Chapter 30: Hagoweigh - ang mala-paraisong lugar sa mundo ng mga tao.

Ang Hagoweigh ang isang sikat na lugar dito sa loob ng mundo ng mga tao. Makikita ito sa kontinente ng Bulcandia, kung saan matatagpuan din ang Travincial. Marami ang turistang nagpupuntang dito at galing pa sila sa ibang mga bansa para lang magbakasyon. Sa daming magandang lugar na pwedeng puntahan dito sa loob ng Hagoweigh, hindi na kataka-taka na marami talagang tao ang nagpupunta dito. Meron ditong beach at sobrang pino at puti ng buhangin nito. At syempre meron ding mga beach reasort at isa sa mga hotel na ito ang kasalukuyang tinutuluyan ng istudyante ng Olympus university. Meron ding napakagandang bundok dito na dinarayo pa ng mga mountaineer. Mga amusement park, historical places at kung ano-ano pang mga magagandang lugar. Sobrang sagana ng bansang ito at pawang mga may kaya sa lang buhay ang mga nakatira, dahil walang naghirap o walang mahirap dito, dahil na rin sa ganda ng takbo ng kanilang pamumuhay.

Makalipas ang kalahating oras mag mula ng makapasok ang mga magka-kaklase sa kani-kanilang mga kwarto. Sa ngayon ay masayang nagku-kwentuhan sina Rain sa loob ng kanilang kwarto, ngunit ilang sandali pa ay napalingon silang lahat sa may pinto,dahil may kumatok dito. Batid nila kung sino ang mga ito, kaya agad na itong tinungo ni June upang pagbuksan. Sa pagbukas ay agad namang pinapasok ni June ang kanilang mga kaibigan.

"*Oh! Ano na ang plano na'tin? 3:30 pm na at may 3 hours and a half na lang tayo, bago maghapunan." Sambit ni Selina.

"*Hmm.. Kung mag-ikot-ikot muna kaya tayo malapit dito sa hotel?" Sambit ni Annie.

"*Hmm.. Mukhang ganon na nga lang ang magagawa na'tin." Sambit ni Rain.

"Teka lang.. tingnan nyo ito." Sambit ni Mark.

Matapos magsalita ni Mark ay agad nagtinginan ang magkakaibigan sa mapa na hawak niya.

"Wow! May malapit palang amusement park dito sa hotel na'tin eh!" Sambit muli ni Rain.

"Amusement park?" Tanong ni Selina.

"*Ahh.. Ngayon pa nga lang pala nakapunta si Selina sa mundo ng mga tao, kaya hindi pa niya alam ang amusement park." Sambit muli ni Mark.

"Ako din, hindi ko rin alam kung ano ang amusement park." Sambit ni David.

"Ako din." Walang emosyong pagkakasambit ni Alex.

"*Umm.. Ako din eh, first time ko lang din kasing nakapunta dito sa mundo ng mga tao." Sambit ni Melisa.

"*Hah..hah..hah.. Kawawang Selina. Amusement park lang hindi pa alam. *Hah..hah..hah.." Sambit ni Annie.

Biglang tumaas ang kilay ni Selina matapos niyang marinig ang sinabi ni Annie.

"Pero Alex, wag kang mag-alala! Nasisiguro kong matutuwa ka sa mga rides sa loob ng amusement park!" Sambit muli ni Annie.

"Rides?" Walang emosyong pagkakatanong ni Alex.

"Ang mabuti pa, dito na lang tayo pumunta!" Sambit muli ni Mark.

"Tama, matagal na rin akong hindi nakakapunta sa amusement park. Hindi ba Lina?" Sambit muli ni Rain.

"Kung ganon, naaalala mo pa yung mga panahong magkahawak tayo ng kamay habang masayang nakasakay sa ferris wheel?" Sambit ni Lina.

Matapos magsalita ni Lina ay biglang kinilabutan si Rain, dahil nakaramdam siya ng nakakatakot na aura mula sa kaniyang likuran.

"Rain Esfalls?!" Sambit nina Annie at Selina.

Bakas sa tono ng pagkakasambit ng dalawa ang intensyon nilang pumatay, kaya napalunok na lang si Rain. Mabuti na lang at biglang nawala ang masamang aura ng dalawa matapos magsalita ni Melisa.

"*Umm.. Ano, okay lang ba talaga na sumama ako?" Tanong ni Melisa.

