Chapter 22: Phoenix - Zelin Reign Icarus.

Sa ngayon ay masayang nagku-kwentuhan ang magka-kaklase, subalit ilang sandali pa ay napansin na ni Aicy na nawawala na si Rain, kaya agad na itong nagsalita.

"Nasaan si Rain?" Tanong ni Aicy.

"Nag-CR lang, pabalik na siguro yun." Tugon ni Mark.

"*Ahh! Okay, ngayon ko lang kasi napansin na wala siya dito." Sambit muli ni Aicy.

"Teka, nasaan si Rein? Wag nyong sabihing nag-invi na naman yun." Sambit ni Khaye.

"Oo nga no, hindi ko na rin siya napansin. Pero saan naman kaya siya nagpunta?" Sambit muli ni Aicy.

"Nag-aalala tuloy ako para kay Rain, baka naligaw na yon." Sambit ni Annie.

"Ako rin, kinukutuban ako ng hindi maganda. Mark, June, puntahan nyo na sa CR si Rain. At tawagan nyo na lang kami pagnakita nyo na siya." Sambit ni Selina.

"Bakit hindi na lang na'tin tawagan si Rain? Para masubukan na'tin itong mga bilini na'ting cell phone." Sambit ni Aron.

"Oo nga no! Kahit papaano pala ay ginagamit mo yang utak mo, Aron!" Sambit ni June.

Matapos magsalita ay mabilis na tinawagan ni June ang number ni Rain. Ngunit ilang sandali pa ay laking gulat nila matapos makita ang isang cell phone na kasalukuyang tumutunog sa may lamesa. At sa mga oras nga na yon ay nalaman nilang cell phone yon ni Rain.

"Bugok na Rain yun! Iniwan pa ang cell phone niya. Okay let's proceed to Plan B." Sambit ni Selina.

Samantala nagkatinginan na lang ang magkakatabing babae, dahil napaisip ang mga ito sa Plan B na sinasabi ni June.

"Anong Plan B yang sinasabi mo June?" Tanong ni Annie.

"*Hah...haha! Pupuntahan na na'min siya sa CR! Ano pa bang paraan ang iniisip nyo?" Tugon ni June.

*** SFX: POOOOOOINKS! ***

"Araaaay!" Sambit muli ni June.

Agad napahawak sa kaniyang ulo si June, dahil malakas siyang kinutusan ni Annie dito.

"Bilisan nyo na, baka kung saan na napunta si Rain." Sambit muli ni Annie.

"Okay!" Tugon ni June.

Ilang sandali pa ay nagtungon na sina Mark, Aron at June sa CR upang hanapin si Rain. Subalit ng makarating nila ang banyo ay hindi na nila nakita si Rain. Sa mga sandaling ito ay agad tumawag si Mark gamit ang kaniyang cell phone para ipaalam sa mga kaibigan ang tungkol dito. Matapos makatawag ay agad naghiwa-hiwalay ang tatlo upang hanapin si Rain. Nakaramdam ng pag-alala ang magkakaibigan, lalo na si Selina na kinutuban ng masama.

Samantala, kasalukuyang nasa labas ng 2nd entrance at exit gate ng mall si Rain. Sa mga sandaling ito ay napatitig siya sa magandang babae na sa tingin niya ay tinitignan siya. Ngunit ilang sandali pa ay agad siyang napalingon sa loob ng mall, dahil naisip niyang baka nag-aalala na ang kaniyang mga kaibigan sa kaniya. Sa pagkakataong ito ay naisipan niyang maglakad na pabalik, ngunit nakaka-ilang hakbang pa lang siya ay agad siyang napahinto matapos makita ang babaeng nakatingin sa kaniya kanina. Sa labis na pagtataka ay muling napalingo si Rain sa lugar kung saan niya huling nakita ang babae, subalit wala na ito doon kaya hinarap na niya ito at kalaunan ay nagtanong.

"*Umm.. Miss, may problema po ba?" Tanong ni Rain.

Subalit hindi siya kinibo ng magandang babae at kalaunan ay ngumiti lang ito. Ilang sandali pa ay agad kinuha nito ang kaniyang kamay at kalaunan ay hinila siya nito papalabas. Ikinagulat niya ang bagay na ito, kaya muli na siyang nagsalita.'

"Ano, miss.. Hindi ko po alam kung saan nyo ako dadalin, pero kailangan ko na pong bumalik sa mga kaibigan ko. Baka po kasi nag-aalala na sa'kin ang mga yon." Sambit ni Rain.

