Chapter 33: Anti-Myths - Ang mga taong may makapangyarihang sandata. Part 3

Sa mga oras na ito ay masaya ng naliligo sina Rain sa may beach. Pansamantalang isinantabi ni Rain ang mga nangyari kanina at nagpakasaya na lang kasama ang mga kaibigan sa paliligo sa dagat. Ilang minuto pa ang lumipas ay tinawag na sila ni Annie, dahil nakahanda na ang kanilang pagkain. Mabilis namang nagtungo ang magkakaibigan sa kanilang pwesto at nang makarating ay laking tuwa nila sa kanilang nakita. Mga nakakatakam na pagkain kasi agad ang tumambad sa kanilang mga mata.

"Wow! Kayo ba Annie ang nagluto nito?" Sambit ni Rain.

"*Uhm! Kami ni Selina ang nagluto ng mga ito, kaya kumain na tayo." Tugon ni Annie.

"Wow! Mukhang ang sasarap ng mga ito." Sambit muli ni Rain.

Matapos magsalita ay agad pumwesto na ang magkakaibigan upang kumain. Agad namang ipinaghain nina Selina at Annie si Rain na kalaunan ay nagpasalamat naman.

"Sige kumain ka na. For sure magugustuhan mo yan at wag kang mag-alala, dahil hindi na sasakit ang tyan mo." Sambit muli ni Annie.

Sa mga oras na ito ay biglang naalala ni Rain ang mapait na nangyari sa kaniya kanina. Halos hindi kasi nalalayo ang mga pagkaing hawak niya ngayon, sa mga pagkaing ibinigay sa kaniya ni Krystine kanina. Labis siyang natatakot sa ngayon ,dahil baka katulad ng mga niluto ni Krystine ang lasa ng mga pagkain hawak niya ngayon. Ngunit ilang sandali pa ay biglang lumapit sa kaniya si Lina at kalaunan ay kumuha sa pagkaing hawak niya. Napatitig na lang dito si Rain, hanggang sa tuluyan na itong kainin ni Lina.

"*Hmm! Ang sarap naman nito! Kayo ba talaga ang nagluto nito, Annie, Selina?" Sambti ni Lina.

"*Haha! Syempre naman! Pero teka! Wag mong kainin yang pagkain ni Rain! Para sa kaniya yan at kumuha ka ng sayo!" Tugon ni Annie.

"*Huh? Bakit naman? Hindi ba pwedeng mag-share na lang kami ni Rain sa isang plato?" Sambit muli ni Lina.

Hindi na nagawang magsalita ni Annie, dahil hindi niya mawari ang dapat niyang maramdaman. Maiinis ba siya o magagalit sa mga sinabi ni Lina sa kaniya.

"Okay lang Lina, mag-share na lang tayo sa plato ko." Sambit ni Rain.

"Yey! Ito, tikman mo oh." Sambit muli ni Lina.

Agad inilapit ni Lina ang manok na kinagatan niya sa bibig ni Rain. Agad naman itong kinagatan ni Rain at sa pagkakataong ito ay nakaramdaman siya ng kasiyahan, dahil hindi katulad nito ang lasa ng kinain niya kanina. Samantala, labis na naiinis sina Annie at Selina sa kanilang nakita, dahil sa mismong may kagad pa kumagat si Rain. Ilang sandali pa ay biglang nawala ang pagkainis ni Annie, dahil bigla nagsalita si Mark.

"Ang sarap ng luto nyo, Annie." Sambit ni Mark.

Sandaling natahimik si Annie at kasabay nito ang pamumula ng kaniyang mga pisngi.

"Salamat. Sige kumain ka pa." Sambit ni Annie.

"*Uhm!" Tugon ni Mark.

Sa pagkakataong ito ay mas lalong nainis si Selina, dahil siya na lang ang naiinis sa ginawa ni Lina sa kanina. Ilang minuto pa ay dumating na si Aron at medyo dismayado ang ekspresyon ng mukha nito, matapos niyang makita ang kaniyang mga kaibigan.

"*Oh! Aron! Ang lakas talaga ng pang-amoy mo kapag oras na ng pagkain ah! *Hahaha!" Sambit ni June.

"Teka, bakit ganyang ang mukha mo? Hindi ba masarap ang mga pagkain sa stall doon?" Tanong ni Mark.

"Masarap, kaso nakita ko si Eucy eh." Tugon ni June.

*** SFX: PAAAAAAAAAAK! ***

"Araaaay!" Sigaw ni Aron.

Agad napalingon si Aron sa kaniyang likod matapos siyang batukan ng isang babae.

