Chapter 17: Shaman fight - Tatlo laban sa isa! Rain versus Ryan, Sese at Zeg.

Mabilis kumalat ang balita tungkol sa magaganap na shaman fight sa pagitan nina Rain, Ryan at ang dalawa pang kaibigan nito sa buong campus. Naging usap-usapan din ito sa loob ng classroom nina Rain, kaya naiinis si Lami Lamuen (guro nila sa "Human History and Culture") Habang nagtuturo, dahil sa sobrang ingay na nagagawa ng kaniyang mga istudyante.

"Magsi-tahimik kayo! Kayong tatlong na Eyesdrap! Malibang kay Saru, Labas!" Sigaw ni Lami.

*** Lami Lamuen. 30 years old at isa siyang mythical shaman ng Lamia. Kadalasan siyang masungit at istrikto dahil hilig talaga niya ang pagtuturo. At ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang nasisira ang kaniyang konsentrasyon habang nagtuturo na siya.

Slim ang pangangatawan ni Lami, nasa 5'6" ang kaniyang taas, maputi ang kaniyang balat at kulay itim na nasa katamtamang haba ang kaniyang buhok. ***

*** Note: Ang Lamia ay isang class-B na mythological creature, hindi nalalayo ang itsura nito sa isang gorgon. Kalahating tao at kalahating ahas na may apat na mga braso ang anyo ng isang Lamia. Mabibilis at malalakas din ang mga ito, ngunit hindi hamak na mas mabilis at malakas sa kanila ang mga gorgon. Ngunit gayunpaman ay delekado pa rin ang mga Lamia, dahil sa makamandag na lason na kanilang nalilikha. Magaling din silang gumamit ng mga one-handed na sandata, tulad ng Ispada at mga punyal. ***

Samantala, walang nagawa ang tatlo sa mga Eyesdrap matapos sila ay naglalakad papalabas ng kanilang classroom.

"Mr. Esfalls! Paki paliwanag nga ang mga sinasabi ko!" Sambit muli ni Lami.

Agad namang tumayo si Rain at kalaunan ay mabilis na sinagot ang tanong ng kaniyang guro. Sa pagkakataong ito ay lahat biglang natahimik ang mga kaklase niya at halos ang lahat ay napatitig sa kaniya. Samantala, namangha naman si Lami nang maipaliwanag ni Rain ang mga leksyong kakabanggit lang nito.

"Magaling, Mr. Esfalls! Makakaupo ka na." Sambit muli ni Lami.

Kahit mukhang hindi inaalala ni Rain ang magiging shaman fight mamaya ay labis namang nag-aalala sina Annie at Selina tungkol dito. Wala silang kaalam-alam sa mga nangyayari, ngunit batid nila na nagawa ito ni Rain para sa dalawa pa nilang kaibigan, sina June at Mark.

Nang matapos na ang huling klase ay agad nagpuntahan ang mga iba't-ibang istudyante nang campus sa harapan ng field upang panoorin ang magaganap na shaman fight. At sa sobrang dami ng mga manunuod, pati sa may rooftop ay may mga istudyante, upang dito sila manood sa magaganap na shaman fight.

Samantala, nauna ng lumabas si Ryan nang kanilang classroom at agad na nitong pinuntahan ang kaniyang mga kaibigan. Habang si Rain ay naiwan upang kausapin ang kaniya ding mga kaibigan.

"Rain! Bakit mo hinamon sa isang shaman fight si Ryan? Alam mo bang mataas na ang level-class niya?" Tanong ni Annie.

"Wag kang mag-alala, Annie. Gugulatin ko kayong lahat mamaya." Tugon ni Rain.

"Alam kong may mabigat kang dahilan para umabot sa ganito ang lahat, pero sana mag-ingat ka. Hindi ordinaryong mythical shaman si Ryan." Sambit ni Selina.

Ilang sandali pa ay lumapit sa kanila sina Khaye at Aicy. At nang makalapit ay agad silang kinausap ng mga ito.

"Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak mo, pero galingan mo sa laban, Rain! Wag mo na ding alalahanin kung bakit absent si Krystine, dahil nagtungo sila sa aming clan sa Ceto city." Sambit ni Khaye.

"Ganon ba, maraming salamat, Khaye." Tugon ni Rain.

"Sana talunin mo yung hambog na Sese na yon! Ang kapal ng mukha niya para ayain si Krystine na makipag-date! At matagal na din akong naasar kay Zeg! Ang bastos kasi ng lalaking yon! Pabagsakin mo sila ah!" Sambit ni Aicy.

"Ipakita mo sa kanila ang bunga na pagsasanay na'tin kagabi! *Huhuhu! Naaawa ako para sa mga makakalaban mo! *Huhuhu!" Sambit ni Aron.

Agad natinginan ang magkaklase kay Aron matapos marinig ang mga sinabi nito.

