Chapter 37: Phoenix Azure at ang kaniyang ama - Zeren Reign Icarus at Hades.
Sa mga sandaling ito ay gulat si Garry, habang nakatingin sa lugar kung saan siya nahulog kanina. Hindi niya inaasahan na ililigtas siya ni Rain, kaya napaupo na lang siya at natahimik. Samantala, ilang sandali pa ay dumating na sa pinangyarihan sina: Rachelle, Lina, Mark, Chris, Aris, Roby at ang dalawang walang malay na sina Sai at Ryan na karga-karga nina David at Blyde.
"Ano ang nangyari dito? Nasaan na si Rain?" Tanong ni Rachelle.
"Nahulog si Rain sa bangin Lola!" Tugon ni Aron.
"Ano?!" Sambit ni Rachelle.
Biglang napaluhod si Annie at matapos noon ay nagsimula na siyang umiyak. Agad naman siyang nilapitan ni Mark upang damayan.
"Wag kang umiyak, Annie. Imposibleng mamatay agad si Rain." Sambit ni Selina.
"Tama si Selina, kaya wag ka nang umiyak." Sambit muli ni Rachelle.
Sa mga oras na ito ay tumigil na sa pag-iyak si Annie at kalaunan ay dahan-dahan na siyang tumayo.
"Kayong lahat, bababa ako sa bangin na ito, kaya sundan nyo na ang iba nyong pang mga kaklase na nauna nang bumaba ng bundok. Ako na ang bahala sa paghahanap sa kapatid ko, kaya hintayin nyo na lang ang aming pagbabalik sa paaanan ng bundok." Sambit muli ni Rachelle.
"Ano naman ang gagawin na'tin sa taong ito?" Tanong ni Aron.
"Isama nyo na siya sa pagbaba, marami akong itatanong sa taong yan." Tugon ni Rachelle.
Nanatiling tahimik si Garry, dahil gulat pa rin siya sa ginawang pagliligtas sa kaniya ni Rain. Samantala, matapos namang magsalita ni Rachelle ay agad na itong tumalon sa bangin upang hanapin ang kapatid.
"Annie, sumakay ka na lang ulit sa likuran ko. Nagmamadali na kasi tayo eh." Sambit ni Mark.
"*Uhm!" Tugon ni Annie.
"June, sa'kin ka na pumasan." Sambit ni David.
"Pero, papaano yang si Ryan? At teka, bakit nga pala mga walang malay sina Ryan at Sai? Natalo ba sila sa laban kanina?" Tanong ni June.
"Hindi. Binigyan lang sila ng tig-iisang suntok ni miss Rachelle, kaya sila nawalan ng malay. Nakakagulat ang lakas niya, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na sa isang suntok lang ay agad matatalo ang isang mythical shaman na nasa take over mode. At ngayon lang din ako nakaramdam ng labis na takot sa buong buhay ko, matapos akong titigan ni miss Rachelle nang masama kanina." Sambit muli ni David.
"Ganon ba? Expected na yan sa lola ko." Sambit muli ni Aron.
"Lola? Lola mo ang ate ni Rain?" Tanong ni Aris.
"Tsaka ko na ipaliliwanag, basta ang tunay niyang pangngalan ay Raziel Draken at siya ang mama ni uncle Driego." Tugon ni Aron.
Labis namang ikinagulat nina David, Aris, Chris, Blyde at Roby sa sinabi ni Aron. Sandali silang natahimik at matapos noon ay nagsimula na silang magsalita.
"*Tsk! Kaya pala! Ngayon hindi na ako nagtataka. Kahit si ama ay naikwentong takot din siya kay Raziel Draken, kaya mapalad daw ako at hindi ko siya naging guro." Sambit ni Chris.
"Wag kang mag-alala Chris, kahit ako ay nagulat din matapos malamang si Raziel Draken ang kapatid ni Rain. Pero hindi ito ang oras para pag-usapan ito! Ang mabuti pa ay ikaw na ang mabuhat dito kay Ryan. Kakargahin ko kasi si June para mapabilis tayo ng pagbaba sa bundok." Sambit muli ni David.
"Okay sige, walang problema." Tugon ni Chris.
"Salamat." Sambit muli ni David.
Agad ng lumapit si Chris kay David, upang siya naman ang magbuhat sa walang malay na si Ryan. At matapos nito ay pinasan na ni David si June sa kaniyang likuran. Samantala, agad namang pinasan ni Aron sa kaniyang likuran ang tulalang si Garry.
"Handa na ba kayo?" Tanong ni Aron.
"*Uhm!" Tugon ng lahat.
Matapos tumugon ng lahat ay mabilis na nga silang tumakbo pababa ng bundok. Samantala, kasalukuyan ng nasa ibaba ng bangin si Rachelle. Agad niyang sinuyod ang lugar kung saan nagbagsakan ang mga malalaking bato, ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin niya natatagpuan si Rain.
"*Tsk! Nasaan na ba yung sutil na batang yon?!" Sambit ni Rachelle.
Makalipas ang dalawang oras ay kasalukuyan ng nasa paanan ng bundok ang halos lahat ng mga istudyante ng Olympus university. Bukod sa section ng class fire-1 ay sila lang ang halos hindi mga nasugatan. Ang ibang section kasi ay maraming sugatan at ang iba ay umiiyak, dahil nawalan sila ng mga kaibigan. Agad din tumulong si Krystine sa mga sugatan na kapwa niya istudyante, upang lunasan ang mga natamo nitong mga sugat. Mabuti na lang at nadala niya ang "Chromactic Ire", isang makapanyarihan staff na pagmamay-ari ng kanilang clan. Dahil kasi dito ay mas napabilis ang pagpapagaling niya sa mga nasugatan.
