Chapter 29: Fieldtrip - Mundo ng mga tao. Part 2

Dalawang oras na ang lumilipas magmula ng umalis ang bus na sinasakyan ng buong class fire-1. Kani-kaniyang katuwaan at usapan ang bawat magkakatabi at ganon din ang magkakaibigan. Maliban na lang kina Rain, Aron at Mark na kasalukuyang mga natutulog at kina Sai, Aris, Chris, Blyde, Roby at Ryan na tahimik lang.

Samantala, sa kaparehong oras sa loob ng opisina ni Zeus.

"Marami pong salamat sa pagtanggap nyo sa'king ina, sir Zeus." Sambit ni Driego.

"*Fufufu.. Hindi ko akalain na ang babae palang kasama ng batang Phoenix ay si Raziel. Sadya ngang kakaiba ang kapangyarihan ng mga elemental earth dragon sa ibang mythical shaman na may kaparehong attribute. Natutuwa ako at nagbalik na siya." Tugon ni Zeus.

"Tungkol nga po pala kay Rain, nasa high-class na po ability nyang gamitin ang taglay niyang kapangyarihan at dahil po yon kay uncle at ina." Sambit muli ni Driego.

"*Hmm.. Magaling at kampante ako ngayon na hindi na makukuha ng Yami clan ang batang iyon, dahil kasama nila si Raziel." Sambit muli ni Zeus.

"Kahit ako rin po.." Sambit muli ni Driego.

Sandaling natahimik si Zeus sa mga sandaling ito at ilang sandali pa ay marahan siyang naglakad papalapit sa binta ng kaniyang opisina.

"Hindi na ako makapaghintay na lumakas ang batang iyon." Sambit ni Zeus.

Napangiti na lang si Driego matapos marinig ang mga sinabi ni Zeus. Samatantala, mabalik tayo sa fieldtrip na nagaganap sa ngayon. Dalawang oras pa ang lumipas at narating na nila ang Villa Socorro, ang bayan kung saan nagmula si June. Sa mga oras na ito ay humito ang lahat ng bus sa isang mall na hindi kalauyan sa paaralan kung saan dating nag-aral sina June, Mark at Ryan. Oras na kasi upang sila ay kumain ng tanghalian. Sa mga oras na ito ay agad nagbabaan ang magka-kaklase at ang iba naman ay nagpaiwan na lang sa loob ng kanilang bus. At nang makababa ang magkakaibigan ay agad na silang naghanap ng lugar na maaari nilang makainan. Meron lang kasi silang isang oras at matapos nito ay aalis na silang muli upang magtungo sa Hagoweigh, ang lugar kung saan sila magpi-fieldtrip. Habang naglalakad ay napansin ni Selina na mukhang malungkot sina Mark at June, kaya agad na niya itong tinanong.

"Bakit parang malungkot kayong dalawa, Mark, June?" Tanong ni Selina.

"*Ahh! Wala ito, dito kasi kami dati nakatira bago pa kami lumipat sa travincial." Tugon ni June.

"Talaga? Pero bakit malungkot ka? Hindi ba dapat masaya ka, dahil kahit papaano ay nakapunta ka ulit dito?" Sambit ni Annie.

"Meron lang akong naalalang malungkot na pangyayari, pero wala lang ito kaya wag nyo na lang akong pansinin" Sambit muli ni June.

Sa pagkakataong ito ay hindi na nagsalita pa si Annie, ngunit si Mark ay hindi pa rin tinutugon ang tanong ni Selina sa kaniya, kaya tinanong niyang muli ito.

"Ikaw, Mark? Bakit malungkot ka rin?" Tanong muli ni Selina.

"Tulad ni June, meron din akong naalalang malungkot na pangyayari sa lugar na ito." Tugon ni Mark.

"Nakapunta ka na din pala dito, Mark?" Tanong ni Aron.

"*Uhm!" Tugon muli ni Mark.

"Ang mabuti pa ay wag na na'ting pag-usapan yang mga malulungkot na bagay na yan at humanap na tayo ng lugar na pwede na'ting makainan! Nagugutom na ako eh!" Sambit ni Rain.

"Tama! Nagugutom na din ako! *Hahaha!" Sambit muli ni Aron.

Salamat kay Rain dahil naiba nito ang pinag-uusapan nilang magkakaibigan. Batid kasi niya na naaalala ng dalawa ang mga masasamang nangyari sa kanila sa lugar na ito. Ilang sandali pa habang patuloy na naglalakad ay nakahanap na sila ng lugar na maaari nilang makainan at isa itong restaurant. Agad silang nagtungo sa loob nito at nang makapasok ay agad na silang naghanap ng mape-pwestohan.

