Chapter 27: Ensign Lionheart - ang kaniyang Descendant. Part 2

Kinabukasan, hindi pumasok si Mark sa paaralan at nagpunta ito sa ospital kung saan nagpapagaling ang kaniyang pinsan, si Ryan. At ang ospital na ito ay nasa loob ng Gaia city.

Matiyaga siyang naghintay ng sasakyang patungong Gaia city, dahil makikiusap siyang makisabay sa mga ito. Siguro inabot siya ng isang oras sa paghihintay at sa awa naman ng diyos ay naka kita na din siya sa wakas. Hindi naman siya tinanggihan ng mga "tao" na sakay ng isang truck na patungo sa Gaia city na pasamahin siya sa kanila.

Sa haba ng byahe ay halos hapon ng nakarating si Mark. At habang nasa byahe naman siya ay tinawagan na niya ang kaniyang mga kaibigan at ipinaalam sa mga ito na hindi siya makakapasok, dahil uuwi muna siya sa kanilang clan sa Gaia city.

Ilang minuto pa ay narating na nina Mark ang Gaia city, kaya matapos magpasalamat ay bumaba na siya. Matapos nito ay umalis na ang truck, dahil hindi pa nito nararating ang kanilang destinasyon. At nang hindi na makita pa ni Mark ang truck ay nagsimula na itong maglakad patungo sa ospital kung saan nagpapagaling ang kaniyang pinsan na si Ryan.

May labing limang minuto din siguro ang nilakad ni Mark nang marating niya ang nasabing ospital. Agad na siyang nagtungo sa may counter upang dito itanong ang kwarto ng kaniyang pinsan. At nang malaman ay agad na niya itong tinungo. Ilang minuto lang ang kaniyang nilakad ay narating na niya ang kwarto, hindi na siya kumatok pa at agad na niyang binuksan ang pinto nito.

"Uncle!" Sambit ni Mark.

"*Huh?! At sino ka naman iho?" Tanong ng isang matandang babae.

"Ay sorry! Maling kwarto po pala ang napuntahan ko." Sambit muli ni Mark.

Matapos magsalita ni Mark ay nahihiya siyang isinara ang pinto at kalaunan ay pinuntahan na ang katabing kwarto. Sa pagkakataong ito ay kumatok na siya at nang mabosesan ang nasa loob ay pumasok na siya.

"Mark, ikaw pala. Hindi ba't may pasok kayo ngayon? Bakit nandito ka?" Sambit ni Rygon.

*** Rygon Lionheart. 32 years old at bagamat hindi nalalayo ang kaniyang itsura sa kaniyang anak na si Ryan ay mabait siya at magalang. Lightning element din ang taglay niyang kapangyarihan.

Matipuno ang pangangatawan ni Rygon, nasa 5'7" ang kaniyang taas, maputi ang kaniyang balat at itim na nasa katamtaman ang haba ng kaniyang buhok. ***

"*Tsk! Naparito ka ba para pagtawanan ako?" Sambit ni Ryan.

"Mark.." Sambit ni Ensigma.

*** Ensigma Lionheart. Higit isang daan taon na ang edad niya at siya ngayon ang namamahala sa kanilang angkan. Siya ang nag-iisang naging apo ng armored gold fenrir, si Ensign Lionheart. Taglay niya ang wind at lightning element at ang bansag sa kaniya ay "Bloody Zebra" ,dahil matapos siyang magpalit anyo bilang isang fenrir, ang mala-zebrang kulay ng kaniyang fenrir ay nababalutan ng mga dugo matapos nitong walang awang pagpapaslangin ang kaniyang mga kalaban. At katulad ni Drake Draken ay magkasabay silang sinanay ni Ensign.

Wala na sa tamang sukat ang pangangatawan ni Ensigma, nasa 5'2" na ang kaniyang taas, maputi ang kulay ng kaniyang balat at ang kaniyang buhok, pati na rin ang balbas nito. ***

Hindi na tinugon ni Mark ang pinsan at dahan-dahan na itong naglakad papalapit sa kaniyang tiyo at lolo. At nang tuluyan ng makalapit ay nagsalimula na siyang magsalita.

"Katulad ng inaasahan ko, dito ko po kayo makikita, Lolo." Sambit ni Mark.

Matapos magsalita ni Mark ay agad nitong ipinakita ang aklat na nahiram niya kay Chris. Labis na nagulat ang dalawa matapos nilang makita ang aklat.

"Saan mo nakita ang aklat na ito?" Tanong ni Ensigma.

"Hindi na po mahalaga kung saan ko man nakuha ang aklat na yan. Gusto ko lang po sanang malaman kung totoo po bang ako ang descendant ni Ensign Lionheart, ang armored gold fenrir?" Sambit muli ni Mark.

Muli ay labis na nagulat ang lahat matapos marinig ang sinabi ni Mark. Sa pagkakataong ito ay sandaling natahimik ang tatlo at kalaunan ay nagkatinginan.

"Teka, saan mo naman nalaman ang bagay na yan?" Tanong ni Rygon.

"Hindi na po importante kung kanino ko nalaman, sagutin nyo na lang po ang tinatanong ko." Sambit muli ni Mark.

"Ako na ang bahalang magpaliwanag, Rygon." Sambit ni Ensigma.

