Chapter 2: Mermaid - Selina Oceanus

Kasalukuyang naglalakad sina Rachelle at ang sutil nitong kapatid, si Rain patungo sa principal office upang dito ay magtanong kung maaari pang makapag-enroll. Medyo malaki ang unibersidad, kaya nagpatulong na sila sa isa sa mga istudyante upang mapabilis sila. Ngunit nakakapagtakang ang lahat ng mga istudyante ay nakatingin sa kanila habang sila ay naglalakad.

"May problema ba sila? Bakit nakatingin silang lahat sa'tin?" Medyo inis na pagkakasambit ni Rain.

"Wag mo na lang silang pansinin, hindi kasi sila sanay ng may bumibisitang taga labas dito sa school na'min." Tugon ng isang lalaki.

"Rain, wag na wag kang magsisimula ng gulo dito, hindi ka pa man istudyante dito ay baka sipain ka agad kapag nakipag-away ka at pag nangyari yon, hinding-hindi na kita pag-aaralin pa." Sambit ni Rachelle.

"Okay, okay! I get it. *Tssss!" Inis na pagkakasambit muli ni Rain.

Nawala lang ang inis ni Rain nang bigla niyang makita ang magandang babaeng nakita niya kanina, kaya naman dali-dali na niyang tinanong yung istudyanteng tumutulong sa kanila tungkol dito.

"*Umm.. Ano ang pangngalan nung magandang blonde na babaeng yon?" Sambit ni Rain.

Agad namang hinanap nung istudyanteng kasama nila ang babaeng tinutukoy ni Rain.

"*Ahh! si Krystine? Sobrang sikat siya dito sa campus." Tugon ng lalaki.

"Hindi na nakakapagtaka. Krystine.. What a nice name!" Nakangiting pagkakasambit ni Rain.

Mga dalawang minuto ang lumipas ay tuluyan na nilang narating ang principal's office.

"Okay nandito na po tayo." Sambit nung istudyante.

Matapos magsalita ay agad kinatok ng istudyante ang pinto at matapos noon ay nagpaalam na ito kina Rachelle. Nagpasalamat naman si Rachelle sa malaking tulong na ginawa ng istudyante sa kanila, samantalang si Rain ay tulala pa rin.

Sa pagbukas ng pinto ay agad nilang nakita ang principal ng naturang paraalan na nakaupo sa harap ng lamesa nito. Sa gilid ng lamesa ay may nakalagay ang pangngalan, "Zeus Olympus". Hindi napigilan ni Rain ang ma-ngiti matapos mabasa ang pangngalan ng prinsipal, dahil nasa isipan niyo na masayadong makaluma ang pangngalan at apelyido nito.

"Good after noon po sir. Ako nga po pala si Rachelle Esfalls at ang kasama ko naman po ay si Rain Esfalls. Ask ko lang po sana kung maaari ko pa po bang mai-enroll dito ang kapatid ko sa school nyo." Sambit ni Rachelle.

"Magandang hapon din, ako nga pala si Zeus Olympus ang prinsipal ng paaralan ito at "Oo", maaari pa siyang makapag-enroll, pero baka manibago siya dito. Hindi kasi ito ordinaryong paaralan na katulad ng mga napasukan niya dati. Kung tutuusin ay meron din naman kaming mga ilang tao na nag-aaral dito. *Hmm.. sana nga lang malakas katawan ng kapatid mo, sabagay malalaman din naman niya kung bakit, pag nagsimula na siya sa klase. *Hahaha!" Sambit ni Zeus.

Sandaling natahimik sina Rain at Rachelle matapos marinig ang mga sinabi ng principal sa kanila.

"Ilang mga tao? Ang dami nyo nga pong istudyante eh. At kung sa lakas naman po ng katawan ay masasabi kong malakas talaga ang katawan ko! *Hahaha!" Sambit ni Rain.

"Magaling, meron kasi kaming duel event dito sa school. Kung saan maglalaban-laban ang mga representante nang bawat year and section para malaman ang kanilang magiging rank. Mahalaga ang rankings na ito sa paaralan, dahil dito ay makakagamit ka nang mga restricted area na para lang sa mga nakakuha ng mataas na rank sa event na ito. Ang event duel ay laging ginaganap kada taon." Sambit muli ni Zeus.