Sa may bandang dulo ng naturang restaurant ay may nakita silang pwesto na sakto silang makakaibigan. Sa mga sandaling ito ay hindi na sila nag-aksaya pa ng oras at agad na silang nagtungo doon. At nang makaupo sila ay mabilis na silang nilapitan ng waitress at agad silang binigyan nito ng menu. Ngunit laking gulat nina Mark at June matapos nilang makita ang waitress.

"Rio?" Sambit ni Mark.

Labis ding nagulat ang waitress at ilang sandali pa nga ay nagsalita na din ito.

"Mark at June? Magkasama kayo?" Sambit ng Waitress.

Samantala, agad nagkatinginan ang magkakaibigan, dahil labis silang nagtataka sa kung ano ang kaugnayan nina June at Mark sa waitress na ito. Ngunit batid ni Rain na ito ang taong minahal ni Mark nung panahong dito pa siya nakatira.

"Ano? Kamusta ka na? Ang laki ng iginanda mo ah! *Ha..haha?!" Sambit ni June.

"*Umm? Kaibigan nyo ba siya, June?" Tanong ni Annie.

"Ganon na nga, naging kaklase na'min siya ni Mark dito." Tugon ni June.

Muli ay nagkatinginan ang magkakaibigan, matapos marinig ang sinabi ni June.

"Kaklase nyo siya ni Mark? Dito? How come?" Tanong muli ni Annie.

Sa mga sandaling ito ay biglang natahimik si June, dahil hindi niya alam kung saan magsisimulang magpaliwanag. Napatingin na lang siya kay Mark sa mga sandaling ito, subalit ilang sandali pa ay bigla itong napatayo.

"*Umm.. Nasaan ang CR nyo dito?" Tanong ni Mark.

Hindi nagawang tumugon ni Rio, bagkus ay agad niyang niyakap si Mark. Labis na ikinagulat ng magkakaibigan ang pangyayaring ito at mas lalo na si Mark, dahil ang alam niya ay takot ito sa kaniya.

"Rio.." Sambit muli ni Mark.

"Sorry! Kung natakot ako sayo, dati! Sorry! Sorry! Sorry! Ang akala ko ay makakalimutan kita, pero hindi ka pa rin nawawala sa puso ko! Mahal pa rin kita, Mark!" Sambit ni Rio.

Muli ay nagulat si Mark sa mga narinig niya mula kay Rio. At sa pagkakataong ito ay hindi na niya alam ang kaniyang gagawin at sasabihin, dahil may mahal na siyang iba. Samantala, hindi makapaniwala ang magkakaibigan sa kanilang nasaksihan. At sa mga sandaling ito ay hindi na napigilan ni Annie ang kaniyang mga nakikita, kaya mabilis na itong tumayo at kalaunan ay nagsalita.

"Ano ang ibig sabihin nito, Mark Lionheart?! Sino ba yang babaeng yan ah!" Sigaw ni Annie.

Sa mga oras na ito ay napabitaw ni Rio sa pagkakayakap niya kay Mark at kalaunan ay napatingin kay Annie. Samantala, ang buong atensyon naman ng magkakaibigan ay nabaling kay Annie.

"Teka Annie? Bakit nagagalit ka?" Tanong ni Aron.

Hindi inaasahan ni Annie ang tanong na ito, kaya bigla siyang natahimik at kalaunan ay napayuko.

"*Umm.. Ano.. kasi.. bigla-bigla na lang niyakap ng waitress na yan si Mark, kaya ayun medyo nagulat lang naman ako." Sambit muli ni Annie.

Agad umupo si Annie matapos niyang magsalita.

"Teka, sino ba talaga siya?" Tanong ni Aron.

"*Ahh! Oo nga pala! Siya nga pala si Rio Layrense, dati na'min siyang classmate ni Mark dito." Tugon ni June.

"Hello, nice meeting you." Sambit ni Rio.

*** Rio Layrense. 16 years old at siya naging kaklase nina si June dito sa bayan ng Villa Socorro. May isang buwan matapos maglaho ang magpinsang Mark at Ryan ay nawala na ang takot niya kay Mark. At ang takot niyang ito ay napalitan ng pagsisisi at pangungulila, kaya nang makita niya si Mark ay hindi na niya napigilan ang kaniyang damdamin at mabilis na niya itong niyakap.