"Nauunawaan ko po, ama." Tugon ni Rygon.

"Mukhang lumabas na ang iyong taglay na kapangyarihan, apo. At siguro ito na rin ang oras para malaman mo ang sagot sa mga tanong mo. Makinig ka Mark, totoo nga na ikaw ang descendant ni Ensign. Napag-alamanan agad na'min ito ng maipinanganak ka nang iyong ina. Nagpamalas ka agad ng hindi kapani-paniwalang kapangyarihan matapos mong umiyak. Limang elemento ang taglay mo, kaya walang paglagyan ang aming saya. Pero ilang sandali pa matapos kang ipanganak ay binawian na ng buhay ang iyong ina. Pasensya ka na kung inilihim na'min ang pagkatao mo, dahil para na rin ito sayong kaligtasan." Sambit muli ni Ensigma.

"Kung ganon, totoo nga pong alam nyo ang bagay na 'to. Tama nga ang mga sinabi ni sir. Drake sa'kin. Nauunawaan ko na po ang lahat." Sambit muli ni Mark.

"Drake?! Ang tinutukoy mo ba ay ang Golden dragon na si Drake Draken?" Sambit muli ni Ensigma.

"Tama po, hindi nyo pa po ba nababalitaan na nagbalik na po siya at siya na po ulit ang clan leader ng Dragon clan." Tugon ni Mark.

"*Tsk! Sa kaniya mo pala nakuha ang aklat na ito at buhay pa pala ang siya! Alam mo bang siya ang dahilan kung bakit namatay ang ama mo, Mark?!" Sambit ni Rygon.

"Nagkakamali po kayo, uncle. Hindi ko po nakuha ang aklat na yan sa kaniya. Nasa pangangalaga ang aklat na yan ng Winged clan at doon ko po iyan nakuha." Sambit muli ni Mark.

"Sabihin mo Mark, kailan mo pa natuklasan ang iyong kapangyarihan?" Tanong ni Ensigma.

"Dalawang araw na po ang nakakalipas, nang sugurin kami ng ilang mga kalalakihan. Dahil sa labis na galit ay bigla na lang po akong nakagawa ng isang buhawing kumikidlat. At ayon po sa aklat na yan ay Cyclone Storm po ang tawag doon." Tugon ni Mark.

Ikinagulat nina Ensigma at Rygon ang kanilang mga narinig at dahil dito ay muli silang natahimik.

"Wala na ngang duda na lumabas na ang iyong taglay na kapangyarihan, Mark. At isang High-class skill pa ang nagawa mo." Sambit ni Rygon.

"Wag na'tin dito pag-usapan ang mga bagay na 'to. Ang mabuti pa ay umuwi muna tayo sa ating bahay at doon na na'tin ituloy ang pag-uusap." Sambit ni Ensigma.

"Tama po kayo, ama. Wag po kayong mag-alala, dahil ilang minuto na lang po siguro ay dadating na dito ang aking asawa, upang siya na ang magbantay dito sa aming anak." Sambit ni muli Rygon.

"Sa pag-uwi na'tin apo, gusto kong ikwento mo sa'kin kung anong klaseng mythical shaman ang tumalo sa iyong pinsan habang siya ay nasa take over mode." Sambit muli ni Ensigma.

"Nauunawaan ko po." Tugon ni Mark.

Samantala, habang nag-uusap sila ay napansin ni Mark na hindi na nagsasalita si Ryan at tila ba nagagalit ito, matapos niyang sabihin ang tungkol sa pagiging descendant niya ni Ensign. Ngunit ang hindi niya alam ay ito ang tunay na dahilan kung bakit malayo ang kalooban ng pinsan sa kaniya.

Ilang sandali pa ay dumating na ang asawa ni Rygon, kaya naman agad na niya itong kinausap. At matapos kausapin ay agad na silang umalis upang magbalik sa kanilang bahay. Halos may kalahating oras din ang nilakad nina Mark nang marating nila ang bahay ng kanilang angkan. Medyo may kalumaan na ito, subalik sobrang laki at sobrang dami ng kwarto.

Sa mga sandaling ito ay agad nagtungo ang tatlo sa kwarto ni Ensigma upang doon sila mag-usap. Halos may dalawang minuto lang ang kanilang nilakad at narating na nila ito.

Habang nasa loob sila ng kwarto.

"Apo, maaari mo na bang sabihin kung anong klaseng mythical shaman ang tumalo sa pinsan mo habang nasa Take over mode ito?" Sambit ni Ensigma.

Sandaling natahimik si Mark at kalaunan ay huminga ng malalim at matapos nito ay nagsalita na siya.

"Isang phoenix po ang nakalaban ni Ryan." Tugon ni Mark.

Ikinagulat ito nina Ensigma at Rygon at sandaling napatahimik. May sampung segundo siguro ang lumipas ay nakuha ng magsalita muli ni Ensigma.

"Ang phoenix bang ito ay ang ika-apat na reincarnation ni Zenon Reign Icarus?" Tanong ni Ensigma.

"Opo." Tugon ni Mark.

Muli ay natahimik ang dalawa at tila may malalim na iniisip. Ngunit makalipas pa ang ilang sandali ay muli ng nagsalita si Ensigma.

