Chapter 25: Pagliligtas - Kanino?
May ilang minuto rin ang tinakbo nina Rain, Lina at Chris bago nila marating ang ospital kung saan isinugod si Annie. Agad naman nilang nakita sina June at Mark sa likod ng isang kwarto, kaya dali-dali na nila itong nilapitan.
"Oi Mark, June! Kamusta na si Annie?" Tanong ni Rain.
Hindi nagawang tumugon ng dalawa at napayuko na lang ang mga ito. Samantala, batid na ni Rain na hindi maganda ang kalagayan ni Annie ngayon, kaya mabilis na niyang pinasok ang kwarto kung nasaan ito.
"Annie!" Sambit ni Rain.
Napaluha na lang si Rain matapos makita ang kalagayan ng kaibigan at kalaunan ay mabilis niya itong nilapitan. Agad namang sumunod sa kaniya ang kaniyang mga kaibigan at pati na rin si Chris.
"Patawad Annie, kasalanan ko ito." Sambit ni Rain.
"Kamusta na ang kalagayan ni Annie?" Tanong ni Lina.
"Maraming dugo ang nawala sa kaniya at malalim din ang natamo niyang sugat sa likod. At ang sabi ng doctor ay kailangan ng siyang mailipat sa Ceto city, kung saan kumpleto ang pasilidad para gamutin ang mga tao." Tugon ni June.
"Teka, hindi ba kayang pagalingin ng mga nurse-elf ang mga sugat ni Annie?" Tanong ni Chris.
"Hindi makakaya ng katawan ni Annie ang paraan para magamot ang kaniyang sugat ng mga nurse-elf, kaya dapat sa normal na proseso siya dumaan. Yun ang pagpapaliwanag ng doctor sa'min." Tugon muli ni June.
Sandali natahimik ang apat sa pagkakataong ito at kalaunan ay napatingin kay Rain.
"Teka! Tama! Rain! Ang mga luha mo! Ipainom mo ang mga luha mo kay Annie!" Sambit muli ni June.
Agad napalingon si Rain sa mga kaibigan, matapos niya itong marinig.
"Tama si June, kung maiinom ni Annie ang mga luha mo ay gagaling na siya!" Sambit ni Lina.
Sa pagkakataong ito ay napangiti si Rain at Ilang sandali pa kinusot na niya ang kaniyang mga mata. At ang daliring nabasa ng kaniyang luha ay mabilis niyang isinubo sa bibig ni Annie.
"Gumising ka Annie, gumising ka!" Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.
Ngunit ilang sandali pa ay laking gulat ng magkakaibigan ng biglang napasigaw si Rain.
"Araaaaay!" Sigaw ni Rain.
Agad hinila ni Rain ang kaniyang daliri at kalaunan ay hinapan, dahil bigla siyang kinagat ni Annie. Samantala, ilang sandali pa ay bumangon na si Annie at nagtaka matapos makita ang kaniyang mga kaibigan na umiiyak.
"*Areh?! Ano ang nangyari sa inyo? Teka, nasaan ba ako?" Tanong ni Annie.
Ngunit matapos niyang magsalita ay labis siyang nagulat dahil bigla siyang niyakap Rain. Hindi niya maintindihan kung bakit, ngunit nagustuhan naman niya ang mga nangyayari ngayon.
"Teka, Rain? Ano ba ang nangyayari?" Tanong muli ni Annie.
Matapos magsalita ni Annie ay bumitiw na sa kaniyang pagkakayakap si Rain at kalaunan nagsimula ng magsalita.
"Patawad Annie, kasalan ko kung bakit ka nasaktan." Sambit ni Rain.
Muli ay hindi maunawaan ni Annie ang mga nangyayari, ngunit ilang sandali pa naalala na niya ang mga nangyari.
"Tama! Naalala ko na. Nasaksak nga pala ako ng mga lalaking humabol sa'min." Sambit ni Annie.
(Note: Nahiwa si Annie, hindi nasaksak! Yun lang yung akala niyang nangyari. xD)
Sandaling natahimik si Annie at muling napatingin sa kaniyang mga kaibigan. Ngunit labis siyang nagkata, dahil hindi niya makita si Selina. At mas lalo siyang nagtaka matapos makita si Chris, kaya nagsimula muli siyang magtanong.