"Papanoorin ko ang magiging laban nyo, kaya sana ay gulatin mo akong muli sa mga ipapakita mong kapangyarihan." Walang emosyong pagkakasambit ni Alex.

"Alex!" Sambit ni Annie.

Napatingin na lang si Rain kina June at Mark at nang makita ang patango ng mga ito ay nagsimula na siyang maglakad patungo sa field kung saan magaganap ang shaman fight sa pagitan niya, ni Ryan at ang dalawa pang kaibigan nito.

May ilang minuto ang lumipas ng marating nila ang field, ngunit laking gulat nila matapos makitang sobrang daming istudyante ang nais manood sa magaganap na paglalaban. Ilang sandali pa ay nakita na nila ang tatlo sa gitna ng field, kaya marahan ng naglakad patungo dito si Rain.

"Mabuti naman at nagpakita ka, Rain Esfalls!" Sambit ni Zeg.

"Hoy kambing! Tumahimik ka! Mamaya ay susunugin na kita, kaya mag-iingat ka sa mga sinasabi mo!" Tugon ni Rain.

Agad namang na-badtrip itong si Zeg sa mga narinig niya kay Rain, kaya balak na niya itong sugurin.

"Sandali na lang Zeg at makukuha mo na ang paghihiganti mo! Handa ka na ba Rain Esfalls? *Fufufu! Sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang ginawa mong ito." Sambit ni Ryan.

"Ang dami mong satsat! Simulan na na'tin ang shaman fight!" Sambit muli ni Rain.

Matapos magsalita ni Rain ay naghiyawan na ang mga istudyanteng nanood.

"Wooooooooooooo!" "Simulan na! Simulan na!" "Ayos! Oy, ung pusta ko na sandali lang ang labang ito ah!" "Oh, yung hahabol pa sa pustahan! Magpalista na kayo sa'kin!" "Wooooooooo laban na!"

Agad naglayuan ang mga kaibigan ni Rain sa kaniya at binigyan ng malaking puwang ang mga maglalaban ng mga istudyanteng nanood. Sa pagkakataong ito ay medyo dehado si Rain sa laban, dahil bukod sa tatlo na ang mga ito ay may mga sandata pa silang gamit. Samantala, batid ni Mark na mangyayari ito kaya mabilis siyang naghanap ng sandatang maaaring gamit ni Rain. Mabuti na lang at may isang estudyante sa kanilang tabi ang may dala ng isang ispadang kahoy. Agad niya itong hiniram dito at matapos mahiram ay agad niya itong ibinato kay Rain.

"Rain! Kunin mo ito!" Sigaw ni Mark.

*** SFX: Wolo..wolo..wolo..wolo..wolo.. ***

Agad namang nasalo ni Rain ang sandata at kasunod nito ay agad siyang nagpasalamat sa kaibigan.

"Maraming salamat dito, Mark!" Sambit ni Rain.

Matapos magsalita ay agad pumorma si Rain at kasunod nito ay nakangiti na itong nagsalita.

"Ano pa ang hinihintay nyo? Sugod na!" Sambit muli ni Rain.

"Ikaw!" Galit na pagkakasambit ni Zeg.

Gamit ang sandata niyang falchion ay galit at mabilis na sumugod si Zeg. Samantala, habang tumatakbo si Zeg ay nagsimula ng maghanda si Rain.

"Tama yan, Kambing! ** ENCHANT! INFINITE BURNING KATANA! **" Sambit muli ni Rain.

Mabilis na nagliyab ang kanang braso ni Rain at kalakip nito ay mabilis na nabalutan ng apoy ang kahoy na katana na hawak-hawak niya. Ngunit hindi nasindak si Zeg at ipinagpatuloy lang nito ang kaniyang pagsugod.

"Tanggapin mo to! ** Weapon Break! **" Sambit ni Zeg.

Halos ilang pulgada na lang ang layo ay tatama na ang ginawang pag-atake ni Zeg. Ngunit laking gulat niya ng biglang nag-step back si Rain, dahilan upang maiwasan nito ang ginawa niyang pag-atake. At dahil sa bigat ng momentum sa ginawa niyang pag-atake ay hindi agad niya nasundan ng isa pang pag-atake ang nauna at nagminitis niyang pag-atake kay Rain. Samantala, hindi na pinalampas ni Rain ang pagkakataong ito, kaya halos kasabay ng kaniyang pag-iwas ay bumwelo na siya para sa gagawin niyang pag-atake.

"Tikman mo 'to! ** ORION SLASH! ** " Sambit ni Rain.

Dahil sa bilis ng mga pangyayari at sa bigat ng momentum sa ginawang pag-atake ni Zeg ay hindi na niya magagawang umiwas pa.

"Sh*t!" Sambit ni Zeg derekta sa kaniyang isipan.

*** SFX: BOOOOOOOOOOOM! ***

Agad tumilapon si Zeg matapos tamaan ng unang pag-atake ni Rain, ngunit habang kasalukuyan siyang lumilipad (Mga limang hakbang ang layo sa una niyang pwesto.) ay mabilis siyang hinabol ni Rain at nang maabutan ay muli siyang inatake nito.