"Ngayon hindi na ako nagtataka kung bakit nga natalo si Ryan at ngayon ay nasa ganong kalagayan siya." Sambit ni Ensigma.

"Sabihin mo nga, Mark. Kailan pa nagpakita ang ika-apat na reincarnation ni Zenon?" Tanong ni Rygon.

"Ang totoo po nyan ay kailan ko lang din po nalamang isang phoenix itong si Rain, ang ika-apat na reincarnation ni Zenon. Kaka-transfer lang po kasi niya dito sa school na'min, siguro po may dalawang linggo na ang nakakalipas. Ang unang pagpapakilala niya sa'min ay isa siyang tao, pero ng sumali siya sa'ming combat practice ay nagulat na lang kami ng bigla siyang nagpamalas ng kaniyang kapangyarihan. Ang totoo po nito ay walang alam si Rain sa tunay niyang pagkatao, dahil itinago ito sa kaniya." Sambit muli ni Mark.

"Nauunawaan ko na kung bakit ngayon lang nagpakita si Drake at ang phoenix. Siguro naisip na nila na ito na ang tamang oras para malaman ng "Rain" na sinasabi mo, ang tungkol sa kaniyang pagkatao." Sambit muli ni Rygon.

"Mukhang ganon na nga, Rygon. At ano naman kaya ang binabalak ng Drake Draken na yon ngayon?!" Sambit muli ni Ensigma.

Sa mga sandaling ito ay biglang natahimik si Mark. Ito pa lang kasi ang unang beses na nakita niya ang kaniyang lolo na tila ganadong pumatay. At dahil na rin ito sa nararamdamang nilang aura na nilalabas nito. Kahit si Rygon ay nagulat din sa aurang pinakawalan ng kaniyang ama, kaya napatanong na lang ito.

"Ama, wag po mong sabihing lalaban nyong muli si Drake?" Tanong ni Rygon.

Matapos magsalita ni Rygon ay mas lalo pang lumakas ang aurang kanilang nararamdaman at sa mga sandaling ito ay tila isang halimaw ang kanilang napakawalan sa katauhan ni Ensigma.

"*Fufufufu! Sa wakas, malapit ko na rin matapos ang laban sa pagitan na'min ng ungas na yon. *Kukukukuku!" Sambit ni Ensigma.

Bakas sa mga mata ni Ensigma ang kagusto nitong pumatay. Subalit hindi maunawaan ni Mark kung bakit ganito ang ikinikilos ng kaniyang lolo, ngunit isa lang ang tukoy niya ngayon. At ito ay ang malaking galit para sa clan leader ng Dragon clan, si Drake Draken.

Samantala, sa kaperong oras sa loob ng kwarto ng clan leader ng Dragon clan.

"*Achhooo! *Brrrr! Ano yun? Bakit bigla akong kinilabutan?" Sambit ni Drake.

"May sipon ka po ba, lolo?" Tanong ni Airen.

"Wala, apo. Siguro may nakaalala lang sa'kin. *He..hehe!" Tugon ni Drake.

"Mabuti naman po kung ganon, nakakapagtaka naman kasi kung tablan ka po ng sakit." Sambit muli ni Airen.

Mabalik tayo kina Mark.

"Mark, ano na ang binabalak mo ngayon matapos mong malamang ikaw ang descendant ng aking lolo?" Tanong ni Ensigma.

"Magsasanay po ako at aaralin ko po ang lahat ng nakasulat sa aklat na ito." Tugon ni Mark.

"Magaling, kung ganon ay simulan na'tin ang pagsasanay." Sambit muli ni Ensigma.

Sandaling natahimik si Mark at napaisip ng malalim. Mga may sampung segundo rin siguro ang lumipas ay nagsimula ng muli siyang magsalita.

"Pero lolo, binabalak ko po sanang magpaturo kay sir Drake eh. Siya po kasi ang former student ni Ensign at siya po ang nagsulat ng aklat na ito, kaya po mas maganda siguro kung sa kaniya po ako magpapaturo. At isa pa po ay nasa Odin city po si sir. Drake ngayon at saktong doon naman po ako nag-aaral, kaya ito na po ang pinakamagandang option na naisip ko." Sambit ni Mark.

Labis ang pagkagulat ni Rygon matapos marinig ang sinabi ni Mark at dahan-dahan itong napatingin sa kaniyang ama.

*** SFX: Voooooooooooooooooooossh! ***

Ikinagulat ni Mark ang paglabas ng malakas na aura ng kaniyang lolo na kasalukuyang tahimik at nakayuko.

"Mark?! Ulitin mo nga ang mga sinabi mo?" Sambit muli ni Ensigma.

Agad namang nakaramdam ng takot sina Rygon at Mark matapos magsalita ni Ensigma.

"A..a..a..alin po lolo? Yung tungkol po kay sir. Drake?" Tanong ni Mark.

"*Guraaaaa!" Sigaw ni Ensigma.

*** SFX: BOOOOOOOM! ***

Matapos sumigaw ni Ensigma ay biglang nasira ang kwarto kung nasaan silang tatlo. Samantala, agad namang naalis ni Mark ang mga kahoy na bumagsak at tumakip sa kaniya. Ganon din si Rygon, subalit si Ensigma ay patuloy pa ring nakaupo kung saan ito nakapwesto kanina. Walang pinsala at walang dumi ang kinalulugaran nito, tanging ang nasa kaniyang paligid lang ang nasira.

