Chapter 34: Anti-Myths - Ang mga taong may makapangyarihang sandata. Part 4
July 09, CS240 martes at gabi nang mga oras na ito. Kasalukuyang nasa may beach sina Chris, Sai, Aris, Roby at Blyde upang magpalipas ng oras, dahil nakakabagot sa kanilang kwarto. Hindi naman nila pinag-usapan na pumunta sa beach at kung tutuusin ay hindi naman sila sabay-sabay na lumabas ng kanilang kwarto. Nagkataon lang na nagkita-kita sila dito sa may beach.
Sobrang lamig din ng mga oras na ito, kaya wala ng tao sa may beach, kundi silang lima lang. Wala ding ulap ng mga oras na ito at kasalukuyang bilog ang buwan. Sobrang ganda din ng mga bitwin sa kalangitan.
Matapos magkita-kita ay hindi naman nagpansinan ang mga ito, dahil wala silang paki-alam sa isa't-isa. Hindi rin nila gustong magkasama-sama sa kwarto, ngunit wala na silang mapagpipilian pa, dahil sila na lang ang walang ka grupo.
Ilang sandali pa matapos nilang magkita-kita ay agad silang nagkani-kaniya ng mga dereksyong pupuntahan, indikasyong ayaw nilang makasama ang isa't-isa. Hanggang ang bawat isa sa kanila ay may sumalubong na tao.
"Gabi na ah, Mr. Mythical Shaman? *Fufufufu.." Sambit ng isang lalaki.
Nagulat si Aris sa lalaking nagsalita sa kaniyang harapan, subalit ilang sandali pa ay napangiti siya.
"Mukhang marami kang alam sa amin, kutong lupa." Sambit ni Aris.
Agad na nakaramdam ng pagkainis ang lalaking matapos magsalita ni Aris, kaya naglabas agad ito ng isang mahabang sandata.
"Ngayon, subukan na'tin ang tigas mo dito sa anti-myths weapon ko." Sambit muli ng lalaki.
Mapunta naman tayo kay Chris, sa kaparehong oras habang nakikipag-usap si Aris sa hindi kilalang lalaki. Isang lalaki din ang humarang at kalaunan ay kumausap sa kaniya.
"Ako nga pala si Mike Rusopword at ako ang taong tatapos sa buhay mo." Sambit ni Mike.
"Talaga? Sige nga, ipakita mo nga sa'kin ang galing mo." Sambit ni Chris.
Samantala, sa kaparehong oras din sa pwesto ni Sai. Isang lalaki din ang humarang sa kaniya.
"May problema ka ba, tao?" Galit na pagkakasambit ni Sai.
"Bakit ang init naman agad ng ulo mo, Mr. mythical shaman?" Sambit ng isang lalaki.
"Mukhang ikaw ang mag-aaalis ng kalungkutan ko ngayon gabi.. *Fufufufu.." Masayang pagkakasambit ni Sai.
"Bakit biglang ang saya mo naman ngayon? *Hahaha! Ang weird mo, pero ito na ang huling gabi ng buhay mo." Sambit muli ng lalaki.
Samantala, sa kaparehong oras din sa pwesto naman ni Roby. Isang babae ang nagsalita sa kaniyang likuran, kaya agad niya itong nilingon.
"Kamusta?" Sambit ng isang babae.
"Kilala ba kita, miss?" Tanong ni Roby.
Hindi na tumugon ang babae sa kaniya, bagkus ay mabilis na itong sumugod upang umatake. Ikinagulat naman ito ni Roby, kaya agad niyang inalerto ang kaniyang sarili.
*** SFX: BOOOOM! ***
Isang malakas na pagsabog ang nalikha sa ginawang pag-atake ng babae kay Roby. Hindi naman ito pinansin ng iba pa niyang kasama sa kwarto, kahit hindi naman sila gaanong kalayo sa isa't-isa. Samantala, mabilis sinundan ng babae ang unang pag-atakeng ginawa niya, dahil hindi kasi ito tumama matapos tumalon ni Roby paatras.
Mabalik muli tayo kina Aris at sa lalaking kaharap niya.
"Mukhang nagsisimula na ang mga kasama mo, kutung lupa." Sambit muli ni Aris.
Lalong nag-init ang ulo ng lalaki matapos muling marinig si Aris, kaya sa pagkakataong ito ay mabilis na niyang itong inatake, gamit ang kaniyang spear.
"Tanggapin mo 'to. *Ura! *Ura! *Ura! *Ura!" Sambit ng lalaki.
Mabilis na nagpakawala ng sunod-sunod na pag-atake ang lalaki, subalit walang kahirap-hirap na naiiwasan ni Aris ang bawat pag-atakeng pinapakawalan nito.
"Imposible! Papaanong naiiwasan ng lalaking ito ang mga ginagawa kong pag-atake. *Tsk! Mukhang minaliit ko ang mga mythical shaman na ito." Sambit ng lalaki derekta sa kaniyang isipan.
Samantala, sa kaparehong na oras ay kasalukuyan na ding nakikipaglaban sina Chris, Roby, Sai at Blyde. At mapunta muli tayo sa lugar kung saan nakikipaglaban si Chris sa lalaking nagpakilalang Mike.