"Talaga po? Wow! Saktong sakto po! Ito na ang the best school na papasukan ko!" Masayang pagkakasambit ni Rain.

"Okay, then its settled. You may enroll now and you will start on Monday." Sambit muli ni Zues.

Matapos mag-usap ay inasikaso na nila ang mga papeles na kailangan, para legal na makapasok ng paaralan si Rain. Sobrang saya ni Rain habang naglalakad sila palabas. Muli ay napansin niyang nakatingin muli ang mga istudyante sa kanila, ngunit hindi na niya ito pinansin pa at iniisip na lang na sana ay makilala na niya si Krystine.

Hindi maalis ang ngiti ni Rain habang ito'y patuloy sa paglalakad. Sa mga oras na ito ay hindi na niya kasama ang kaniyang kapatid, dahil bumalik na ito sa trabaho matapos nilang manggaling sa paraalan.

Ilang sandali pa ay hindi na namalayan ni Rain na nasa ibang lugar na pala siya at hindi ang lugar na napuntahan niya ngayon ang pabalik sa kanilang bahay. Maraming gusali ang kaniyang nakikita, kaya naman binalak niyang pumasok sa isa sa mga ito upang dito ay makahanap ng taong matatanungan. Hanggang sa isang magandang babae ang biglang lumabas sa gusaling binabalak niyang puntahan. Mabilis itong tumatakbo at kasunod nito ay may ilang mga kalalakihan din ang lumabas at mukhang hinahabol nila ang babae.

Sa sobrang gulat ay napatakbo na rin si Rain at sumunod sa mga lalaking humahabol sa babae. Kahit hindi niya alam ang tunay na pakay ng mga lalaki sa babae ay buo pa rin ang isipan nito na tulungan ang babae kahit ito ay tunay na nagkasala sa mga lalaking humahabol sa kaniya.

Sadyang mabilis tumakbo ang babae at bigla nga itong lumiko sa isang eskenita. Agad naman itong sinundan ng mga lalaki, gayon din si Rain. Ngunit ng makaliko ay bigla siyang napahinto, dahil nakita niyang wala palang lagusan ang naturang eskenita.

"Hindi ka na makakatakas pa sa amin, kaya sumama ka na! Isa kang mahalagang kagamitan para sa aming panginoon." Sambit ng isa sa mga lalaki.

Hindi nagustuhan ni Rain ang kaniyang mga narinig at sa pagkakataon iyon ay napagtanto ni niya na tama ang kaniyang ginawang pagsunod.

"Bagay? Hindi tamang tawagin isang "mahalagang kagamitan" ang isang tao, lalo na sa isang babaeng walang kalaban-laban." Malakas na pagkakasamit ni Rain.

Agad napalingon sa kanilang likuran ang mga lalaki matapos nilang marinig ang sinabi ni Rain.

"At sino ka naman?" Sambit ng isa pa sa mga lalaki.

"Wag mo yang pansinin. Isa lang yang hamak na taong nag-aastang bayani." Sambit ng isa sa mga lalaki.

"Hamak na tao? Bakit hindi nyo kaya ako subukan." Sambit muli ni Rain.

Matapos magsalita ay agad ng sumugod si Rain sa mga ito. Samantala, habang tumatakbo siya pasugod ay napansin niya na hindi man lang naghanda ang lalaking sinusugod niya, kaya lalo siyang nakaramdam ng galit para dito.

"Matapang ka, ngunit hindi mo alam ang pinasok mo, tao. Kaya naman pagbibigyan kitang matamaan mo ako." Sambit ng lalaking sinugod ni Rain.

*** SFX: PAAAAAAAAAAAAK! ***

"Kung ganon, ito ang pinakamalaking pagkakamali mo!" Sambit muli ni Rain.

Kasabay ng kaniyang pagsasalita ay malakas na tumama ang kaniyang kanang kamao sa mukha ng lalaki. At sa lakas ng pagkakasuntok niya ay napatalsik ang lalaki at kalaunan humapas sa pader. Laking gulat ng mga kasama nito at pati na rin ng babaeng nais iligtas ni Rain.

"Pasensya ka na, masyado mo kasi akong minaliit." Sambit ni Rain.

Matapos magsalita ni Rain ay hinarap naman niya ang iba pang mga lalaki, subalit nagtaka siya dahil nakangiti lang ang mga ito. Hanggang sa..

