Chapter 36: Pagsalakay - Hindi inaasahang mga kalaban. Part 2
Kinabukasan, July 11, CS240. Halos 6:00 am na ng umaga, isang nakakasilaw na liwanag na tumagos sa isang butas ng tent ang gumising kay Rain. Gusto sana niyang mag-inat ng mga oras na ito, ngunit hindi niya ito magawa dahil may kung anong nakadagan sa kaniyang mga braso. Ilang sandali pa ay tiningnan na niya kung ano ito, ngunit ng makita ito ay tuluyan ng nagising ang kaniyang diwa.
"Lina?! Selina?! Ano na naman ang ginagawa nyo sa tabi ko?!" Sambit ni Rain.
"Ano bang ingay yan, Rain?" Sambit ni Mark.
Nakapikit pa si Mark ng sambitin niya ito at bakas sa tono niya na inaatok pa siya.
"Oo nga! Ang aga-aga eh! *Hwaaaaa!" Sambit ni Annie.
Agad nagising ang natutulog na diwa ni Mark matapos marinig ang boses ni Annie, hindi kalayuan sa kaniyang tabi. Ilang sandali pa ay dahan-dahang nilingon ni Mark ang kaniyang kanan at doon ay nakumpirma niyang na nasa tabi nga niya si Annie.
"Annie?!" Tanong ni Mark.
Matapos marinig ni Annie ang boses ni Mark na tinatawag siya ay agad na itong napatayo at kalaunan ay napatakbo papalabas ng tent.
"*Eh?! Kung ganon ay tabi na naman kaming natulog ni Annie?" Sambit muli ni Mark.
Samantala, hindi pa rin tuluyang nagigising sina Selina, Lina, David, Aron at June sa mga oras na ito, kaya pinilit na ni Rain na gisingin ang dalawang nasa braso niya. Hindi kasi niya maigalaw ang kaniyang mga braso, dahil na rin sa kakulangan ng dugo na dapat ay tamang dumadaloy sa kaniyang buong katawan. Samakatuwid, mahid na yung mga braso ni Rain, kaya hindi niya ito maiglaw.
"Hoy! Gumising na nga kayong dalawa, hindi ko na maramdaman ang mga braso ko!" Sambit ni Rain.
Ilang sandali pa matapos magsalita ni Rain ay nagising na si Lina. Ikinatuwa naman niya ito, ngunit laking gulat niya ng bigla siyang tamaan ni Lina sa mukha ng mag-inat ito.
"A..a..aray! Li..na.." Sambit muli ni Rain.
Tuluyan ng nagising ang diwa ni Lina matapos makita ang itsura ng mukha ni Rain at ilang sandali pa nga ay nagsimula na siyang magsalita.
"Good morning, Rain. Sorry ah, natamaan pala kita nung nag-inat ako. *Hmm.. *Ahh! Alam ko na.." Sambit ni Lina.
Gusto pa sanang magsalita ni Rain, ngunit hindi na niya ito nagawa dahil bigla siyang hinalikan ni Lina. Sa mga sandaling ito ay gulat na gulat siya habang nilalasap ni Lina ang bawat sandali. Tumagal din siguro ng mga apat hanggang anim na segundo ang ginawang paghalik ni Lina at ilang sandali pa ay may napansin siyang kakaiba sa ibabang parte ng kumot ni Rain. Nagtaka si Lina matapos mapansin ang tila bundok na hugis ng kumot, kaya agad niya itong hinawakan upang tukuyin. Muli ay labis itong ikinagulat ni Rain, ngunit ilang sandali pa ay nalaman na ni Lina kung ano ang bagay na ito, kaya nakangiti na siyang nagsalita.
"*Fufufu.. na turn-on ba kita?" Tanong ni Lina.
Matapos magsalita ni Lina ay nakaramdam si Rain nang nakakatakot na aura mula kay Selina. Agad naman niya itong tiningnan, ngunit laking pagtataka niya dahil natutulog par in naman ito. At matapos nga noon ay nagsalita na si Rain.
"*Waaaaah! Tama na Lina! Ganyan talaga yan pag-umaga! Kaya please tama na!" Sambit ni Rain.
Hindi naman na nagsalita pa si Lina at nakangiti na lang itong tumayo. Matapos noon ay nag-inat itong muli at nagsimula ng magsalita habang naglalakad papalabas ng tent.
"Sige mamaya na lang ulit, Rain. *Umm.. Selina, alam kong gising ka na, kaya bilisan mo na dyan at bumalik ka na din sa tent na'tin." Sambit muli ni Lina.
Ikinagulat naman ni Rain ang kaniyang mga narinig kay Lina at agad na nga siyang napatingin kay Selina na kasalukuyan pa ring natutulog. Ngunit ilang sandali pa ay agad dumilat si Selina at galit itong tumitig kay Rain.
"Se..se..selina? Ka..kanina ka pa ba gising?" Tanong ni Rain.
"*Uhm! Sabihin mo nga Rain, totoo bang hindi mo na maramdaman ang mga braso mo?!" Sambit ni Selina.
"*Ahh.. Oo, kaya please naman. Baka naman pwedeng tumayo ka na, para dumaloy na ng tama ang dugo sa mga braso ko." Sambit muli ni Rain.
Ngunit matapos magsalita ni Rain ay ikinagulat niya ang mga sumunod na nangyari sa kaniya. Agad siyang hinalikan ni Selina at wala muli siyang nagawa kundi ang tugunan ito. Ikinagulat naman ito ni Selina, ngunit agad siyang nakaramdaman ng saya. Nagtagal ng ilang mga segundo ang paghahalikan nila, hanggang sa ilang sandali pa ay muli nang nagsalita si Selina.
"Siguro naman nabura na sa mga ala-ala mo ang ginawa ni Lina kanina." Sambit ni Selina.
Hindi na nagawang magsalita ni Rain at ilang sandali pa ay nawalan na siya ng malay. Samantala, tuwang-tuwa naman si Selina habang pinagmamasyadan ang naging reaksyon ni Rain. Hanggang sa ilang sandali pa ay lumabas na din siya at kalaunan ay nagtungo sa kanilang tent. Samantala, hindi naman napansin ni Mark ang mga nangyari, dahil hanggang sa ngayon ay nakangiti at tulala pa rin siya. Sina David, June at Aron naman ay mga kasalukuyan pa ring natutulog.
** Flashback! xD **
July 11, CS240, madaling araw nito at halos kakabalik lang nina Aron at June sa kanilang tent. Mga pagod at nanghihina ang dalawa habang mabagal na naglalakad papasok, dulot ito ng sobrang pagka-dehydrate, dala ng labis na pagtatae.
Kasalukuyang gising si Selina at Annie nang mga oras na ito. Sabay napalingon ang dalawa sa higaan ni Lina at ilang sandali pa ay nakumpirma nilang natutulog na ito.
"Yes! Tulog na rin si Lina. Maso-solo ko na din si Rain sa pagtulog ngayon. *Fufufu.. Teka, ma-check ko nga kung tulog na rin si Annie." Sambit ni Selina derekta sa kaniyang isipan.
"Good. Mukhang tulog na si Lina. Sa wakas makakatabi na din ako kay Rain. *Hmmm. Tingnan ko nga kung tulog na din si Selina." Sambit ni Annie derekta sa kaniyang isipan.
Sa mga sandaling ito ay magkasabay na nag-iisip ang dalawa, ngunit ang hindi nila alam ay parehas lang sina ng binabalak. Ilang sandali pa ay sabay na lumingon ang dalawa upang tingnan ang bawat isa, ngunit laking gulat nila ng magtagpo ang kanilang mga mata. At sa mga oras nga na ito ay sabay silang napatayo at kalaunan ay nagturuan. Muli ay sumenyas si Selina na dun sila sa labas mag-usap. Agad namang napatango si Annie at matapos nito ay sabay na silang lumabas.
