kidnap si Selina?" Tanong ni Lina.
"Nung unang beses na nakita ko siya matapos niya akong mailigtas ay syempre nagulat din ako. Hindi rin ako naniwalang hindi siya isang kalaban, kaya agad kong inalerto ang sarili ko. Pero ng makausap ko ang iba pa niyang mga kasama ay doon ko lang nalaman na hindi pala talaga siya isang kalaban at isa lang siyang espiya sa loob ng Yami clan." Tugon ni Rain.
"*Hmm.. Talaga? Pero kung espiya siya, sino naman ang sinusunod niya?" Tanong muli ni Lina.
"Si Hades Hellsflame. Siya ang kaniyang master." Tugon muli ni Rain.
Nanlaki ang mga mata ni Lina matapos marinig ang mga sinabi ni Rain at ilang sandali pa ay nagsalita na ito.
"Hades Hellsflame?" Tanong muli ni Rain.
"*Uhm! Nakilala ko na din siya at ang nakakatanda kong kapatid, si Zeren." Tugon muli ni Rain.
"*Hah?! Ta..ta..talaga? Pero sino itong si Zeren?" Sambit muli ni Lina.
"Si kuya Zeren ang panganay sa aming magkakapatid at hindi pa siya na re-reincarnate. Sobrang lakas niya at kakaiba din ang kulay ng kaniyang apoy. Mababait naman silang lahat. Gusto ko pa nga silang kausapin ng matagal, pero nagmadali na akong umuwi matapos kong pananood ang balita sa T.V.. Doon ko din nalaman ang pagsali ni Selina sa Yami clan." Sambit muli ni Rain.
"Sorry Lina, pero nagtagal talaga ako don ng apat na araw para magsanay." Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.
Samantala, sandaling natahimik si Lina dahil labis siyang nagulat sa kaniyang mga narinig.
"Si Selina? kasapi na siya ng Yami clan?!" Tanong ni Lina.
"*Uhm! Tulad mo ay hindi rin ako makapaniwala, pero nauunawaan ko naman ang naging pasya ni Selina. Dahil para ito sa kapakanan ko." Tugon ni Rain.
"Kapakanan mo?" Tanong muli ni Lina.
"*Uhm! Hindi ko rin alam kung ano ang pinaglalaban ng Yami clan, pero malaki ang kinalaman ng nakaraang buhay ko dito. At natitiyak kong isa yon sa mga dahilan ng pagsali ni Selina sa Yami clan." Tugon muli ni Rain.
"*Tsk! Pero mukhang kailangan pa rin na'ting mag-ingat." Sambit ni Lina.
"Oo at hindi dapat malaman ni Selina na alam na na'tin na kasapi na siya ng Yami clan at sana i-sekreto muna na'tin din ito sa iba." Sambit muli ni Rain.
"Okay, nauunawaan ko." Tugon muli ni Lina.
Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang telepono ni Rain, kaya agad na niya itong kinuha. Agad naman niyang inalam kung sino ang tumatawag at nang makita niyang si Mark ito ay agad na niya itong sinagot.
"Hello Mark, bakit ka napatawag?" Sambit ni Rain.
"Nakausap ko kasi si Rio kanina at sinabi niya sa'king nakausap daw niya si June." Tugon ni Mark.
"Talaga?! Ano daw ang sinabi ni June sa kaniya?" Sambit muli ni Rain.
"Nasabi sa kaniya ni June na sa Friday daw sila susugod at kasama daw si June doon." Tugon ni Mark.
"*Tsk! Hindi ko inaasahang ganito ka-aga ang gagawing pagsugod ng mga tao sa travincial. Pero mabuti ito at nandun pala si June." Sambit muli ni Rain.
"Bakit? Ano na ang pinaplano mo ngayon, Rain?" Sambit muli ni Mark.
"Di kakausapin ko si June, ano pa ba?!" Tugon ni Rain.
"Baliw! Papaano mo naman gagawin yon? Kasama niya kaya yung mga sundalo ng Papa niya?" Sambit muli ni Mark.
"Ako na ang bahala doon, bago pa man sila makalapit sa Odin city ay haharangin ko na sila. Wag kang mag-alala, dahil walang atakeng makakapinsala sa'kin sa oras na naka Phoenix storm ako." Sambit muli ni Rain.
"Bahala ka, basta mag-iingat ka lang. Pero natatakot ako baka ma-reincarnate ka na naman sa gagawin mong ito." Sambit muli ni Mark.
"Don't worry! Imposible mangyari yun." Sambit muli ni Rain .
"Okay! Okay! Ibaba ko na to ah! Tatawag pa kasi ako kay Annie." Sambit muli ni Mark.
"Sige, maraming salamat, Mark." Sambit muli ni Rain.
