Chapter 23: Minotaur - Tyki Stronghold.

Kinabukasan, maagang nagising si Rain kahit araw ng linggo. Hanggang sa ngayon kasi ay iniisip pa rin niya ang nangyari sa kaniya kahapon.

"Anong klaseng pagkatao kaya ang meron ako nung ikalawang buhay ko?" Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.

Ilang sandali pa ay kumatok na si Rachelle sa pinto at kalaunan ay nagsalita.

"Hoy Rain! Nandito na si kuya at si Aron. Bumangon ka na dyan at kumain ng almusal. At matapos mong kumain ay sumunod ka na sa underground basement." Sambit ni Rachelle.

"Okay!" Tugon ni Rain.

Mabilis naman bumango si Rain at kalaunan ay lumabas ng kaniyang kwarto. Hindi na niya naabutan pa ang kaniyang ate, dahil nakapasok na ito sa loob ng kaniyang kwarto. Sa pagkakataong ito ay agad na siyang nagtungo kusina upang kumain. Halos nagtagal lang siya ng ilang mga minuto sa pagkain, kaya naman matapos magpahinga ng saglit ay agad na siyang bumama sa underground basement.

Sa baba ay nakita niya si Aron habang nagsasanay sa ilalim ni Drake. Hindi na sinayang ni Rain ang pagkakataong ito, matapos niyang makitang bukas ang dipensa ng kaniyang master. Walang pag-aalinlangan ay mabilis na sumugod si Rain at nang tuluyang makalapit ay malakas niya itong inatake. Subalit mabilis lang itong naiwasan ni Drake at halos kasabay ng kaniyang pag-iwas ay nagpakawala ito ng isang pag-atake. Mabilis naman itong nasangga ni Rain at kalaunan ay malakas na tumalon papalayo.

"Magaling, Rain. Magandang reflexes ang ipinakita mo." Sambit ni Drake.

"*Hehehe.. Salamat po sayo master, dahil patuloy mo po kaming sinasanay." Tugon ni Rain.

"*Tsk! Panira ka Rain! Magsimula na tayong muli, lolo!" Sambit ni Aron.

"*Fufufu.. Kung ganon ay ihanda nyo na ang inyong mga sarili." Sambit muli ni Drake.

Ilang sandali pa ay nagsimula nang muli ang matindi nilang pagsasanay sa ilalim nina Drake at Raziel Draken. At ang araw na ito ay naging isang mahabang araw para sa dalawa.

Kinabukasan, Nanghihina at puro benda sa katawan sina Rain at Aron nang makapasok sila sa loob ng kanilang classroom. Matamlay ang dalawa ng magtungo ang mga ito sa kani-kanilang mga upuan. Samantala, matapos makaupo ni Rain ay agad siyang tinanong ni Selina.

"Ano nangyari sayo at bakit marami kang benda? Pati na rin si Aron. Mukhang napalaban kayong dalawa ah?" Sambit ni Selina.

"Wag mo kaming intindihin, nakatakas naman kami sa kamay ng dalawang halimaw na yon." Sambit ni Rain.

Nagtaka si Selina sa kung ano ang ibig sabihin ng mga sinabi ni Rain sa kaniya. Gusto pa nga sana niya itong tanungin, ngunit dumating na ang kanilang guro.

"Okay class, bumalik na kayp sa inyong mga upuan at mag-che-check na ako nang attendance." Sambit ni Unice.

Agad nagbalikan ang mga istudyante sa kani-kanilang mga upuan at matapos noon ay nagsimula nang mag-attendance si Unice.

Habang nagtuturo si Unice ay mga nakadukdok at tila mga natutulog sa kani-kanilang mga lamesa sina Rain at Aron, dahilan upang ikagalit ito ng kanilang guro.

"Mr. Draken at Mr. Esfalls! Mukhang wala kayong ganang makinig sa mga itinuturo ko ah?" Sambit ni Unice.

Matapos magsalita ay biglang naglabas ng nakakatakot na aura Unice, dahilan upang manahimik ang buong klase. Samantala, patuloy lang na nakadukdok sa kanilang mga lamesa ang dalawa, kaya mas lalong nagalit ang kanilang guro.

Ilang sandali pa ay hindi na nakapagtimpi si Unice at galit na itong nagtungo sa pwesto ni Aron, dahil ito ang pinakamalapit sa kaniya.

"Mr. Draken? Mukhang ang sarap ng tulog mo ah?" Sambit ni Unice.