"Binabalak mo na namang tabihan si Rain ano?!" Tanong ni Annie.
"*Tsk! Panira ka talaga, Annie!" Tugon ni Selina.
Gusto pa sanang magsalita ni Annie, subalit agad nang naglakad si Selina patungo sa tent nina Rain. Sa pagkakatoang ito ay wala na siyang nagawa pa, kaya sumunod na lang siya dito.
Maingat at tahimik na pinasok nina Selina at Annie ang tent nina Rain. At dahil sa dilim ay hindi malaman ng dalawa kung saan naka-pwesto si Rain, hanggang sa may marinig silang mga ingay.
"*Ahhh! Ang sakit pa rin ng tyan ko! Mama! Iligtas nyo po ako! *Huhuhuhu.." Sambit ni June.
"Ayoko ng kumain! Ayoko ng kumain! Ayoko ng kumain! Ayoko ng kumain!" Sambit ni Aron.
Napatakip na lang ng kanilang bibig ang dalawa, matapos marinig sina June at Aron na nagsalita, habang umiiyak ngunit tulog. Sa mga oras na na ito ay nakumpirma na nila na ang dalawa ay hindi si Rain, kundi si Aron at si June. Agad din nilang nalaman ang pwesto ni David, dahil sobrang laki nito. Ipinagtaka naman nila ang isang pwesto, dahil parang mataba ang natutulog dito. Nagkatinginan muna ang dalawa at dahan-dahan nilang tinungo ang pwestong ito.
Dahil na rin sa tagal ng kanilang pamamalagi sa dilim ay unti-unti ng nag-adjust ang kanilang paningin, kaya nakita na nila kung sino ang nakahiga dito sa pwestong pinuntahan nila. Subalit laking gulat nila matapos makita sina Rain at Lina na magkatabing natutulog. Napakagat labi na lang ang dalawa matapos makaramdam ng labis na pagkainis kay Lina. Naisahan na naman kasi sila nito.
Ilang sandali pa ay agad nilingon ni Annie si Selina, subalit nagtaka siya ng hindi na niya ito makita. Sinubukan pa niya itong hanapin, ngunit hindi na talaga niya ito makita pa. Naisip tuloy niya na baka lumabas na si Selina ng tent, kaya binabalak na din niyang lumabas. Ngunit bago tuluyang maglakad ay napatingin muna siya kay Rain, subalit laking gulat niya at kasabay nito ay ang kaniyang pagkainis, matapos makita si Selina na katabi na rin ni Rain.
"*Grrrr! Bwisit ka talaga Selina! *Hmmp!" Sambit ni Annie.
Matapos magsalita ay nagsimula nang maglakad palabas si Annie nang tent, ngunit bago muli niya ito tuluyang gawin ay napatingin siya sa isa pang pwesto kung saan dito ay may natutulog din. Nang maisip ni Annie na si Mark ang natutulog dono ay dahan-dahan siyang lumapit dito. Sandali siyang tumabi upang titigan ang natutulog na si Mark, ngunit hindi niya namalayan na nakatulog na din siya.
*** Flashback end's here! XD ***
Makalipas ang isang oras ay sabay-sabay na ngang lumabas ng kanilang tent sina Rain, Mark, at David. Samantala, kasalukuyan pa ring natutulog ang dalawa sa loob.
"Bwisit! Ang sama ng napanaginipan ko." Sambit ni Rain.
"Bakit, Rain? Ano ba ang napanaginipan mo?" Tanong ni Mark.
"Hindi ko pwedeng sabihin sa kaniyang ni Rape ako nina Selina at Lina sa panaginip ko." Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.
"*Hahaha! Pasenysa na pero hindi ko na maalala. *Hahaha!" Sambit muli ni Rain.
"Okay?.." Sambit muli ni Mark.
"Wow! Ambango! Saan nanggagaling ang mabagong pagkain na naamoy ko?! Nakakagutom naman!" Sambit ni David.
"*Hmm.. Oo nga! Nakakagutom." Sambit muli ni David.
Hindi na nagsalita si Rain at agad hinanap kung saan nanggagaling ang mabangong amoy at ilang sandali pa ay nakita na niya ang kaniyang ate at si Khaye habang nagluluto sa may gitna ng kanilang camp site. Sa mga sandaling ito ay masayang lumapit ang magkakaibigan, dahil batid nila na ito ang kanilang amusal.
"Ate, Khaye! Para sa almusal ba yang niluluto nyo?" Tanong ni Rain.
"*Uhm! Kaya gisingin mo na ang iba at malapit na itong maluto." Tugon ni Rachelle.
"Okay!" Sambit muli ni Rain.
Ilang sandali pa ay mabilis na nagtungo sina Rain at Mark sa tent nina Selina. Samantala, si David naman ay bumalik sa kanilang tent upang gisingin sina Aron at June.
"Hoy Selina, Annie, Lina, Alex, Melisa! Gumising na kayo, malapit na tayong mag-amusal." Sigaw ni Rain.
Ilang sandali pa ay sumilip si Annie sa kanilang tent at nang makita si Mark sa labas ay biglang namula ang kaniyang mga pisngi.
"*Tsk! Nakakainis, nakatulog na naman ako sa tabi ni Mark!" Sambit ni Annie derekta sa kaniyang isipan.
Ilang sandali pa ay biglang nagulat si Annie matapos umangat ang tent, dahilan upang makita na siya nina Rain at Mark. Agad namang napatingin si Annie sa kung sino ba ang nag-angat ng kanilang pinto at napatulala na ilang siya matapos makita ang cute na mukha ni Alex, habang naghihikab.
"*Oh! Annie, good morning." Walang emosyong pagkakasambit ni Alex.
"Ang cute naman ni Alex ko!" Sambit ni Annie derekta sa kaniyang isipan.
Ilang sandali pa ay biglang tumulo ng ang dugo sa ilong ni Annie at kalaunan bigla na siyang natumba, dahil sa labis na excitement. Medyo nagtaka at nag-alala naman si Alex para sa kalagayan ni Annie, dahil bigla na lang itong nawalan ng malay.
"Annie, Okay ka lang ba?" Walang emosyong pagkakatanong ni Alex.
Matapos magsalita ni Alex ay agad nitong tinulugan si Annie na makatayo.
"*Oh! Alex." Sambit ni Annie derekta sa kaniyang isipan.
"Okay lang ako, thanks." Tugon ni Annie.
"Mabuti naman at gising na kayo! Paki gising na rin ang iba, kakain na kasi tayo." Sambit ni Rain.
"*Uhm!" Walang emosyong pagtugon ni Alex.
Agad namang umalis ang dalawa upang gisingin ang iba pa nilang mga kaklase. Samantala, sa loob naman ng tent nina Rain. Kasalukuyang ginigising ni David sina Aron at June sa ngayon.
"Hoy! Gumising na kayong dalawa dyan, kakain na!" Sambit ni David.
Matapos magsalita ni David ay agad nagtalukbong ng kumot ang dalawa at kalaunan ay nanginginig nang nagsalita ang mga ito.
"Ayoko ng kumain! Ayoko ng kumain! Ayoko ng kumain! Ayoko ng kumain!" Sambit ni Aron.
"Iligtas mo ako, Mama! Iligtas mo ako, Mama! Iligtas mo ako, Mama! Iligtas mo ako, Mama!" Sambit ni June.
Bakas sa tono ng pagkakasambit ng dalawa ang labis na takot, kaya napakamot na lang ng kaniyang ulo si David.
"Tama na yan at bumangon na kayong dalawa! At wag kayong mag-alala, dahil si Khaye ang nagluto ng almusal." Sambit muli ni David.
Sa mga sandaling ito ay agad inalis ng dalawa ang kumot at mabilis na napatingin kay David. Ang kaninang takot sa kanilang mga puso ay biglang napalitan ng kasiyahan. At parang nagkaroon na sila ngayon ng bagong pag-asa sa buhay.
