Chapter 28: Fieldtrip - Mundo ng mga tao
July 1, CS240. Araw ng lunes at sa mga oras na ito ay sabay-sabay nakapasok sina Mark, Aron at Rain sa kanilang classroom. Mga nanlalata sila at tila mga walang lakas. Agad silang nakita ni June at kalaunan ay mabilis na nilapitan upang kausapin.
"Kamusta ang pagsasanay nyo Mark?" Tanong ni June.
Hindi tumugon si Mark, bagkus ay bigla na lang itong umiyak. Labis itong ikinagulat ni June, kaya muli siyang nagsalita.
"Teka, Mark? Bakit ka umiiyak? May masama bang nangyari?" Tanong muli ni June.
"Sa pagsasanay, lahat ay masamang pangyayari. Hindi ba Aron?" Sambit ni Rain.
"*Uhm! Sobrang taas nang tingin ko ngayon kay Mark, dahil nagawa niyang maka-survived sa pagsasanay ni lolo at lola!" Sambit ni Aron.
Sandaling natahimik si June at kalaunan ay napa-isip. Hindi kasi niya lubusang maunwaan ang sinasabi ng kaniyang mga kaibigan.
"Pasensya ka na, June. Pero wala akong lakas para makipag-usap ngayon. Dalawang araw kaming walang pahinga sa pagsasanay." Sambit ni Mark.
Matapos magsalita ay nagpuntahan na sa kani-kanilang mga upuan ang apat. Nang makaupo si Aron ay agad itong natulog, si Rain naman ay agad kinausap ni Selina, at si Mark naman ay kasalukuyang nakadukdok sa kaniyang lamesa, habang tinititigan siya nina Annie at June.
Nang makarating ang kanilang guro, si Unice ay agad nitong napansin ang dalawa, sina Aron at Rain. Mga nanghihina at tila mga walang gana na mag-aral ang mga ito. Batid na rin niya ang dahilan kung bakit, ngunit binalaan na niya ang mga ito dati, kaya hindi na niya ito pagbibigyan ngayon. Sa kaniyang paglalakad patungo sa kaniyang lamesa ay naghahanda na siya upang parusahan ang dalawa, ngunit ilang sandali pa ay napansin niya si Mark na halos katulad din ng dalawa. Sa pagkakataong ito ay mas lalong nag-init ang ulo at nakaragdag pa dito ang paghihigab ni Aron. Agad itong nagpunta sa gitna at agad ibinaba ang kaniyang dalang bag sa gitna ng kaniyang lamesa.
Nang tuluyang makarating sa kaniyang lamesa ay agad niyang ibinaba ang kaniyang bag at kalaunan ay agad itong binuksan. Kinuha niya mula sa kaniyang bag ang isang bote na may lamang tubig. Matapos nito ay agad niya itong binuksan at kalaunan ay mabilis na itinapon ang laman nito sa ere.
"** AQUA SPLASH! ** " Sambit ni Unice.
Matapos magsalita ay mabilis nagtungo ang mga tubig sa pwesto kung saan natutulog si Aron.
*** SFX: Psssssssssssshhh! ***
Agad nagising si Aron matapos maligo sa skill na ginawa ni Unice. At matapos niyang magising ay sabay namang napatingin sina Mark at Rain sa kanilang paligid. Ngunit ilang sandali pa ay biglang nabuhayan ng diwa ang dalawa, matapos nilang makita ang masamang pagtitig sa kanila ng kanilang guro. Samantala, dala ng labis na pagkainis ay pinatayo ni Unice si Aron sa harapan at matapos nito ay nagsimula na siyang magklase.
Mabilis lumipas ang araw na ito at ilang mga araw pa nga ang mabilis ding lumipas. June 8, CS240. Kasalukuyang petsa ngayon at ito din ang araw ng fieldtrip ng lahat ng freshmen sa Olympus university.