Lumipas pa ang kalahating oras ay dumating na rin ang kanilang mga bus at nagsisakay na ang iba pang mga istudyante dito. Sa loob ay naghintay na lang na silang makumpleto, upang makaalis na sila at makabalik Odin city.
Ilang sandanli pa ay nakabalik na si Rachelle, ngunit hindi nito kasama si Rain. Agad namang sinalubong ng magkakaibigan si Rachelle at nang malapitan ay agad na nila itong tinanong.
"Nasaan na po si Rain, miss Rachelle?" Tanong ni Selina.
"Hindi ko siya nakita. Wala ring mga bakas ng pagkahulog niya sa baba, kaya nagtataka ako kung saan ba siya napunta. Pero wag kayong mag-alala, dahil natitiyak kong ayos lang siya." Tugon ni Rachelle.
"Ano na po ang gagawin na'tin ngayon, master?" Tanong ni Lina.
"Sumakay na kayong lahat sa bus at mauna na kayong bumalik sa Odin city. Magpapaiwan ako dito para magpatuloy sa paghahanap kay Rain. Gusto ko ding makausap ang taong yon." Sambit muli ni Rachelle.
Matapos magsalita ay agad lumingon si Rachelle kung saan tahimik na naka-upo si Garry.
"Magpapaiwan din ako, master. Sasama ako sa paghahanap kay Rain." Sambit muli ni Lina.
"Wag na Lina, ako na ang bahala sa lahat. Wag na kayong mag-alala pa kay Rain, dahil titiyakin kong sabay kaming babalik sa Odin city." Sambit muli ni Rachelle.
Ilang sandali pa matapos magsalita ni Rachelle ay isa-isa nang nagsakayan ang magkakaibigan sa kanilang bus. Ngunit bago pa tuluyang makasakay si June ay may sinabi Garry dito.
"June Swatzron! Tandaan mo ang mga sinabi ko sayo kanina!" Sambit ni Garry.
Sandaling napahinto si June at napatingin kay Garry. Kasalukuyan namang nasa likuran niya si Selina at kalaunan ay napalingon din kay Garry. Ilang sandali pa ay pumasok na sila sa loob ng bus at nang makaupo ay tahimik siyang nag-isip.
Samantala, sa pag-upo ni Selina ay agad siyang napatingin kay June. Sa ngayon ay may bumabagabag sa kaniyang kalooban, matapos niyang makita kanina si Garry habang kausap si June, matapos nilang makababa ng bundok. Hindi maalis sa kaniyang isipan ang gulat na ekspresyon ni June matapos niya itong makita. Matapos din kasing kausapin ni Garry si June ay biglang natahimik na ito, kaya lubha siyang nababahala sa kung ano ba ang sinabi ni Garry sa kaibigan.
Matapos makapasok ang buong class fire-1, maliban kina Rain at Rachelle ay umalis na ito. Hindi naman maitago ang lungkot sa mukha ng magkakaibigan, dahil hindi sila kumpletong babalik sa Odin city. Nang makaalis na ang mga bus ay agad ng kinausap ni Rachelle si Garry.
Makalipas ang ilang mga oras ay nagdatingan na nga ang mga media ng mga tao, upang iulat ang mga balitang kanilang nasagap sa kakaibang naganap dito sa mount Olympus.
Kasalukuyang tulala at nag-iisa si Garry sa mga oras na ito. Iniwan siya ni Rachelle sa kaparehong lugar matapos siyang kausapin nito. Agad naman siyang nilapitan ng mga media at agad pinagtatanong. Hindi naman nagawang magsalita ni Garry, dahil sa labis niyang pag-iisip. Ngunit mas lalong nagmatigas ang mga media, matapos palibutan ng special squad si Garry at makalipas pa ang ilang mga sandali ay isinama na nila ito, sakay ng isang helicopter.
Samantala, nasa kalagitnaan na si Rachelle ng bundok sa mga oras na ito. Balak niyang pumanik muli sa tutok ng bundok, upang tingnan ang angulo na posibleng binagsakan ni Rain.
"Rain! Wag kang mag-alala, papunta na ako dyan." Sambit ni Rachelle derekta sa kaniyang isipan.
Samantala, sa kaparehong oras, kasalukuyang nakahiga at walang malay si Rain sa isang kwarto. Sa tabi niya ay may nag-uusap.
"Master, ano po ang balak nyo dito kay Zenon?" Tanong ng isang lalaki.
"*Fufufu.. Hayaan muna na'tin siyang magpahinga dito at sa pag gising niya ay doon ko siya kakausapin. Siguro matapos ko siyang kausapin ay doon palang ako makakaisip ng dapat na'ting gawin." Tugon ng matandang lalaki.
"Masusunod po, master Hades." Sambit muli nung lalaki.
July 15, CS240. Tatlong araw ang lumipas matapos ang nangyari insendente sa mount Olympus sa bansang hagoweigh. Araw ngayon ng lunes at kasalukuyan ng nasa loob ng kanilang classroom ang magkakaibigan, ngunit bakas sa kanilang mukha ang labis na kalungkutan, dahil wala pa rin si Rain.
Malapit na rin magsimula ang kanilang unang klase, ngunit hindi pa rin nakakapasok si June. Nag-aalala na ang magkakaibigan sa kakaibang ikinikilos ni June matapos nilang makabalik sa Odin city. Sa ngayon ay wala din silang balita sa kalagayan nito, dahil hindi pa nila ito nakikita o nakakausap. Paulit-ulit na tinawagan ni Mark ang telepono ni June, subalit hindi pa rin ito sumasagot, hanggang sa makareceived nang mga text message silang lahat at mula it okay June.