"Ang bagal ng mga kilos mo, hindi rin ganong kalakas ang mga binibitiwan mong pag-atake. Mukhang hindi naman bagay sayo ang sandatang gamit mo. Sigurado ka bang tatapusin mo ako?" Sambit ni Chris.
Habang nagsasalita ay patuloy na iniiwasan ni Chris ang bawat pag-atakeng pinapakawalan ni Mike sa kaniya.
"*Tsk!" Sambit ni Mike.
Sa pagkakataong ito ay sandaling tumigil sa pag-atake si Mike at kalaunan ay tumalon siya paatras. Sa pagkakataong ito ay bigla siyang napatigil, dahil may napansin siyang isang pagkidlat sa lugar kung saan alam niya na nandoon ang isa sa kaniyang mga kasama.
"Teka, saan galing ang kidlat na yon?" Sambit ni Mike.
Agad napalingon si Chris sa kaniyang likuran at matapos itong makita ay agad na siyang nagsalita.
"*Tsk! Mukhang tinapos agad ni Sai ang nakalaban niya." Sambit ni Chris.
Labis na nagulat si Mike sa kaniyang mga narinig, kaya sa pagkakataong ito ay labis na galit ang kaniyang nararamdaman.
"Papaano ba yan, mukhang kailangan ko na ding tapusin ang larong ito, Mike Rusopword." Sambit muli ni Chris.
"*Tsk! Mukhang tama ka nga. ** Anti-Myth weapon, switch on! **" Sambit ni Mike.
Matapos magsalita ay biglang nabalutan ng berdeng liwanag ang ispadang gamit ni Mike. Ikinagulat naman ito ni Chris, ngunit kalaunan ay napangiti siya.
"Anti-Myth weapon? *Fufufu.. Nakakatawa ka kung sa tingin mo ay makakaya mo akong patayin gamit ang laruan mong yan. Ipapakita ko sayo ang kapangyarihan ng isang Mythical shaman. ** ENCHANT! DUAL SHARP WIND CLAW! ** " Sambit muli ni Chris.
Bakas sa tono ng pagkakasambit ni Chris na handa na siyang pumatay. Ilang sandali pa ay mabilis na nabalutan ang dalawang braso ni Chris nang mga nakikitang hangin at kalaunan ay naging malaking mga kamay na may mahahabang mga kuko ang mga ito. Labis ang pagkagulat ni Mike, dahil ito palang ang unang beses na nakakita ng ganito.
"*Tsk! Kung ganon, yan pala ang kapangyarihan ng mga mythical shaman. Totoo ngang nakakamangaha, pero walang kwenta yan sa sandata ko." Sambit muli ni Mike.
"*Fufu.. Sige, ipakita mo sa'kin ang lakas ng ipinagmamalaking mong sandata." Sambit muli ni Chris.
Matapos magsalita ni Chris ay biglang napatingin si Mike sa hindi kalayuan sa kanila. Sa mga sandaling ito ay laking gulat niya matapos makita ang isa sa kaniyang mga kasama na kasalukuyang nakahiga malapit sa may dalampasigan. Nakita rin niya ang dahan-dahang paglapit ng isang lalaki, kaya ang buong atensyon niya ay napunta dito.
Samantala, kanina matapos makita ni Mike ang kidlat sa likuran ni Chris. Kasalukuyang nakikipaglaban dito si Sai sa isang lalaki. Sa ngayon ay kasalukuyang hindi makagalaw ang kalaban ni Sai sa may dalampasigan matapos itong tamaan ng kidlat. Mabagal niya itong nilapitan sa ngayon, habang umaagos ang mga luha sa kaniyang mga mata.
"*Sob! *Sob! *Sob! Patay ka na ba agad?" Sambit ni Sai.
Hindi magawang magsalita ng lalaki at ang tanging magagawa na lang nito sa ngayon ay ang panoorin ang unti-unting paglapit ni Sai sa kaniya. Ilang sandali pa ay tuluyan ng nakalapit si Sai. Sa pagkakataong ito ay dahan-dahan na siyang umupo at kalaunan ay umiiyak na tinitigan ang lalaki.
"Mabuti naman at buhay ka pa pala. *Sob! *Sob! *Sob! Gusto pa kasi kitang pahirapan eh.. *Sob! *Sob!" Sambit muli ni Sai.
Kahit hindi magawang magsalita ng lalaki ay mababatid sa mga mata nito ang labis na takot.
"*Sob! *Sob! *Sob! Tatapusin na kita ah.. ** ENCHANT! ICE CRYSTAL DAGGER! **" Sambit muli ni Sai.
Matapos magsalita ni Sai ay mabilis na naipon ang tubig dagat sa kaniyang kanang kamay. Ilang sandali pa ay nahulma ang tubig na kahugis ng isang patalim at matapos nito ay bigla na lang itong nagyelo. Halos may tatlong segundo siguro ang itinagal ng pag-enchant ni Sai at matapos niya itong magawa ay mabilis na niya itong itinarak sa dibdib ng kalaban. Samantala, hindi na nagawang magsalita ng lalaki, kahit may naipon na itong lakas para sumigaw, dahil agad itong nagyelo.
