Chapter 19: Shaman fight - isa laban sa isa! Rain versus Ryan.

Isang malaking itim na fenrir ang lumabas sa usok. Labis na nagulat ang lahat matapos itong makita, subalit ikinamangha naman ito ng iba.

"Wow! Isang black fenrir! Ang laki at ang ganda!" Sambit ng isang lalaki.

"Ang cooool! Siguro katapusan na ni Rain ngayon! *Hahaha!" Sambit ng katabi nito.

*** SFX: POOOOOINKS! ***

"Aray sino yon!" Sambit muli ng lalaki.

Agad niyang hinanap ang taong pumukol sa kaniya at ilang sandali pa ay may nakita siyang isang babae hindi kalayuan sa kaniya.

"Tumahimik ka! Dahil kung hindi, ikaw ang tatapusin ko!" Sigaw ni Annie.

Agad nagalit ang lalaking tinamaan at binalak nitong na puntahan si Annie, subalit bigla siyang napaatras matapos niyang makita ang mga nanlilisik na mata ni Selina habang nakatitig sa kaniya. Samantala, biglang nakaramdam ng kaba ang iba pang mga kaibigan ni Rain matapos nilang makitang nagpalit na ng anyo si Ryan.

Mabalik tayo nagaganap na paglalaban. Hindi inaalis ni Rain ang kaniyang dipensa habang pinagmamasdan niya si Ryan.

"Kung ganon, ito na pa pala ang sinasabi ni June na nakita niya dati." Sambit ni Rain.

"*Fufufu! Dapat ikatuwa mo ito, dahil isang karangalang mapatay sa anyo ng isang mythical creature! *Gurahahaha!" Sambit ni Ryan.

"Wag mo nga akong patawanin, pusa! Ngayon pa lang magsisimula ang tunay na laban!" Sambit muli ni Rain.

Matapos magsalita ni Rain ay ibinuka ni Ryan ang kaniyang bibig at ilang sandali pa ay may namuong linawang dito. Samantala, naalerto naman si Rain, kaya agad na niyang inihanda ang kaniyang sarili.

"** BLACK FENRIR's ROAR! **" Sambit ni Ryan.

*** SFX: Psssssssttt.. BOOOOOOOOOOOOOOOM! ***

Sobrang bilis ng pagtama nang ginawang pag-atake ni Ryan, dahilan upang magdulot ito ng makapal-usok gawa ng mga alikabok. Ngunit sadyang mabilis ang reflexes ni Rain, kaya hindi siya tinamaan. Mabilis siyang nakatalon para makaiwas sa ginawang pag-atake ni Ryan sa kaniya.

"Muntik na ako doon ah!" Sambit ni Rain derekta sa kaniyang isipan.

Sa ngayon ay nasa loob ng makapal na alikabok si Rain at dahil dito ay hindi niya alam kung nasaan si Ryan. Ngunit ilang sandali pa nga ay biglang may isang mabilis na liwanag ang mabilis na bumutas sa makapal na alikabok at kalaunan ay tumama ito sa kaniya.

*** SFX: Psssssssttt.. BOOOOOOOOOOOOOOOM! ***

"*Waaaaaaaaa!" Sigaw ni Rain.

Sa lakas ng pag-atakeng tumama kay Rain ay tumilapon ito at kalaunan ay kumaladkad sa lupa. Samantala, mabilis namang sumugod at kalaunan ay tumalon si Ryan patungo sa kaniya.

"Rain umilag ka!" Sigaw ni Mark.

Narinig ni Rain ang sigaw ng kaniyang kaibigan, ngunit huli na ang lahat dahil ng makita niya si Ryan ay pabagsak na ito sa kaniya.

*** SFX: BOOOOOOOOOOOOOM! ***

Muling napasigaw si Rain, dala na rin sa lakas ng pag-atakeng kaniyang tinamo mula kay Ryan. Sa ngayon ay kasalukuyan siyang tapak-tapak ni Ryan.

"Paglalaruan muna kita, bago kita patayin! *Fufufu!" Sambit ni Ryan.

*** SFX: BAAAAAAAAG! BAAAAAAAAG! BAAAAAAAAG! BAAAAAAAAG! ***

Kasalukuyang paulit-ulit na tinatapakan ni Ryan si Rain. At sa mga puntong ito ay unti-unti ng nawawalan ng malay si Rain, gawa ng malalakas na pag-atekeng tinatanggap niya at ang mga pag-atakeng ito ay labis ng pumipinsala sa kaniyang katawan. Napaiyak na lang ang kaniyang mga kaibigan, habang pinapanood ang ginagawa sa kaniya.

"Tama na yan!" Sigaw ni Annie.

Sa pagkakataong ito ay saglit na huminto si Ryan at kalaunan ay napatingin ito kay Annie.

"Oi, oi, oi! *Fufufu.. Mukhang magandang tanawin ang nakikita ko ngayon! Bakit hindi mo tinggnan, Rain Esfalls!" Sambit ni Ryan.