Agad namang naglabasan ang iba pang mga Lionheart at inaalam kung ano ang bagay na malakas na sumabog. Ngunit labis silang nakaramdam ng takot matapos makita ang nakakatakot na aura na bumabalot sa kanilang pinuno, si Ensigma. Samantala, agad nagpagpag ng kaniyang damit si Mark matapos nitong makatayo. Halos ganito din naman ang ginawa ni Rygon.

"Hindi ako makakapayag na sa Drake na yon ka magsanay! Kaya sa ayaw at sa gusto mo ay sa kamay ko ikaw magsasanay." Sambit ni Ensigma.

Ngunit imbes na matakot si Mark ay naging seryoso ang ekspresyon ng mukha nito at matapang na tinugon ang kaniyang lolo.

"Hindi po! Hindi po ako papayag sa kagustuhan nyo! Marami akong kaibigan sa Odin city at tangin si sir. Drake lang ang makakapagturo sa'kin ng mga kapangyarihan ng armored gold fenrir." Tugon ni Mark.

"Mark! Sa mga sinasabi mo ay lalo mo lang ginagalit si ama! Alam mo bang may malaking galit siya sa Golden dragon?" Sambit ni Rygon.

"Wala po akong pakialam kung malaki man ang galit niya kay sir. Drake. Wala naman po iyong kinalaman sa'kin at natitiyak kong tatanggapin ako ng maluwag ni sir. Drake bilang kaniyang istudyante." Sambit muli ni Mark.

Sa mga oras na ito ay mas lalong lumakas ang aurang pinakakawalan ni Ensigma, dahilan upang magsitakbuhan ang iba pang mga Lionheart na nasa paligid.

"Apo, mukhang kinakailangan ko na yatang gumamit ng dahas?" Sambit muli ni Ensigma.

Sandaling natahimik si Mark at ngunit ilang sandali pa ay biglang siyang nagpalabas ng malakas na aura.

*** SFX: Voooooooooooooooooooossh!! *Shhhhk! *Shhhhk! *Shhhhk! ***

Sa pagkakataong ito ay labis na nagulat sina Ensigma at Rygon. Ilang sandali pa ay yumanig ang paligid at umihip ang malakas na hangin. At ang malakas na hangin na ito ay pumalibot kay Mark. Ngunit mas lalo pa silang nagulat sa mga sumunod na nangyari, dahil sabay na nabalutan ng apoy at kuryente ang hanging pumapalibot kay Mark.

"Sige lang po, subukan nyo akong pigilan." Sambit ni Mark.

Ang kaninang malakas na aurang bumabalot kay Ensigma ay biglang nawala at napalitan ng pagkamangha sa kaniyang nakikita. Samantala, hindi rin makapaniwala si Rygon sa kaniyang nasasaksihan, kaya hindi nito magawang magsalita. Nagulat din ang iba pang mga Lionheart matapos makita ang lakas ni Mark.

"Mark.." Sambit ni Ensigma.

Walang alam sa mga nangyayari sa kaniyang sarili si Mark at hindi rin nito namalayan na may kakaibang bagay na nakapalibot sa kaniya. Hanggang sa mapansin niyang parang gulat ang kaniyang lolo, tiyuhin at ang iba pang mga Lionheart habang nakatingin sa kaniya.

Ilang sandali pa nga ay napansin na niya ang bagay na nakapalibot sa kaniya. Agad siyang nagmasid sa kaniyang paligid at ng malamang siya ang may gawa ng bagay na nakapalibot sa kaniya ay napatanong na lang ito.

"Teka, ano itong nangyayari sa'kin?" Sambit ni Mark.

Muli ay nagulat ang dalawa sa kanilang narinig, dahil napag-alamanan nilang hindi alintana ni Mark na nagpakawala siya ng sobrang kapangyarihan. Ilang sandali pa matapos mapakalma ni Mark ang kaniyang sarili ay mabilis ng naglaho ang bagay na nakapalibot sa kaniya.

"*Ehem.. Mukhang hindi na nga kita mapipigilan pa. Sige umalis ka na bago pa magbago ang isip ko!" Sambit ni Ensigma.

Ikinatuwa ni Mark ang kaniyang narinig at dahil dito ay mabilis siyang nagsalita.

"Talaga po? Marami pong salamat, lolo. Pangako, sa pagbalik ko ay mas malakas na ako!" Sambit ni Mark.

Walang magawa si Ensigma kung hindi ang ngumiti na lang sa kaniyang apo matapos nitong magsalita. Samantala, hindi pa rin magawang magsalita ni Rygon, dahil sa pag-aalalang magdulot ito ng hindi pagkakaunawaan ng mag-lolo.

Matapos magpaalam ni Mark ay tuluyan na nga itong umalis. Gamit ang Pegasus ng kanilang clan ay inilipad siya nito pabalik sa Odin city. Samantala, kasalukuyan ngayong pinagmamasdan nina Ensigma at Rygon si Mark sa himpapawid.

"Sigurado ka na po ba sa inyong disisyon, ama?" Tanong ni Rygon.

