Chapter 31: Anti-Myths - Ang mga taong may makapangyarihang sandata.

Sa ngayon ay kasalukuyang naglalakad ang magkakaibigan patungo sa dining hall ng hotel. At sa loob ng dining hall ay nakita muli nila sina Anya, Eucy at ang tatlo pa nitong kaibigan.

"Oi Aron!" Sambit ni Anya.

"Anya!" Tugon ni Aron.

Matapos magbatian ay agad pinuntahan ni Aron sina Anya. Samantala, wala ng nagawa ang magkakaibigan kundi ang sundan itong si Aron. At nang tuluyang makalapit si Aron ay agad na niyang kinausap sina Anya.

"Kamusta na Anya? Saan nga pala kayo galing kanina ni Eucy?" Tanong ni Aron.

"Naglalakad-lakad lang kami ni Anya." Tugon ni Eucy.

"Teka, si Anya ka ba?" Tanong muli ni Aron.

Ilang sandali pa matapos magsalita ni Aron ay nagsalita na ang isa sa mga kaibigan ni Eucy.

"Siya ba yung first love mo, Eucy?" Sambit ng isang babae.

Bigla naman nagulat at nag-blush si Eucy matapos marinig ang sinabi ng kaniyang kaibigan, kaya naman natataranta siyang nagsalita.

"Na..na..na..na..na..loloko ka na ba, Thara?!" Sambit muli ni Eucy.

"*Hahaha! Masyado ka naman halata, Eucy." Sambit ng isa pang babae.

"Katherine?!" Sambit muli ni Eucy.

Habang nag-uusap ay nakaramdam ng pagkainis si June kay Aron, kaya hindi na nito natiis pa ang sarili at agad ng lumapit kina Eucy.

"Hello, ako nga pala si June Swatzron, kaklase ni Aron." Sambit ni June.

Matapos magsalita ni June ay napayuko si Eucy, dahil biglang naalala nito ang mga sinabi ni Aron sa kaniya nung unang beses niyang makilala ito.

"Siya ba Eucy yung sinasabi mong may gusto sayo?" Sambit muli ng isang babae.

Muli ay nagulat si Eucy at muling nag-blush.

"Thara!" Sambit muli ni Eucy.

Natawa na lang ang mga kaibigan ni Eucy at matapos nito ay tuluyan na silang nagpakilala.

"Hello! By the way, Ako nga pala si Thara Rampias." Sambit ni Thara.

*** Thara Rampias. 15 years old at isa siyang mythical shaman ng Troll. Medyo may pagka-boyish siya, ngunit hindi naman siya isang lesbian. Masayahin, ma-pride at matapang siya. Malakas din siya at maasahan.

Slim ang pangangatawan ni Thara, nasa 5'2" ang kaniyang taas, medyo maputi ang kaniyang balat, orange na nasa hanggang balikat ang kaniyang buhok at kahit papaano naman ay may konting hinaharap. (If you know what I mean! :3) ***

*** Note: Ang Troll ay isang class-B na mythological creature, hindi kanais-nais ang itsura ng creature na ito. Subalit wag silang mamaliitin ng dahil lang sa taglay nilang itsura, dahil sobra din ang lakas na taglay nila. Ang Troll ay isa uri ng "Giant" at halos maiikumpara ang lakas ng mga trolls sa mga giants, ngunit mas mabilis lang sila sa mga ito. ***

"Hi! Ako naman si Katherine Skyland. Nice meeting you." Sambit ni Katherine.

*** Katherine Skyland. 15 years old at isa siyang mythical shaman ng Harpie. Hindi nalalayo ang ugali ni Katherine kay Thara, kaya hindi nakakapagtaka na magkaibigan sila.

Slim ang pangangatawan ni Katherine, nasa 5'3" ang kaniyang taas, maputi ang kulay ng kaniyang balat at purple na medyo maigsi ang kaniyang buhok at may kahit papaano ay pyutsur naman. (If you know what I mean! :3) ***

Agad namang nagpakilala ang magkakaibigan matapos magpakilala ang mga kaibigan ni Eucy sa kanila. Ilang sandali pa matapos magkilala ng dalawang ng grupo at muling nagsalita si Katherine.

"Rain, kapatid mo ba si miss Rachelle? Magka-apilyido kasi kayo eh." Tanong ni Katherine.

"*Uhm! Mabait naman si ate, kaso nagiging halimaw siya kapag nagagalit." Tugon ni Rain.

"Teka lang Rain, diba Elemental fire dragon ka rin, katulad ni Aron? So, isang mythical shaman din si miss Rachelle?" Tanong ni Anya.

Napakamot na lang ng ulo si Rain matapos siyang tanungin ni Anya.

"*Umm.. Ano, ang totoo kasi nyan ay kinupkop lang ako ni ate. Pero kilala siya ni master Drake at sila lang ang nakaka-kilala sa isa't-isa." Tugon muli ni Rain.

"*Hmm.. Teka! Master Drake? Ang ating clan leader? Master mo?" Sambit muli ni Anya.