"Ano ka ba naman, Melisa. Syempre naman!" Tugon ni Selina.

"Tama si Selina, kaya wag ka nang mahihiya pa sa'min. Tutal magkakaibigan naman na tayo. Diba?" Sambit ni Mark.

Ang kaninang nahihiyang ekspresyon sa mukha ni Melisa ay mabilis napalitan ng mga ngiti, matapos marinig ang mga sinabi ng magkakaibigan sa kaniya.

"*Uhm! Maraming salamat sa inyo!" Sambut muli ni Melisa.

"Whoa! Ang ganda niya." Sambit ni David derekta sa kaniyang isipan.

Napangiti na lang ang magkakaibigan matapos magsalita ni Melisa at mga ilang sandali pa ay lumabas na sila ng kwarto, upang magtungo na sila sa naturang amusement park. Hindi naman kalayuan ang pinakamalapit na amusement park sa kanilang hotel, kaya narating nila ito sa loob lamang ng sampung minuto.

Sa mga sandaling ito ay hindi magawang magsalita nina Selina, Melisa, Aron, David at Alex matapos makita ang amusement park. Sobra ang pagkamangha ng mga ito sa kanilang mga nakikita sa ngayon.

"Wow! Ito na ba ang amusement park?" Sambit ni Selina.

"*Uhm! Ganito na nga ang itsura ng isang amusement park!" Tugon ni Rain.

"Wow.." Walang emosoyong pagkakasambit ni Alex.

"Ang mabuti pa ay pumasok na tayo sa loob." Sambit ni Annie.

Napatango na lang ang magkakaibigan at ilang sandali pa ay masayang pumasok na sila sa loob ng naturang amusement park. Agad namang binarayan ni Annie ang entrance fee nilang lahat, para mapabilis sila. Wala naman nang nagawa pa ang iba kundi ang magpasalamat na lang. Sa loob ay mas lalong namangha ang magkakaibigan.

"Wow! Ano ang tawag sa mga mukhang masayang sasakyan na yon?" Sambit ni Selina.

"Mga rides ang tawag dyan." Tugon ni Rain.

"Rides." Sambit muli ni Selina.

Matapos magsalita ni Selina ay agad siyang hinila ni Annie at mabilis silang nagtungo sa isang rides, ang "Merry-go-round". Agad namang nagsisunuran ang iba pa sa kanila. At kahit mukhang pambata lang ang rides na ito ay minabuti ni Annie na ito ang unang rides na dapat niyang ipasubok sa mga kaibigan. At hindi nga siya nagkamali, dahil hindi matumbasan ang kasiyahan ng mga ito habang sila ay nakasakay sa naturang ride. Habang masayang nakasakay ang makakaibigan sa merry-go-round ay maraming tao ang tila ba nanood sa kanila. Bakit?

"Love, tingnan mo yung malaking lalaki dun sa merry-go-round. Tuwang-tuwa siya oh! Parang ngayon lang siya nakasakay sa merry-go-round." Sambit ng isang babae.

"Oo nga! Para siyang bata.. *Hahahaha!" Tugon ng lalaki.

Matapos ang pag-ikot ng merry-go-round ay bumaba na ang magkakaibigan at masayang nag-usap.

"*Hahaha! Ang saya naman nung ride na yon! Ano ang tawag sa ride na yon, Annie?" Sambit ni Selina.

"Merry-go-round ang tawag don." Tugon ni Annie.

"Wow.. Merry-go-round pala ang tawag don!" Sambit ni Melisa.

"Bakit parang nakatingin yata sa'kin ang mga tao?" Tanong ni David.

"*Hahaha! Ang laki-laki mo kasi David eh!" Sambit muli ni Annie.

"Ganon ba?" Sambti muli ni David.

"Tama na yan at humanap naman tayo ng iba pang rides!" Sambit ni Rain.

"Okay!" Tugon ng lahat.