"*Uhm! Nakita mo naman siguro ang kapangyarihan na nilabas ni Mark kanina? At sa oras na magseryoso siya ay kusa ng lumalabas ang taglay niyang kapangyarihan. At wala na akong magagawa pa tungkol sa bagay na yon, kundi ang hayaan na lang siya. Umasa na lang tayo, na sa pagbalik niya ay master na niya ang mga kapangyarihan ng aking lolo." Tugon ni Ensigma.

Halos gabi na ng makauwi si Mark sa kaniyang dorm sa loob ng Odin city. Matapos makababa sa sinakyang Pegasus ay mabilis itong pumasok sa loob ng kaniyang kwarto. Samantala, agad namang lumipad pabalik sa Gaia city ang Pegasus na sinakyan niya. Nang gabing ito ay ipinaalam ni Mark sa kaniyang mga kaibigan na nakabalik na siya sa Odin city gamit ang kaniyang telepono.

Kinabukasan, June 26, CS240. Myerkules, sa loob ng classroom ng class fire-1. Medyo maaga pa kaya may oras pa ang magkaka-klase upang magkamustahan. Sa mga sandaling ito ay kasalukuyan ng nag-uusap ang magkakaibigan at katulad ng inaasahan ni Mark ay pagtatanunging siya ng kaniyang mga kaibigan.

"Kamusta na nga pala ang naging lakad mo kahapon?" Tanong ni Rain.

"Okay lang. Ang byahe lang naman ang nagpatagal sa'kin, dahil sandali lang naman ako doon sa bahay na'min sa Gaia city." Tugon ni Mark.

"So, totoo nga na ikaw ang descendant ni Ensign, ang Armored gold fenrir?" Sambit ni Selina.

"*Uhm!" Tugon muli ni Mark.

Nang malaman nang magkakaibigan ang katotohanan sa pagkatao ni Mark ay sandali silang natahimik. Samantala, si David na walang alam sa kung ano ba ang pinag-uusapan ay lubhang nagtataka.

"Ano ba ang pinag-uusapan nyo?" Tanong ni David.

Agad namang nagkatinginan ang magkakaibigan at tila ba nag-uusap ang kanilang mga mata. Hindi kasi nila alam kung dapat na ba nila itong sabihin kay David o hindi. Ngunit gayunpaman ay walang nakuwang tumugon sa tanong ni David. At halos may sampong segundo rin ang lumipas ay muli ng nagsalita si Mark.

"Pasensya ka na David, kung hindi mo man maunawaan ang mga pinag-uusapan na'min. Gusto man na'min itong sabihin sayo ngayon, pero hindi ito ang tamang lugar para doon. Ang masasabi ko lang sa ngayon ay may kaugnayan ito sa kapangyarihan ko." Sambit ni Mark.

Napangiti na lang si David sa mga sinabi ni Mark sa kaniya at naunawaan agad ang mga ibig sabihin nito. Sa mga oras na ito ay napatunayan ni David na kaibigan talaga ang turing sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan, dahil kahit pakiramdam niya na may inililim ang mga ito sa kaniya ay hindi pa rin nila nakuhang magsinungaling. Bagamat hindi pa rin sinabi sa kaniya ang tunay na dahilan o impormasyang hindi niya alam.

"Okay, nauunawaan ko." Tugon ni David.

"Maraming salamat." Sambit muli ni Mark.

"Oo nga pala, ano na ang mga plano mo ngayon Mark?" Tanong ni June.

Natahimik ang magkakaibigan matapos magsalita ni June at kalaunan ay napatingin silang lahat kay Mark.

"Binabalak ko sanang sumama sa inyo, Rain at Aron. Gusto ko rin lumakas at mapag sanayang kontrolin ang aking kapangyarihan." Sambit ni Mark.

"*Hahaha! Ayos! Wag kang mag-alala, ako na ang bahalang kumausap kay master. Sigurado kong tuturuan ka rin non." Tugon ni Rain.

Ikinatuwa ni Mark ang kaniyang mga narinig. Samantala, tila nanlata naman bigla si Aron na kalaunan ay napansin ng magkakaibigan. Ilang sandali pa ay labis silang nagtaka, dahil na nag gigilid na ang mga luha nito.

"Bakit Aron? Bakit parang malungkot ka? Ayaw mo bang makasama akong magsanay?" Tanong ni Mark.

Matapos magsalita ni Mark ay tuluyan na ngang naiyak si Aron na labis na ikinagulat at pinagtaka ng kaniyang mga kaibigan.

"Ba..ba..bakit Aron? Anong nangyari sayo?" Tanong muli ni Mark.

"Kasi.. naawa ako sayo, baka kasi ikamatay mo ang pagsasanay sa kamay ni lolo at lola! *Huhuhu!" Tugon ni Aron.

Biglang natahimik ang magkakaibigan sa mga sandaling ito. Hindi kasi nila alam ang dapat nilang mararamdam, maiinis ba sila o mas maiinis sa mga sinabi nito sa kanila. Ngunit ilang sandali pa ay nalipat ang kanilang atensyon kay Rain, dahil umiiyak na rin ito. Sa mga oras na ito ay nakaramdam ng takot si Mark matapos makitang naiyak si Rain. Patunay kasi ito na totoo ang mga sinasabi ni Aron. Parang ayaw na tuloy niyang tumuloy sa pagsasanay, ngunit ito lang ang tanging paraan para makontrol niya ang kaniyang kapangyarihan, kaya hindi na siya pwedeng umatras pa.