"Nasaan si Selina? At bakit nandi-dito si Chris?" Tanong ni Annie.
Biglang naalala ni Rain ang tungkol sa bagay na ito, kaya napayuko na lang siya at kalaunan ay napadakot ng kaniyang mga kamao.
"Na kidnap ng mga humahabol sa'tin si Selina at ang tatay ni Riki ang kumuha sa kaniya." Sambit ni Mark.
"Ano?!" Gulat na pagkakasambit ni Annie.
Nagulat din si Rain sa kaniyang mga narinig, dahil tanging si Mark lang ang nakasaksi sa mga nangyari.
"Ang tatay ni Riki? *Tsk! Buwisit na yon, humanda siya sa'kin sa oras na makita ko siyang muli." Sambit ni Rain.
"Natitiyak kong gamit ng tatay ni Riki ang serpent scale, kaya madali niyang napatulog si Selina at mabilis niya itong naitakas." Sambit muli ni Mark.
"*Tsk! Isang kaduwagan ang ginawa ng kambing na yon! Oo nga pala, siya din ba ang may gawa ng buhawing kumikidlat na nakita na'min kanina?" Sambit muli ni Rain.
Nagulat si Mark matapos marinig ang sinabi ni Rain, samantalang napatingin na lang si June sa kaniya.
"Ang totoo nyan, ako yata ang may gawa ng buhawing yon." Tugon ni Mark.
"*Ehh?" Sambit muli ni Rain.
"Kahit nga ako nagulat eh. Nagalit kasi ng sobra si Mark matapos makitang nasaktan si Annie. Naalala ko tuloy ang sinabi sa'tin ng ate mo na balang araw ay lalabas din ang tunay na kapangyarihan ni Mark." Sambit ni June.
"*Hmm.. Kung ganon isa din palang mythical shaman, Mark? Pero hindi pangkaraniwang buhawing nagawa mo. Ang totoo nyan ay ang buhawing yon talaga ang pakay kong puntahan at nagkataon lang na nakita ko sina Rain at Lina na napapaligiran ng mga lalaki, kaya mas minabuti ko na tulungan sila." Sambit ni Chris.
"Maraming salamat nga palang muli Chris sa pagliligtas mo sa'min." Sambit muli ni Rain.
"Kasasabi ko lang kanina na nagkataon lang na nakita ko kayo, kaya wala kang dapat ipagpasalamat." Sambit muli ni Chris.
"*Hehe.. Pa-humble ka pa!" Sambit muli ni Rain.
"*Tsk! Bahala ka nga! Mabalik ako sa sinasabi ko kanina, ang buhawing ginawa mo Mark ay lubhang malakas at kakaiba. Masasabi kong dalawang elemento ang ginamit mo dito at kung hindi ako nagkakamali ay ang tawag sa ginawa mo ay ang "Cyclone Storm"." Sambit muli ni Chris.
"Cyclone Storm?" Tanong ni Mark.
"Tama, pinagsamang wind at lightning element ang cyclone storm at sa aklat ko lang ito nabasa." Tugon ni Chris.
"Sa isang aklat? Kung ganon, isa itong sikat na skill, tama ba ako?" Sambit ni June.
"Tama ka June, isa ito sa mga skill ng armored gold fenrir. Sa ngayon ay taglay mo ang dalawang elemento, ang hangin at kidlat. Tutal nasa dugo mo naman ang pagiging fenrir, kaya naniniwala akong ikaw nga ang may gawa ng cyclone storm na nakita ko kanina." Sambit muli ni Chris.
Sa mga sandaling ito ay biglang naalala ni Mark ang mga sinabi ni Rachelle sa kaniya sa bahay nina Rain. At ito ay ang armored gold fenrir ay isang hybrid na tulad niya.
"Pwede ko bang malaman kung saan mo nabasa ang aklat na sinasabi mo, Chris?" Tanong ni Mark.