Slim at maganda at pangangatawan katawan ni Rio, nasa 5'2" ang kaniyang taas, maputi ang kaniyang balat, maganda din ang brown niyang buhok na nasa katamtamang haba at may pyutsur! (If you know what I mean :3) ***

"Papaanong naging magkaklase kayo ni Mark sa bayang ito?" Tanong ni David.

"Oo nga." Walang emosyong pagkakasambit ni Alex.

"I feel sorry para kay Mark." Sambit ni Lina.

Agad namang napatingin si Selina kay Lina at mukhang batid din nito ang sitwasyong kinahaharap ni Mark ngayon.

"Sandali lang Rio. Hindi ka na ba natatakot sa'kin? Hindi ako isang tao, pati na ang mga kaibigan ko." Sambit ni Mark.

"*Ahh! Mark.. excuse me lang ah.. Pero tao ako at si Annie at kalahating tao ka din." Sambit muli ni June.

"Ay sorry.. Hindi kami mga tao, maliban na lang kay June at Annie." Sambit muli ni Mark.

"*Umm.. Ano.. excuse me din.. hindi pa ba kami pwedeng omorder? Nagugutom na kasi ako eh." Sambit ni Aron.

Sa mga oras na ito ay naalala na ni Rio na nagta-trabaho nga pala siya ngayon, kaya agad na niyang tinugon si Aron.

"Ay naku, sorry. *Uhm! Pwede ko na bang makuha ang mga order nyo?" Sambit ni Rio.

Hindi gaanong nagustuhan ni Mark ang banat ni Aron, subalit napagtanto niya na posibleng mapagalitan si Rio sa oras na makita siyang nakikipag-usap lang at hindi ginagawa ang kaniyang trabaho.

Agad namang namili ng kani-kanilang mga gustong pagkain ang magkakaibigan sa hawak nilang menu. At matapos makuha ni Rio ang mga order ay kinausap niya si Mark sa huling pagkakataon.

"*Hmm.. Mark, okay lang bang makausap kita mamaya, kahit sandali lang?" Sambit ni Rio.

"*Uhm! Okay lang, pero isang oras lang ang palugit sa'min eh, kaya sa tingin ko ay sandaling oras lang pwede." Tugon ni Mark.

"Okay lang! Sandali lang naman ito eh." Sambit muli ni Rio.

"Okay, nauunawaan ko." Tugon muli ni Mark.

Matapos mag-usap ay mabilis ng bumalik si Rio sa kusina, upang dalin doon ang mga inorder ng magkakaibigan. Samantala, kanina pa tinititigan ng masama ni Annie si Mark na kanina pa napapasin ng iba pa nilang mga kaibigan.

Habang naghihintay ang magkakaibigan ay nagsimula na silang magtanong kina Mark at June at tungkol ito sa nakaraan nila sa bayang ito. Sa pagkakataong ito ay agad nagkatinginan ang dalawa at dahil mukhang wala na silang pagpipilian pa ay nagsimula na silang magkwento.

Halos sampung minuto ang lumipas ay natapos na sa pagku-kwento sina Mark at June tungkol sa nakaraan nila. Medyo nagtampo naman ang ilan sa magkakaibigan sa kanila, lalo na si Annie nang malamang alam na pala ni Rain ang mga ito.

May labing limang minuto siguro ang lumipas at dumating na ang mga waiter at waitress dala ang mga order nilang pagkain. Nang maihain sa kanilang ang mga pagkain ay mabilis na nila itong kinain, dahil may kalahating oras na lang sila upang manatili dito. Mabilis ding tinapos ni Mark ang kaniyang pagkain at agad tumayo upang puntahan si Rio. Samantala, habang naglalakad siya papalayo ay tinititigan siya ng masama ni Annie.

Matapos makakain ang magkakaibigan ay agad na nilang hiningi ang kanilang bill. At nang makuha ay agad na itong binayaran ni Annie para mas mapabilis sila. May sampung minuto na lang kasi sila upang bumalik sa kanilang bus.

"Wow! Annie, maraming salamat at nilibre mo pa kami." Sambit ni June.

"Wala yun at tsaka nagmamadali tayo, kaya ako na ang nagbayad para hindi na tayo magkwentahan pa." Tugon ni Annie.

Matapos magsalita ay agad tumayo si Annie at kalaunan ay nagpalingap-lingap sa kanilang paligid.

"*Grrrr! Naasan na ba yung Mark na yon?" Sambit ni Annie.

"Kakaiba na yata ang mga ikinikilos mo ngayon, Annie? *Fufufu.. Siguro hindi ka na magagalit kung magkatuluyan man kami ni Rain. Tama ba?" Sambit ni Selina.