"Wag kang mag-alala, Mark. Nandon naman ako para panoorin kayo at gamutin ang magiging mga sugat nyo." Sambit ni Lina.

Mas lalong natakot si Mark matapos marinig ang mga sinabi ni Lina, kaya pilit ang mga ngiti niya ng tinugon niya ito.

"Ga..ga..ganon ba? *He..hehe.. Maraming salamat naman kung ganon.. *He..hehe.." Tugon ni Mark.

Ilang sandali pa ay biglang dumating siUnice at nang magsalita ito na ay agad ng nagbalikan ang magkakaibigan sa kani-kanilang mga upuan.

Mabilis namang natapos ang araw na ito na walang gulo o problema, para kina Rain at sa mga kaibigan nito. Hindi katulad nung mga nakaraan araw na madalas napapaaway si Rain at halos araw-araw ay nagkakaroon ito ng mga shaman fight.

Sa pag-uwi ni Rain ay saktong nandoon ang kaniyang master na nagpapahinga sa may sala. Agad niya itong pinuntahan at kalaunan ay kinausap.

"Master, maaari nyo po bang turuan si Mark kasabay na'min ni Aron?" Tanong ni Rain.

"*Fufufufu.. Mukhang nagugustuhan ko ang mga nangyayari ah, ano kaya ang nangyari sa matandang Ensigma na yon at ipinagkatiwala na niya sa'kin ang kaniyang apo? *Fuwahahaha!" Sambit ni Drake.

Samantala, napaisip naman si Rain sa kung ano ang ibig sabihin sa mga sinabi ng kaniyang master, kaya muli na itong nagsalita.

"*Umm, master? Ano po ang sinasabi nyo?" Tanong muli ni Rain.

"*Ahh.. Pasensya ka na, Rain. Paki sabi na lang kay Mark na ikinagagalak kong turuan siya. At magsisimula ang kaniyang pagsasanay sa sabado at linggo, kaya paki sabing ihanda na niya ang kaniyang sarili." Tugon ni Drake.

Ikinatuwa naman ni Rain ang kaniyang mga narinig at agad nagpasalamat sa kaniyang master.

"Maraming salamat, master! Natitiyak kong matutuwa si Mark nito!" Sambit muli ni Rain.

Matapos magpasalamat ay mabilis ng nagpunta si Rain sa kaniyang kwarto. At nang makapasok ay agad ipinaalam kay Mark ang magandang balita gamit ang kaniyang telepono.

Makalipas ang dalawang araw at ang araw na ngang ito ay sabado. June 29, CS240. Maagang pumunta si Mark sa bahay nina Rain at sa pagtawag niya sa labas ng bahay ay agad naman siyang pinagbuksan ni Lina. Sa loob ay napansin niyang walang tao sa loob maliban sa kanilang dalawa ni Lina, kaya nagtanong na siya dito.

"Nasaan sina Rain?" Tanong ni Mark.

"Wala sila dito, kaya sumunod ka na sa'kin." Tugon ni Lina.

Ikinagulat ni Mark ang kaniyang narinig, kaya sandali siyang napahinto.

"Teka, kami lang dalawa ni Lina dito?" Tanong ni Mark derekta sa kaniyang isipan.

Agad natungo si Lina sa kwarto ni Rachelle at sa mga sandaling ito ay kung ano-ano na ang mga pumasok sa isipan ni Mark.

"A..ano? Lina? Tayo lang ba talaga ang nandito sa ngayon?" Tanong muli ni Mark.

Biglang napahinto sa paglalakad si Lina at agad napalingon kay Mark. Matapos nito ay nagsalita na siya.

"*Uhm! Kaya bilisan mo na at sumunod ka na sa'kin." Tugon muli ni Lina.

Matapos magsalita ay muling naglakad papasok sa loob kwarto si Lina. Samantala, lalong kinabahan si Mark at tila ang mga iniisip niya ay tama.

"Kami lang ang tao dito at inaaya niya ako sa kwarto, kung saan kami lang dalawa? Mukhang gusto din ako ni Lina ah, pero mahal na mahal ko si Annie. *Waah! Bahala na! Mangyari na ang mangyari! Sorry Annie, pero kailangan kong harapin ito bilang isang tunay na lalaki." Sambit ni Mark sa derekta sa kaniyang isipan.

Habang kasalukuyang nakatayo at nag-iisip ng kung ano-ano si Mark ay hindi na nito namalayang pumasok nakapasok na si Lina sa loob ng kwarto.

"Hoy Mark! Bilisan mo!" Sigaw ni Lina.

Napalunok na lang si Mark at kahit kinakabahan ay mabilis na itong nagpunta at pumasok sa loob ng kwarto kung nasaan si Lina. Sa loob ay nakita niya si Lina na nakatayo sa tapat ng kama, kaya mas lalong bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso. Samantala, napansin ni Lina na parang kinabahan si Mark at mukhang batid na niya ang dahilan. Ilang sandali pa ay nakangiti niya itong nilapitan at nang tukuyang makalapit ay nagsimula na siyang magsalita.

