Chapter 32: Anti-Myths - Ang mga taong may makapangyarihang sandata. Part 2
Sa mga sandaling ito ay nakaupo si Rain sa ilalim ng lilim ng kanilang payong. Tahimik at malalim lang siyang nag-iisip ngayon at patungol ito sa mga nangyari kanina. Samantala, nag-aalala naman si Krystine, dahil magmula ng makabalik sila ay hindi pa nagsasalita si Rain.
"*Umm.. Rain? Okay ka lang ba?" Tanong ni Krystine.
"*Uhm.. Okay lang ako, ang mabuti pa ay samahan mo na sila don at maligo ka na rin." Tugon ni Rain.
"Sigurado ka bang okay ka lang?" Tanong muli ni Krystine.
"Okay lang ako, wag mo na akong intindihin. May iniisip lang ako." Tugon muli ni Rain.
Kahit nag-aalala si Krystine para kay Rain ay minabuti niyang iwan muna ito, dahil kanina pa din siya hinihintay ng kaniyang mga kaibigan doon sa may dagat. Agad namang napatingin si Selina kay Rain matapos makita si Krystine na kasama nilang naliligo. Nagtaka siya matapos makita ang blankong ekspresyon sa mukha ni Rain, kaya naman dali-dali na siyang umahon at kalaunan ay naglakad patungo dito. Ilang sandali lang ay narating na ni Selina ang kanilang pwesto, mabilis nitong tinapik ang balikan ni Rain. Ikinagulat naman ito ni Rain at mabilis na napatingin kay Selina.
"*Oh! Ikaw pala Selina? Pagod ka na bang mag-swimming?" Tanong ni Rain.
"*Fufu.. Kahit kailan hindi mapapagod ang mga mermaid na lumangoy! Teka, maiba ako. May nangyari ba sayo at sobrang lalim naman nyang iniisip mo?" Sambit ni Selina.
"Wala ito, wag mo na lang akong pansinin." Tugon ni Rain.
Lalong nag-alala si Selina para sa kaibigan, dahil batid nitong may nangyari dito na hindi niya alam.
"Ano ba talaga ang nangyari? Alam kong may nangyari, dahil ganyan na naman ang mga kinikilos mo." Sambit muli ni Selina.
Napatingin na lang si Rain kay Selina matapos niya itong marinig. Napansin niya ang pag-alala sa mga mata nito, kaya naman naisip niya na sabihin ang mga nangyari kanina.
"Ang totoo kasi nyan, nakita ko yung isa sa mga nakaaway ko dati sa dating kong school dito, kani-kanina lang." Sambit ni Selina.
"Nakaaway mo? Dahil ba doon, kaya ka nagkakaganyan ngayon?" Tanong ni Selina.
"Oo, pero may kakaiba na sa kaniya at may alam siya tungkol sa mga mythical shamans." Tugon muli ni Rain.
"May alam ang dati mong nakaaway sa mga mythical shaman?" Tanong muli ni Selina.
"*Uhm! At meron siyang kakaibang sandata. May naramdaman nga akong malakas na kapangyarihan sa sandatang yon." Sambit muli ni Rain.
Ikinagulat naman ni Selina ang kaniyang mga narinig at naalala nito ang mga sinabi sa kaniya ni Zilan nung mga panahong nabihag siya ng tatay ni Riki at nadala sa pinagkukutaan ng Yami clan.
*** Flashback! XD ***
June 24, CS240, araw ng lunes at ito ang araw na na-kidnap si Selina at dinala sa lugar kung saan nagkukuta ang Yami clan. Kasalukuyang nag-uusap sina Selina at Zilan sa mga oras na ito at halos patapos na din sila.
"Kung ganon, yun pala ang plano at dahilan kung bakit na buo ni Zenon ang Yami clan?" Tanong ni Selina.