Muli ay hindi tumugon ang babae hanggang sa makarating sila sa may gilid ng mall. Halos walang taong nagpupunta dito, kaya umaasa na si Rain nang mga kasagutan. Ngunit ilang sandali pa ay agad siyang na-alerto, dahil may ilang mga kalalakihan ang pumalibot sa kanila.

"*Fufufu.. Kung sini-swerte ka nga naman talaga.. Mga kasama, mukhang tiba-tiba tayo ngayon! *Hahaha!" Sambit ng isang lalaki.

Agad nakaramdam ng panganib si Rain, dahil hindi mukhang mga mababait ang mga nilalang na nakapalibot sa kanila.

"Ibigay nyo na lang sa'min ang lahat ng pera at mga alahas nyo. Para hindi na na'min kayo saktan. *Fufufufu.." Sambit muli ng lalaki.

"*Tsk! At paano naman kung ayaw na'min?" Sambit ni Rain.

"*Fufu.. Kung ganon ay gagamitan na na'min kayo ng dahas! Sugod mga kasama!" Sambit muli ng lalaki.

Mabilis na nagsuguran ang mga lalaki patungo kina Rain. Samantala, agad hinanda ni Rain ang kaniyang sarili para makipaglaban.

"*Tsk! Pasensya na ate, pero ang mga ito ang nauna. Alam kong mauunawaan mo ang gagawin ko. Ipagtatanggol lang ang sarili ko at ang kasama ko." Sambit ni Rain dereketa sa kaniyang isipan.

Subalit bigla siyang natigilan matapos makita ang magandang babae na nakangiti lang at parang walang paki alam sa kung ano ang mangyayari sa kanila. Hanggang sa ilang mga hakbang na lang ang layo ng mga lalaki ay mabilis nitong iwinasiwas ang kaniyang kanang kamay.

"** BLAZE! **" Sambit ng babae.

Matapos magsalita ng babae ay mabilis nagliyab ang mga lalaking pasugod sa kanila. Agad napahinto ang mga ito at kalaunan ay nagpagulong-gulong sa lapag. Ngunit ilang sandali pa ay hindi na gumalaw ang mga ito, hanggang sa tuluyan na silang naging abo.

Napaatras ng ilang mga hakbang si Rain, dahil batid niya ang skill na ginamit ng babae. Pamilyar siya dito dahil isa ito sa natatangi niyang skill bilang mythical shaman ng phoenix.

Samantala, matapos makita ng lalaki ang nangyari sa kaniyang mga kasama ay mabilis na itong napatakbo. Subalit sadyang mabilis ang babae at kahit si Rain ay hindi na namalayan na nasa harapan na ito ngayon ng lalaking tumakbo. At dala ng labis na pagkagulat ay agad napatakbo na lang pabalik ang lalaki.

Sa pagkakataong ito ay napangiti na lang ang babae at kalaunan ay bahagyang inangat ang kaniyang kanang kamay na sa ngayon ay nakatapat sa lalaking tumatakbo.

"** INFERNO! **" Sambit ng babae.

Isang mahabang apoy ang lumabas sa kamay ng magandang babae at kalaunan ay tumama sa lalaking tumatakbo. Mabilis nitong nasunog ang lalaki, kaya agad itong naggulong-gulong sa daan. Ngunit may ilang sandali pa ay hindi na ito gumalaw at kalaunan ay natuluyan na ring maging abo.

Sa mga sandaling ito ay mabagal ng naglalakad papalapit kay Rain ang magandang babae. Samantala, hindi naman alam ni Rain ang kaniyang gagawin kaya inalerto na lang niya ang kaniyang sarili.

"Sino ka?" Tanong ni Rain.

Agad napahinto ang babae sa kaniyang paglalakad at kalaunan ay nagsimula na itong magsalita.

"Hindi mo na ba ako naalala, kuya Zenon?" Tanong ng babae.

"Kuya Zenon?! Kung ganon ay tama nga ang hinala ko, isa ka ding mythical shaman ng phoenix." Sambit muli ni Rain.

"Mukha nga talagang hindi mo na ako naaalala, kuya. Nakakalungkot, dahil kahit ang naging ikatlong Zenon ay hindi ako kinilala bilang kaniyang kapatid. Sana naman kilalanin mo na ako ngayon, kuya Zenon." Sambit muli ng babae.

"Sabihin mo, sino ka bang talaga? Isa ka ba sa kasapi ng Yami clan?" Tanong muli ni Rain.