Bakas sa tono ng pagkakasambit ni Unice ang kaniyang pagkainis, kaya hindi magawang magsalita ng kasalukuyang malapit sa kaniya. Sa pagkakataong ito ay napansin ni Unice na totoong natutulog si Aron, kaya lalong nag-init ang kaniyang dugo dito.

"Aron Draken!" Sigaw ni Unice.

*** SFX: BOOOOOOOOOOOOOOOOM! ***

Matapos sumigaw ay isang malakas na pag-atake ang binitiwan ni Unice kay Aron, dahilang upang magulat ang lahat. Subalit mas lalong nagulat ang lahat, dahil nasalag ni Aron ang ginawang pag-atake sa kaniya. Labis ding nagulat si Unice tungkol dito, dahil batid niyang malakas ang pinakawalan niyang pag-atake.

"Hoy Aron Draken!" Sambit muli ni Unice.

Sa pagkakataong ito ay napansin muli ni Unice na natutulog pa rin si Aron, kaya muli siyang nagulat.

"Tulog siya, pero nagawa pa rin niyang masalag ang ginawa kong pag-atake? Mukhang sumailalim ang batang ito sa matinding pagsasanay ah." Sambit ni Unice derekta sa kaniyang isipan.

Upang makasiguro ay muling inatake ni Unice si Aron at sa pagkakataong ito ay higit na malakas ang binitiwan niya, subalit nagawa pa rin itong masangga ni Aron. Sa mga sandaling ito ay nakumpirma niyang tama ang kaniyang hinala, tahimik na siyang naglakad pabalik sa kaniyang lamesa.

Samantala, hindi magawang magsalita ng lahat dahil na rin sa takot. Sa ngayon ay nakatuon lang ang kanilang buong atensyon sa kanilang guro na kasalukuyang mabagal na naglalakad pabalik sa harapan.

Nang tuluyang makabalik sa kaniyang lamesa ay agad kinuha ni Unice ang kaniyang bag. Matapos nito ay may kinuha siya sa loob ng kaniyang bag, isang "bottled water". Agad niya itong binuksan at kalaunan ay mabilis niyang itinapon ang laman nitong tubig sa ere.

"** ENCHANT! AQUA DAGGER! **" Sambit ni Unice.

Mabilis nagtipon-tipon sa kanang kamay ni Unice ang bawat patak ng tubig at kalaunan ay naging isang punyal ito. Matapos mahulma ang punyal ay mabilis niya itong ipinukol kay Rain na kasalukuyan ding natutulog. Labis na nabigla ang lahat sa kaniyang ginawa, ngunit katulad ng kaniyang inaaasahan ay naiwasan ito ni Rain kahit ito ay natutulog.

"Mukha pati si Rain ay sumailalim din sa matinding pagsasanay." Sambit ni Unice derekta sa kaniyang isipan.

Ngunit ilang sandali pa ay sabay na tumayo sina Annie at Selina at kalaunan sabay na nagsalita.

"Bakit nyo po inatake si Rain?" Tanong ni Annie.

"Ano po ang dahilan at kinailangan nyong atakehin si Rain, Auntie?" Tanong ni Selina.

Napakamot na lang ng ulo si Unice at kalaunan ay nagsimula na siyang magpaliwanag sa mga natakot niyang istudyante.

"Pasensya na kung natakot ko man kayo. Kung nagulat kayo kanina ng masangga ni Aron at maiwasan ni Rain ang mga ginawa kong pag-atake sa kanila ay dahil sinubukan ko kung tama nga ang hinala ko." Sambit ni Unice.

"Anong hinala naman po yon?" Tanong muli ni Annie.

"Anong hinala yon, Auntie?" Tanong muli ni Selina.

"Tulad nyo ay nagulat din ako nang masangga ni Aron ang ginawa kong pag-atake, kaya inatake ko siyang muli at hindi na nga ako nagkamali ng akala. At tama din ang hinala ko kay Rain nang maiwasan niya ang ginawa kong pag-atake sa kaniya." Sambit muli ni Unice.

"Anong hinala nga po yon, Auntie?" Tanong muli ni Selina.

"At anong hinala nga po yon?" Tanong muli ni Annie.

"Mukhang sumailalim sila sa matinding pagsasanay, kaya sila mga walang lakas ngayon. At ang magpapatunay nyan ay ang pagsangga at pag-iwas ng dalawa sa ginawa kong pag-atake, kahit sila ay mga natutulog." Sambit muli ni Unice.