*** SFX: BOOOOOOOOOOOM! ***

Muli ay tinamaan si Zeg sa ginawang pag-atake ni Rain, dahilan para mas mapabilis ang pag tilapon nito. Subalit mas lalo pang binilisan ni Rain ang kaniyang pagtakbo para mahabol si Zeg, (mga walong hakbang ang layo sa pangalawang beses na tinamaan niya ito.) at nang maabutan niya ito ay muli niya itong inatake sa huling pagkakataon.

*** SFX: BOOOOOOOOOOOM! ***

Sa pagkakataong ito ay hindi na hinabol pa ni Rain ang pagtilapon ni Zeg, dahil sobrang bilis na ng pagtilapon nito. Mabilis na lumilipad patungo sa direksyon nina Sese at Ryan ang nagliliyab na si Zeg. At nang halos isang hakbang na lang ang layo nito sa dalawa ay biglang may isinigaw si Rain.

"** IGNITE EXE! **" Sigaw ni Rain.

Matapos magsalita ni Rain ay agad niyang inis-snap ang kaniyang daliri at kasunod nito ay isang malakas na pagsabog.

*** SFX: *Snap! BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOM! ***

Labis na nagulat ang lahat matapos sumabog si Zeg habang mabilis itong patungo sa kaniyang mga kaibigan. Samantala, naalerto naman sina Sese at Ryan, kaya bago pa man sumabog si Zeg ay mabilis na silang nakatalon papalayo dito.

Dahil sa malakas na pagsabog ay nakalikha ito ng makapal na alikabok. Sa ngayon ay hindi matukoy ng lahat ang tunay na kalagayan ni Zeg, dahil nasa loob ito ng makapal alikabok. Hanggang sa ilang sandali pa ang lumipas ay tuluyan ng nawala ang alikabok, subalit laking pagtataka ng lahat, dahil hindi na nila makita pa si Zeg at tanging sandata na lang nito ang naiwan. Sa pagkakataong ito ay batid na ng lahat na patay na si Zeg at ang malala pa nito ay tuluyan na itong naging abo sa naganap na pagsabog. Ilang sandali pa ay hindi na napigilan ng mga manunuod ang kanilang naramdaman, kaya napasigaw na ang mga ito.

"Wooooooooooooooo! Ang lupet noon, Rain!" "Ang bangis, napatay niya yung Zeg!" "Ang cool ng pag-atakeng yon!" "Ang astig mo, pre!" "Hoooy! Pupusta akong mananalo si Rain!" "Hoooy ako din, pupusta!!"

*** Note: Ang "ORION SLASH" ay isa sa mga resulta sa ginawang pagsasanay ni Rain kasama si Aron, sa tulong ng kaniyang master at ng kaniyang ate.

Sa unang pag-atake ay titilapon ang kalaban, dahil sa pagsabog na nalilikha ni Rain sa mapapagitan ng "IGNITE". Mabilis niyang susundan ang tumalsik na kalaban at aatakehing muli sa kaparehong paraan, ngunit higit na mas malakas ito sa unang pag-atake. At matapos noon ay uulitin niya ito at gagawin ng mas malakas sa una at ikalawang pag-atake. At sa huli, habang mabilis na lumulipad ang kalaban ay muli niya itong papasabugin gamit ang "IGNITE EXE". (x5 ng Ignite ang lakas nito.) At doon na matatapos ang orion slash na binubuo ng tatlong magkakasunod na bituin. ***

Samantala, hindi makapaniwala ang mga kaibigan at kaklase ni Rain, matapos masaksihan ang ginawa nitong pag-atake.

"Si Rain ba talaga yon?!" Tanong ni Annie.

"Ang lakas.." Sambit ni June.

"Ito na ba ang kapangyarihan ng mythical shaman ng phoenix?" Tanong ni Mark derekta sa kaniyang isipan.

"Kailan pa lumakas si Rain ng ganito?" Tanong ni Selina derekta sa kaniyang isipan..

"Woooooooooooo! Tama yan! Yan ang bunga nagpasasanay na'min kagabi! Woooooooooooo!" Sigaw ni Aron.

Samantala, mabalik tayo sa nagaganap na paglalaban. Labis na nagulat sina Sese at Ryan matapos malamang wala na ang kanilang kaibigan.

"Ikaw!!" Galit na pagkakasambit ni Sese.

"Isusunod na kita! Sese hampaslupa! At matapos noon ay ikaw naman, Ryan!" Sambit ni Rain.

Chapter end.


Afterwords.

Pagpasensyahan nyo na  po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..

Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to.. 

 Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..

Sorry po kung medyo late na ang update.. napadota kasi ako xD.

Susunod.

Chapter 18: Shaman fight - dalawa laban sa isa! Rain versus Ryan at Sease.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top