"Parang hindi ka masayang nakita ako ah!" Sambit ni Eucy.

"Talaga! *Blee!" Tugon ni Aron.

"Aba't!" Sambit muli ni Eucy.

Matapos magsalita ay muling niyang binatukan ng malakas si Aron.

*** SFX: PAAAAAAAAAAK! ***

"Araaaaaay! *Grrrr!" Sigaw muli ni Aron.

Samantala, kanina pa tulala at nakangiti itong si June matapos makita sina Eucy.

"Hello, pasenya na kung nakaka-istorbo man kami sa inyo." Sambit ni Anya.

"*Umm. Hindi naman, gusto nyo bang sumalo sa amin sa pagkain?" Sambit ni Lina.

Sa pagkakataong ito ay inis na napalingon sina Selina at Annie, dahil si Lina pa ang nagsabi ng mga salitang yon. Hindi naman kasi siya ang nagluto ng mga pagkain nila.

"Hindi okay lang, kakakain lang din na'min eh. Salamat na lang." Sambit muli ni Anya.

"Nandito ba kayo para maligo din?" Tanong ni Melisa.

"*Uhm! Nandun na nga sa dagat sina Thara at Katherine eh. *Hehehe.." Tugon ni Anya.

Agad napalingon si Melisa sa dagat at dito ay nakita niya sina Katherine at Thara habang masayang nagbabasaan.

"*Hahaha! Oo nga no." Sambit ni Melisa.

"Maliligo din sila? So, mag bibikini din itong si Eucy? My gawd! Thank you po sa araw na ito!" Sambit ni June derekta sa kaniyang isipan.

Ilang sandali pa ay tumulo na ang dugo sa ilong ni June. Agad naman siyang napansin nina Mark at Rain, ngunit nagpanggap na lang ang mga ito na hindi nila ito nakita. Batid na kasi nila ang mga kasalukuyang iniisip nito ngayon. Ilang sandali pa ay lumapit si Krystine sa magkakaibigan at may dala itong isang food container. Biglang kinabahan si Rain matapos makita ang dala-dala ni Krystin at katulad ng kaniyang inaasahan ay muli siyang inalok nito.

"Kunin mo na 'to Rain! Marami kasi akong naluto, kaya hindi ko ito kayang ubusin. Busog na rin daw kasi sina Khaye, kaya sayang naman kung itatapon ko lang ito." Sambit ni Krystine.

Hindi na nagawang tumanggi ni Rain at pilit ang kaniyang pagkaka-ngiti nang kunin na niya ang food container.

"Paki soli na lang ang container after mong maubos ah." Sambit muli ni Rain.

Napatango na lang si Rain sa mga oras na ito. Nakita naman nina Selina at Annie ang nangyaring pag-aabutan ng pagkain sa pagitan nina Rain at Krystine, ngunit imbes na makaramdam sila ng galit ay nagtaka sila. Parang napilitan lang kasi si Rain na tanggapin ang pagkaing inabot sa kaniya. Sa mga oras na ito ay naisip nila na posibleng ang pagkaing ibinigay ni Krystine ang naging sanhi, kung bakit sumakit ang tiyan ni Rain kanina.

Samantala, agad namang napansin ni Aron ang food container na hawak-hawak ni Rain, kaya mabilis na siyang tumayo at kalaunan ay mabilis na lumapit dito. At nang tuluyang makalapit ay agad niyang inagaw ang food container at mabilis na nagtatakbo papalayo. Sa mga oras na ito ay hindi na nagawang magsalita ni Rain at kasalukuyan siyang gulat na nakatingin kay Aron.

"Babalaan ko ba siya o hindi na?" Tanong ni Rain derekta sa kaniyang isipan.

Ilang sandali pa ay agad binuksan ni Aron ang food container at matapos makita ang laman nito ay biglang kuminang ang mga mata nito sa tuwa. Sobrang ganda at mukhang napakasarap kasi ng mga pagkaing nasa loob nito.

"Wow! Mukhang ang sarap ng mga ito ah! *Hahaha! Sorry Rain, pero uubusin ko na ito!" Sambit ni Aron.

Bigla nabasag ang pagkatulala ni June, dahil nakarinig ito ng "masarap na pagkain". Ilang sandali pa bigla itong tumayo at nakita nito si Aron habang masayang nakatitig sa isang food container.

"Hoy, Aron! Pahingi din ako! Gusto kong matikman ang mga niluto ni Krystine!" Sambit ni June.