*** SFX: BLAAAAAAAAG! ***

Isang malakas na sipa ang tumama sa likod ni Rain dahilan upang tumalsik siya patungo sa lugar kung nasaan ang babaeng nais niyang iligtas.

"Saan nanggaling ang pag-atakeng yon?" Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.

"Aamin kong nagulat ako sa lakas ng pagsuntok mo. Siguro matutuwa din ang aming panginoon kung isasama ka na'min. At kahit hindi ka isang Satyr tulad na'min ay natitiyak kong malaking pakinabang ang aming mapapala sayo." Nakangiting pagkakasambit ng lalaki.

*** Note: Ang Satyr ay isang class-B na mythological creature, ang anyo nito ay kalating tao at kalahating kambing. Mabibilis at maliliksi ang mga ito, malakas din ang kanilang mga binti at sa isang sipa lang nila ay maaari na itong makatibag ng isang malaking pader na may sukat na, isa hanggang apat na talampakan. Magaling din silang gumamit ng mga sandata katulad ng: Ispada, sibat, palakol, at kung ano-ano pang short-combat weapon. ***

"Satyr? Wag nga kayong magpatawa? Kung iyan ang tawag sa samahan nyo ay masasabi kong pangit pakinggan! *Heheh..*Cough! *Cough!" Sambit ni Rain.

Habang nagsasalita ay pilit bumabangon si Rain, hanggang sa tuluyan na siyang makatayo.

"Sadya nga talagang pinapahanga mo ako, dahil nakuha mo pang tumayo matapos kitang sipain ng malakas. *Hahaha! Nasisiguro kong matutuwa si panginoon sa amin, kung isasama ka na'min kasama ni Selina, ang Mermaid. Alam kong naguguluhan ka sa mga pinagsasabi ko, pero mauunawaan mo rin ang lahat ng ito sa oras na maging alipin ka na'min. *Buwahaha!" Sambit muli ng lalaki.

"*Cough! *Cough! Miss, pasensya ka na at sadyang malalakas ang mga taong humahabol sa sayo. Pero may naisip na akong plano para makatakas ka sa mga panget na yan. Sa pagbilang ko ng tatlo ay tumakbo ka na paalis dito at wag kang mag-alala, dahil pipigilan ko silang mahuli ka." Mahinang pagkakasambit ni Rain.

"Malakas? Ang mga satyr na yan? Wag mo nga akong patawanin. Sinandya kong pumunta dito para hindi sila makatakas sa gagawin kong pag-atake. Pero nagulat ako at bigla kang lumitaw na para bang isang bayani, kaya pinanood ko muna ang mga gagawin mo. Napabilib mo ako sa iyong tapang at lakas. Para sa isang tao, masasabi kong hindi ka pangkaraniwan." Nakangiting pagkakasambit ng babae.

Nabigla si Rain at hindi lubusang maunawaan ang sinasabi ng magandang babae sa kaniya. Hanggang sa nilapit ng babae ang mukha nito sa kaniya.

"Takpan mo ang mga tenga mo, bilis." Bulong ng babae.

Hindi lubusang naunawaan ni Rain ang mga sinasabi ng babae, kaya hindi niya ito sinunod. Ilang sandali pa ay may narinig na siyang isang magandang tinig. Napatitig siya sa magandang babae na umaawit ng isang magandang himig na hindi naman niya lubusang maunawaan, dahil kakaibang lenggwahe ito. Gayunpaman ay sobrang nakakaakit ang boses nito, kaya hindi niya napigilan na pakinggan ito.

Matapos umawit ay may narinig muli si Rain na sinambit ng babae at matapos niyang marinig ito ay napansin niyang naglalaban-laban na ang mga lalaking humahabol dito. Hindi niya maunawaan ang nangyayari sa kaniyang paligid at pati na rin sa kakaibang pakiramadam ng kaniyang katawan sa ngayon. Muli ay sinubukan niyang titigan ang magandang babae, ngunit bago pa siya tuluyang makalinggon sa mukha nito ay may narinig siyang muli na sinambit nito. At sa pagkakataong iyon ay nawalan na siya ng malay.

Chapter end.

Susunod

Chapter 3: Mythical Shaman - Mga nilalang na may makapangyarihan

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top