"Guys, pasensya na pero hindi na ako makakapasok pa. Bumalik na kasi kami nina Mama at Papa sa mundo ng mga tao. Maraming salamat sa lahat. – Sender: June"
Labis na nagulat ang magkakaibigan tungkol sa nabasa nilang text mula kay June. Sa mga sandaling ito ay mas pinilit talaga nilang makausap si June sa telepono, ngunit hindi talaga nila ito magawang makausap. Labis-labis na din ang pag-aalala nila para kay Rain, dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ito nakakabalik, pati na rin si Rachelle. Dumagdag pa ngayon si June, dahil biglaan ang pag-alis ng pamilya nila dito sa loob ng Odin city.
Ilang sandali pa ay dumating na ang kanilang guro, si Unice at sinabi nito sa kaniyang mga istudyante ang balita tungkol sa pag-alis ng pamilya ni June sa Odin city, kaya hindi na ito makakapasok pa. Ikinagulat naman ng iba pa nilang kaklase ang balitang ito. Medyo nalungkot ang iba at ang iba naman ay naunawan ang pag-alis ng pamilya ni June matapos ang nangyari sa kanilang fieldtrip. Ilang sandali pa matapos sabihin ni Unice ang balita ay nagsimula na nga itong mag-attendace at matapos nito ay sinimulan na niya ang pagtuturo.
Makalipas ang ilan pang mga oras at kasalukuyan na ngayong nasa campus cafeteria ang magkakaibigan.
"*Tsk! Sinasabi ko na nga bang mangyayari ito eh." Sambit ni Selina.
"What do you mean, Selina?" Tanong ni Annie.
"Wala ba kayong napansin kay June nung makarating tayo dito sa Odin city?" Tanong ni Selina.
"*Hmm.. Lahat naman malungkot at depressed ah. Ano ba yung napansin mo kay June?" Tanong muli ni Annie.
"Nung nakababa kasi tayo dun sa bundok ay palihim na kinausap nung nakalaban ni Rain si June. Matapos nilang mag-usap ay biglang na tulala at tahimik na si June magmula noon." Sambit muli ni Selina.
"*Hmm.. Nagtaka din ako kung bakit pati si June ay nalungkot, although napaka-optimistic niya." Sambit muli ni Annie.
"Yun din ang dalihan, kaya ginamit ko kay June ang kapangyarihan ko. Inalam ko ang naging pag-uusap nila nung Garry na yon at nagulat ako sa mga nalaman ko." Sambit muli ni Selina.
"Ano ang mga nalaman mo, Selina?" Tanong ni Mark.
"Ang mga magulang ni June ang ay mga espiya ng gobyerno ng mga tao dito sa loob ng travincial. At sila ang nagplano ng pagsalakay sa'tin dun sa tuktok ng bundok." Sambit muli ni Selina.
Labis itong ikinagulat ng magkakaibigan at sandali silang natahimik. Makalipas lang ang ilang segundo ay nagsimula na muling magsalita si Mark.
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo, Selina?" Tanong muli ni Mark.
"*Uhm! Sumailalim si June sa kapangyarihan ko at inutusan ko siyang sabihin niya sa'kin ang mga sinabi ni Garry sa kaniya." Tugon ni Selina.
"*Tsk.. Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi mo, Selina. Natitiyak kong hindi ito alam ni June at labis din siyang nagulat at nasaktan." Sambit muli ni Mark.
Matapos magsalita ni Mark ay biglang napatayo si Lina. Napatingin naman ang magkakaibigan sa kaniya.
"Bakit Lina, may problema ba?" Tanong ni Annie.
"Pagbabayarin ko ang pamilya ni June. Tatapusin ko silang lahat." Sambit ni Lina.
Muli ay labis na nagulat ang magkakaibigan, matapos nilang marinig ang mga sinabi ni Lina.
"Lina please! Wag kang magpadalos-dalos. Kaibigan pa rin na'tin si June kahit na ganito ang nangyari. Alam kong galit ka, pero sana naman isipin mo rin ang nararamdaman ni June sa ngayon." Sambit muli ni Annie.
"Kaya nyo lang ako naging kaibigan ay dahil kay Rain. At kung isa kayo sa dahilan kung bakit siya nasaktan, hindi ako magdadalawang isip na labanan kayo." Sambit muli ni Lina.
Sa pagkakataong ito ay natahimik ang magkakaibigan. Samantala, hindi naman napigil ni Selina ang kaniyang galit, matapos niyang marinig ang sinabi ni Lina sa kanila.
*** SFX: PAAAAAK! ***
Isang malakas na pagsampal ang tumama sa mukha ni Lina, dahilan upang mapatingin ang lahat ng kumakain sa kanila.
"Lina Gordania! Hinahamon kita sa isang shaman fight!" Sambit ni Selina.
Agad namang napahawak si Lina sa kaniyang pisngi at matapos nito ay seryoso na siyang nagsalita.
"Sige! Tinatanggap ko." Tugon ni Lina.
"Sandali lang, hindi naman kailangang dumaan pa dito ang lahat." Sambit ni Mark.
"Oo nga. Tama si Mark, ate Selina! kaya wag na kayong mag-duel please." Sambit ni Melisa.
"Hoy Aron, David, Alex! Magsalita naman kayo!" Sambit muli ni Mark.
"Wala na tayong magagawa pa, tanging si Rain lang ang makakapigil sa kanila." Sambit ni Aron.
"Sang-ayon ako kay Aron." Walang emosyong pagkakasambit ni Alex.