"*Sob! *Sob! *Sob! Paalam na sayo.. *Sob! *Sob! *Sob! ** SHATTER! **" Sambit muli ni Sai.
Ilang sandali pa matapos magsalita ni Sai ay biglang nabasag at kalaunan ay nagkadurog-durog ang nagyelong katawan ng lalaki. At ang tubig na nagmula sa natunaw na yelo na dapat ay walang kulay ay naging kulay pula, dahil sa dugo na sumabog kasabay ng pagkadurog ng nagyelong katawan ng lalaki.
Nasaksihan ito ng kasalukuyang kalaban ni Chris, si Mike. Hindi ito makapaniwala sa kaniyang mga nasaksihan, kaya gamit ang kaniyang Anti-Myth weapon na halos kaka-activate pa lang niya ay galit niyang sinugod si Sai. Subalit bago pa siya tuluyang makalapit ay agad humarang sa kaniyang harapan si Chris.
"Umalis ka dyan!" Sigaw ni Mike.
Matapos sumigaw ay agad inate ni Mike si Chris. Buong lakas niyang iwinasiwas ang kaniyang sandata patungo kay Chris.
*** SFX: BOOOOOOOOOOOOOOOM! ***
Isang malakas na pagsabog ang nalikha sa ginawang pag-atake ni Mike, ngunit bago pa tuluyan tumama ang ginawa niyang atake ay nakatalon na ng ubod ng taas si Chris. Sa ngayon ay kasalukuyan itong nasa ere. Samantala, wala namang kaalam-alam si Mike, dahil ang alam niya ay napatay na niya ang kaniyang kalaban sa ginawa niyang pag-atake dito. Sa pagkakataong ito ay balak na niyang sugurin si Sai, ngunit isang boses ang narinig niya mula sa itaas. Napahinto siya dahil dito at kalaunan ay napatingala.
"** WRATH OF THE GRIFFON'S SWIPES! **" Sambit ni Chris.
Kasabay ng pagbaba ni Chris ang isang pag-atake na mabilis tumama kay Mike.
"*Guraaaa!" Sigaw ni Mike.
Mabilis naglabasan ang dugo sa X-shape na sugat sa buong katawan ni Mike. Mula ulo ang hanggang binti ay umaagos ang dugo sa kaniyang katawan. Marami at malalim ang mga sugat na natamo niya, kaya hindi nagtagal ay agad na siyang binawian ng buhay at kalaunan ay bumuwal.
"Kasalanan mo yan, masyado mong minaliit ang mga mythical shaman." Sambit ni Chris.
Samantala, kanina bago pa simulang i-activate ni Mike ang kaniyang Anti-myths weapon. Kasalukuyan na ring nakikipaglaban si Blyde sa isang lalaking may hawak na malaking maso.
"Puro pag-iwas na lang ba ang kayang mong gawin." Sambit ng lalaki.
Ngunit kanina pa hindi nagsasalita si Blyde at ang ekspresyon sa kaniyang mukha ay hindi pa rin nagbabago. Dahil dito ay labis na ang pagkainis ng lalaki, habang patuloy siyang umaatake. Ilang sandali pa ay napatalon paatras ang lalaki at galit itong nagsalita.
"Nakakainis ka nang mythical shaman ka! ** Anti-Myth weapon, switch on! **" Sigaw ng lalaki.
Biglang naalerto si Blyde at dito ay napalitan na ng seryosong ekspresyon ang kaniyang mukha. Matapos magliwanag ang buong sandata ng lalaki ay mabilis na itong sumugod patungo sa kaniya. Sa pagkakataong ito ay agad naghanda si Blyde para sa isang pag-atake. Ilang sandali pa ay halos may ilang hakbang na lang ang layo ng sandata ng lalaki sa kaniya. Ngunit bago pa ito tuluyang tumama ay mabilis na niya itong inatake. At sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi na nagawang magulat ng lalaki, dahil mabilis siyang tumilapon patungo sa dagat matapos siyang malakas na tamaan sa mukha.
Samantala, labis na nagulat ang kasalukuyang kalaban ni Roby, dahil nasaksihan nito ang paglipad ng kaniyang kaibigan at nasaksihan din nito ang pagkamatay ni Mike. Sa mga sandaling ito ay biglang nakaramdam ng labis takot ang babaeng, kaya agad niyang tiningnan ang kalagayan ng iba pa niyang mga kasama. Subalit napaiyak na lang siya, matapos makita ang isang parte ng dalampasigan kung nasaan si Sai. Nakita kasi niya dito ang nagkalasug-lasug na katawan ng isa pa sa kaniyang mga kasama. Sa ngayon, tangin siya na lang ang buhay at ang kasalukuyang kalaban ni Aris na may gamit ng spear. Batid na din ng natitirang lalaki na patay na ang iba sa kaniyang mga kasama, kaya labis na ang nararamdaman galit nito para sa kanilang mga kalaban.
Samantala, dala ng labis na takot ay biglang nanginginig ang buong katawan ng babae. Mas lalo pa itong lumaki matapos marinig magsalita ang kaniyang kalaban.