"Nakalimutan kong sabihing si Rain nga pala ang kasama kong nagsasanay sa tulong ni lolo." Sambit ni Aron.

"Talaga? Ang daya nyo naman.. Gusto ko ding maturuan ng ating clan leader, dahil master na niya ang four main elements." Sambit ni Eucy.

Matapos magsalita ni Eucy ay bigla namang naiyak sinaa Rain at Mark na napansin naman ng lahat.

"Teka, bakit ka umiiyak Rain at tsaka si Mark?" Tanong ni Thara.

"*Hahaha! Ganyan talaga ang mga yan kapag napapag-usapan ang pagsasanay nila." Tugon ni June.

Nagkatinginan naman ang grupo nina Eucy, dahil labis silang nagtaka.

"Kung ganon, pati si Mark ay sinasanay na din ng ating clan leader, Aron?" Tanong ni Eucy.

"Oo. Ganon na nga." Tugon ni Aron.

"*Grrrrr!! Hindi na 'to patas! Bakit kayo lang ang nagsasanay sa kamay ng ating clan leader?! Tandaan mo 'to, Aron Draken! Sa oras na makabalik tayo sa travincial, sasama at sasama ako sa pagsasanay nyo! Nauunawaan mo ba?!" Sambit muli ni Eucy.

Napaatras naman si Aron at kalaunan ay napalunok, matapos marinig si Eucy. Sandaling siyang natahimik ngunit ilang sandali pa ay nagsalita na siyang muli.

"Naku, hindi ko alam kung pwede kang sumama sa'min.." Sambit ni Aron.

"At bakit naman?!" Sambit muli ni Eucy.

Matapos magsalita ni Eucy ay mabilis na inilapit ni Thara ang kaniyang mukha kay Eucy at matapos nito ay mayroon siyang ibinulong.

"Paraan mo ba ito, para makasama ang first love mo?" Tanong ni Thara.

Napayuko na lang si Eucy at matapos nito ay nag-blush siyang muli. Napangiti naman sina Thara at Katherine matapos makita ang naging reaksyon ng kanilang kaibigan. Samantala, hindi na nagawang tugunin ni Eucy ang pang-aasar na kaibigan at muli ay galit nitong kinausap si Aron.

"Ang mabuti pa ay ako na mismo ang kakausap sa ating clan leader!" Sambit muli ni Eucy.

"Bahala ka!" Sambit ni Aron.

Biglang nahinto ang pag-uusap ng dalawang grupo matapos nilang marinig ang galit na boses ni Rachelle.

"Rain Esfalls and company?! Bakit hindi pa kayo pumupunta sa pwesto nyo!" Sigaw ni Rachelle.

Biglang nagulat ang magkakaibigan at hindi na nila nagawa pang magpaalam kina Eucy. Walang pag-aaksaya ay mabilis na silang nagpunta sa dapat nilang pwesto sa dining hall. Naunawaan naman ng grupo nina Eucy ang nangyari, dahil kahit sila ay takot din sa guro nilang si Rachelle Esfalls.

Nang makapunta sa kanilang pwesto ang magkakaibigan ay sakto namang dating ng kanilang pagkain para sa kanilang hapunan. Sa mga oras na ito ay naalala ni Aron ang kaniyang gutom, kaya mala-baboy na naman itong kumain.

Matapos makakain ay agad silang nagtungo sa kanilang mga kwarto at inutusan na silang matulog ni Rachelle, dahil maaga pa silang gigising bukas para simulan ang kanilang mga activity.

Kinabukasan, maagang nagising si Rain. Habang nakapikit ay agad itong nag-inat at sa pagbaba ng kaniyang mga kamay ay may pamilyar na bagay siyang nahawakan. Ngunit sa pagkakataong ito ay nabasag agad ang natutulog niyang diwa, kaya agad niyang idinilat ang kaniyang mga mata. At katulad ng kaniyang inaasahan, si Lina nga at ang dibdib nito ang kaniyang hawak- hawak. Mabilis napatayo si Rain at kalaunan ay nahulog sa kaniyang kama, dahil na rin sa labis na pagkagulat.

*** SFX: BLAAAAAAAG! ***

Agad nagising ang magkakaibigan pati na rin si Lina, dahil sa kanilang narinig na parang may nahulog na bagay.

"*Hwaaa.. Ano ba yong ingay na yon?" Tanong ni June.

Matapos kusutin ni June ang kaniyang mga mata ay may napansin siya na hindi tama sa kama ni Rain, si Lina habang nag-iinat.

"Li..Li..Li..Lina?!" Sambti muli ni June.

Matapos magsalita ni June ay napatingin ito sa tabi ng kama ni Rain at nakita niya ang gulat na kaibigan.

"Good morning, Rain." Sambit ni Lina.

"*Eh?! *EHH?!" Sambit ni Rain.

*** SFX: BLUUUUUUUG! ***

Ilang sandali pa ay biglang bumukas ang pintuan ng kwarto nina Rain, ngunit bago pa siya tuluyang lumingon dito ay bigla siyang nakaramdam ng labis na takot.