Agad napatingin ang lahat sa dalawa na kasalukuyan pa ring natutulog sa ngayon.

*** SFX: *Clap! *Clap! *Clap! ***

Matapos pumalakpak ay muling napatingin ang lahat sa kanilang guro.

"Wag nyo na silang pansinin at pagbibigyan ko sila ngayon na matulog sa klase ko. Pero pag inulit pa nila ito ay hindi ko na yon mapapalampas pa. Paki sabi na lang sa kanila kapag sila ay nagising na ah." Sambit muli ni Unice.

Halos sabay na naupo sa kanilang upuan sina Selina at Annie. At matapos ngang magsalita ni Unice ay ipinagpatuloy na niya ang kaniyang pagtuturo.

"Kung ganon, iyon pala ang ibig sabihin ni Rain sa mga sinabi niya sa'kin kanina." Sambit ni Selina sa derekta sa kaniyang isipan.

Makalipas ang halos isang oras ay natapos nang magklase si Unice. At sakto ng makalabas ito ay tuluyan ng nagising si Rain.

"*Hmmwaaah!.. Anong oras na ba? Wala pa rin ba si Unice? Pero parang nakita ko na siya kaninang pumasok ah." Sambit ni Rain.

Matapos marinig ni Selina ang mga sinabi ni Rain ay malakas na niya itong kinutusan.

*** SFX: POOOOOOINKS! ***

"Araaaay! Ano ka ba naman Selina?" Sambit muli ni Rain.

"Tapos nang magklase si Auntie. At sinabi niya na sa susunod na matulog kayo sa klase niya ay humanda na daw kayo." Sambit ni Selina.

Nagulat naman si Rain sa kaniyang mga narinig at hindi inasahan na nakatulog pala siya. Sa mga sandaling ito ay agad siyang napalingon kay Aron at nakita niyang natutulog ito. Samantala, mabilis na natungo ang kanilang mga kaibigan sa kanila.

"Hoy Rain! Anong klaseng pagsasanay ang ginawa nyo ni Aron?" Tanong ni David.

Ikinabigla ni Rain ang kaniyang narinig, dahil batid niyang wala siyang pinagsabihan sa naganap nilang pagsasanay.

"Teka, papaano mo nalamang nagsanay kami ni Aron?" Tanong ni Rain.

"Alam na na'ming nagsanay kayo ni Aron, kaya mga wala kayong lakas ngayon. At isa pa, inatake kayo ni Ms. Unice kanina, pero nasangga ni Aron ang ginawang pag-atake ni Ms. Unice. Tapos ikaw naman, naiwasan mo yung ginawang pag-atake sayo." Sambit muli ni David.

"Talaga?" Sambit muli ni Rain.

"Nagulat talaga ako nung atakehin ka gamit ang aqua dagger ni Ms. Unice. Pero kahit natutulog ka ay naiwasan mo yon." Sambit ni June.

"Ganon ba? *Hahaha! Siguro resulta yon ng malaimpyerno na'ming pagsasanay ni Aron. *Heh..hehe." Sambit muli ni Rain.

Samantala, lihim namang nakikinig sina Roby, Chris at Aris sa pinag-uusapan ng magkakaibigan. Hanggang sa ilang sandali pa ay lumapit na si Lina at ang grupo nina Krystine kina Rain. At nang tuluyang makalapit ang mga ito ay agad na silang nagsalita.

"Ang galing ng ginawa mo kanina Rain! Alam mo bang natakot ako kanina, dahil akala ko ay tinamaan ka nang ginawang pag-atake ni Ms. Unice." Sambit ni Krystine.

"Oo nga, kahit ako ni-nerbyos eh. Sobrang seryoso kasi ni Ms. Unice kanina at sobrang nakakatakot siya." Sambit ni Khaye.

"Kung sakaling tinamaan ka kanina ni Ms. Unice, hindi ako magdadalawang isip na gamitan siya ng Stone curse ko." Sambit ni Lina.

"Naku Lina, wag naman sana umabot sa ganon. *Heh..hehe." Sambit ni Rain.

"Ano ba talaga ang pinagsanayan nyo ni Aron at bakit ang galing naman ng mga reflexes nyo kahit mga natutulog kayo?" Tanong ni Mark.

Matapos magtanong ni Mark ay isa-isang nahulog ang mga luha ni Rain.