Nung una ay nagdadalawang isip pa si Aron kung bibigyan niya si June, ngunit nakaramdam siya ng awa para ito dito kaya pinaghatian nila ang pagkain. Sa mga sandaling ito ay hindi pa ring magawang magsalita ni Rain at nakatuon lang ang kaniyang atensyon sa dalawang kaibigan, sina June at Aron. Samantala, tahimik ding nakatingin sina Khaye, Aicy at Rein kina Aron.

"Maraming salamat sa pagkain!" Sambit ng dalawa.

Matapos magsalita ay agad nilang pinaspasan ang pagkain. Halos muntik na nilang maubos ang laman ng food container, bago nila tuluyang malasahan ang pagkaing kinakaini nila. Sa ngayon ay hindi magawang magsalita ng dalawa hanggang sa bumuwal na ang mga ito at matapos noon ay bumula na ang kanilang mga bibig.

Natahimik naman ang magkakaibigan, dahil na rin sa labis na pagtataka sa nangyari sa dalawa. Ilang sandali pa nga ay sabay na nagising at mabilis na bumangon ang dalawa. Sa mga sandaling ito ay labis na silang pinagpapawisan, habang lingap-lingap sa kanilang paligid. Ilang sandali pa ay mabilis na silang napatakbo patungo sa banyo. Labis na nagtaka ang magkakaibigan sa nakita nilang ikinilos nina June at Aron, dahil tila nagpapaligsahan ang mga ito sa kung sino ang mauuna sa banyo. Sobrang bilis kasi ng kanilang pagtakbo, ngunit ang hindi nila alam ay kumukulo na ang mga tyan ng dalawa at ilang sandali na lang ay sasabog na ang.. (If you know what I mean! xD)

"Ano ba nangyari sa dalawang yon?" Tanong ni David.

"Wag mo na akong tanungin pa, pakiusap lang." Tugon ni Rain.

(Note: Ang totoo nyan ay si Krystine lang ang nasasarapan sa kaniyang mga niluluto. Iba kasi ang mga panlasa ng mga "Elf" at tangin sila lang ang mga nakakain ng kanilang mga niluluto! xD)

Makalipas ang isang oras ay natapos na sa paliligo ang magkakaibigan. Samantala, naubos naman ang isang oras nina Aron at June sa banyo, kung saan inilabas nila ang lahat ng kanilang mga kinain.

Matapos magligpit ng mga gamit ay nagsimula ng maglakad ang magkakaibigan patungo sa hotel, kung saan sila pansamantalang nanunuluyan. Mga ilang minuto lang naman ang kanilang nilakad ay narating na nila ito. Naghiwa-hiwalay na lang ang magkakaibigan, matapos nilang marating ang kanilang mga kwarto.

Sa loob ng kanilang kwarto ay isa-isang nag-shower ang magkakaibigan. At matapos nila itong gawin ay agad silang nagkwetuhan.

"Ano ba ang nangyari sa inyong dalawa kanina, June at Aron?" Tanong ni David.

Hindi nagawang tumugon ng dalawa at napayuko na lang ang mga ito, habang hinihimas ang kanilang mga tyan.

"Dahil yon sa kinain nila." Tugon ni Rain.

"Kinain nila? Alin? Yung niluto ni Krystine?" Tanong ni Mark.

"*Uhm! Yun din ang dahilan kung bakit sumama ang pakiramdam ko kanina." Sambit muli ni Rain.

"Talaga? Pero bakit mo pa rin tinanggap yung pagkaing inabot niya sayo kanina, kung yun pala ang dahilan kung bakit sumakit yung tyan mo?" Tanong muli ni Mark.

"Kasi ayoko kong malungkot si Krystine, kaya hindi na ako nakatanggi pa." Tugon ni Rain.

"*Ahh! Sabagay, kahit siguro ako hindi makakatanggi sa kaniya." Sambit muli ni David.

Sa mga sandaling ito ay hindi na napigilan nina June at Aron ang kanilang mga luha, kaya tuluyan na itong umagos.

"Ang sama mo Rain! Ang akala ko ay tunay kitang kaibigan, pero binigo mo ako! Mali! Trinaydor mo ako! Traydor ka! Traydor! *Huhuhu!" Sambit ni June.

"*Hahaha! Kasalanan nyo yan, ang tatakaw nyo kasi!" Sambit muli ni Mark.

"*Hahaha! Tama si Mark! Babalaan ko sana kayo, kaso hindi ko na nagawang magsalita. Ang bilis kasi ng mga pangyayari" Sambit muli ni Rain.

"*Huhuhu! Akala ko kanina mamamatay na ako! Kulang nalang lumabas ang bituka ko sa pwet eh! *Huhuhu!" Sambit muli ni June.