"Okay, dadalhin ko bukas. Pero nagtataka pa rin ako, sa kung bakit ba kayo sinugod ng mga nakalaban nyo? Ano ang dahilan nila? Siguro may kinalalaman si Rain dito?" Sambit muli ni Chris.
"Tama ka, kasalan ko nga ang lahat. Pero hindi mo na kailangan pang malaman ang tungkol sa bagay na yon." Sambit muli ni Rain.
"Kung ganon, totoo ngang ikaw ay isang phoenix." Sambit muli ni Chris.
"Oo, ganon na nga. *Pause!(mga 3 secs) *Ehhh?! Papaano mo naman nalaman?" Sambit muli ni Rain.
"*Tsk! Sapat ng dahilan ang mga nakita kong pagpapagaling mo kay Annie gamit ang mga luha mo. Tanging phoenix lang ang may kakayahang gawin yon." Sambit muli ni Chris.
"Sinasabi ko na nga ba at malalaman din ni Mr. Crescentmoon ang lahat. Pero sana ay ilihim mo ito, pakiusap." Sambit ni Lina.
"Whoa?! Ang ganda talaga niya!" Sambit ni Chris derekta sa kaniyang isipan.
"*Uh Umm! Okay sige, ise-sekreto ko ito at mukhang alam ko na kung bakit kayo hinahabol ng mga nakalaban nyo, dahil ang pakay nila talaga ay si Rain. Pero nagtataka lang ako kung bakit nila kinidnap si Selina? *Hmm.." Sambit muli ni Chris.
"Naalala ko dati nung una kong nakilala si Selina ay hinabol din siya ng mga tauhan ng tatay ni Riki. Hindi ko na maalala ang dahilan kung bakit, pero parang may kinalaman yata ito sa kapangyarihan ni Selina." Sambit muli ni Rain.
"*Hmm.. Hindi kaya balak nila na gamitin ang ability ni Selina para makontrol ang mga makakapangyarihang tao sa mundo ng mga tao?" Sambit ni June.
"Posible nga ang inisip mo June, pero kilala na'tin si Selina at hindi siya papayag na gawin ang bagay na yon." Sambit ni Annie.
Matapos magsalita ni Annie ay napatingin sa orasan si Chris at kalaunan ay labis itong nagulat.
"Malapit na palang mag 6:00 pm, kailangan ko ng umalis. Paano, mukhang okay naman na si Annie, bukas na lang tayo mag-usap-usap." Sambit ni Chris.
"*Uhm! Maraming salamat muli sayo, Chris." Sambit ni Lina.
"Whoa ang ganda talaga niya!" Sambit ni Chris derekta sa kaniyang isipan.
"Sige aalis na ako, ingat na lang kayo sa pag-uwi." Sambit muli ni Chris.
Matapos magsalita ay tuluyan ng umalis si Chris. At sakto sa paglabas nito ng kwarto ay ang pagpasok naman ng doctor, kasama ang mga medical staff.
"Dali, kailangan ng maisugod ang pasyente sa Ceto city para malapatan ang kaniyang natamong sugat." Sambit ng doktor.
Ngunit biglang natahimik ang doktor at kalaunan ay natahimik matapos makita si Annie na kasalukuyan ng nakabangon.
"Ma..magaling ka na, miss?" Tanong ng doktor.
"*He..hehe.. parang ganon na nga po." Tugon ni Annie.
Sa pagkakataong ito ay hindi na kinailangang dalhin si Annie sa Ceto city at salamat dito kay Rain, dahil siya ang naging dahilan upang lubusan itong gumaling. Muli ay sinuri ng doctor si Annie at labis ang pagtataka nito, dahil normal na itong muli at hindi na tulad nung unang beses niya itong sinuri. Kaya kahit nagdadalawang isip ang doktor para sa kalagayan ni Annie ay pinayagan na niya itong makauwi.
Matapos makaalis ng doktor at mga medical staff ay agad ng nag-ayos ang magkakaibigan para maka-uwi.
"Sigurado ka bang okay ka na, Annie?" Tanong ni June.
"*Uhm! Okay na okay na ako! Salamat sa pag-aalala nyo para sa'kin." Tugon ni Annie.