Agad napalingon si Annie kay Selina matapos niya itong marinig.

"*Hah?! Wag mo nga akong patawanin, Selina!" Sambit muli ni Annie..

"*Hahahaha! Masyado ng obvious ang mga kilos mo, Annie. Kaya Wa-La-Ka-Nang-Ma-i-Ta-Ta-Go-Sa-A-Kin.." Sambit muli ni Selina.

"*Hmmp!" Tugon ni Annie.

"*Umm.. Ano, sana hindi ako yung pinag-uusapan nyo.. *He..hehe.." Sambit ni Rain.

Ilang sandali pa ay nakabalik na si Mark at matapos nito ay nagmadali na silang umalis para magtungo sa kanilang bus.

Halos sila na lang ang kulang ng makabalik sila sa kanilang bus, kaya nang makaupo na sila ay agad ng umalis ang kanilang bus, upang magpatuloy sa pagbyahe patungo sa lugar na dapat nilang puntahan.

Habang kasaluyang tumatakbo ang kanilang bus.

"Mark, ano ba ang pinag-usapan nyo ng Rio na yon?" Tanong ni Annie.

Bakas sa tono ng pakakasambit ni Annie ang galit, kaya agad napalingon sa kaniya ang lahat.

"*Hmm.. Nagkamustahan lang naman kami at nagpalitan ng cell phone number." Tugon ni Mark..

"Nagkamustahan? Bakit, girlfreind mo ba siya?" Tanong muli ni Annie.

Bigla namang nanglaki ang mga mata nina Selina at Lina matapos marinig ang mga sinabi ni Annie.

"Hindi! Hindi! Totoo, minahal ko siya dati. Pero dati pa yon at iba na ngayon, dahil may mahal na akong iba. At nasabi ko na kay Rio ang bagay na yon" Tugon muli ni Mark.

Sa mga sandaling ito ay biglang natahimik si Annie at kalaunan ay napayuko. Agad napansin nina Selina at Lina na namula ang mga pisngi nito, kaya napangiti na lang sila. Ilang sandali pa ay biglang may na-received na dalawang text message si Annie. Agad niya itong tinignan at nang makita kung sino ang nagpadala ng mga text message ay agad na siyang napalingon kina Lina at Selina.

"Congrats sa inyong dalawa ni Mark! Kung need nyo ng tulong, wag kang mahihiyang lumapit sa'kin ah. :) Sender: – Lina"

"Hahaha! Mukhang na-fall ka na din kay Mark ah, pero don't worry. Titiyakin ko sayong magiging masaya kami ni Rain.. <3 Sender: – Selina"

Nainis naman si Annie matapos mabasa ang mga text message ng dalawa sa kaniya. Ngunit kalaunan ay napangiti siya, matapos maalala ang mga sinabi ni Mark kanina. Ilang sandali pa ay masayang nagkwentuhan muli ang makakaibigan at sa mga oras na ito ay nagpapansinan at nag-uusap na sina Mark at Annie. Natutuwa naman sina Selina at Lina sa kanilang mga nakikita.

Tatlong oras pa ang lumipas ay narating na nila ang lugar na pupuntahan nila, ang Hagoweigh. Huminto ang kanilang bus at ang iba pang mga bus sa isang parking lot na pagmamay-ari ng isang hotel. Sa mga oras na ito ay isa-isa nang bumaba ang mga istudyante sa kani-kanilang mga bus at nagsama-sama ang magkaka-section, dahil na rin sa utos ng kanilang mga teacher.

"Okay class fire-1, limang katao ang magsasama-sama sa isang kwarto, kaya mag grupo na kayo. Dapat hiwalay ang mga babae sa mga lalaki, maliwanag ba?" Sambit ni Rachelle.

Matapos marinig ang sinabi ni Rachelle ay agad nag-usap-usap ang magka-kaklase at bumuo agad sila ng kani-kanilang mga grupo. Ilang minuto pa ay magkakasama na ang magkakagrupo na magsasama-sama sa isang kwarto.

Nahati sa limang grupo ang buong class fire-1 at ang mga sumusunod ay ang magkakasama:

Rain, Mark, June, Aron at David.

Annie, Selina, Alex, Lina at Melisa.

Krystine, Khaye, Rein at Aicy.

Sai, Chris, Aris, Roby at Blyde.

Mhumak, Saru, Magu, Wolkan at Ryan.