Matapos muling mag-usap ay agad nang sinubukan ng magkakaibigan ang ibang rides na kanilang naibigang subukan. Sumakay sila sa "Achor's away" (nagsuka dito si June), "Roller coaster" (nagsuka ulit dito si June), "Haunted House" (si June lang ang natakot dito at hinimatay pa sa bandang huli), at iba pang mga rides na nagustuhan nila. Bukod sa pagsakay sa mga rides ay naglaro din sila sa mga "bet game" na makikita din sa loob ng naturang amusement park. Nanalo si Rain sa isa sa mga ito at nakakuha siya ng isang malaking teddy bear, ngunit nasira lang ito matapos pag-agawan nina Annie at Selina. Nanalo din si Mark sa isa sa mga palarong kaniyang sinubukan at nakakuha din siya ng isang teddy bear, ibinigay niya ito kay Annie at doon ay nagsimula na silang tuksuhin nina Lina at Selina.

Meron na lang silang kalahating oras bago maghapunan at meron pa silang isang ride na gustong sakyan at ito ang "Ferris wheel". Nahati ang makakaibigan sa apat na grupo, dapat nga ay mahahati lang sila sa dalawang grupo, dahil lima ang pwedeng makasakay sa bawat "cab" ng ferris wheel. Ngunit may nangyari, kaya nahati sila sa apat.

Habang nakapila ay agad nagtalo sina Annie at Selina, dahil gusto nilang makasama si Rain. Ngunit habang nagtatalo ang dalawa ay agad ng hinila ni Lina si Rain at sumakay na agad ang dalawa sa Ferris wheel. At habang nagtatalo pa rin ang dalawa ay nagsalita na si Melisa.

"*Umm.. Ate Selina, hindi pa ba tayo sasakay? Nauna ng kasing sumakay sina Lina at Rain eh." Sambit ni Melisa.

Biglang napahinto sa pagtatalo ang dalawa at gulat na napatingin kay Melisa. Ilang sandali pa ay mabilis silang napalingon sa ferris wheel, ngunit nagsimula na itong umandar.

"*Waaaaaa! *Grrrrr! Lina!! May araw ka rin sa'kin!" Sigaw ni Selina.

"Bwisit na Lina na yon! Naisahan na naman niya tayo!" Sambit ni Annie.

"*Umm.. Annie, okay lang ba kung magkasama tayong sumakay sa ferris wheel?" Tanong ni Mark.

Biglang nag-blush si Annie matapos magsalita ni Mark. Samantala, napangiti na lang si Selina matapos makita ang dalawa.

Matapos huminto ang ferris wheel ay sumakay na sina Selina, Melisa at Alex. Sa sumunod na cab ay sina June, Aron at David. At sa sumunod pang cab ay sina Mark at Annie naman ang sumakay.

Makalipas ang labing limang minuto ay naunang makababa sina Rain at Lina. Naghintay na lang sila sa may exit ng ferris wheel para sa paglabas ng kanilang mga kaibigan. At ilang minuto pa ang lumipas ay nakalabas na din sina Selina, Melisa, Alex, June, Aron at David. Nagtaka naman si Selina matapos makita si Rain na parang nahihiya, kaya agad pumasok sa isipan nito na baka may ginawa sila ni Lina doon sa cab habang nakasakay sila kanina. Nang makalapit ang magkakaibigan kina Rain ay sumunod namang nakalabas sina Annie at Mark. Ngunit nagtaka ang mga ito ng makitang galit si Selina habang kinakausap nito si Rain.

"Hoy Rain! Ano ang ginawa mo dito kay Lina! At bakit hanggang sa ngayon ay nagba-blush pa rin siya!" Sigaw ni Selina.

Matapos marinig ni Annie ang mga sinabi ni Selina ay mabilis na itong nagtungo sa mga kaibigan at galit ding nagsalita.

"Ano itong narinig kong sinabi ni Selina? Totoo bang may ginawa kayo ni Lina?!" Sigaw ni Annie.

Hindi makapagsalita si Rain, dahil sa labis na takot, kaba at pag-iisip.

"*Umm.. Ano.. nakakahiya man, pero hindi nyo na dapat malaman pa ang mga nangyari sa'min kanina." Sambit ni Lina.

Lalong tumindi ang takot na nararamdaman ni Rain, dahil naramdaman na naman niya ang nakakatakot na aura na nagmumula kina Annie at Selina. Ngunit salamat muli kay Melisa, dahil nawala ang masamang aura na nagmumula sa dalawa matapos nitong magsalita.

"15 minutes na lang pala at malapit ng maghapunan, hindi pa ba tayo babalik? Ayoko kasing mapagalitan ni Ms. Rachelle eh. Sobrang nakakatakot kasi siya." Sambit ni Melisa.