"Tama, ganon talaga ang pakay ng clan na ito. At sana naman ay tulungan mo kami upang maisakatuparan ang aming mga plano." Sambit muli ni Zilan.
Sandaling natahimik si Selina at kalaunan ay napa-isip.
"Okay! Nauunawaan ko po, pero sa paanong paraan ako makakatulong sa inyo?" Sambit muli ni Selina.
Ikinatuwa ni Zilan ang kaniyang mga narinig, kaya agad na itong nagpasalamat.
"Maraming salamat, miss Selina. Ang totoo nyan, napag-alaman na'ming may mga espiya ang gobyerno ng mga tao dito sa loob ng travincial. At ang trabaho nila ay pag-aralan ang mga lakas at kakayahan ng bawat mythical shaman." Sambit muli ni Zilan.
"Teka, labag sa batas ng travincial ang pagpapakalat ng mga imporsyon ng mga mythical shaman sa mundo ng mga tao ah!" Sambit muli ni Selina.
"Tama ka at kaya nila ginagawa ito ay dahil naghahanda na sila para kalabanin ang mga mythical shaman. May nakalap na rin kaming impormasyon na may ginagawang mga sandata ang mga tao laban sa sa'tin, kaya kailangan na'min ng tulong mo." Sambit muli ni Zilan.
Ikinagulat ni Selina ang kaniyang mga narinig at sandali muling natahimik. Makalipas ang ilang mga sandali ay nagsalita na siyang muli.
"Papaano ko naman po kayo matutulungan?" Tanong muli ni Selina.
"Nais ko sanang alamin mo ang mga espiyang ipinadala ng gobyerno ng mga tao, dito sa loob ng travincial. At kapag nahanap mo na sila ay gamitin mo ang kapangyarihan mo sa mga ito, upang malaman na'tin ang kanilang mga plano." Tugon ni Zilan.
"Pero masyadong malaki ang travincial! Imposibleng mahanap ko ang mga espiyang sinasabi mo." Sambit muli ni Selina.
"Wag kang mag-alala, dahil may listahan na kami ng mga pinaghihinalaan na'ming mga espiya ng gobyerno ng mga tao at ang mga ito ay nasa loob ng Odin city." Sambit muli ni Zilan.
Matapos magsalita ay may inabot na mga papeles si Zilan. Agad naman itong kinuha ni Selina at kalaunan ay tiningnan ang mga nakasulat sa bawat papel.
"Ito ba ang mga taong pinaghihinalaan nyo?" Tanong ni Selina.
"Oo." Tugon ni Zilan.
Hindi muna nagsalita si Selina, dahil patuloy pa rin ito sa pagbabasa sa mga impormasyong nakasulat sa mga papeles na ibinigay sa kaniya. Medyo madami din ang mga papeles at sa tantsa niya ay mga nasa tatlumpong katao ang mga ito. Ngunit may isang papeles ang agad pumukaw sa kaniyang atensyon at matapos noon ay agad na itong nagsalita.
"Ang isang ito, imposibleng isa siyang espiya, dahil siya ay isang mythical shaman na tulad na'tin." Sambit ni Selina.
Matapos magsalita ay agad inabot ni Selina ang papel na tinutukoy niya. Agad naman itong kinuha ni Zilan at kalaunan ay agad binasa ang pangngalan.
"Rachelle Esfalls?" Sambit ni Zilan.
"*Uhm! Siya ang kumupkop kay Rain, ay kay Zenon pala. At ang tunay niyang pangngalan ay Raziel Draken." Sambit muli ni Selina.
"*Hahahaha! Kaya pala pamilyar ang kaniyang mukha sa'kin! Kung ganon, may kakayahan pala ang mga earth dragon na pabatain ang kanilang katawan. *Hmm.. Interesting." Sambit muli ni Zilan.
"Ganon na nga po. *Hehehe.." Sambit miuli ni Selina.