"Totoo ba yang mga sinabi mo, David?" Tanong ni June.
"*Uhm! Kaya bilisan nyo dyan at bumangon na kayo! For sure gutom na gutom na kayo." Sambit muli ni David.
Halos hindi pa tapos magsalita si David ay mabilis ng nakalabas ng tent sina June at Aron, upang alamin kung nagsasabi ba ito ng totoo. Ilang sandali pa matapos makalabas ang dalawa ay agad bumungad sa kanilang mga ilong ang mabangong amoy na nanggagaling sa niluluto ni Khaye. Sa mga sandaling ito ay mabilis na lumapit ang dalawa kay Khaye at masaya nilang kinausap ito.
"Maluluto na ba yan, Khaye?" Tanong ni June.
"*Uhm! Mga 5 minutes na lang siguro at kakain na tayo." Tugon ni Khaye.
"Yes!" Sigaw ng dalawa.
"*Umm. Nabalitaan ko nga pala ang nangyari sa inyong dalawa kagabi, sorry kung nakain nyo ulit ang mga niluto ni Krystine. Alam ko ding gutom na gutom na kayo, kaya sosobrahan ko ang ise-serve ko sa inyo mamaya." Sambit muli ni Khaye.
Matapos magsalita ni Khaye ay sandali siyang napahinto, dahil labis siyang nagulat. Bigla na lang kasing napaiyak ang dalawa.
"Isa kang goddess, Khaye!" Sambit ni June.
"*Uhm! *Uhm!" Sambit ni Aron.
"Sorry, pero isa akong nymph." Sambit muli ni Khaye.
Pilit ang pangiti ni Khaye habang kinakausap niya ang dalawa, bigla siyang nawirduhan sa mga ito. Makalipas pa ang sampung minuto ay nagsimula na ngang mag-almusal ang buong class fire-1. Sobrang saya ng mga ito habang sila ay kumakain, dahil sa sobrang sarap ng pagkakaluto ni Khaye. Labis-labis naman ang mga papuring tinatanggap ni Khaye galing sa kaniyang mga kaklase. Samantala, hindi naman makapagsalita sina Aron at June, dahil sa mala-baboy na pagkain ng mga ito.
Matapos kumain ay kasalukuyan nang nagpapahinga ang buong class fire-1. Sa mga oras ding ito ay ipinaliwanag na ni Rachelle ang susunod nilang activity at ito ay ang pag-akyat na sa pinaka-tuktok ng bundok.
"Okay class, makinig kayo. Matapos nyong baklasin ang inyong mga tent ay ipagpapatuloy na na'tin ang pag-akyat sa pinaka tuktok ng bundok na ito. Kailangan na'ting marating ang tuktok sa tamang oras, dahil kung hindi ay hindi na'tin magagawa ang ilan sa inyong mga activities. Dapat mga 2:00 or 3:00 pm ay nandon na tayo, kaya i-reserve nyo na ang inyong mga lakas at magbaon na kayo ng tubig at pagkain, dahil hindi tayo hihinto upang magpahinga." Sambit ni Rachelle.
"Kahit po sa lunch time?!" Tanong ni June.
"Oo! Kaya magbaon na kayo ng mga pagkain nyo." Tugon ni Rachelle.
Hindi na nagawa pang magsalita ni June at napaiyak na lang siya matapos marinig si Rachelle.
"*Oh! Bilisan nyo, kilos na! 8:00 am ay aalis na tayo." Sambit muli ni Rachelle.
Agad nang kumilos ang bawat isa matapos magsalita ni Rachelle. Mabilis inayos ng bawat isa ang kanilang mga gamit at maingat nilang binaklas ang kanilang mga tent. Makalipas lang ang bente minutos ay nakahanda na ang lahat upang umalis.
"Okay class! Simulan na na'tin ang pag-akyat sa bundok!" Sambit ni Rachelle.
"Yes ma'am!" Tugon ng lahat.
Ilang sandali pa ay nilisan na nga ng class fire-1 ang naging camping site nila at nagsimula ng maglakad papanik ng bundok. Ikinatuwa naman ni Annie matapos kunin ni David ang mga dala niyang gamit, upang siya na ang magdala sa mga ito. Bigla namang nagtampo si June, dahil walang nagkusa na bumuhat ng kaniyang mga gamit.
Habang naglalakad ay masayang nagku-kwentuhan ang magkakagrupo, ngunit si Rachelle ay hindi mapalagay at palingap-lingap ito sa kanilang kapaligiran.
"*Tsk! Ano kayang panganib ang naghihintay sa'min? Pinaghahandaan na ba ng mga kasama ng mga napatay nina Chris ang pag-atake sa'min? Dapat maging alerto ako, kung kinakailangan ay gagamitin ko na ang kapangyarihan ko." Sambit ni Rachelle derekta sa kaniyang isipan.
Napansin ni Rain ang mga ikinikilos ng kaniyang ate, kaya naman tinanong na niya kung bakit hindi ito mapakali.
"Ate, may problema ka ba?" Tanong ni Rain.
"*Ahh! Wala, wag mo na lang akong pansinin." Tugon ni Rachelle.
Napa poker-face na lang si Rain at matapos nito ay bumalik na siya sa pakikipag-usap sa kaniyang mga kaibigan.
Makalipas ang dalawang oras na paglalakad ay sobrang pagod at gutom na ang nararamdam nina June at Annie. Ilang sandali pa ay hindi na talaga kayang maglakad ni Annie at napaupo na ito sa labis na pagod.
"*Haaaa! Pagod na pagod na ako! Hindi ko na kaya!" Sambit ni Annie.
Agad namang napahinto ang magkakaibigan at napatingin kay Annie. Ilang sandali pa ay ipinakiusap muli ni Mark ang kaniyang mga dalang gamit kay David. Hindi naman nagdalawang isip si David at agad na niyang dinala ang mga gamit ni Mark. Matapos nito ay nakangiting naglakad si Mark patungo kay Annie, agad siyang lumuhod habang nakaharap ang kaniyang likod dito.
"Papasanin na lang ulit kita." Sambit ni Mark.
Kahit nagba-blush ay sumakay na si Annie sa likuran ni Mark. Matapos nito ay nagsimula na silang maglakad. Muli ay nagtampo si June, dahil hindi lang naman si Annie ang labis na napapagod. Syempre pati din siya, kay may naisip siyang paraan.
"Aron!" Sambit ni June.
Agad namang napalingon si Aron kay June at kalaunan ay nilapitan ito.
"Bakit June?" Tanong ni Aron.
"Hindi ka ba naiingit kay Mark?" Tanong muli ni June.
"*Huh?! Bakit naman ako mai-inggit sa kaniya?" Tanong muli ni Aron.
"Kasi lihim siyang nagsasanay." Sambit muli ni June.
Agad namang napatingin si Aron kay Mark at inalam kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ni June sa kaniya.
"Nagsasanay?" Tanong muli ni Aron.
"Oo! Nagsasanay siya para mas lalong lumakas ang stamina niya! At sa tulong yon ng pagbuhat kay Annie! Kung mapapansin mo, kahapon pa niya ito ginagawa!" Sambit muli ni June.
Sandaling napahinto si Aron at ilang sandali pa ay bigla siyang naglabas ng malakas na aura.
"*Fufufufu.. Lokong Mark yon! Gusto niya kagad akong higitan, kaya nagsasanay siya ng hindi kapansin-pansin. *Fufufu.. June!" Sambit ni Aron.
"*Oh bakit, Aron?" Tanong ni June.
"Maaari ba kitang pasanin?" Tanong ni Aron.
"*Hmmm.." Sambit ni June.
"Please!" Sambit muli ni Aron.
"Okay sige na nga! Pasalamat ka, magkaibigan tayo!" Sambit muli ni June.