Sa mga oras na ito ay napatingin ang magkakaibigan kay Melisa at mga ilang sandali pa ay nagmadali na silang umalis sa naturang amusement park at mabilis na naglakad pabalik sa kanilang hotel.

Makalipas ang sampung minuto ay narating na nila ang kanilang hotel.

"*Huh! Mabuti naman at umabot tayo!" Sambit ni Mark.

"May limang minuto pa nga tayo eh!" Sambit ni Rain.

"Nagutom tuloy akong bigla!" Sambit ni Aron.

"Ang mabuti pa ay magpunta na tayo sa mga kwarto na'tin at hintayin na lang na'tin na tawagin tayo doon ni miss Rachelle." Sambit ni Selina.

"Mabuti pa nga." Sambit ni Annie.

Matapos mag-usap ay binalak na ng magkakaibigang magtungo sa kanilang mga kwarto, ngunit may biglang may tumawag kay Aron, kaya sandali silang napahinto. Agad napatingin si Aron sa tumawag sa kaniya at dito ay labis siyang nagulat matapos itong makita. Samantala, napangiti naman si June.

"Ikaw pala yan, Eucy." Sambit ni Aron.

"Bakit parang dismayado kang makita ako?" Tanong ni Eucy.

"Hi! Nandito din ako, Aron!" Sambit ng isang babae.

Napangiti naman si Aron matapos makita ang babaeng nagsalita na kasama ni Eucy.

"Anya! Long time no see ah! Kamusta ka na?" Sambit muli ni Aron.

"Okay lang naman ako, ang balita ko ay sinasanay ka nang ating clan leader, ang daya mo ah!" Sambit muli ng babae.

Habang tahimik na nakikinig ang magkakaibigan sa pinag-uusapan nina Aron at mga ka-clan niya ay hindi na natiis pa ni June na hindi magsalita.

"Ano, Aron.. Sino naman ang magandang babae na kasama ni Eucy?" Tanong ni June.

"Ay nakalimutan ko nga pala siyang ipakilala sa inyo. Siya nga pala si Anya Frostwin, kababata na'min ni Eucy at ka-clan din na'min." Sambit muli ni Aron.

"Hi, nice to meet you." Sambit muli ni Anya.

"Hello." Tugon ng lahat.

*** Anya Frostwin. 16 years old at isa siyang mythical shaman ng Wyvern, isang uri ng dragon. Magalang, mahinhin at masiyahin siya. Mabait din siya at maaasahan, dahil katulad ni Eucy ay malakas din siya. At katulad muli ng sinabi ni Aron ay kababata din niya ito.

Slim at maganda ang pangangatawan ni Anya, nasa 5'4" ang kaniyang taas, sobrang puti ng kaniyang balat, napakaganda ng kaniyang puti at mahabang buhok at medyo malaki din ang kaniyang hinaharap. (If you know what I mean! :3) ***

*** Note: Ang Wyvern ay isang class-S na mythological creature, isa itong uri ng dragon na karaniwang nakatira sa mga bulubunduking lugar. Malakas ang creature na ito at masyado silang agresibo, kaya iniiwasan sila ng mga tao. Taglay din ng mga wyvern ang ice element at ang mga uri ng wyvern na ito ay makikita sa tuktok ng nagye-yelong mga bundok. ***

Matapos magpakilala ni Anya ay napansin na ni Mark ang oras, kaya agad na itong nagsalita.

"Almost 7:00 pm na! Dapat nasa room na tayo bago pa kumatok si miss Rachelle!" Sambit ni Mark.

"Ay oo nga no, sige mauna na din kami. Mag-usap na lang tayo next time, Aron." Sambit muli ni Anya.

"*Uhm! Sige." Tugon ni Aron.

Matapos magsalita ni Aron ay halos sabay-sabay na silang nagtungo sa kani-kanilang mga kwarto. Mabuti na lang at umabot sila, dahil sakto ng makapasok sila ng kwarto ay narinig na nila ang pagtawag ni Rachelle.

Chapter end.


Afterwords

still ongoing pa rin ang revisions sa fallen wing.. halos nangangalahati palang ako.. :(

Pagpasensyahan nyo na  po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..

Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to.. 

 Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..

Susunod.

Chapter 31: Anti-Myths - Ang mga taong may taglay na makapangyarihang sandata.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top