"Hoy miss! Kung gusto mo pang mabuhay, bilisan mo nang tumakbo. Ayoko kasing pumatay ng isang babae." Sambit ni Roby.
Ang totoo nito ay malaki ang pagkakahawig ng babae kay Lina, kaya hindi magawang gumanti ni Roby dito. Ilang sandali pa matapos magsalita ni Roby ay mabagal na itong naglakad papalayo. Samantala, bigla naman napalunok ang babae at matapos nito ay napatingin siyang muli sa natitira niyang kasama na kasalukuyang nakikipaglaban.
"Tumakas ka na, Maria! Iwanan mo na ako dito." Sigaw ng lalaki.
Matapos marinig ang sinabi ng kasama ay hindi na siya nagdalawang isip pa at agad na siyang tumakbo papalayo. Subalit hindi pa man ito nakakalayo ay may isang pulang bagay ang mabilis na tumama sa kaniya, dahilan upang masunog ang buo niyang katawan. Agad napalingon si Roby sa dereksyon kung saan nagmula ang bolang apoy. At matapos noon ay nakita niya si Sai na nakangiti, habang umuusok pa ang kanang palad nito.
"Maria!!" Sigaw muli ng lalaki.
Nagpagulong-gulong pa ang babae, ngunit kalaunan ay hindi na ito gumalaw pa. Sa pagkakataong ito ay mabagal nang naglakad papalapit si Roby kay Sai.
"Hoy Sai! Bakit mo pinatay yung babae? Pinatakas ko na nga eh!" Sambit ni Roby.
"*Hahahaha! Pasensya ka na! Nabitin kasi ako sa nakalaban ko eh! Hindi man lang kasi ako nakalaban." Masayang pagkakasambit ni Sai.
Hindi masyadong naunawaan ni Roby ang sinabi ni Sai sa kaniya. Ngunit ang hindi niya alam ay ang tinutukoy nito ay ang isa pa kaniyang personalidad na hindi nakalaban. At ang persona na ito ay ang may taglay na kapangyarihan ng apoy.
"Loko ka talaga! Pero mabuti na rin siguro yon, dahil baka mapagalitan tayo ni miss Rachelle sa oras na malaman niya ito." Sambit muli ni Roby.
"*Wahahahaha! Oo nga no!" Sambit muli ni Sai.
Masaya nung una, ngunit biglang naiyak si Sai matapos niyang magsalita. Samantala, agad tumalon paatras ang lalaki at kalaunan ay mabilis na nagtungo sa kasama na kasalukuyan pa ring nasusunog. Ngunit ilang sandali pa ay tuluyan ng nawala ang apoy, subalit sa pagkakataong ito ay napahinto siya, dahil kasabay ng pagkawala ng apoy ay wala na rin ang kaniyang kaibigan. Ilang sandali pa ay umihip ang malakas na hangin at dahil dito ay tuluyan nang humalo ang abo ng kaibigan sa mga buhangin.
Sa mga sandaling ito ay labis na nakaramdaman ng galit ang lalaki para kay Sai, kaya ilang sandali pa ay mabilis na niya itong sinugod. Subalit sa kalagitnaan ng kaniyang pagsugod ay bigla siyang napahinto at kalaunan ay napatalon sa kaniyang gilid. Naramdaman kasi niya ang isang presensya sa kaniyang likuran.
Sa pagkakataong ito ay mabilis siyang napatingin kay Sai, ngunit mas lalo lang siyang nainis, matapos makitang nakangiti ito. Muli ay sinugod niya ito, subalit muli siyang napahinto at kalaunan ay mabilis na umatake sa kaniyang likuran. Muli kasi niyang naramdaman ang isang presensya dito. Ngunit labis siyang nagtaka matapos umatake, dahil wala siyang nakita matapos niyang lumingon.
"Tama na ang paglalaro, kutung lupa. Oras na para mamatay ka." Sambit ni Aris.
Labis na nagulat ang lalaki, dahil narinig niya sa kaniyang likuran ang boses ni Aris. Muli ay siyang agad umatake sa kaniyang likuran, subalit laking gulat niya matapos wala muling makita.
"Teka nasaan na yon?" Tanong ng lalaki derekta sa kaniyang isipan.
Ilang sandali pa ay agad hinanap ng lalaki si Aris, subalit hindi niya ito makita sa ngayon.
"Ako ba ang hinahanap mo?" Sambit muli ni Aris.
Muli ay umatake ang lalaki sa kaniyang likuran, dahil dito niya muli narinig ang boses. At katulad ng mga nauna niyang pag-atake ay wala siyang tinamaan. Sa pagkakataong ito ay muli niyang hinanap si Aris, ngunit ilang sandali pa ay nakaramdam na siya ng sakit mula sa kaniyang kanang balikat. Sa mga sandaling ito ay nalaman na niya kung nasaan ang kalaban at kasalukuyan itong naka-kagat sa kaniyang balikat. Balak na sana niya itong atakehin, subalit ilang sandali pa ay biglang hinila ni Aris ang laman ng parte na kaniyang kinagat at matapos nito ay tumalon siya paatras. Agad namang napahawak ang lalaki sa kaniyang balikat at kalaunan ay agad siyang napaluhod. Sa mga oras na ito ay napalitan nang takot ang kaninang labis na galit na nararamdaman niya at dahil ito sa kaniyang nakita. Agad kasing nilunok ni Aris ang parte ng kaniyang laman na nakagat nito.