Ilang sandali pa ay inayos na ni Selina ang mga papeles na ibinigay sa kaniya, dahil balak nitong iuwi ang mga ito at doon na lang basahin sa kaniyang kwarto. Ngunit habang inaayos niya ang mga papales ay may isang papel ang nahulog. Agad naman niya itong pinulot, ngunit laking gulat niya matapos mabasa at makita ang larawan ng nasa papel.
"Imposible!" Sambit ni Selina.
Agad naman nagtaka si Zilan at kalaunan ay tinanong si Selina.
"Bakit Selina? Kilala mo rin ba kung sino ang nasa papel na yan?" Tanong ni Zilan.
"*Uhm!" Tugon ni Selina.
Ilang sandali pa ay agad kinuha ni Zilan ang papel at kalaunan ay tiningnan niya ito.
"**** ********. Kilala mo siya?" Sambit muli ni Zilan.
"*Uhm!" Tugon muli ni Selina.
*** Flashback end's here xD ***
Mabalik tayo sa kasalukuyan.
"Sabihin mo Rain, saan na nagpunta ang taong sinasabi mo?" Sambit ni Selina.
"Hindi ko na alam eh." Tugon ni Rain.
"*Tsk! Tyak ang lalaking sinasabi ni Rain ang mga taong tinutukoy ni master Zilan." Sambit ni Selina sa derekta sa kaniyang isipan.
"At may isang bagay pa akong iniisip." Sambit muli ni Rain.
Biglang napatingin si Selina kay Rain, dahil mayroon pa palang bumabagabag sa isipan nito ngayon.
"*Eh? Bakit Rain? Meron ka pa bang problema?" Tanong ni Selina.
"Sa tingin ko kasi kanina ay nakita at nakausap ko si Hades Hellsflame." Tugon ni Rain.
Sa pagkakataong ito ay nanlaki ang mga mata ni Selina, matapos marinig ang mga sinabi ni Rain at ilang sandali pa ay gulat na itong nagsalita.
"Si Hades Hellsflames? Nakita mo? Teka, papaano ka nakakasigurong si Hades nga yon?" Sambit muli ni Selina.
"Ang totoo ay hindi rin ako sigurado, pero may isang lalaki na tumawag sa kaniyang "Master Hades". Sobrang lakas din ang kapangyarihang naramdaman ko sa kaniya at kay master Drake lang ako nakakaramdam ng ganong kalakas na kapangyarihan." Tugon ni Rain.
"Ngayon naman ay si Hades Hellsflame? Kailangan na itong malaman ni master Zilan." Sambit ni Selina derekta sa kaniyang isipan.
Ilang sandali pa ay biglang napatayo si Rain, napatingin naman si Selina dito at ilang sandali pa ay napalingon sa lugar kung saan nakatingin si Rain.
*** SFX: *Boing! *Boing! *Boing! *Boing! *Boing! *Boing! *Boing! *** (If you know what this means! :3)
Biglang nakaramdam ng labis na pagkainis si Selina matapos makita si Rain na natutuwa habang nakatingin kay Krystine na tumatakbo patungo sa kanila.
"Rain Esfalls?!" Sambit ni Selina.
Agad napalingon si Rain sa nagagalit na si Selina at nang makita niya ito ay agad napalitan ng pagkatakot ang sayang naramdaman niya matapos makita si Krystine.
"Selina? Ba..ba..bakit?" Tanong ni Rain.
"Bakit your face!!" Tugon ni Selina..
*** SFX: PAAAAAAAAAAAAAAAAK! ***
Isang malakas na uppercut ang pinakawalan ni Selina, dahilan upang lumipad at maging isang bituin si Rain. Ilang sandali pa ay galit na umalis si Selina at nagtungo sa kanilang mga kaibigang naliligo. Samantala, nagtaka naman si Krystine matapos makasalabong si Selina, kaya ng makalapit siya kay Rain ay agad niya itong tinanong.