Matapos magsalita ni June ay agad na siyang pinasan ni Aron.
"Ayos! Operation pasan, success! Buti nalang uto-uto itong si Aron! *Fuwahahahaha!" Sambit ni June derekta sa kaniyang isipan.
Makalipas pa ulit ang halos isang oras ay nakikita na nina Rain ang mga ruins ng sinasabing dating Olympus, kung saan pinaniniwalaang nakatira ang mga greek gods. Sa likod ng mga ruins ay makikita ang isang bangin at dito ang pinaka magandang lugar upang makita ang ganda ng buong Hagoweigh.
Napangiti ang mga magka-kaklase matapos makita ang ganda ng lugar, ngunit ilang sandali pa ay may isang malakas na pagsabog ang kanilang narinig, hindi kalayuan sa kanilang pwesto.
"Teka ano ang mga yon pagsabog na yon?" Tanong ni June.
"Makinig kayo, magtago muna kayo at ialerto nyo ang inyong mga sarili!" Sambit ni Rachelle.
Bigla naman nagulat ang buong class fire-1 at agad ngang nagtago ang grupo nina Rain at ang iba pa nilang mga kaklase sa likod ng mga puno. Ngunit tanging ang grupo lang nina Chris at si Ryan ang hindi nagtago at kasalukuyang nasa likod lang ni Rachelle.
"Sinabi ng magtago na kayo eh! Hindi nyo ba ako naiintindihan?" Sambit muli ni Rachelle.
"At ano naman po ang gagawin ng isang tao?" Tanong ni Aris.
Matapos salita ni Aris ay may naramdamang si Rachelle na isang mabilis na bagay na paparating. Batid niyang isang malakas na uri ito ng ammunition at patungo ito sa dereksyon kung saan nakatayo si Aris. Sa pagkakataong ito ay agad yumuko si Rachelle at mabilis niyang hinawakan ang lupa.
"** EARTH CONSTRUCT! WALL! **" Sambit ni Rachelle.
*** SFX: DUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUGSS! ***
Isang malaking pader na gawa sa bato ang humarang sa buong class fire-1. Labis namang ikinagulat ng grupo nina Chris ang skill na ginawa ni Rachelle at napatingin na lang ang mga ito dito.
"Si..si..sino ka bang talaga?" Sambit muli ni Aris.
"Isang matibay at mabilis na pag-cast ng skill. Simpleng skill lang ang ginawa niya, pero sa bilis nito ay masasabi kong sobrang lakas niya. Totoo ngang napakalakas nitong si Raziel Draken." Sambit ni Sai derekta sa kaniyang isipan.
"Tsaka na ako magpapaliwanag, ang mahalaga ay maakalis na tayo dito! Magiging malaking problema para sa'tin kung makikipaglaban tayo sa mga taong ito." Sambit muli ni Rachelle.
Ngunit matapos magsalita ni Rachelle ay bigla na lang..
*** SFX: BOOOOOOOOOOOOOOM! ***
Isang malakas na pagsabog ang yumanig at ang malakas na pagsabog na ito ay sumira sa malaking wall na ginawa ni Rachelle.
"*Tsk! Ang kulit ng mga taong ito!" Sambit muli ni Rachelle.
Ilang sandali pa ay bigla siyang natahimik, dahil labis siyang nagulat matapos makita sina Chris na kasalukuyang pasugod sa lugar kung saan nagmumula ang mga pag-atake sa kanila. Labis namang natatakot sina Annie at June, dahil marami na ring mga pagsabog ang kanilang mga naririnig, hindi kalayuan sa kanilang lugar.
"Mukhang pati ang ibang mga section ay inaatake na rin ng mga umaatake sa'tin." Walang emosyong pagkakasambit ni Alex.
"Ito na ang kinatatakutan ni master Zilan, ang paglaban ng mga tao sa'ming mga mythical shaman. *Tsk!" Sambit ni Selina derekta sa kaniyang isipan.
"Hoy kayong anim! Wag nyong patayin ang mga taong yan!" Sigaw ni Rachelle.
"Bakit pa? Sila naman ang may gusto nito!" Tugon ni Ryan.
"*Tsk! Ang mga batang ito! Pero kung wala man kaming mapatay sa mga ito at kung madis-armahan lang na'min sila, hindi ko naman alam kung sa ibang section ay ganito din ang kanilang gagawin. Delikado ito para sa travincial." Sambit ni Rachelle derekta sa kaniyang isipan.
Napatingin na lang si Rachelle sa lugar kung saan may nakikita siyang mga pagsabog.
"Ate! Lalaban din kami." Sambit ni Rain.
"Okay! Pero wag nyo silang papatayin! Mga tao lang ang mga umaatake sa'tin at kung maaari ay pigilan nyo ang limang yon." Tugon ni Rachelle.
Samantala, kasalukuyan nang narating ng anim ang lugar kung saan nagtatago ang mga umaatake sa kanila. Habang umiiwas ang mga ito sa mga bala ay kasabay nito ang kanilang mga pag-atake. Agad nilang napaslang ang iba at kalaunan ay mabilis na inatake ang iba pang mga kalaban. Halos ilang sandali lang ay naubus na nila ang mga kalabang may mga baril. Sa pagkakataong ito ay nagpaparamihan sila ng napatay, hanggang sa may mga tao pa ang dumating at ang bawat isa sa mga ito ay may hawak na sandata, mga anti-myths weapons.
"*Fufufufu.. Mukhang mag-e-enjoy ako ngayon! ** TAKE OVER! CERBERUS! **" Masayang pagkakasambit ni Sai.
"*Roaaaaaaaar!!"
Ikinagulat ng mga kalaban ang kanilang nakitang pagbabagong anyo ni Sai. Ang ilan sa kanila ay napaatras, ngunit hindi naman ito mga nagtakbuhan at ilang sandali pa ay matapang na nilang hinarap ang malaking aso na may tatlong ulo.
"Hoy Sai! Hindi yata tama na ikaw lang ang mag-enjoy! Matagal ko na din gustong magwala! *Fuwahahahaha! ** TAKE OVER! BLACK FENRIR! **" Sambit ni Ryan.
"*Roaaaaaaaar!!"
Sa mga oras na ito ay nakaramdam ng sobrang takot ang mga kalaban at ang ilan sa mga ito ay tuluyan ng napatakbo.
"*Gurahahahaha! Sige! Takbo pa mga kutung lupa!" Sambit ni Ryan.
"** HEAVEN'S JUDGEMENT! LIGHTNING THUNDER! **" Galit na pagkakasambit ng isa sa mga ulo ni Sai.
Habang sinasambit ng isa sa mga ulo ni Sai ang kaniyang skill ay mabilis ng namuo ang mga maitim na ulap sa kalangitan. At nang matapos na si Sai sa pagsasalita ay bigla na lang..
*** SFX: Psssssssssssssssssttt.. BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOM! ***
Isang makapal na kidlat ang tumama sa kalupaan at halos kalahati ng kanilang mga kalaban ang mabilis na namatay.
"*Tsk! Hindi naman patas ang ginawa mong skill, Sai!" Sambit muli ni Ryan.
"*Ahahaha! Sorry hindi na niya napigilan ang kaniyang init ng ulo!" Masayang pagkakasambit ng isa sa mga ulo ni Sai.
"Kung ganon, ako na ang uubos sa mga natira! ** GROUND ZERO! WRATH OF THE BLACK FENRIR! **" Sambit muli ni Ryan.
Matapos masambit ni si Ryan ang "Ground zero" ay agad nabalutan ng koryente buong kalupaan, kung saan nandoon ang kanilang mga kalaban. At nang matapos na siya sa pagsasalita ay bigla na lang..