"Hatid ka na na'min pauwi, Annie." Sambit ni Rain.
"Mauna na ako sa labas." Sambit ni Lina.
"Okay! Tara na at umuwi na tayo!" Sambit muli ni June.
Agad lumabas ng kwarto sina Lina, June at Rain. Samantala, naiwan naman sa loob sina Annie at Mark, dahil tinutulungan ni Mark si Annie sa mga gamit nito.
"*Umm.. Mark, maraming salamat nga pala." Sambit ni Annie.
"Para saan? Nawala nga ako sa sarili ko, matapos kitang makitang nasaktan kanina. Kaya nahihiya ako sayo, dahil ang hina ko." Tugon ni Mark.
"Alam kong dahil sayo ay nakatakas tayo sa kamay ng mga humahabol sa'tin, kaya maraming salamat." Sambit muli ni Annie.
Matapos magsalita ni Annie ay dahan-dahang bumuhos ang mga luha sa mata ni Mark, kaya nagtaka ito at nag-alala para sa kalagayan ng kaibigan.
"Bakit Mark? Okay ka lang ba? Nasaktan ka rin ba?" Tanong ni Annie.
"Natakot kasi ako, akala ko iiwan mo na kami." Tugon ni Mark.
Matapos magsalita ni Mark ay tumayo si Annie at kalaunan ay nagtungo ito kay Mark. At nang tuluyang makalapit ay agad niya itong niyakap.
"Okay na ang lahat. Although hindi na'tin alam kung ano na ang nangyari kay Selina sa ngayon. Pero natitiyak kong gagawa ng paraan si Rain, para mailigtas si Selina kaya tumahan ka na at ngumiti." Sambit muli ni Annie.
Sa pagkakataong ito ay mahigpit ding niyakap ni Mark si Annie.
"Mahal kita Annie, kaya natakot ako at nagalit ng makita kitang nasaktan. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari pang masama sayo. Kaya pangako, magpapalakas ako para maprotektahan kita." Sambit ni Mark.
Labis na ikinagulat ni Annie ang pagtatapat na ginawa ni Mark, kaya hindi niya alam ang kaniyang mga sasabihin. Ilang sandali pa ay bumitiw na ang dalawa sa pagkakayakap at nagtinginan sila nang saglit.
"Ma..ma..mahal mo ako? Te..te..teka? Pe..pe..pero..." Sambit ni Annie.
Hindi na nagawa pang tapusin ni Annie ang kaniyang sasabihin, dahil bigla siyang hinalikan ni Mark. At dala ng labis na pagkagulat ay tinugon ni Annie ang ginawang paghalik sa kaniya ni Mark. Ngunit ilang sandali pa matapos niyang maisip ang kaniyang ginagawa ay agad niyang itinulak papalayo si Mark. Sa pagkakataong ito ay napahawak na lang siya sa kaniyang mga labi habang gulat na nakatitig kay Mark.
"Patawad, nadala lang ako ng damdamin ko.." Sambit ni Mark.
"Sorry, pero gusto ko si.." Sambit muli ni Annie.
Muli ay hindi natapos ni Annie ang kaniyang sasabihin, dahil biglang salita si Mark.
"Si Rain. Alam ko. Alam kong gusto mo siya at alam kong hanggang kaibigan lang ang tingin mo para sa'kin. Pero hayaan mo sana akong mahalin ka nang higit pa sa isang kaibigan." Sambit muli ni Mark.
Sa pagkakataong ito ay hindi na nagawa pang magsalita ni Annie, kaya nagsimula na itong maglakad papalabas ng kwarto. Batid na ni Mark na naguguluhan ngayon si Annie, kaya hindi na rin ito nagsalita ang lumabas na din siya ng kwarto.
Samantala, habang naghihintay ang tatlo sa labas ng ospital.
"Bakit parang ang tagal naman yata nila?" Tanong ni Rain.
"Oo nga eh. Ano kaya ang nangyari sa dalawang yon?" Sambit ni June.
"Wag na kayong mag-alala, palabas na sila." Sambit ni Annie.