"*Hahaha! Ngayon, hinding-hindi ko na papangaraping matikman ang luto ni Krystine!" Sambit muli ni David.

"*Aahh! Ang sakit pa rin ng tyan ko! Parang ayoko na tuloy kumain! Nakakatroma!" Sambit ni Aron.

"Kasalanan mong lahat ito Aron! Nadamay lang ako sa katawan mo! *Huhuhu!" Sambit muli ni June.

"Mabuti na lang talaga at ginamot ako ni Krystine kanina, kaya agad nawala ang sakit ng tyan ko!" Sambit muli ni Rain.

Sa mga sandaling ito ay nagpatuloy na lang sa kanilang pag-iyak sina Aron at June, habang hinihimas-himas ang kanilang mga tyan.

"Ang mabuti pa, matulog muna tayo. Tutal naman may dalawang oras pa tayo bago maghapunan. Tsaka napagod din ako sa paglangoy kanina." Sambit ni Mark.

"Mabuti pa nga! Pero nalulungkot ako, dahil hindi ko man lang nakita si Eucy na naka-swimsuit. *Huhuhu!" Sambit muli ni June.

Matapos mag-usap ay agad na nga silang nahiga sa kani-kanilang mga kama at ilang sandali pa ay hindi na nila namalayan na nakatulog na sila.

Samantala, sandaling lumabas ng hotel si Selina. Nagpaalam naman siya sa mga kaibigan na sandaling magpapahangin sa labas, ngunit iba ang pakay niya sa kaniyang paglabas. Nagpunta siya sa likod ng hotel at dito ay agad niyang kinuha ang kaniyang telepono. Ilang sandali pa ay ginamit na niya ito at nagsimula ng tumawag.

"Hello, master Zilan?" Sambit ni Selina.

"Oh! Selina, bakit ka napatawag? Hindi ba't nasa fieldtrip ka ngayon?" Tugon ni Zilan.

"May nais lang po akong sabihin sa inyo, master." Sambit muli ni Selina.

"Ano naman yon, Selina?" Tugon muli ni Zilan.

"Ang sabi po sa'kin ni Rain ay may nakaharap daw po siyang isang tao na may sandatang kayang lumaban sa isang mythical shaman, baka ito na po yung mga taong sinasabi nyo." Sambit muli ni Selina.

"Ta..ta..talaga? Ano ang nangyari? Napahamak ba ang kapatid ko?" Tanong ni Zilan.

"Wala naman pong masamang nangyari kay Rain, pero nag-aalala po ako para sa pagpapakita ni Hades. Nasabi din po kasi sa'kin ni Rain na nakita niya ito kanina, kasabay nung makaharap niya yung taong tinutukoy ko." Sambit muli ni Selina.

"Mabuti naman.. A..ano?! Si Hades nakita din ni kuya? *Tsk! Pero wag mo munang isipin si Hades, dahil hindi pa naman na'tin siya kalaban. Sikapin mong hanapin itong taong nakita ni kuya. Kung kaya mo siyang hulihin ay gawin mo, uutusan ko sina Tyki na magtungo dyan sa Hagoweigh upang matulungan niya kayo." Sambit muli ni Zilan.

"Okay po." Sambit muli ni Selina.

Matapos nito ay agad ng ibininaba ni Selina ang kaniyang telepono at kalaunan ay nilagay na niya sa kaniyang bulsa. Mga ilang sandali pa ay nagsimula na siyang maglakad pabalik, ngunit ang hindi niya alam ay may isang nilalang na nakaraning ng naging pag-uusap nila sa telepono ni Zilan.

Makalipas ang dalawang oras, kasalukuyan pa ring natutulog ang magkakaibigan sa kanilang kwarto. Samantala, masaya namang nagku-kwentuhan ang grupo nina Selina sa kwarto nila. Ilang sandali pa ay dumating na si Rachelle upang tawagin na ang kaniyang mga istudyante, dahil oras na para sila'y maghapunan.

Matapos marinig ang pagtawag ni Rachelle ay mabilis naglabasan ang buong class fire-1, maliban lang sa grupo nina Rain na kasalukuyan pa ring mga tulog. Agad naman itong napansin ni Rachelle, kaya sinabihan nito ang grupo nina Selina na sila na ang tumawag sa mga ito. Matapos nito ay agad nang bumaba si Rachelle, dahil kailangan pa niyang bantayan ang iba pa niyang mga istudyante. Samantala, agad namang nagtungo ang magkakaibigan sa kwarto nina Rain na katabi lang naman ng kwarto nila.

*** SFX: TOK TOK TOK TOK! ***

Matapos kumatok si Selina ay agad na siyang nagsalita.