Maagang nagpuntahan ang magka-kaklase upang makahanap sila ng magandang pwesto. At dahil sobrang laki ni David ay napili nilang pumwesto sa dulo ng kanilang bus. Sa mga oras na ito ay mga nanghihina at nanlalata sina Rain, Mark at Aron, dahil dalawang araw na naman silang nagsanay sa ilalim ng magkapatid na Draken. Masaya na sana ang fieldtrip na ito para sa tatlo, ngunit may isang bagay silang hindi inaasahan at labis nila itong ikinagulat at naganap ito nung nakaraang lunes.
*** Flashback **
July 1, CS240. Tanghali at kasalukuyang kumakain ang magkakaibigan sa campus cafeteria.
"Kamusta na Mark ang pagsasanay mo?" Tanong ni Selina.
"Okay lang naman, medyo marami na akong alam na basic sa lightning at wind element." Tugon ni Mark.
"Whoa! Lightning at wind element? Ang cool mo naman pala, Mark!" Sambit ni David.
"*Ha..haha.. Hindi naman.." Sambit muli ni Mark.
"Kayo, Aron at Rain? Kamusta naman ang pagsasanay nyo?" Tanong muli ni Selina.
"Sakto lang, almost master ko na ang mga fire skills ng mythical creature ko." Tugon ni Rain.
"Ako din, sa tingin ko nga ay kasing lakas ko na si Sicy! *Hahaha!" Sambit ni Aron.
Matapos magsalita ni Aron ay may napansing kakaiba si Rain kay June, kaya agad na niya itong tinanong.
"Teka lang, June. Bakit parang ang saya mo yata ngayon? Halos hindi mabura ang ngiti sa mukha mo ah! May nangyari bang hindi na'min alam?" Sambit ni Rain.
"*Hah?! Wala, wala.. nakita ko lang kasi ang crush ko sa class lightning-1, si Eucy Kugelfang!" Tugon ni June.
Labis na nagulat si Aron matapos marinig si June at dahil dito ay nabulunan siya. Napatingin naman ang magkakaibigan sa kaniya at nang makainum na siya ng tubig ay gulat itong nagsalita.
"Si Eucy Kugelfang? Gusto mo na ba agad mamatay, *Hah! June?" Sambit ni Aron.
"*Huh?! Bakit naman? Teka, magkakilala ba kayo ni Eucy?" Sambit muli ni June.
"Natural, dahil kasapi siya sa Dragon clan at kababata ko siya. Kaya June! Please lang, hangga't maaaga pa, kalimutan mo na ang nararamdam mo para kay Eucy, dahil isa siyang halimaw!" Sambit muli ni Aron.
Napalunok na lang si June matapos marinig ang mga sinabi ni Aron sa kaniya, subalit hindi ganoong kadaling burahin ang kakasibol pa lang na pag-ibig, kaya imposible para kay June itong sinasabi ni Aron sa ngayon.
Ilang sandali pa matapos magsalita ni Aron ay biglang may nagsalita sa may gilid nila.
"Aron Draken! *Fufufufu! Hindi ako nagkamali na pumunta dito matapos kong marinig ang boses mo! Maaari bang paki ulit ang mga sinabi mo tungkol sa'kin?" Sambit ng isang babae.
Base sa tono ng pagkakasambit ng babae ay galit ito. Batid ni Aron kung kanino nagmula ang boses kahit hindi pa niya ito nakikita, kaya marahan siyang napalingon dito.
"Eu..Eucy?! Teka, ano ang ginagawa mo dito?!" Sambit ni Aron.
Subalit hindi na nagsalita pa ang babae at tinitigan na lang nito ng masama si Aron. Agad namang pinagpawisan ng sobra si Aron at napapatingin na lang sa mga tahimik niyang kaibigan.
"*Ahh! Ano, siya nga pala si Eucy Kugelfang. Mythical shaman siya ng Hydra at kasapi siya sa Dragon clan.. *He..hehe.." Sambit muli ni Aron.