"Anong nangyari kay Selina? Bakit parang galit siya?" Tanong ni Krystine.
"Haaay! Ewan ko ba dun! Lagi na lang siyang nagagalit, pero hindi ko naman alam kung bakit!" Tugon ni Rain.
Napaisip na lang si Krystine sa dahilan kung bakit nagalit bigla si Selina. At dahil wala siyang maisip ay nagtungo na lang siya sa lugar kung nasaan ang kaniyang gamit. Nang makuha ang kaniyang bag ay agad niya itong binuksan at may isang food container siyang kinuha mula sa loob nito. Matapos nito ay agad na siyang lumapit kay Rain upang alokin itong kumain.
"Ang mabuti pa ay kumain ka muna, Rain." Sambit ni Krystine.
Agad napangiti si Rain matapos makita ang kumikinang na mga ngiti ni Krystine. Agad niyang kinuha ang food container na inabot sa kaniya at nang buksan niya ito ay halos mapaiyak siya sa labis na tuwa. Ang ganda kasi ng pagkaka-arrange at pagkakahanda ng mga pagkain sa loob ng food container.
Samantala, sa kaparehong oras. Hindi sinasadyang napatingin si Khaye kina Rain at bigla siyang kinabahan matapos makita na may hawak-hawak si Rain na isang food container. At batid niya na galing ito kay Krystine. Ilang sandali pa ay agad nagmadali si Khaye upang magtungo sa pwesto kung nasaan sina Rain.
Mabalik tayo kina Rain.
"Sige, kumain ka na. Sana magustuhan mo ang pagkaing niluto ko." Sambit ni Krystine.
"*Uhm! Maraming salamat sa pagkain!" Tugon ni Rain.
Agad kinain ni Rain ang pagkaing ibinigay sa kaniya ni Krystine, ngunit sa unang pagsubo palang niya ay biglang nabura ang kasiyahang bumabalot sa buo niyang pagkatao. Sa mga oras na ito ay masuka-suka na siya, subalit hindi niya ito kayang isuka sa kadahilanang masaya siyang pinapanood ni Krystine.
"Ano, masarap ba?" Tanong ni Krystine.
Hindi na nagawang magsalita ni Rain at napatango na lang ito. Ikinatuwa naman si Krystine ang naging tugon ni Rain, kaya naman muli na siyang nagsalita.
"Mabuti naman at nagustuhan mo! Sige kain ka lang, wag kang magtitira ah! Masama kasi ang magtira ng pagkain." Sambit muli ni Krystine.
Muli ay hindi na nagawa pang magsalita ni Rain at umiiyak na lang itong napatango. Muli ay napangiti si Krystine matapos tumugon ni Rain sa kaniya.
"Anong klaseng pagkain ba 'to? Hindi ko mawari kung kung mapait, maanghang o maalat ba ang kinakain ko. Pero malulungkot naman si Krystine kapag sinabi ko sa kaniyang walang sarap at nakakasuka ang pagkaing ibinigay niya sa'kin! *Oh god of travincial! Please help me! *Huhuhuhu!" Sambit ni Rain derekta sa kanilang isipan.
"*Oh.. Bakit ka huminto sa pagkain? Hindi mo ba nagustuhan ang mga niluto ko?" Tanong ni Krystine.
Biglang kumirot ang puso ni Rain matapos makita ang malungkot ekspresyon sa mukha ni Krystine. Kaya ilang sandali pa ay nag-aapoy ang kaniyang mga mata nito, habang mabilis na inuubos ang laman ng food container. Sa pagkaubos ng pagkain ay agad uminom ng maraming tubig si Rain. Sakto naman ang pagdating ni Khaye na magbibigay sana ng babala, tungkol sa pagkain ibinigay sa kaniya ni Krystine. Subalit huli na ang lahat, dahil naubus na nito ang pagkain.
"*Tsk! Hindi ako umabot!" Sambit ni Khaye.