"Rain, Mark, June, Aron, David! Lumabas na kayo dyan at kakain na tayo!" Sigaw ni Selina.

Ngunit walang narinig na pagtugon si Selina, kaya sinubukan niyang buksan ang pinto. Sa pagkakataong ito ay labis siyang natuwa, dahil hindi pala naka-lock ang pinto sa loob. Sa pagbukas ng pinto ay agad pumasok sa loob ang magkakaibigan. Sa mga sandaling ito ay nakumpirma nila ang dahilan kung bakit hindi sila tinutugon ng lima, mahimbing kasi ang pagkakatulog ng mga ito. Nagkatinginan na lang ang magkakaibigan at kalaunan ay napangiti, ngunit ilang sandali pa ay nagtaka sila, matapos hindi na nila makita si Lina. Agad nila itong hinanap, dahil batid nilang kasama nila itong pumasok sa loob. Ngunit Ilang sandali pa ay labis na nakaramdam ng galit sina Annie at Selina, matapos nilang makita si Lina. Nakatabi na kasi ito kay Rain ngayon.

"Hoy Lina! Mannerism mo na ba ang pagtabi kay Rain habang tulog siya!" Sigaw ni Selina.

"*Uhm!" Tugon ni Lina.

Lalong ikinainis nina Annie at Selina ang kanilang narinig at nakikita sa ngayon. Samantala, nag-blush si Melisa at si Alex naman ay pa ring walang emosyon, matapos makita ang ginawa ni Lina.

"Nakapa-bulgar naman pala nitong si Lina." Sambit ni Melisa derekta sa kaniyang isipan.

"*Grrrrr!" Sambit nina Annie at Selina.

Ilang sandali pa ay nagising na si June. Agad itong nagtaka matapos makita sa loob ng kanilang kwarto ang apat nilang kaibigan babae. Agad din itong napatingin sa lugar kung saan galit na nakatingin sina Selina at Annie at sa mga oras na ito ay nanlaki ang kaniyang mga mata.

"Te..te..teka! Bakit katabi na naman ni Rain si Lina sa kama niya?" Sambit ni June.

Ilang sandali pa matapos magsalita ni June ay nagising na si Rain. At dahil naging ugali na niya ang mag-inat bago niya imulat ang kaniyang mga mata ay ginawa niyang muli ito. Muli ay sa pagbaba ng kaniyang mga kamay ay may pamilyar na malabot na bagay siyang nahawakan. Alam na niya kung ano ito, kaya agad na niyang imunulat ang kaniyang mga mata. At katulad na kaniyang inaasahan, si Lina at ang dibdib na naman nito ang kaniyang hawak-hawak.

"Li..Li..Li..Lina!! Ano na naman ang ginagawa mo dito sa kwarto na'min? At bakit katabi kita sa kama ko?" Sambit ni Rain.

Hindi na nagawang tumugon ni Lina sa tanong ni Rain, dahil agad siyang napalingon kina Selina at Annie na kasalukuyang nababalutan ng nakakatakot na aura. Samantala, sabay-sabay nagising sina Mark, Aron at David, dahil naramdaman din nila ang nakakatakot na aura na bumasag sa natutulog nilang mga diwa.

Agad namang kinabahan si Rain, matapos makaramdam ng masamang aura na bumabalot malapit sa pinto ng kanilang kwarto. Batid na niya kung kanino ito nanggagaling, kaya naman mas lalo siyang nakaramdam ng takot para sa kaniyang kaligtasan.

"Rain Esfalls?" Sambit ni Selina.

Bakas sa tono ng pagkakasambit ni Selina na handa na itong pumatay. Samantala, habang pinagpapawisan ay dahan-dahan nilingon ni Rain ang lugar kung saan nagmumula ang masama at nakakatakot na aura. At sa kaniyang paglingon ay napalunok na lang siya matapos makita sina Selina at Annie.

"Selina? Annie?" Sambit ni Rain.

Matapos magsalita ni Rain ay mabilis siyang sinugod nina Selina at Annie.

*** SFX: PA..PA..PAAAAK! ***

Mag-asawang suntok ang tinamo ni Rain matapos siyang sabay na sugurin nina Selina at Annie. Matapos nito ay galit nang naglakad papalabas ang dalawa. Wala namang ginawa si Lina para kay Rain, kundi ang tingnan ang kalagayan nito.

"Bumaba na tayo! Oras na para sa dinner!" Sambit ni Selina.

"Bilisan nyo ng kumilos, kung gusto nyong hindi kayo mapagalitan ni miss Rachelle." Sambit ni Annie.