"*Hmmm.. *Slurp! May nakalimutan nga pala akong sabihin sayo, isa nga pala akong werewolf at alam mo bang sariwang karne ng tao ang paburito na'ming pagkain?" Sambit ni Aris.
Hindi na nagawang magsalita ng lalaki, dahil na rin sa labis na takot na kaniyang nararamdaman. At ilang sandali pa nga ay biglang nawala sa kaniyang paningin si Aris at nagulat na lang matapos makaramdam muli ng sakit sa kaliwang balikat niya. Dahan-dahan niya itong nilingon at laking takot sa kaniyang nakita. Isang mukha ng lobo na may pulang mga mata. Ngunit ang kaniyang mga nakikita ay pawang mga halusinasyon lang, dahil dala ito ng labis niyang takot. Unti-unti nang nawawalan ng malay ang lalaki habang unti-unti nang kinakain ni Aris ang ilan sa mga parte ng kaniyang katawan.
Mga ilang minuto ding pinanunod nina Chris, Roby at Blyde ang ginagawang pagkain ni Aris sa kaniyang nakalaban. Samantala, kasalukuyan namang sinusunog ni Sai ang nagkalasug-lasug na katawan ng lalaking nakalaban niya. Matapos maging abo ang mga ito ay sunod naman nitong pinuntahan ang katawan ng lalaking nakalaban ni Chris, si Mike at matapos makalapit ay ito naman ang sinunog niya hanggang sa maging abo. Matapos nito ay nagtungo na siya sa lugar kung nasaan ang tatlo pa niyang kaklase. Nang tuluyang makalapit ay agad niyang tinanong si Blyde.
"Hoy Blyde. Asan na yung katawan nung nakalaban mo?" Masayang pagkakasambit ni Sai.
Agad namang napalingon si Blyde kay Sai at matapos nito ay nagsalita na siya.
"Hindi ko alam eh, tumilapon kasi siya sa dagat at matapos non ay hindi ko na siya nakita pa." Tugon ni Blyde.
"Ganon ba?" Masayang pagkakasambit muli ni Sai.
Matapos magsalita ay agad napalingon si Sai sa dagat at laking tuwa matapos makita ang isang lalaking lumalangoy papunta sa isang malayong dalampasigan.
"Mukhang nakita ko na ang nakalaban mo, Blyde." Masayang pagkakasambit muli ni Sai.
"Talaga? Good for you." Sambit muli ni Blyde.
Matapos magsalita si Blyde ay umiiyak si Sai habang marahan nitong inangat ang kaniyang kanang braso, habang nakatutok sa lalaking lumalangoy papalayo.
"*Sob! *Sob! *Sob! ** FROST HOLD! ** " Sambit muli ni Sai.
Kasabay ng pagsasalita ni Sai ay ang pagdakot niya sa kaniyang kamay. Samantala, labis na nagulat ang lalaking kasalukuyang lumalangoy, dahil biglang nabalutan ng yelo ang buo niyang katawan.
Matapos makita ni Sai ang pangyayaring ito ay galit na siyang nagsalita.
"** HEAVEN'S STRIKE! **" Sigaw ni Sai.
*** SFX: Psssssssssssttt.. BOOOOOOOOOOOOOOOM! ***
Matapos magsalita ni Sai ay isang matalim na kidlat ang tumama sa nagyelong lalaki. Subalit hindi nito nagawang mabasag ang yelo at sa pagkakataong ito hindi nakuntento si Sai, kaya umiiyak na siyang nagsalita.
"*Sob! *Sob! *Sob! ** SHATTER! **" Sambit muli ni Sai.
Matapos muling magsalita ni Sai ay biglang nabasag ang nagyelong katawan ng lalaki. At katulad ng nakalaban ni Sai kanina ay nagkalasug-lasog din ang katawan nito na mabilis na lumubog sa dagat. Samantala, matapos malinis ni Sai ang mga bakas ng kanilang mga nakalaban ay sakto namang natapos na sa pagkain si Aris sa nakalaban nito. Ilang sandali pa ay agad na niya itong tinungo at kalaunan ay narating ang nagkagutay-gutay na katawan ng lalaki. Napa-Iling na lang siya matapos itong makita at ilang sandali pa ay sinunod na niya ito hanggang sa maging abo.
Samantala, agad namang nagtungo si Aris sa may dalampasigan upang maghugas. Sobrang dami kasi ng dugo ang napunta sa kaniyang damit, mukha at mga kamay. Matapos maglinis ng katawan ay masayang nag-usap sa unang pagkakataon ang lima. Masaya nilang pinag-usapan kung papaano nila tinapos ang kanilang mga nakalaban habang naglalakad sila pabalik sa hotel kung saan sila pansamantalang nanunuluyan.