"Sinasabi ko na nga ba eh.. Rain Esfalls!" Sambit ni Selina.

"Lina.. Ano ang ginagawa mo sa kama ni Rain?" Tanong ni Annie.

"*Hmm.. Dito ako natulog sa tabi niya. *Hehehe.." Tugon ni Lina.

Nagulat si Rain matapos marinig ang sinabi ni Lina. Samantala, biglang nabalutan ng nakakatakot na aura sina Annie at Selina, matapos makumpirma ang kanilang hinala.

*** SFX: *Crunch! *Crunch! *Crunch! *Crunch! *Crunch! *Crunch! *Crunch! *Crunch! ***

Habang pinapatunog nina Annie at Selina ang kanilang mga daliri sa kamay ay dahan-dahan silang naglalakad papalapit kay Rain. Samantala, napapaatras naman si Rain sa bawat hakbang ng dalawa papalapit sa kaniya.

"Teka lang, Selina, Annie, wala akong alam kung bakit katabi ko si Lina matulog! Please, wag nyo akong patayin!" Sambit ni Rain.

"Wala kaming pake!" Tugon ni Selina.

*** SFX: BUGS! PAAAK! KLANK! TUGS! TUGS! *Crack! *Crack! BLAG! BLUGS! PAAK! PAAK! ***

Matapos magsalita ni Selina ay agad na nilang inupakan si Rain. Wala namang nagawa si Rain, kundi ang umiyak habang ginugulpi ng dalawa.

Makalipas ang sampung minuto at sa ngayon ay kasalukuyan na silang nasa dining hall at nag-aamusal. Nahihirapang kumain si Rain ngayon, dahil namamaga ang buong mukha niya. Samantala, hindi naman pinapansin at kinakausap nina Selina at Annie si Rain. At labis silang naiinis sa tuwing nakikita nila si Lina na nakangiti, dahil naisahan na naman sila nito.

Matapos makakain ay agad nagtungo ang magka-kaklase sa kanilang bus, dahil aalis sila ngayon at pupunta sa mga historical places dito sa loob ng hagoweigh. Samantala, hindi kalayuan sa hotel na tinutuluyan ng mga istudyante ng Olympus university. Sa ngayon ay sinusubaybayan nila ang kilos ng mga ito.

"Joshua, may isang tao akong gustong kausapin bago na'tin kalabanin ang mga mythical shaman na ito." Sambit ng isang lalaki.

"Isang tao? Okay, basta wag mo lang kakalimutan ang ating misyon, Garry." Tugon isang lalaki.

"*Fufufu.. Maraming salamat, Joshua! Sa wakas, Rain Esfalls! Makakaganti na rin ako sayo!" Sambit muli ng lalaki.

Samantala, hindi alintana ni Rain ang panganib na posible nilang harapin sa hinaharap at patuloy pa rin ito sa pagpapaliwanag kina Selina at Annie, habang kasalukuyang silang umuusad sakay ng kanilang bus.

May kalahating oras ang lumipas ng marating nila ang isang museum. Agad nagtungo ang kanilang bus sa parking lot doon at nang makahinto ay isa-isa ng bumaba ang mga istudyante. Agad namang nagsama-sama ang magkakaibigan at sabay-sabay silang pumasok sa loob ng museum sa pangunguna ng kanilang guardian, si Rachelle.

Habang nasa loob sila ng museum.

"Wow! Anong klaseng museum 'to?" Sambti ni Rain.

"Makinig kayo, class fire-1. Ang lahat ng bagay na nasa loob ng museum na ito ay mga artifacts tungkol sa mga Mythological creatures, mga million years ago na ang nakakalipas." Sambit ni Rachelle.

"Wow ang cool! Saan naman po nila nakuha ang mga artifacts na 'to, miss Rachelle?" Tanong ni Mark.

"*Fufu.. Sumunod lang kayo sa'kin at ipapaliwanag ko sa inyo ang bawat artifacts na makikita dito. Maliwanag ba?" Sambit muli ni Rachelle.

"Yes Ma'am!" Tugon ng lahat.

Masayang naglakad paikot sa naturang museum si Rachelle kasama ang buong class fire-1. Humihinto sila sa bawat artifacts na kanilang madaanan at agad naman itong ipinapaliwanag ni Rachelle sa kaniyang mga istudyante. At sa dami ng mga istudyante na nasa loob ng museum ay nagkakasalubong ang iba-iba't section. Dahil tulad ng class fire-1 ay kasama din ng mga ito ang kani-kanilang mga guardians at halos katulad din nila ang ginagawa ng mga ito.

Nagtagal din ng mahigit isang oras ang pamamalagi ng bawat section sa loob ng museum. Matapos maikot ng bawat section ang buong museum ay agad na silang lumabas at dumeretso na sa kani-kanilang mga bus, upang magtungo naman sa susunod nilang pupuntahan.