Bakas ang galit sa tono ng pagkakasambit ng dalawa, kaya walang nagsalita sa magkakaibigan. Ilang sandali pa ay lumabas na sila ng kwarto at kalaunan ay nagtungo sa dining hall upang kumain. Samantala, habang naglalakad ay umiiyak si Rain, kasabay ng paghimas niya sa dalawa niyang pisngi.

Nang marating nang magkakaibigan ang dining hall ay nakita nilang nagsisimula ng kumain ang mga istudyante. Agad naman silang pinagalitan ni Rachelle, ngunit nagtaka ito matapos makita ang magang mukha ni Rain. Pinag-halong pagkaawa at pagtawa ang kasalukuyang nataramdaman ni Rachelle, kaya labis na nainis si Rain matapos makitang tumatawa ang kaniyang ate.

Ilang sandali pa ay agad nang nagtungo ang magkakaibigan sa kanilang pwesto upang makakain na rin sila. Hindi naman nagtagal at umabot lang ng halos labing limang minuto ang magkakaibigan sa pagkain. Matapos kumain ay agad na silang bumalik sa kanilang mga kwarto, dahil maaga pa silang aalis bukas para sa gagawin nilang activity.

Nakaramdam agad ng antok ang magkakaibigan, dahil sa labis na pagkabusog at pagod na dulot ng kanilang pagswi-swimming kanina sa may beach. Sandali silang nagkwentuhan hanggang sa hindi na nila namalayan na nakatulog na sila.

Malalim na ang gabi pero kasalukuyang gising sina Selina at Annie sa mga oras na ito, habang ang mga kasama nila sa kwarto ay mahimbing ng natutulog. Ang alam ng bawat isa ay mahimbing na silang natutulog. Sabay ngunit marahan nilang nilingon ang kama ni Lina at nakita nilang mahimbing na itong natutulog habang nakatalukbong. Sa pagkakataong ito ay hindi nila napansin ang isa't-isa dahil nakagitna si Lina sa kanila.

"Ayos! Tulog na si Lina at mukhang tulog na ding silang lahat." Sambit ni Selina derekta sa kaniyang isipan.

"Magaling! Nandito pa si Lina at mukhang mahimbing na ang tulog niya! Tulog na rin ang lahat, kaya oras na siguro para gawin ko ang plano ko. *Fufufufu.." Sambit ni Annie derekta sa kaniyang isipan.

Sabay na bumangon ang dalawa at matapos nito ay agad silang nagkatinginan. Sa pagkakataong ito ay sabay silang napahinto at kalaunan ay sabay na tinuro ang isa't-isa. Gusto sana nilang sumigaw, ngunit agad pumasok sa kanilang isipan na posibleng magising ang kanilang mga kaibigan. Ilang sandali pa ay sumenyas si Selina na lumabas sila, mabilis naman napatango si Annie matapos niya itong makita.

Sa labas ng kanilang kwarto ay doon sila mahinang nag-usap.

"Bakit gising ka pa, Selina?" Tanong ni Annie.

"Ikaw din eh! Bakit gising ka pa?" Sambit ni Selina.

Sa mga oras na ito ay naisip nilang baka parehas sila ng plano, kaya hindi nila sinasadyang sabay na magsalita.

"Wag mong sabihing gusto mo ding tumabi kay Rain?" Tanong muli ni Selina.

"Don't tell me, plano mo ding tumabi kay Rain?" Tanong muli ni Annie.

Sabay na nagulat ang dalawa matapos marinig ang isa't-isa. Sabay silang huminga ng malalim at matapos nito ay muli na silang nag-usap.

"Alam ko na, sabay na lang tayong tumabi sa kaniya." Sambit ni Selina.

"Okay. Pumapayag ako." Tugon ni Annie.

Matapos nito ay sabay na nilang tinungo ang kwarto nina Rain. Katulad ng kanilang inaasahan ay hindi naka-lock ang pinto, kaya walang hirap silang nakapasok. Agad nilang tinungo ang kama ni Rain at dito ay naghiwalay na sila. Nagtungo sa right side si Selina at sa left side naman nagtungo si Annie. Nagtinginan muna ang dalawa bago sila tuluyang tumabi kay Rain na mukhang nananaginip ng maganda. Ilang sandali pa ay nagtaka ang dalawa ng may napansin kakaiba kay Rain habang nakakumot ang buong katawan nito. Sa pagkakataong ito ay dahan-dahang inangat ni Annie ang kumot at laking gulat niya sa kaniyang nakita. Si Lina habang tulog na nakayakap kay Rain.

"Lina?!" Sambit ni Annie.