"Hello!" Sambit ng magkakaibigan.
"*Ahh! Kamusta?" Sambit ni Eucy.
Matapos tumugon ay muli niyang tinitigan si Aron ng masama.
"*Grrrr.. Ang akala mo ba ay papalampasin ko ang paninira mo sa pagkatao ko sa mga kaibigan mo?" Sambit muli ni Eucy.
*** Eucy Kugelfang. 15 years old at isa siyang mythical shaman ng Hydra, isang uri ng Dragon na may maraming ulo. Mahiyain siya, ngunit mabilis mainis. Mabait din siya at maaasahan dahil sobrang lakas niya. At katulad ng sinabi ni Aron, makababata silang dalawa.
Slim ang pangangatawan ni Eucy, nasa 5'3" ang kaniyang taas, maputi ang kaniyang balat, itim na mahaba ang kaniyang buhok at kahit papaano ay may hinaharap naman. (if you know what I mean :3) ***
*** Note: Ang Hydra ay isang class-S na mythological creature, isa itong uri ng dragon na maraming ulo. Mahirap kalaban ang creature na ito, dahil sa oras na putulin mo ang mga ulo nito ay lalo lang itong dumarami at mas lalong lumalakas. Taglay ng Hydra ang elemento ng apoy at ayon sa mythical shaman history, tangin si Medusa lang ang nakatalo sa nilalang na ito. ***
Sa mga sandaling ito ay natataranta na si Aron, dahil alam niyang gulpi ang aabutin niya sa kamay ni Eucy. Ngunit alam naman niya ang kahinaan ni Eucy, kaya ng makita niya si June na masaya at nakangiti habang nakatitig kay Eucy ay agad na itong nagsalita.
"*Ahh!! Siya nga pala si June Swatzron! At may gusto siya sayo!" Sambit ni Aron.
Sandali natahimik ang lahat at tila lahat ng kumakain sa cafeteria ay napatingin sa kanila. Samantala, matapos magsalita ni Aron ay tila naging isang bato si June, dahil hindi na ito gumagalaw. Bigla namang namula ang mga pisngi ni Eucy, matapos marinig si Aron at napatingin na lang kay June. Hindi na rin niya nagawang magsalita at ilang sandali pa ay napayuko na siya. Mabuti na lang at tinawag na ito ng kaniyang mga kaibigan, kaya agad na siyang umalis. Nakahinga naman ng maluwag si Aron matapos makaalis ni Eucy, samantala, nabasag na ang pagiging bato ni June at galit na itong nagsalita.
"Ikaw! Aron Draken! Bakit mo agad sinabi sa kaniya! Ano na ngayon ang gagawin ko! *Huhuhuh!" Sambit ni June.
"Sorry, sorry! Pasensya ka na, ang totoo nyan ay mahiyain talaga si Eucy, kaya nung malaman nyang may gusto ka sa kaniya ay natahimik siya. Wala pa kasing lalakeng nanliligaw sa babaeng yon! Kaya swerte mo, dahil mukhang na moved mo na yung puso niya!" Sambit ni Aron.
Sandali naman natahimik si June at ang galit at pagkabigo nito ay mabilis napalitan ng hindi matumbasang saya. Samantala, kanina pa napapansin ni Selina sina Mark at Annie. Hindi pa rin kasi nagpapansinan ang mga ito at sa tuwing nagkakasalubong ang kanilang mga mata ay nagkakahiyaan sila.
"Guys, nabalitaan nyo na ba na may papalit kay sir Driego bilang teacher na'tin sa special myth?" Sambit ni David.
Matapos magsalita ni David ay biglang nasamid naman si Lina.
"Papalit? Bakit? May misyon ba si sir Driego o magre-resign na siya?" Tanong ni Selina.