"*Uhm!" Sambit ni David.
"*Tsk! Nasaan ba kasi yung bugok na yon?" Sambit ni Annie.
"Tama na yan! Lina, Selina!" Sambit ng isang babae.
Agad napalingon ang magkakaibigan at natuwa sila sa kanilang nakita, si Rachelle at naglalakad ito patungo sa kanila. Ilang sandali pa ay narating na ni Rachelle ang pwesto kung saan kumakain ang magkakaibigan.
"Master!" Sambit ni Lina.
"Tama na yan, Lina. Ikaw din Selina. Hindi matutuwa si Rain sa oras na malaman niyang nag-duel kayo." Sambit muli ni Rachelle.
Bigla namang nalungkot ang dalawa matapos magsalita ni Rachelle. Ngunit ilang sandali pa ay masaya ng nagsalita si Selina.
"Miss Rachelle! Nakita nyo na po si Rain? Nasaan na po siya ngayon?!"Sambti ni Selina
Agad namang napakamot ng ulo si Rachelle at matapos noon ay nagsimula na siyang magsalita.
"Ang totoo ay hindi ko rin alam, pero tumawag siya sa'kin kahapon at sinabi niyang okay lang siya. Pinauwi na rin niya ako ngayon, para sabihin ang balitang ito sa inyo." Sambit muli ni Rachelle.
Natuwa naman ang magkakaibigan sa magandang balitang sinabi ni Rachelle sa kanila. Ngunit nakaramdam sila ng galit, dahil hindi man lang sila tinawagan o tinext ni Rain.
"May nasabi po ba siya kung kailan siya babalik?" Tanong ni Annie.
"Wala siyang sinabi, kaya nga naiinis ako sa batang yon! Sa oras na makita ko siya ay gulpi talaga ang aabutin noon sa'kin." Sambit muli ni Rachelle.
Bigla naman napaiyak si Lina at ilang sandali pa ay napansin na ito ng iba pa niyang mga kaibigan.
"Sorry, nadala lang ako ng galit. Hindi ko kasi alam ang gagawi ko, kapag nawala na sa'kin si Rain." Sambit ni Lina.
Natahimik ang magkakaibigan at napatingin na lang kay Lina. Ngunit ilang sandali pa ay lumapit na si Selina sa kay Lina at kalaunan ay mabilis niya itong niyakap.
"Alam ko, sorry din. Nadala lang din ako ng galit." Sambit ni Selina.
Napangiti na lang ang iba pa nilang kaibigan matapos makitang nagkaayos na ang dalawa.
"Bilisan nyo ng kumain at malapit ng matapos ang lunch break." Sambit muli ni Rachelle.
"Opo." Tugon ng magkakaibigan.
Mabilis lumipas ang araw na ito at kahit kulang ang magkakaibigan ay sinikap pa rin nilang magpakatatag.
Kinabukasan, July 16, CS240. Malungkot pa rin ang magkakaibigan, dahil wala pa rin si Rain at si June naman ay hindi na nila makikita pa. Ilang sandali pa ay dumating na si Unice at nagsimula na nga itong mag-attendance.
Halos nangangalahati na si Unice sa mga istudyanteng tinatawag niya ay biglang bukas ang pinto ng kanilang classroom. Agad napatayo ang magkakaibigan at ang iba naman nilang mga kaklase ay napatingin sa lalaking nagbukas ng pinto.
"Rain!" Sambit ng magkakaibigan.
"Yow! *Hehehe.. Pasensya na kung na-late ko." Tugon ni Rain.
"Pumunta ka na sa upuan mo, Rain." Sambit ni Unice.
"Opo!" Tugon muli ni Rain.
Matapos magsalita ay mabilis na itong naglakad patungo sa kaniyang upuan. At nang makaupo siya ay agad na siyang kinausap ni Selina.
"Marami kang dapat ipaliwanag sa'min mamaya." Sambit ni Selina.
Bakas sa tono ng pagkakasambit ni Selina ang galit at kasabay nito ay ang pagpapakawala niya ng nakakatakot na aura. Sa pagkakataong ito ay biglang kinilabutan si Rain, ngunit ilang sandali lang ay agad din itong nawala.
"Welcome back, Rain." Sambit muli ni Selina.
Napangiti na lang si Rain matapos magsalita ni Selina at matapos nga nito ay tinawag na ni Unice ang pangngalan niya.
"Present ma'am!" Sigaw ni Rain.
Nang matapos ang klase ni Unice ay agad naglapitan ang magkakaibigan kay Rain at matapos makalapit ay agad na nga nila itong tinanong.
"Hoy! Ano ba ang nangyari sayong damuho ka?! Alam mo bang sobra kaming nag-alala sayo?!" Sambit ni Annie.
"Natutuwa akong makitang okay ka, Rain." Sambit ni Lina.
"Bakit ngayon ka lang umuwi ah?! At bakit hindi ka man lang tumawag sa'min?!" Sambit ni Mark.
"Teka, teka.. sobrang dami naman ng tanong nyo. *Hahaha.. Oo nga pala, bakit hindi ko nakikita si June? Absent ba siya?" Sambit ni Rain.
Matapos niyang magsalita ay biglang nagbago ang masayang ekspresyon ng kaniyang mga kaibigan at tila malungkot na ang mga ito ngayon.
"Teka, bakit ganyan ang itsura niyo? May nangyari ba kay June?" Tanong ni Rain.
Matapos muli niyang magsalita ay nagtinginan ang magkakaibigan at tila ba ang mga nag-uusap ang mata ng mga ito. Hanggang sa magsalita na nga si Selina.