"Wag kang mag-alala, Mark. Sa una lang ito mahirap, pero pagdating sa kalagitnaan ay mag-e-enjoy ka na." Sambit ni Lina.

Labis na ikinagulat ni Mark ang kaniyang mga narinig kay Lina, kaya muli siyang napalunok.

"Ito na! Hindi ko aakalaing ganito ka agresibo itong si Lina. Pero teka, kung ganon, nag-sex na sila ni Rain?" Sambit ni Mark derekta sa kaniyang isipan.

Sa pagkakataong ito ay napansin ni Lina na mas lalong kinabahan si Mark, kaya muli na siyang nagsalita.

"Mark? Okay ka lang ba?" Tanong ni Lina.

Biglang natauhan na si Mark matapos magsalita ni Lina at ilang sandali pa ay nagsalita na din siya.

"A..ano, Lina? Kailangan ba talaga na'ting gawin ito? Hindi ba't mahal mo si Rain? Mahal ko din kasi si Annie eh, kaya ayokong saktan sila." Sambit ni Mark.

"Tama ka, mahal ko nga si Rain, pero kailangan na'tin itong gawin para lumakas ka. Gusto mong lumakas diba?" Tugon ni Lina.

Bigla muling nagulat si Mark at sandaling natahimik. Napansin din ni Mark na tila nagulat din itong si Lina.

"Gu..gusto mo si Annie?" Tanong ni Lina.

"*Uhm!" Tugon ni Mark.

"Kung ganon, nag-confess ka na sa kaniya? At ito ba ang dahilan kung bakit parang ilang kayo sa isa't-isa?" Tanong muli ni Lina.

"Ganon na nga.. Kaya hindi na na'ting kailangan gawin pa ito." Sambit muli ni Mark.

Biglang natahimik at nagtaka naman si Lina matapos magsalita ni Mark.

"Akala ako ba gusto mong magsanay? Wag mong sabihin ayaw mo na?" Tanong muli ni Lina.

"Gusto ko, pero hindi ko kayang saktan ang puso ni Annie." Tugon muli ni Mark.

Muli ay sandaling natahimik si Lina at nagtaka, dahil hindi talaga nito maunawaan kung bakit masasaktan si Annie.

"Bakit naman masasaktan si Annie? Alam mo ang mabuti pa, pumunta na tayo kung nasaan sila." Sambit muli ni Lina.

Nagtaka naman si Mark sa mga sinabi ni Lina at ilang sandali pa habang siyag ay nag-iisip, muling nagsalita si Lina.

"**kitto.. omoi.. dasu.. koto.. mo.. na..i!**" Sambit ni Lina.

Nagulat si Mark ng biglang umangat ang kamang nasa tabi ni Lina at kalaunan ay may isang lagusan ang bumukas. Agad natungo si Lina dito, samantalang si Mark ay nanatiling nakatanga, dahil sa labis na pagkagulat.

"Tara na dito, Mark. Wag kang mag-alala, hindi masasaktan si Annie sa gagawin mong pagsasanay. At wag ka na ring mag-alala, dahil isisikreto ko ang mga nagpausapan na'tin ngayon." Sambit muli ni Lina.

Napangisi na lang si Mark matapos maunawaan ang lahat. Mali kasi ang pagkakaunawa niya sa mga sinasabi ni Lina, samantalang si Lina ay ganon din. Nagpapasalamat na lang si Mark at hindi siya gumawa ng kaukulang aksyon, dahil kung ginawa niya yung inaakala niya ay malamang isa na siyang statwa ngayon.

Ilang sandali pa ay sumunod na si Mark kay Lina at halos may isang minuto lang ang kanilang nilakad ay narating na nila ang hangganan ng lagusan.

"Nandito na po kami ni Mark." Sambit ni Lina.

Matapos magsalita ni Lina ay masayang naglapitan sina Rain at Aron sa kanila.

"Oy Mark! Mabuti naman at nandito ka na. Nakahanda ka na ba? Pero teka, bakit parang malungkot ka?" Sambit ni Rain.

"Ang tanga ko talaga! Bakit ba kasi pumasok sa isip ko yon? Si Lina dapat ang sisihin ko dito eh! ang mga ginamit kasi niyang salita ang nagbigay sa'kin ng maling akala, pero mabuti na lang at wala akong ginawa! Mabuti na lang talaga!" Sambit ni Mark derekta sa kaniyang isipan.

Labis namang nagtaka si Rain, dahil hindi nagawang tumugon ni Mark sa kaniya.

"Mark? Okay ka lang ba?" Tanong muli ni Rain.

"*Uhm! Okay lang ako, wag mo na akong pansinin. Kinakabahan lang ako. *He..hehe.." Tugon ni Mark.

"*Fufufufu.. Mark Lionheart! Nakahanda ka na ba sa iyong pagsasanay upang maging ganap na descendant ni Ensign?" Sambit ni Drake.

Matapos marinig ni Mark ang sinabi ni Drake ay naging seryoso na ang ekspresyon ng mukha niya.

"Opo!" Tugon ni Mark.