Matapos magsalita ni Rain ay ibinaba na nga nito ang kaniyang telepono. Agad naman siyang tinanong ni Lina sa kung ano ang kanilang napag-usapan ni Mark, ngunit hindi na niya ito natugon pa, dahil dumating na si Rachelle.
"Lina? Sakto may gusto akong sabihin sayo." Sambit ni Rachelle.
"May gusto din po akong itanong sayo, master." Sambit naman ni Lina kay Rachelle.
"Sige, mag-usap tayong tatlo, magpapalit lang ako ng damit." Sambit muli ni Rachelle.
Matapos magsalita ay agad na ngang nagtungo si Rachelle sa kaniyang kwarto. At makalipas lang ang limang minuto ay nakalabas na ito. Agad na siyang nagtungo sa sala upang kausapin ang dalawa. Nang makarating ay agad ng umupo si Rachelle at matapos nito ay nagsimula na siyang magsalita.
"Alam kong alam nyo na ang masamang balita." Sambit ni Rachelle.
"*Uhm! Nasabi na po sa'min ni Rain ang lahat at na sabi na din po sa'kin ni Rain ang tungkol sa pagsali ni Selina sa Yami clan." Sambit ni Lina.
"Dapat walang makaalam ng pagiging isang kasapi ni Selina sa Yami clan, maliwanag ba?" Sambit muli ni Rachelle.
"Opo." Tugon ni Lina.
"Ate, alam mo na ba kung ano ang na pag-usapan ng mga clan leaders sa naging pagpupulong nila?" Tanong ni Rain.
"Oo at wag kang mag-alala, dahil hindi basta-basta susugurin ng mga mythical shaman ang mga tao, kahit sila pa ang unang sumalakay sa'tin. Tutal, hindi naman nila mapapasok ang Odin city gamit ang kanilang mga makabagong makinarya." Tugon ni Rachelle.
"Dahil po ba ito sa barrier na pumapalibot sa buong travincial?" Tanong muli ni Rain.
"Tama ka! Mag mula bukas ay wala ng makakapasok at wala ng makakalabas na "tao" sa travincial, dahil mas nilakasan pa ng forest fairy clan ang barrier." Tugon muli ni Rachelle.
"Mabuti naman po kung ganon." Sambit muli ni Rain.
"Ano nga po pala ang gusto nyong sabihin sa'kin, master?" Tanong ni Lina.
"Gusto kong bantayan mo ang bawat kilos ni Selina, pero wag kang magpapahalata. Maliwanag ba?" Tugon ni Rachelle.
"*Uhm! Masusunod po, master." Tugon ni Lina.
"Sa byernes. July 19." Sambit ni Rain.
Agad namang napatingin sina Lina at Rachelle kay Rain, dahil hindi nila maunawaan kung bakit ito nagbanggit ng petsa. Ngunit ilang sandali pa ay nagulat si Lina at kalaunan ay agad na siyang nagsalita.
"Wag mong sabihing sa byernes na susugod ang mga tao dito sa'tin?" Tanong ni Lina.
Agad namang napatayo si Rachelle, dahil nagulat ito sa kaniyang mga narinig.
"Totoo ba ito, Rain?" Tanong ni Rachelle.
"Opo ate." Tugon ni Rain.
"Pero papaano mo naman ito nalaman?" Tanong muli ni Rachelle.
"Sinabi po ito sa'kin ni Mark. May kaibigan po kasi siya sa mundo ng mga tao at nakausap niya ito sa telepono. Ang kaibigan po ni Mark ang nagsabi ng petsa kung kailang lulusob ang mga tao dito sa'tin." Tugon muli ni Rain.
"*Hmm.. Magandang balita ito. Dapat malaman agad ito ni kuya para mapaghandaan agad ang pasugod ng mga tao dito sa'tin." Sambit muli ni Rachelle.
Matapos magsalita ni Rachelle ay mabilis na siyang naglakad papalabas ng kanilang bahay. Natahimik naman si Rain, samantalang napatingin na lang si Lina kay Rain.
"Rain." Sambit ni Lina.
"*Tsk! Mukhang mahihirapan akong makausap si June nito." Sambit muli ni Rain.
"Wag kang mag-alala, Rain. Gagawa tayo ng paraan para makausap si June." Sambit muli ni Lina.
"*Uhm! Tama ka. Hahanap tayo ng paraan para makausap na'tin si June at pipigilan na'tin itong kahibangan ng mga tao na sasalakay sa'tin." Tugon ni Rain.
Sa mga oras na ito ay napatango na lang si Lina, dahil nasilayan na niya ang mga ngiti at pag-asa sa mukha ni Rain.
Chapter 39: June Swaztron
Chapter end.
Afterwords
Hello po ulit. Sa ngayon po ay binibilisan ko na ang pagtapos ng bago kong short story, para po masimulan ko na ang pagsusulat ng book 2 nitong school of myths..
Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..
Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..
Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..
Susunod.
Chapter 39: June Swaztron
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top