"Ang totoo, meron. Pero mamaya na lang na'min sayo sasabihin, sa oras ng lunch break para maikwento na'min ng husto." Sambit ni Selina.
"Okay, nauunawaan ko." Sambit muli ni Rain.
"Pero, maiba ako. Ano ba talaga ang nangyari sayo, Rain?" Tanong muli ni Annie.
"*Hahaha.. Nawalan ako nang malay, dahil natamaan ako ng malaking bato sa ulo. Pero may naglitas sa'kin at sobrang bait niya." Sambit muli ni Rain.
"Bakit hindi mo man lang kami tinawagan?" Tanong muli ni Mark.
"Byernes ng umaga nung magising ako at kinausap naman ako nung mga nagligtas sa'kin." Tugon muli ni Rain.
"Pero mabuti naman at niligtas ka nila. Maaari ko ba silang makilala, Rain? Gusto ko lang silang pasalamatan sa paglitas sayo." Sambit muli ni Lina.
"Naku, okay lang yun Lina. Baka hindi na nga ulit kami magkita pa eh. Matanda na kasi yung nagligtas sa'kin. *Hehehe.." Tugon ni Rain.
Gusto pa sanang magtanong ng magkakaibigan, ngunit dumating na ang kanilang susunod na guro, kaya agad na silang nagbalikan sa kanilang mga upuan.
*** Here come's the Flashback! xD ***
Habang kasalukuyang nahuhulog, kasabay ang mga malalaking bato ay hindi na nagawang marinig ni Rain ang pagsigaw nina Selina at Annie. Isang malaking bato kasi ang tumama sa kaniyang ulo, kaya agad siyang nawalan ng malay.
Kinaumagahan. Araw ng Byernes, July 12, CS240. Nagising si Rain sa isang kwarto. Agad siyang bumangon upang alamin kung nasaang lugar na siya. Agad niyang nakita ang kaniyang Myth slayer sa ibabaw ng isang lamesa, katabi ng kaniyang hinihigan. Ilang sandali pa ay nilapitan niya ito at agad kinuha.
"Teka, nasaan ba ako? At ano ang ginagawa ko dito?" Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.
Ilang sandali pa ay biglang bumukas ang pinto at laking gulat ni Rain sa kaniyang nakita. Si Tyki, ang Minotaur.
"Tyki?!" Sambit ni Rain.
"Gising ka na pala, batang Zenon." Sambit ni Tyki.
Matapos magsalita ni Rain ay agad na niyang hinugot sa lalagyan ang kaniyang Myth slayer at mabilis na pumorma upang dumipensa/umatake.
"Wag kang mag-alala, hindi ako isang kalaban." Sambit muli ni Tyki.
"*Haah?! Hindi ka kalaban? Ulol! Kung hindi ka kalaban, bakit mo kami sinugod nung nakaraang araw at tinangka nyo pang kidnapin ang kaibigan ko." Sambit muli ni Rain.
Napakamot na lang ng ulo si Tyki matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Rain. Ilang sandali pa nga ay lumabas na siya ng kwarto, ngunit bago tuluyang lumabas ay nagsalita muna siya.
"Lumabas ka muna dyan, para makaharap mo ang master ko." Sambit muli ni Tyki.
Hindi naman kumilos si Rain at inisip na isang patibong ang naghihintay sa kaniya sa labas. Hanggang sa ilang sandali pa ay dahan-dahan na siyang sumilip sa may pinto, dahil may naririnig siyang mga boses na masayang nag-uusap.
Ilang sandali pa ay bigla muling inalerto ni Rain ang kaniyang sarili at kalaunan ay mabilis na tumalon paatras. Matapos nito ay isang isang lalaki ang pumasok sa loob kwarto, kaya agad na siyang naghanda.
"** ENCHANT! INFINITE BURNING MYTH SLAYER! **" Sambit ni Rain.
"Teka! Teka! Easy ka lang, hindi ako kalaban." Sambit ng isang lalaki.
"Imposible! Kasamahan mo si Tyki, kaya isa ka ding kalaban." Sambit ni Rain.
Matapos magsalita ni Rain ay agad napakamot ng kaniyang ulo ang lalaki at kalaunan ay nagsalita na siyang muli.
"*Haaaay! Paano ko ba i-eexplain ito sayo? *Hmm.. Ganito na lang, magpapakilala muna ako sayo. Ako nga pala si Carl Culwen at tulad mo ay isa din akong mythical shaman." Sambit muli ni Carl.
*** Carl Culwen. 16 years old at isa siya ay isang mythical shaman ng Kraken, isang malaking pugita na may walong galamay. Seryoso siya at kalagian tahimik, dahil na rin lumaki siyang walang kaibigan. Mabait din siya at maaasahan dahil sa taglay niyang lakas.
Slim ang pangangatawan ni Carl, nasa 5'6" ang kaniyang taas, maputi ang kulay ng kaniyang balat at gray at nasa katamtaman ang haba ng kaniyang buhok. ***
*** Note: Ang Kraken ay isang class-S na mythological creature, sobrang laki ng pugita na ito at tangin si Hades lang ang nakakapagpasunod dito. Hindi basta-basta matutumbasan ang taglay nitong lakas, kaya sa tuwing may ipinapanganak na Kraken ay namamatay na ang ina/ama nito. ***
"Teka, ikaw yung lalaking kasama ni Hades dun sa beach ah! Ikaw din ba ang nagdala sa'kin dito?" Sambit muli ni Rain.
"Oo! Ako nga yung kasama ni master Hades dun sa may beach, pero hindi ako yung nagdala sayo dito." Tugon ni Carl.
"Hindi ikaw, kung ganon si Hades ang nagdala sa'kin dito?" Tanong ni Rain.