(Note: Mahigpit na ipinagbabawal sa batas ng travincial ang pagkain sa mga tao, ngunit sa mga oras na ito ay wala sila sa loob ng travincial. Bilog din ang buwan, kaya hindi na napigilan ni Aris ang tawag ng kaniyang dugo na kumain ng laman ng tao. Dahil ito talaga ang nature nila. Nagiging agresibo ang mga werewolf sa tuwing bilog ang buwan at hindi na nila mapipigilan pa ang kanilang sarili sa oras na makatikim sila ng sariwang karne ng tao. xD)
Kinabukasan, July 10, CS240. Halos mag-aalas otso sa isang beach sa hagoweigh kung saan malapit ang hotel na pansamantalang tinutuluyan ng mga istudyante ng Olympus university. Maraming tao ang nagkukumpulan, dahil may nakita silang mga kakaibang sandata na nakakalat sa buhanginan ng naturang beach. Nagkataon naman nagpunta doon ang grupo nina Garry, dahil hinahanap nila ang kanilang mga kaibigan na nagpaalam lang sa kanila kagabi na sandaling lalabas upang magpahangin.
Sa mga oras na ito ay agad napansin nina Garry ang kumpulan ng mga tao, kaya nagpasiya silang alamin kung ang dahilan nito. Ngunit nang makarating ay labis na nagulat ang grupo, matapos nilang makita ang ilang mga lalaki habang masayang pinaglalaruan ang ilang mga sandata. Batid nilang mga anti-myth weapon ang mga ito, dahil ito ang mga sandata ng hinahanap nilang mga kaibigan. Walang pag-aaksaya ay mabilis na tinungo nina Garry ang mga taong may hawak ng naturang mga sandata at nang tuluyang malapitan ay agad nila itong tinanong.
"Saan nyo nakuha ang mga sandatang yan?!" Tanong ni Garry.
"*Eh!? Nakita ko lang ito dito sa may buhanginan. Teka, sino ka ba?!" Tugon ng isang lalaki.
Mabilis namang nagalit si Garry at agad sinapak ang lalaking may hawak ng spear. Agad naman siyang inawat ng dalawa niyang kaibigan, sina Joshua at May.
"Ano ba ang problema mo?!" Sambit muli ng lalaki.
"Nasaan ang lalaking may-ari ng spear na yan?!" Tanong muli ni Garry.
Agad namang pinigilan ni Joshua si Garry at ilang sandali pa nga ay dahan-dahan na siyang naglakad patungo dun sa lalaki. Nang makalapit ay tinulungan niya itong makatayo at matapos nito ay nagpakilala na siya.
"Ako si Joshua Zepires. Ako at ang dalawa ko pang kasama ay mga special agent. Hindi ko maaaring sabihin sayo ang iba pang detalye, dahil sa ngayon kami ay nasa isang mission. Ang sandatang hawak mo at ang iba pang sandatang nandito ay lubhang panganib. Pag mamay-ari ang mga sandatang nandito ng ilan sa aming mga kasamahan na kagabi pa nawawala. Sigurado ba kayong wala kayong nakitang tao o katawan nang makita nyo itong mga sandatang ito?" Sambit ni Joshua.
Biglang natahimik ang mga taong nandoon matapos marinig ang mga sinabi ni Joshua, ngunit ilang sandali pa ay nagsalita na ang lalaki.
"At papaano naman kami maniniwala sa mga pinagsasabi mo?" Tanong ng lalaki.
Matapos magsalita ng lalaki ay agad ipinakita ni Joshua ang kaniyang ID. Sa mga oras na ito ay biglang natahimik ang lalaki matapos niya itong makita.
"Anti-myths special agent: Joshua Zepires. Anti-myths special agent? Ano ang ibig sabihin non?" Sambit muli lalaki.
*** SFX: PAAAAAAAAAAAAAK! ***
"Ouch! Masakit yun ah, May!" Sambit muli ni Joshua.
Matapos magsalita ay agad napahimas si Joshua sa kaniyang ulo, dahil pinektusan siya dito ni May.
"Wag ka na munang magsalita, Joshua! *Ehem! Hindi nyo na kailangan pang malaman kung anong klaseng mga special agent kami at kahit magkaka-edad tayo at mukhang hindi ito kapani-paniwala ay nagsasabi kami ng katotoohanan" Sambit ni May.
"*Hah?! Nagpapatawa ka ba, miss? Special Agents? *Hahahaha! *Eh! Mukhang ang lampa mo nga eh! *Hahaha!" Sambit ng lalaki.
Ilang sandali pa ay naglabas si May nang isang 12 inches metal pipe. Nagtaka naman ang lalaki matapos makita ang bakal na hawak-hawak nito, hanggang isa ilang sandali pa ay..
*** SFX: *Thhhhikkk ***
Isang tunog na kahalintulad ng sa switch ang narinig mula sa metal pipe na hawak ni May at kasabay nito ay biglang haba nito at ang dulo nito ang nagkaroon ng isang talim, isang Lance. Matapos makumpleto ang pagbabago ng anyo ng sandata ay agad nang itong itinapat ni May sa leeg ng lalaki. Sa mga sandaling ito ay napalunok na lang ang lalaki at hindi na nagawa pang magsalita.