Agad napalingon ang dalawa kina Annie at may napansin silang kakaiba sa mga ito.
"Teka, bakit parehas kayong namumula? May nangyari ba sa inyong dalawa?" Tanong ni Rain.
"Oo nga, may nangyari ba?" Tanong ni June.
"Wa..wa..wala.. Ha..halina kayo. Gusto ko ng umuwi para makapagpahinga." Tugon ni Annie.
Nagkatinginan na lang ang tatlo matapos marinig ang sinabi ni Annie at ilang sandali pa ay napatingin sila kay Mark. Samantala, napangisi na lang si Mark at kalaunan ay napakamot ng kaniyang ulo. Hindi na muli pang nagsalita ang lima at Ilang sandali pa ay sabay-sabay na silang naglakad papaalis.
May bente minuto ang lumipas ng marating nila bahay ni Annie. Hinintay na lang nilang makapasok si Annie sa loob, bago sila tuluyang magpaalam. Sa araw na ito ay hindi na nila nagawa ang kanilang balak na magsaya, dahil kulang na sila ngayon.
Sa ngayon ay kasalukuyan nang naglalakad papauwi sina Rain, Mark at June. Samantalang si Lina ay kasalukuyan ng naglalakad papauwi gamit ang ibang daang tinatahak ng tatlo.
"May plano ka na ba Rain?" Tanong ni Mark.
"Oo at ang kailangan ko lang ay makausap sina ate at master. Wag na kayong mag-alala, dahil sisiguraduhin kong maililigtas ko si Selina sa mga kumag na yon." Tugon ni Rain.
"*Uhm! Umaasa kaming maibabalik mo si Selina nang ligtas!" Sambit ni June.
"*Uhm!" Tugon muli ni Rain.
"Kung may maitutulong man kami ni June, tumawag ka lang ah." Sambit muli ni Mark.
"Okay!" Tugon muli ni Rain.
Matapos mag-usap ay narating na nila ang daan kung saan kinakailangan na nilang maghiwa-hiwalay.
"Bukas, umasa kayong maibabalik ko na si Selina!" Sambit ni Rain.
Napatango na lang ang dalawa at kalaunan ay muli na silang naglakad papauwi.
Halos gabi na ng makauwi si Rain sa kanilang bahay at kanina habang naglalakad ito ay tinawagan na niya ang kaniyang ate, dahil nais niyang makausap ito at ang kaniyang master. Nabanggit na din niya ang mga nangyari kanina, kaya ng makapasok na siya sa loob ng kanilang bahay ay agad na niyang nakita sina Rachelle at Drake.
"Mabuti at ligtas kang nakauwi." Sambit ni Rachelle.
"*Uhm! Pero nasaktan ang kaibigan na'ming si Annie at na-kidnap naman si Selina." Tugon ni Rain.
"Sigurado ka bang si Tyki Stronghold ang nakalaban nyo?" Tanong ni Drake.
"Opo, kahit po si Lina ay nagulat ng makita ang Tyki na yon. Sino po ba talaga siya?" Sambit muli ni Rain.
"Si Tyki Stronghold, ang minotaur. Siya ay ang nag-iisang minotaur na tauhan ni Hades, kaya sobra ang lakas niya. Minsan ko na rin siyang nakalaban at kung nagtagal ang aming paglalaban ay posibleng natalo niya ako. Gayunpaman ay natalo ko siya at ang akala ko ay patay na siya." Sambit muli ni Drake.
"*Hmm.. Hindi nakakapagtakang sobrang lakas nga po niya, kung ganon si Hades po pala ay kasapi din sa Yami clan, master?" Tanong muli ni Rain.
"Ang totoo ay hindi na'min alam, dahil hindi pa siya nagpapakita o nagpaparamdam." Sambit ni Rachelle.
"May naiisip po ba kayong paraan para mailigtas ang kaibigan ko?" Tanong muli ni Rain.
"May idea ako kung saan nagkukuta ang Yami clan ngayon, pero hindi ko ito tiyak kung nandoon nga sila." Tugon ni Drake.