"Si Tyki ang nagligtas sayo at nagdala dito. Wag kang mag-alala, dahil hindi naman talaga kami mga kalaban." Tugon muli ni Carl.
"Hindi kalaban? Diba mga kasapi kayo ng Yami clan!?" Sambit muli ni Rain.
"Ay oo nga pala, nakwento sa'min ni Tyki ang nangyari sa inyo. Pero nagawa lang niya yung dahil inutusan siya ni Zilan, ang kapatid mo. Ang totoo nyan, espiya na'min si Tyki sa Yami clan, kaya pwede mo na bang ibaba yang sandata mo?" Sambit muli ni Carl.
Matapos marinig ni Rain ang mga sinabi ni Carl ay medyo nakumbinsi naman siya nito, kaya inalis na niya ang kaniyang enchant at ibinalik na niya sa lalagyan ang kaniyang sandata.
"Ang mabuti pa ay lumabas ka na dyan, para makilala mo na ang master ko at ang isa sa mga kapatid mo." Sambit muli ni Carl.
Matapos magsalita ni Carl ay lumabas na ito, agad naman siyang sinundan ni Rain. Sa paglabas ng kwarto ay agad siyang nasilaw sa liwanag ng araw at nang makapag-adjust na ang kaniyang mga mata ay agad nitong nakita ang dalawang lalaking naglalaban. Agad siyang natulala sa kaniyang nakita, dahil batid niyang sobrang lakas ng dalawang naglalaban na maikukupara niya o mas higit pa ang lakas sa kaniyang master Drake.
"Teka, si Hades ang matandang lalaking yon tama ba?" Tanong ni Rain.
"*Uhm! At ang kalaban niya ay ang nakakatanda mong kapatid, si Zeren Reign Icarus, ang Phoenix Azure." Tugon ni Carl.
"Zeren Reign Icarus? Phoenix Asur? Ano yung Asur?" Sambit muli ni Rain.
"Kulay ang Azure, at halos kulay blue siya." Sambit muli ni Carl.
"*Ahh! Teka, blue Phoenix? Kaya ba ganon ang kulay ng apoy ng kaniyang santada?" Sambit muli ni Rain.
"Ganon na nga." Tugon muli ni Carl.
Ilang sandali pa ay napansin na ni Tyki sina Rain at Carl na nag-uusap, kaya lumapit na siya sa mga ito.
"Kamusta ka na, Zenon. Siguro naman hindi na isang kalaban ang tingin mo sa'kin ngayon?" Sambit ni Tyki.
"Wala pa rin akong tiwala sayo!" Tugon ni Rain.
"*Wahahaha! As I expected. *Hmm.. Mukhang namamangha ka sa kapatid mo at sa'ming master ah." Sambit muli ni Tyki.
"Oo! Sobrang lakas ng dalawang yon!" Sambit muli ni Rain.
Matapos magsalita ay agad napalingon si Rain sa dalawang naglalaban.
"Gusto mo bang maglaban muna tayo, habang hinihintay silang matapos? Wag kang mag-alala, dahil hindi naman kita seseryosohin. At kung mapatay mo man ako ay ayos lang, yun ay kung kaya mo akong matamaan. *Fufufufu.." Sambit muli ni Tyki.
Bigla naman nagpantay ang tenga ni Rain, kaya agad niyang tinanggap ang paghamon ni Tyki sa kaniya.
"Sige! Tinatanggap ko ang paghamon mo, pero wag mo akong sisisihin kung mapatay kita!" Sambit muli ni Rain.
"*Hahaha! Magaling, kung ganon tayo na!" Sambit muli ni Tyki.
Agad naglakad nang hindi kalayuan sa bahay si Tyki at sinundan naman siya ni Rain. Ilang sandali pa ay huminto na si Tyki at kalaunan ay nagsimula na siyang magsalita.
"Bilisan mo, sugod na." Sambit ni Tyki.
Lalong nainis si Rain kaya agad na niyang inilabas ang kaniyang Myth slayer.
"** ENCHANT! INFINITE BURNING MYTH SLAYER! **" Sambit ni Rain.
Matapos mabalutan ng apoy ang sandata ni Rain ay agad na niyang sinugod si Tyki. Samantala, ipinasan lang ni Tyki ang malaki niyang axe sa kaniyang balikat, habang nakangiting pinapanood ang mabilis na paglapit ni Rain sa kaniya.
Mabilis na tumakbo si Rain patungo kay Tyki at nang may ilang habang na lang ang layo niya ay buong lakas na niya itong inatake.
"Tanggapin mo 'to! ** NORTH STAR IMPACT SLASH! **" Sigaw ni Rain.
*** SFX: BOOOOOOOOOOOOOOOOOOM! ***
Isang malakas na pagsabog ang yumanig, dahilan upang mapahinto sa pagsasanay sina Zeren at Hades. Ilang sandali pa ay napatingin sila sa malakas na pagsabog at dito ay nakita nila si Rain.
Samantala, matapos mapatama ni Rain ang kaniyang pag-atake ay agad siyang tumalon paatras. Lumikha naman ng napaka-kapal na alikabok ang ginawa niyang pag-atake at kasalukuyang nasa loob nito si Tyki.
"Ano! Mukhang patay ka na yata ah! Ang yabang-yabang mo kasi eh!" Sambit ni Rain.
Ilang sandali pa matapos magsalita niyang ay may narinig itong pagtawa mula sa makapal na alikabok.
"*Hahahaha! Ako patay? Ni hindi nga ako nagalusan sa ginawa mong pag-atake eh." Sambti ni Tyki.