"Naniniwala ka na ba?" Tanong ni May.
Agad namang nakaramdaman ng takot ang lalaki at dahil dito ay hindi na niya nagawa pang gumalaw. Ilang sandali pa ay napatango ito, kaya agad nang inalayo ni May ang kaniyang sandata.
"Joshua! Kunin mo na ang mga sandata nina Mike at nang iba pa. Ako na ang bahala dito sa sandata ni Allen." Sambit muli ni May.
Matapos magsalita ay agad kinuha ni May ang spear na hawak ngayon ng lalaki. Ilang sandali pa ay ibinalik na niya sa pagiging metal pipe ang kaniyang sandata at kalaunan ay umiiyak ito habang tinititigan ang spear ng kaniyang kaibigan.
"Allen, kung nasaan ka man, sana ligtas kayong lima." Sambit ni May derekta sa kaniyang isipan.
Ilang sandali pa matapos titigan ni May ang spear na hawak niya ay ibinalik na rin niya ang anyo nito sa pagiging isang metal pipe. At nang mabawi na nina Joshua at Garry ang iba pang sandata ng kanilang mga kaibigan ay may narinig silang isang pagsigaw ng isang babae na hindi kalayuan sa kanilang lugar. Agad napalingon ang lahat sa babaeng sumigaw. Samantala, nakaramdam naman ng kaba si May, kaya mabilis nilang tinungo ang lugar kung nasaan ito. Hindi naman nagtagal ay narating agad nila ang babaeng sumigaw. Sa pagkakataong ito ay labis silang nagtaka, matapos makita ang mga gulat at tila takot na mga ekspresyon sa mukha ng mga taong nauna sa kanila.
"Teka, braso ba ng tao yon?" Sambit ng isang lalaki.
Agad hinawi ni Garry ang lalaking nagsalita upang makita nila ang bagay na pinagtitinginan ng mga tao. At dito ay laking gulat nila matapos makita ang isang braso ng tao sa may dalampasigan. Biglang napatakip ng kaniyang bibig si May, dahil pamilyar sa kaniya ang naka-tattoo dito.
"Hindi ba't tattoo yun ni Rick?" Tanong ni Garry.
"*Tsk! Kung ganon, nakipaglaban pala sila sa mga mythical shaman kagabi." Sambit ni Joshua.
Hindi naman nagawang magsalita ni May at napadiin na lang ang pagkagat nito sa ibabang parte ng kaniyang labi.
"Hinding-hindi ko mapapatawad ang mga mythical shaman na gumawa nito sayo, Rick. Sisiguraduhin kong pagbabayarin ko sila." Sambit muli ni Garry.
Mapunta naman tayo sa grupo nina Rain.
8:00 am, habang naglalakad ang magkakaibigan patungong dinning hall. Sa mga oras na ito ay mabilis na nilapitan ni Mark si Chris upang kausapin.
"Chris." Sambit ni Mark.
Agad namang napahinto si Chris at mabilis na nilingon si Mark.
"Bakit Mark? May problema ka ba?" Tanong ni Chris.
Matapos magsalita ay tuluyan nang nakalapit si Mark sa kaniya.
"Itatanong ko lang sana, kung bakit kayo napagalitan ni miss Rachelle kagabi. San ba kayo nagpunta at mukhang galit-galit siya?" Tanong ni Mark.
"*Ahh.. May mga nangyari lang na hindi na'min inaasahan. Ako, hindi ko ikinatuwa ang mga nangyari kagabi sa'min, pero mukhang masayang-masaya si Aris at Sai matapos na'ming makabalik sa kwarto na'min." Tugon ni Chris.
"Teka, ano ba yung nangyari sa inyo kagabi?" Tanong muli ni Mark.
"Haaaay! Mahabang kwento eh, tsaka wag na daw na'min itong sabihin sa iba sabi ni Ms. Rachelle." Tugon muli ni Chris.
"*Ahh.. Ganon ba? Okay sige, pasensya na sa abala." Sambit muli ni Mark.
"Hindi okay lang, sige mauna na ako sa dinning hall, gutom na kasi ako eh." Sambit muli ni Chris.
"Sige." Tugon ni Mark.
Matapos mag-usap ay naabutan na si Mark nang kaniyang mga kaibigan. At ilang sandali pa ay sabay-sabay na silang naglakad patungong dinning hall.
"Ano yung pinag-usapan nyo ni Chris?" Tanong ni June.
"Tinanong ko lang siya kung bakit ba sila pinagalitan ni miss Rachelle kagabi." Tugon ni Mark.
"Bakit daw?" Tanong ni Selina.
"Hindi niya sinabi eh. Utos sa kanila ni miss Rachelle na wag na daw ipagsabi sa iba." Tugon muli ni Mark.
"Tanungin mo kaya ang ate mo Rain, baka sabihin niya sayo kung bakit." Sambit ni Annie.
"*Hmm.. Kailangan pa ba na'ting malaman kung bakit?" Sambit ni Rain.
"Sila naman ang pinagalitan eh, kaya wala na tayong pakialam pa doon. Tama diba?" Sambit ni Aron.