*** SFX: BAAAAAAAAG! ***

Matapos magsalita ay muling inapakan ni Ryan nang pagkalakas-lakas si Rain. Ikinagulat naman ito ng magkakaibigan. Samantala, napasigaw na lang muli si Rain dahil sa labis na sakit at sa ngayon ay wala siyang magawa. At kahit unti-unti nang nawawalan ng malay si Rain ay napatingin ito sa kaniyang mga kaibigan. At sa mga oras na ito ay hindi na rin niya napigilang umiyak. Ikinatuwa naman ni Ryan ang kaniyang mga nakikita sa ngayon.

"Whoi! Whoi! Whoi! Umiiyak ka?! Bakit, masakit ba? *Gurahahaha!" Sambit muli ni Ryan.

Matapos magsalita ni Ryan ay huminto na ito sa ginagawa niyang pag-atake. Ngunit ilang sandali pa kinagat nito ang kaliwang braso ni Rain at kalaunan ay inangat niya ito. Matapos niya itong gawin ay agad niya itong iniharap sa mga kaibigan nito.

Samantala, si Rain ay kasalukuyan pa ring umiiyak, kaya mas lalong naiyak ang mga kaibigan nito. Napapangiti na lang si Ryan habang pinagmamasdan ang mga kaibigan ni Rain, ngunit ilang sandali pa ay may narinig siyang sinasabi ni Rain.

"*Gulp! Pagbabayaran mo ang pagpapaiyak sa mga kaibigan ko. ** PHOENIX.. STORM! **" Mahinang pagkakasambit ni Rain.

Napangiti na lang si Ryan matapos marinig ang sinabi ni Rain. Ngunit ilang sandali pa labis siyang nagulat matapos biglang mag-apoy ng buong katawan ni Rain.

"Ano ang nangyayari?!" Tanong ni Ryan derekta sa kaniyang isipan.

*** Note: Ang Phoenix storm ay isang mataas na uri ng pag-enchant ng mga phoenix. Sa paraang ito ay magliliyab ng kasing init ng araw ang buong nilang katawan, na mas kilala sa tawag na Supernova Aura.

Ang skill na ito ay ginagamit upang dumipensa at ipang opensa. Ngunit lubhang mapanganib ang skill na ito, dahil posibleng hindi kayanin ng katawan ng isang phoenix kung mababa pa ang level class nito at dahil dito ay posible nila itong ikamatay. ***

Samantala, kahit sobrang init ay hindi pa rin binibitawan ni Ryan ang pagkakagat niya sa braso ni Rain, bagkus ay mas nilakasan pa niya ang pwersa sa pagkakakagat niya dito. At dahil sobrang lapit ni Rain sa kaniyang ay hindi na niya napansing na nakahanda na pala itong sumuntok.

"Tanggapin mo to! ** NORTH STAR IMPACT! **" Sigaw ni Rain.

*** SFX: BOOOOOOOOOOOOOM! ***

"*Guraaaaa!" Sigaw ni Ryan.

Sa pagkakataong ito ay napabitiw na si Ryan sa pagkakakagat at mabilis na niyang kinusot ang kaniyang kaliwang mata. Subalit hindi na ito makakakita sa ngayon, dulot ng pinsala sa ginawang pag-atake sa kaniya ni Rain.

"Ikaw!" Sambit muli ni Ryan.

Samantala, matapos makababa ni Rain ay mabagal itong naglakad patungo sa lugar kung nasaan ang kaniyang sandata. Nang marating ay agad niya itong dinampot at matapos noon ay tinitigan niya ng masama si Ryan.

"*Grrrr! Magbabayad ka!" Sigaw ni Ryan.

Matapos sumigaw ay mabilis na nitong sinugod si Rain. Ngunit sa kalagitnaan ng kaniyang pagsugod ay biglang siyang napahinto, matapos biglang mawala si Rain sa kaniyang paningin. Mabilis na napalingon sa kaniyang kaliwa si Ryan at doon nga ay nakita na niya na mabilis ng pasugod sa kaniya si Rain.

"** INFINITE BERSERKER SLASH! **" Sigaw ni Rain.

*** SFX: *Slash! *Slash! *Slash! *Slash! *Slash! *Slash! *Slash! *Slash! *Slash! *Slash! ***

"*Guraaaaaaaaa!" Sigaw muli ni Ryan.

Sa pagkakataong ito ay natigil sa pag-iyak ang magkakaibigan, matapos makita ang ginagawa ni Rain. Samantala, kahit hindi ipinapakita ni Selina ang kaniyang pag-aalala ay batid nito na sa pagkakataong ito ay matatapos na ang laban. Ngunit ang ipinagtataka niya ay kung papaano nabawi ni Rain ang lakas nito, gayong halos mawalan na ito ng malay kanina.

Mabalik tayo sa ginagawang pag-atake ni Rain. Kasalukuyang nasa itaas na siya ni Ryan at binabalak na niyang ibigay dito ang huli niyang pag-atake. Ngunit ilang sandali pa ay unti-unti ng lumiliit ang anyo ni Ryan at kalaunan ay bumalik na ang itsura nito sa normal. Kasunod nito ay mabilis ng bumagsak si Ryan at sa pagkakataong ito ay batid na niya ang kaniyang tagumpay.