*** SFX: Woooooooooooooooooooooooosh! ***
Matapos magsalita ni Tyki ay agad nawala ang mga alikabok, nawala ito dahil sa ginawa niyang pag-atake gamit ang kaniyang malaking axe sa hangin. Labis naman ang pagkagulat ni Rain matapos makitang walang tinamong pinsala si Tyki.
"Totoo nga, wala na naman siyang pinsala sa katawan. Ganito din ang nangyari dati nung inatake ko siya." Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.
"Oo nga pala, ipapaalam ko lang sayo kung ano ang tawag sa malaking axe na ito. Ito ang Messerschmidt's Reaver, hindi tinatablan ng apoy ang sinumang gumagamit nito, kaya papaano na ang gagawin mo ngayon, batang Zenon?" Sambit muli ni Tyki.
Sandaling napahinto si Rain at tila gulat at hindi makapaniwala ang ekspresyon ng kaniyang mukha.
"*Tsk! Kaya pala hindi ka tinatablan eh! Ang daya-daya naman pala niyang weapon mo! Badtrip ka! Lumaban ka ng patas! Bwiset!" Sigaw ni Rain.
Tila isang bata si Rain habang galit na nagre-reklamo kay Tyki. Labis naman itong ikinagulat nina: Carl, Tyki, Zeren, Hades at dalawa pa nilang kasama, matapos makita ang inasal ni Rain. At ilang sandali pa nga ay sabay-sabay silang tumawa.
Agad namang napalingon si Rain sa mga tumatawa at kalaunan ay nainis siya sa mga ito. At habang patuloy sa pagtawa ay lumapit na ang anim kay Rain.
"Bata ka pa nga talaga, Zenon! *Wahahaha!" Sambit ni Tyki.
"Tumahimik ka!" Sambit ni Rain.
"Tama na yan, Zenon. Wala kang kapag-a-pag-asang manalo kay Tyki sa taglay mong lakas ngayon." Sambit ni Zeren.
"At bakit mo naman nasabi yon?! Isang beses ko pa lang naman siyang inatake ah!" Sambit muli ni Rain.
"*Buwahahahaha! Ang kulet din pala ng batang ito, master. Sigurado po ba kayong ito ang nakababatang kapatid ni Zeren?" Sambit ng isang lalaki.
Bigla namang tinitigan ng masama ni Rain yung lalaking nagsalita.
"Wag mo na lang pansinin itong si Warren, Zenon. Ganyan talaga yang lalaking yan." Sambit ng isang babae.
Nawala naman ang pagkainis ni Rain matapos makita yung magandang babaeng nagsalita, katabi siya ngayon nung lalaking nagsalita kanina.
"*Umm.. Miss? Mythical shaman din po ba kayo?" Sambit muli ni Rain.
"Ay.. How rude of me.. Ako nga pala si Eclaire Castellar at hindi ako isang mythical shaman." Sambit muli ni Eclaire.
*** Eclaire Castellar. Hindi pwedeng sabihin ang kaniyang edad, dahil ayaw niyang pag-usapan ang tungkol dito. Maganda siya, ngunit sa likod nito ay isa siyang malupit na babae. At ang pinaka ayaw niya sa lahat ay tinatawag siyang matanda. At katulad ng sinabi niya ay hindi siya isang mythical shaman, ngunit sobrang lakas ng taglay niyang kapangyarihan.
Maganda at sobrang ganda ng hubog ng katawan ni Eclaire, nasa 5'4" ang kaniyang taas, sobrang puti ng kulay ng kaniyang balat, kulay peach na napakahaba ang kaniyang buhok at may pyutsur! (If you know what I mean! :3) ***
"Wow! Tulad mo po ay ang ganda po ng pangngalan nyo." Sambit muli ni Rain.
"Napaka honest naman ng batang ito." Sambit muli ni Eclaire.
"Wag kang magpapaloko dyan! Matanda pa yan sa lola mo!" Sambit muli ng lalaki.
*** SFX: TOOOOOOOINKS! ***
Mabilis na kinutusan ni Eclaire ang lalaking katabi niya, matapos niya itong marinig na nagsalita.
"Araaay! Masakit yon ah, Eclaire!" Sambit muli ng lalaki.
Matapos magsalita ay agad niyang hinimas ang kaniyang ulo at matapos nito ay muli na siyang nagsalita.
"Oo nga pala! Hindi pa pala ako nagkakapapakilala sayo, ako nga pala si Warren Duress at tulad ni Eclaire ay hindi rin ako isang mythical shaman." Sambit muli ni Warren.
*** Warren Duress. 26 years old at tulad ni Eclaire ay hindi rin siya isang mythical shaman, ngunit malakas din ang taglay niyang lakas at kapangyarihan. Palabiro ngunit mabait siya, sobrang maaasahan din siya dahil sa taglay niyang kapangyarihan.
Matipuno ang pangangatawan ni Warren. Nasa 5'6" ang kaniyang taas, maputi ang kaniyang balat at kulay brown na nasa katamtamang haba ang kaniyang buhok. ***
"Hindi kayo mga mythical shaman? Kung ganon, anong klaseng mga nilalang kayo?" Tanong ni Rain.
"Isa akong Sorceress at itong si Warren ay isa namang Druid." Tugon ni Eclaire.
"Sorceress? Druid? Anong klaseng mga nilalang ang mga yon?" Tanong muli ni Rain.
"Kaming mga sorceress ay may kakayahang makontrol ang lahat ng klase ng elemento at kaya rin nilang manipulahin ang time and space. Ang mga druids naman ay may kakayahang utusan ang kalikasan at kaya din nilang mapasunod ang kahit na anong klaseng mga hayop at halaman. Kaya din nilang makontrol ang ilan sa mga elemento." Sambit muli ni Eclaire.