"Tama ka, ako nga ay kasapi sa Yami clan na binuo mo. At ako ang iyong nakababatang kapatid, si Zelin Reign Icarus." Sambit muli ni Zelin.

*** Zelin Reign Icarus. Hindi tukoy ang kaniyang edad, subalit hindi ito bababa sa tatlong daang taon. Ngunit ang kaniyang anyo ay nanatiling bata at mukhang nasa mid 20's lang ito.

Slim at nasa magandang hubog ang katawan ni Zelin, nasa 5'5" ang kaniyang taas, maputi at makinis ang kaniyang balat, kulay pula ang mahaba niyang buhok. At maganda ang kaniyang pyutsur! (if you know what I mean :3). ***

Batid ni Rain ang posibilidad na si Zelin ang babaeng kausap niya ngayon, dahil na rin sa nakita niyang kapangyarihan nito. Subalit nagulat pa rin siya matapos nitong magsalita.

"Ako ang bumuo ng Yami clan?" Tanong ni Rain.

"Tama! Ikaw kasama si kuya Zilan ang bumuo ng Yami clan. Kaya sumama ka na sa'kin kuya, dahil ito ang pangarap mo. Ang pangarap na sakupin ang mundo." Sambit muli ni Zelin.

Muli ay sandaling natahimik si Rain, dahil na rin sa labis na pag-iisip buhat sa mga narinig niya kay Zelin.

"Wala na akong pakialam kung ako man ang isa sa bumuo ng Yami clan, dahil hindi na ako ang dating Zenon na nakasama nyo. Iba na ang pagkatao ko! At ang pangarap na sinasabi mo, hindi ko yon pangarap. Dahil pangarap yon ng naging ikalawang ako!" Sambit ni Rain.

"Kasalanan lahat ito ni Zeus, sisiguraduhin kong pagbabayaran niya ang pagpatay sayo, kuya." Sambit muli ni Zelin.

"At salamat sa kaniya, dahil naitama niya ang landas na maling tinahak ng dati kong pagkatao." Sambit muli ni Rain.

"Teka, si Zeus ang pumatay sa akin? Akala ko ba si Hades?" Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo, kuya. Kung naaalala mo lang sana ang ginawa ng mga tao sa taong minahal mo, natitiyak kong pagsisisihan mo ang mga sinasabi mo ngayon." Sambit muli ni Zelin.

Ikinagulat muli ni Rain ang kaniyang mga narinig at sa ngayon ay naguguluhan na siya. Gusto pa sana niyang magsalita, ngunit hindi na niya ito natuloy dahil may narinig siyang pamilyar na boses na sumisigaw.

"Raain! Hoy Rain! Nandito ka ba?!" Sigaw ni June.

"June?" Sambit ni Rain.

"Kuya Zenon, sumama ka na sa'kin. Para sayo ang ginawa na'ming ito! Para sa paghihiganti mo sa mga taong pumaslang sa taong mahal mo!" Sambit muli ni Zelin.

"Kalimutan mo na ang pangarap ng dating Zenon, mas mabuti kung ititigil nyo na ito. Pakiusap." Tugon ni Rain.

"Hoy Rain! Andyan ka lang pala, alam mo bang kanina ka pa na'min hinahanap?" Sigaw ni June.

Agad napalingon si Rain sa kaibigan at kalaunan ay tinugon ito.

"Pasensya na, naligaw kasi ako eh." Sambit ni Rain.

"Paano ka ba napunta dito? Tara na nga at kanina pa nag-aalala ang iba sa pagkawala mo." Sambit muli ni June.

Matapos magsalita ni June ay agad na itong nagsimulang maglakad pabalik. Samantala, labis na nagtaka si Rain dahil hindi man lang napansin ni June ang babaeng kasama niya. Sa mga sandaling ito ay mabilis niya itong nilingon, subalit hindi na niya ito nakita pa.

"Kaya pala hindi siya napansin ni June, nawala na pala siya." Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.

"Hoy Rain! Ano pa hinihintay mo dyan?! Tara na at kanina pa sila nag-aalala sayo!" Sigaw muli ni June.

"Oo, Andyan na!" Tugon ni Rain.

Ilang sandali pa ay sumunod na si Rain kay June, hanggang sa makabalik na sila sa kanilang mga kaibigan. Agad naman silang sinalubong ng kanilang mga kaibigan, matapos silang makita ng mga ito.

"Hoy Rain! Saan ka ba nagpunta? Tapos iniwan mo pa tong cell phone mo!" Sambit ni Annie.

"Sorry, nakalimutan ko kasi kung saan ako dumaan eh." Tugon ni Rain.