Agad naman siyang napansin ni Krystine, kaya agad itong nagsalita.
"*Oh! Ikaw pala, Khaye. Nagugutom ka na rin ba?" Sambit ni Krystine.
Bigla naman napangisi si Khaye at matapos nito ay na muli siyang nagsalita.
"*Ahh! Salamat na lang pero hindi pa naman ako nagugutom.. *Heh..hehe.." Tugon ni Khaye.
"Ganon ba?!" Tanong ni Krystine.
"*Ahh! Tara na Krystine, maligo pa tayo." Sambit ni Khaye.
"*Uhm! Mabuti pa nga!" Tugon ni Krystine.
Matapos mag-usap ay sabay ng naglakad patungo sa iba pa nilang mga kaibigan sina Khaye at Krystine. Samantala, hindi na gumagalaw, hindi na nagsasalita at hindi na rin humihinga sa mga oras na ito si Rain.
"Sorry Rain. Hindi agad kita nabalaan." Sambit ni Khaye sa derekta sa kaniyang isipan.
Ilang sandali pa matapos makaalis nina Khaye at Krystine ay biglang nag-alboroto ang tyan ni Rain, kaya mabilis na itong tumakbo patungo sa banyo. Matapos makaalis ni Rain ay sakto namang pabalik ang mga kaibigan niyang sina: June, Mark, Aron at David. At sa mga oras na ito ay labis silang nagtaka, dahil hindi nila nakita si Rain. Balak kasi nila itong ayain nang maligo at si David naman ang papalit sa kaniya para magbantay sa kanilang mga gamit, ngunit hindi na nila ito makita pa.
"Saan kaya nagpunta si Rain?" Tanong ni June.
"Ewan ko. Baka naman nag-CR lang." Sambit ni Mark.
"Siguro nga nag-CR lang yon! Hindi naman kasi na'tin siya nakitang nagpunta sa dagat eh. Sarap-sarap pa namang maligo." Sambit ni David.
"Haaay! Nakakagutom maligo, hindi pa ba tayo kakain?" Sambit ni Aron.
"Sabay-sabay na tayong kumain, Aron!" Sambit muli ni Mark.
"Pero gutom na ako eh! *Ahh!! Gusto ko nga palang tikman ang mga pagkain itinitinda dito!" Sambit muli ni Aron.
Matapos magsalita ay agad hinanap ni Aron ang kaniyang bag. Nang makita ay agad kinuha ang kaniyang pitaka at matapos nito ay mabilis ng nagtungo sa mga stall na nasa may gilid lang ng beach.
"Si Aron talaga! Hindi na makapaghintay pagdating sa pagkain." Sambit ni Mark.
"Sinabi mo pa!" Sambit ni David.
Makalipas ang kalahating oras, sama-sama ng nagpapahinga ang magkakaibigan, kasama na ang grupo nina Krystine. Sa mga oras na ito ay hindi pa rin nakakabalik si Rain, kaya nag-aalala na ang kaniyang mga kaibigan sa kung nasaan na siya naroroon. Samantala, si Aron ay hindi pa rin nakakabalik, dahil bising-busy ito sa pagkain sa mga stall sa may gilid ng beach.
"Nasaan na ba si Rain? Bakit kanina ko pa siya hindi nakikita?" Sambit ni Annie.
"Oo nga, nasaan na si Rain?" Tanong ni Selina.
"Ang totoo ay hindi ko rin alam eh." Tugon ni Mark.
"*Tsk! Nag-aalala tuloy ako baka kung napano na yun!" Sambit muli ni Annie.
"Wag kang mag-alala, Annie. Sa tingin ko ay nasa CR lang si Rain." Sambit ni Khaye.
Bigla namang napatingin ang lahat kay Khaye, dahil nagtaka ang mga ito kung bakit nasabi ito ni Khaye sa kanila.
"Sa CR? Papaano mo naman nalaman?" Tanong ni Annie.