"Please lang wag mo ng alamin pa. Ayoko ko nang balikan pa ang mala-impyerno na'ming pagsasanay ni Aron. *Huhuhu!" Sambit ni Rain.

Labis namang nataka si Mark sa kung bakit umiiyak si Rain, ngunit hindi na niya nagawa pang alamin kung bakit. Dumating na kasi ang susunod nilang guro, si Augost. Sa pagkakataong ito ay mabilis nagbalikan ang lahat sa kani-kanilang mga upuan. At kasunod na nga non ay agad ng nagsimula sa pagtuturo si Augost.

Habang nagka-klase ay natutulog pa rin si Aron. Mabuti na lang at matanda, este mabait itong si Augost, kaya pinabayaan na lang niya si Aron.

Makalipas muli ang isang oras ay tuluyan ng nagising si Aron. Sa mga sandaling ito ay agad siyang napalingon sa kaniyang paligid at kalaunan ay naalalang nasa loob pala siya ng kanilang classroom. Sa ngayon ay hindi niya alam kung anong oras na, hanggang sa pumasok na ang kanilang sumunod na guro, si Niel.

"Kung ganon ay may dalawang oras pa para mag lunch break?" Sambit ni Aron derekta sa kaniyang isipan.

Samantala, nang makapasok ay nag-iwan lang ng isang activity si Niel at matapos nito ay agad na itong lumabas ng classroom. Ginamit naman nina Aron at Rain ang pagkakataong ito para muling matulog. Ngunit bago tuluyang matapos ang klase ay muling nagbalik si Niel, upang kunin ang mga papel para sa pinagawa niyang activity. Maswerte si Rain dahil ginawa siya ni Selina at Lina. Samantalang si Aron ay hindi man lang naalala ng kaniyang mga kaibigan.

Sa paglabas ni Niel ay saktong pagpasok ng sumunod nilang guro, si Eve. Mabuti na lang at saktong nagising si Aron sa pagkakataong ito, samantalang ginising naman ni Selina si Rain. Hindi kasi tulad ni Niel ay sobrang istrikto si Eve pagdating sa pagtuturo. At sa oras na makita niyang natutulog ang dalawa ay posibleng maparusahan ang mga ito ng husto. Kaya kahit inaantok pa ay pinilit nina Rain at Aron ang makinig, dahil para na rin ito sa kanilang kapakanan.

Makalipas muli ang isang pang oras ay sa wakas lunch break na. Sa mga oras na ito ay masigla at malakas na muli sina Rain at Aron, dahil oras na para kumain. Halos sabay-sabay na naglakad patungo sa cafeteria ang magkakaibigan. Ngunit bahagyang naiwan si Rain, dahil inayos pa niya ang sintas ng kaniyang sapatos. At sa kaniya muling paglalakad ay nabunggo niya ang nasa kaniyang harapan, dahil hindi niya ito napansin ng siya ay tumayo.

"Sorry." Sambit ni Rain.

Agad napalingon sa kaniya ang babaeng nabunggo niya, si Rein.

"Wag kang mag-alala, sinadya ko talagang huminto para mabunggo mo ako." Sambit ni Rein.

"*Eh? Bakit naman?" Tanong ni Rain.

"Sumunod ka sa'kin at sasabihin ko sayo kung bakit." Sambit muli ni Rein.

"Pero, nagugutom na ako eh." Sambit muli ni Rain.

"Wag kang mag-alala, sandali lang ito." Sambit muli ni Rein.

"Okay." Tugon ni Rain.

Sa mga oras na ito ay nauna na ang iba sa pagpunta sa cafeteria, samantalang sina Rain at Rein ay nagtungo sa isang sulok na hindi kalayuan sa may cafeteria upang mag-usap.

"Ano ba yung sasabihin mo sa'kin, Rein?" Tanong ni Rain.

"Nakita ko at narinig ko ang mga pinag-usapan nyo ng babaeng nagpakilalang Zelin Reign Icarus doon sa may gilid ng MOA." Tugon ni Rein.

Napaatras ng isang hakbang si Rain, dahil na rin sa labis na pagkagulat.

"Te..te..teka.. Nakita mo kami at narinig? Papaanong nangyari yon? Wala ka naman don ah!" Sambit muli ni Rain.

"Simple lang! Habang naka-invi ako ay sinundan kita nung umalis ka para mag-CR." Tugon muli ni Rein.

"Invi? Sinundan mo ako? Sa may-CR? Teka! Sa CR?!" Sambit muli ni Rain.