Halos may kalahating oras muli ang kanilang naging byahe at narating na nila ang ikalawang lugar na pupuntahan nila. Isa din itong museum, ngunit tungkol naman sa mga tao ang nasa loob nito. At katulad ng una nilang ginawa ay umikot silang muli dito at humihinto sa bawat mga artifacts at masusi naman itong ipinapaliwanag ng kanilang mga guardian. Hindi naman sila na inip, bagus ay nagka-interes din ang buong class fire-1 sa history ng mga tao. Halos kalahating oras ang lumipas ay natapos na nilang maikot ang buong museum, kaya agad na silang bumalik sa kani-kanilang mga bus. Sa ngayon ay pabalik na sila sa kanilang hotel upang kumain ng tanghalian at matapos nito ay malaya na silang gawin ang lahat, bago maghapunan.

Sa ngayon ay kasalukuyang nag-uusap ang magkakaibigan sa loob ng bus.

"Ano na ang gagawin na'tin matapos mag-lunch?" Tanong ni Annie.

"Ano kaya kung maligo tayo sa beach? Tutal naman beach resort talaga ang hotel na tinutuluyan na'tin diba?" Sambit ni Mark.

"Magandang idea, Mark! Matagal-tagal na din akong hindi nakakaligo sa beach eh! *Hahaha!" Sambit ni June.

"Sang-ayon ako dyan, Mark!" Sambit ni Selina.

"Teka lang, baka hindi ako makasama." Sambit ni Rain.

"*Eh?! Bakit naman?" Tanong ni Annie.

"Hindi kasi ako marunong lumangoy." Tugon ni Rain.

"*Ptttt.. *Fuwahahaha!" Sambit ni June.

Agad napayuko si Rain, dahil nahiya siya sa kaniyang mga sinabi.

"*Ehem! *Ehem! Wag kang mag-alala Rain, hindi rin naman ako marunong lumangoy!" Sambit muli ni June.

*** SFX: TOINKS! ***

Labis na nainis si Annie matapos marinig ang sinabi ni June, kaya malakas niya itong kinutusan.

"Aray!" Sigaw ni June.

"Bwisit ka! Kung makatawa ka, wagas! Tapos hindi ka rin pala marunong lumangoy!" Sambit ni Annie.

"Wag kang mag-alala, Rain. Hindi rin ako marunong lumangoy eh." Sambit ni David.

"Ako rin, hindi rin ako marunong lumangoy." Walang emosyong pagkakasambit ni Alex.

"Ako din eh, manapa lumipad marunong ako. Pero ang lumangoy, hindi." Sambit ni Aron.

"Wag kang mag-alala, Rain. Tuturuan kitang lumangoy!" Sambit ni Lina.

Bigla namang napatingin sina Selina at Annie kay Lina.

"Hoy Lina! Ako ang magtuturo kay Rain na lumangoy! Ang mabuti pa ay sina Aron, June at David na lang ang turuan mo!" Sambit muli ni Annie.

"*Fufufufu.. Kung pagdating lang naman sa pagtuturo kung papaano lumangoy, sigurong mas maganda kung ako ang magtuturo kay Rain, dahil isa akong Mermaid." Sambit ni Selina.

"Whoa! Selina, ipagkakatiwala ko na sayo ang pagtuturo mo sa'kin kung papaano lumangoy." Walang emosyong pagkakasambit muli ni Alex.

Nainis naman si Annie kay Selina, dahil ang plano niyang turuan lumangoy sina Rain at Alex ay nasira na.

"*Grrrr.. Selina!" Sambut muli ni Annie.

Agad namang napatingin si Selina at napangiti na lang matapos makita ang inis na ekspresyon ng mukha ni Annie.

"*Oh.. Bakit Annie? May problema ka ba?" Tanong ni Selina

"*Hmmp!" Tugon ni Annie.

Samantala, agad naman tinext ni David si Melisa tungkol sa kanilang plano, dahil hindi sila naririnig nito sa ngayon. Nasa may bandang unahan kasi nakaupo si Melisa.

Makalipas ang isang oras na byahe ay narating na nila ang kanilang hotel. Agad nagtungo ang magkakaibigan sa kani-kanilang mga kwarto upang saglit na pagmahinga, dahil may isang oras pa sila bago mananghalain.

Habang nasa kwarto ang mga magkakaibigan ay masaya nilang pinag-uusapan ang mga damit na susuutin ng kanilang mga kaibigan.

"Anong klaseng swimsuit kaya ang mga susuutin nila?" Tanong ni June.

"Sana makita ko din si Krystine na naka-swimsuit." Sambit ni Rain.

"Ako din, sana makita ko ding naka-swimsuit si Eucy." Sambit muli ni June.

"Im sure ang ganda ni Annie sa swimsuit niya." Sambit ni Mark.

"Mag swimsuit kaya si Alex?" Tanong ni David.

"Ano kayang masarap na pagkain ang matitikman ko don sa mga stall sa tabi ng beach?" Sambit ni Aron.