"Sigurado ka bang walang masamang nangyari sayo?" Tanong ni Selina.

"*Uhm! Wala namang nangyaring masama." Tugon muli ni Rain.

"Mabuti naman kung ganon." Sambit ni Krystine.

Napangiti na lang si Rain matapos marinig ang mga sinabi ni Krystine. Samantala, batid ni Selina na may nangyaring kakaiba kay Rain, dahil na rin sa masamang kutob na naramdaman niya kanina.

"3:00 pm na pala, hindi pa ba tayo uuwi? 3 hours pa kasi ang byahe na'tin pabalik eh." Sambit ni Mark.

"*Hmm.. Siguro nga it's time na para umuwi tayo." Sambit muli ni Annie.

Matapos magsalita si Annie ay sandaling naupo si Rain, ngunit labis siyang nagtaka matapos may mahawakan malabot na bagay sa kaniyang tabi.

"Teka ano 'to? Ang lambot at ang kinis." Sambit ni Rain.

Dala ng labis na pagtataka ay hinamas-himas niya ito, hanggang sa isang kakaibigan tinig ang kanilang narinig.

"*Ahhh!"

Nagulat ang lahat ng may marinig silang sexy voice na nagmulala sa tabi ni Rain. At ilang sandali pa ay biglang lumitaw si Rein sa tabi nito. Samantala, nalaman na ni Rain ang malambot at makinis na bagay na nahahawakan niya, at ito ay ang hita ni Rein.

"Rein? Kanina ka pa ba dyan?" Tanong ni Rain.

"*Uhm! Kaya kung pwede ay alisin mo na ang kamay mo sa hita ko." Tugon ni Rein.

Dahil na rin sa sinabi ni Rein ay mabilis ng inalis ni Rain ang kaniyang kamay sa hita nito. Samantala, muli ay nakaramdam ng panganib para sa kaniyang sarili itong si Rain, dahil bigla siyang nakaramdam ng masamang aura sa kaniyang paligid. Batid na niya kung saan ito nagmumula, kaya kasabay ng kaniyang paglunok ay marahan na niya itong nilingon.

"*Umm! Ano, magpapaliwanag ako!" Sambit ni Rain.

*** SFX: PA...PA...PA...PAAAAAK! ***

Hindi na nagawa pang magpaliwanag ni Rain, dahil agad na siyang ginulpi nina Annie at Selina. Samantala, nagbulag-bulagan na lang ang makakaibigan at pati na rin sina Khaye, dahil batid nilang posibleng mapagbalingan pa sila kung pipigilan nila ang dalawa.

Makalipas ang ilang minuto.

"Ano na ang plano nyo ngayon?" Tanong ni Khaye.

"Siguro uuwi na kami sa Odin city. Kayo? Saan na punta nyo ngayon?" Sambit ni Annie.

"Sa sunday pa kami babalik sa Odin city. Dito muna kami mamalagi hanggang bukas ng umaga." Sambit muli ni Khaye.

"Sabagay, nandito nga pala ang clan base nyo, ang Forest fairy clan. Tama ba ako?" Sambit ni David.

"Yup. Dito nga nakabase ang Forest fairy clan, kaya dito talaga kami nakatira sa Ceto city." Sambit muli ni Khaye.

"Papaano naman si Aicy? Diba nasa Gaia city ang base ng kanilang clan?" Tanong ni Mark.

"Oo, nasa Gaia city nga ang clan base na'min. Pero dito muna din ako, kasama sina Khaye sa kanila. Ganon din si Rein." Sambit ni Aicy.

"*Ahh! Okay, mabuti naman kung ganon." Sambit muli ni Mark.

Mga ilang minuto pa ay nagpasya na ang magkakaibigan na umuwi, kaya naman hinatid na sila nina: Krystine, Khaye, Rein at Aicy sa labas ng mall.

"Whoa! Andito na muli yung sasakyan nina Annie! Laging on-time ang driver nyo ah!" Sambit ni June.

"Tama na yan June at sumakay ka na!" Sambit ni Annie.

Mabilis nagsakayan ang mga magkakaibigan at bago tuluyang umalis ay nagpaalam muna ang mga ito sa naiwan nilang mga kaklase.

Samantala, habang kasalukuyang umuusad ang sinasakyan ng grupo nina Rain ay patuloy pa rin sa paghahanap itong si Roby sa kanila.

Chapter end.


Afterwords.

Pagpasensyahan nyo na  po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..

Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to.. 

 Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..

Susunod.

Chapter 23: Minotaur - Tyki Stronghold.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top