"*Uhm! At nakita ko yung sayo! *Heh..heh..heh.. ang cute. *Droll!" Sambit muli ni Rein.

"*Waaaaaa!" Sigaw ni Rain.

Bago muling magsalita ay pinunasan muna ni Rein ang kaniyang bibig.

"Alam ko na ring ikaw ang ika-apat na reincarnation ni Zenon Reign Icarus, ang Phoenix." Sambit muli ni Rein.

Sa mga oras na ito ay biglang naging seryoso si Rain at ilang sandali pa ay mabilis nitong hinawakan ang mga balikat ni Rein.

"Rein, sana ilihim mo ang mga nalalaman mong ito. Tsaka ko na ipaliliwanag kung bakit." Sambit muli ni Rain.

"Okay, pero sa isang kondisyon." Tugon ni Rein.

"Sige, sige. Basta kaya ko at kung bagay yan, sana hindi naman masyadong mahal." Sambit muli ni Rain.

"Wag kang mag-alala, bilis ilapit mo ang mukha mo sa'kin at ibubulong ko sayo." Sambit muli ni Rein.

Mabilis namang inilapit ni Rain ang kaniyang mukha kay Rein, dahil may ibubulong daw ito sa kaniya. Subalit nang tuluyan na niyang mailapit ang kaniyang mukha ay bigla naman siyang hinalikan ni Rein na labis niyang ikinagulat. May isa hanggang dalawang segudo ang itinagal ng pagkakahalik ni Rein sa kaniya at matapos noon ay nagsalita na itong muli.

"Okay na! Wag ka nang mag-alala, hindi ko na ipagkakalat ang mga nalalaman ko sa iba." Nakangiting pagkakasambit ni Rein.

Samantala, hindi na nagawang magsalita ni Rain, dahil na rin sa labis na pagkagulat. Hindi niya kasi lubos akalain na gagawin ni Rein ang bagay na yon sa kaniya. Lalong lang tuloy siyang nakaramdam ng gutom matapos siyang manghina, dahil sa labis na kaba, saya, at pangamba. Ilang sandali pa ay nagsimula ng maglakad si Rein patungo sa cafeteria, ngunit ilang sandali pa ay huminto ito at kalaunan ay muling humarap kay Rain.

"Halika na, Rain. Pumunta na tayo sa may cafeteria." Nakangiting pagkakasambit ni Rein.

"Halikan na? Teka, halika na? Tama, tinatawag na niya ako para pumunta na kami sa cafeteria. Ano ba 'tong nangyayari sa'kin? Hindi naman ganito ang nangyayari sa'kin nung nasa mundo pa ako ng mga tao ah! Oh God of travincial! Please Help me!" Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.

Ilang sandali pa ay nagsimula na muling maglakad patungong cafeteria itong si Rein. Samantala, agad namang sumunod si Rain para na rin makakain.

Sa loob ng cafeteria ay agad nakita ni Rain ang kaniyang mga kaibigan. Agad siyang kinawayan ng mga ito, kaya ilang sandali pa ay agad na niya itong nilapitan. Kasalukuyan ng bumibili ang magkakaibigan at matapos nito ay agad na silang naghanap ng kanilang pwesto. Hindi naman nagtagal ay nakahanap sila ng mga bakante at dahil sobrang dami nila ay pinagdikit na lang nila ang dalawang lamesa. Sa kanilang pag-upo ay dito na nagsimulang magtanong ang magkakaibigan kay Rain.

"Bakit bigla kang nawala at nang magpakita ka ay magkasama pa kayo ni Rein?" Tanong ni Annie.

Bakas sa tono ng pagkakasambit ni Annie ang galit at pagdududa, kaya biglang kinabahan si Rain.

"*Ahh! Ano, may tinanong lang siya sa'kin! Ayun, tama! May tinanong lang siya sa'kin, kaya ako natagalan! *Haha..ha?!" Tugon ni Rain.

Sandaling natahimik si Annie at kalaunan ay masamang napatitig kay Rain.

"Nagtataka lang kasi ako, kung bakit parang nahihiya si Rein sayo. Sabihin mo nga, may ginawa ka bang masama sa kaniya?" Sambit muli ni Annie.

"Wala, wala! Ano naman ang gagawin kong masama kay Rein? *Haha..haha!" Tugon muli ni Rain.

"Siguraduhin mo lang na hindi ka nagsisinungaling, Rain Esfalls!" Sambit ni Selina.