*** SFX: *Tssssst! *Tssssst! *Tssssst! *Tssssst! BOOOOOOOOOOOM! ***
Mabilis gumapang ang mga koryente sa katawan ng mga anti-myths soldier at wala na silang nagawa pa kundi ang sumigaw hanggang sa bawian na sila ng buhay. Wala namang nagawa ang apat, dahil inubos na nina Ryan at Sai ang mga kalaban, kaya nagpasya na lang silang bumalik sa kanilang mga kaklase. Baka sakali kasing may mga kalaban pa silang makaharap.
Samantala, kanina matapos makita nina Rain ang isang malaking aso na may tatlong ulo at ang black fenrir na si Ryan.
"Teka si Ryan ba ang black fenrir na yon? At anong klaseng nilalang ang malaking aso na yon na may tatlong ulo?" Sambit ni Rain.
"Yan ang itsura ng isang Cerberus! Bilisan mo Rain! Pigilan mo si Sai, bago pa man niya mapatay ang lahat ng mga tao don!" Sambit ni Rachelle.
Napatango na lang si Rai at ang kaniyang mga kaibigan. Ilang sandali pa ay mabilis na silang napatakbo patungo sa lugar kung saan nagpunta ang anim. Hindi pa naman huli ang lahat, kaya susubukan nilang pigilan ang mga ito sa pagpatay sa mga tao. Ngunit nang marating nina Rain ang mga ruins ay bigla silang napahinto at kalaunan ay mabilis na napatalon paatras, matapos iwasan ang isang pag-atake. Mabilis nilang tiningnan kung saan nagmula ang pag-atake at agad nilang nakita si Garry at ilang mga kasamahan nito.
"Rain Esfalls! Kung ganon, isa ka din palang mythical shaman!" Sambit ni Garry.
"Garry!" Sambit ni Rain.
"Ngayon, kukumpletuhin ko na ang paghihiganti ko sayo! At kukunin ko ang ulo mo, bilang isang souvenir!" Sambit muli ni Garry.
"*Tsk! Itigil nyo na ang kalokohang ito, Garry! Hindi mo ba nakikita ang malaking itim na lobo at ang malaking aso na may tatlong ulo? Tatapusin nila ang mga kasama mo sa isang tira lang! Kaya itigil nyo na ito at magmadali na kayong umalis, bago pa mahuli ang lahat." Sambit muli ni Rain.
"*Haah?! Wag mo kaming maliitin, dahil nagsanay talaga kami para lumaban sa mga mythical shaman na katulad mo! Gamit ang aming mga anti-myths weapon, uubusin na'min kayong lahat!" Sambit muli ni Garry.
Ngunit matapos magsalita ni Garry ay nakarinig sila ng isang malakas na pagsabog sa lugar kung saan naroroon ang anim nilang kaklase.
*** SFX: Psssssssssssssssssttt.. BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOM! ***
Isang makapal na kidlat ang nasaksihan nina Rain bago pa man nila marinig ang malakas na pagsabog na ginawa nito. Labis namang ikinagulat ng grupo nina Garry ang malakas na pagyanig na kanilang naramdaman, kaya mabilis silang napalingon sa kanilang likuran.
"A..a..ano ang bagay na yon?! Isang kidlat?!" Sambit ni Garry.
"*Tsk! Nagsimula na sila! Garry! Kung gusto mo pang mabuhay pati na ang mga kasama mo, umalis na kayong lahat dito bago pa kayo ubusin ng mga halimaw na yon!" Sambit muli ni Rain.
Hindi naman nagawang magsalita ni Garry at ilang sandali pa ay biglang..
*** SFX: *Tssssst! *Tssssst! *Tssssst! *Tssssst! BOOOOOOOOOOOM! ***
Isang pang malakas na pagyanig ang kanilang narinig at kaakibat nito ang mga sigaw ng mga kasamahang nina Garry.
"*Tsk! Bwisit! Mark, David! Mauna na kayong pumunta kina Sai! Kami na ang bahala ni Aron sa mga ito!" Sambit muli ni Rain.
"Okay!" Tugon ni Mark.
Matapos magsalita ni Mark ay mabilis na nga silang tumakbo ni David patungo sa grupo nina Sai. Samantala, kasalukuyan pa ring tahimik si Garry at ang mga kasamahan nito.
"Garry, parang awa nyo na! Tumakas na kayo, wala kayong kalaban-laban sa mga halimaw na yon!" Sambit muli ni Rain.
Ngunit imbes na umalis ay mabilis na sumugod ang grupo nina Garry kina Rain. Kahit nagulat si Rain sa naging aksyon ng grupo ni Garry ay walang kahirap-hirap naman nilang naiwasan ang ginawang pag-atake ng mga ito sa kanila.
Matapos umatake ni Garry ay sumenyas ito at matapos noon ay mga labing limang katao ang sumugod sa iba pa nilang mga kaklase na kasalukuyang nagtatago sa mga puno. Gamit ang mga dalang baril ay agad pinaulanan ng mga ito, nang bala ang grupo nina Selina at ang iba pa nilang mga kaklase. Salamat sa Nature magic nina Krystine at Khaye, dahil nagawa nilang masanggang ang halos lahat ng bala, sa tulong ng mga punong tinataguan nila. Ngunit ilang sandali pa ay biglang napaluhod si Alex, agad naman siyang nilapitan ni Annie at laking gulat nito matapos makitang tinamaan si Alex sa kaliwang balikat.
"Alex! Okay ka lang ba!?" Tanong ni Annie.
Bakas sa tono ng pagkakasambit ni Annie ang labis na pag-aalala, ngunit hindi siya tinugon ni Alex at ilang sandali pa ay marahan itong tumayo. Kahit nag-aalala ay nagulat at nakaramdam ng takot si Annie kay Alex, dahil biglang haba ng mga pangil nito.
"Alex?" Tanong muli ni Annie.
"Magbabayad sila." Sambit ni Alex.
Sa unang pagkakataon ay nakita ni Annie ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Alex. Ilang sandali pa ay bigla na lang itong nawala, kaya agad na niya itong hinanap. Ngunit ilang sandali pa ay laking gulat niya matapos makitang katabi na nito ang isa sa mga lalaking umatake sa kanila.
"Ikaw ba ang nakatama sa'kin?" Tanong ni Alex.
Ikinagulat naman ng lalaki ang kaniyang narinig, subalit hindi na niyang nagawang lumingon, dahil agad siyang kinagat ni Alex sa leeg. Sa mga sandaling ito ay hindi na nagawang magsalita ng lalaki, dahil mabilis nang iniinom ni Alex ang kaniyang dugo. Labis naman ang pagkagulat ng mga kasamahan nito, matapos makita si Alex habang kagat-kagat sa leeg ang kanilang kasama.
"Teka, saan nanggaling ang babae yon?" Sambit ng isang lalaki derekta sa kaniyang isipan.
"Isang Vampire!" Sigaw ng isang lalaki.
Ilang sandali pa ang lumipas ay biglang lumabas ang bala sa lugar kung saan tinamaan si Alex. At matapos noon ay mabilis ng naghilom ang kaniyang sugat. Patuloy lang sa kaniyang pag-inom si Alex sa dugo ng lalaki, hanggang sa tuluyan na niya itong bitiwan. Sa mga sandaling ito ay tahimik siyang nakatingin sa mga sundalo, habang pinupunasan ang kaniyang bibig. Samantala, mabilis namang itinutok ng mga sundalo ang kanilang mga baril kay Alex, ngunit bago pa nila ito tuluyang mapaputok ay muling nagsalita si Alex.
"** FEAR! PHANTASM! **" Sambit ni Alex.
Matapos itong sambitin ni Alex ay biglang napasigaw ang mga sundalo at tila mga takot ito sa kung ano ang kanilang nakikita ngayon.