"*Ahh! Nakita ko kasi siya kaninang tumakbo patungo sa may CR eh!" Tugon ni Khaye.
"Mark, June! Paki-check naman ang CR at tingnan nyo kung nandun nga si Rain." Sambit ni Selina.
"Okay!" Tugon ng dalawa.
Matapos magsalita ng dalawa ay agad na silang naglakad patungo sa may CR. At makalipas lang ang ilang minuto ay nagmamadaling tumakbo si June pabalik sa mga kaibigan.
"Masamang balita! Si Rain!" Sambit ni June.
Biglang napatayo ang magkakaibigan at mabilis na nagtungo sa may CR. Samantala, nagpaiwan naman sina David at Melisa upang bantayan ang kanilang mga gamit.
Ilang sandali pa ay narating na ng magkakaibigan ang CR at sa labas nito ay nakita nila si Mark habang akay-akay ang nanghihinang si Rain. Labis ang pagkagulat ng magkakaibigan matapos makita ang itsura ni Rain. Sobrang payat na kasi nito. Agad naman siyang tinanong nina Selina at Annie sa kung ano ang nangyari.
"Ano ang nangyari sayo? May nakain ka bang masama?" Tanong ni Annie.
"Oo nga! Anong pagkain ba ang kinain mo at nagkaganyan ka?" Tanong ni Selina.
Agad naman nalungkot si Krystine, dahil ang alam niya ay ang niluto niyang pagkain ang huling kinain ni Rain. Agad namang napansin ni Rain na malungkot si Krystine, kaya kahit hirap ay pinilit nitong magsalita.
"Hindi dahil sa pagkain kung bakit ako nagkaganito, baka dahil sa ininum kong tubig." Sambit ni Rain.
Agad napangiti si Krystine, dahil nalaman niyang hindi pala ang pagkaing niluto niya ang dahilan kung bakit nagkaganon si Rain. Agad din napansin ni Rain ang mga ngiti sa mukha ni Krystine, kaya napaluha ito at kalaunan ay nawalan ng malay. Samantala, halos mapa-iyak si Khaye matapos marinig ang mga sinabi ni Rain.
"Napakabuti mo, Rain!" Sambit ni Khaye derekta sa kaniyang isipan.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nagkamalay na si Rain. Si Krystine agad ang una niyang nakita, kasunod nito ay ang iba pa niyang mga kaibigan. Ilang sandali pa ay dahan-dahan na siyang tumayo at matapos noon ay nagtanong kung ano ang nangyari.
"Teka, ano ang nangyari? Bakit nawala na ang sakit ng tyan ko?" Tanong ni Rain.
"Magpasalamat ka kay Krystine, dahil ginamot ka niya." Tugon ni Mark.
Sa mga sandaling ito ay napatingin si Rain kay Krystine at ilang sandali pa ay nakangiti itong nagsalita.
"Maraming salamat, Krystine. Iniligtas mo na naman ako." Sambit muli ni Rain.
"Although ikaw ang dahilan kung bakit muntik na akong mamatay. Sana hindi ko na matikman ang mga pagkain iyon. Gusto ko pang mabuhay ng mahaba. *Huhuhu.." Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.
"Walang anuman! Magkaibigan naman tayo eh." Tugon ni Krystine.
Matapos mag-usap ay bumalik na ang magkakaibigan sa kanilang pwesto at matapos noon ay bumalik na sila sa may beach upang magsaya at maligo.
Chapter ends.
Afterwords
Hi ulit, asahan nyo na po bukas yung valentine's day special chapter. Sana po magustuhan nyo yung kagaguhan kong kwento.. hahaha..
still ongoing pa rin ang revisions sa fallen wing.. halos nangangalahati palang ako.. :(
Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..
Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..
Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..
Susunod.
Chapter 33: Anti-Myths - Ang mga taong may makapangyarihang sandata. Part 3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top