Napalunok na lang tapos napangisi si Rain matapos marinig ang mga sinabi ng kaniyang mga kaibigan. Samantala, tahimik lang na kumakain itong si Mark, pero nauunawan naman ni June ang dahilan kung bakit.

Ilang minuto pa ang lumipas ay natapos na silang kumain. At halos malapit na ding matapos ang lunch break, kaya nagpasya na ang magkakaibigan na bumalik na sa kanilang classroom.

Masaya naku-kwentuhan ang makakaibigan habang naglalakad sila patungo sa kanilang classroom, ngunit bigla silang natahimik matapos nilang makasalubong ang isang 4th year na istudyante. Agad itong binati ni Aron dahil kakilala niya ito.

"Kuya Sicy! Kamusta?" Sambit ni Aron.

Napahinto naman ang magkakaibigan, dahil kinailangan pa nilang hintayin si Aron para sabay-sabay na silang makarating sa kanilang classroom.

"Ikaw pala yan, Aron! Okay lang naman ako. Teka, ang balita ko ay sinasanay daw kayo ng ating clan leader, totoo nga ba?" Sambit ni Sicy.

*** Sicy Vangard. 19 years old at tulad ni Aron ay isa din itong mythical shaman ng dragon. Isa siyang mythical shaman ng tarrasque dragon. Mabait, matalino at higit sa lahat ay malakas si Sicy at patunay lang dito ang pagka panalo nito sa duel-event ng kanilang school, na ginaganap lang isang beses kada taon.

Matipuno ang pangangatawan nitong si Sicy, 5'6 ang kaniyang taas, medyo maputi ang kulay ng kaniyang balat at medyo brown na nasa katamtamang haba ang kaniyang buhok. ***

*** Note: Ang Tarrasque dragon ay isang class-S na mythological creature, malaki ang dragon na ito na may kaliskis na sing tigas ng bakal. May kakayahan ding magbuga ng apoy ang mga Tarrasque dragon at bukod sa matigas ay mabilis ding maghilom ang mga sugat nito. Pinaniniwalaan din na ang sinumang magtaglay ng puso nito ay hindi basta-basta masasaktan at ang kanilang mga magiging sugat ay mabilis na gagaling. ***

"Oo, ganon na nga. *Hehehe!" Tugon ni Aron.

Samantala, naalala ni Rain ang lalaking kausap ni Aron, kaya agad na itong nagsalita.

"Tama! Ikaw nga yung nabunggo ko nung unang araw ko dito sa school!" Sambit ni Rain.

Agad namang napalingon si Sicy kay Rain at matapos noon ay nagsalita na rin ito.

"Kung hindi ako nagkakamali, ikaw si Rain Esfalls? At katulad ka rin nitong si Aron na mythical shaman ng Elemental fire dragon, tama ba?" Sambit ni Sicy.

"Oo, ganon na nga.. *He..hehe!" Tugon ni Rain.

"*Ahh! Siya nga pala, si Rain yun kasama kong sinasanay ni lolo." Sambit ni Aron.

"Wow! Nakakainggit naman, sana makasama din ako sa pagsasanay nyo." Sambit muli ni Sicy.

"*Hahaha! Hindi ka pwede, dahil hinahabol ko nga ang lakas mo eh, papaano kita maaabutan kung sasabay ka sa'ming magsanay?" Sambit muli ni Aron.

Nagtaka naman si Rain, dahil ang unang impresyon niya dito kay Sicy nung una niya itong makita ay mayabang. Dahil na rin minaliit siya nito nung ang tingin palang sa kaniya ay isang tao.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na si Sicy, kaya naman muli ng naglakad ang magkakaibigan patungo sa kanilang classroom. At ilang minuto lang matapos makapasok ang magkakaibigan sa kanilang classroom ay dumating na ang susunod nilang guro, si Driego.

Seryosong nakinig sina Rain at ang mga kaibigan nito sa bawat leksyon na itinuturo sa kanila ng kanilang mga guro. At nang matapos na ang lahat ng kanilang klase ay sabay-sabay na silang naglakad papalabas ng campus.

"Guys, wala ba kayong gagawin ngayon? Kung wala ay gusto ko sanang maimbitahan kayo sa bahay ko." Sambit ni Annie.

"Pasenya na Annie, pero may kailangan pa akong gawin, kaya hindi ako makakasama." Walang emosyong pagkakasambit ni Alex.