Agad lumingon si Annie kay Selina, ngunit laking gulat muli niya matapos makitang natutulog na ito sa tabi ni Rain.

"*Grrrr! Selina, isa kang traydor!" Sambit muli ni Annie.

Gusto sanang upakan ni Annie si Rain, ngunit batid niyang magigising ang iba pa nilang mga kaibigan kapag ginawa niya ito. Balak na din sana niyang bumalik sa kanilang kwarto, hanggang sa marinig niya si Mark.

"Annie.. wag mo akong iwan.." Sambit ni Mark.

Labis itong ikinagulat ni Annie, kaya dahan-dahan niyang nilapitan si Mark at doon ay nalaman niyang natutulog pa rin ito. Napangiti na lang siya matapos makita ang mukha ni Mark habang natutulog. Sa mga oras na ito ay tinabihan niya si Mark upang sandaling pagmasdan. Habang nakahiga ay masaya niyang pinagmamasdan ang mukha ni Mark, hanggang sa hindi na niya namalayan na nakatulog na siya.

Kinabukasan, masayang nagising si Rain. Habang nakapikit ay nag-inat na ito ng kaniyang mga braso at sa pagbaba ng kaniyang mga kamay ay may nahawakan siyang isang malambot at pamilyar na bagay sa kaniyang kaliwang kamay. Batid na niya kung ano ito, ngunit may isang malambot na bagay pa siyang nahawakan gamit ang kana niyang kamay, medyo maliit ito kumpara sa nahawakan ng kaliwa niyang kamay, kaya hindi niya alam kung anong klaseng bagay ito. Ilang sandali pa ay pinisil-pisil na niya itong hindi pamilyar na bagay at ilang sandali pa ay may narinig siyang tunog na bumasag sa kaniyang natutulog na diwa.

"*Uhhhhh!"

Bago tuluyang idilat ni Rain ang kaniyang mga mata ay napalunok muna siya. Matapos nito ay dahan-dahan na niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Sa pagkakataong ito ay muli siyang napalunok at matapos nito ay dahan-dahan na siyang lumingon sa kaniyang kaliwa.

"Tama ako! Si Lina nga ito at pero ano naman itong naramdaman ko sa kanan?" Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.

Sa mga sandaling ito ay agad nang nilingon ni Rain ang kaniyang kanan, subalit labis siyang nagulat matapos niyang makita si Selina. Dahil dito ay napahigpit tuloy ang kaniyang pagkakadakot sa bagay na kasalukuyan niyang mga hawak.

"*Aahhhhh!" Sambit ni Selina.

"Selina? Ano ang ginagawa mo dito!" Tanong ni Rain.

Bigla namang nag-blush si Selina matapos magsalita ni Rain at ilang sandali pa nga ay nagsalita na rin siya.

"*Uhm.. Baka pwede mo ng itigil ang pagpisil sa boobs ko?" Sambit ni Selina.

Bakas sa tono ng pagkakasambit ni Selina ang pinaghalong pagkainis at paghiya.

"*Eh?!" Sambit ni Rain.

Sa pagkakataong ito ay bigla siyang napatayo at kalaunan ay napatalon paalis sa kaniyang kama. Sa mga oras na ito ay nagising na si Lina at agad nagmasid sa kaniyang paligid. Ilang sandali pa ay napangiti ito matapos makita si Rain na gulat na natayo sa tapat ng kama.

"Good morning, Rain." Sambit ni Selina.

Sandaling natahimik si Rain matapos marinig ang pagbati ni Lina sa kaniya at ilang sandali pa nga ay napasigaw na siya.

"*Huwaaaaaaaa!" Sigaw ni Rain.

Nagtaka naman si Lina kung bakit biglang napasigaw si Rain at ilang sandali pa ay napalingon na siya sa kaniyang tabi.

"*Areh? Bakit nandito ka, Selina?" Tanong ni Lina.

Hindi naman nagawang tumugon ni Selina, dahil iniisipin nito ang sensasyon ng ginawang pagpisil ni Rain sa kaniyang dibdib. Samantala, matapos sumigaw ni Rain ay nagising na ang kanilang mga kaibigan. Agad nagsibangunan ang mga ito, ngunit kasalukuyan pa ring natutulog ang kanilang mga diwa.

"Rain, bakit ka sumigaw? May problema ba? *Hwaa.." Tanong ni Mark.

Matapos magsalita ay agad nag-inat si Mark.

"Oo nga! Bakit ba ang ingay mo Rain? Ang aga-aga eh." Sambit ni Annie.