"Ang alam ko ay may misyong gagawin si sir Driego, kaya matatagalan pa ang kaniyang pagbabalik." Walang emosyong pagkakasambit ni Alex.
Samantala, tahimik pa rin si Lina at tila may alam ito sa pinag-uusapan, dahil na rin sa mga kakaibang kilos nito ngayon.
"*Hmm.. Ganon ba? Kilala nyo na ba kung sino ang papalit sa kaniya?" Tanong ni Rain.
"Hindi pa eh, pero ang sabi ay nakakatakot daw siya." Tugon ni David.
"Ang mabuti pa ay pumunta na tayo sa classroom at hintayin na lang na'ting dumating ang bago na'ting teacher!" Sambit ni June.
"Mabuti pa nga." Sambit muli ni Selina.
Matapos makakain at mag-usap ang magkakaibigan ay sabay-sabay na silang naglakad patungo sa kanilang classroom at sa mga sandaling ito ay sobrang saya pa rin ni June.
May ilang minuto pa ang lumipas ay narating na nila ang kanilang classroom. Agad natungo ang magkakaibigan sa kani-kanilang mga upuan at tahimik na hinintay ang bago nilang guro. May limang minuto pa ang lumipas ay biglang bumukas ang pintuan at kalaunan ay may isang babae ang pumasok dito. Agad itong naglakad patungo sa gitna at nang makita ito nina Rain, Mark at Aron ay agad silang napatayo. Agad namang napatingin sa kanila ang iba nilang kaklase, dahil labis na nagtataka ang mga ito. Labis ding nagtataka si David, dahil napansin niyang gulat ang lahat ng kaniyang kaibigan, maliban lang kay Lina.
Samantala, matapos makarating ng babae sa harapan ay agad nitong sinulat ang kaniyang pangngalan sa may black board.
"Rachelle Esfalls? Esfalls? Hindi ba't yun ang apilyido ni Rain?" Tanong ni David.
Sa mga sandaling ito ay salitan ang tingin ng iba pang nilang kaklase kay Rain at sa bago nilang guro.
"Oo.. At siya ang ate ni Rain." Tugon ni June.
"*Eh?!"
Bukod sa magkakaibigan ay labis na nagulat ang lahat matapos malaman ang totoo. Ilang sandali pa ay nagsimula ng magsalita si Rachelle.
"Magandang tanghali! Ako nga pala si Rachelle Esfalls, ang bago nyong guro sa Special myths. At kahit isa lang akong tao ay marami akong alam tungkol sa mga skills ng mga mythical shaman, masasabi ko ring higit pa ang mga kaalaman ko sa dati nyong guro na si sir. Driego." Sambit ni Rachelle.
"Ito na ba ang sinasabi nyang bago niyang trabaho?! Oh God! I'm doomed!" Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.
"Si Raziel Draken ang bago na'ming teacher! Ang legendary terror teacher! Katapusan na yata ng mundo!" Sambit ni Mark derekta sa kaniyang isipan.
"Si lola ang bagong teacher na'min! Katapusan ko na! *Huhuhu!" Sambit ni Aron derekta sa kaniyang isipan.
"May problema ba kayong tatlo na nakatayo?" Sambit muli ni Rachelle.
Matapos magsalita ay agad nagpakawala ng masamang aura si Rachelle na naramdaman ng buong klase. Agad kinilabutan ang tatlo, kaya mabilis silang napaupo. Matapos nito ay agad namang nawala na ang aura at napangiti na muli si Rachelle.
"Okay class, magsisimula na akong magklase, maaari nyo bang sabihin sa'kin kung saan na kayo nahinto?" Sambit muli ni Rachelle.
Tahimik naman at tila takot ang lahat, matapos magsimulang magtanong si Rachelle. Mabuti na lang at agad tumayo si Krystine at nakangiti nitong sinabi sa bago nilang guro kung saan na sila na hinto sa kanilang subject.