"Sayang naman." Sambit muli ni Annie.

"Ako din Annie eh. Pinababalik ako sa Gaia city sa clan base na'min. Baka nga hindi ako makapasok bukas eh." Sambit ni David.

"Okay lang David, nauunawaan ko." Tugon ni Annie.

"Kailangan ko pang magsanay, kaya hindi rin ako makakasama." Sambit ni Aron.

"*Hmmp! Puro ka na lang pagsasanay!" Sambit muli ni Annie.

"Teka lang Annie, ano ba ang meron sa bahay nyo at inimbitahan mo kami?" Tanong Rain.

"*Hmm.. Boring kasi sa bahay ko eh, ako lang kasi ang tao don ngayon, dayoff kasi yung kasambahay na'min." Tugon ni Annie.

"*Ahh.. Okay sige sama ako, tutal nakakatamad din sa bahay na'min! Tsaka ayoko munang makita ang halimaw kong ate. *Hahaha!" Sambit muli ni Rain.

"Yun! Nice! *Hehe!" Sambit muli ni Annie.

"Sasama din kayo, Mark at June tama ba?" Sambit muli ni Rain.

"Syempre naman, sasama kami ni Mark! Diba Mark?" Sambit ni June.

"Oo.. sasama ako.. syempre.. *He..hehe.." Tugon ni Mark.

Matapos magsalita ay agad napatingin si Mark kay Annie.

"Pupunta kame sa bahay ni Annie?! Whoa! Ano kaya ang itsura ng kwarto niya?" Sambit ni Mark derekta sa kaniyang isipan.

Agad namang napansin ni Annie na tinitignan siya ni Mark, kaya tinanong na niya ito.

"May problema ba Mark?" Tanong ni Annie.

"*Ahh.. Wala.. wala.. Napapaisip lang ako kung gaano kaganda ang bahay nyo.. *He..hehe.." Tugon ni Mark.

"Simple lang naman ang bahay ko dito sa Odin city, hindi tulad ng bahay na'min sa loob ng Ceto city." Sambit muli ni Annie.

"Kung ganon, sasama din ako." Sambit ni Selina.

"Kung nasaan si Rain, dapat nandoon din ako, kaya sasama ako." Sambit ni Lina.

"Selina, Lina, wala ba kayong ibang gagawin, katulad nina Aron, Alex at David?" Tanong ni Annie.

"Parang ayaw mo yata kaming pasamahin ah?" Sambit muli ni Selina

"Hindi naman sa ganon, nagtatanong lang naman ako. *He..hehe.." Sambit muli ni Annie.

Wala namang paki-alam sa kaniyang paligid si Lina at masaya lang itong naglalakad habang katabi si Rain.

Nang malakabas ang magkakaibigan ay agad ng humiwalay sina Aron, David at Alex. Samantala, ang mga natira naman ay nagsimula ng maglakad patungo sa bahay nina Annie.

Samantala, hindi kalayuan sa bahay nina Rain ay kasalukuyang naglalakad si Driego. Binabalak kasi niyang kausapin ang sinasabing kumupkop kay Rain, dahil wala siyang impormasyon tungkol sa pagkatao nito. Hindi pa rin kasi niya nakakausap ang kanilang clan leader, dahil wala siyang oras para dito. Busy kasi siya masyado sa kaniyang trabaho bilang guro sa Olympus university.

May ilang minuto lang ang lumipas ay narating na ni Driego ang bahay nina Rain. Agad naman siyang kumatok at ilang sandali pa nga ay may isang babae ang nagbukas ng pinto.

"Sino sila?" Sambit ni Rachelle.

Subalit laking gulat ni Rachelle matapos makitang ang anak niya. Mas lalo namang nagulat si Driego, dahil kamuka nito ang kaniyang ina nung mga nasa ganitong edad ito. Subalit ang hindi niya alam ay si Rachelle talaga ang tunay niyang ina.

"Ina? Ay sorry! Kayo ba ang kapatid ni Rain Esfalls?" Tanong ni Driego.

"Oo, ako nga. Bakit mo naman natanong anak?" Tugon ni Rachelle.

"Anak? Teka?! Wag pong sabihin ikaw nga yan, ina?!" Sambit muli ni Driego.

Napatakip na lang sa kaniyang mata si Rachelle at matapos nito ay muli na siyang nagsalita.

"Haaay! Haaay! Ang mabuti pa ay pumasok ka na sa loob, bilis!" Sambit muli ni Rachelle.