"Wow! Hindi ko alam na may ganong klase palang mga nilalang, maliban sa mga mythical shaman!" Sambit muli ni Rain.
"Sandali, hindi pa rin nga pala ako nakakapagpakilala sayo, Zenon. Ako nga pala si Zeren Reign Icarus, ang nakatatanda mong kapatid." Sambit ni Zeren.
*** Zeren Reign Icarus. Hindi tukoy ang kaniyang edad, dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa rin siya nare-reincarnate. Walang masyadong impormasyon tungkol sa kaniyang pagkatao, subalit sapat ng mailalarawan sa kaniya na sobrang lakas niya.
Matipuno ang pangangatawa ni Zeren, nasa 5'7" ang kaniyang taas, medyo maputi ang kaniyang balat at pula na mahaba ang kaniyang buhok. ***
"*Uhm! Nabanggit ka na nga sa'kin ni Carl kanina. Maitanong ko lang, bakit hindi mo kasama ang iba pa na'ting mga kapatid?" Tanong ni Rain.
"Ang totoo nyan." Sambit muli ni Zeren.
Hindi na nagawa pang tapusin ni Zeren ang kaniyang sasabihin, dahil biglang nagsalita si Hades.
"Ako na ang magpapaliwanag sa batang ito, Zeren." Sambit ni Hades.
"Masusunod po, ama." Tugon ni Zeren.
Ikinagulat naman ni Rain ang kaniyang narinig, kaya gulat itong nagsalita.
"Ama? Tama ba ang rinig ko?" Tanong muli ni Rain.
"Tama ka Zenon, ako nga ang inyong ama, dahil ako ang lumikha sa inyong apat." Tugon ni Hades.
"Kung ganon, totoo ngang masama ka? Dahil ang sabi sa'kin ni ate Rachelle ay masama daw ako nung naging una at ikalawang buhay ko." Sambit muli ni Rain.
"Nagkakamali ka, Zenon. Si Zeus ang masamang nilalang. Siya ang may dahilan kung bakit kayo namatay at nareincarnate. Kinuha niya kayong tatlo matapos nyong mareincarnate at pinalaki kayo sa kamay ng mga Isenhart." Sambit ni Zeren.
Ikinagulat ni Rain ang kaniyang mga narinig at sandali siyang natahimik. Makalipas ang ilang sandali ay hinarap na niya si Zeren at agad niya itong tinanong.
"Hindi ka pa nare-reincarnate, Zeren?" Tanong ni Rain.
"Ganon na nga. Kung nagtataka ka at ganito ang itsura ko ay dahil humihinto na ang pagtanda ng mga phoenix sa edad na 25." Tugon ni Zeren.
"*Hmm.. Kung ganon ang mga Isenhart na ito at si Zeus ang mga masasama? Ganon ba?" Sambit muli ni Rain.
"Tama. At sa tingin ko sila din ang may gawa sa pagkamatay mong muli, kaya ka ulit na reincarnate. Pero salamat kay master Hades at nakuha ka niya. Nagkaroon lang siya ng problema dahil hinahabol siya ng iba pang mga kasapi ng Yami clan, kaya minabuti niyang ibigay ka na lang sa Dragon clan." Sambit ni Tyki.
Muli ay sandaling natahimik si Rain upang mag-isip at makalipas ang ilan pang sandali ay nagsalita na siyang muli.
"Naguguluhan pa rin ako sa mga nalaman ko ngayon. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi, dahil hindi ko talaga alam ang mga nangyari sa mga nakaraang buhay ko." Sambit muli ni Rain.
"Nauuwaan ka na'min, Zenon. Alam na'ming hindi ka basta maniniwala sa mga nalaman mo. Pero ang mahalaga naman ay nasabi na na'min ito sayo." Sambit muli ni Zeren.
"*Uhm! Maraming salamat. Maitanong ko lang po, anong klaseng mga nilalang ang mga Isenhart?" Sambit muli ni Rain.
Matapos magsalita ni Rain ay bumalik muna si Carl sa loob ng bahay upang panoorin ang balita sa telebisyon.
"Sila ang pinakamalakas na pamilya ng mga vampire at sila din ang pinakaunang henerasyon ng mga vampire." Tugon ni Hades.
"*Hmm.. Hindi ko aakalaing may mas malakas pa palang kauri sina Alex." Sambit muli ni Rain.
"Alex?" Tanong ni Eclaire.
"Kaklase ko po siya sa Olympus university. Nightmiere po ang apilyido niya." Sambit muli ni Rain.
"*Ahh.. Isa pala siyang Nightmiere. Mabubuti naman ang mga kasapi sa vampire clan, pero mag-iingat ka pa rin, dahil walang nakakaalam ng mga hakbangin ng clan na yon." Sambit muli ni Eclaire.
Ilang sandali pa ay naputol na ang pag-uusap nila at nabaling ang kanilang atensyon kay Carl, dahil agad silang tinawag nito.
*** Flashback end's here :P ***
Chapter end.
Afterwords.
Hello, natapos ko na nga pala nung nakaaraang linggo yung book 1, sa ngayon po ay sinisimulan ko na pong isulat yung bagong short story ko.. title po is "Magkatabing kwarto". One shot lang din po ang gagawin ko dito, parang dun sa "Paglalakbay para sa ikatlong bagay". Sana po ay subukan nyo din po ito kapag napublish ko na po siya.. Ayun thanks po.. :)
Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..
Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..
Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..
Susunod.
Chapter 38: Masamang balita – Nagbabadyang gyera.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top