"*Uhm! Sang-ayon ako sa sinabi ni Aron." Walang emosyong pagkakasambit ni Alex.
"Sabagay, wala naman na tayong paki kung bakit sila napagalitan ni miss Rachelle." Sambit ni David.
"Okay sige, wag na nga lang." Sambit muli ni Annie.
Matapos nilang mag-usap ay nagmadali na silang magtungo sa dinning hall upang mag-almusal. Makalipas ang isang oras ay isa-isa at grupo-grupo ng lumabas ang mga istudyante sa hotel at patungo na sila sa kani-kanilang mga bus. Ngunit sandaling napahinto ang grupo nina Rain, dahil nagtaka sila matapos makita ang ilang mga police car na dumaan sa kanilang hotel.
"Ano yung tawag sa mga maingay at may mailaw na sasakyang yon?" Tanong ni David.
"Police car ang tawag don, David." Tugon ni June.
"Police car?" Tanong muli ni David.
"Haaay.. Ganito! Ang mga police ay ang mga taga-huli ng mga nagkasala o yung mga kriminal dito sa mundo ng mga tao at yung maingay at mailaw na sasakyang yon ang kanilang sasakyan." Tugon muli ni June.
"*Ahh.. Okay, thanks June." Sambit muli ni David.
"Ano kaya ang nangyari at may mga police?" Sambit ni Rain.
Ilang sandali pa ay napalingon si Selina sa kaniyang likuran. Hindi niya sinasadyang makita na kasalukuyang kinakausap ni Rachelle ang grupo nina Chris. Nagtaka tuloy siya dahil nag-aalala ang ekspresyon sa mukha ni Rachelle nang mga oras na ito.
"Hindi kaya may kinalaman ang grupo nina Chris, kung bakit may mga police dito?" Sambit ni Selina derekta sa kaniyang isipan.
Ilang sandali pa ay sumakay na ang magkakaibigan sa kanilang bus. Nahuli namang sumakay ang grupo nina Chris at kasama nila si Rachelle na mukhang may malaking pino-problema.
Makalipas ang limang minuto ay umandar na ang kanilang bus. At makalipas pa ang ilang minuto ay nagsimula ng magpaliwanag si Rachelle, tungkol sa susunod na lugar na kanilang pupuntahan.
"Okay class fire-1, siguro naman ay alam nyo na hindi na tayo babalik pa sa hotel at alam kong alam nyo na rin kung saan tayo pupunta ngayon. Tayo ay magka-camping sa tutok ng mount Olympus. Alam nyo na din siguro kung bakit ito tinawag na mount Olympus, dahil pinaniniwalaan ng mga tao na dito nakatayo ang dating Olympus." Sambit ni Rachelle.
"Kung ganon, totoo po bang doon dati nakatira ang principal na'tin, miss Rachelle?" Tanong ni Melisa.
"Hindi na'tin alam, dahil ang totoo nyan ay hindi ko rin alam kung saan ba talaga nagmula ang tatlong magkakapatid na Olympus." Tugon ni Rachelle.
"Maiba lang po ako nang tanong." Sambit ni Rien.
"Sige lang Rein, ano yung tanong mo?" Tugon ni Rachelle.
"May nakakaalam po ba sa kinaroroonan nina Hades at i Poseidon sa ngayon?" Tanong ni Rien.
"Sa totoo lang ay hindi ko alam ang sagot sa tanong mo, Rein. Kahit ako at ang clan leader ng dragon clan ay walang alam kung nasaan na ang mga ito." Tugon muli ni Rachelle.
"Ganon po ba, maraming salamat po, miss Rachelle." Sambit muli ni Rien.
"Okay kung wala na kayong tanong ay magsisimula na ulit ako sa pagpapaliwanag ng ating mga gagawing activity mamaya sa mount Olympus." Sambit muli ni Rachelle.
Matapos magsalita ni Rachelle ay ipinagpatuloy na nito ang pagpapaliwanag sa gagawin nilang activity sa tuktok ng bundok at magtatagal sila dito ng dalawang araw at isang gabi.
Malakalipas ang isang oras na byahe ay narating na nila ang paanan ng bundok. Agad huminto ang kanilang bus sa stop-bus sign at matapos nito ay isa-isa nang nagbabaan ang mga istudyante.
Chapter end.
Afterwords
Pasensya na kung may nalito man sa pagpapapalit-palit ko ng pagku-kwento dun sa paglalaban, sa totoo lang po medyo nabaliw ako kung paano ko isusulat ang mga naiisip ko, dahil sabay-sabay po silang nakikipaglaban at the same time, pero individually po. Pasensya na rin po kung medyo naging brutal ang pagpatay ko dun sa mga anti-myths, kasi hindi nila talaga kapantay pagdating sa pakikipaglaban ang mga mythical shaman. Totoo pong malakas ang kanilang mga sandata, pero hindi po sapat ang lakas ng kanilang mga katawan para tumabasan ang lakas ng mga mythical shaman. Ayun po. :(
Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..
Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..
Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..
Susunod.
Chapter 35: Pagsalakay – Hindi inaasahang mga kalaban.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top