"Kung ganon, puntahan na po na'tin yon, master." Sambit muli ni Rain.
Sandaling natahimik si Drake dahil sa labis na pag-iisip.
"Ano na ang pasya mo, kuya?" Tanong ni Rachelle.
"Nauunawaan ko, bukas ng umaga ay aalis tayong tatlo. At ang pakay lang na'tin ay ang iligtas ang iyong kaibigan." Sambit muli ni Drake.
"*Uhm! Maraming salamat, master!" Sambit muli ni Rain.
"Sigurado ka na ba dito kuya? Hindi pa ba ito masyadong maaga?" Tanong muli ni Rachelle.
"Nasa panganib ang kaibigan ni Rain, kaya wala tayong pagpipilian pa. At isa pa, nababahala ako sa pakay ng Yami clan kung bakit kinailangan nilang dukutin si Selina imbes na si Rain." Sambit muli ni Drake.
"May punto ka, kuya. Bakit nga ba si Selina ang dinukot ng mga kalaban? Ano kaya ang pinaplano nila?" Sambit muli ni Rachelle.
"Kahit na ano pa ang pinaplano ng Yami clan na yan, hinding-hindi ko sila mapapatawad kapag may nangyaring masama sa kaibigan ko. Natitiyak kong pagbabayarin ko sila kung may gawin man silang hindi maganda kay Selina." Sambit muli ni Rain.
Matapos magsalita ni Rain ay biglang may inabot si Drake sa kaniya, isang Katana.
"Ang tawag sa katana na ito ay "Myth Slayer" at ito ang kayamanan ng dragon clan." Sambit ni Drake.
"Myth Slayer?" Tanong ni Rain.
*** Note: Ang Myth Slayer ay isang makapangyarihang sandata na pinanday gamit ang Maelstrom, isang sandatang may elemento ng kidlat. Gawa sa pinaghalo-halong dugo ng mga class-S na mythical creature ang Myth Slayer, kaya lubhang napakatalas ng talim nito. At ang sandatang ito ay hindi kailanman masisira, dahil na rin sa taglay nitong kapangyarihan. Halos maiikumpara ang itsura ng Myth Slayer sa normal na katana, subalit may malaking butas ito sa talim na malapit sa pinaka-hawakan nito. ***
"Pero bakit nyo po sa'kin ibinibigay ang kayaman ng dragon clan, master?" Tanong ni Rain.
"Kasapi ka sa dragon clan, kaya okay lang na sayo ko ito ibigay. Pero wag mo itong sasabihin kay Aron, tutal hindi naman niya alam ang itsura ng Myth Slayer ay mas mabuting ilihim mo na lang ito sa kaniya." Tugon ni Drake.
"Nauunawaan ko, master. Maraming salamat." Sambit muli ni Rain.
Napangiti na lang si Rachelle at naalala nito ang mga masasayang nakaraan nilang tatlo, kasama ang ikalong Zenon.
"Kumain ka na Rain at magpahinga ka na rin. Bukas ay maaga pa tayong aalis para iligatas ang kaibigan nyo." Sambit ni Rachelle.
"*Uhm!" Tugon ni Rain.
Matapos mag-usap ay agad ng kumain si Rain at matapos kumain ay nagpahinga na ito. Samantala, hindi makatulog sa ngayon sina: Lina, Annie, June at Mark, dahil iniisip nila ang kalagayan ng kanilang kaibigan, si Selina.
Kinabukasan, pagod at halos mga walang tulog ang apat ng umalis sila ng kani-kanilang mga bahay. Nagkataon namang nagkita-kita silang apat sa may entrance gate ng campus, kaya sabay-sabay na silang naglakad papunta sa kanilang classroom. Ilang minuto din ang kanilang nilakad ng marating nila ang kanilang classroom at sa pagbukas nila ng pinto ay laking gulat nila sa kanilang nakita.
"Selina?" Sambit ni Annie.
"*Oh.. Kayo pala? Kamusta?" Tugon ni Selina.
Chapter end.
Afterwords.
Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..
Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..
Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..
Susunod.
Chapter 26: Ensign Lionheart - ang kaniyang Descendant.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top