"Okay, ang magiging room ninyo ay nasa 2nd floor ng hotel, kaya pumili na lang kayo ng room nyo sa pagitan ng room 25 hanggang room 30. Ang sabi sa'min ay nasa doorknob na daw ng mga room ang mga susi. Dalin nyo na ang mga gamit nyo doon at malaya na kayong gawin ang mga gusto nyo bago pa maghapunan, kaya bilis! Kilos na!" Sambit muli ni Rachelle.

Masaya namang nagpuntahan ang mga magka-kaklase sa loob ng hotel. At may ilang minuto lang ay narating na nila ang 2nd floor. Napunta ang room 25 sa grupo nina Krystine, ang room 26 ay napunta sa grupo nina Selina, ang room 27 ay napunta sa grupo nila Rain, ang room 28 ay napunta sa grupo nina Chris at ang room 30 ay napunta sa grupo nina Ryan.

Sa ngayon ay kasalukuyang nag-aayos ng kani-kanilang mga gamit sina Rain sa loob ng kanilang kwarto.

"Ano na ang plano na'tin?" Tanong ni David.

"Ang mabuti pa ay tawagan na'tin sina Annie para mapag-usapan ang gagawin sa libre na'ting oras." Sambit ni Mark.

"Mabuti pa nga." Sambit ni June.

Matapos magsalita ni June ay agad kinuha ni Mark ang kaniyang telepono at agad tinawagan si Annie. Hindi naman nagtagal ay agad sinagot ni Annie ang tawag.

"Hello, Annie?" Sambit ni Mark.

"*Oh! Mark? Bakit napatawag ka?" Tugon ni Annie.

"Tanong ko lang sana kung ano ang plano nyo sa libre na'ting oras." Sambit muli ni Mark.

"Hindi pa na'min alam eh. Kayo ba, may plano na?" Sambit muli ni Annie.

"Wala pa nga eh." Sambit muli ni Mark.

"*Ahh! Ganito na lang, katok na lang kami dyan sa room nyo after na'ming mag-ayos ng gamit." Sambit muli ni Annie.

"Okay, sige!" Tugon ni Mark.

Matapos makipag-usap sa kaniyang telepono ay agad na niya itong iniligay sa kaniyang bulsa. Matapos nito ay agad na siyang tinanong ni June.

"*Oh.. Ano daw?" Tanong ni June.

"Kakatok na lang daw sila dito after nilang mag-ayos ng gamit." Tugon ni Mark.

"Mga babae nga naman.. Pag dating sa mga gamit ang bagal mag-ayos." Sambit ni Aron.

"*Hahaha! Sige nga, sabihin mo nga yan sa harapan nila, Aron." Sambit ni David.

"*Hahaha! Gusto ko pang mabuhay, David!" Sambit muli ni Aron.

Matapos magsalita ni Aron ay nagtawanan ang makakaibigan. Samantala, hindi kalayuan sa hotel na tinutuluyan ng mga freshman, may isang grupo ang masayang nag-uusap.

"Sa wakas, masusubukan na din na'tin ang ating mga kapangyarihan laban sa mga tinatawag na mythical shaman. *Fufufufu.." Sambit ng isang lalaki.

"Wag kang mag madali, Garry. Kahit tayo ay sinanay upang makipaglaban sa mga mythical shaman ay hindi pa rin na'tin alam ang kanilang mga lakas, kaya dapat tayong mag-ingat." Sambit ng isa babae.

"Tama si May. Dapat pag-aralan muna na'tin ang mga kalaban. At ang sabi sa'tin ay hindi lahat ng mga istudyanteng yon ay mga mythical shaman. Meron ding mga taong tulad na'tin ang nandoon, kaya dapat hindi tayo magpadalos-dalos." Sambit ng isa pang lalaki.

"Oo na, Joshua! Hindi ko lang mapigilan ang sayang nararamdaman ko ngayong makakaharap na na'tin ang mga mythical shaman na ito." Sambit muli ng lalaki.

"Tandaan mo Garry ang ating misyon. Nauunawaan mo ba?" Sambit muli ng isa pang lalaki.

"*Fufufu.. Wag kang mag-alala, Joshua! Naaalala ko ang ating misyon.. *Kukukuku.." Sambit muli ng lalaki.

Chapter end.


Afterwords

still ongoing pa rin ang revisions sa fallen wing.. halos nangangalahati palang ako.. :(

Pagpasensyahan nyo na  po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..

Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to.. 

 Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..

Susunod.

Chapter 30: Hagoweigh - ang mala-paraisong lugar sa mundo ng mga tao.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top