Bakas sa tono ng pagkakasambit nina June, Rain at Mark ang pagkamanyak niya. At sa mga oras na ito ay kani-kaniya na sila ng iniisip sa mga bagay na alam nyo na. Tumagal ng halos isang oras ang magkakaibigan sa kanilang pagpapantansya at nabasag na lang ito, matapos marinig ang pagtawag ng kanilang guardian, si Rachelle.

Nagmadali ng bumaba ang magkakaibigan at sakto sa paglabas nila ng kanilang kwarto ay nakita na nila ang mga kaibigan nilang babae, kaya sabay-sabay na silang bumaba patungo sa dining hall ng hotel. Nang marating nila ang dining hall ay saktong nakahanda na ang mga pagkain at tanging mga istudyante na lang ang hinihintay upang kumain.

May ilang minuto pa ang lumipas ay natapos ng kumain ang magkakaibigan. Sandali lang silang nag-usap at matapos nito ay agad na silang nagpunta sa kani-kanilang mga kwarto, upang maghanda ng kanilang gamit para sa kanilang pagpunta sa beach.

Makalipas ang labing limang minuto, nakahanda na sina Rain at naghihintay na lang sila sa labas ng hotel para sa pagdating ng kanilang mga kaibigang. Dito kasi nila napag-usapang magkita, kaya sila dito naghihintay.

"Haaay! Ang tagal naman nila, gusto ko nang matikman ang mga tindang pagkain doon sa may beach!" Sambit ni Aron.

"Matagal talagang mag-ayos ang mga babae, kaya wala tayong magagawa kundi ang hintayin sila." Sambit ni David.

"Tama ka don, David! Ganon talaga ang mga babae!" Sambit ni Mark.

"*Oh! Ayun na pala sila eh!" Sambit ni June.

Agad namang napatingin ang magkakaibigan at nakita na nga nila ang grupo nina Selina. Ilang sandali pa ay nakalapit na ang mga ito sa kanila at sa pagkakataong ito ay nagtanong na si June.

"Bakit ang tagal nyo naman?" Tanong ni June.

Ngunit imbes na tugunin ni Selina ang tanong sa kaniya ni June ay ipinukol niya ang dala niyang bag at pati na rin ang mga bag nina Annie, Alex, Lina at Melisa dito.

"Dalin mo ang mga yan! *Oh.. Dapat pa ba kitang gamitan ng kapangyarihan ko?" Sambit ni Selina.

Wala ng nagawa pa si June, dahil nakaramdam siya ng takot matapos siyang pagbantaan ni Selina. Pinagtawanan naman siya ng iba pa niyang kaibigan.

"Kasalanan mo yan, June. Hindi mo kasi dapat tinatanong ang mga babae ng ganon!" Sambit ni David.

"*Huhuhuhu.." Sambit ni June.

Ilang sandali pa ay nagsimula ng maglakad ang mga kakaibigan patungong beach. Samantala, wala man lang tumulong kay June sa pagbubuhat ng mga bag na dala-dala niya. May limang minutong paglalakad ay narating na nila ang beach. Sa wakas natapos na din ang kalbaryo ni June, dahil kinuha na sa kaniya ang mga bag na kaniyang dala-dala. Agad namang nagtungo sina Selina dala ang kanilang mga bag sa may CR upang dito ay magpalit nang kanilang mga damit panligo. Samantala, namangha naman ang magkakaibigan sa ganda ng beach at syempre sa mga babaeng naka-swimsuit.

Agad itinayo ni Mark ang malaking payong na kanilang inarkila bago pa man sila makapasok sa beach at naglatag na siya ng mahabang tela sa may buhanginan. Matapos nito ay ibinaba na nila ang kanilang mga dala.

"Wow! Ang ganda ng dagat!" Sambit ni David.

"Sinabi mo pa! Pero mas maganda sa dagat ang mga chix dito!" Sambit ni June.

"Tama na nga yang pagpapantasya nyo at tulungan nyo na lang ako dito sa mga gamit na'tin." Sambit ni Rain.

Matapos magsalita ni Rain ay biglang napalingon ito sa lugar kung saan nagtungo ang kanilang mga kaibigan para magpalit. Ngunit ilang sandali pa ay bigla siyang napatulala sa kaniyang mga nakita. Labis namang nagtaka ang magkakaibigan matapos makita si Rain, kaya napalingon sila sa lugar kung saan ito nakatingin. At tulad nang nangyari kay Rain ay natulala din ang mga ito.

"*Oh! Bakit Rain? Sobrang ganda ko ba dito sa swimsuit ko, kaya natulala ka?" Sambit ni Selina.

"Asa ka pa Selina! Sa'kin natulala si Rain. Hindi ba Rain?" Sambit ni Annie.

"*Uhm.. Bagay ba sa'kin 'tong swimsuit ko, Rain?" Sambit ni Lina.

"Wag kang mag-alala, Lina. Bagay na bagay sayo ang iyong swimsuit." Walang emosyong pagkakasambit ni Alex.

"Ngayon lang din ako nagsuot ng swimsuit, kaya hindi ko alam kung bagay ba ito sa'kin o hindi." Sambit ni Melisa.

"Wag kang mag-alala, bagay sayo ang swimsuit mo, Melisa!" Sambit ni David.