Agad naman pumasok si Driego sa loob ng bahay at kalaunan ay nagtungo sila sa may sala upang doon ipagpatuloy ang kanilang pag-uusap.

"Ikaw nga ba talaga yan ina?" Tanong ni Driego.

"Oo, ako nga ito!" Tugon ni Rachelle.

Sandaling natahimik si Driego at kasabay nito ay namugto ang kaniyang mga mata, matapos makakuha ng tugon.

"Inaaaaaa!" Sigaw ni Driego.

Mabilis na tumayo si Driego at kalaunan ay agad nitong niyakap ang kaniyang ina. Nainis naman si Rachelle sa ginawa ng kaniyang anak, kaya hindi na siya nakapagpigil pa.

"Itigil mo na nga yan! Hindi ka na bata!" Sambit ni Rachelle.

*** SFX: POOOOOOOOOOOOOINKS! ***

Matapos magsalita ay malakas na kinutusan ni Rachelle si Driego.

"Aray!" Sambit ni Driego.

Habang hinihimas ang kaniyang ulo ay mabagal na bumalik sa kaniyang upuan si Driego. At sa pagkakataong ito ay seryoso na itong nagsalita.

"Ano po ba ang nangyari sa misyon niyong tatlo nina uncle, bakit hindi na kayo nagbalik sa travincial? At bakit ang bata naman ng itsura nyo ngayon?" Tanong ni Driego.

"Ang dami mo namang tanong, pero nabigo kami sa misyon na'min." Tugon ni Rachelle.

"Iyon po ba ang dahilan kung bakit hindi na po kayo bumalik at kinailangan nyong itago ang pananatili nyo dito sa loob ng travincial? Ganon po ba ina?" Tanong muli ni Driego.

"Ganon na nga, anak." Tugon muli ni Rachelle.

"Saan nyo naman po nakuha si Rain? At bakit kinailangan nyo pong isekreto ang pagiging isang mythical shaman niya?" Tanong muli ni Driego.

"Sa pagkakatanong mong yan ay mukhang hindi pa nakakarating sayo ang balita." Sambit muli ni Rachelle.

"Anong balita po iyon, ina?" Tanong muli ni Driego.

"Na si Rain ay ang ika-apat na reincarnation ni Zenon Reign Icarus." Tugon muli ni Rachelle.

Ikinagulat ni Driego ang kaniyang nalaman at sa mga sandaling ito ay napagtanto niya, na kaya nagawa ni Rain ang "Berserker slash" at hindi pagsailalim sa kapangyarihan ni Alex ay sa kadahilanang siya ay isang mythical shaman ng phoenix.

"Nauunawaan ko na po ngayon kung bakit ang lakas ng batang iyon." Sambit muli ni Driego.

"Makinig ka anak, gusto kong protektahan mo si Rain katulad ng pagprotekta na'min ng uncle mo sa kaniya. At makakabuting ilihim mo muna ang tungkol dito at sa pananatili ko dito." Sambit muli ni Rachelle.

"Masusunod po ina, pero may isang tanong na lang po ako." Sambit muli ni Driego.

"Ano na naman ang tanong mo?" Tugon ni Rachelle.

"Bakit hindi po kayo tumanda at mas bata ang itsura nyo ngayon?" Tanong ni Driego.

"*Hahahaha! Isa iyong sekreto!" Tugon muli ni Rachelle.

Labis namang napaisip si Driego, dahil hindi ito sinabi ng kaniyang ina. Matapos mag-usap ay masayang umalis ng bahay si Driego. Samantala, habang kasalukuyang naglalakad patungo ang magkakaibigan sa bahay ni Annie, may isang lalaki ang nagpakita sa kanila.

"Kamusta kayo? Ako nga pala si Tyki Stronghold." Sambit ng isang lalaki.

Matapos marinig ni Lina ang pangngalan ng lalaki ay mabilis itong pumunta sa harapan ni Rain at inihanda ang sarili para makipaglaban.

Nagtaka naman ang magkakaibigan sa ikinilos ni Lina, hanggang sa magsalita na nga ito.

"Umalis na kayo dito, isa siya sa mga namumuno sa Yami clan! Si Tyki Stronghold, ang Minotaur!" Sambit ni Lina.

Chapter end.


Afterwords.

Pagpasensyahan nyo na  po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..

Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to.. 

 Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..

Susunod.

Chapter 24: Hindi inaasahan - Pagdakip.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top