Nang matapos ang klase ay agad kinausap nina Rain ang kaniyang ate, at dito ay sinabihan sila nito na wag sasabihin ang tunay niyang pagkatao sa iba pa nilang mga kaklase. Wala ng nagawa si Rain kundi sundin ang utus ng kaniyang ate sa kaniya, kaya hindi na siya tumutol pa. Ganun din ang kaniyang mga kaibigan.
*** Flashback end's here! xD ***
Mabalik tayo sa kasalukuyan, masayang nagku-kwentuhan ang makakaibigan ng biglang pumasok sa loob ng kanilang bus si Rachelle na labis na ikinagulat ng lahat.
"Ate! Ano ang ginagawa mo dito?" Sigaw ni Rain.
"Ako ang guardian nyo sa fieldtrip na ito, kaya nandito ako." Tugon ni Rachelle.
"Ano?!" Sigaw nina Rain, Mark at Aron.
"Bakit? May problema ba?" Sambit muli ni Rachelle.
Matapos magsalita ni Rachelle ay nagpakawala ito ng nakakatakot na aura, dahilan upang kilabutan ang lahat ng nakasakay sa bus. Mabuti na lang at agad nagtanong si Krystine at dahil dito ay mabilis nawala ang nakakatakot nitong aura.
"*Umm! Miss Rachelle, hindi po ba si miss Unice ang dapat na'ming guardian dito sa bus? Siya po kasi ang home room teacher na'min eh." Sambit ni Krystine.
"*Ahh! Tama, pero nakipagpalit ako sa kaniya. Kasi gusto kong bantayan ang sutil kong kapatid." Tugon ni Rachelle.
"*Ahh! *Umm! Sana po ay bantayan nyo din po ako at pati na rin po ang iba kong classmates." Sambit muli ni Krystine.
"Syempre naman. At kahit isa lang akong tao ay kayang-kaya ko kayong ipagtanggol!" Tugon muli ni Rachelle.
"*Umm.. Excuse me po, pero "tao" lang po ba talaga kayo at hindi isang mythical shaman?" Tanong ni Khaye.
"Bakit mo naman nasabing mythical shaman ako, miss Floria?" Tanong ni Rachelle.
"Sobrang nakakatakot po kasi ang aura nyo eh.." Tugon ni Khaye.
"*Hahaha! Ikaw namang bata ka, talent ang tawag doon. Para madaling mapasunod ang mga istudyante ay dapat matuto kang magpakawala ng nakakatakot na aura. Tingnan mo si miss Unice, sobrang galing niyang magpakawala ng masamang aura." Sambit muli ni Rachelle.
"As if na nagsasabi ka nang totoo. Natitiyak na'ming isa kang malakas na mythical shaman!" Sambit ni Khaye derekta sa kaniyang isipan.
"Ga..ganon po ba? *Huehehehe.." Sambit muli ni Khaye.
Napangiti na lang si Rachelle at kalaunan ay napalingon sa iba pa niyang mga istudyante. At nang makitang mukhang kumpleto na ang lahat ay nagsalita na muli ito.
"Nandito na ba ang lahat? Malapit na kasi tayong umalis." Sambit ni Rachelle.
"*Uhm! Opo! Hindi po kasi makakasama si Riki, nagpapagaling pa rin po kasi siya ngayon." Tugon ni Melisa.
"Okay, mabuti naman kung ganon. Ilang minutes na lang at aalis na tayo, kaya maghanda na kayo." Sambit muli ni Rachelle.
"Yes ma'am!" Tugon ng lahat.
Makalipas ang sampung minuto ay umalis na din ang kanilang bus.
Chapter end.
Afterwords.
still ongoing pa rin ang revisions sa fallen wing.. halos nangangalahati palang ako.. :(
Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..
Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..
Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..
Susunod.
Chapter 29: Fieldtrip – Mundo ng mga tao. Part 2
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top