Samantala, sa lugar kung saan kasalukuyang nagkukuta ang mga namumuno sa Yami clan. Kasalukuyang nag-uusap sina Tyki, Zelin at Zilan nang biglang may pumasok na isa sa kanilang mga tauhan.

"Nandito na po Selina Oceanus, master Zilan." Sambit ng isang lalaki.

"Papasukin mo siya." Tugon ni Zilan.

*** Zilan Reign Icarus. Siya ang pangatlo sa magkakapatid na Icarus at siya ang kasalukuyang namumuno sa buong yami clan. Tinatayaang higit sa tatlong daang taon na rin siyang nabubuhay, dahil isang beses pa lang siyang nare-reincarnate tulad ng kapatid niyang si Zelin. Marami ng karanasahan pagdating sa pakikipaglaban si Zilan, kaya hindi basta-basta matutumbasan ang kaniyang lakas ninuman.

Matipuno ang pangangatawan ni Zilan, nasa 5'6" ang kaniyang taas, maputi ang kaniyang balat at pula na medyo may kahabaan ang kaniyang buhok. ***

"Masusunod po." Sambit muli ng lalaki.

Matapos umalis ng lalaki ay nakita na ni Zilan si Selina.

"May ibabalita ka na ba sa'kin, miss Selina?" Tanong ni Zilan.

"Opo. Nagpakita na po ang descendant ni Ensign Lionheart. At kasalukuyan po silang nagsasanay kasama ng inyong kapatid na si Zenon sa tulong ni Drake Draken." Tugon ni Selina.

"*Hmm.. Maganda ang ibinalita mong ito, miss Selina. Siguro dapat kitang bigyan ng pabuya. *Hahaha! Pero teka, alam mo ba kung saan sila nagsasanay ngayon?" Sambit muli ni Zilan.

"Paumahin po, pero hindi ko po alam. At hindi nyo na din po ako kailangan pang bigyan ng pabuya. Maisakatuparan lang po ang mga plano na'tin ay sapat na pong pabuya yon para sa'kin." Sambit muli ni Selina.

"Nauunawaan ko. Kamusta naman ang misyon mo?" Sambit muli ni Zilan.

"Nakakatatlong tao pa lang po ako sa ngayon at wala pa po sa mga iyon ang mga hinahanap na'tin." Tugon muli ni Selina.

"Ganon ba. *Hmm.. Wala ka na bang sasabihin pa?" Sambit muli ni Zilan.

"Wala na po." Tugon muli ni Selina.

"Okay.. Maaari ka ng makaalis, baka kasi may gagawin ka pang importanteng bagay." Sambit muli ni Zilan.

"Okay po." Tugon muli ni Selina.

"Tyki, ang mabuti pa ay ihatid mo na si Selina pabalik ng Odin city." Sambit muli ni Zilan.

"Masusunod po." Tugon ni Tyki.

"Tyki, wag na. Ako na ang bahalang maghatid dito kay Selina. May gusto din akong itanong sa kaniya eh." Sambit ni Zelin.

"Kayo po ang masusunod, miss Zelin." Sambit muli ni Tyki.

"Ipagkakatiwala ko na sayo si miss Selina, Zelin." Sambit ni Zilan.

"Ako na ang bahala, kuya." Tugon ni Zelin.

Hindi na nagawang magsalita ni Selina at ilang sandali pa ay sabay na silang umalis ni Zelin pabalik sa Odin city.

Mabilik tayo sa pagsasanay na nagaganap kina Mark, Aron at Rain. Kasalukuyan itinuro ni Drake kay Mark ang mga basic skills sa elemento ng kidlat. Itinanong kasi ni Drake si Mark kung anong elemento ang una at gusto nitong mapag-aralan. At ang napili ni Mark ay ang elemento ng kidlat.

Nauunawan naman ni Mark kung bakit isang elemento muna ang itinuturo ni Drake sa kaniya, dahil lalo lang siyang mahihirapan kung pagsasabay-sabayin ang mga elemento taglay niya. Gayong kailan lang niya nalamang may taglay pa siyang kapangyarihan. Samantala, hindi naman nahirapan si Drake sa pagtuturo ng mga basics skills ng lightning element kahit hindi niya taglay ang elementong ito. At dahil ito sa kaniyang mga karanasan sa naging mga laban niya sa nakaraan, kaya madali lang niyang naituturo ito kay Mark kahit hindi niya ito kayang gawin.

Samantala, katulad ni Mark ay nagsasanay din sina Rain at Aron sa tulong naman ni Rachelle. Sa totoo lang ay mas gusto na ni Mark ang kaniyang ginagawa sa ngayon, dahil sa tuwing makikita niya ang pagsasanay na ginagawa nina Rain at Aron ay napapapikit na lang siya. Lubha kasing nakakatakot ang pagsasanay na ginagawa ng dalawa. At sa tingin niya ay ito ang dahilan kung bakit nasabi ng mga ito na halos mamatay-matay na sila sa pagsasanay.


Chapter end.

Afterwords.

still ongoing pa rin ang revisions sa fallen wing.. halos nangangalahati palang ako.. :(

Pagpasensyahan nyo na  po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..

Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to.. 

 Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..

Susunod.

Chapter 28: Fieldtrip – Mundo ng mga tao.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top