"Hindi pa ako tapos! ** CHAOS METEOR! **" Sambit ni Rain.

"Wag mong ituloy Rain!" Sigaw ni Mark.

Sa mga oras na ito ay agad inihinto ni Rain ang gagawin sana niyang huling pag-atake. At kasabay ng kaniyang pagbaba ay nawala na ang apoy na bumabalot sa kaniyang katawan at sa pagkakataong ito ay nagsigawan na ang mga manonood.

"Wooooooooooooooooooo!" "Ang gandang laban!" "Ang lakas pala ni Rain!" "Huhuhu! Talo ako sa pustahan!" "Akin na ang 3 Gold ko! Wahahaha!" "Hoy! Tumawag na kayo ng Nurse-elf!" "Ang Luuuupet! Ganito sana ang laban sa susunod na duel event!" "Ayooooooooos panalo ang pusta ko!"

Samantala, mabilis na naglapitan ang mga kaibigan at mga manonood kay Rain. At nang malaman na ni Rain na tapos na ang laban ay napa-upo na lang ito sa labis na pagod.

"Raaaaain!" Sigaw ni Annie.

Nang tuluyang makalapit ang magkakaibigan ay mabilis na niyakap ni Annie si Rain.

"Akala na'min katapusan mo na kanina!" Sambit ni Annie.

"Oo nga! Saan at papaano mo nakuha ang lakas mo kanina nung kagat-kagat ka ni Ryan? Wag mong sabihing may lakas ka pa talaga ng mga oras na yon?" Sambit ni Aron.

Matapos magsalita ni Aron ay dahan-dahan ng tumayo si Rain, samatalang marahan naman siyang inalalayan ni Annie.

"Ang totoo talaga nyan ay halos mawalan na ako ng malay sa labis na sakit na nararamdaman ko habang inaatake ako ni Ryan. Pero biglang nawala ang mga sakit na yon, matapos kong malunok yung mga luha ko. Nagtataka nga rin ako kung bakit eh." Tugon ni Rain.

Sa mga oras na yon, ay nagulat sina Selina, Mark at Alex. At ilang sandali pa ay nagmadali ng lumapit si Selina at kalaunan mabilis na sinuri ang katawan ni Rain. Ngunit laking gulat niya matapos malamang konti na lang ang mga bakas ng pinsala sa katawan ni Rain.

"Teka ano ang nangyayari? Bakit hindi grabe ang mga pinsala sa katawan ni Rain?" Tanong ni Selina derekta sa kaniyang isipan.

"Teka Selina, ano ba ang ginagawa mo? Medyo masakit pa ang katawan ko, kaya pwede bang itigil mo na yan?" Sambit ni Rain.

"Wag kang mag-alala, sinusuri ko lang ang katawan mo." Tugon ni Selina.

"Isa ngang phoenix si Rain, dahil napagaling ng mga luha niya ang ibang mga pinsala sa kaniyang katawan." Sambit ni Mark derekta sa kaniyang isipan.

"Wag mong sabihin, isang phoenix itong si Rain?" Tanong ni Alex derekta sa kaniyang isipan.

"Whoi Selina! Ang mabuti pa ay dalin na na'tin si Rain sa clinic para magamot siya doon." Sambit ni June.

Sa mga oras na ito ay itinigil na ni Selina ang ginagawa niyang pagsuri sa katawan ni Rain at sa ngayon ay tinitigan niya ito.

"Selina?" Sambit ni Rain.

Ngunit biglang natahimik ang lahat matapos halikan ni Selina si Rain na labis ding nagulat.

"*EEEHH!?" Sigaw ng lahat.

May apat na segundo ang itinagal ng ginawang paghalik ni Selina.

"Te..te..teka! Ang daya mo Selina!" Sambit ni Annie.

"*Huh?!" Sambit ni Selina.

Samantala, tuluyan nang nawalan ng malay si Rain, dahil sa hindi malamang dahilan. At sa mga sandaling ito ay mabilis na inakay ng ilan sa mga manonood si Rain at mabilis na itong dinala sa clinic. Samantala, kasalukuyang tinititigan ni Mark ang walang malay niyang pinsan.

"Aron, June." Mahinang pagkakasambit ni Mark.

Agad namang napalingon ang dalawa kay Mark.

"Bakit Mark?" Tanong ni June.

"Tulungan mo akong buhatin si Ryan sa clinic." Sambit muli ni Mark.

"*Huwe?! Ba..ba..ba..bakit? Hindi ba't ayaw mo sa kaniya?!" Sambit muli ni June.

"Tama ka, pero kapamilya ko pa rin siya." Sambit muli ni Mark.

Matapos magsalita ni Mark ay agad ng pinasan ni Aron si Ryan sa kaniyang likuran.

"Okay! Tara na!" Sambit ni Aron.

"Maraming salamat, Aron." Sambit muli ni Mark.

Ilang sandali pa ay mabilis na silang sumunod sa clinic.

Chapter end.


Afterwords.

Pagpasensyahan nyo na  po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..

Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to.. 

 Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..

Susunod

Chapter 20: Gorgon - Lina Gordania.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top