Napa-thumbs up si David kay Melisa matapos niyang magsalita.

"Ang ganda mo sa swimsuit mo, Annie." Sambit ni Mark.

Bigla namang nahiya at nag-blush si Annie matapos magsalita ni Mark.

"Ang laki!" Sambit ni June.

Hindi maalis ang mga mata ni June kay Lina, matapos nitong magsalita. Samantala, hanggang sa ngayon ay tulala pa rin si Rain, kaya nilapitan na siya ni Selina at kalaunan ay kinausap.

"Oi Rain? Okay ka lang ba?" Tanong ni Selina.

Ngunit hindi nagawang tumugon ni Rain, hanggang sa napangiti si Rain at kalaunan ay nagsalita.

"Krystine!" Sambit ni Rain.

Labis naman nagtaka si Selina sa kaniyan mga narinig, kaya napatingin na siya sa lugar kung saan nakatingin si Rain. At nang makita ang tinitignan nito ay bigla siyang nakaramdam ng galit.

"Rain Esfalls!" Sambit ni Selina.

Sa mga sandaling ito ay napansin na ni Rain si Selina, dahil na rin sa masamang aura na kaniyang naramdaman.

"*Eh?! Selina?" Sambit ni Rain.

Matapos magsalita ni Rain ay hindi na nakapagpigil pa si Selina at bigla na niyang sinapok si Rain.

*** SFX: PAAAAAAK! ***

Isang malakas na suntok ang tinanggap ni Rain mula kay Selina at matapos nito ay galit na niyang inaya ang kanilang mga kaibigan upang mag-swimming. Samantala, walang nagawa si Rain kundi ang maiwan sa kanilang pwesto upang bantayan ang kanilang mga gamit. Sinamahan naman siya ni Lina, ngunit sinabihan niya itong mag-enjoy kasama ang kanilang mga kaibigan. Sinunod naman ni Lina ang sinabi ni Rain at mabilis na itong nagtungo sa kanilang mga kaibigan. Napahiga na lang si Rain sa ilalim ng lilim ng kanilang payong at kalaunan ay ipinikit ang kaniyang mga mata. Ngunit ilang sandali pa ay bigla may tumawag sa kaniyang pangngalan, kaya agad niyang idinilat ang kaniyang mga mata upang tingnan kung sino ang tumawag sa kaniya.

"Ikaw nga Rain! Naisip nyo din palang mag-swimming." Sambit ni Krystine.

Ikinagulat ni Rain ang pangyayaring ito, kaya sandaling siyang natahimik habang nakatitig kay Krystine.

"*Ahh! Oo.. *Hahaha! Kayo, mabuti at naisipan nyo ding mag-swimming." Tugon ni Rain.

"*Uhm! Si Khaye talaga ang may plano nito, kasama na nga nila ang iba pa na'ting mga kaklase eh." Sambit muli ni Krystine.

Agad naman napatingin si Rain sa dagat at nakita na nito sina Khaye, Aicy at Rein na naliligo kasama ang kaniyang mga kaibigan. Ngunit ilang sandali pa ay bigla siyang kinabahan, mataposmakita sina Annie at Selina na masamang nakatingin sa kaniya.

"*Ah..Hahaha! Mukhang nagkakasiyahan na nga sila.." Sambit muli ni Rain.

"Tara, pumunta na tayo don." Sambit muli ni Krystine.

"Sige mauna ka na, kailangan ko kasing bantayan itong mga gamit na'min eh." Sambit muli ni Rain.

"Sabagay. Teka, kukunin ko lang ang mga gamit na'min at tatabi na din kami dito. Okay lang ba?" Sambit muli ni Krystine.

"*Ahh! Sige, sige! Tutulungan na kita sa mga gamit nyo." Sambit muli ni Rain.

Agad tumayo si Rain at sinamahan nito si Krystine sa lugar kung saan nito iniwan ang kanilang mga gamit. At habang naglalakad ay biglang may humarang na isang lalaki sa kanila. Napahinto naman si Rain, samantala, nagtaka naman si Krystine ng makita nito ang ekspresyon ng mukha ni Rain.

"Rain Esfalls. *Fufufu.. Akalain mong dito pa tayo nagkita. Siguro naman hindi mo ako nakakalimutan?" Sambit ng isang lalaki.

"Teka, nagkita na ba tayo, dati?" Tugon ni Rain.

Matapos magsalita ni Rain ay biglang bumuwal ang lalaki, subalit agad itong tumayo at kalaunan ay muling nagsalita.

"Garry Wiseman! Ako si Garry Wiseman! Ang taong nakaaway mo sa dati mong school!" Sambit muli ni Garry.

*** Garry Wiseman. 15 years old at sa ngayon ay kasama siya sa mga napili para maging kasapi sa isang sikretong organisasyon na kumakalaban sa mga mythical shaman. Kahit sa murang edad ay bisaha na sa pakikipaglaban si Garry, dahil masusi silang sinanay para dito. Mayabang siya at arogante, kaya marami siyang nakaaway sa nakaraan.