*** Note: Ang "Fear! Phantasm" ay natatanging skill ng Nightmiere family, vampire clan. Isa itong mataas na uri ng halusinasyon na kung saan ay nagkakatotoo ang mga illusyong/halusinasyong na nakikita ng mga sumailim sa skill na ito. Lubhang mapanganib ang skill na ito at tanging mga malalakas na mythical shaman lang ang nakakatakas. At sa pamamagitan ito ng paglaban sa mga nilalang na kanilang nakikita. Tanging ang caster din ang maaaring magpahinto ng mga halusinasyong nakikita ng sinumang sasa-ilalim sa kapangyarihan nila. Ngunit may isa itong kahinaan at sa oras na malaman ito ng sinumang sumailalim sa skill na ito ay agad mawawala ang mga nilalang na nakikita nila. ***
Ngunit sa kalagayan ng mga taong sumailalim sa kapangyarihan ni Alex ay imposibleng matalo nila ang mga nilalang na nakikita nila sa kanilang mga halusinasyon. Sa ngayon ay walang emosyong pinapanood ni Alex ang mga nangyayari sa katawan ng mga sundaong bumaril sa kanila. At ang ilan sa mga ito ay tuluyan nang nakain ng mga nilalang na nakikita nila sa kanilang halusinasyon at ang iba naman ay nagkagutay-gutay na ang katawan. Ilang sandali pa ay mabilis na tumakbo si Annie patungo kay Alex, napasunod naman sina June at Selina dito. At ang iba naman nilang mga kaklase ay tumakbo na pababa ng bundok.
Samantala, sa kaparehong oras kanina ng magsimulang magpaulan ng bala ang mga kasamahan ni Garry sa mga kaklase ni Rain.
"Garry! Nababaliw ka na ba?! Gusto nyo na ba talagang mamatay?!" Sigaw ni Rain.
"Nababaliw? *Hahaha! Baka ikaw ang nababaliw, kung sa tingin mo ay matatakot mo kami! Pwes, nagkakamali ka! Nagsanay kami upang maabot ang kapangyarihan ito! Nagsanay kami ng sobra para mapili kami ng aming mga anti-myths weapon. At ipapakita ko na sayo ang bunga ng mala-empyernong na'ming pagsasanay! ** Anti-myths, switch-on! HEAVEN'S FIST! **" Sambit ni Garry.
Matapos magsalita ni Garry ay biglang nabalutan ng isang malaking makinarya ang kaniyang buong kanang braso, katulad ito ng nakita ni Rain nung nakaraang araw ng muling silang magkita ni Garry sa may beach.
"** Anti-myths, switch-on! SPIRE OF HONOR! **" Sambit ni May.
"** Anti-myths, switch-on! HELL SLAYER! **" Sambit ni Joshua.
Halos sabay nag-activate ng kanilang mga anti-myths weapon sina May at Joshua. Isang mahabang lance ang itsura ng sandata ni May, samantalang isang malaking axe naman ang sandata ni Joshua. Ilang sandali pa ay nag-activate na rin ang iba pa nilang mga kasama ng kani-kanilang mga anti-myth weapon.
Samanta, agad inalerto nina Rain at Aron ang kanilang mga sarili, dahil nakaramdam sila ng panganib sa mga sandata ng kanilang mga kalaban.
"Sugod mga kasama! Tapusin na na'tin ang mga halimaw na yan!" Sigaw ni Garry.
Matapos magsalita ni Garry ay agad nang sumugod ang kaniyang mga kasama patungo kina Rain at Aron. Sa dami ng mga ito ay wala ng pagpipilian pa sina Rain, kundi ang lumaban.
"*Tsk! Bahala na! ** ENCHANT! INFINITE BURNING MYTH SLAYER! **" Sambit ni Rain.
Biglang nabalutan ng matingkad na apoy ang sandata ni Rain na siyang ikinagulat ng mga kalabang pasugod sa kanila. Nagulat din si Aron, matapos banggitin ni Rain ang pangngalan ng kaniyang sandata. Ngunit wala sila sa tamang oras para mag-usap ngayon, kaya agad na niyang hinarap ang mga kalaban.
"*Grrrrr! Bakit na kay Rain ang Myth slayer?! *Waaaaaa! Tanggapin nyo 'to! ** KATON! BLAZING FIREBALL NO JUTSU! **" Sigaw ni Aron.
Matapos magsalita ay mabilis na nag-hand gesture si Aron na parang isang ninja sa anime. At matapos nito ay bumuga na siya ng makapal na apoy na kasalukuyang patungo sa mga pasugod nilang kalaban. Labis naman ang pagkagulat ng mga sumugod sa kanila, kaya napahinto ang mga ito at kalaunan ay mabilis na napaatras, upang makaiwas sa makapal na apoy.
"Tama ba ang mga narinig ko?" Tanong ng isang lalaki.
"Isa siyang ninja! At isa isang Uchiha! *Waaaaaa! Tapos na tayo!" Sigaw ng isa pang lalaki.
Agad nagtakbuhan dahil sa labis na takot ang mga kasamahan nina Garry, matapos malamang ninja si Aron.
"Hoy! Saan kayo pupunta? Magsibalik kayo!" Sigaw ni Garry.
"*Tsk! Ninja?! Imposible! Sa anime lang yun! Mga bugok na unit! Mukhang kaming tatlo na lang ang lalaban kay Rain at sa kasama niya." Sambit ni Garry derekta sa kaniyang isipan.
"Ayos ba ang ginawa ko, Rain?!" Tanong ni Aron.
"Halata namang Dragon breath lang yun! Pero salamat at natakot mo sila." Sambit ni Rain.
"*Hahaha! Akala ko naman ma-aastigan ka sa ginawa ko!" Sambit muli ni Aron.
"Humanda na ka, Aron. Mukhang hindi pa tapos ang laban." Sambit muli ni Rain.
"*Uhm! Pero mukhang tapos na ang grupo nina Sai. Hindi ko na kasi nakikita ang dalawang malaking aso." Sambit muli ni Aron.
"Mukhang ganon na nga. *Tsk! Sana umabot sina Mark." Sambit muli ni Rain.
"Tapusin na na'tin ito, Rain Esfalls!" Sigaw ni Garry.
"Kung yan ang gusto mo, Garry." Tugon ni Rain.
"Ako na ang bahala sa dalawa, Rain." Sambit muli ni Aron.
"Okay sige!" Tugon ni Rain.
"** ENCHANT! DUAL BURNING DRAGON TALONS! **" Sambit muli ni Aron.
Matapos magsalita ni Aron ay nabalutan ng apoy ang dalawang braso niya. Kalaunan ay nahulma ang apoy sa anyo ng isang malaking kamay na may mga mahahabang kuko. Matapos makumpleto ni Aron ang kaniyang pag-enchant ay mabilis na niyang sinugod sina May at Joshua. Samanantala, naalerto naman ang grupo nina Garry, kaya agad silang naghanda para din sa gagawin nilang pag-atake.
Mga may limang hakbang na lang ang layo ni Aron kina Garry ay biglang napahinto ito, matapos suntunkin ni Garry ang lupa na kanilang tinatapakan.
*** SFX: BOOOOOOOOOOOOOOOOOM! ***
"Ano?! *Cough! *Cough! Nagtago sila sa usok. *Tsk!" Sambit ni Aron.
Ngunit ilang sandali pa ay biglang nanlaki ang mga mata ni Aron matapos marinig ang mga sinabi ni Rain.
"Umilag ka Aron! Sa taas mo!" Sigaw ni Rain.
*** SFX: BOOOOOOOOOOOOOOOOOM! ***
Isang malakas na pagsabog ang biglang yumanig sa pwesto kung saan nakatayo si Aron. Ngunit salamat kay Rain, dahil nagawang iwasan ni Aron ang pag-atake sa kaniya.
"*Tsk! Medyo na iinis nyo na ako ah!" Sambit muli ni Aron.