Matapos magsalita ay agad ding nag-inat si Annie. Sa pagkakataong ito ay biglang nagising ang natutulog na diwa ni Mark, matapos niyang marinig ang boses ni Annie. Ilang sandali pa ay agad siyang nagkusot ng kaniyang mga mata at matapos nito ay agad siyang napalingon sa kaniyang tabi. Sa mga sandaling ito ay nakita niya si Annie habang naghihikab, muli ay nagkusot siya ng kaniyang mga mata, ngunit hindi siya nagkakamali sa kaniyang nakikita.

"Annie?" Tanong ni Mark.

Agad namang napalingon si Annie kay Mark at matapos nito ay binati niya ito.

"Good morning, Mark." Sambit muli ni Annie.

Matapos magsalita ay agad nang pumasok sa isipan ni Annie ang maling nangyayari sa kaniyang paligid. Sa mga sandali ding ito ay naalala niyang tumabi siya kay Mark kagabi at hindi niya namalayang dito na pala siya nakatulog. At dala nang labis na pagkahiya ay agad niyang kinuha ang unan at mabilis niya itong ipinantakip sa kaniyang mukha.

"Anong ginagawa mo dito sa kama ko? Teka, wag mong sabihing sa kama ko din ikaw natulog?" Sambit muli ni Mark.

Matapos marinig ni Annie ang mga sinabi ni Mark ay mas lalong pa nitong idiniin ang unan na nakatakip sa kaniyang mukha. Hindi naman makapaniwala si Mark, ngunit natutuwa siyang malamang tumabi sa kaniyang pagtulog si Annie. Nanghihinayang lang siya, dahil hindi niya ito alam. Ilang sandali pa ay napalingon na siya kay Rain at nagtaka matapos makita ang gulat na ekspresyon nito. Hindi naman ito nakatingin sa kanila, kaya napalingon na siya sa lugar kung saan ito kasalukuyang nakatingin.

"Selina? Lina?" Sambit ni Mark.

"*Huwaaaaaaaa!" Sigaw muli ni Rain.

Sa pagkakataong ito ay narindi na si Selina, kaya agad itong dumampot ng matigas na bagay at kalaunan ay agad niya itong ipunukol kay Rain.

*** SFX: TOOOOOOOINKS! ***

"Araaaaaay!" Sambit ni Rain.

"Anong bang ingay yan, Rain?!" Sambit ni June.

Ngunit laking gulat ni June nang makita sina Selina at Lina sa kama ni Rain. Mabilis naman siyang napalingon kay Rain na kasalukuyang hinihimas ang kaniyang ulo. Hindi niya magawang magsalita, dahil sa labis na pagkagulat, kaya gusto na lang niyang tanungin si Mark. Ngunit muli lang siyang nagulat, dahil nakita naman niya si Annie sa tabi ni Mark.

"Teka, ano ba ang meron dito at nandito kayong tatlo? Lina, Selina at Annie?" Sambit muli ni June.

"*Huh? Selina, Lina? Ano ang ginagawa nyo dyan sa kama ni Rain?" Tanong ni David.

"Oras na ba para kumain? *Hwaaa." Sambit ni Aron.

Matapos marinig ang mga sinabi ng inaantok na mga kaibigan ay agad nang tumayo si Selina at nakayuko itong naglakad papalabas ng kwarto. Ngunit bago tuluyang makalabas ay sandali siyang huminto at kalaunan ay nahihiyang nagsalita.

"Lina at Annie, tara na sa kwarto na'tin." Sambit ni Selina.

Agad namang tumayo si Annie at kalaunan ay nagmamadaling naglakad patungo sa tabi ni Selina. Samantala, mabagal naman naglakad si Lina papalapit sa dalawa. At matapos nito ay lumabas na ang tatlo sa kwarto at sabay-sabay na silang nagtungo sa kanilang kwarto.

"*Eh? Anong meron at nasa kama nyong dalawa ang mga yon?" Tanong ni June.

"Sa totoo ay hindi ko rin alam." Tugon ni Rain.

"Ako din, walang idea. Pero masaya ako sa nangyari." Sambit ni Mark.

Mga sampung minuto pa ang lumipas ay tinawag na sila upang mag-amusal.

Chapter end.


Afterwords

Hello, pasensya na kung medyo wala pang action at puro kalokohan lang ang chapter na ito.. pero wag po kayong mag-alala, dahil sa next update po ay almost pure actions na.. ayun.. xD

still ongoing pa rin ang revisions sa fallen wing.. halos nangangalahati palang ako.. :(

Pagpasensyahan nyo na  po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..

Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to.. 

 Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..

Susunod.

Chapter 34: Anti-Myths -  Ang mga taong may makapangyarihang sandata. Part 4

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top