Slim ang pangangatawan ni Garry, nasa 5'4" ang kaniyang taas, maputi ang kaniyang balat at kulay gray ang kaniyang buhok na nasa katamtamang haba. ***

"*Ahh! Naalala ko na! Ikaw yung mayabang na schoolmate ko dati! Mabuti naman at okay ka na! *Hahaha!" Sambit muli ni Rain.

Bigla naman nainis si Garry matapos magsalita ni Rain.

"Okay?! Yon lang ang sasabihin mo sa'kin matapos mo akong magulpi? Sa tingin mo ba ay nakalimutan ko na ang ginawa mo sa'kin? Kaya ngayon ay pagbabayarin na kita." Sambit muli ni Garry.

Matapos magsalita ni Garry ay agad niyang sinuntok si Rain, ngunit walang hirap naman itong naiwasan ni Rain. Labis itong ikinagulat ni Garry, dahil sobrang bilis ng ginawa niyang pagsuntok. Sa pagkakataong ito ay naisip niyang baka naka-tyamba lang si Rain, kaya muli ay sinuntok niya ito. Ngunit muli ay naiwasan niya ito, kaya sunod-sunod na pagsuntok na ang kaniyang pinakawalan. Subalit sadyang naiiwasan ni Rain ang mga pinapakawalan niyang pag-atake. Sa pagkakataong ito ay mas nagseryoso na siya at mas binilisan pa niya ang ginawa niyang pag-atake, ngunit wala pa ring tumama sa ginawa niyang pag-atake hanggang sa tuluyan na siyang mapagod.

"Sandali, bakit naiiwasan niya ang mga pag-atake ko? At mukhang hindi man lang siya nahihirapan sa pag-iwas. Samantalang isa lang naman siyang tao?!" Sambit ni Garry derekta sa kaniyang isipan.

"Pasensya ka na Garry, pero ayoko ng makipag-away sayo. Kaya kung pwede lang sana ay patawarin mo na ako, tutal naman ikaw ang may kasalanan. Ikaw naman kasi ang humamon sa'kin na makipag-away eh." Sambit ni Rain.

Lalong nainis si Garry matapos marinig ang mga sinabi ni Rain at dahil dito ay sandali siyang natahimik.

"** Anti-myths Weapon, Switch on. **" Sambit ni Garry.

Hindi narinig ni Rain ang sinabi ni Garry, dahil mahina itong nagsalita. Ngunit ilang sandali pa ay biglang napaatras si Rain, dahil may naramdaman siyang kakaiba kay Garry.

"Krystine, umatras ka muna ng konti." Sambit ni Rain.

Kahit labis na nagtataka si Krystine ay sinunod na lang niya ang ginawa nito. Samantala, ilang sandali pa ay biglang nabalutan ng kung anong makina ang kanang braso ni Garry. Hindi maunawaan ni Rain kung ano ang nangyayari, ngunit batid niyang mapanganib ang bagay na nasa braso ni Garry ngayon.

Ilang sandali pa ay mabilis na umatake si Garry at sa pagkakataong ito ay agad nang inalerto ni Rain ang kaniyang sarili.

"Magbabayad ka, Rain Esfalls!" Sigaw ni Garry.

Sa pagkakataong ito ay may ilang hakbang na lang ang kamao ni Garry kay Rain. Ngunit bago pa ito tuluyang tumama ay may isang matandang lalaki ang pumigil sa kaniyang pag-atake, gamit lang ang kanang palad nito. Labis itong ikinagulat ni Garry, kaya agad siyang napatalon paatras. Labis ding nagtaka si Rain sa paglitaw ng matandang lalaki at mas lalo na sa pagpigil nito sa ginawang pag-atake ni Garry na para dapat sa kaniya. Sa mga sandaling ito ay napatitig na lang siya sa matandang lalaki na kasalukuyang tinititigan ang kaniyang kanang palad.

"Imposible? Papaano nasangga ng matandang lalaking 'to ang suntok ko gamit lang ang kaniyang kamay?" Sambit ni Garry derekta sa kaniyang isipan.

"Sino itong lolo na ito? Pero kung sinuman siya ay nasisiguro kong malakas siya." Sambit ni Rain derekt sa kaniyang isipan.

"Malakas ang suntok na yon, iho. At masasabi kong maganda ang sandata na nasa kanang braso mo. *Hahaha! Pero hindi tama na gamitin mo dito yan, kung saan maraming tao." Sambit ng matandang lalaki.

Matapos magsalita ng matandang lalaki ay biglang napansin ni Garry na marami ng nakatingin sa kanila, kaya agad na niyang inalis ang makina na bumabalot sa kaniyang kanang braso.

"*Tsk! Nadala ako nang galit ko at bigla kong nailabas ang anti-myths weapon ko. Pero sino ba itong matandang lalaking 'to? At nagawa niyang masanggang ang lakas ng weapon ko nang walang kahirap-hirap." Sambit ni Garry derekta sa kaniyang isipan.