Matapos magsalita ni Aron ay sobrang bilis na niyang sinugod ang dalawang umatake sa kaniya. Samantala, kasalukuyan na ding sumugod si Rain at seryoso ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Mabilis siyang nakalapit kay Garry at gamit ang kaniyang sandata ay mabilis niya itong ipinang-atake. Agad naman nasalag ni Garry ang ginawang pag-atake ni Rain gamit ang kaniyang anti-myths weapon. Ngunit dahil sa sobrang lakas ng tinanggap niyang pag-atake ay nagawa pa rin siyang paliparin nito. Mabilis at malakas ang naging pagtama niya sa mga ruins at sa ngayon ay kasalukuyan siyang nakasandal dito. Sa ngayon nasa magandang spot siya, kung saan makikita ang ganda ng buong hagoweigh at isa itong bangin.
"*Cough! *Arrgghh.. Sobrang lakas, kung hindi ko nasangga ang isang yon. Siguradong tapos na ako. Ganito ba talaga ang lakas ng isang mythical shaman?" Sambit ni Garry derekta sa kaniyang isipan .
Kahit namimilipit sa sobrang sakit ay pinilit pa rin ni Garry na igalaw ang kaniyang katawan. Kahit papaano naman ay kaya pa niyang tumayo, ngunit hindi niya tiyak, kung kaya pa ng katawan niya ang makipaglaban.
Ilang sandali pa ay pinilit na ni Garry na tumayo, gamit ang kaniyang natitirang lakas ay nakatayo siya at kasalukuyang nakasandal sa isang pader kung saan siya huling tumama. Napatingin na lang siya sa kaniyang anti-myths weapon at nagulat ng mapansing may malaking bitak sa gitna nito. Ilang sandali pa ay napalingon siya sa kaniyang harapan at nakita na niya si Rain na mabagal na naglalakad papalapit sa kaniya.
Samantala, kanina matapos makaiwas ni Aron sa ginawang pag-atake sa kaniya mula sa itaas ay inis na siyang sumugod sa dalawa niyang kalaban. Mabilis niyang sinugod ang dalawa at nang may ilang hakbang na lang ang kaniyang layo ay agad na niya itong inatake. Samantala, sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay itinulak na lang ni Joshua si May, upang makaiwas ito sa ginawang pag-atake ni Aron. Labis namang nagulat si May at matapos makakuha ng balanse ay agad siyang napalingon kay Joshua.
"Joshua!" Sigaw ni May.
Agad nakita ni May ang sugatang kaibigan, habang ang anti-myth weapon nito ay tuluyan ng nasira. Walang pag-aaksaya ay mabilis na niyang nilapitan ang kaibigan upang tulungan.
"*Cough! Sobrang bilis niya! Isa nga yata siyang ninja! *Cough! *Cough! Tumakas ka na, May. Isama mo na din sa pagtakas si Garry." Sambit ni Joshua.
"Pero, papaano ka?" Tanong ni May.
"Wag kang mag-alala! Mamamatay naman akong nakikipaglaban." Sambit muli ni Joshua.
May sasabihin pa sana si May, ngunit hindi na niya ito nagawa matapos niyang makita si Aron.
"Tumakas na kayo. Wag kang mag-alala, wala akong balak na tapusin kayo, kaya pinilit kong hindi siya tapusin sa ginawa kong pag-atake kanina. Pero hindi ko inaasahang malaki pa rin pala ang nagawa kong pinsala sa kaniya. Sorry ah!" Sambit ni Aron.
Natahimik si May matapos marinig ang mga sinabi ni Aron. Ilang sandali pa ay dahan-dahan na siyang tumayo at kasabay nito ay mahigpit niyang hinawan ang kaniyang sandata. Matapos nito ay umiiyak na siyang sumugod kay Aron. Samantala, labis namang nagulat si Aron, ngunit agad niyang inihanda ang sarili para sa paparating na pag-atake.
"*Wuhaaaaaaaa! Wag mo kaming maliitin, halimaw ka!" Sigaw ni May.
"Ang kulit mo naman, pero kung iyan ang gusto mo, pagbibigyan kita. ** DRAGON'S MELTDOWN! **"
Matapos magsalita ni Aron ay biglang nawala ang mga apoy sa kaniyang mga braso, ngunit ilang sandali pa ay biglang nabalutan ng apoy ang buong katawan niya. Sa ngayon ay tanging mga anino lang ni Aron ang nakikita ni May sa loob ng apoy, ngunit lakas loob pa rin niya itong inatake.
"Katapusan muna!" Sigaw muli ni May.
Matapos sumigaw ay buong lakas na itinarak ni May ang kaniyang sandatang sa nag-aapoy na si Aron. Ilang sandali pa ay napangiti siya dahil batid niyang tumama ang kaniyang ginawang pag-atake, derekta sa puso ni Aron. Ngunit ilang sandali pa ay napabitaw ito sa kaniyang sandata, dahil sobra na ang init nito.
Agad napatalon paatras si May at matapos noon ay napatitig na lang siya sa nag-aapoy niyang kalaban. Ilang sandali pa ay nanlaki ang kaniyang mga mata matapos makitang natunaw na ang kaniyang sandata.
"Imposible! Gawa sa mithril ang mga anti-myths na'min! Kaya imposibleng malusaw agad ito ng ganong kabilis." Sambit ni May derekta sa kaniyang isipan.
***Note: Ang "Dragon's Meltdown" ay natatanging skill ng mga Elemental fire dragon. Isa itong mataas na uri nang pag-enchant na maiha-halintulad sa "Phoenix storm" ng mga phoenix. Ngunit hindi ganon kasing init ang taglay nitong apoy, kung maiikumpara mo siya sa init na taglay ng Phoenix storm. Ngunit gayunpaman, kapag nasa ganitong istado ang isang elemental fire dragon ay hindi sila tatablan ng kahit anong uri ng pag-atake gamit ang elemento ng apoy. At sa sobrang init na taglay nila ay mabilis din nilang natutunaw ang anumang bagay na mapapalapit sa kanila. At dahil dito ay tinawag itong Dragon's Meltdown. ***
"Walang magagawa ang mga sandata niyo laban sa'ming mga mythical shaman, kaya binibigyan ko pa kayo ng isa pang pagkakataon para tumakas, utos din kasi ito sa'kin ng aking lola." Sambit ni Aron.
Napaatras naman si May at ilang sandali pa nga ay agad na nitong itinayo si Joshua at kalaunan ay mabilis na silang tumakbo papalayo. Matapos namang makita ni Aron na tumatakas na ang kaniyang mga kalaban ay inihinto na niya ang kaniyang Dragon's Meltdown.
Samantala, mabalik naman tayo kina Rain. Sa mga oras na ito halos kaka-activate palang ni Aron ng kaniyang Dragon's Meltdown. Sa ngayon ay kasalukuyan siyang naglalakad patungo kay Garry, ngunit ilang sandali pa ay napahinto siya sa paglalakad at kalaunan ay napalingon kay Aron.
"Gusto bang tapusin ni Aron ang dalawang yon?! Bakit ginamit niya kaniyang ang dragon's meltdown?" Sambit ni Rain.
Agad namang nanlaki ang mga mata ni Garry, matapos marinig ang mga sinabi ni Rain. At ilang sandali pa nga ay nagsimula na muli siyang magsalita.
"*Grrrr.. Rain.. Esfalls.." Sambit ni Garry.
Agad napalingon si Rain kay Garry at matapos nito ay seryoso na siyang nagsalita.
"Tama na Garry. Ang ginawa kong pag-atake sayo kanina ay wala pa sa kalahati ng buong kapanyarihan ko. Gusto kong ipakita sayo ang pinagkaiba ng lakas na'ting dalawa at umaasa akong aatras na kayo matapos mong ma-realized ang pagkakaiba na'tin." Sambit muli ni Rain.