"Sino ka?! Isa ka bang mythical shaman?" Tanong ni Garry.

Labis na nagulat si Rain sa kaniyang mga marinig at kalaunan ay napaisip kung bakit may alam si Garry tungkol sa mga mythical shaman.

"*Hahaha! Hindi ako isang mythical shaman, isa lang akong matandang lalaki. *Hahaha!" Tugon naman ng matandang lalaki.

"Sinungaling! Imposibleng masangga ng isang tao ang ginawa kong pag-atake at mas lalong imposibleng gamit lang ang isang kamay! Kaya sino ka?!" Sambit muli ni Garry.

"*Hahaha! Pasensya ka na, iho. Pero nagsasabi ako ng totoo." Sambit muli ng matandang lalaki.

"Sino ba talaga ang lolo na ito? At bakit alam ni Garry ang tungkol sa mga mythical shaman?" Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.

"Rain?" Sambit ni Krystine.

Ilang sandali pa ay may isa pang lalaki ang dumating at mukhang hinahanap nito ang matandang lalaking kasama ngayon nina Rain.

"Master Hades! Nandito ka lang po pala! Kanina pa po kita hinahanap!" Sambit ng isang lalaki.

"*Oh! Carl, ikaw pala! *Hahaha! Pasensya na, may nakita lang kasi akong interesadong bagay." Tugon ng matandang lalaki.

"Hades? Ikaw si Hades Hellsflame?" Sambit ni Rain.

Biglang nagulat ang matandang lalaki at kalaunan ay napalingon kay Rain.

"*Fufufu.. Ika-musta mo na lang ako sa kapatid kong si Zeus sa oras na magkita kayo, Zenon." Sambit muli ng matandang lalaki.

Sa mga oras na ito ay nakumpirma ni Rain ang kaniyang hinala tungkol sa matandang lalaki na kaniyang nakaharap. At dahil ito sa mga sinabi nito sa kaniya. Samantala, hindi naman maalis ang tingin ni Garry sa matandang lalaki, hanggang sa dumating na ang mga kasamahan nito at kinausap na siya.

"Garry, tara na at umalis na tayo!" Sambit ng isang lalaki.

"Pero Joshua, ang lalaking yon!" Tugon ni Garry.

"Tama na yan Garry, sobrang laki na ang komosyong ginawa mo dito." Sambit ng isang babae.

Muli ay naalala ni Garry na marami na nga palang tao ang kanina pa sa kanila nakatingin, kaya agad itong humingin ng tawad sa kaniyang mga kasama at matapos nito ay umalis na sila.

"Tayo na, Carl." Sambit ni Hades.

"Opo, master!" Tugon ng lalaki.

Hindi na nagawang magsalita ni Rain at sinusundan na lang niya ito ng tingin habang mabilis na naglalakad papalayo sa kanila. Ilang sandali pa ay agad hinila ni Krystine ang manggas ng damit ni Rain, kaya agad siyang napalingon dito.

"Rain? Sino ang mga taong yon? At bakit ka nila inatake?" Tanong ni Krystine.

"Ang totoo, wala din akong idea sa tanong mong yan. Ang mabuti pa ay kunin na na'tin ang mga gamit nyo." Sambit ni Rain.

"*Uhm.. Okay." Tugon ni Krystine.

Matapos mag-usap ay agad ng nagtungo sina Rain sa lugar kung saan iniwan nina Krystine ang kanilang mga gamit. Samantala, habang naglalakad sina Hades kasama ang kaniyang istudyante.

"Master, totoo po bang si Zenon ang batang yon?" Tanong ng lalaki.

"Tama, walang dudang ang batang yon ang reincarnation ni Zenon." Tugon ni Hades.

"Matutuwa kaya si master Zeren, kapag nalaman niya ang bagay na ito?" Tanong muli ng lalaki.

"Nasisiguro kong matutuwa si Zeren, kaya sabihin mo agad ito sa kaniya." Sambit muli ni Hades.

"Masusunod po master." Tugon muli ng lalaki.

Mabalik tayo kina Rain, kasalukuyan na silang nakabalik sa lugar kung saan nakapwesto ang kanilang mga gamit. Sa mga oras na ito ay tinutulungan ni Rain si Krystine sa pag-aayos ng mga gamit nila. Samantala, kasaluyan pa ring nagsasaya ang iba nilang mga kaibigan habang naliligo ang mga ito sa beach. Walang kaalam-alam ang mga ito sa mga nangyari kina Rain, kaya hindi alam ni Rain sa ngayon kung sasabihin ba niya ang mga nangyari sa kaniyang mga kaibigan. 

Chapter end.

Afterwords

Hello ulit xD! Natapos ko na nga po pala yung special chapter para po sa valentine's day.. so look forward to it sa friday.. ayun.. Enjoy reading :)

still ongoing pa rin ang revisions sa fallen wing.. halos nangangalahati palang ako.. :(

Pagpasensyahan nyo na  po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..

Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to.. 

 Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..

Susunod.

Chapter 32: Anti-Myths - Ang mga taong may makapangyarihang sandata. Part 2

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top