"*Fufufufu.. Wala pa sa kalahati ng iyong lakas? Wag mo nga akong patawanin! Sa mga sinabi mo ay lalo lang lumaki ang galit ko sayo! Kahit nung una palang na nagkita tayo, minaliit mo na agad ako! Kaya nung araw na natalo mo ako sa laban na'tin ay isinumpa kong magpapalakas ako at hahanapin kita para makaganti." Sambit muli ni Garry.
Biglang natahimik si Rain matapos marinig ang mga sinabi ni Garry sa kaniya. Naalala tuloy niya ang panahong tinutukoy nito.
*** Flashback! :3 ***
Dalawang taon na ang nakakalipas, September 21, CS238. Sa lugar kung saan sandaling tumira sina Rain, Lina at ang kaniyang ate na si Rachelle.
Tanghali ng araw na ito at kasalukuyang naglalakad papalabas ng kanilang paaralan si Rain, nang bigla siyang harangin ng ilang mga kalalakihan na istudyante rin sa kaniyang paaralan.
"Ito ba ang bumugbog sayo, Romar?" Tanong ni Garry.
"Oo! Siya na nga yun, Garry!" Tugon ni Romar.
"Ano ba ang problema nyo? Kung ayaw nyong masaktan ay tumabi na kayo." Sambit ni Rain.
Sa mga sandaling ito ay hindi maganda ang timpla ni Rain, dahil samo't-saring mga sermon ang kaniyang inabot sa loob ng kanilang school faculty.
"*Haha! Mukhang hindi ko yata gusto ang tabas ng dila mo, unggoy na may pulang buhok!" Sambit muli ni Garry.
Lalong nag-init ang ulo ni Rain sa mga narinig niyang sinabi ni Garry, kaya galit na itong nagsalita.
"Gusto nyo ba talagang masaktan? Please lang, tumabi na kayo at wag nyo na akong bwisitin. Okay lang naman sa'king makick-out dito, pero ang hindi okay ay ang sandamukal na sermon na aabutin ko pagkatapos ko kayong gulpihin. Nauunawaan nyo ba ako? Kaya tumabi na kayo sa daan." Sambit muli ni Rain.
Nagalit na si Garry sa mga oras na ito, dahil hindi niya nagustuhan ang kaniyang mga narinig. Ilang sandali pa ay inutusan na niya sa kaniyang mga kasama na palibutan na si Rain. Sa mga sandaling ito ay dumarami na ang mga istudyanteng nanunuod sa kanila, hanggang sa sinugod na nga ng mga kaibigan ni Garry si Rain.
"Patay ka ngayon!" Sambit ni Romar.
Ngunit laking gulat ng lahat ng biglang tumilapon si Romar at humapas pa ito sa gate ng kanilang school. Isang malakas na suntok mula kay Rain ang tinanggap nito, dahilan upang tumilapon ito at malagas ang mga ngipin nito na kasalukuyang nahulog sa lapag.
"Ikaw! Sugod!" Sigaw ni Garry.
Muli ay mabilis na sumugod ang lahat ng kaibigan ni Garry na nakapaikot ngayon kay Rain. Ngunit ang bawat isa sa mga ito ay tumanggap lang ng tigi-tigisang suntok at lahat sila ay nawalan na ng malay matapos tamaan ni Rain. Sa mga oras na ito ay tangin si Garry na lang ang nakatayo.
"*Tsk! Magbabayad ka!" Sambit muli ni Garry.
Matapos magsalita ay buong lakas na sinugod ni Garry si Rain. Nang makalapit ay agad niya itong sinutok sa mukha, ngunit nasalag lang ito ni Rain gamit ang kaniyang kaliwang kamay. Gulat na gulat naman si Garry sa ginawang pagpigil ni Rain sa pagsuntok niya at ilang sandali pa ay nakaramdam na lang ito ng labis na sakit sa kaniyang sikmura. Dahan-dahan siyang napatingin sa kaniyang tiyan at dito ay nakita niyang sinuntok pala siya ni Rain.
Matapos sikmuraan ni Rain si Garry ay binitiwan na niya ito. Agad namang napaluhod si Garry at agad napahawak sa kaniyang tiyan. Nagsimula namang malakad na si Rain papalabas ng school habang ang lahat ng mga istudyante ay tahimik lang na pinapanood ang kaniyang paglalakad.
"*Cough! *Cough! Hoy ikaw! Ano ang pangngalan mo!" Sambit ni Rain.
Matapos marinig ni Rain si Garry ay napahinto ito at ilang sandali pa nga ay nagsalita na rin siya.
"Hindi na mahalaga kung sino ako, dahil baka ito na ang huling araw ko sa school na ito." Tugon ni Rain.
"Kung ganon, tandaan mo ang pangngalan ko! Garry Wiseman! Taandaan mo ang pangngalang yan!" Sigaw muli ni Garry.
"Garry Wiseman? Okay sige, tatandaan ko yan. Siguraduhin mo lang na malakas ka na sa susonod na'ting paghaharap." Tugon muli ni Rain.
At matapos ngang magsalita ay naglakad na papalabas si Rain ng school. At katulad ng kaniyang sinabi, nakick-out na nga siya sa school na ito at hindi na siya muli pang nakita dito sa bayan.
*** Flashback end's here xD ***
Mabalik tayo sa kasalukuyan, matapos maalala ni Rain ang kanilang nakaraan ay muli na nga siyang nagsalita.
"Pasensya na, pero malabo ng makaganti ka pa sa'kin, dahil hindi ako isang tao." Sambit ni Rain.
Lalo lang nainis si Garry sa kaniyang mga narinig, kaya naman buong lakas na lang niyang sinutok ang kaniyang tinatapakan, dahilan upang matibag ang malaking parte ng ruins at mahulog silang dalawa sa bangin.
*** SFX: BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOM! ***
Agad namang napalingon si Aron at sina Annie, June Alex, at Selina matapos makarinig ng malakas na pagsabog sa mga ruins na malapit sa may bangin. Agad din nilang nakita si Rain at ang kalaban nito habang mabilis na nahuhulog kasama ng mga ilang malalaking bato. Mabilis tumakbo si Aron patungo sa lugar kung saan nangyari ang pagguho, samantala napatakbo na din sina Annie, June, Alex at Selina.
"*Hahaha! Mas gugustuhin ko nang sabay tayong mamatay!" Sambit ni Garry.
Hindi na nagsalita si Rain, bagkus ay ginamit niya ang nahuhulog na malaking bato sa kaniyang likuran at agad niya itong sinipa upang makakuha ng pwersa para mabilis ang paglapit niya kay Garry. Labis naman itong ikinagulat ni Garry, ngunit mas lalo niyang ikinagulat ng biglang kunin ni Rain ang kaniyang braso at matapos noon ay buong lakas siyang ibinato nito pabalik sa itaas.
"Aron! Saluhin mo siya!" Sigaw ni Rain.
Agad namang nasalo ni Aron si Garry, ngunit si Rain ay patuloy na nahulog kasabay ng mga malalaking bato. Walang magawa ang magkakaibigan, kundi panoorin si Rain habang ito ay patuloy sa pagbulusok paibaba, kasama ng mga malalaking bato.
"Raaain!" Sigaw nina Annie at Selina.
Chapter end.
Afterwords.
*Huhuhu! Sobrang pasensya na po kayo dun sa umpisa, bigla ko lang kasing naalala ang anime na "Kissxsis" matapos kong mai-type/maisip yung biglang namanhid yung mga braso ni Rain. Sorry po talaga, pero hindi po magawang huminto ng isip ko at ng mga daliri ko sa pagta-type sa kagaguhang scene na ito. Pero alam kong matutuwa ang ilang sa mga lalake kong readers lalo na kung napanood na nila ang "Kissxsis", dahil katulad ko ay matatawa din sila. Ayun.. sobrang pasensya na talaga. #ToomuchAnime! xD
Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..
Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..
Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..
Susunod
Chapter 37: Phoenix Azure at ang kaniyang ama - Zeren Reign Icarus at Hades Hellsflame.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top